You are on page 1of 7

l.

INTRODUKSYON

Importante sa mga mag-aaral na malaman ang estilo ng pag-aaral


at maunawaan ang kanilang lakas at mapalawak ang kanilang
potensiyal sa pag-aaral. Ang mga mag-aaral ay makkalamang sa
estilong kanilang pag-aaral sa pamamagitan ng pagkokonekta ng
estratehiya ng pag-aaral na may kasamng estilo upang maiwasan
ang mga balakid rito. Ang estratehiya sa pagkatuto ng wika ay
tumutukoy sa isang paraan at Gawain ng pag-aaral na kung saan
sinadyang buuin sa pamamagitan ng pag-aaral ng wika upang
makatulong ito na sila ay matuto at magamit ang wika ng mas
epektibo. Ito ay isang saloobin at gawarin sinadyang pinili at
kasalukuyang ginagamit sa pamamagitan ng pag-aaral ng wika
upang sila ay tulungang tuparin ang kanilang pag-aaral hanggang sa
tumaas ang antas ng kanilang pag-aaral hanggang sa kanilang
target na wika . Sinasabi rin na ang estratehiya sa pagkatutong wika
, kung saan ang estratehiyang ito ay isinsama upang magamit para
sa pag-aaral ng wika at ang wika na kadalasang ginagamit .
Bagamat sinasabing sa gitna ng dalawang ito masasabi na ang
paggamit din ng “SECOND LANGUAGE” o pangalawang wika ay
nagbibigay oportunidad sa pagkatuto ng wika .

Ang salitang ESTRATEHIYA ay galling sa salitang griyego na “STRATEGIA” na


ang ibig sabihin ay “utos ng isang heneral “. Sa loob ng halos dalawampung taon
, lumalawak ang interes ng mga gustong matuto mapabilis ang kaalaman tungkol
sa pagkatuto ng wika .Mayroong paniniwala na mas mabilis matuto ang isang
bata kung siya ay nakapokus sa kanyang ginagawa , at ang ilan din ay naniniwala
na pag nalinang ang kaisipan mas magiging matagumpay siya sa loob ng klase.
Sa kabuuan, mas binibigyang pansin na ng ibang unibersidad na kung paano
matuto kumpara sa mga makatotohanang impormasyon . Binigyan diin din nila na
ang pagkatuto ay hindi nakikita sa kraming ng impormasyon kundi kung paano
inaaplay ang natutunan. Kaya ang naging layunin ng turuan ang mga estudyante
kung paano matuto at mas binibigyang pansin nila ito kaysa magbigay
impormasyon na hindi naman nila natututunan. Mayroon ng maraming katanungan
sa pagitan ng pagkatuto gamit ang iba’t-ibang reperensya at mga kagamitan sa
paaralan , etnikong karanasan at unang wika.

ll. MGA TAGAPAGPANUKALA

-Wenden at Ruben (1987 )

-Richards at Platt (1992 )

-Faerch Claus at Casper (1983)

-Stern (1992)

-Oxford (1990)

-Grenfell at Harris

-Abhacorn( 2008 )

-Chamot (2005)

-Christison (2003 )

lll. PAGLALAHAD NG MGA IDEYA

Ang pagkatuto sa estratehiya ay ang abilidad ng mga mag-aaral na mag-isip at


bigyang aksyon ang mga bagay na patuloy nang ginagamit upang makamtan ang
magandang edukasyon . Ang mga mag-aaral na natututo sa estratehiya ay mga
ttaong may taglay na natural na talino na nakakaapekto sa kanilang pag-uusap sa
kanilang pagkauto base sa teksto , gumagamit ng angkop at ugnay na mga
estratehiya upang makamtan ang parehong Gawain at obligasyon sa kanilang
pangangailangan lalo na sa pagkatuto.

Ang pagkatuto sa mga estratehiya sa lenngwahe ay isang mahirap na aksyon .


