You are on page 1of 18

Philippine Christian University

Dasmariñas

Survey on Reading Interest


Bilang bahagi ng pananaliksik sa Filipino II
Pagbasa at pagsulat tungo sa pananaliksik

Ipinasa nina:

Paulin, Angelica A.
del Valle, Maricris V.
Lanceta, Christopher D.
Dolor, John Renzo T.
Salang, Chenin Bianca R.

Ipinasa kay:

G. Isidro Mercado III

Pasasalamat
Ang mga mananaliksik ay lubos na nagpapasalamat sa mga
tumulong at

I
naging bahagi sa pagbuo ng pamanahong papel na ito. Ang
tagumpay ng
pananaliksik na ito ay mula sa mga sumusunod:

Sa aming guro na si G. Isidro Mercado III na walang sawang


gumabay at pagbibigay ng impormasyon sa amin upang
matapos ang pagaaral na ito.

Sa mga Estudyante ng Philippine Christian University na


nagbigay ng oras at kaalaman upang sagutan ang aming
katanungan.

Pati na rin sa aming pamilya, at mga kaibigan na walang


sawa sa pagsuporta sa amin, mapa-pinansyal o mapa-moral.

Lubos din po kaming nagpapasalamat sa Poong Maykapal sa


pagbibigay sa amin ng Lakas at ng Talino upang matapos
itong pagaaral na ito.

Muli, Maraming salamat sa lahat po ng naging bahagi ng


aming tagumpay sa paggawa ng Pamanahong Papel na ito.

Mga Mananaliksik

II
TALAAN NG NILALAMAN

PAHINANG PAMAGAT I
PASASALAMAT II
TALAAN NG NILALAMAN III

KABANATA I: ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO V


*PANIMULA
*LAYUNIN NG PAGAARAL
*KAHALAGAHAN NG PAGAARAL
*SAKLAW AT LIMITASYON
*DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA
KABANATA II: MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT IX LITERATURA

KABANATA III: DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK


XI
*DISENYO NG PANANALIKSIK
*RESPONDENTE
*INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK
*TRITMENT NG MGA DATOS

KABANATA IV: INTERPRETASYON NG MGA DATOS XIII

KABANATA V: LAGOM, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON


XX
*LAGOM
*KONKLUSYON
*REKOMENDASYON
MGA PAHULING PAHINA
LISTAHAN NG SANGGUNIAN

III
Kabanata I
ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Introduksyon
Ang Pagbabasa ay ugali na nating mga tao. Ito’y bahagi
na ng ating pampalipas oras. Madalas tayong nagbabasa ng
libro upang makakuha ng impormasyon ukol sa ating
hinahanap. Ngunit dahil na sa modernisasyon na ang ating
mundo, ang lahat ay nagbago.
Ang mga Estudyante ngayon ay babad na sa Internet.
Ni hindi na nga sila halos makabasa ng libro dahil ang
katwiran nila ay may Internet na. Nakaasa na sila sa mga
Websites na sa tingin nila ay makakatulong sa kanila.
Noong kapanahuan pa ng ating mga magulang, Ang
mga Estudyante noon ay hindi umaasa sa Internet sapagkat
wala pa ito noong kapanahuan nila. Ang mga libro noon ay
napakahalaga upang makapagtapos ng pagaaral. Sa tingin
niyo? Sinong mas matalinong Estudyante? Yung Noon o
Ngayon? Hindi ba ang hirap isiping parang mas matalino
yaong mga tao na hindi gumagamit ng Internet? Halos
nagsisikap silang maghanap sa mga bawat pahina ng libro,
hindi sila naasa sa kung ano-ano pang mga bagay.
Kung ating iisipin isa sa mga importanteng bagay ang
libro sa ating pagaaral. Biruin niyo, ilang libro ang inilalabas
ng gobyerno para sa mga estudyante bawat taon tapos
naiwawala at binibenta pa ng iba hindi ba? Parang wala ng
saysay ang mga libro ng mga awtor na nagbuwis ng pagod
at pawis sa mga bawat libro kada taon dahil hindi man lang
natin iniisip ang kahalagahan nito.
Ang Libro pwede natin ito gamitin kahit saan, kahit
kailan, at kahit anong oras pa natin gustuhin eh ang
Internet? Hindi ba’t may limitasyon ito? Ang mga libro
walang limitasyon, depende nalang kung wala kang
mahanap na libro tungkol sa iyong hinahanap.
Ayon sa The Sorbetes Movement “Hindi isang bagay na natural
ang pagbabasa. Kaya walang lahi o tribo sa mundo na tamad magbasa. Sa halip, reading
is cultured. Itinuturo ang pagbabasa. Inaalagaan bilang bahagi ng kultura. Iniuukit sa isip
at puso ng bata, itinatanim sa buong pagkatao niya, upang mahalin niya ang aklat na
tulad ng isang hiyas at masarapan niya ang pagbabasa tulad ng McDo o Jollibee. Kaya

