You are on page 1of 12

Joana Marie Reyes Ms.

Eloisa Pramis
BSED IV English English 120

Mga Simpleng Bagay


Isinulat ni: Sarah Walker

“Sa edad na labinlimang taon, nakakarimarim ang buhay..


.. Ngunit kadalasan nangyayari ang di inaasahan”

Pagpapakilala
Pagpapakilala sa mga tao na sangkot sa ebolusyon ng nobelang iyo at sa
susunod, na talagang ang una. Ang aking pinakamalalim na pasasalamat sa
napakamapagbigay na si Dorothy Porter; at kay Amanda Lohrey para sa
pampatibay-loob na nagpanatili sa akin ng maaga. Gusto ko rin pasalamatan
ang lahat ng nagbabasa nito at ang iba pa at sinabi sa akin na magtiyaga: Jan
Hutchinson, Arabella Edge, Vicky Roach, Jill Rieger, David Cummings,
Linda Ogonowski, Sue Wannan, Elizabeth Perkins at Lyn Hughes. Salamat sa
aking ahente, Jenny Darling, kay Jenny Pauscaker (para sa pagkalat ng salita),
kay Jan at Julia, kay Nikki Christer at sa matalinong si Julia Taylor. Salamat
sa lahat sa UTS at Palomino Corral. At lalo na sa aking napakatalik na ina, na
nagturo sakin ng kasiyahan ng pagbabasa, na nagtype ng aking mga tula na
pipi at nagustuhan ang aklat na ito.
Unang Kabanata

