You are on page 1of 1

Ang pagsulat sa Baybayin ng iba’t-ibang pangngalan ng

mga siyudad ay nagpakita sa akin na may kakayahan ang


Baybayin na maging bahagi ng araw-araw na sulat ng mga
Filipino. Ito’y dadagdag sa mga bagay na natatangi sa
atin, kaya naman ito’y para sa akin, tumulong sa
pagintindi ng aking identididad bilang isang Pilipino.
Ang Baybayin ay matagal nang bahagi ng ating wika at
kultura at oras na para pahalagaan ito. Imbes na unahin
ang pagtitibay ng pagsalita at pagsulat sa Ingles,
Korean, Hapon, at iba pa, bakit hindi natin aralin ang
atin? Sa gawaing ito mas napaniwala ako na ang
pagkaroon ng sariling uri ng pagsulat, ang Baybayin ay
tutulong upang masmapabuti ang kalagayan ng isip at
puso ng mga Pilipino. Kung sisimulan sa mga simpleng
bagay katulad ng mga karatula sa kalsada, libro,
websites, at iba pa, ito’y magbibgay oportunidad upang
makita ng mamamayan ang ‘nawala’ nilang kultura. Kung
ipapalad ay masmapamahal sa kultura at wikang Filipino
at matututong ipaglaban ito.

You might also like