You are on page 1of 2

KASAYSAYAN NG PILIPINAS

Nagsimula ang kasaysayan ng Pilipinas nang dumating ang mga


sinaunang tao sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga tulay na lupa
67,000 taon na ang nakalilipas. Ang unang tala na pagbisita na mula
sa Kanluran ay ang pagdating ni Ferdinand Magellan sa pulo
ng Homonhon, sa timog-silangan ng Samar noong 16 Marso 1521.
Nagtayo ng mga permanenteng paninirahan sa Cebu kasabay ng
ekspedisyon ni Miguel López de Legazpi Noong 1565, at marami
pang mga paninirahan ang itinatag pa-hilaga hanggang sa maabot
ng mga kolonyalista ang Look ng Maynila sa pulo ng Luzon.
Nagtatag ng isang lungsod sa Maynila at dito nagsimula ang
panahon ng kolonisasyon ng Espanya na nagtagal ng mahigit
tatlong siglo.

Nagsimula ang rebolusyon laban sa Espanya noong Abril ng 1896,


na pagkaraan ng dalawang taon ay humantong sa proklamasyon ng
kalayaan at ang pagtatatag ng Unang Republika ng Pilipinas. Ngunit
ang Kasunduan sa Paris, na naganap sa katapusan ng Digmaang
Espanyol-Amerikano, ay naglipat ng pamamahala sa Pilipinas
sa Estados Unidos. Nagsimula ang kolonyal na pamamahala ng
Estados Unidos sa Pilipinas noong Disyembre ng 1899, kasama ang
limitadong lokal na pamamahala noong 1905. Ang bahagyang
pagsasarili ay iginawad noong 1935, bilang paghahanda sa isang
ganap ng kalayaan mula sa Estados Unidos noong 1945. Ngunit ang
10-taong transisyon mula sa Komonwelt patungo sa isang
soberanyang bansa ay naantala dahil sa pagsakop ng Hapon sa
Pilipinas noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Pagkatapos ay natalo ang mga Hapones noong 1945. At ang
muling-pagbabalik ng mga sundalong Pilipino at Amerikano para sa
Kampanya ng Pagpapalaya sa Pilipinas mula 1944 hanggang 1945.
Kaya ang ganap na kalayaan ay iginawad lamang sa Pilipinas
noong Hulyo 1946.

Umunlad ang ekonomiya ng Pilipinas noong dekada 1950 at 1960,


ngunit nagkaroon ng kaguluhan noong mga huling taon ng dekada
1960 at mga unang taon ng dekada 1970 laban sa mapang-aping
diktadura ni Pangulong Ferdinand Marcos na nagpahayag ng batas
militar noong 1972. Dahil sa malapit na relasyon ng Pangulo ng
Estados Unidos na si Ronald Reagan kay Pangulong Marcos,
sinuportahan pa rin siya ng Estados Unidos kahit na kilala ang
kanyang administrasyon sa malawakang katiwalian at pang-aabuso
sa mga tao. Ang mapayapang Rebolusyon sa EDSA noong 1986 ang
nagpatalsik kay Marcos (na tumakas sa Hawaii lulan ng isang
helikopter na pag-aari ng militar ng Estados Unidos, kung saan siya
nanatili hanggang sa siya'y mamatay) at ang nagbalik
ng demokrasya sa bansa. Ngunit nang nagsimula ang panahong iyon,
nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa politika at humina
ang ekonomiya ng bansa.

You might also like