You are on page 1of 155

KONTEKSTUWALISADONG

BANGHAY-ARALIN
SA FILIPINO, BAITANG 8
(KWARTER 1)
Ang karapatang-sipi ng mga materyal na nakapaloob sa aklat na ito
ay taglay ng kani-kaniyang may-ari na may pahintulot na gamitin. Ang
mga piling akda, larawan at iba pang material na nakapaloob,
binanggit o hinango sa ibang sanggunian ay nasa karapatang-sipi ng
mga may-akda. Hindi inaangkin ng tagapaglathala at may-akda ang
karapatang-ari ng anuman sa mga akdang ito.
Walang bahagi ng materyal na ito ang maaaring kopyahin o ipadala
sa anumang paraan, elektroniko o mekanikal, kabilang ang photocopy
o anumang sistema ng impormasyon nang walang pahintulot sa
tagapaglathala.

PAG_AARI NG DEPED REHIYON V, HINDI IPINAGBIBILI


Inilimbag sa Pilipinas
Taong 2019

Department of Education Region V


Curriculum and Learning Management Division-
Learning resources Management and Development System ( CLMD-
LRMDS)
Regional Center Site, Rawis, LegazpiCity, 4500
PAGKILALA
Ang banghay-aralin na ito ay nabuo bilang tugon sa pangunahing
pangangailangan ng mga guro na maihatid sa mga mag-aaral ang isang
makabuluhan at napapanahong gawain sa pagkatuto na naaayon sa DepEd K to
12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino. Ito ay magsisilbing gabay ng mga guro na
nagtuturo ng Filipino sa Baitang 8.
Dahil ditto, bukod-tanging pagkilala at pasasalamat ang inihahandog sa
mga nagging daan upang mapagtagumpayan ang ambag na ito sa sangkaguruan:
Panrehiyong Direktor Gilbert T. Sadsad
Kawaksing Panrehiyon Direktor Cristito A. Eco
CLMD Chief Haydee S. Bolivar
Tagapamanihala Mariano De Guzman
Kawaksing Tagapamanihala Bernie C. Despabiladero
CID Chief Marvin Clarina
Pansangay na Tagamasid Emilia B. Boboyo
Tagapamanihala ng LR Merlita B. Camu

Sa mga mahuhusay na manunulat:


Asuncion B. Bola MT- 1 Tabaco National High School
Emily A. Buenconsejo T-III Tabaco National High School
Linda C. Bruto T-III Tabaco National High School
Jessa B. Nuñez T-III Comon High School
Maria Cecilia Y. Aldana T-II Bantayan National High School
Anjienette L. Jesalva T-1 Tabaco National High School
Sharmaine M. Oro T-1 Bantayan National High School
Cherilyn R. Bañal T-1 Bogñabong High School
Joann Z. Viñas T-1 Mariroc High School
Joel B. Boter T-1 San Miguel National High School
Mark John B. Llaneta T-1 Bogñabong High School
Shiela May B. Balisnomo T-1 San Lorenzo National High School
John Alfred R. Mendez T-1 San Antonio National High School
Sa mga natatanging ambag ng sumusunod:

A. Nag-edit Zita R. Bongalbal


Roger B. Bañal

B. Nagdisenyo / Nag-guhit Jefferson Besmonte

C. Nagpakitang-turo

Mary Grace Ibias Michelle Ricafort Ana Leah D. Paglinawan


Michelle R. Ricafort Vanessa B. Canicula Liezel B. Bodino
Mary Grace A. Bombales Arnie B. Balderama
Asuncion B. Bola Emily A. Buenconsejo Linda C. Bruto
Arnie E. Barcelona Mark John B. Llaneta Joel B. Boter
Jessa B. Nuñez Maria Cecilia Y. Aldana Anjienette L. Jesalva
Sharmaine M. Oro Cherilyn R. Bañal Joann Z. Viñas
Shiela May B. Balisnomo John Alfred R. Mendez
D. Nagsuri

Emilia B. Boboyo

Melodie C. Bueno

Beth C. Mores

At sa banal na pamamatnubay ng Poong Maykapal, ang aming walang


hanggang pasasalamat.
NILALAMAN
KWARTER 1
Linggo/Araw Paksa Pahina
I. Linggo 1
Araw 1
Pagkilala sa bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan na ginamit
sa napanood na pelikula o programang pantelebisyon. F8PD-Ia-c-19
Paghula ng mahahalagang kaisipan at sagot sa mga karunungang-
bayang napakinggan. F8PN-Ia-c-20.............……………………………1

Araw 2

Pagbibigay-kahulugan sa mga Talinghagang Ginamit F8PT-Ia-c-19


Pag-uugnay ng mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga
karunungang-bayan sa mga pangyayari sa tunay na buhay sa
kasalukuyan
F8PB-Ia-c-22……………………………………………………….5
Araw 3

Paggamit ng paghahambing sa pagbuo ng alinman sa bugtong,


salawikain, sawikain o kasabihan. F8WG-Ia-c-17……………...………9

Araw 4
Pagbabahagi ng sariling kuro-kuro sa mga detalye at kaisipang
nakapaloob sa akda batay sa: - pagiging totoo o hindi totoo -may batayan
o kathang-isip lamang. F8PU-Ia-c-20………………………………………13
Araw 5
Pagsulat ng sariling bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan na
angkop sa kasalukuyang kalagayan F8PS-Ia-c-20……………………..16

II. Linggo 2
Araw 1
Paghuhula sa mga mahahalagang kaisipan at sagot sa mga
tanagang napakinggan. F8PN-Ia-c-20
Pag-uugnay ng mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga tula
sa mga pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan.F8PB-Ia-c-22….19
Araw 2
Pag-uugnay ng mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga tula
sa mga pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan. F8PB-Ia-c-22…25
Araw 3
Pagbabahagi ng sariling kuro-kuro sa mga detalye at kaisipang
nakapaloob sa akda batay sa pagiging totoo / hindi totoo at may batayan
o kathang-isip lamang. F8PU-Ia-c-20 ……………………………………..32
Araw 4
Pagbibigay-kahulugan sa mga talinghagang ginamit. F8PT-Ia-c-19
Paggamit ng eupemistikong pahayag sa pagbuo ng tanaga at
haiku. w F8WG-Ia-c-17…………………………………………………37
Araw 5
Pagsulat ng sariling tanaga at haiku na angkop sa kasalukuyang
kalagayan. F8PS-Ia-c-20
Paggamit ng eupemistikong pahayag sa pagbuo ng alinman sa
tanaga at haiku. F8WG-Ia-c-17…………………………………………….42

