You are on page 1of 1

Teaching Material Content

Group B – Second Day


MGA MADALAS NA NARARAMDAMAN SA PAGBUBUNTIS AT PAANO ITO MALUNASAN
Hirap sa Pagdumi – kumain ng mga pagkain na matataas sa fiber; kumain ng mga prutas at gulay, mga
tinapay na whole-wheat, oatmeal; uminom ng maraming tubig, gatas, at mga fresh fruit juice;
makakatulong din ang maligamgam na tubig kapag innom sa paggising; kumain sa tamang oras; mag-
ehersisyo araw-araw; limitahan ang pagkain ng mga matatabang pagkain; kapag nagpatuloy ang hirap sa
pagdumi, magpakonsulta sa inyong doctor, wag uminom ng gamot na hindi nireseta ng doctor
Pagkahilo at pagsusuka – kumain ng biskwit o tinapay pagkagising; dahan-dahan sa pagbangon at
pagkilos pagkagising; kumain ng 5 hanggang 6 na beses sa isang araw, pero maliliit na parte ng pagkain,
ngunit wag lumiban sa pagkain; piliin ang mga kinakain; kapag nahihilo, uminom ng apple juice, grape
juice, o kalamansi juice; iwasan ang mga mamantika at mga pritong pagkain, kasama dito ang mga butter,
margarine, mayonnaise, at mga pritong karne; kumain ng mga pagkain na hindi masyadong malasa,
iwasan ang mga pagkain na may sili, bawang, at paminta; kapag ikaw ay nagluluto, buksan ang mga
bintana para hindi makulob ang usok sa pagluluto; magpahinga; palaging magbaon ng pagkain at kainin
ito kapag nahihilo
Heartburn – kumain ng 5 hanggang 6 na maliliit na parte ng pagkain; iwasan ang matataba at pritong
pagkain; iwasan ang paninigarilyo, at lumayo sa mga taong naninigarilyo; magsuot ng mga maluluwag na
damit; iwasan ang mga maaanghang, maraming paminta, maraming bawang, at kape dahil ito ay sanhi ng
heartburn; uminom ng maraming tubig; huwag humiga agad pagkatapos kumain; gumamit ng unan
pagnatutulog
Almuranas – Panatilihin ang regular na pagdumi at uminom ng maraming tubig, fruit juice at gatas;
kamain ng mga pagkaing matataas sa fiber lalo na ang mga prutas at gulay; ilagay sa isang mababang
upuan ang paa habang dumudumi; iwasan ang pag-upo ng matagal
Vaginal Discharge – gumamit ng cotton panties at maluwag na damit; regular na maligo araw-araw;
huwag gumamit ng sabon na may pabango; huwag gumamit ng mga feminine wash
Mga pagbabago sa suso – hugasan ang utong gamit ang maligamgam na tubig lamang, wag sabunan,
tuyuin ng maayos, at magsuot na bra na naaayon sa laki ng suso
Pagbabago sa bibig – magsipilyo at magfloss ng ngipin dalawang beses sa isang araw; kumunsulta sa
inyong dentista habang buntis
Mga pagbabago sa likod – magsuot ng mga sapatos na may mababang taking; tumayo at umupo ng
tuwid; iwasan ang pagbubuhat ng mabibigat
Pamamanas at Varicose Veins – maglakad-lakad araw-araw hanggat kaya; wag manatili sa isang
posisyon ng mahabang oras; wag magdekwatro; iwasan ang mga masisikip na pang-ibaba
Pamumulikat ng paa – hilutin ang binti at ituro ang mga daliri ng paa sa itaas; maglagay ng mainit-init
na bimpo o ibabad ang paa sa mainit-init na tubig; kumain ng mga pagkain na matataas sa calcium,
kagaya ng gatas, keso, tokwa, at yogurt; kumain din ng mga pagkain na matataas sa potassium gaya ng
saging, grapefruit, at orange
Sakit sa tiyan – huwag manatili sa isang posisyon ng matagal na oras; kumunsulta sa doctor kapag hindi
nawala ang sakit sa tiyan
Pagkapagod at Pagkakapos ng hininga – magpahinga ng madalas at dahan-dahanin lang ang mga
Gawain; uminon ng inyong mga gamot sa pagbubuntis na nireseta ng doktor; kumain ng pagkain na
mataas sa iron,gaya ng itlog at karne, at mataas sa bitamina C, gaya ng patatas, orange at dalandan

You might also like