Sabado ng gabi noon at ang aking mga magulang ay ganon padin. Mula sa
aking kama, aking naririnig ang kanilang boses na nanggagaling sa unahan ng
aming bahay –ang aking ina na sumisigaw, si Itay na nagbubuntong hininga.
Ako ay sobrang pagod upang making sa isa pang labanang ito, ang pangtalong
gabi sa isang lingo na pinanatiling gising ako. Pinikit ko ang aking mga mata
at sibukan sauluhin ang mga pattern ng plastic sa aking kisame. May tatsulok
sa bawat kantuhan na may mga paikot na parang mga ferns at, sa paligid ng
ilaw, makikita ang mga kupido na hinihipan ang kanilang trampeta at
tinitignan ang kanilang mga likuran.
Bago ko pa mapansin, bumukas ulit ang aking mga mata at tinititigan
ko na ang mga kupido imbis na alalahanin ko ang kanilang itsura habang
nakapikit. Nagsimula akong bumilang.
Napakatagal na noong nagsimula akong maging ganito, na sa sobrang
tagal ay di ko na maalala kung kalian. At nasira nito ang lahat. Si Mama ay
lagging nagtatanong kung bakit wala ako ni isang kaibigan para magpalipas
ng gabi sa bahay, at kung bakit hindi man lang ako nakikitulog sa ibang bahay
katulad ng ginagawa nya noong siya ay bata pa. Hindi naman ganon kahirap
isipin kung bakit, pero sa isang rason, hindi nya maintindihan kung bakit.
Lagi akong nagkakaroon ng problema magkaroon ng bagong mga
kaibigan, dahil una pa lang lahat sila ay inaakala na may mali sakin. Pero ang
totoo ay hindi ko gusto maging malapit sa iba dahil sa takot akong isang araw
magtanong sila kung pwede sila magpalipas ng gabi sa bahay.
Minsan naiisip kong masaya mag imbita ng kaibigan para matulog
samin- pero kapag naiisip ko yon, naaalala ko lamang ang pinakamasamang
gabi sa buhay ko, at dahil don itinitigil ko na ang pag iisip sa mga ganong
bagay.
Nangyari yun lahat noong ako’y labing-isang taong gulang o labin-
dalawa, dati noong nakatira pa kami sa dati naming apartment. Best friend ko
noon si Kirsty McKemmish na isa sa mga cool na bata sa aming paaralan.
Minsan mataray siya sa iba na ayaw niya pero ang lahat ay gusto siyang
maging kaibigan dahil siya ay masiyahin at maganda. Mayroon siyang
katangian na hahawakan ka nya sa iyong braso kapag nagsasalita at kapag
hindi ka nakinig sa kanya tatanggalin niya ang pagkakahawak niya sayo at
sisiguraduhin na makikinig ka ulit sa kwento nya. May pagkaweirdo siya pero
sa paraang cool.
Nakatulog na ako sa kanilang bahay ng ilang beses. Isang beses naman
kasama an gaming buong grupo, noong lahat kami ay nakaupo kahit gabing
gabi na, nakikinig sa kwento ng kaniyang ate tungkol sa mga kakatakutan at
dahil doon tinatakot naming an gaming mga sarili. Ang pangalawang beses ay
noong sinabi niya sakin na ako ang pinakagusto niya kaysa sa ibang matalik
na kaibigan niya na si Emma. Noon din oras na iyom, nagpunta ako sa kanila
at nagkaroon kami ng masayang gabing tinitignan ang malalaswang magasin
ng kaniyang Kuya. Ang pinakamasama doon ay muntikan na kaming mahuli
ng kaniyang Ina at nagkunwari kaming naglalaro ng tagutaguan. Sobrang saya
noon na ginagawa naming biro palagi ang nangyaring yon. Kung sino man
ang magsabi saming dalawa ng ‘Randy Candy’ ay bigla na lang kaming
tatawa ng pagkakalakas. Ayaw na ayaw non ni Emma.
Samantla, matapos ang ilang lingo, ang aming pamilya ay nagkaroon
barbecue party at inalok ko si Kirsty na tumuloy sa bahay kapalit ng
pagpapatulog niya sa akin sa bahay nila. Mabuti at wala ang aking bunsong
kapatid na si Bridget kaya naman masosolo naming ang kwarto ng kaming
dalawa lang. Nagkwentuhan kami at nahiga, kasamaang palad doon na
nagsimula.
Sa una nasa aming terrace lang ang aking mga magulang pero rinig ko
na ang kanilang simulaang pag aaway dahil doon pinagdadasal kong
makatulog na si Kirst bago pa lumalala lahat. Pero matapos ang sandal, nakita
ko na siyang gumagalaw at hindi mapakali. Alam kong gising na sya at
napabuntong hininga. Nakikinig din siya gaya ng ginagawa ko. Nagsisigawan
na sila Inay at Itay papasok ng bahay. Bumulong si Kirsty sakin na gusto na
niyang umuwi.
‘Hindi ba nag aaway ang mga magulang mo?’ tanong ko sa kanya.

‘Hindi’ simpleng sagot niya.


‘Kung ganon, masuwerte ka’ sabi ko, ‘Huwag ka mag alala matatapos din
yan’ dagdag ko.
‘Natatakot ako, gusto ko ng umuwi’ sabi niya.
Napilit ko siyang huwag pansinin ang ingay ng aking mga magulang ngunit
alam kong masama ang loob bya sa nangyari.
Kinabukasan, dali dali siyang umuwi at bago pa umalis ay may
ibinulong sakin.
‘Hinding hindi na ako babalik sa bahay niyo’ bulong niya.
At dahil doon napahiya ako at sumama ang loob ko. Kung hindi lang
siguro ako nagkaroon ng ganong mga magulang hindi siguro mangyayari
sakin yon.
Pagpasok ko sa paaralan, lahat nakatingin sakin at si Kirsty ay masama
ang tingin at hindi ako pinapansin. Lumapit ako sa kanya upang magtanong.
‘Bakit hindi mo ako pinapansin?’ tanong ko.
‘Bakit naman kita papansinin?’ sagot niya.
Doon pa lang alam ko ng may mali. Kaya napatulala ako at nag isip.
Bigla siyang tumawa ng malakas at hinawakan ang kamay ni Emma sabay
mayroon binulong. Naawa ako sa sarili ko habang tinitignan silang umalis
papalayo sakin. Napatakbo ako sa pinakamalapit na comfort room.
Napahagulgol ako ng malakas habang kinaaawaan ko ang aking sarili. Limang
minute. Limang minute akong tulala. Tumayo ako at inayos ang aking sarili.
Binalak ko na lang magpunta sa parke para magpahangin. Kailangan ko tuloy
lumiban sa klase dahil kina Kirsty at Emma. Ayoko silang makita dahil
panigurado ay sinisiraan na nila ako sa iba pa naming mga kaklase. Habang
nagmumun-muni ay bigla kong napansin ang isang kabayong puti. Tila
napukaw nito ang aking atensyon, nakakakalma at nakakaakit ang ganda ng
kulay nito. Ang maputing balahibo ay tila nang aakit at kumikinang habang
tinatamaan ng sinag ng araw.
Pangalwang Kabanata