III. Linggo 3
Araw 1
Paglalahad ng Sariling Pananaw sa Pagiging Makatotohanan/ Di-
Makatotohanan ng mga Puntong Binibigyang Diin sa Akda
F8PN-Id-f-21…………………………………………………....……46
Araw 2
Pagsusuri ng pagkakabuo ng alamat batay sa mga elemento nito.
F8PB-Id-f-23………………………………………………………….52
Araw 3
Pagsusuri ng pagkakatulad at pagkakaiba ng napanood na alamat
sa binasang alamat F8PD-Id-f-20
Pagbibigay ng kahulugan ng matatalinghagang pahayag sa alamat
F8PT-Id-f20…………………………………………………………...59
Araw 4
Pagbuo ng Angkop na Pagpapasiya sa Isang Sitwasyon Gamit
ang:
-pamantayang pansarili
-pamantayang itinakda F8PS-Id-f-21………………………………64
Araw 5
Paggamit nang Wasto sa mga Kaalaman sa Pang-abay na
Pamanahon at Panlunan sa Pagsulat ng Sariling Alamat
F8WG-Id-f-21………………………………………………………….71
Araw 6
Pagsulat ng sariling alamat tungkol sa mga bagay na maaaring
ihambing sa sarili F8PU-Id-f-21……………………………………………..76

IV. Linggo 4
Araw 1
Paglalahad ng Sariling Pananaw sa Pagiging Makatotohanan O Di
Makatotohanan ng mga Puntong Binibigayang-Diin Sa Napakinggan
F8PN-id-f-21…………………………………………………………..81

Araw 2
Pagbibigay ng kahulugan ng matatalinghagang pahayag sa
maikling kuwento. F8PT-Id-f-20

Pagsusuri ng pagkakabuo ng maikling kuwento batay sa mga


elemento nito. F8PB-Id-f-23…………………………………..…….………86

Araw 3
Pagsusuri sa pagkakatulad at pagkakaiba ng napanood na
maikling kuwento sa binasang maikling kuwento F8PD–Id–f–
20……………………………………………………………………….…...90
Araw 4
Pagbuo ng Angkop na Pagpapasiya sa isang sitwasyon gamit ang
Pamantayang Pansarili at Pamantayang Itinakda
F8PS – Id- f – 21 ……………………………………………………94
Araw 5
Paggamit ng wastong kaalaman sa pang-abay na pamanahon at
panlunan sa pagsulat ng sariling kuwento. F8PN-Id-f-21……………….98
Araw 6
Pagsulat ng maikling kuwento ukol sa mga Bagay na Maaaring
Ihambing sa Sarili F8PU–Id–21…………………………………….……..103
V. Linggo 5
Araw 1
Pakikinig nang may pag-unawa upang mailahad ang layunin at
maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari.
F8PN-Ig-h-22
Pagkilala ng kahulugan/ kasalungat ng mga piling salita/pariralang
ginamit sa epiko. F8PT-Ig-h-21……………………………………..…..106

Araw 2
Pagpapaunlad ng kakayahang umunawa sa binasang epiko sa
pamamagitan ng: paghihinuha batay sa mga ideya o pangyayari sa akda
at sa dating kaalaman kaugnay sa binasa F8PB-Ig-h-24…………..111
Araw 3
Paggamit ng iba’t ibang Teknik sa Pagpapalawak ng Paksa
- paghahawig o pagtutulad
- pagbibigay-depinisyon
- pagsusuri F8PS-Ig-h-22……………………………….……….118

Araw 4
Pag-uuri ng mga pangyayaring may sanhi at bunga mula sa
napanood na videoclip. F8PD-Igh-21
Paggamit ng mga hudyat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari
( dahil, sapagkat, kaya, bunga nito, iba pa.) F8WG-Ig-h-22…….…..122
Araw 5
Pagsulat ng isang talata na nagpapahayag ng sariling palagay o
kaisipan na nagpapakita ng simula, gitna at wakas
F8PU-Ig-h-22……………………………………………..……….126
VI. Linggo 6
Araw 1
Pagbabahagi ng sariling opinyon o pananaw batay sa
napakinggang pag-uulat. F8PN-Ii-j-23………………………………….132

Araw 2
Pagbibigay-kahulugan sa mga salitang di maunawaan kaugnay ng
mga hakbang sa pananalikisik. F8PT-Ii-j-22
Pagpapaliwanag ng mga hakbang sa paggawa ng pananaliksik
ayon sa binasang datos. F8PB- Ii-j-25…………………………….........134
Araw 3
Pag-iisa-isa ng mga hakbang ng pananaliksik mula sa video clip na
napanood sa youtube o iba pang pahatid pangmadla. F8PD- Ii-j-22
Paggawa ng sariling hakbang ng pananaliksik ayon sa lugar at
panahon ng pananaliksik. F8PS Ii-j-23 ……………………………..138
Araw 4
Paggamit sa pagsulat ng resulta ng pananaliksik ng awtentikong
datos na nagpapakita ng pagpapahalaga sa katutubong kulturang Filipino.
F8WGli-j-23
Paggamit nang maayos ng mga pahayag sa pagsasaayos ng
datos “ una, isa, at iba pa.” F8PUli-j-23…………………………….…..141
Araw 5
Paglalathala ng resulta ng isang sistematikong pananaliksik na
nagpapakita ng pagpapahalaga sa katutubong kulturang Filipino
F8EPli-j-……………………………………………………………145
PAARALAN ANTAS 8
GURO ASIGNATURA Filipino

ARAW
AT MARKAHAN F8Q1-
BANGHAY ORAS W1D1
ARALIN

I.LAYUNIN
A.Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga
Pangnilalaman akdang pampanitikan sa Panahon ng mga Katutubo,
Espanyol at Hapon
B.Pamantayan sa Nabubuo ang isang makatotohanang proyektong
Pagganap panturismo.
• Nakikilala ang bugtong, salawikain, sawikain o
kasabihan na ginamit sa napanood na pelikula o
programang pantelebisyon. F8PD-Ia-c-19
C. Mga Kasanayan sa
Pagkatuto • Nahuhulaan ang mahahalagang kaisipan at
sagot sa mga karunungang-bayang
napakinggan. F8PN-Ia-c-20

II. MGA PAKSA


• Pagkilala sa bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan na ginamit sa
napanood na pelikula o programang pantelebisyon.

