You are on page 1of 2

Maraming salamat Secretary Richard Gordon.

Ang aking kabiyak, si Attorney Jose Miguel Arroyo; ang akin namang kabalikat sa pagpatakbo ng
pamahalaan, si Vice President Teofisto Guingona, kasama na rin yung ibang mga kasapi ng gabinete; His
Excellency Antonio Franco and the other members of the Diplomatic Corps; ating mga sundalo at mga
pulis; mga kasapi ng senado; mga kasapi ng kamara; napakaraming narito, itong araw na ito — yung
ating mga justices kasama na rin yung mga nagbibisita mga justice galing sa ibang bansa; mga opisyal ng
pamahalaan; mga bisita; kayo, aking mga minamahal na kababayan:

Happy Independence Day sa inyong lahat.

Araw ng Kalayaan

This speech was given in the Filipino language by President Gloria Macapagal-Arroyo during the 103rd
Independence Day Celebration on June 12, 2001, at the Quirino Grandstand in Luneta.

Ang araw ng kalayaan itong taong ito ay dapat higit na makabuluhan dahil dito sa mga panibagong
tagumpay ng ating kasaysayan. Ang pagpanalo ng taong-bayan sa Edsa dos. Ang nabigong pagsisikap ng
mga ambisyosong puwersa sa pagsamantala sa madla, at ang ating halalang nasyonal at lokal noong
mayo katorse — lahat nito ay muling pinapatibay ang determinasyon ng Pilipino na manirahang malaya,
demokratiko, at may dignidad sa bansa.

Sa araw na ito ay ginugunita natin ang nakaraan upang muling sariwain ang kagitingan ng lahing pilipino.
At sa pamamagitan ng alaalang ito ay manumbalik sa atin ang lakas ng pagkakaisa at determinasyong
magtagumpay at manguna sa anumang hamon ating haharapin sa mga darating pang panahon.

Sa lugar na ito, kung saan iginarote sina Padre Gomez, Burgos at Zamora; kung saan pinaslang ang ating
pambansang bayani na si Jose Rizal; kung saan pinatay ng mga kastila ang maraming miyembro ng
katipunan, tayo’y pinapaalala na ang ating kalayaan by pinagbuwisan ng buhay ng ating mga bayani.

Dito sa Luneta, limampu’t-limang taon nang nakaraan, ay itinaas muli ang bandila ng Pilipinas at ibinaba
ang bandila ng Amerika at tayo’y naging isang malayang republika muli.

Sa araw na ito ay ginugunita natin ang pagka-proklama ng kalayaan ng bayang Pilipinas.

Sa araw na ito ay tumatanaw tayo sa nakaraan.

Isandaan at tatlong taon na ang nakalipas mula noong nag-proklama sa Kawit, Cavite, ang ating
kasarinlan; at kung saan ay winagayway ang ating bandila, at tinugtog ang ating pambansang awit,
bilang pagsilang ng isang bansang may karapatang maging malaya.

Bilang inyong pangulo, isang malaking karangalan para sa akin na batiin kayong lahat sa pagdiriwang ng
103rd na anibersaryo ng kalayaan ng ating bansa.

Muli pong mapagmalaki ng bawat pilipino ang naging tagumpay kamakailan lamang ng demokrasya sa
ating bansa.

You might also like