‘Miss okay ka lang ba?’ tanong ng isang tinig na nanggagaling sa aking


likuran.
Napatingala ako at natulala sa isang mala-anghel na lalaki na nakatayo sa
aking likuran. Napakatangkad niya, maputi, matangos ang ilong at mapungay
na mata.
‘O-okay lang ako’ sagot ko ng kinakabahan. Ngayon lang ako nakakita
ng ganito kagwapuhan na lalaki sa personal. Para siyang artista kung titignan.
‘Mabuti naman kung ganon, kanina pa kasi kita pinagmamasdan at
mukhang malungkot ka’ sabi niya. ‘Patrick nga pala’ sabay abot ng kamay
niya sa akin para magpakilala. Inabot ko ang kamay niya para hindi ako
magmukhang suplada.
‘Laura Kennedy’ sagot ko pabalik sabay ngiti.
‘Anong ginagawa mo ditto mag isa sa parke?’ tanong niya.
‘Wala nagpapahangin lang, ikaw?’ tanong ko din sa kanya.
‘Pinag wawarm up ko si Nero e’ sagot niya.
Nagtaka ako dahil siya lang naman ang nakikita ko at wala nang iba pa.
‘Ha? Sinong Nero?’ tanong ko ng may pagtataka.
Itinuro niya ang kabayo at ngumiti sakin. ‘Siya, Siya si Nero. Ahahaha’ sagot
niya. Natawa ako dahil yun pala ang sinasabi niya, ang puting kabayo na
kanina ko pa nakikita.
‘Kala ko naman kung sino. Ahahaha’ sabi ko sabay nagtawanan na
kaming dalawa.
Nagkuwentuhan kami about sa kabayo na si Nero at iba pang mga bagay.
Hindi ko namalayan na hapon na pala at kailangan ko ng umuwi. Nagpaalam
na ako sa kanya at inimbitahan niya ako para bukas na magpunta ulit sa parke.
Ipakikilala niya daw ako kay Nero. Sana maging maganda ang bukas…

Nagising ako sa maingay na tunog nang aking alarm clock.


