You are on page 1of 3

MATEMATIKA (SPOKEN WORDS) BY

KARREN BANAWA
MATEMATIKA
Labing isang letra ngunit bakit nahihirapan ka

Bakit sa tuwing itoy iyong nababasa

Ikay nangangamba…

Dagdagan, bawasan, padamihin at hatiin

Ito ang unang tumatak sa mga isip natin

Sapagkat, ito din ang unang aralin..

Na kung saan hindi dapat natin limutin

Matematika, bakit nga ba sa dinadami ng mga subjects na inaaral natin, ito pa rin yung
sinusukuan natin.

Mga numerong hindi mo alam kung saan nanggaling

Hindi moa lam kung bakit pa aaralin

Kung hindi naman gagamitin..

Mula noong elementary, naghighschool at ngayong senior high school.

Isa ka rin ba sa mga estudyanteng ang special skills ay makapasa kahit hindi
naiintindihan ang salitang..
MATEMATIKA..

Pwes, kung ganon dapat ngayon pa lang magsisi kana.

Na hindi mo man lang nabigyang halaga ang salitang Matematika.

Marahil nga magpasalamat ka kasi nakaligtas ka sa mga nagdaang taon.

Na ang araling ito ay iyo lang tinatapon.

Ngunit magpapasalamat ka pa ba?

Na sa unang tapak mo sa pagiging kolehiyo, makakaligtas ka pa ba?

Aminin mo man o hindi, minsan mas inuuna mo pa ring lumandi kesa magbilang gamit
ang yong mga daliri.

Na minsan mas nabibigyan mo pa ng oras ang pakikipagkita sa nobyo mo, kesa aralin
ang mga hindi mo maintindihang numero.

Na sa tuwing naglelesson ang Math teacher nyo,

Palagi kang napapatanong sa sarili mo..

“Saan nanggaling to?” “Paano nakuha to?” at ang pinaka huli, “Bakit pa ba inaaral to?
Kung hindi rin naman gagamitin sa pagsusukli to?”

General Mathematics, maswerte ka kung ngayong senior highschool ito lang ang
kinaayawan mo.

Pero maswerte ka pa nga ba kung pati Calculus kasama na sa aaralin mo?

Minsan mas binibigyang pansin mo pa ang sakit na dinulot sayo ng taong mahal mo.
Kesa indahin ang sakit na unti unti na palang bumabagsak ang grades mo.

Sana habang napapakinggan at nababasa mo to

Tumatak sana sa isip mo ang kahalagahan ng mga numero sa buhay mo.

Tumatak sana sa isip mo na hanggang maagap pa, hanggang kaya pa, bigyang
importansya mo na.

Na tama na muna yan sa kahuhugot nayan, tama na muna ang kadramahang yan.

At mathematics naman..

Sana mamayang gabi bago mo ipikit ang mga mata mo, sana maisip mo, na “Itong mga
numerong dinedednma ko, susi pala to ng tagumpay ko”

You might also like