You are on page 1of 2

Ang una at huling araw ng pag-asa

ni Rae Angeli Parrocha

Ang mga araw ay nagdaan para sa tauhan ng kwentong ito. Nagsimula ang linggo niya sa hindi
magkamayaw na sigawan ng mga kapitbahay nila. May pinagtatalunan ang mga ito na hindi niya lubos
maintindihan.
“Aling Nena, Aling Lisa ano na naman po ba iyan?” Ang pasigaw na tanong niya na may halong pagkairita
sapagkat naabala ang tulog niya sa pagbabangayan nila.
“Ito kasing si Nena hindi na naman binayaran ang utang niya! Aba’y mag-iisang taon na iyon! Baka
mamatay na lang ako’t may atraso ka pa rin sa akin,” patukoy ni Aling Lisa kay Aling Nena.
“Sinabi ko naman na babayaran ko rin iyon kapag nakaluwag-luwag na ako,” pagpapaliwanag ni
Aling Nena.
“Naku, diyan ka magaling sa pagpapa----Naputol ang dapat sasabihin ni Aling Lisa.
Inunahan na niya ang dalawang matandang babae na nagpupuyos sa galit. “Tama na po iyan. Ang mabuti
pa mag-almusal na muna kayo.”
“Taho! Taho!” Sigaw ng mamang nagbebenta ng taho sa tabi.”Wag na po kayong magtalo, bumili
na lang tayo ng taho.”
Ito ang maliit na lungsod na kung papangalan pa’y masyadong magiging kumplikado para sa
mambabasa. Katulad ng ibang lugar sa Pilipinas punong—puno ito ng mga kabahayan na sa dami ng tao’y
pakalat-kalat nalang. Dito ipinanganak at lumaki si Gemma Malubay. Isang pangkaraniwang bata na pilit
iniintindi ang kalagayan ng buhay. Isang anak at mag-aaral na nasaksihan ang kalupitan ng buhay. May
sariling pananaw at paninindigan na kakaiba sa karamihan.
Kasalukuyang pinagmamasdan ni Gemma ang lugar na naging tahanan niya sa mahigit sampung
taon. Ang mga taong nakatira dito ay tipikal ang gusto at paraan ng pagpapasayasa buhay. Sa lugar nila’y
tila piyesta araw-araw: may nagbebenta ng mga kakanin at paputok kahit matagal pa bago magbagong
taon, may mga mamang nag-iinuman na hindi nagpaawat sa kasikatan ng araw, may nag-iihaw ng
minikrobyong adidas at isaw, may mga batang naglalaro sa daan, at hindi mawawala ang mga taong
nagtataya sa lotto at umaasang aasenso ang buhay nila sa isang pagkakataon. Lahat may iba’t ibang pakulo
upang aliwin ang mga sarili nila. Habang pinagmamasdan ni Gemma ang nakakaaliw na tanawing ito ay
bigla niyang naalala na may pasok pa siya.
“Inay, papasok na po ako. Akin na po,” ang pagpapaalam ni Gemma sa kaniyang ina na abala sa pagbalot
ng cheesesticks at pastillas na siyang ilalako niya sa kanilang paaralan.
“O sige, anak. Mag- ingat ka,” sabay abot ng mga pagkain na ibebenta ni Gemma.
Nilakad ni Gemma ang kaniyang paaralan mula sa kanilang bahay. Suot ang maruming sapatos at
sira-sirang uniporme, hinarap niya ang katotohan at iwinaksi ang bumabagabag sa kaniyang isipan. Ganito
ang kinagawian ni Gemma sa araw-araw niyang pagpasok sa paaralan.
Nang dumating ang ika-unang araw ng panibagong linggo ay nabuhay ang kakaunting pag-asa sa
puso ng kabataang si Gemma. Sumapit ang araw na pinakahihintay ni Gemma. Ang araw ng pagpupunyagi
sa Kaniya.
“Inay, tara na po mahuhuli na po tayo sa misa.”
Nagsisimula ng mangaral ang pari nang pumasok sila sa simbahan. Ang mensaheng nais iparating
ng pari ay ang pagpapanatili ng kapayaan sa bawat isa. Na laging mananaig ang kabutihan laban sa
kasamaan.
Hindi lamang ang kakaibang presensiya ang namamayani sa simbahan dahil sa dakong kaliwa
naroon ang mga katutubong lumipad pa papunta sa ka-Maynilan. Nang magtapos ang misa, umakyat sa
plataporma ang kinikilakang lider ng naturang grupo. Sinimulan ang kaniyang pahayag sa kadahilan kung
bakit sila naparito.
“Magandang hapon sainyong lahat. Kami ang katutubong grupo na nanggaling pa sa Mindanao,
ang Lumad. Ako ang guro na nagtuturo sa mga katutubong batang nakikita ninyo sa inyong harapan.
Kami’y naparito upang ipakita sainyo ang tunay na mukha ng kaguluhan na nagaganap sa aming baryo. Sa
pamamagitan ng pagtatanghal ng aking mga estudyante ipapakita namin ang mga kahirapang nararanasan
namin. Hinihiling namin ang inyong pang-unawa at tulong upang matigil na ang opresyong ito.
Pinapahalagahan namin ang kalayaan ng mga mag-aaral sa edukasyon. Ang mga batang ito ay nais lamang
mag-aral ng normal, ng walang kaguluhan,” ang matapang na pahayag ng naturang guro na iisa lang ang
minimithi; ang kalayaan ng kaniyang estudyante sa pag-aaral.
Sa murang edad ni Gemma ay hindi niya pa gaanong naiintindihan ang napapanuod niya. Ngunit
bukas na sakanya na ang mga batang nakikita niya ay mapait ang pinagdaanan. Kaya naman gaya ng iba,
naghulog siya ng kakaunting barya na babaunin niya pa sana kinabukasan sa klase. Natapos ang
pagtatanghal sa masigabong palakpakan ng mga nagsipagdalo sa misa. Marami ang naantig sa ipinakitang
pagtatanghal ng mga bata, ang ilan ay naawa sa kanilang kalagayan at napaluha na lamang. Sa ganitong
panahon wala tayong ibang matatakbuhan kundi ang Diyos at ang isa’t isa.
Dala-dala ni Gemma pauwi ang sampaguitang binili niya na nagkakahalaga ng limang piso. Hindi
matatawaran ang sakripisyo ng mga batang nagtanghal. Kung tutuusin mas bukas na ang isipan ng mga
tao ngayon at handa silang mag-abot ng tulong sa nangangailang nito. Ngunit sa kabilang banda hindi
maiwaksi ni Gemma na ang ibinahagi nila ay magdudulot ng pag-asa sa karamihan lalo na sa katulad niya.
Gayunpaman, sa pag-abot ng mga tao ng halagang kaya nilang ibigay tunay nga bang kapayapaan na ang
naghihintay sa kanila.

You might also like