5:30 am.
Pinatay ko ang aking alarm clock at inimis ang aking higaan. Tumayo ako at
nagtungo sa banyo para maghilamos. Pagtapos noon ay nagtungo ako sa
kusina upang kumain. Nakita ko si Inay na nagluluto pa nan gaming almusal.
‘Morning Inay, si Itay?’ tanong ko habang nagkukusot ng aking mata.
Inaantok pa ata ako.
‘Nako, maagang umalis ang Itay mo. Kailangan niyang lumuwas para
asikasuhin ang mga proyekto nila.’ Sabi niya habang nagsasangag ng kanin.
Kumuha ako ng orange juice sa ref at naupo. Ininom ko paunti unti ang juice
ko habang inaantay matapos si Inay magluto.
‘Oh kain na tayo, tawagin mo muna ang kapatid mo’ utos niya.
‘Mamaya pa naman ang pasok non di ba, hayan na muna natin matulog’ sagot
ko.
‘Oo nga pala, sige hayaan mo na muna magpahinga. Kain na’ sabi niya.
Nag umpisa na kaming kumain at nagkwentuhan din tungkol sa balita. Ganito
lang ang routine naming kada umaga. Gigising. Babangon. Mag aalmusal.
Kaunting usap. Pagtapos noon ay kaniya kaniya na kami ng gagawin.
Pagtapos namain kumain, naghugas ako ng pinggan at inayos ang lamesa.
Nagwalis ng konti sa buong bahay at nagdilig. Matapos lahat nang aking
gawain ay nagpahinga ako saglit. Naalala ko pupunta nga pala ako ng parke.
Kaya naman dali dali akong nagpunta sa aking kwarto at nag handa ng
susuotin at naligo. Nagtuyo ako ng buhok gamit ang aking blower at nagbihis.
Nagtungo na ako sa parke at hinanap si Patrick. Hindi ako nahirapan silang
hanapin ni Nero dahil kakaunti lamang ang tao. Lumapit ako.
‘Hi Patrick!’ bati ko sa kaniya sabay kumaway.
‘Oh andyan kana pala, Hello!’ bati din niya. Nakita kong hinahimas
niya si Nero sa bandang ulo nito at tila inaayos ang takip sa mata.
‘Nero, ipakikilala ko sayo si Laura Kennedy, ang bago nating
kaibigan’ bulong niya kay Nero.
‘Akin na ang kamay mo, hawakan mo si Nero’ utos niya.
‘Wag ka mag alala di naman siya magagalita, napakabait na kabayo ni Nero.
Siya ang gusto ko sa lahat ng kabayo namin’ dagdag niya.
Hinawakan ko si Nero sa kaniyang puting buhok, napakalambot nito at
madulas.
‘Madami pa ba kayong kabayo bukod kay Nero?’ tanong k okay Patrick.
‘Oo madami, may rancho kami at hilig talaga ni Ama na mag alaga ng mga
kabayo.’ Sagot niya.
‘Talaga? Ilan ang alaga niyong kabayo?’ tanong ko ulit sa kaniya.
‘Labin-isa’ sagot niya.
‘Yung iba kasi ay inaalagaan para isali ni Ama sa karera at ang iba naman ay
ginagamit para sa mga delivery niya.’ kwento niya.
‘Ah ganon ba, kaya pala madami kayong alagang kabayo’ sabi ko.
‘Gusto mong sakyan si Nero?’ pag aalok niya sakin.
‘Ha? Pwede ba? Hindi kaya magalit si Nero sakin? Pagtatanong ko sa kaniya.
‘Hindi naman yan magagalit, gaya nga ng sabi ko si Nero ang pinakamabait
na kabayo samin’ sagot niya sa akin.
‘Kaya wag kang matakot, aalalayan naman kita’sabi niya ng may pag aalala
sakin upang pakalmahin ako.
‘First time ko kasing sasakay ng kabayo e, kaya natatakot ako. Pero dahil
sinabi mong mabait si Nero, sige susubukan ko.’ Ngiti ko sa kanya.
Inalalayan niya akong umakyat sa kabayo. Habang umaakyat hinawakan niya
ang aking kamay at iniakyat niya ako kay Nero. Kalmado at napakabait ni
Nero habang nakasakay ako sa kanya. Iniandar ni Patrick ang kabayo habang
alalay niya ako. Umikot ikot kami sa parke habang nagkukwentuhan din.
Nung tumagal tagal ay nakiusap na ako kay Patrick na bumaba na kay Nero
dahil baka pagod na ito at nakakahiya nadin.
‘Patrick, pwede mo na ba akong ibaba?’ tanong ko sa kanya.
‘Gusto mo na bumaba?’ tanong niya pabalik
