You are on page 1of 3

Maria Sophia D.

Soledad
KAS 1 H2
2018-01850

Sana’y Huwag nang Umulit Pa

Hindi maitatanggi ang katotohanan na ang ating pinakaminamahal na bansa ay minsan


nang naranasan ang isa sa pinakamasalimuot at hindi makataong kaganapan sa buong kasaysayan
mula nang napasailalim ito sa pamumuno ni Ferdinand E. Marcos bilang ang ika-sampung pangulo
ng Pilipinas. Gayunpaman, may iilan din na naniniwala na ang kaniyang panunungkulan bilang
pangulo ang siyang nagbigay ng tinataguriang “golden age” ng Pilipinas at ipinagmamalaki pa
ang mga sinasabing kaniyang mga ‘naiambag’ sa lipunan. Kahit pa anuman ang sabihin ng iba,
hindi maikakaila na ang pahayag na ito ay isa lamang kasinungalingan lalo na’t taliwas dito ang
nailalahad ng mga tunay na ebidensiya.
Ang panunungkulan ni Marcos ang tinaguriang isa sa pinakamadugo at hindi
makatarungang yugto sa kasaysayan ng mga Pilipino. Ayon sa binigay na tantya ng Amnesty
International, isang organisasyon na nakatanggap ng Nobel Peace Prize, tinatayang umabot sa
70,000 ang nakulong, 34,000 naman ang sumailalaim ng torture at 3,240 naman ang pinatay. Ang
datos ay taliwas sa ibinigay na tala ng Task Force Detainees of the Philippines na kung saan
umabot lamang daw ng 306 ang naaresto 398 ang nawala at 1,499 ang namatay o nasugatan sa
mga masaker (Chua 2). Magandang banggitin na ang parehas na datos ay hindi kailanman
makakapagbigay ng hustisya sa mga hindi naitalang mga biktima kung ito ay nangyari sa liblib na
ugar o di kaya’y hindi inaamin ng kanilang pamilya ang kanilang pagkawala dahil sa mga banta
sa buhay na maaari rin nilang maranasan.
Bukod pa rito, hindi makataong ang binigay nila sa mga biktima. Ang pampisikal na labis
na pagpapahirap ay hindi limitado sa paggamit ng mga nakakamatay na armas bagkus pati na rin
ang mga simpleng kagamitan tulad ng bolpen, sili at tubig. Kabilang sa ginawang listahan ng mga
pamaraan ng tortyur nina Senador Benigno ‘Ninoy’ Aquino at Primitivo Mijares ang Russian
Roulette kung saan ang biktima ay sapilitang itututok ang isang revolver na mayroon laman na
isang bala lamang sa kaniyang ulo at ang Sinusunog na Rekado kung saan pinapahid sa labi, tainga
o ari ang mga maanghang na sangkap (Chua 5-6).
Ang pamamalabis sa karapatang pantao ay hindi lamang umiikot sa pagpapahirap sa mga
naaresto pati na rin sa mga sibilyan na babae sa panahong yaon. Marahil natatandaan ng ilan sa
kotemporaryong panahon ang rape case ni Pepsi Paloma, isang batang artista na ginahasa ngunit
ang kaniyang mga mangagahasa ay naabsuwelto mula sa kaso, na isa lamang sa maraming
pangagahasa at kawalan ng hustisya sa panahon ng Martial Law.
Nakakatawang pakinggan ang mga pahayag na nagsasabing maunlad ang ekonomiya sa
ilalim ng panunungkulan ni Marcos sapagkat karamihan dito ay walang saysay at pawang
manipuladong katotohanan na ginamit ng kanilang mga taga-suporta sa kani-kanilang kampanya.
Marahil na totoo na tunay ngang nagkaroon ng economic growth noong mga huling taon ng dekada
60s dahil sa pag-usbong ng agrikultura at manufacturing industries na siyang nagdulot ng pagtaas
ng anim na persyento. Sa kasamaang palad, hindi ito nagkaroon ng malawakang epekto sa
ekonomiya sa kabuuan. Idagdag pa rito ang pagtaas ng halaga ng mga hilaw na materyales sa
world market noong 1970s, hindi mapagkakaila na ang gobyerno ay nangailangang umutang upang
