You are on page 1of 4

REPUBLIKA NG PILIPINAS)

LALAWIGAN NG KABITE ) S.S.


BAYAN NG IMUS )

PANGSALUNGAT NA SINUMPAANG SALAYSAY


(COUNTER- AFFIDAVIT)

NA AKO, si KLAUDINE R. CASTILLO, Pilipino, may sapat na taong gulang, at


naninirahan sa Blk. 22, Lot 12, Villa Apolonia, Ibayo Silangan, Naic, Cavite, matapos
makapanumpa sang-ayon sa ipinag-uutos ng batas, ay nagsasalaysay at nagpapatunay ng
mga sumusunod:

NA ako po ang idinemanda ng GLOBE TELECOM INC., at ang kinatawan nitong si


LOURD AUDREY S. DELA CRUZ, sa kasong “COMPUTER RELATED FORGERY UNDER
Republic Act (R.A.) No . 10175” na di-umano’y naganap noong ika- 03 ng Nobyembre 2018 sa
SM City Rosario, Cavite, at ngayon ay kasalukuyang nakalagak sa Opisina ng Kagalang-galang
na Panlalawigang Taga-usig ng Imus, Cavite bilang NPS DOCKET NO. IV-03-INV-19E-1884;

NA pawang wala pong bahid ng katotohanan ang demandang ito ni LOURD AUDREY S.
DELA CRUZ sa akin, sapagkat ang totoo po ay ang mga sumusunod:

NA ako po ay isang kontraktwal na empleyado ng Quaerito Qualitas, Inc. (People4People


Division) o “QQI” at dahil po ang QQI ay isang Contractor, pumasok ito sa isang proyekto o
Service Agreement kung saan ang third-party ay Globe Telecoms Stores Group o “Globe”;

NA ako po at ang QQI ay pumirma ng isang Kontrata, na pinamagatan Limited Employment


Agreement (strictly confidential), at ako po ay kanilang itinalaga bilang isang Store Specialist-
Bau Luzon sa pamamahala ng Globe at idinestino sa Globe Telecom- SM City Rosario branch,
Brgy. Tejeros Convention, Rosario, Cavite;

NA ako po ay nagsimulang mag-trabaho noong Pebrero 16, 2017 at ipinaliwanag po sa akin


ng aming Branch Manager na ang layuning po ng aking trabaho ay ang makapag-benta ng
plan (Postpaid Internet) etc. sa mga prospective Globe users;

NA noong Nobyembre 03, 2018, ayon po sa aking pagkakatanda ay bumisita po si Gng.


Gelai Crisostomo para mag-inquire patungkol sa kanyang existing Globe postpaid plan at kung
kailan daw ito matatapos o mag-eexpire;

NA nang masuri ko ang kanyang records sa aming system ay lumabas na siya po ay isang
existing Globe postpaid user at ang kanyang postpaid plan ay “plan plus 599” or “hire-only plan”
na may over-payment na halos One Thousand Five Hundred Pesos (PhP1,500.00) at noon rin
ay nag-tanong siya kung papaano mai-uupgrade ang kanyang Postpaid plan;

NA akin naman pong ipinaliwanag sakanya kung paano makakuha ng “second hire” at agad
kong diniscuss sa kanya na kailangan niya munang i-taas ang kanyang credit limit at kung
papaano niya po ito mai-tataas, at noong panahon na iyon ay bigla na lamang po siyang
nagpakita ng gold credit card habang ako ay may iba pang ina-assist na ibang customers;

1
NA nang makita ko ang gold credit card ay minodify ko po ang credit limit niya mula “800-
4,800” dahil po sa patakaran ng aming Branch Manager na kapag may gold credit card ang
isang Globe client o customer ay automatic po na ang magiging credit limit mo sa Globe ay
4,000 dahil may existing siya;

NA noong pinproseso ko na po ang modification ng kanyang Postpaid plan ay napansin


kong hindi pala kanya ang credit card, at iyon po pala ay sakanyang tiyahin;

NA dahil po maraming mga nag-aantay na customer sa shop at may iba pa po akong


inaasikasong nagfifill-up na mga Globe subscriber ay hindi ko po agad na-ibalik sa dati ang
credit limit niya sa kadahilanang marami po ako noong inaasikaso at isa lamang po ang aming
computer sa shop area;

NA ang pangyayaring modification po sa account ni Gng. Crisostomo ay dahil po sa ka-


lingatan lamang at mariin ko pong pinaninidigan na wala po akong masamang intensyong i-
deceive o dayain o lokohin ang kumpanya at maari rin pong nai-exit o nai-sarado iyong system
ng sumunod na gumamit at nag log-in ng bago kung kaya naman hindi ko po napansin, naalala
at nawala na po ito sa loob ko;

