You are on page 1of 2

Ivan Swandie Landicho Zamora Grade 12- STEM

CRAZY LITTLE THING CALLED LOVE

Si Nam ay maitim at pangit na babae na may malaking paghanga kay Shone. Siya at
kanyang mga kaibigan ay kumukuha ng tulong mula sa librong “nine recipes of love.

Ang tatay ni Nam ay nagtatrabaho sa States para masuporthan ang pamilya. At matupad ang mga
pangako nya kay Nam at sa kaniyang kapatid na kapag naging placer sila sa school nila ay
bibigyan sila ng ticket papuntang states para duon na mag aral subrang namimis ni Nam ang
kanyang tatay kaya mas lalo syang nagpursigi na mag aral.

Hindi nakuha ni Nam at ng mga kaibigan niya na makapasok sa dance club sa school nila dahil
sa pakikipag- away niya kay Faye, isang magandang babae sa school nila. Kaya sa drama club
nalang sila sumali, napili si Nam sa role ni Snow White. Sa sinuswerte ka nga naman, nandoon
rin si Shone na tumutulong bilang painter.

Pagkatapos ng stage play na iyon, sumikat si Nam sa mga kalalakihan. Sinubukan nya kasing
baguhin ang sarili niya, nagpaputi sya, nag suot siya ng brace at contact lenses. Nag improve
naman ang ganya nya. Napili pa nga siya bilang Drum Major sa parada. Samantalang si Shone
naman ay sa larong Soccer.

Nang maging second year na sila, ang kababata ni Shone na si Top ay nagtransfer sa school nila.
Sa unang kita palang niya kay Nam ay nagustuhan niya na ito agad.

Nagulat si Nam nang malaman nga niyang may gusto sa kanya si Top pero ayaw niya namang
masaktan ang damdamin ng kababata ni Shone. Napatahimik si Nam at sa pagtahimik ni Nam
akala ni Top ay pumayag na ito na maging sila.

Sa birthday party ni Akie, isa nilang kaibigan. Nagsumpaan sina Shone at Top na hindi sila
magkakagusto sa iisang babae. At sa gabing ding iyon hinalikan ni Top si Nam at sa gabing ding
iyon ay nakipaghiwalay din si Nam sa kaniya.

At dahil sa pangyayaring iyon. Pinilit ni Top si Shone na huwag ligawan si Nam.

Nakalipas ang tatlong taon. Nakuha na ni Nam ang first place sa kanilang school. Ibig sabihin
makakasama na niya ang tatay niya sa States.

Narealize ni Nam at ang kanyang mga kaibigan na hindi naman sila masyadong natulongan ng
kanilang libro. At nag desisyon sila na gamitin na ang “Pangsampu: Direct Confession. “
Sa closing ng school year nila, inamin na ni Nam kay Shone na may gusto nga siya dito pero
huli na ang lahat may girlfriend na si Shone, si Pin. Kaklase at kaibigan din niya. Sa gabing iyon
umuwi si Shone para malamang nakapasok siya sa trainee program sa isang professional Soccer
team, at kailangang na niyang umalis para sa camp kinabukasan. Pumunta siya sa kaniyang
kwarto at kinuha ang kaniyang Diary na naglalaman ng mga larawan ni Nam. Lagi niyang mahal
si Nam pero ni hindi man lamang siya nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin iyon, iniwan niya
iyon sa harapan ng bahay nina Nam.

Makalipas ang siyam na taon, isa nang successful fashion designer si Nam, at bumalik galing
States para dumalo sa isang Variety Show. Si Shone naman isa ng professional photographer.

At sa Variety Show na yun sila muling nagkita. Tinanong ni Nam si Shone kung may asawa na
ito. At sa pagtahimik nuon ni Shone ay wari kinakabahan si Nam. Pero nawala ang takot na yon
ng sabihin ni Shone.... “ May hinihintay lang naman ako galing States”

WAKAS

You might also like