You are on page 1of 1

, ang ating kasarinlan; at kung saan ay winagayway ang ating bandila, at tinugtog ang ating pambansang

awit, bilang pagsilang ng isang bansang may karapatang maging malaya.

Bilang inyong pangulo, isang malaking karangalan para sa akin na batiin kayong lahat sa pagdiriwang ng
103rd na anibersaryo ng kalayaan ng ating bansa.

Muli pong mapagmalaki ng bawat pilipino ang naging tagumpay kamakailan lamang ng demokrasya sa
ating bansa.

Ang araw ng kalayaan itong taong ito ay dapat higit na makabuluhan dahil dito sa mga panibagong
tagumpay ng ating kasaysayan. Ang pagpanalo ng taong-bayan sa Edsa dos. Ang nabigong pagsisikap ng
mga ambisyosong puwersa sa pagsamantala sa madla, at ang ating halalang nasyonal at lokal noong
mayo katorse — lahat nito ay muling pinapatibay ang determinasyon ng Pilipino na manirahang malaya,
demokratiko, at may dignidad sa bansa.

Sa araw na ito ay ginugunita natin ang nakaraan upang muling sariwain ang kagitingan ng lahing pilipino.
At sa pamamagitan ng alaalang ito ay manumbalik sa atin ang lakas ng pagkakaisa at determinasyong
magtagumpay at manguna sa anumang hamon ating haharapin sa mga darating pang panahon.

Sa lugar na ito, kung saan iginarote sina Padre Gomez, Burgos at Zamora; kung saan pinaslang ang ating
pambansang bayani na si Jose Rizal; kung saan pinatay ng mga kastila ang maraming miyembro ng
katipunan, tayo’y pinapaalala na ang ating kalayaan by pinagbuwisan ng buhay ng ating mga bayani.

You might also like