You are on page 1of 3

Mga sakit na maaaring malunasan ng Medical Marijuana

Hindi bababa sa 30 bansa na sa buong mundo ang nagsabatas ng iba’t ibang pamamaraan ng
legal na paggamit ng marijuana o cannabis. Dito sa atin, painit nang painit ang usapin tungkol sa
House Bill No. 180 o ang ‘Philippine Compassionate Medical Cannabis Act’ – ang panukalang
batas na nagsusulong sa marijuana bilang gamot sa mga may sakit. Para sa mga proponent ng
panukala, may malaking potensiyal ang marijuana sa larangan ng panggagamot, lalo na sa ilang
malala, ‘di gumaga­ling, at nakapanghihinang kondisyong pangkalusugan. Ayon sa ilang pag-
aaral, maaaring malunasan ng marijuana ang arthritis, epilepsy, multiple sclerosis, cerebral palsy,
infantile spasms, pati na ang cancer, AIDS symptoms, at marami pang iba.

Ngayong pasado na sa Committee on Health sa Kamara ang panukalang batas na naglalayong


gawing legal ang paggamit ng cannabis o marijuana para sa medikal na pangangailangan. Ito ay
inaprubahan nitong Setyembre 25, 2017 matapos magsagawa ang komite ng malawakang
konsultasyon kasama ang mga pasyente, advocacy group, mga ekspertong medikal, at ilang
ahensiya ng pamahalaan. Sa ilalim ng panukalang "Philippine Compassionate Medical Cannabis
Act", magtatatag ng "medical cannabis compassionate centers" na bibigyan ng lisensiya ng
Department of Health (DOH).

Nang ipasa ang panukala, maraming ina ang halos napaiyak sa tuwa sapagkat sa wakas ay
magkakaroon na rin ng lunas ang karamdaman ng kanilang anak na may epilepsy. Ang ilang ina
ay kailangan pang magtungo sa United States para ipagamot ang kanilang anak. Legal ang
paggamit ng marijuana sa US para sa maysakit na bata. Ngayong pasado na ang panukala,
nakakahinga na nang maluwag ang mga magulang na may anak na may epilepsy at iba pang may
karamdaman. Abot kamay na nila ang inaasam na lunas para sa kanilang anak. Hindi na
kailangang umalis pa ng bansa para madugtungan ang buhay ng kanilang minamahal na anak.
Sa Amerika, ay i-binibigay ng mga doktor ang medical marijuana sa mga pasyente upang
makontrol ang epileptic seizure nito. Nakakapawi rin ito ng sakit na dulot ng sclerosis at arthritis.
At ginagamit din ito laban sa mga sintomas ng HIV-AIDS at pampakalma sa mga may malalang
kanser. Kung maisasabatas ang panukala, sinabi ni Albano na maraming pasyente ang matutulu-
ngan ng cannabis.

Ayon sa pag-aaral, ang paggamit ng marijuana ay makatutulong sa pagkahilo at pagsusuka dulot


ng cancer chemotherapy. Lumalabas din sa pag-aaral na ang marijuana ay nakapagpapabagal at
nakapapatay ng ilang partikular na cancer cell. Nakatutulong din ito sa mga taong may
neuropathic pain o sakit na dulot ng pagkasira ng mga ugat. Nakatutulong din ito para lumakas
kumain ang isang taong may HIV. Napatunayan din sa mga pag-aaral na ang mga taong
pinagamit ng marijuana sa mga isinagawang clinical trial ay nangailangan ng mas konting pain
reliever. Mayroong iba’t ibang strain ng marijuana plant kaya magkakaiba ang epekto nito sa tao.
Mayroong mataas ang THC na siyang nakakapagpa-high at meron din itong mga kemikal na
katulad ng sa tabako.

Sa Estados Unidos, dalawang gamot na mula sa marijuana compounds ang pinapayagan sa


panggagamot. Ang Dronabinol na mayroong THC at aprubado ng US Food and Drugs
Administration at pinapainom sa mga taong nag-chemotherapy para hindi magsuka at sa mga
taong may HIV-AIDS upang gumana ang pagkain nito. At ang Nabilone na isang synthetic
cannabinoid na katulad ng THC.

Marami paring mga taong tumututol tungkol dito sapagkat ito ay maaaring maabuso. Sabi ng
mga tutol, kung ngayon nga raw na bawal ang marijuana sa bansa ay marami na ang nagtatanim,
paano pa kung ma-ging legal ito. Maaari raw na magtanim nang magtanim ang karamihan dahil
legal na ang marijuana. Dapat maging maliwanag sa lahat ang paggamitan ng marijuana.
Ipaunawa sa lahat na hindi porke’t aprubado na ang marijuana bill ay maaaring magtanim nang
basta-basta sa paso o kung saan-saan lang. Ang Marijuana Bill ay inakda para gamiting gamot at
hindi para magpa-“high” o maging “bato”. Hindi ito para sa mga addict kundi sa mga maysakit na
kailangang madugtungan ang buhay.
Ayon kay Begas L. Ang paggamit ng medical marijuana bilang gamot sa may mga malulubhang
sakit ay talaga namang makakatulong upang maibsan o mabawasan ang mga sakit na
nararamdaman. At agad din niyang itinama ang mga nasa isip ng ilan na pahihithitin ng marijuana
ang mga may sakit, at iginiit na ang langis na makukuha sa cannabis ang gagamiting gamot. Hindi
rin umano ito nakaka-high kaya walang pakinabang dito ang mga adik.

Ayon kay Cruz RG. Matapos maaprubahan ang panukalang “Philippine Compassionate Medical
Cannabis Act” na layunin ay gawing legal ang paggamit ng medical marijuana sa may mga
malulubhang sakit. Magtatatag ng “Medical Cannabis Compassionate Centers” ang DOH upang
makatulong sa mga taong may sakit na nangangailangan ng paggamit ng medical marijuana.
Kailangan din muna ng lisensiya ng Philippine Drug EnforcementAgency (PDEA) ang mga
pharmacist na magbibigay ng mga gamut sa mga kwalipikadong pasyente o kaya’y kanilang
caregivers.

Ayon sa (Pilipino star ngayon) Ang paggamit ng medical marijuana ay makatutulong para
makontrol ng mga pasyenteng may epileptic seizure ang kanilang sakit. Ito rin ay nakakatanggal
ng sakit dulot ng sclerosis at arthritis. At ginagamit din ito laban sa mga sintomas ng HIV-AIDS at
pampakalma sa mga may malalang kanser, kaya naman napakahalaga na naipasa ang panukalang
“Philippine Compassionate Medical Cannabis Act” dahil dito maraming mga tao na may
malubhang sakit ang natutulungan nito.

Bibliyograpiya

Begas, L. (Oktubre 31, 2017). Medical marijuana gamot nga ba sa iba’t ibang uri ng sakit? Nakuha
noong Enero 31, 2019 mula sa https://m.inquirer.net/bandera?id=167418

Cruz, RG. (September 26, 2017). Paggamit ng marijuana sa gamutan, inaprubahan ng komite sa
Kamara. Nakuha noong Enero 31, 2019 mula sa https://news.abs-
cbn.com/news/09/26/17/paggamit-ng-marijuana-sa-gamutan-inaprubahan-ng-komite-sa-
kamara
Pilipino star ngayon. (Oktubre 8, 2017). Marijuana bilang gamot. Nakuha noong Enero 31, 2019
mula sa https://www.philstar.com/pilipino-star- ngayon/opinyon/2 017/10/08/ 17468 52
/editoryal- marijuana-bilang-gamot#3dt5341xjmZfFp5W.99

You might also like