IV
kung kakaunti ang mambabasa ng aklat sa Pilipinas, may malaking problemang
pangkultura ang ating bansa. Ang ibig sabihin, bigo ang buong sistema ng kasalukuyang
pag-aalaga at pagtuturo sa mga bata magmula sa tahanan, sa komunidad, at sa paaralan.
Hindi nagkakaisa ang tahanan, komunidad, paaralan, at iba pang elemento sa kaligiran ng
isang musmos upang lumaki siyang isang mambabasa ng aklat.
Napakabigat ng problemang ito. Hindi ito malulutas sa isa o kahit marami pang
kumbensyong ganito. Wala ring nag-iisang institusyon sa lipunan na dapat sisihin. Sa
tingin ko nga, lahat ng institusyon natin ngayon ay umaambag sa iba’t ibang paraan
upang magpatuloy at lumubha ang sakit sa loob ng nakaraang isang siglo. Nabanggit ko
na kanina, isang problema itong pang-edukasyon. Ngunit hindi ito problema lamang ng
paaralan bagaman malaki ang kinalaman ng paaralan sa paglubha nito. Isang problema
itong pang-edukasyon na nangangailangan ng dibdiban at malawakang pagsusuri at ng
sistematiko’t nagkakaisang pambansang kampanya upang mailigtas sa parusang
kamatayan ang kasalukuyan at dumarating pang henerasyon ng kabataang Filipino.”
(https://mbasic.facebook.com/notes/the-sorbetes-movement/nagbabasa-ka-
ba/333803356665835/)
Itinuturing na sakit ang pagbaba ng bilang ng nagbabasa ng libro sa pilipinas. Unang
dahilan? Ay nagsisimula sa pagiging modernisasyon ng mundo. Ang mga paaralan
ngayon ay wala ng libro lalo na ang mga pribadong paaralan. Biruin mo mga batang edad
5 taong gulang palang ay tinuturuan ng gumamit ng mga Gadgets imbis na libro? Hindi
ba’t Isang malaking dahilan na maituturing ito? May mga pagkakataong humihingi tayo
ng tulong sa Internet pero dapat hindi sobra.

Layunin ng Pagaaral
Ang layunin ng pagaaral na ito ay ma-surbey ang
iilang estudyanteng may interest sa pagbabasa ng libro,
Kung ano-ano ang dahilan ng pagbaba ng bilang ng
nagbabasa ng libro. Layunin din nitong magbigay kaalaman
at solusyon sa mga magaaral upang maging likas na
mambabasa.

Kahalagahan ng Pagaaral
Ang pananaliksik na ito ay may kahalagan ng
pagaaral sa mga sumusunod ng mga tao:

 Ang mga taong tamad magbasa ng Libro.


Malalaman sa pagaaral na ito na ang pagbabasa ay
isang mahalagang parte bilang tao sa komunidad. At
malalaman din dito na ang pagbabasa ay maaring mabago
ang buhay ng tao.

 Sa mga taong nagsisimula palang kahiligan ang pagbabasa ng libro.


Naayon dito sa pagaaral na ito na ang kahalagahan

V
ng pagbabasa ng libro ay dapat ugaliin.