NA napagpasyahan ko rin pong hindi na i-swipe ang gold credit card sa kadahilanang hindi
naman po natuloy ang proseso ng pag-tataas ng kanyang credit limit kung kaya’t wala kahit
isang document ang naka-upload sa system;

NA sa isyu na ako raw po ay dalawang beses tinawagan ni Gng. Crisostomo noong


Nobyembre 02, 2018 ay hindi ko naman po ito maalala dahil makikita na saglit na saglit lang din
lamang ang tawag;

NA lumipas po ang mga araw at noong January 26, 2019 pinagpaliwanag po ako ng aming
agency (QQI) patungkol sa nangyari at ako po ay nag-sumite ng written explanation at
nagkaroon po ng phone conference sa agency namin kasama ang aking team leader na si
ERNESS MAXENE DE GUIA;

NA pagkatapos po ng nasabing phone conference ay hiningian po ng QQI ng opinion ang


aking retail manager na si KAT LALAY at nabalitaan kong nag-email naman ang aking manager
para bigyan ako ng ikalawang pagkakataon dahil po sa paniniwalang ito ay ka-lingatan lamang,
first offense at hindi naman po ito mag-fafall under serious misconduct;

NA ako po ay patuloy na nag-trabaho sa Globe at noong March 28, 2019, ako ay


makatanggap ng notice mula sa QQI na ako ay naka-“floating status” at tatanggalin daw po ako
sa Globe Telecom ngunit ako ay ililipat sa ibang kompanya,ngunit pagkatapos pa ng tatlong (3)
buwan at sinabi rin ng QQI na pwede na akong humanap ng ibang oportunidad dahil wala pa po
silang mahanap na ibang trabaho para sa akin at mas makabubuti raw na mag-resign na
lamang po ako;

NA dahil sa kanilang pansamantalang desisyon na ako ay i-“floating status” at walang


katiyakan na ako ay mabibigyan pa ng bagong oportunidad o trabaho, noong April 10, 2019 ay
nagpasa po ako sa ng resignation letter at nagasikaso ng clearance para sa aking backpay at
agad din naman akong natapos sa clearance at nagrequest ng Cerificate of Employment (COE)
via email ko po ito natanggap;

2
NA patungkol naman po sa di-umano’y paglabag ko sa R.A. No. 10175 o Cybercrime
Prevention Act, nakasaad po sa batas, partikular sa Section 4(b), ang mga sumusunod:

“(1) Computer-related Forgery. —

(i) The input, alteration, or deletion of any computer data without right resulting in
inauthentic data with the intent that it be considered or acted upon for legal
purposes as if it were authentic, regardless whether or not the data is directly
readable and intelligible; or

(ii) The act of knowingly using computer data which is the product of computer-
related forgery as defined herein, for the purpose of perpetuating a fraudulent or
dishonest design.”

NA aking pong inuulit na ang nangyaring modification sa credit limit ni Gng. Crisostomo
ay hindi po aking intensyon o tangkang ginawa at wala po akong masamang layunin na ide-
fraud o lokohin ang kumpanya;

NA sa halos na dalawang taon kong pag-tatrabaho bilang Shop Specialist sa Globe ay


wala pong ibang insidente kung saan ako ay gumawa ng mali o naglayon ng masamang
intensyon laban sa kumpanya;

NA ang reklamo pong ito laban sa akin ay hindi po maka-tao at maka-hustisya dahil
wala naman pong damage o danyos na nakamit ang globe dahil sa totoo lang po ay may over-
payment pa po itong si Gng. Crisostomo at hindi ko naman po itinuloy ang proseso ng pag-
upgrade ng kanyang postpaid plan gayon na rin naman po ang pag-taas ng kanyang credit limit
noong tinangka niya itong gawin sa Globe SM MOA Branch;

NA isinagawa ko po ang salaysay na ito upang patotohanan ang lahat ng nasasaad sa


dakong itaas nito at upang hilingin sa Kagalang-galang na Taga-usig at Husgado na pawalan
ng saysay ang demandang ito laban sa akin sapagkat ang lahat po ng ito ay puro
kasinungalingan at pawang walang katotohanan;

NA SA KATUNAYAN NG LAHAT NG ITO, ay aking inilalagda ang aking pangalan sa


ibaba nito ngayong ika-8 ng Hulyo 2019 dito sa Imus, Cavite, Pilipinas.

KLAUDINE R. CASTILLO
Nagsalaysay

SUBSCRIBED AND SWORN to before me this 8th day of July 2019 at Imus, Cavite,
Philippines. This is also to certify that I have examined the affiant and that I am satisfied that
she have voluntarily executed the foregoing statement of his own personal knowledge.

________________________

________________________

3
4

You might also like