• Paghula ng mahahalagang kaisipan at sagot sa mga karunungang-bayang


napakinggan.

III. MGA KAGAMITANG PANTURO


A. SANGGUNIAN
TG:________________

LM: Modyul sa Filipino 8 p. 30-32

LR: Curriculum Guide p.153,

Iba Pang Kagamitang Panturo: papel na eroplano, visual aids, projector,


*https://www.youtube.com/watch?v=uhCCtmWpn9M/03-26-
2019/12:30am
*https://www.pinoyedition.com/mga- /14/03-26-2019/12:45am
*https://www.tagaloglang.com/proverbs- about-plants/
*https://pinoycollection.com/mga- bugtong/M03-26-2019/1:00pm

IV. PAMAMARAAN
A.Panimula
Naaalala nyo pa ba ang bugtong, salawikain , sawikain o kasabihan?
Muli nating sasariwain ang mga ito sa pamamagitan ng paghahanap ninyo

11
sa mga ito sa papanoorin ninyong pelikula at magkakaroon tayo ng
pahulaan sa mahahalagang kaisipan na napapaloob dito.. Handa na ba
kayo? Kung handa na kayo sasabihin ninyo ang “Aba`y syempre! Handa
na ba kayo?
B. Pagganyak
Dahil kayo`y handang handa na atin nang puntahan ang ating aralin
sa araw na ito. Para mapuntahan ito ating gagamitin ang KARUNUNGAN
AIRLINES. Sino ang gustong sumakay sa eroplano ? Tara na sakay na!

(Tala: Maaaring kumuha ng mga halimbawa ng karunungang-bayan ang guro na


isusulat sa eroplanong papel mula sa Modyul sa Filipino 8 p. 30-32.)

C. Paglalahad
Ang limang sasakay ay bibigyan ko ng eroplanong papel. Bawat
eroplano ay may nakasulat na bugtong, salawikain, sawikain o
kasabihan . Kapag ito` y iyong nabasa, papaliparin mo ang iyong
eroplano patungo sa tamang paliparan . Ang paliparan ay may
pangalang Bugtong Airport, Salawikain Airport at Sawikain Airport
(ipaskil ang mga ito sa iba`t ibang parte ng silid-aralan)
D. Pagtalakay
• Tignan natin kung tama ang paliparang nilapagan ng inyong mga
eroplano.
• Ano ang karunungang-bayan?(Pahapyaw na pagtalakay ng
impormasyon mula Modyul sa Filipino 8 pp. 30-32 at
https://www.pinoyedition.com/mga-bugtong/14/
https://www.tagaloglang.com/proverbs-about-plants/.
• Ngayon magpalabas at magpanood ng isang tagpo sa programang
pantelebisyon na CelebriTV, Bagani at Pepito Manaloto. Kilalanin
ang bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan. Isulat ang inyong
sagot sa talahanayan at hulaan ang mahahalagang kaisipang
nakapaloob dito.
https://www.youtube.com/watch?v=CSZLMy61PbI/03-26-2019/1:00p.m.
https://www.youtube.com/watch?v=zn1N8vAUM5Q/03-26-2019/1:20p.m.
https://www.youtube.com/watch?v=0b2i6nhaewI/03-26-2019/1:30p.m.

Bugtong Salawikain Sawikain o Kasabihan

• Balikan natin ang inyong ginawa kanina, tama ba ang mga


halimbawa na inyong ipinaskil sa bawat nilapagang paliparan?

12
E. Paglalahat
• Paano ba ninyo nakilala kung ang karunungang-bayan ay bugtong,
salawikain, sawikain o kasabihan ?
• Mahalaga ba ito sa ating pang araw-araw na buhay? Bakit?

F. Paglalapat

Gawain: HULA-HULA-HOOP
Pamamaraan:
a. Ang guro ay magbibigay ng isang bugtong, salawikain at
kasabihan.Ipatutukoy sa mag-aaral kung anong
karunungang-bayan ang kanilang huhulaan o ipaliliwanag.
b. Bago ang pagpapasimula ng bawat aytem ay sabay-sabay
na sasabihin ng mga mag-aaral ang HULA-HULA-HOOP.

Halimbawa:
Bigyang sagot o paliwanag ang bugtong at salawikain.

Kung sa isda, ito'y dagat,


Kung sa ibon, ito'y pugad
Kung sa tao, anong tawag?

Sagot: BAHAY

Ang ampalaya kahit anong pait, sa nagkakagusto’y matamis.

1. Ano ang pangkalahatang tawag sa inyong mga


sinagutan?
Ano ang inaasahang kakayahan ang sa tingin ninyo ay mahuhubog ng ating
aralin?
G. Pagtataya
Panuto:
Makinig sa mga karunungang bayang aking sasabihin. Isulat ang A kung
bugtong; B kung salawikain at C kung sawikain o kasabihan. Kung ito ay
salawikain o sawikain, ibigay ang kaisipan nito.

1. Hindi mabitaw-bitawan, lalo pag may kasintahan. (cellphone, bugtong))


2. Walang masamang kanya, walang mabuti sa iba.(salawikain)
3. Itaga sa bato (sawikain)
4. Ang maniwala sa sabi-sabi, walang bait sa sarili. (kasabihan)
5. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat. (ampalaya, bugtong)
H. Kasunduan
1. Magsaliksik tungkol sa talinhaga?
2. Magbigay ng mga halimbawa.