Sa mga magulang at mga estudyanteng nasa matataas na


paaralan.
Malalaman sa pagaaral na ito kung anong bilang o
porsyento ng tao na lamang ang nahuhumaling o nahihiligan
magbasa ng libro.

Saklaw at Limitasyon
Ang Saklaw ng pagaaral na ito ay malaman at
matukoy ang bilang ng mga mambabasa sa kolehiyo at ang
limitasyon ng pagaaral na ito ay malaman ang bilang ng
mambabasa sa labas ng kolehiyo.

Depinisyon ng mga Terminolohiya


Ang mga Termino na ginamit sa pananaliksik na ito ay
bibigyan ng depinisyon upang mas lalo pang maunawaan ng
mga mambabasa ang mga terminong nagamit.

Survey (Pagsuri) - ay ang proseso ng paghihimaymay ng isang paksa o sustansiya


upang maging mas maliliit na mga bahagi, upang makatanggap ng isang mas mainam na
pagkaunawa rito. (http://tl.wikipedia.org/wiki/Pagsusuri)
Reading (Pagbabasa) - Ang pagbabasa ay ang proseso ng pagkuha at pag-unawa sa
ilang anyo ng inimbak o nakasulat na impormasyon o ideya.
(http://tl.wikipedia.org/wiki/Pagbabasa_%28gawain%29)
Interest (Gana) - Ang Interes ay ang pagkakaroon ng gana sa isang bagay o gawain. Isa
din itong pamamaraan kung saan pinagbubuhusan ng panahon.

VI
Kabanata II

MGA KAUGNAY NA PAGAARAL AT LITERATURA

Kaugnay na Literatura
Ayon sa Wikipedia, Ang pagbabasa ay ang proseso ng pagkuha at pag-
unawa sa ilang anyo ng inimbak o nakasulat na impormasyon o ideya. Kadalasang
kinakatawan ng ilang uri ng wika ang mga ideya na ito, bilang mga simbolo na sinisuri
ng paningin, o hipo . Maaari na di nakasalig sa wika ang ibang uri ng pababasa,
katulad ng notasyon sa musika o piktogram. Sa paghahambing,
sa agham pangkompyuter, tinatawag na pagbabasa ang pagkuha
ng datos mula sa ilang uri ng imbakan ng kompyuter.

Kahit na ang pagbabasa ngayon ay isang pangunahing dahilan sa karamihan ng mga tao
upang makakuha ng impormasyon, naging ganito lamang ito noong nakalipas na 150 na
taon o mahigit pa, na may unting eksepsiyon, tulad ng mga kolonya ng Amerika, na may
maliit na bilang ng populasyon sa ibang bansa na muwang na bago pa ang rebolusyong
industriyal. (http://tl.wikipedia.org/wiki/Pagbabasa_(gawain))

Ibig sabihin lang nito, Ang pagbabasa ay napakaimportanteng instrumento tungo sa


pangaraw-araw nating ginagawa.

Dayuhan na Pag-aaral

Sa isang pag-aaral sa Estados Unidos tungkol sa "Younger


Americans ' Reading Habits and Technology Use" tinatalakay
rito kung ilang porsyento ng mga kabataan ang nagbabasa
pa din kahit may akses na sila ng internet sa kanilang mga
tahanan. tinatalakay din dito ang iba pa nilang ginagawa at

VII
"media consumption", dahil alam ng mga nagsasaliksik na
kaya bumababa ang bilang ng mga nagbabasa ay dahil sa
ginagawa nilang mga 'activities' lamag may libre silang oras.
sinasabi sa datos na may 39% na mga kabataan ang
pumupunta sa mga sporting events ka pag may libre silang
oras, mayroon ding 36% ang pumupunta sa mga concerts,
pagtatanghal at mga dance performance. Ang iba namang
32% ay pumupunta sa mga bookstores, at 26% ay
pumupunta sa mga museyo, art galleries, at mga
makasaysayang tanawin. (Younger americans and public
libraries. September 10, 2014)

Sa aming pag-aaral tinatalakay namin sa aming survey


kung gaano sila kadalas magbasa, makikita ang kaugnayan
nito sa nasabing pag-aaral dahil ang mga kabataan sa
ngayon ay mas gumugugol ng oras sa kanilang mga gadyet.