Ang mga estratehiya sa isang lenggwahe ay mahirap na aksyon na patuloy na
ginagamit ng mga mag-aaral upang matutunan ang kanilang pangalawang
lenggwahe ang mga estratehiyang ito ay magkakaiba at nakadepende sa
personalidad ng isang taong gustong matuto .

Iba’t-ibang mananaliksik ay may iba’t-ibang pananaw. Ang mga katangian ng mga


estratehiyang ito ay :

1.Ang mga estratehiya ay sumasangguni sa isang tiyak na aksyon o


kapamaraanan na inilalarawan ang pangkalahatang pagtanggap ng isang mag-
aaral.

2. isa sa mga aksyon ay nakikita at ang iba naman ay hindi kapansin-pansin.

3.Bihasa sa problema ang estratehiya , ginagamit ito ng mga mag-aaral upang


mapadali ang pagtatamo , pag-iipon , pagsasagap o di naman kaya’y ang
paggamit ng impormasyon .

4.Ang mga estratehiya ay gagamitin upang sumangguni sa pag-aaral ng


lenngwahe at kanilang pag-uugali na nakakatulong ng direkta sa kanilang pag-
aaral.

5.Kadalasan ,ang mga estratehiya ay maaring lumawak, bagamat sa tiyak na mga


pagkakataon , ang mga estratehiya ay nagiging otomatiko at nanatiling hindi
matauhan o potensyal nalang nilang matutuhan.

6. Ang mga estratehiya ay pag-uugaling sumusunod sa pagbabago.

MGA ANGKOP NA KATANGIAN SA PAGKATUTO NG LENGGWAHE SA MGA


ESTRATEHIYA

1.Nag-aambag ng layunin sa isang tao.


2.Pinapahintulutan ang mga mag-aaral upang mapangasiwaan ang kanilang sarili.

3.Napapalawak ang tungkulin ng isang guro.

4. Mga problema

5. Ang mga tiyak na aksyon ay dulot ng mga mag-aaral

6. Kasali ang maraming aspeto ng mga mag-aaral , hindi lang ang kanilang
natatanging galling .

7. Sinusuportahan ang parehong pagkatuto , hindi lang ang kanilang natatanging


galling.

8. Hindi palaging kapansin-pansin

9. hindi namamalayan

10.naituuro

11.madaling bagay

12. naiimpluwensyahan ng iba’t-ibang salik.

IV. PAGHAHAMBING AT PAGKOKONTRAST NG MGA IDEYA

Ang estratehiya sa pagkatuto ng wika ay binigyan ng iba’t-ibang pagpapakilala ng


ilang mananaliksik.

Ayon kina Wenden at Ruben ((1987) ang estratehiya sa pagkatuto ng wika ay


isang hanay ng mga operasyon , hakbang at plano na karaniwamg pamamaraang
ginagamit ng mga mag-aral upang madali ang pag-imbak ,pagkuha at paggamit
ng impormasyon .

Ayon kina Richards at Platt ( 1992 ) ito ay isang interaksyonal na pag-uugali at


saloobin na ginagamit ng mga mag-aaral upang mas mahusay na tulungan silang
maunawaan , matuto o matandaan ang bagong impormasyon .
Ayon kina Faerch Claus at Casper (1983) pinagdiinan naman nila na ang
estratehiya sa pagkatuto ng wika ay isang pagtatangka sa pagbuo ng wikang
“Linguistic and Sociolinguistic completeness” sa ating target na wika.

Ayon kay Stern (1992) ang konsepto ng pagkatuto sa estratehiya ng wika ay


nakasalalay sa palagay ng nag-aaral sinadya upang makamit ang ilang mga
layunin sa pagkatuto ng wika.

Ayon kina Grenfell at Harris , ang estratehiya sa pagkatuto ng wika ay importante


sa pangalawang pag-aaral ng lenggwahe at sa pagtuturo sapagkat ito ay may
dalawang kadahilanan.