V.TALA
VI. PAGNINILAY

13
A. Bilang ng mga
mag-aaral
nanakakuha ng
80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-
aaral na
nangangailanga
n ng iba pang
Gawain para sa
remediation.
C. Nakatulong ba
ang remedial?
Bilang ng mga
mag-
aaralnanakauna
wasaaralin.
D. Bilang ng mga
mag-aaral na
magpapatuloy
sa remediation.
E. Alin sa mga
istratehiyang
pagtuturo ang
nakatulong ng
lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin
ang aking
naranasan na
nasolusyunan sa
tulong ng aking
punungguro at
superbisor?
G. Anong
kagamitang
panturo ang
aking nadibuho
na nais kong
ibahagi sa
kapwa koguro?

PAARALAN ANTAS 8

14
GURO ASIGNATURA Filipino

ARAW
AT MARKAHAN F8Q1-
BANGHAY ORAS W1D2
ARALIN

I.LAYUNIN
A.Pamantayang Naipamamalas ang mag-aaral ng pag-unawa sa mga
Pangnilalaman akdang pampanitikan sa Panahon ng mga Katutubo,
Espanyol at Hapon
B.Pamantayan sa Nabubuo ang isang makatotohanang proyektong
Pagganap panturismo
• Nabibigyang kahulugan ang mga
talinghagang ginamit. F8PT-Ia-c-19
C. Mga Kasanayan sa
• Naiuugnay ang mahahalagang kaisipang
Pagkatuto
nakapaloob sa mga karunungang-bayan
sa mga pangyayari sa tunay na buhay sa
kasalukuyan.F8PB-Ia-c-22
II. MGA PAKSA
• Pagbibigay-kahulugan sa mga Talinghagang Ginamit

• Pag-uugnay ng mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga


karunungang-bayan sa mga pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan
III. MGA KAGAMITANG PANTURO
A.SANGGUNIAN
TG:
LM:
LR: Curriculum guide p. 153

Iba Pang Kagamitang Panturo: powerpoint presentation o manila paper, sipi ng


“Aral Ni Inay”(tula) ni Mark John Llaneta

IV.PAMAMARAAN
A. Panimula
Sa araw na ito, muling babalikan ang mahahalagang kaisipang
natutunan ninyo ukol sa karunungang-bayan. Sino sa inyo ang
makapagbibigay ng:
• halimbawa ng bawat uri ng karunungang-bayan.

• Kaugnay nito, bibigyan natin ng diin ang talinghagang


nakapaloob sa mga karununga-bayan

B. Pagganyak
Hindi ba’t madalas tayo binibigyan ng ating mga magulang ng payo?
Anong mga pahayag ang may malalalim o kakaibang kahulugan ang
ibinibigay ng iyong ina sa sumusunod na sitwasyon:

15
• pag-uwi bago dumilim (Hal. Ang manok, bago dumilim ay nasa
pugad)
• pagpapanatili ng mataas na marka
• pagsisinop ng mga gamit
C. Paglalahad
Sa unang gawain ay inyong ibinahagi ag mga payo ng inyong ina.
Ngayon ay may babasahin akong tula at ang pamagat nito ay ang “Aral
ni Inay” na isinulat ni Mark John Llaneta. Malalaman natin kung ano
naman ang mga payo ng ina sa may-akda. Pagkatapos kong basahin
ang tula ay kayo naman ang magbabasa nito ng sabay-sabay.

ARAL NI INAY
ni : Mark John Llaneta

Ako ay lumaki sa payo ni inay


Mga pangaral niya ginawa kong gabay
Naging sandata ko sa’king paglalakbay
Di kalilimutan habang nabubuhay.

Ang pag-aaral sadyang mahalaga


Gintong kayamanan na ipamamana
Na kung sisikapin, lubusin ang kaya
Ang taong matiyaga, tiyak may nilaga.

Kung sa kaibigan pagpili’y ingatan


May nagkukunwari’t nagpapanggap lamang
Pag ika’y mayaman, maraming karamay.
Kaibigan tunay, nasa kagipitan.

Sa pagpapasya huwag magmadali


Isiping mabuti ng di magkamali.
Pag hakbang matulin,tinik ay matindi
Pagkat ang pagsisi ay laging sa huli

Daig ang palasyong may lamang kwago.


Ng bahay-kubong ang nakatira’y tao.
Nais ni inay na pakatandaan ko
Kung yayaman ako’t maging asensado.

Salamat inay sa karunungan ng buhay


Naging huwaran ng mga mahal sa buhay.
Huwag kang mag-alala mahal kong inay
Ibabahagi ko sa iba ang iyong inialay.

D. Pagtalakay

16
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Sino-sino ang tauhan sa akda?
2. Ilarawan ang tauhan.
3. Paano mo pahahalagahan ang mga payo ng iyong ina?
4. Tukuyin sa tula ang mga pahayag na may talinghaga.

Para sa guro: Matapos sagutin ang mga tanong. Talakayin kung ano ang
tinatawag na talinghaga.

Magbigay ng mga karunungang bayan at hayaan ang mga


mag-aaral ang magbigay ng kahulugan/paliwanag sa
nakatagong kahulugan.
.
Bugtong Salawikain Sawikain Kasabihan
Kahulugan: Kahulugan: Kahulugan: Kahulugan:

Gawain: BEKLABAN NG KARUNUNGAN

a. Hahatiin ang klase sa apat na pangkat.


b. Pipili ang bawat pangkat ng isang kinatawan.
c. Ang mga kinatawan ay rarampa at magpo-pose. Ang mga
mag-aaral ang pipili sa pamamagitan ng palakpak sa may
pinakamagandang pose. Ang nanalong kinatawan ang
huling bubunot ng karunungang bayan.
d. Bibigyang kahulugan/pagpapaliwanag ang karunungang
bayang nabunot.
e. Ang pagsasalita ay sisimulan sa pagsasabi ng “I believe” at
magtatapos sa “And I thank you”
f. Uulitin ang proseso hanggang sa makapagpaliwanag ang
lahat.
g. Ang mga mag-aaral ang pipili kung sino ang mananalo sa
pamamagitan ng palakpak.
E. Paglalahat

Ano ang kahalagahan ng karunungang-bayan sa iyong buhay?

