You are on page 1of 1

"Digmaan Para Sa Bayan"

Elijah Mark H. Zuniga

Padating na ang madugong digmaan,

Sabay mawawala ang kapayapaan.

Maglalaban ang mga sundalo,

Maglalaban para sa kanilang bayan.

Iba't ibang di kilalang bayani,

Ay tumulong sa bansa ngunit nasawi.

Nagkaroon ng madugong patayan,

Sa wakas natapos na ang digmaan.

Nagbayad ang mga natalong bansa,

Nagbayad ng mga bilyon na halaga.

Ngayon nagkaroon na ng kapayapaan,

Inaasahan na wala itong katapusan.

You might also like