Lokal na Pag-aaral

Isa sa magandang gawain ang pagbabasa, sapagkat


hinggil sa inyong hilig at interes, marami itong
magagandang bagay na naidudulot. Nakakapagpalawak ito
ng ating imahinasyon. Napapaisip sa atin ng ating nababasa
ang mga bagay na imposible nating makita o maranasan.
Nskukuha nating maglakbay sa pagbabasa. Higit sa lahat,
marami tayong mapupulot na kaalaman at aral.
(jutslieblog.blogspot. Enero 16, 2013)

Dahil sa pagbabasa marami tayong natututunan at


nasasagap na kaalaman tungkol sa mga bagay bagay na
sadyang kailangan natin sa ating pang-araw-araw na
pamumuhay. Ang pagbabasa ay napakahalaga sapagkat
hinuhubog nito ang ating pagkatao at nakakatulong din ito
sa pag-unlad natin bilang isang tao.

VIII
Kabanata III
DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

DISENYO NG PANANALIKSIK
Ang uri ng pananaliksik na ito ay Palarawan (Desriptive) sapagkat ito ay may mga
sarbey na kung saan ay naglalarawan ng mga importanteng ginagawa ng isang
estudyante.

Respondente
Ang mga respondente ay may bilang na limampu (50) na nagmula sa
Philippine Christian University. Sila ang napili ng mga mananaliksik upang sagutan sa
kadahilanan ng upang malaman o matukoy kung ilang estudyante ng Philippine Christian
University ang may hilig pang magbasa ng libro.

Instrumento ng Pananaliksik
Ang mga mananaliksik ay naghanda ng talatanungan (Questionnaire) na
gagamitin upang makakalap ng impormasyon o bilang ng estudyanteng may
hilig pang magbasa ng libro. Ang sarbey ay may mga katanungan na nauukol sa
pagaaral at tiyak na masasagutan ng mga estudyante. Ito ay may mga
pagpipiliang naaayon sa hilig ng mga estudyante.

Tritment ng mga Datos


Sa pagpa-pakita o pag-iinterpreta ng mga datos, ang mga mananaliksik ay
gumamit ng Pie Graph upang maisaayos ang mga impormasyon na nakalap ng
mga mananaliksik. Itinally namin ang mga kasagutan ng iba’t-ibang kurso sa
Philippine Christian University. Sa kabuuan, naihambing ng maayos ang mga
resulta ang kanilang kasagutan na makikita sa Kabanata IV gamit ang
pormulang:
Bilang ng sumagot
X 100
Bilang ng Respondante

Kabanata IV
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Sa kabanatang ito, ipapakita ang mga resulta ng mga datos sa pamamagitan ng Graph.
Gagamit ng mga graphs kung saan ito ay magsisilbing presentasyon ng bawat tanong na
sasagot sa mga suliraning inihanda.

Gaano nga ba kadalas magbasa ng libro ang mga estudyante ng Philippine Christian
University? Ayon sa nagawa naming sarbey, na kung saan ang mga estudyante na may

IX
kursong AB na nagkakaroon ng bilang ng respondante na labing lima(15) ay itinala ang
kanilang pagbabasa ng libro ng MADALAS (40%), PAMINSAN-MINSAN (40%),
PALAGI (20%), at SIGURO(20%). Nangangahulugang, may Madalas at Paminsan-
minsan parin ang nagbabasa ng libro.

