maituturing na “higante” sa dalawang nabanggit na larangan. Siya ay inilalarawan bilang sociolinguist, anthropological linguist,at linguistic anthropologist mula sa Portland,Oregon noong hunyo 7,1927. Nagtapos sa bachelor`s degree in literature and anthropology sa reed college-1950. Namatay noong nobyembre 13,2009 sa edad na 82 dahil sa komplikasyong dala ng sakit na Alzheimer`s. Si Dr. Hymes ay higit na naging interasado sa simpleng tanong na “paano ba nakikipagtalastasan ang isang tao?” Sakanya nagmula ang konsepto ng kakayahang pangkomunikatibo o communicative competence. Ayon kina canale at swain, ang kakayahang gramatikal ay pag- unawa at paggamit sa kasanayan sa ponolohiya,morpolohiya,sintaks,semantika,gayundin ang mgayunin tuntuning pang ortopograpiya. Kakayahang pangkomunikatibo Sa pagtuturo at pagkatuto ng wika,hindi sapat na matutuhan lang ang mga tuntuning panggramatika. Ang pangunahing layunin sa pagtuturo ng wika ay magamit ito nang wasto sa mga angkop na sitwasyon upang maging maayos ang komunikayson,maipahatid ang tamang mensahe, at magkaunawaan nang lubos and dalawang taong nag-uusap. Kapag umabot na rito, masasabing ang taong ito ay nagtataglay na ng kakayahang pangkomunikatibo o communicative competence at hindi na lang basta kakayahang lingguwistiko o gramatikal kaya naman,siya ay maituturing na isa nang mabisang komyunikeytor.
Ang terminong kakayahang pangkomunikatibo o
communicative competence ay nagmula sa linguist,sociolinguist,anthropologist,at folklorist mula sa Portland,Oregon,united states na si dell hymes noong 1966. Nilinang nila ng kasamahan niyang si John J. Gumperz