You are on page 1of 6

Bawat bansa ay may sariling angking yaman sa panitikan.

Ang panitikan ay pagpapahayag na


ginagamitan ng imahinasyon sa anyo ng tuluyan o tula. Ang pagsusuring pampanitikan ay isang pag-
aaral at malalim na paghihimay sa mga akdang pampanitikan. Ito rin ay isang paraan ng pagsusuri sa
kabuuan ng tao at lipunang kinabibilangan niya. Ang pagsusuring pampanitikan ay nilalapatan ng iba’t
ibang pagdulog o pananaw upang lubos na maunawaan ang mga akda.

Maraming mga suliranin ang kinakaharap sa panitikan ng bansang kasapi sa Association of Southeast
Asian Nations (ASEAN). Ayon sa mga iskolar at mga propesor na dumalo sa ASEAN Literary Symposium
sa Ateneo de Manila, ang ilang suliranin sa panitikan ay ang kawalan ng suporta sa pagsasalin,
kakulangan sa pondo, at pagkawili ng mga mambabasa sa mga akda ng kanluran. Inilahad rin ni Lumbera
(2008), na ang kakulangan sa akdang nasa wikang Filipino ang isa sa malaking suliranin sa panitikang
Filipino at ito ay mabibigyang halaga lamang kung mabibigyang lunas ang krisis sa ekonomiya at
pampulitika. Dahil sa mga suliraning ito hindi natutugunan ang pangangailangan ng mga akdang
pampanitikan. Ang mga suliraning ito ay kailangang lutasan upang patuloy na mabigyang buhay at
lumaganap ang ating panitikan.

Ang layunin ng pagsusuri na ito na pag aralan ang mga akdang pampanitikan at suriin ang mga ito.
Layunin din nito mag bigay impormasyon at patuloy pang ilaganap ang mga akdang pampanitikan sa
kasalukuyang henerasyon.

Saranggola – realismo – ito ay patungkol sa isang anak na nagkaroon ng masidhing poot sa kanyang ama
sa kadahilanang ito ang nagdidikta sa kanyang buhay.

Si Ama – realismo – ito ay patungkol sa pagsasakripisyo at pagsisikap ng isang ama upang matugunan
ang pangangailangan ng kanyang pamilya.

Bangkang papel – realismo – ito ay patungkol sa pagbabalik tanaw ng

SULIRANIN

KAWALAN ng suporta sa pagsasalin at kakulangan sa pondo ang ilan sa mga pangunahing suliranin sa
panitikan ng mga bansang kasapi sa Association of Southeast Asian Nations (Asean), ayon sa mga iskolar
at mga propesor na dumalo sa Asean Literary Symposium sa Ateneo de Manila University mula ika-26
hanggang ika-28 ng Agosto.
“We love [the] English and American writers so much, we don’t know anything about our [Southeast
Asian] neighbors. It’s always about translation,” ani Prop. Nor Faridah Binti Abdul Manaf ng
International Islamic University Malaysia sa unang araw ng symposium.

Ani Manaf, ang kawalan ng pagtangkilik at pagsasalin ng mga akda mula sa rehiyong Asean ay sanhi ng
kanluraning pag-iisip, o mataas na pagtingin sa mga akda ng kanluran.

“We are so busy understanding our own identity as Indonesian[s] and have no time to look at our
neighbors,” pagsang-ayon ni Prop. Melani Budianta ng Universitas Indonesia.

Binigyang-diin ng dalawang propesor ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang wikang maaaring mag-
ugnay sa bawat miyembro ng rehiyong Asean.

“If we want to work as a group then there should be a unifying language. We [must] take the effort of
learning [for example] Tagalog and Malay,” ani Manaf.

Liban sa kawalan ng wikang makapag-uugnay sa bawat bansa sa Asean, problema rin ang kawalan ng
matatag na wikang pambansa sa kani-kaniyang bayan, ayon kay Prop. Loh Chin Ee ng Nanyang
Technological University Singapore.

“We promote the ‘Speak Good English’ movement where we encourage everyone to use standard
English. Singlish (pinaghalong Singaporean at Ingles) is not encouraged to be used in school,” ani Chin
Ee.

Dagdag pa niya, dahil sa mabilis na pag-unlad ng bansa, ginigiba ang mga institusiyong pangkasaysayan
upang palitan ng mga istrukturang pangtransportasiyon na pangunahing dahilan kung kaya’t nalilimutan
ng mga kabataan ang kanilang panitikan at kasaysayan.