Graph 1.0 (AB)

Madalas, 40%

Paminsan-mins Palagi, 20%


an, 40%
Siguro,
Graph1.1 CSS0%
Palagi, 7% Siguro, 13%

Madalas, 27%

Paminsan-mins
Ayon naman sa nakalap na impormasyon ng mga mananaliksik,an, Ang
53%mga estudyante na
may kurso na napapaloob sa CSS Org. ay Paminsan-minsan (53%), Madalas (27), Siguro
(13%), at Palagi (7%). May mga iilang estudyante pa palang Palaging nagbabasa ng
libro. Ngunit lubos ikinagulat ng mga mananaliksik ang paglabas ng resulta na may
Labingtatlong (13) persyento ang nagsasabi ng Siguro.

Graph 1.2 BSED

0%

30%
40%

X
30%
Sa Graph 1.2 naman ang mga estudyanteng may kurso ng BSED ay Paminsan-minsan
(40%), Madalas (30%), Palagi (30%), at Siguro (0%) .

Graph 1.3 BSA

Siguro, 0%
Palagi, 20%

Paminsan-mins
an, 50%

Madalas, 30%

Ayon naman sa mga estudyante na may kurso ng BSA, Paminsan-minsan (50%),


Madalas (30%), Palagi (20%), at Siguro (0%).

Sa mga Graph na naipakita, marahil na naipakita ang resulta na may mga ibang
estudyante ang Malimit na lamang magbasa ng libro, may mga Paminsan-minsan, at
Madalas.

Ang susunod na katanungan naman ay Anong lenggwahe nga ba ng libro ang mas
gustong basahin ng mga mag-aaral sa iba’t-ibang kurso ng Philippine Christian
University?

Graph 1.4 Lenggwahe ng libro na gustong basahin


Ayon sa
ngBar
mgaGraph, mas hilig
estudyante ng basahin ng mga
iba’t-ibang estudyante na may kurso ng AB ang may
kurso
lenggwahe na English (53.33%) kaysa sa Filipino (6.67%), at Pareho (40%).
Sa mga estudyante naman na napapaloob ang kurso sa CSS, mas may hilig silang
magbasa ng libro na ang lenggwahe ay Pareho (53.33%) kaysa sa Filipino (6.67%) at
English (40%).

XI
Para naman sa mga estudyante na may kurso ng BSED, ang lenggwahe ng libro na mas
gusto nilang basahin ay English (50%), Pareho (40%), at Filipino (10%).

At sa mga estudyante na may kurso ng BSA, mas kinahihiligan nilang magbasa ng libro
sa lenggwahe ng English (50%), at Pareho (50%).

Makikita sa mga Graph ang mga resulta na ginawa ng mga mananaliksik na kung saan
napatunayang, may kinahihiligang tunay ang mga estudyante pagdating sa lenggwahe ng
libro.

Graph 1.5 Nakakaepekto ba ang Internet?


80
Siguro
70
70
Paminsan-minsan 60
60 Madalas
50 Palagi
40 40
40
33.33
30
30 26.67 26.66
20 20
20
10 10
10 6.67 6.67
0 0
0
AB CSS BSED BSA

Dito sa Graph 1.5 Makikita ang resulta ng pagkakaroon ng epekto ng Internet sa mga
estudyante pagdating sa pagbabasa ng libro. Makikita din dito ang iba’t-ibang porsyento
galing sa iba’t-ibang estudyante ng iba’t-ibang kurso.

Graph 1.6 Mas gustong basahin ng mga estudyante


Sa
80 73.33
70
60
60
50
40 40 LIBRO
40 33.33 INTERNET
30 30 30 PAREHO
30 26.67 26.67
20
10
10
0
0
AB CSS BSED BSA

XII
Graph 1.6 Makikita ang resulta ng kung anong mas gustong basahin ng estudyante.
Libro?, Internet?, O Pareho lamang?

Graph 1.7 Uri ng libro na mas gustong


basahin ng mga estudyante
120 112.7
99.2
100
86.3
80 76.171.4
67.3
56.8 Fiction
60 48.5 Non-Fiction
40

20

0
AB CSS BSED BSA

Graph 1.7, Dito nakasaad ang mga uri ng libro o babasahin na mas gustong basahin ng
mga estudyante, Kung ito ba ay Fiction o Non-Fiction.