F. Paglalapat

Gawain:
Panuto: Magbigay ng karunungang bayan, ibigay ang kahulugan at
kaugnayan sa tunay na buhay. (pasalita)
.
Unang Pangkat – Bugtong
Ikalawang Pangkat - Salawikain
Ikatlong Pangkat – Sawikain
Ikaapat na Pangkat – Kasabih
G. Pagtataya

17
Panuto: Bigyang kahulugan at iugnay ang mga pangyayari sa tunay na
buhay sa kasalukuyan. (Pumili lamang ng dalawa)

1. Ang batang matapat, pinagtitiwalaan ng lahat. (Kasabihan)


2. Anak na di paluhain, ina ang patatangisin. (Salawikain)
3. Pag maikli ang kumot, matutong mamaluktot. (Salawikain)
4. Kung walang tiyaga, walang nilaga. (Kasabihan)
5. Makati ang dila (Sawikain)
6. Sapot na walang gagamba, Lahat ay pwedeng bumisita. (Bugtong)
7. Pagkagat nang madiin, Naiiwan ang ngipin. (Bugtong)
H.Kasunduan
1. Ano ang Paghahambing?
2. Ano-ano ang mga uri ng paghahambing?
Sanggunian: Modyul ng Mag-aaral 8 p.34
V.TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mga mag-
aaral nanakakuha ng
80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral
na nangangailangan
ng iba pang Gawain
para sa remediation.
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng
mga mag-
aaralnanakaunawasaa
ralin.
D. Bilang ng mga mag-
aaral na
magpapatuloy sa
remediation.
E. Alin sa mga
istratehiyang
pagtuturo ang
nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang
aking naranasan na
nasolusyunan sa
tulong ng aking
punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuho na nais
kong ibahagi sa
kapwa ko guro?

18
PAARALAN ANTAS 8
GURO ASIGNATURA Filipino

ARAW MARKAHAN F8Q1-


AT W1D3
BANGHAY ORAS
ARALIN

I.LAYUNIN
A.Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga
Pangnilalaman akdang pampanitikan sa Panahon ng mga Katutubo,
Espanyol at Hapon
B.Pamantayan sa Nabubuo ang isang makatotohanang proyektong
Pagganap panturismo
• Nagagamit ang paghahambing sa pagbuo ng
C. Mga Kasanayan sa alinman sa bugtong, salawikain, sawikain o
Pagkatuto kasabihan. F8WG-Ia-c-17

II.PAKSA
• Paggamit ng paghahambing sa pagbuo ng alinman sa bugtong, salawikain,
sawikain o kasabihan

III. MGA KAGAMITANG PANTURO


A.SANGGUNIAN
TG:
LM: Modyul sa Filipino 8 p.34
LR: Curriculum guide p. 153

Iba Pang Kagamitang Panturo: larawan, sipi ng tula: Kabataan: Noon at Ngayon
ni: Mark John B. Llaneta
https://www.doh.gov.ph/climate-change/03-26-2019/12:43am

IV.PAMAMARAAN
A.Panimula
Sa mga nakaraang aralin ay natutunan na ninyo ang iba’t ibang uri ng
karunungang-bayan. Sa ating aralin ngayon ay inaaasahang magamit
ninyo ang paghahambing sa pagbuo ng bugtong, salawikain, sawikain o
kasabihan.

B. Pagganyak
Naniniwala ba kayo sa sinasabing walang permanente sa mundo
kundi pagbabago? May ipapakita akong mga larawan ng kabataan at ng
kanilang mga libangan. Paghambingin ninyo ang kanilang mga libangan
maging ang kanilang katangian.
(Maaaring bumisita sa mga links na ito para sa mga larawan.)
Larawan A: https://it6c.blogspot.com/2011/09/batang-pilipino-noon-at-ngayon-
by.html?fbclid=IwAR2kMEQnSCrwwOHL8bs4avkcPGSG4iKBBe6-
0PQgp9WgVCCFQ1-mYP6h8Ns

19
Larawan B:https://www.smartparenting.com.ph/parenting/real-parenting/new-
screen-time-recommendations-say-toddlers-can-now-watch-shows-
provided-it-s-within-these-limits-a1162-20162022

Mga tanong:
1. Ano ang ginagawa ng mga bata sa larawan A at B?
2. Paano naiiba ang paraan ng kanilang paglilibang?

C.Paglalahad
Sa buhay ng tao sadyang napakahalaga ng ngayon subalit huwag
nating kalilimutan ang noon. May mahahalagang pangyayari at karanasan
noon na maaaring pagkuhanan ng kaalaman na magagamit sa ngayon.
Dahil diyan babasahin natin ang tulang Kabataan: Noon at Ngayon na
isinulat ni Mark John B. Llaneta

Kabataan: Noon at Ngayon


ni: Mark John B. Llaneta ( Note: Pang-uri)

Kabataan noo’y tinuturing na pag-asa ng bayan


Kabataan ngayon ay lito sa papel sa lipunan
Saan patungo ang bayan sa ganitong mga kamay?
Kabataan noo’y higit na responsible sa buhay.

Noon, mas masipag mag-aral


Ngayon, facebook at messenger ang pinagtutuunan.
Kung ibig ng karunungan, habang bata ay mag-aral,
Kung tumanda’y mag-aral man mahirap ng makaalam.

Noon, silay di-hamak na maka-Diyos at makabayan


Subalit ngayo’y ayaw ng pakialaman at pagsabihan
Kabataan lagi mong pakatatandaan
Ang magandang asal ay kaban ng yaman.

