You are on page 1of 4

May Ann P.

Urbano

BSA 2B

Bakit ipinagdiriwang ang buwan ng wika?

Tuwing buwan ng Agosto sa bawat taon , ating


ginugunita at ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika. Ngunit ano nga
ba ang Buwan ng Wika at bakit nga ba natin ipinagdiriwang ang
okasyong ito?

Ang Buwan ng Wika ay isang pagdiriwang


sa Pilipinas na ginaganap tuwing buwan ng Agosto. Ito ang
pinalawig na pagdiriwang ng Linggo ng Wika na pinalawig
noong Enero 15, 1997 sa pamamagitan ng Proklamasyong Bilang
1041 ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.

Ipinagdiriwang ang buwan ng wika upang gunitahin


ang ating pagka-Pilipino, ang pagkakaroon ng sariling wika na
walang takot ipinaglaban ng ating ama ng wika na si Manuel L.
Quezon . At bilang pagbibigay ng kahalagahan sa ating wika, ang
Filipino at ang kontribusyon nito sa ating mga buhay. Ipinapaalala
nito na napaka-importante sa isang bansa na magkaroon ng
pambansang wika upang lubos na makilala ang yaman ng ating
kultura. Ipinagdiriwang din natin ang Buwan ng Wika sa
kadahilanang ito ay simbolo ng ating pasasalamat sa mga bayani
nagtanggol sa ating wika. Kung hindi ipinaglaban ng ating amang
wika na si Manuel L. Quezon ang ating pambansang wika ay
malamang na walang pagkakaisa at pagkakaintindihan sa mga
mamamayang Pilipino.

Lagi nating aalalahanin at gugunitahin ang linggo ng


wika upang mapasalamatan ang mga bayaning walang takot na
nagtanggol nito.
Bakit mahalaga ang wikang pambansa?

“Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda; kaya ating
pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala.” Ito ang tanyag na katagang nagmula sa ating
pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal na nagbibigay kahalagahan sa wika sa buhay ng isang tao.

Ang wika ang nagbibigay pagkakakilanlan sa bawat bansa, ang bawat bansa ay may sari
sariling wika na kanilang sinasalita. Ang pagkakaroon ng iisang wika o wikang pambansa ang sadyang
napakahalaga . Ito ay sumisimbolo ng pagkakaisa , sa pamamagitan nito magkakaunawaan ang bawat isa.
Kung hindi ipinaglaban ng ating amang wika na si Manuel L. Quezon ang ating pambansang wika , tiyak
na hindi magkakaintindihan at magulo ang pakikipag-komunikasyon at talastasan ng ng bawat
mamamayan.

Kaya lagi nating tatandaan, sariling wika ay pahalagahan, tangkilikin at taas noong salitain
ang wikang pambansa natin.
Bayani ba si Ninoy Aquino?

Sino nga ba si Ninoy Aquino? Bakit nga ba siya tinawag na bayani? Ano-ano nga ba ang
kanyang nagawa upang kilalaning bayani ng Pilipinas?

Si Benigno Simeon “Ninoy Aquino,Jr.” na mas kilala bilang Ninoy Aquino o Benigno S. Aquino,Jr.
ay isang Pilipinong senador na naging pangunahing kritiko ni Pangulong Ferdinand Marcos. Pinatay siya
sa Paliparang Pandaigdig ng Maynila. Ang kanyang pagkamatay ang naging sanhi ng pagkapangulo ng
kanyang maybahay na si Corazon Aquino na pumalit sa 20 taong rehimeng Marcos. Dahil sa pagnanasang
maglingkod sa bayan at sambayanang Pilipino,bumalik si Ninoy sa Pilipinas. Subalit sa kanyang
pagbabalik ay hindi na niya naisakatuparan ang kanyang pagbabalik at mga adhikain sapagkat
pagtuntong pa lamang niya sa paliparan ng MIA,siya ay binaril. Ang kanyang pagkamatay noong Agosto
21,1983 ang siyang nagmulat at gumising sa natutulog na damdamin ng mga taong-bayan.

Ang pagprotesta ni Ninoy laban sa isang makapangyarihang diktadurya ay isa sa kanyang mga
nagawa. Hindi niya hinimok ang mga Pilipinong mag-alsa sa isang madugong pamamaraan dahil alam
niya na ang higit na magdudusa ay ang taong-bayan. Minulat niya ang kaisipan ng bawat Pilipino sa
pamamagitan ng kanyang sakripisyo. Nagiasing ang taumbayan sa realidad kung paano kahirap mabuhay
sa isang diktaturyang rehimen. Binigyan niya ng sapat na lakas ng loob ang bawat Pilipino na ihayag ang
kanilang karapatan na dati rati’y may bahagyang takot dahil na rin sa kapangyarihan ng batas militar. Isa
lang si Ninoy Aquino sa magagandang ehemplo na nagpapkita ng kabutihan ng kanyang puso at kanyang
hangarin kaya nararapat lamang siyang parangalan.

Bakit ipinagdiriwang ang araw ng mga bayani?

Maraming bayani ang nagtangkang ipaglaban ang ating bansa. Kaya naman ito ay
ipinagdiriwang tuwing huling linggo ng Agosto bilang pagbibigay pugay at pagbabalik gunita sa iba’t
ibang personalidad na lumaban at nagtanggol para sa kalayaan ng Pilipinas.

Kamakailan lamang ay ipinagdiwang natin ang Araw ng mga Bayani. Kapag sinabi nating
bayani, and unang pumapasok sa isipan ng maraming Pilipino ay ang mga sikat at kilalang mga bayani —
sina Jose Rizal, Andres Bonifacio, Apolinario Mabini, at iba pa. Maganda ito dahil ipinapakita nito ang
kaalaman natin bilang isang bayan sa kasaysayan. Gayunman, ang Araw ng mga Bayani ay walang
tinutukoy na kahit sino; ang batas na nagsasaad ng selebrasyon ay walang tinutukoy na isang tao. Ayon
sa batas,pinagdiriwang natin ang katapangan ng hindi isa, hindi dalawa, kundi lahat ng mga Pilipinong
bayani na lumaban para sa pamilya, bayan, hustisya, at kalayaan.

Napakahalaga ng araw na ito sapagkat dito natin inaalala ang kanilang pag-aalay ng buhay para sa
demokrasya. Sila ang mga nanilbihan ng tapat at nagpatuloy na nabuhay nang may dangal at
kabayanihan para sa kapakanan ng ating bayan. Sila ang hindi nakuntento sa kalagayan ng ating bansa
noon kaya’t iniwan nila ng buong tapang ang ginhawa at tahimik na buhay. Nakibaka sila,sumanib sa
kilusan at hindi muna inisip ang sarili upang ipaglaban ang bawat karapatan ng Pilipino. Kaya naman
napakahalagang ipagdiwang natin ang araw ng mga bayani. Lagi nating papahalagahan ang ating bayan
upang hindi masayang ang pinaglaban ng ating mga bayani.

You might also like