Graph 1.8 Mga eestudyanteng mas gustong magbasa ng


Sa libro sa sariling wika

60
50
50
40 40 5-Palagi
40
33.33 4-Madalas
30
30 26.67 26.67 3-Paminsan-minsan
20 20 2020 2-Siguro
20
13.33 13.33 13.33 1-Hindi
10 10
10 6.67 6.67
0 0
0
AB CSS BSED BSA

Graph 1.8 , Nakasaad dito ang kanilang paraan kung mas gusto ba nilang magbasa ng
libro na naaayon sa sarili nilang wika.

XIII
Graph 1.9 Mga nagbabasa ng libro kahit na ito
ay mahaba
70
60
60
50
50 46.66 5-Palagi
40 4-Madalas
40
3-Paminsan-minsan
30 26.67
2-Siguro
20 2020 20 20 20
20 1-Hindi
10 10 1010 10
10 6.67
0 0 0
0
AB CSS BSED BSA

Graph 1.9, Gaano nga ba kadami ang mga estudyanteng nagbabasa ng libro kahit na ito
ay mahaba?. Gaano ka kadalas magbasa ng libro na mahahaba? Kinahihiligan mo din
bang magbasa ng libro na nasa Dalawang daan ang dami ng pahina? Makikita sa Graph
1.9 ang resulta ng sarbey na kung saan ay may mga estudyante pa din na nagbabasa ng
mga librong madami ang pahina.

Graph 2.0 Mga estudyanteng may nakukuhang impormas


Sa -yon sa libro

70
60
60
50 46.66 46.66 5-Palagi
40 40 4040
40 4-Madalas
3-Paminsan-minsan
30 2-Siguro
2020
20 1-Hindi
13.34
1010
10 6.67
6.67
0 00 0 00
0
AB CSS BSED BSA

Graph 2.0 naman makikita ang resulta na kung saan may nakukuha nga bang
impormasyon o may natututunan nga ba ang mga estudyante kapag sila ay nagbabasa.
Marahil ang iba ay wala at ang iba madalas meron.

XIV
Sa Graph 2.1 Mga estudyanteng hilig basa
hin ang mga libro ng kanilang paborito-
ng awtor
50 46.67

40
33.33 5-Palagi
30 30 30
30 26.67
26.67
26.66 4-Madalas
20 202020 20 3-Pamnsan-minsan
20 2-Siguro
13.33
10 10 10 1-Hindi
10 6.67
0 0
0
AB CSS BSED BSA

Graph 2.1 Nakasaad ang bilang ng madalas na pagbasa ng mga estudyante sa mga
librong nasusulat ng kanilang mga paboritong awtor.

Graph 2.2 Mga estudyanteng nagbaba-


sa kapag may takdang aralin
60

50

40 5-Palagi
4-Madalas
30 3-Paminsan-minsan
2-Siguro
20
1-Hindi
10

0
AB CSS BSED BSA

Nakasaad sa Graph 2.2 ang minsanang paggamit o pagbabasa ng libro ng mga estudyante
kapag may takdang aralin.

Kabanata V
LAGOM, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON

LAGOM
Sa Kabuuan ang uri ng pananaliksik na ito ay Palarawan (Desriptive) sapagkat ito ay
may mga sarbey na kung saan ay naglalarawan ng mga importanteng ginagawa ng isang
estudyante. Kumalap ng mga impormasyon sa pamamagitan ng
talatanungan (Questionnaires) na naglalayong kunin ang

XV
mga impormasyon na nararapat sa pag-aaral. Ang Pag-aaral
na ito ay may Limampu (50) na respondente.

KONKLUSYON
Ang mga sumusunod ay ang mga resulta ng ginawang sarbey:

Gaano nga ba kadalas magbasa ng libro ang mga estudyante?


