You are on page 1of 1

KATUTUBONG WlKA: TUNGO SA ISANG BANSANG FILIPINO ni PAT V.

VILLAFUERTE

Sa bawat panahong dumatal, may sekulorisasyon man o digmaan.


Tradisyonal man o kontemporaryo.
Nagsasanib ang puwersa ng kasaysayan, kultura ot lipunan na nag-uugnay sa panlipunang kaganapan at
ideolohiyang kolonyal
Na unti-unting pumupulupot so pormulasyon ng pagsulong.
Gamit ang wiknng pinuhunan ng tinig at kumpas, ng lakas at giting.
Wikang dinaluyan ng maraming pagtatangka, panunupil, pakikibaka at pagbabanta
Wikang gumising so ating nahihimlay na kamalayan
At nagpahayag ng di mabilang na kontradiksyon-pagsalungat o pagsang-ayon Pagtatalo o pangangatuwiran,
paglalahad o paglalarawan
Gamit ang wika ng sibilisasyon at rekognisyon May masining na pagpapahayag, may retorikang busog sa proseso
ng integrasyon Sapagkat ang bawat isa sa atin ay may kapaniwalaang ang wika ay sinasalita.
Sinasalita ang wika.

Kayraming katawagang ikinakapit sa unang wikang natutuhan natin: Orihinal. lnang wika. Mother-tongue. Ekolek.
Diyalekto. Katutubo.
Bawat rehiyon, bawat lungsod, sa kabundukan man o sa kapatagan.
May transmisyon at kontek.stuwalisasyon ng katutubong salita
Na pinayaman ng diin at lakas, ng himig at aliw-iw.
Tagalog. Cebuano, llocano. Pangasinan. Bicol. Hiligaynon. Waray, Capampangan. Maranao, Maguindanaon, lbanag.
Ivatan. Zambal, Kamayo, Aklanon
Mga katutubong wikang may kongkretong identipikasyon ng pagsilang at pagmulat.
lniluwal sa tahanan.
Binihisan sa paaralan.
Hinubog sa simbahan.
Kinandili ng parnayanan.
Pinagyaman ng pamayanan.

Ang karutubong wika'y


May sining ng pagbuo, pagbabalangkas at pagsasabansa
May demokratikong paglikha. pagtangkilik at pagtanggap
May sariling bihis na mapagkukunan ng oportunidad at realisasyon ng pangarap
Sa larangan ng edukasyon, ekonomiya, politika at teknolohiya
Na nagpapayaman sa ating karanasan sa pagdidisiplina ng kaaayusan
Sa pagtatamo ng kapayapaan, kalayaan at katarungan.

Ang katutubong wika sa ikadalawampu't isang siglo


Ang huhukom sa diakursong moralidad ng pagkatao
Susupil sa kapitalistang ugat ng kahirapan at karahasan
Wawasak sa paglaganap ng katiwalian at kasamaan
Bubuhay muli ang nawawalang tradisyon. pagkakapatiran at pagkakaisa Dahil tayo'y nasa isang bansang malaya
May tungkulin tayong sundin ang umiiral na batus
May layunin tayong palawakin ang dunong na kaloob ng akademya't institusyon
May pananagutan tayong ipagtanggol ang demokrasya't kasarinlan
May adbokasiya tayong palaganapin ang kultura, panitikan at kasaysayan
May pangarap tayong makibahagi sa representasyon ng kaganapang global
Tungo sa isong bansang Filipino,
Ang Pilipinas.

You might also like