Kabataan noo’y lubhang masipag, masinop at mabait


May pagkukusa at di nais ang ina sa kaniya’y magalit
Ibang milennials ay saksakan ng tamad at puro gadget
Palahingi pa ng dagdag badyet para sa internet

Labis ang pagkahumaling sa social media


Hindi kakain hanggat walang litrato ang pagkain sa mesa
Kasuota’y lalong maikli kaysa noon
Nais ay laging “in” sa kasalukuyang panahon

Labis na ang kaibahan ng kabataan noon sa ngayon


Ngayo’y tila artistang mapaghanap ng atensyon
Iba na ang itsura, gawi at ugali
Gayunpama’y pag-asa namin, sainyo’y pinananatili

D. Pagtalakay

20
Gawain: Pag-usapan Natin:
1. Paano pinaghambing ang Kabataan noon at ngayon batay
sa tula?Isa-isahin ang katangian ng dalawang uri ng
kabataan.
2. Naniniwala ka ba sa tinuran ng tula? Pangatwiranan ang
sagot.
3. Tukuyin at ipaliwanag ang mga kasabihan na binanggit
sa tula.(ayusin ang dalawang kasabihan sa tula)

Pansinin ang mga salitang may diin sa tula. Sa iyong palagay, ano
ang gamit ng mga salitang ito?__________ Gaano mo ba kadalas
gamitin ang mga ganitong uri ng salita?________. Alamin kung tama
ang iyong sagot sa pagtalakay ng paksa.

4.Pagbibigay ng input ng guro( Sumangguni sa Modyul sa


Filipino 8 p.34)
E. Paglalahat

• Paano nagagamit ang paghahambing sa pagbuo ng mga karunungang-


bayan tulad ng salawikain, bugtong, sawikain at kasabihan.

F. Paglalapat

(Pipili ang guro ng paksang nais paghambingin.)


Bumuo ng karunungang bayan gamit ang paghahambing ng kapaligiran noon at
ngayon.

Kapaligira Kapaligiran
n NOON NGAYON

G. Pagtataya
Ang ginawang awtput sa paglalapat ang pagbabatayan ng
ebalwasyon. Susundin ang rubrics na nasa baba.

PAMANTAYAN PUNTOS
Kaangkupan sa paksa 7
Gamit ng paghahambing 7
Sining ng pagkakalikha 8
(Mekaniks sa pagbuo ng awtput)
Pagkakaisa ng pangkat 3
KABUUAN 25

(Paalaala: Ang rubrics ay maaaring pagkasunduan ng guro at mag-aaral)

21
H.Kasunduan
Magdala ng sumusunod:
1. ¼ white cartolina
2. Pentelpen
3. mga pangkulay

V.TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mga
mag-aaral
nanakakuha ng
80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-
aaral na
nangangailangan
ng iba pang
Gawain para sa
remediation.
C. Nakatulong ba
ang remedial?
Bilang ng mga
mag-
aaralnanakaunaw
asaaralin.
D. Bilang ng mga
mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation.
E. Alin sa mga
istratehiyang
pagtuturo ang
nakatulong ng
lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin
ang aking
naranasan na
nasolusyunan sa
tulong ng aking
punungguro at
superbisor?
G. Anong
kagamitang
panturo ang aking
nadibuho na nais
kong ibahagi sa
kapwa koguro?

PAARALAN ANTAS 8

22
GURO ASIGNATURA Filipino

ARAW MARKAHAN F8Q1-


AT W1D4
BANGHAY ORAS
ARALIN

I.LAYUNIN
A.Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga
Pangnilalaman akdang pampanitikan sa Panahon ng mga Katutubo,
Espanyol at Hapon
B.Pamantayan sa Nabubuo ang isang makatotohanang proyektong
Pagganap panturismo
Naibabahagi ang sariling kuro-kuro sa mga detalye at
C. Mga Kasanayan sa kaisipang nakapaloob sa akda batay sa: - pagiging
Pagkatuto totoo o hindi totoo -may batayan o kathang isip
lamang F8PU-Ia-c-20
II.PAKSA
• Pagbabahagi ng sariling kuro-kuro sa mga detalye at kaisipang nakapaloob
sa akda batay sa: - pagiging totoo o hindi totoo -may batayan o kathang-
isip lamang
III. MGA KAGAMITANG PANTURO
A.SANGGUNIAN
TG:
LM: Modyul sa Filipino 8 p30-32, Modyul sa Filipino 8 p.56-58
LR: Curriculum guide p. 153

Iba Pang Kagamitang Panturo:


https://www.academia.edu/26372694/ANG_BATIK_NG_BUWAN/05-02-
2019/12:30pm
pro3.pnp.gov.ph
https://www.slideshare.net/jmpalero/filipino-9-napatutunayan-kung-
makatotohanan-o-dimakatotohanan-ang-mga-pahayag

IV.PAMAMARAAN
A.Panimula
Sa ating aralin ngayon ay gagamitin ninyo ang inyong mga kaalaman
at karanasan upang mabisang maibahagi ang inyong mga saloobin sa - pagiging
totoo o hindi totoo -may batayan o kathang-isip lamang ng mga pahayag na
inyong mababasa.
B. Pagganyak
(Maghahanda ang guro ng larawan ng pulis at ng isang superhero)

Ako ay magpapakita ng dalawang larawan at sasagutin ninyo ang


aking mga tanong:
1. Sino-sino ang mga nasa larawan?
2. Paano sila nakatutulong sa kanilang kapwa?

23
3. Makatotohanan ba ang kanilang pamamaraaan ng
pagtulong?Pangatwiranan.

pro3.pnp.gov.ph(link na mapagkukunan ng larawan ni PNP Chief Oscar


Albayalde)

C.Paglalahad
Gawain : Basahin ang maikling kuwento “Ang Batik ng Buwan” (Hango
sa: https://www.academia.edu/26372694
Panuto: Ibigay ang sariling kuro-kuro sa mga detalye at kaisipang
nakapaloob sa akda batay sa: - pagiging totoo o hindi totoo
-may batayan o kathang isip lamang.

Pagiging Totoo/May Hindi Totoo/Kathang Pangatwiranan


Batayan Isip

D. Pagtalakay
Bilang mga mag-aaral, mahalaga na marunong kayong sumuri ng mga
makatotohanan at di makatotohanang pahayag kaya ngayon ay ito ang ating
tatalakayin.

(Maaaring kumuha ngkahulugan at Gawain mula sa link na nasa ibaba.)


https://www.slideshare.net/jmpalero/filipino-9-napatutunayan-kung-
makatotohanan-o-dimakatotohanan-ang-mga-pahayag

E. Paglalahat

1. Paano magiging mabisa ang pagpapahayag ng iyong saloobin?


2. Paano madaling matukoy ang mga makatotohanan at di-
makatotohanag pahayag?

F. Paglalapat
Hahatiin sa dalawang pangkat ang klase. Ipababasa ang akdang Naging
Sultan si Pilandok sa Modyul sa Filipino 8 p.56-58, ang isang angkat ay
aatasang tukuyin ang mga makatotohanang pangyayari at ang isa pang pangkat
ay sa di-makatotohanang pangyayari. Ibahagi din ang inyong kuro-kuro o saloobin
sa pagiging totoo o hindi totoo -may batayan o kathang-isip lamang.

