You are on page 1of 3

SUWELDO NG MGA GURO AT KAWANI,

ITAAS!
HOUSE BILL NO. 245, ISABATAS!

Annah Pugayan
Asher Angelo Buan
Clann Marco Santiago
Donald Calma Jr.
Donis Darvin Pale
Erick Hernando
Kyle Denmar Guntalilib
Primo Aceret
Ipinasa nina

Rosalie Navoa
Ipinasa kay

Paliwanag!
Marami pa siguro ang hindi nakaaalam na ang mga guro ang may pinakamalaking
papel para umunlad ang isang bansa. Kung hindi dahil sa mga guro, walang matatalinong
tao na mamumuno sa bansa. Lahat ng mga namuno sa isang bansa ay nagdaan sa mga
guro. Imposibleng walang lider na hindi nagdaan sa pamamatnubay ng guro — mula sa
pagsulat at pagbasa hanggang sa maunawaan niya ang lahat at umunlad ang nalalaman.
Lahat ay dahil sa pagtuturo ng guro.

Siguro rin ay bihira pa ang nakaaalam na may mga gurong nagsasakripisyo na


maglakbay nang malayo para makarating sa school na pagtuturuan. May mga gurong
matiyagang naglalakad sa lubak-lubak at maputik na daan makarating lamang sa
pinagtuturu-ang eskuwelahan. Mayroon pang mga guro na tuma-tawid pa ng ilog o sapa
para makarating sa school at maturuan ang kanyang mga estudyante. Maraming
ganitong guro, subalit ang kanilang pag-pa-pakasakit at pagsasakripisyo ay hindi naman
naki-kita at nabi-big-yang-halaga. Maraming guro sa mga liblib na lugar na tinutupad ang
kanilang sinum-pa-ang tungku-lin sa kabila na maliit lamang ang kani-lang suweldo. Sa
totoo, hindi sapat ang sinusuweldo ng mga guro kahit na mabigat ang kanilang
responsi-bilidad sa pagpanday ng karunungan ng mga estud-yante.

Sa katotohanan, karampot ang suweldo ng mga guro kaya kung anu-anong mga
ekstrang pinagka­kakitaan ang kanilang ginagawa. Hindi nga ba’t naging tatak na ng mga
guro na magtinda ng long-ganisa, tocino at iba pang pagkain? Ito ay para madag-dagan
ang kanilang kinikita. Kung hindi sila magsa-sideline, hindi nila mapag-aabot ang
karampot na suweldo.

Dapat protektahan ang mga guro sapagkat ma-laki ang papel nila sa
pagpapaunlad ng bansa. Hindi sila dapat pabayaan. Itaas ang kanilang suweldo para lalo
pa nilang paghusayin ang pagtuturo sa mga kabataang mamumuno sa bansa.

Script!
Mga Guro:
Primo
Annah
Asher
Mga Estudyante:
Clann
Donis
Erick
Kyle
Jethro
BILANG ISANG GURO
Asher: Maraming kailangan pag ika’y magiging isang guro. Lahat ng mga impormasyon
ay dapat tama at dapat ay may katotohanan at nanggaling mismo sa libro. Hindi madali
maging guro dahil ikaw ang magiging pangalawang magulang ng mga estudyante.

Asher: Bilang isang guro ay marami kang dapat maintindihan


Maraming kaalaman na kailangan ibahagi
Annah: Bilang isang guro ay maraming tungkulin sa buhay
Maraming kailangan ang dapat tulungan.
Primo: Bilang isang guro ay maraming responsibilidad sa ating bayan
Maramimg utak na dapat punan
Asher: Bilang isang guro ay dapat maintindihan mo ang bawat tao
Maraming lungkot ang dapat pasayahin
Annah: Bilang isang guro ay kailangan mong busugin ang mga utak ng estudyante
Maraming mga tanong na dapat sagutin
Primo: Bilang isang guro ay dapat mayroon kang mahabang pasensya
Maraming problemang susubok sa iyong katatagan

Annah: Walang inhinyero, doktor, akawntant, architect, at ibang propesyon kung walang
guro na gumabay. Bilang susunod na henerasyon ng propesyon, Ano nga ba ako bilang
Guro?
“Suweldo ng mga Guro at Kawani, Itaas!”
“HOUSE BILL NO. 245, Isabatas!”

You might also like