Sang-ayon si Budianta na nagkikibit-balikat ang pamahalaan sa larangan ng panitikan na nahahayaan na


lamang mabulok ang mga sinaunang manuskrito sa Indonesia na nakasulat sa Arabic, Javanese at Malay,
dahil sa kawalan ng sapat na pondo.
Binigyang-pansin din ni Budianta ang katatasan ng mga akdang isinusulat sapagkat sa kaniyang bansa,
unti-unti nang nawawala ang kahalagahan ng pagsusuri sa mga akda o pagkakaroon ng literary criticism
na nagtatakda at nagsusuri ng mga natatanging akda sa isang bansa.

“There’s no quality writing anymore. It has been a concern [in our country because there’s] very little
literary criticism nowadays,” aniya. “We scholars focus only on research and teaching. Nobody wants to
do literary criticism anymore.”

Isa ring suliranin ng mga bansang Asean—partikular na ng Pilipinas—ang kawalan ng interes sa mga
kurso ng sining at panitikan dahil mas binibigyang pansin ang kulturang popular at mga araling
ekonomiko at teknikal, ayon kay Prop. Michael Coroza, convenor ng symposium.

“Only few parents want to support their children’s love for arts and literature because they don’t find it
practical compared to technical courses like engineering,” ani Chin Ee.

Pagsasalin

Dismayado ang mga Filipinong delegado sa kultura ng pagsasalin sa bansa kung saan nauuwi lamang sa
mga textbook ang mga isinaling akda sa Filipino, imbes na naililimbag nang maayos at napababantog sa
mga Filipinong mambabasa.

Idiniin ni Mario Miclat, propesor ng Philippine Studies sa Unibersidad ng Pilipinas at isang ring
tagapagsalin, na ang pagtingin sa wikang Filipino bilang isang mas nakabababang wika kumpara sa Ingles
ang ugat ng suliranin sa ating kulturang pampanitikan.

“Filipinos would not admit that they read Filipino literature,” aniya.

Dagdag pa niya, hindi lamang dapat mga akda sa Ingles ang isinasalin sa wikang Filipino kung hindi pati
na rin ang mga akda ng mga karatig-bayan sa Asya na nasa wikang Indones, Lao o Malay.

Iginiit naman ni Danilo Francisco M. Reyes, assistant professor sa Department of English ng School of
Humanities ng Ateneo, na nararapat parangalan ang mga Filipinong iskolar na nagsasalin ng mga akdang
banyaga sa wikang Filipino at suportahan ng pamahalaan ang kanilang mga adhikain.
“We should reward translators and scholars. We should also protect them from piracies and unjust
appropriations,” ani Reyes.

Layon ng tatlong araw na pagpupulong na makalikha ng ugnayan sa pagitan ng mga bansa sa Asean kung
saan maaaring magbahaginan ng kani-kaniyang panitikan.

Isa sa mga hakbangin ng simposiyum ang pagkakaroon ng cross-translation project kung saan isasalin sa
wikang Filipino at gagamitin sa pagtuturo ang mga akda ng iba pang bansa sa Asean.

Anim lamang sa sampung bansa sa Asean ang may kinatawan sa tatlong araw na pagpupulong:
Indonesia, Malaysia, Singapore, Thailand, Laos at Filipinas.

KALIGIRAN NG PAG AARAL

Upang matuklasan ang mga pangyayari na nagaganap sa realidad sa buhay, lipunan o maging sa pag-ibig
man at malaman kung ito ay patuloy nangyayari sa kasalukuyan. Layunin din ng mga mananaliksik na
magbigay impormasyon patungkol sa mga katotohanan, iba’t ibang pananaw ng tao sa buhay, iba’t
ibang paraan ng tao sa pag-aalay ng pag-ibig at kalagayan ng lipunan na patuloy na masasaksihan sa
kasalukuyan sa tulong ng limang piling akda nila Edgardo Reyes, Valentine Dula, Andrian Legaspi,
Genoveva Edroza – Matute at Efren Abueg.
Paglalahad ng layunin?

Layunin ng pananaliksik na ito na ang eksistensyalismo dahil ipinapakita dito na si Ama ay hindi

Katuturan ng mga salitang ginamit ?


“Harapin mo, tapos ! sabi ni Ama “Di baling magpakain tayo ng iba kung hidni nakakagipit sa tin. Pero sa
tin lang e di magkahusto’ ng kabuhayan natin paanong gagawin mo ?

Sa pagaasawa ng mga anak ay liberal si ama

“ Di ko kayo pakikialaman “sabi niya samin “ ke hudas at hudesa ang papili ninyo bahala kayo .me mga
isip naman kayo. Isang bagay lang : pag aasawa nyoy magsasarili kayo. At sa kasal, ayoko nang
mangungutang kayo o hihingi ng pangkasal sakin

You might also like