G. Pagtataya

Ipababasa sa mga mag-aaral ang bahagi ng epikong “ Ang Paghahanap ni


Matabagka sa Diyos ng Hangin.” (Modyul sa Filipino 8 p30-32) at Ipatutukoy ang
mga bahaging makatotohanan at di makatotohanan at ipasusuri kung ang mga ito
ay may batayan o kathang-isip lamang.

24
H.Kasunduan
Alamin ang mga karunungang bayan.
V.TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mga
mag-aaral
nanakakuha ng
80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-
aaral na
nangangailanga
n ng iba pang
Gawain para sa
remediation.
C. Nakatulong ba
ang remedial?
Bilang ng mga
mag-
aaralnanakauna
wasaaralin.
D. Bilang ng mga
mag-aaral na
magpapatuloy
sa remediation.
E. Alin sa mga
istratehiyang
pagtuturo ang
nakatulong ng
lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin
ang aking
naranasan na
nasolusyunan sa
tulong ng aking
punungguro at
superbisor?
G. Anong
kagamitang
panturo ang
aking nadibuho
na nais kong
ibahagi sa
kapwa koguro?

25
PAARALAN ANTAS 8
GURO ASIGNATURA Filipino

ARAW
AT MARKAHAN F8Q1-
BANGHAY ORAS W1D5
ARALIN

I.LAYUNIN
A.Pamantayang Naipamamalas ang mag-aaral ng pag-unawa sa mga
Pangnilalaman akdang pampanitikan sa Panahon ng mga Katutubo,
Espanyol at Hapon
B.Pamantayan sa Nabubuo ang isang makatotohanang proyektong
Pagganap panturismo.
Naisusulat ang sariling bugtong, salawikain, sawikain o
C. Mga Kasanayan sa
kasabihan na angkop sa kasalukuyang kalagayan
Pagkatuto
F8PS-Ia-c-20
II.PAKSA
• Pagsulat ng sariling bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan na angkop
sa kasalukuyang kalagayan
III.MGA KAGAMITANG PANTURO
A.SANGGUNIAN
TG:

LM:

LR: curriculum guide p. 153

Iba Pang Kagamitang Panturo: bond paper, pentel pen, mga pangkulay
*https://teksbok.blogspot.com/2010/09/bugtong.html?fbclid=IwAR3MEbz86sJZxaa
RO_u7PleMQ3jQy03k2c3kNXsB3rmZN05wXpDPKK2PX5I

IV.PAMAMARAAN
A.Panimula
Ang pagsulat ay kabilang sa mga kasanayang dapat ninyong
matutunan bilang mag-aaral.Upang lubos ninyong maintindihan ang
mga karunungang-bayan kailangang lumikha kayo ng sarili ninyong
salawikain, bugtong, sawikain o kasabihan.
B.Balik-Aral
Gawain: DUGTUNGAN TAYO…
Para lalo pang mapagtibay ang inyong mga natutuhan sa aralin,
dugtungan ang pangungusap para mabuo ang ideyang nakapaloob
sa pahayag.(3 minutong gawain)

a. Naniniwala ako na mahalagang unawain ang mga karunungang-


bayan sapagkat _______________________.

26
b. .Ang mga karunungang -bayan bagaman bahagi ng ating
matandang panitikan ay masasabi kong angkop pa ring pag-
aralan at isabuhay sa kasalukuyan dahil ______________.
c. Sa tulong ng mga karunungang-bayan, naging malinaw sa akin
ang ______________kaya ipinagmamalaki ko
________________.

C. Pagtalakay
Pagtalakay sa mga paraan ng pagsulat ng:
Hango sa:
https://teksbok.blogspot.com/2010/09/bugtong.html?fbclid=IwAR3MEbz86sJZxaaRO_
u7PleMQ3jQy03k2c3kNXsB3rmZN05wXpDPKK2PX5I
1. bugtong
2. salawikain
3. sawikain o kasabihan

D. Paglalahat
Ano ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng karunungang bayan?
E. Paglalapat

G – Ang layunin ay makasulat ng mga karunungang- bayan


R – Ikaw ay gaganap bilang mananaliksik
A – Ang mga manonood ay mga kapwa mag-aaral
S – Araw ng presenang tasyon ng iyong ginawang pananaliksik
P – Pananaliksik ng mga karunungang bayan na may kaugnayan sa
kasalukuyang kalagayan
S – Ang lilikhaing karunungang bayan ay dapat may maayos na
organisasyon
na may 5 puntos, ginamitan ng paghahambing na may 5 puntos na
may kabuuang 10 puntos.
F. Pagtataya

Isasagawa ang presentasyon ng ginawa sa paglalapat


Pamantayan Puntos
Organisasyon 5
Gamit ng 5
paghahambing
KABUOAN 10

G. Kasunduan
Ano ang tanaga?
Sanggunian: Modyul sa Filipino 8 p. 17-24
V.TALA
VI. PAGNINILAY
27
A. Bilang ng mga
mag-aaral
nanakakuha ng
80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-
aaral na
nangangailanga
n ng iba pang
Gawain para sa
remediation.
C. Nakatulong ba
ang remedial?
Bilang ng mga
mag-
aaralnanakauna
wasaaralin.
D. Bilang ng mga
mag-aaral na
magpapatuloy
sa remediation.
E. Alin sa mga
istratehiyang
pagtuturo ang
nakatulong ng
lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin
ang aking
naranasan na
nasolusyunan sa
tulong ng aking
punungguro at
superbisor?
G. Anong
kagamitang
panturo ang
aking nadibuho
na nais kong
ibahagi sa
kapwa koguro?