‘Oo, nakakahiya kay Nero baka pagod na siya at masyado nadin mainit’ sabi
ko sa kanya ng may halong pag aalala kay Nero. Baka ito ay uhaw na at gusto
na magpahinga, ngayon na mataas ang tirik ng araw.
‘Okay sige ibababa na kita, humawak ka ng mabuti at aalalayan naman kita’
paalala niya sakin. Dahan dahan akong bumaba at hinawakan niya ang
bewang ko upang siguraduhin na hindi ako mahuhulog kay Nero.
‘Salamat Patrick, nag enjoy ako don ah’ pasasalamat ko.
Hinimas ko si Nero habang sinasabing ‘Ang bait naman ni Nero. Nako kapag
ganyan ka lagi baka paulit ulit na akong sumakay sayo niyan. Hahaha!’
Nagtawanan kami ni Patrick.
‘Nagugutom na ako, tara samahan mo akong bumili ng makakain’ alok niya
sakin.
‘Sige tara ako nagutom din e’ sabi ko.
Nagtungo kami sa pinakamalapit na stall na nagtitinda ng waffles at pancakes.
Bigla akong natakam sa aking nakita dahil ditto kumulo ang tiyan ko at
narinig iyon ni Patrick.
‘Hindi ka naman halatang gutom. Hahahaha!’ tawa niya.
Nahiya tuloy ako pero natawa din ako sa nangyari.
‘Ano gusto mo, waffles o pancakes?’ tanong niya.
‘Pancake ang akin, iyo baa no gusto mo?’ tanong ko pabalik sa kanya.
‘Pancake na lang din ang akin. Ano flavor gusto mo? Chocolate or Plain?
Pagtatanong niya sa akin.
‘Plain lang na may maple syrup’ sagot ko.
‘Ate, pabili po nang isang plain pancake na may maple syrup at isang
chocolate pancake na may maple syrup din.’ Sabi niya habang umoorder siya
sa tinder na mukha padin dalaga.
‘Okay po sir wait lang po’ sabi ng tindera.
‘Ate tsaka po pala dalawang order ng Pineapple juice’ dagdag niya sa tinder.
‘Noted po Sir’ sagot nito.
‘Halika upo muna tayo don’ sabay turo sa isang bakanteng upuan malapit sa
stall
Habang nag iintay ay nagkwento na siya tungkol sa sarili niya. Tatlo pala
silang magkakapatid at lahat sila ay lalaki. Ang Ina niya ay nagtatanim ng
mga magagandang bulalak para sa sarili nitong tindahan ng mga bulaklak.
Ang Ama naman niya ay abala sa pamamalakad ng kanilang rancho upang
mapanatili ang kagandahan nito at ang mga trabaho dito. Ang mga kapatid
niyang lalaki ay abala din pag minsan sa kani-kanilang gawain. Ang panganay
niyang kapatid na lalaki ay tapos ng Entrepreneurship upang makatulong sa
kanilang mga negosyo. Samantala ang isa niyang kapatid na lalaki na bunso
ay nag-aaral padin upang matapos ang kursong Management. Nakwento din
niya sa akin na tapos siya ng maraming kurso katulad ng Hotel Management
with Culinary Arts at Business Management.
Dumating na ang gaming inorder at sinimulan na naming kumain. Ang bango
ng pancakes lalong nakakagutom. Napakasarap ng pancake dito. Mukhang
babalik balikan ko ito.
‘Ang sarap naman nito!’ di ko na napigilan sabihin sa sobrang sarap ng
pancake.
‘Mabuti naman at nagustuhan mo, masarap talaga ang pancake dito’ sabi niya.
‘Oo nga e, baka umulit ako.’ Sabay tawa.
‘Wala naman masama umulit dito, talagang babalik balikan mo ito kapag
natikman mo na. Masarap kasi sila talaga magluto ng pancakes kahit waffles’
kwento niya sa akin.
At naubos na naming an gaming pancake ng masakit ang tiyan dahil sa
kabusugan. Napagpasyahan naming na umuwi muna at magkita na lamang uli
bukas. Ngayon, inanyahan naman niya ako sa kanilang ranho kung saan nais
niya na ipakita sa akin ang iba pa nilang kabayo at ang mga tanim na bulaklak
ng kaniyang Ina. Sabik na ako para bukas, tila di na ako makapan intay na
Makita ang kanilang rancho at ang tanim ng kaniyang Ina. Siguro ay
magaganda ang mga ito..
Pangatlong Kabanata

