You are on page 1of 2

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA

ARALING PANLIPUNAN 3

Name: _______________________________________________ Date: ___________________

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang tawag sa larawang kinaguguhitan o kinalalarawan ng ayos ng isang pook, bayan, lalawigan, bansa o mga
lupalop ng sandaigdigan. Tinatawag din itong patag na representasyon sa isang lugar.
a. Globo b. Mapa c. GPS d. wala sa nabanggit
2. Ano ang tawag natin sa simbolong ito na kadalasang makikita sa mga mapa.
a. Direction Locator
b. Mercator’s Flower
c. Compass Rose
d. North Arrow
3. “Ang Batangas ay kabilang sa Rehiyon IV-A. Ang iba pang lalawigang kasama nito ay Rizal, Cavite,
Laguna at Quezon.” Batay sa pangungusap, ano ang paraang ginamit na pagtukoy ng lokasyon ng
lalawigan ng Batangas?
a. Paggamit ng Pangunahin Direksyon
b. Paggamit ng Mapa
c. Paggamit ng Pangalawang Dirkesyon
d. Relatibong Lokasyon
4. Ito ay tawag sa mataas na anyong lupang magkakahanay o magkakarugtong na bundok. Isang halimbawa nito ay ang Sierra
Madre ng Cagayan.
a. Bundok b. Bulubundukin c. Lambak d. Kapatagan
5. Ito ay tumutukoy sa kabuuang bilang ng mga taong naninirahan sa isang pook.
a. Asosasyon b.Census c. Populasyon d. Polusyon
6. Tumutukoy sa dami o kapal ng tao bawat kilometro kuwadrado.
a. Populasyon b. Densidad ng Populasyon c. NSO d. Pamilya
7. Ang mga sumusunod ay katangian ng Rehiyong Ilokos o Rehiyon I, MALIBAN SA ISA:
a. Halos naliligid ng tubig ang anyong lupa nito.
b. Mabundok at maburol
c. May mga baybayin at mga ilog
d. Malawak ang kapatagan ng Pangasinan ngunit ang iba ay makitid na lupain.
8. Katangi-tanging tangos na matatagpuan sa Pangasinan.
a. Tangos ng Bolinao b. Tangos ng Lingayen c. Tangos ng Dagupan d. Tangos ng Sison
9. Pinakamahabang bulubundukin sa Pilipinas na bumabagtas sa mga lalawigan ng Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Nueva Ecija,
Aurora hanggang Quezon.
a. Sierra Madre b. Caraballo c. Hundred Island d. Cordillera Mountains
10. Ano ang tawag sa bahagi ng mundo na nakararanas ng maraming bagyo?
a. Ring of Fire b. Typhoon Belt c. Philippine Belt of Storm d. Ring of Typhoon
11. Ang ahensya ng pamahalaan na nagbibigay babala sa mga tao kung may parating na bagyo.
a. PAGASA b. GSIS c. NDRRMC d. ABS CBN at GMA
12. Ito ang tawag sa lahat ng bagay na nakukuha sa lupa at tubig.
a. Likas na yaman b. Yamang-tubig c. Yamang-lupa d. Yamang-tao
13. Ang mga sumusunod na pangungusap ay tumutukoy sa paggamit ng pangunahin at pangalawang direksyon upang tukuyin ang
lokasyon ng isang lugar, MALIBAN SA ISA:
a. Ginagamit ang mga pangunahin at pangalawang direksyon bilang panturo sa tiyak at relatibong lokasyon.
b. Hindi lahat ng lokasyon ng pook ay tuwirang nasa pangunahing direksyon.
c. May apat na pangunahing direkyon at apat na pangalawang direksyon.
d. Sa pamamagitan ng nito, ganap na naipapakita ang aktwal distansya ng mga pook sa mapa.
14. Gamit ang relating lokasyon, saan matatagpuan ang Pangasinan?
a. Matatagpuan ang Pangasinan sa Timog ng La Union. Napapalibutan ito ng mga lalawigan gaya ng Tarlac, Nueva Ecija
at Benguet.
b. Matatagpuan ang Pangasinan sa Hilaga ng La Union. Napapalibutan ito ng mga lalawigan gaya ng Pampanga, Nueva
Viscaya at Isabela.
c. Matatagpuan ang Pangasinan sa Silangan ng La Union. Napapalibutan ito ng mga lalawigan gaya ng Tarlac, Nueva
Viscaya, NCR at ng West Philippine Sea.
d. Wala sa nabanggit
15. Ang mga sumusunod ay katangian ng Rehiyong Ilokos o Rehiyon I, MALIBAN SA ISA:
a. Halos naliligid ng tubig ang anyong lupa nito.
b. Mabundok at maburol
c. May mga baybayin at mga ilog
d. Malawak ang kapatagan ng Pangasinan ngunit ang iba ay makitid na lupain
16. Batay sa datos noong taong 2010, sa anong rehiyon ang may pinakamalaking
populasyon sa Pilipinas?
a. NCR
b. Rehiyon I
c. CAR
d. Rehiyon IV-A
17. Anong pangungusap ang tumutukoy sa paglalarawan sa mga katangian pisikal ng bawat
rehiyon?
a. May pagkakatulad at pagkakaiba ang katangiang pisikal ang mga lalawigan
ayon sa rehiyong kinabibilangan.
b. Magkakaiba-iba ang katangian ng bawat lalawigan dahil sa lokasyon ng
Pilipinas sa ating mundo.
c. Magkakatulad ang mga lalawigan kahit ano pa mang rehiyon ito kabilang dahil iisa ang bansa natin.
d. Wala sa nabanggit
18. Anong mga lalawigan ang bumubuo sa Kapatagan ng Gitnang Luzon sa siyang tinuturing na pinakamalawak na kapatagan sa
bansa?
a. Pangasinan, La Union, Ilocos Sur at Ilocos Norte
b. Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga at Bulacan
c. Isabela, Quirino, Quezon at Tuguegarao
d. Abra, Bunguet, Kalinga at Apayao
19. Ano ang tawag sa ahensyang binubuo ng pamahalaan at pribadong samahan upang pangalagaan ang mga tao sa panahon ng
kalamidad at emergency?
a. PAGASA b. PHIVOLCS c. NDRRMC d. DSWD
20. Ano ang dapat mong gawin upang mapangalagaan at mapangasiwaan ang mga likas yaman sa ating bansa?
a. Gumamit ng mga patabang gawa sa kemikal
b. Magtapon ng mga basura sa mga anyong tubigat daluyan ng tubig
c. Pagpatay at pagbenta sa mga hayop na matatagpuan sa kagubatan ng walang dahilan.
d. Pagsasagawa ng reporestasyon o muling pagtatanim ng mga puno.
21. Anong simbolo sa mapa ang nagpapakita na ang isang lugar ay kapatagan?
a. b. c. d.

