You are on page 1of 1

Kyle M.

Laxamana
STEM 1D — Regina Coeli

Ang aking ina ay ang bayani sa aking buhay sapagkat mula palang

noong ako'y nasa kaniyang sinapupunan ay ibinuhos niya lahat ng

pagmamahal para sa akin at ako’y kanyag pinangalagaan hanggang

ako’y nagkaisip. Ngunit ngayon naman ay hindi tungkol sa akin ang

aking isusulat, bagama’t tungkol sa kaniyang pagkabata ang magiging

laman nito. Ang aking ina ay isinilang sa Pao-o Sta. Maria, Laguna, na

ang lengguwahe na kanilang binibigkas ay purong tagalog lamang.

Ngunit hindi siya lumaki kasama ang kaniyang mga magulang dahil sa

kahirapan noon. Siya ay nanirahan sa bahay ng kaniyang Lola na

nagturo sakanya magsalita ng tagalog, makabigkas ng salita ito, at magsulat ng gamit ang lengguwaheng

ito. Ang aking ina ay lumaking may disciplina, sapagkat ang kaniyang lola ay istrikto kaya’t siya ay nililinang

sa pagsulat at pagsasalita ng tagalog araw araw sa papel. Noong siya ay lumaki at nakasama na niya ang

kaniyang mga kapatid, siya ay minsan nakakarinig sa kaniyang mga kapatid ng batangueño na hindi niya

kailanman natutunan. Bagama’t nang siya ay naghayskul, siya ay natuto makaintindi ng ingles at naging

bihasa siya sa pagsasalita at pagsusulat ng ingles dahil na rin sa kagustuhan niyang makapagsalita at

makaintindi nito. Pagkatapos niyang mag-aral ng dalawang taon sa kolehiyo ay nagpunta siya sa Bahrain

at natutuhan niyang magsalita ng arabo dahil doon na siya nagtrabaho hanggang sa pinauwi siya at

nakilala niya ang ama ng aking kapatid at umalis ulit upang magtrabaho. Nang dumating ang taong

dalawang libo at labinganim siya ay nagpunta ng Stockholm, Sweden upang bisitahin ang aking tiyahin na

naroon. Hindi siya nagtagal at siya ay umuwi rin pagkatapos ng anim na buwan at ninanais niyang bumalik

doon ngunit kung bibigyan siya ulit ng pagkakataon na matutuhan ang salita nila doon na “Swedish” ay

aaralin niya ito upang maintindihan niya ang mga taong naroon at sa gayon ay kaya niyang makahalubilo

o makipagsabayan sa mga mamamayan na na naroon na swedish. Sabik rin niyang matutunan ang

lengguwaheng italyano marahil ang aming mga kamaganak ay nandoon na at hinihintay na lamang kaming

makapunta o bumisita roon at para na rin magkaroon ng ideya sa pagsasalita at mga gawain na minsan

ginagawa roon. Tunay kong maipagmamalaki ang ina sapagkat buong buhay niya ay nagsumikap siyang

mag-aral ng mga lengguwahe dahil kailangan niyang magtrabaho sa malayo upang matustusan an gaming

pangangailangan at upang maintindihan niya rin ang kagustuhan ng mga tao sa isang lugar. Nanaisin niya

pa na matuto ng iba’t ibang lengguwahe dahil din sa kagustuhang libutin ang buong mundo. Ang aking ay

ang aking bayani, ang kasiyahan niya ay maituturing kong ginto ng buhay ko.

You might also like