Nagsimula ang umaga na hindi maganda dahil ang aking Inay ay


inuutuasan akong magbantay ng bahay buong araw. Naalala ko na magkikita
nga pala kami ni Patrick ngayong lingo sa parke upang magpunta sa kanilang
rancho.
Paano na ito? Mag aantay sakin si Patrick panigurado. Nakakahiya naman na
hindi ako makakapunta ngayon. Kung may magagawa lang sana ako para
makatakas dito sa bahay..
Habang malalim na nag iisp kung paano makakatakas sa bahay ay siya
naman dating ni Inay at Bridget upang magpaalam na sakin para tumungo sa
kanilang lakad.
‘Anak ang mga bilin ko sa iyo ha tandaan mo at ‘wag mo kakalimutan’ wika
ni Inay.
‘Ate, yun nga palang mga sinampay ko makikisilong mamaya at baka umulan
ay saying naman kung mababasa pa ito’ pakiusap ni Bridget.
‘At sya pala, uhm. Wala na pala, ahaha. Salamat nga pala Ate’ dagdag niya.
‘Opo inay di ko makakalimutan mga bilin niyo sa akin’ sagot ko kay Inay.
‘Aba naman Bridget dapat naisilong mo na ang mga sampay mo ngayon, pati
ba naman yan iuutos mo pa sa akin?’ inis kong sinabi kay Bridget.
‘Basa pa kasi yung iba ate, hindi naman sila matutuyo kung ipapasok ko ka
agad at saka saying ang araw’ sagot niya.
‘Ano pa nga ba magagawa ko. Osige na ipapasok ko na lang mamaya kapag
tuyo na’ sagot ko sa kaniya.
‘Aalis na kami ng kapatid mo ha, ingat ka dito sa bahay at kung maaari ay
‘wag mong iiwan tong bahay dahil deilkado na ngayon at may mga
namamasok ng ibang bahay baka manakawan pa tayo’ wika ni Inay.
‘Opo inay hindi naman po ako aalis’ malungkot kong sagot kay Inay dahil
kahit gustuhin ko man na umalis ay hindi ko magagawang iwan ang bahay
para lang makipagkita kay Patrick at sumama sa kanilang rancho.
Siguro ay talagang hindi ako pinagbigyan ngayon at iniisip ko na lang
na may plano ang Panginoon para sa akin.
‘Ingat po kayo ni Bridget, Inay’ paalam ko sa kanila habang sinasaraduhan
ang pinto.
Upang malibang ay naglinis na lamang ako ng bahay. Inuna kong
hugasan ang mga pinagkainan naming kaninang umaga at nilinis ang kusina.
Sunod ko naming nilinis ang sala at tinanggalan ng mga agiw at gabok ang
mga nakadisplay na figurines at photo frames na nakalagay sa mga estante n
gaming sala. Pagkatapos nito ay nagtungo ako sa aming likod bahay upang
magpakain ng mga alaga naming bibe. Sunod kong ginawa ay ang pagdidilig
sa mga tanim na gulay ni Inay at sinugrado na walang kung anong mga peste
ang mga ito.
Pagkatapos ko sa likod bahay ay nagdiretso ako sa kusina upang
magluto ng tanghalian. Tumingin ako sa ref para maghanap ng maiuulam.
Manok.
Karne ng Baboy.
Gulay.
Ano kaya ang lulutuin ko? Pati ba naman ulam napakahirap mamili.
Kinuha ko ang gulay at ang manok. Nagsimula na akong maggayat ng mga
rekado. Matapos maggayat ng mga rekado ay nagsimula na akong magluto.
Ngayon lang ulit ako nakapagluto at talaga naman aaminin ko namiss koi to.
Hilig ko talaga ang magluto. Naalala ko pa nung una. Nakakahiya dahil hindi
ako maalam, lahat ng niluluto ko ay nasusunog. Kahit mga Salad na niluluto
ko ay salang sala sa lasa nila at talaga naman walang may balak kumain dito
sa bahay. Ngayon masasabi kong ang pag eensayo talaga ay nakakatulong ng
Malaki.
Natapos ko na ang aking niluluto at naghanda ng kumain. Hmm. Masarap na
siya kumpara dati. Nakakatuwa naman at talagang nahasa ako sa pagluluto.
Habang kumakain ay naalala ko si Patrick, sigurado na inaantay niya ako
ngayon sa parke kasama si Nero. Bigla akong naka isip ng magandang ideya.
Bakit hindi ko ipagluto si Patrick bilang paghingi ng pasensya dahil hindi ako
nakapunta ngayon sa kanya? Mukhang magandang ideya tong naisip ko ah.
Mag iisip na lang ako ng pwede iluto para makabawi naman sa kanya.
Sigurado matutuwa yon at si Nero. Hindi ko maiwasan mapangiti sa aking
naisip. Binilisan ko ang aking pagkain at hinugasan ko nadin ang mga plato at
pinaglutuan ko. Pagkatapos kumain at maghugas ay nagtungo ako sa aking
silid at namahinga ng saglit. Pagkapamahinga ay naligo ako at nagpatuyo
saglit ng aking buhok at nahiga. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala
ako..