Gaano nga ba kadalas magbasa ng libro ang mga estudyante ng Philippine Christian
University? Ayon sa nagawa naming sarbey, na kung saan ang mga estudyante na may
kursong AB na nagkakaroon ng bilang ng respondante na labing lima(15) ay itinala ang
kanilang pagbabasa ng libro ng MADALAS (40%), PAMINSAN-MINSAN (40%),
PALAGI (20%), at SIGURO(20%). Nangangahulugang, may Madalas at Paminsan-
minsan parin ang nagbabasa ng libro.
Ayon naman sa nakalap na impormasyon ng mga mananaliksik, Ang mga estudyante na
may kurso na napapaloob sa CSS Org. ay Paminsan-minsan (53%), Madalas (27), Siguro
(13%), at Palagi (7%). May mga iilang estudyante pa palang Palaging nagbabasa ng
libro. Ngunit lubos ikinagulat ng mga mananaliksik ang paglabas ng resulta na may
Labingtatlong (13) persyento ang nagsasabi ng Siguro.

Sa Graph 1.2 naman ang mga estudyanteng may kurso ng BSED ay Paminsan-minsan
(40%), Madalas (30%), Palagi (30%), at Siguro (0%) .
Ayon naman sa mga estudyante na may kurso ng BSA, Paminsan-minsan (50%),
Madalas (30%), Palagi (20%), at Siguro (0%).
Anong lenggwahe ng libro ang mas gustong basahin ng mga estudyante?
Ayon sa Bar Graph, mas hilig basahin ng mga estudyante na may kurso ng AB ang may
lenggwahe na English (53.33%) kaysa sa Filipino (6.67%), at Pareho (40%).
Sa mga estudyante naman na napapaloob ang kurso sa CSS, mas may hilig silang
magbasa ng libro na ang lenggwahe ay Pareho (53.33%) kaysa sa Filipino (6.67%) at
English (40%).
Para naman sa mga estudyante na may kurso ng BSED, ang lenggwahe ng libro na mas
gusto nilang basahin ay English (50%), Pareho (40%), at Filipino (10%).
At sa mga estudyante na may kurso ng BSA, mas kinahihiligan nilang magbasa ng libro
sa lenggwahe ng English (50%), at Pareho (50%).
Makikita sa mga Graph ang mga resulta na ginawa ng mga mananaliksik na kung saan
napatunayang, may kinahihiligang tunay ang mga estudyante pagdating sa lenggwahe ng
libro.

Nakakaepekto nga ba ang Internet sa madalang na pagbabasa ng libro?

Sa Graph 1.5 Makikita ang resulta ng pagkakaroon ng epekto ng Internet sa mga


estudyante pagdating sa pagbabasa ng libro. Makikita din dito ang iba’t-ibang porsyento
galing sa iba’t-ibang estudyante ng iba’t-ibang kurso. Dahil narin siguro sa pagtaas ng
demand sa Internet tuluyan ng naging madalang ang pagbabasa ng mga libro ng mga
estudyante.

XVI
Anong nga ba ang mas gustong basahin ng mga esudyante? Libro o Internet?
Sa Graph 1.6 Makikita ang resulta ng kung anong mas gustong basahin ng estudyante.
Libro?, Internet?, O Pareho lamang?
Maraming mga estudyante parin ang nagsabi ng libro parin ang mas gusto nilang basahin
kaysa sa Internet.

Anong libro o babasahin ang mas gustong basahin ng mga estudyante?


May mga estudyanteng nagsasabing mas gusto nilang magbasa ng mgaa Fiction na libro.
Ano nga ba ang mga halimbawa nito? Ito ung mga libro na galing lang sa mga
imahinasyon ng mga awtor.

Gaano kadalas magbasa ng libro sa sariling wika ang mga estudyante ?


Mas lamang ang mga estudyante na may kurso ng BSED na kung saan ay may limapung
porsyento(50%) ang bilang na nagsasabing Paminsan-minsan silang nagbabasa sng libro
sa sariling wika.

Mga estudyanteng nagbabasa ng libro kahit ito ay may madaming pahina.


Graph 1.9, Gaano nga ba kadami ang mga estudyanteng nagbabasa ng libro kahit na ito
ay mahaba?. Gaano ka kadalas magbasa ng libro na mahahaba? Kinahihiligan mo din
bang magbasa ng libro na nasa Dalawang daan ang dami ng pahina? Makikita sa Graph
1.9 ang resulta ng sarbey na kung saan ay may mga estudyante pa din na nagbabasa ng
mga librong madami ang pahina.

