You are on page 1of 1

PAALAALA SA MGA POLLWATCHER

1. Paalalahanan ang ating mga kasamang botante na kapag natanggap ang


balota, kopyahin kaagad sa isang maliit na papel o sa kamay ang
BALLOT ID number na matatagpuuan sa itaas na kanang bahagi ng
balota. Tingnan ang larawan:

2. Bomoto sa pamamagitan ng pagmarka sa loob na bilog na tugma sa


kandidatong iboboto. Huwag na huwag susulatan ang mga gilid na bahagi
ng balota sa pagboto.

3. Pagkatapos, ang botante mismo ang magpapasok ng balota sa Vote


Counting Machine (VCM) scanner. Hindi maaaring iba ang gumawa nito.

4. Dapat suriing mabuti ng botante ang lalabas na resibo ng pagboto. Kung


tugma ang nasa resibo sa ibinotong kandidato, ihulog ang resibo sa
kahong nakalaan para dito.

5. Kung HINDI tugma ang resibo sa ibinotong kandidato (maaaring ang


pangalan ng hindi ibinotong kandidato ang nasa resibo o blangko ang
nasa resibo gayong may ibinoto), isulat ang BALLOT ID number sa
LIKOD ng resibo at pipirmahan ito ng botante.

6. Ireklamo at ipagbigay-alam sa BEI ang hindi tugmang resibo at dapat


maisama ang reklamo sa report ng BEI.

7. Huwag kalilimutan na sa mga reklamo, ay maitala natin ang BALLOT


ID number at pangalan ng botante.

You might also like