‘Ayoko na makipagkaibigan sayo Laura, masyadong magulo ang pamilya


niyo at ayoko madamay’ wika ni Kirsty.
Naiiyak na ako.
‘Bakit ganyan ka Kirsty? Hindi ba nag aaway ang mga magulang mo?
Natural naman iyon sa mag asawa ah’ sagot ko sa kaniya.
‘Weirdo ang mga magulang mo at ibahin mo ang mga magulang ko sayo’
sabi niya sa akin
‘Hindi sila weirdo. Ikaw na lang ang kaibigan ko, akala ko iba ka sa lahat.
Iba kay Emily. Akala ko maiintindihan mo ako. Pero hindi pala..’ mangiyak-
ngiyak kong sagot sa kaniya.
‘P’wes hindi mo na ako kaibigan ngayon, ayoko maging kaibigan ka at ayoko
sa mga weirdo na katulad mo. Baka mamaya mahawa pa ako sa mga
nangyayari sa inyo. Mabuti pa si Emily, may normal na mga magulang’
nakangiting sabi niya sa akin sabay halakhak.
‘Napakasama mo Kirsty, napakabuti ko sa iyo. Hindi ko akalain na ito ang
gagawin mo sa akin. Pinahiya mo pa ako sa mga kaklase natin at naggawa ka
pa ng kwento na hindi naman totoo. Alam naman natin na hindi nagsakitan
ang mga magulang ko at hindi ka nila pinagbantaan ng masama. Alam mo
yan’ hindi ko na napigilan ang aking sarili na umiyak sa harap niya.
Nagising akong lumuluha na pala ako. Napakasamang panaginip naman non.
Sobrang masakit para saan na si Kirst, ang aking matalik na kaibigan ay
magagawa sakin yon. Ang panaginip na iyon, parang totoo. Ramdamn na
ramdam ko ang sakit sa bawat salitang binitawan niya. Ayoko nang ganito.
Ano bang gagawin ko para matigil na ito. Gusto ko ng makalimutan ang
nangyari noong gabing iyon. Kung pwede lamang ibalik ang nakaraan kung
saan hindi ko na dapat inimbitahan siya dito sa aming bahay para makitulog at
magpalipas ng gabi. Hindi na sana nangyari yon. Sana okay pa kami ngayon
ni Kirsty at hindi kami magkaaway ngayon. Kung may magagawa lang sana
ako.. Ayoko na ng ganito.. Tama na.. Ayoko na…

You might also like