Una, gumawa ng bilog sa Styrofoam na mas malaki-laki sa gagamiting salamin at medyo
mas malaking bilog na karton. Hatiin ang Styrofoam base sa bilog na ginawa. Butasan muli ang bilog sa gitna upang magkasya ang bilog na salamin na ilalagay dito. Idikit ang bigas sa bilog na ginawa upang gawing disenyo nito at gamitin ang spray paint para sa magandang kulay nito. Pagkatapos, kunin ang ginawang bilog gamit ang karton at dikitan ng popsicle sticks ang palibot nito. Kapag natuyo na patungan ulit ng popsicle sticks sa bawat pagitan nito ng dalawang beses at siguraduhing maayos ang pagkakadikit ng mga ito. Sunod naman ay gamitin na ang spray paint upang kulayan ito at matakpan ang kahit na anong mga dumi o anopa at para maging mas maganda tignan. Idikit na ang salamin sa karton na pinagdikitan ng popsicle stick at ang Styrofoam na bilog na nilagyan ng bigas kani kanina lamang. Pinakahuli ay idikit na ang beads sa dulo ng popsicle stick sa pangatlong patong at sa palibot ng ginawang samamin.