You are on page 1of 1

Bayang Natatangi

By: Heydrious Roxas

Ang ating baya’y ating pangalagaan

Tayo dito’y namuhay at nanirahan

Kung ito’y hindi natin maipaglaban

Tiyak na mababalot sa kalumbayan

Halina at mahalin ang ating bayan

Katulad nga ng pamosong kasabihan

Pag hindi lumingon sa pinanggalingan

Di makararating sa paroroonan

Halina at aralin ating kultura

Kultura na dito lamang makikita

Kapag ito ay ating pagyayamanin

Magiging maganda ating aanihin

Kaya ito’y itatak sa’ting isipan,

Bawat salitang akin nang nabitawan

Pagmamahal at pagkilala sa bayan,

‘Wag isawalang bahala’t kaligtaan

You might also like