May natututunan o may nakukuha nga bang impormasyon ang mga estudyante sa
libro?
Sa Graph 2.0 naman makikita ang resulta na kung saan may nakukuha nga bang
impormasyon o may natututunan nga ba ang mga estudyante kapag sila ay nagbabasa.
Marahil ang iba ay wala at ang iba madalas meron.
Dahil narin siguro sa Pagkakaroon ng Internet, ang mga estudyante ay wala ng nakukuha
o natutunan sa libro.

Mga estudyanteng nagbabasa ng libro na gawa ng kanilang paboritong awtor.


Sa Graph 2.1 Nakasaad ang bilang ng madalas na pagbasa ng mga estudyante sa mga
librong nasusulat ng kanilang mga paboritong awtor.
May mga estudyanteng nagsasabi ng Madalas nilang basahin ang mga libro ng kanilang
awtor. Dahil na rin siguro sa may sinusubaybayan sila sa mga gawa nito.

May mga estudyante pa bang nagbabasa ng libro kapag may takdang aralin?
Dahil sa pag-usbong ng Internet na gawa ng Teknolohiya, may ibang mga estudyanteng
mas nanaisin na magbasa ng libro sa internet kaysa sa libro.

REKOMENDASYON
Marahil ang tanging humahadlang lang sa patuloy na pagbaba ng bilang ng mga
estudyanteng nagbabasa ng libro ay ang paggamit ng gadgets at ng mga gamit o

XVII
babasahing gawa sa teknolohiya. May mga estudyanteng naaaliw sa pagbabasa ng mga
E-book, Wattpad at kung ano-ano pa. Tuluyan ng nakalimutan ng ibang estudyante ang
pagbabasa ng mga libro kapag may takdang aralin o di kaya’y pag may hindi sila
naintindihan sa aralin. Ang mga libro na patuloy na iniimprinta ng gobyerno ay
nasasayang lang. May mga pampribadong paaralan ang hindi gumagamit ng libro, kundi
gadgets. Ito ay para tulungang madebelop ng mga bata ang kanilang kahusayan sa
paggamit ng mga napapanahong gadgets. Ngunit ito nga ba ang dapat na solusyon sa
luho ng teknolohiyang mundo? Asan ang hustisya na dapat ang libro ang unang
babasahin ng mga bata? Ng mga estudyante? Hindi ba’t hindi ito makatarungan? Hindi
dapat tayo magpalinlang sa ganda o naipapakitang kaibahan ng mga nasabing
teknolohiya.
May mga estudyanteng napapahiya sa paaralan hindi dahil sa kung anong dahilan,
kung hindi dahil sa pagkakaroon ng mababang marka sa mga subject na may kinalaman
sa pagbabasa at pagsusulat. Halimbawa na lamang nito ay ang maling ispeling ng mga
estudyante sa mga salitang binigkas ng kanilang guro. Dahil sa text, ang mga ispeling ng
mga estudyante ay nagbago, may mga nasanay sa ganong salita kahit hindi tama.
Nasa estudyante na marahil ang desisyon kung ang pagbabasa ng libro ay kanilang
gagawin o ito’y sadyang kanilang kakalimutan na dahil sa Teknolohiya.

Listahan ng Sanggunian

(https://mbasic.facebook.com/notes/the-
sorbetes(https://mbasic.facebook.com/notes/the-sorbetes-
movement/nagbabasa-ka-ba/333803356665835/)-
movement/nagbabasa-ka-ba/333803356665835/)

(http://tl.wikipedia.org/wiki/Pagsusuri)

(http://tl.wikipedia.org/wiki/Pagbabasa_%28gawain%29)

(http://tl.wikipedia.org/wiki/Pagbabasa_(gawain))

(Younger americans and public libraries. September 10,


2014)

(jutslieblog.blogspot. Enero 16, 2013)

XVIII

You might also like