Ayon kay Oxford , mayroong pagkakaiba sa pagitan ng direktang estratehiya ,


kabilang ang pagkakabisa ,pagsususri, pangangarwiran at matalinong pag-iisip. .
Ito ang ilan sa partikular na paraan upang mapahusay ang kanilang kasanayan sa
mga salita. Ang hindi direktang estratehiya naman ay pagsusuri sa kaalaman ng
iba.

Ayon sa mga mananliksik sinasabi na ang paggamit ng mga estratehiya sa


pakatuto ng wika ay isang paraan upang higit na mauunawan ang bawat
makakalap na bagong impormasyon na kung saan magagamit sa pag-aaral na
mas epektibo at kapakipakinabang .

V. MGA PAGPAPATUNAY BUHAT SA MGA PAG-AARAL AT PANANALIKSIK

“ Ang estratehiya sa pagkatuto ng wika ay importante sa pangalawang pag-aaral


ng lenggwahe at sa pagkatuto sapagkat ito ay may dalawang kadahilanan.”

- Grenfell at Harris
Ang pagkatuto ng wika ay isang mahalagang bagay na kailangang matutunan
sapagkat ito ay magagamit upang makakalap ng impormasyon na makatutulong
na mapadali ang bawat gawain. Ang pag-aaral sa pangalawang lenggwahe ay
magbibigay ng bagong kaalaman at makadadagdag sa pag-aaral upang lubusang
maunawaan ang kahalagahan ng bawa pag-aaral ungo sa madaliang pagkamit sa
target na wika.

“ Ito ay isang interaksyon na pag-uugali at saloobin na ginagamit ng mga mag-


aaral upang mapahusay na tutulungan silang maunawaan, matuto o matandaan
ang bagong impormasyon.”

- Richards at Platt

Ang paggamit ng “Native Tongue” ay nakatutulong upang mas maunawaan ng


bawat mag-aaral ang mga bagay-bagay at mas madali nila itong matutunan, gamit
ang sariling wika at makakakuha pa sila ng mga makabagong impormasyon na
mas magpapadali para sila ay makipag-interaksyon sa ibang tao.

Vl.PAGLALAPAT SA REYALIDAD AT SA KASALUKUYANG SITWASYON

Sa pag-usbong ng makabagong henerasyon ay marami na ring pagbabago sa


pamumuhay ng mga Pilipino .Dahil sa mga nagsulputang mga modernong
kagamitan naapektuhan ang paraan ng pagkatuto , halimbawa na lamang nito ang
mga panunuod ng pelikula o panunuod ng telebisyon ay isang paraan upang
matuto at mahubog ang mga bata sa kasalukuyang panahon. Sa pamamagitan ng
pakikinig ng musika o kung ano-ano pa mang tunog nagaya nila ito , at ito ang
kanilang naging estratehiya sa pagkatuto ng wika .

Ang ilan din ay natuto dahil sa mga naririnig sa kapaligiran , dahil sa mga
nakapaligid sakanila nagagaya nila ito. Halimbawa na nga lang nito ay ang mga
salitang jejemon at bekimon .
Vll. KONKLUSYON

Sa pag-aaral na ito , naipaliwanag at nailarawan ng mabuti ang paraan o estilo ng


pakatuto sa estratehiya. Ang ibig sabihin ng estilo ay pangkalahatang termino sa
pagiging iang indibidwal na natural ,karaniwan at ginustong paraan na lubhang
kaganyak-ganyak , proseso at napapanatili ang bagong impormasyon at mga
kasanayan .

Base sa mga nabanggit sa pag-aaral na ito , ang iba’t-ibang mananaliksik ay


nagbigay ng iba’t-ibang pagpapakahulugan ukol sa estratehiya ng pagkatuto .
Lahat sakanila ay nailarawan nila ng maayos ang iba’t-iba nilang konsepto . Amg
mga estratehiyang ito ay makakatulong lalong lalo na sa mga mag-aaral upang
higit na maintindihan ng mabuti ang mga lenggwahe . Kung ang isang guro ay may
sapat na kaalaman tungkol sa mga estratehiya , mas mabilis at mas magiging
mahusay ang kanilang pagtuturo.

You might also like