You are on page 1of 1

JULYO 22 2019 nang ginanap ang state of the nations address ni

pangulong Rodrigo Duterte. Ang sona ay naging usap usapan sa buong


pilipinas dahil maraming issue sa bansa ang nakapaloob dito. Sa sonang
ito nakapaloob ang lahat ng nagawa ng ating presidente pati na rin ang
mga hinaing niya tungkol sa ibang politiko, poyekto, at iba pang bagay
na makatutulong sa pagbabago ng ating bansa.
Bilang isang estudyante ay may mga nalaman at nadiskubre din
ako sa panonood at pakikinig sa sona kahapon. Isa na rito ang
patungkol sa mga ipinapatupad na proyekto sa pilipinas. Sa issue na ito
inihahayag ni pangulong Rodrigo Duterte na kailangan ay may sapat na
pondo para sa mga proyekto na ipinapatupad. Nabanggit niya rito na
dapat ay alam ng mga politiko kung dapat bang magpagawa ng
proyekto o nararapat bang gawin ito dahil dapat laging isaalang alang
ang pondo para sa gagawing ito. Sa aking pananaw ay tumpak ang
sinabi ng pangulo sapagkat ang pera nating mga mamamayan ay dapat
na napupunta sa mga makabuluhang proyekto na ikauunlad ng Pilipinas
at hindi dapat sa mga bulsa ng mga kurakot na politiko.
Sa sona 2019 ay nalaman natin ang lahat ng
napatupad,ipinapatupad at ipapatupad ng ating presidente, at sana
bilang mamamayan ay suportahan natin ang ating presidente sa lahat
ng Mabuti niyang ginagawa dahil hindi ito magiging matagumpay kung
walang kooperasyon sa pagitan ng mga mamamayan at ng mga
nakatataas sa atin. Lagi rin nating tatandaan na kahit estudyante palang
tayo ay dapat may pakialam na siya sa mga nangyayari sa Pilipinas at
dapat matuto na tayong ipahayag ang ating mga opinion at hinaing.
Patuloy nating suportahan ang pangulo sa natitira niyang 3 taon sa
pagiging presidente.

You might also like