22. Gamit ang mapa sa BILANG 3, ano ang relatibong lokasyon ng Batangas?
a. Hilaga – NCR at Cavite; Timog – Mindoro; Silangan – Quezon; Kanluran – West Philippine Sea
b. Hilaga – West Philippine Sea; Timog – NCR at Cavite; Silangan – Quezon; Kanluran – Mindoro
c. Hilaga – NCR at Cavite; Timog – Quezon; Silangan – Mindoro; Kanluran – West Philippine Sea
d. Hilaga – West Philippine Sea; Timog – Quezon; Silangan – NCR at Cavite; Kanluran – Mindoro
23. Gamit ang datos sa BILANG 16, ano ang rehiyon na may pinakamaliit na populasyon?
a. NCR b. Rehiyon I c. CAR d. Rehiyon IV-A
24. Anong pangungusap ang nagpapahayag ng tamang impormasyon?
a. Ang topograpiya ng rehiyon ng CAR ay mabundok at maburol.
b. Matatagpuan ang pinakamalawak na kapatagan sa rehiyon ng ARMM
c. Nasa pagitan ng dalawang malaking anyong tubig ang rehiyon ng Kanlurang Visayas.
d. Napapaligiran ng anyong tubig and rehiyon ng Ilocos.
25. Ito ang pinakamataas na bundok sa Luzon at ikalawa naman sa pinakamataas na bundok sa Pilipinas.
a. Mt. Apo b. Mt. Pulag c. Mt. Mayon d. Mt. Taal
26. Ito ang pinakamalaking Golpo na matatagpuan sa tangway ng Zamboanga.
a. Golpo ng Moro b. Golpo ng Albay c. Golpo ng Lingayen d. Golpo ng Panay
27. Ang mga sumusunod ay dapat gawin bago dumating ang bagyo, MALIBAN SA ISA;
a. Ihanda ang radio, flashlight at ekstrang baterya.
b. Putulin ang mahahabang sanga sa bakuran.
c. Pumunta sa mall at manood ng sine.
d. Ihanda ang first aid kit at mga de-latang pagkain.
28. Anong channel ang makikita sa hilaga ng Ilocos?
a. Bashi Channel b. Babuyan Channel c. Philippine Channel d. Pangasinan Channel
29.

You might also like