mapag-ibayo ang economic performance ng bansa. Samakatuwid, nailarawan na ang ekonomiya
sa panahon ni Marcos bilang “debt-driven” (Dolan 4).
Itong tila walang katapusang paghiram ng gobyerno ng pera mula sa mga transnational
commercial bank, at multilateral organization pati na rin sa United States at ang mga karatig bansa
ay isa lamang nabigong pagtatangka na pagtakpan ang suliranin na simulang umiral sa ekonomiya
na siyang kasabay rin ng pagbagal ng pag-unlad sa ekonomiyang pandaigdig. Dahil dito, kasama
ang bansa sa top 100 na tumanggap ng loans mula sa World Bank noong taong 1976 at tinagurian
din na “country of concentration.” Siguro nga at pangsamantalang nalutas ang problema na
kinahaharap ng bansa sa mga bayarin at kahit papaano ay nakatulong sa paglago nang bahagya sa
ekonomiya ng Pilipinas, ngunit ito naman ay nagdulot ng utang na mula US$2.3 bilyon noong
1970 na pumalo sa US$17.2 bilyon pagdating ng taong 1980 (Dolan 5).
Tunay na hindi matatanggi na ang pagbagsak ng ekonomiya ng bansa ay kaugnay sa maling
pagtatakbo ng crony enterprises sa ekonomiya at lantarang korapsyon na kanilang ginawa. Isa sa
iskandalong yumanig sa bansa ay ang pagtakas ng isang negosyante noong Enero 1981 mula sa
pagkakautang nito na may halagang P700 milyon na siyang nangailangan ng malaking halaga ng
emergency loans mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). Ang Gross National Product (GNP)
ay bumagsak nang lubusan. Simula noon, nahirapan muli bumangon ang Pilipinas mula sa
pagkakasadlak (Dolan 6).
Natatandaan niyo pa ba ang aksidenteng naganap habang tinatayo ang Manila Film Center?
Ang lantaran na korapsyon at kawalan ng kalayaan sa pamamahayag ay tunay na naipapakita sa
pangyayaring ito. Noong Nobyembre 21, 1981 naganap ang kahindik-hindik na aksidente habang
tinatayo ang naturang imprastraktura na siyang naging dahilan ng pagkamatay ng 169 na
manggawa (Manahan 9). Ngunit hindi kaagad nakapasok ang mga reskyuwer sapagkat hindi sila
maaring pumasok hangga’t walang opisyal na utos na mula sa itaas kung kaya’t naghintay sila ng
siyam na oras bago kumilos. Idagdag pa rito ang masidhing pagpigil ng administrasyon na
makapasok ang press sa lugar (Manahan 10).
Hindi maipapagkaila ang mga kalupitan na dinanas ng bansang Pilipinas nang ito ay
pamunuan ni Ferdinand Marcos. Kahit pa na magtangka nang ilang ulit ang Marcos apologists at
supporters na baguhin ang kasaysayan at ipagmalaki na “golden age” ng ating kasaysayan ang
Martial Law, ang katotohanan ay mananatiling nakatindig. Kailangan nang mulatin ang mga
Pilipino at hayaan mabuksan ang kanilang isipan sa katotohanan na tila ikinubli ng panahon. Dahil
kung ang lahat ay magkakaisa at magiging mulat sa katotohanan, hindi na muli uulit ang kagimbal-
gimbal na panahon sa kasulukuyan. Huwag na. Huwag na.
Mga Sanggunian:
Dolan, Ronald E. “Martial Law and its Aftermath, (1972-86)”. Philippines: A Country Study.
1991. Washington: GPO for the Library of Congress, http://countrystudies.us/philippines/57.htm.
Accessed 10 May 2019.
Manahan, Tats. “The enduring nightmare of the Manila Film Center.” http://rogue.ph/enduring-
nightmare-manila-film-center/ Accessed 10 May 2019.
Chua, Michael Charleston “Xiao” Briones. “TORTYUR: Human Rights Violations During The
Marcos Regime”, 2012, pp. 2,5-6.

You might also like