You are on page 1of 1

STATEMENT NI PROFESSOR JOEVERT BALUNSAY

Professor sa CSU, a multi awarded professor and defender of Language


Teaching Filipino in CSU

Bakit kailangan ng Filipino sa kolehiyo?


1. Sapagkat sa kolehiyo isinasagawa ang paglalapat o application ng mga itinuro sa elementarya at sekundarya,
2. Sapagkat hindi pa rin masasabing magaling sa komunikatibong Filipino ang mga mag-aaral na nagtapos ng 12 yrs sa basic
education,
3. Sapagkat napakarami pa ring mag-aaral ang nalilito sa gamit ng din at rin, ng at nang, raw at daw, kong at kung, at napakarami
pang iba.
4. Sapagkat ang Filipino ay dapat matutunan ng mga magiging mga propesyonal. Ang pagpatay nito sa kolehiyo ay paghinto rin
ng kanilang pagkatuto ng wika at kultura.
5. Sapagkat ang Filipino ay di lamang isang wikang panturo kundi isang malawak na larang na dapat nating matutunan hanggang
kolehiyo.
6. Sapagkat walang duplication nito sa sekundarya at elementarya... Pagpapalawak oo.. Pagtaas ng lebel ng paksa oo. Pero
walang pag-uulit!
7. Sapagkat mahalaga ito sa paglinang, pagpapayabong, at pagpapanatili ng ating yamang kultural at kalinangang historikal.
8. Sapagkat ito ang isa sa mga natatanging sagisag ng ating kaakuhan bilang isang lahing may natatanging kasarinlan.
9. Sapagkat ang Filipino ay wika ng karunungan, saliksik, pagkakaisa, social media, at iba pang disiplina.
10. Sapagkat mga Pilipino tayo... HINDI NATATAPOS ANG PAGIGING FILIPINO SA HAYSKUL!!!
11. Pinag-aaralan natin ang Ingles, gusto pa nating aralin ang Korean, sa doctorate may foriegn language na required course, sa
accountancy may spanish... TAPOS ANG FILIPINO AALISIN???
12. Pinag-aaralan natin ang mangrove, abaca, at tabagwang, yung wika at kultura nais nating kitlin? Lahat po ng mga yan
mahalaga!

Sa kabila ng mga dahilang ito, nais pa rin itong paslangin ng ibang pamantasan!!!

You might also like