28
PAARALAN ANTAS 8
GURO ASIGNATURA Filipino

ARAW
AT MARKAHAN F8Q1-
BANGHAY ORAS W2D1
ARALIN

I.LAYUNIN
A.Pamantayang Naipamamalas ang mag-aaral ng pag-unawa sa mga
Pangnilalaman akdang pampanitikan sa Panahon ng mga Katutubo,
Espanyol at Hapon
B.Pamantayan sa Nabubuo ang isang makatotohanang proyektong
Pagganap panturismo.
• Nahuhulaan ang mahahalagang kaisipan at sagot
sa mga tanagang napakinggan.
F8PN-Ia-c-20
C. Mga Kasanayang
• Naiuugnay ang mahahalagang kaisipang
Pampagkatuto
nakapaloob sa mga tula sa mga pangyayari sa
tunay na buhay sa kasalukuyan. F8PB-Ia-c-22

II. MGA PAKSA

• Paghuhula sa mga mahahalagang kaisipan at sagot sa mga tanagang


napakinggan.
• Pag-uugnay ng mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga tula sa mga
pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan.
III. MGA KAGAMITANG PANTURO
A. SANGGUNIAN:
TG: Gabay ng Guro p. 195 Tula: Panalangin (ni: Asuncion B. Bola)

LM: Modyul 1 Filipino 8, p. 165-166, Panitikang Pilipino (Filipino Modyul sa


Mag-aaral p. 22

TX: Wika at Panitikan IV pahina 25- 28


Kayumanggi Batay sa Kurikulum na K-12 (Baitang 8 Unang Markahan
p.57-64

LR: Curriculum Guide, p.153

B. Iba Pang Kagamitang Panturo:


manila paper, cartolina

29
IV. PAMAMARAAN
A. Panimula
Sa araw na ito, tandaan ninyo na nilalayon ng ating aralin na mahulaan
ang mga mahahalagang kaisipan at sagot sa mga karunungang bayan, o sa mga
tulang tatalakayin at maiugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga
tula sa mga pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan.

Ang araling ito ay iikot sa tulang kung tawagin ay tanaga.

B. Pagganyak

(Pamamaraang gagamitin: Pick Up Lines / Hugot Lines)


• Sasabihin ng guro
Guro: Magaling ka ba sa Filipino?
Mag-aaral: Bakit?
Guro: Kapag pinagsama ba ang panghalip na ikaw at ako, posible
bang maging tayo?
• Ngayon, kayo naman ang magbibigay ng sariling pick up lines / hugot lines.
• Pagbibigay ng input ng guro. (Tignan ang Kalakip Blg. 1)

C. Paglalahad ng Aralin
May mga salita mula sa maiikling tula na inyong matutunan ngayong araw ang
mahirap maintindihan kaya’t bibigyan natin ng pagpapakahulugan. Ilan sa mga ito
ay ang mga sumusunod:

1. buntunghininga – malalim at mahabang paghinga


2. sartin – tasa
3. magsikhay – magsikap, magsipag
D. Pagtalakay
Pakinggang mabuti ang babasahin kong halimbawa ng tanaga at
pagkatapos ay kayo naman ang sabay-sabay na magbabasa nito.
(Paalaala: Huwag munang ibibigay ang pamagat ng tanaga.)

Agahan ni Rio Alma

Isang pinggang sinangag,


Isang lantang tinapa,
Isang sarting salabat,
Isang buntunghininga.
(Hango sa Panitikang Pilipino Filipino Modyul sa Mag-aaral p. 22 )

1. Tungkol saan kaya ang binasang tula?


2. Ano kaya ang ginagawa ng tauhan sa tula?
3. Aling taludtod sa tula ang nagpapahayag ng kakulangan ng pagkain?
Bakit?
4. Ano ang mensaheng nais iparating ng tula?
5. Kung kayo ang tatanungin, ano kaya ang pamagat ng tanaga?

30
6. Pag-usapan ang ukol sa kahirapan. Ang agahan ay senaryo sa hapag-
kainan ng isang kahig, isang tuka.
(Paalaala: Ibibigay ng guro ang pamagat ng tanaga matapos
magbigay ng sagot ang mga mag-aaral.)

Pakinggang mabuti ang ikalawang halimbawa ng tanaga at


pagkatapos ay kayo naman ang sabay-sabay na magbabasa nito.

Palay
Palay siyang matino
Nang humingi’y yumuko
Ngunit muling tumayo
Nagkabunga ng ginto.
(Hango sa Modyul 1 p.165 – Gawain 1.3.1.c titik D)

1. Tungkol sa ano ang binasang tula?


2. Bakit inihalintulad ang palay sa ginto?
3. Ano ang mensaheng nais iparating ng tula?
4. Anong sitwasyon saiyong buhay maiuugnay ang nilalaman ng tula?

Pansinin ninyo ang pagkakapareho ng dalawang tanagang tinalakay.

• Sumangguni sa K-12 Modyul 1 Grade 8, p.116 (Alam mo ba?) at


Kayumanggi Batay sa Kurikulum na K-12 (Baitang 8 Unang Markahan p.60
(Tanaga)

E. Paglalahat

Paano nakatutulong ang mensahe ng mga tanagang tinalakay sa pang-


araw-araw na pamumuhay
F. Paglalapat

Babasahin ng buong klase ang halimbawa ng tanaga.


• Ibigay ang mga mahahalagang kaisipang nakapaloob.
• Iugnay ang mga kaisipang ito sa tunay na buhay sa kasalukuyan batay
sa :
a. sariling karanasan
b. karanasan ng kaibigan / pamilya atbp.

Panalangin
(ni: Asuncion B. Bola)
Pagsubok pag dumalaw
Di ka makapagpasiya
Ang panalangin lamang
Sagot sa mga problema
(Hango sa Gabay ng Guro p. 195
G. Pagtataya
“I BELIEVE”
(Pangkatang Gawain)

31
• Hahatiin ang klase sa 2 pangkat.
• Pipili ng isang kinatawan ang bawat pangkat na siyang magbibigay ng
kaisipan sa nabunot na tanaga.
• Ibigay ang sagot sa harap ng buong klase sa pamamagitan ng
pagbanggit ng salitang “I Believe” sa bawat pahayag/paliwanag.
• Iugnay ang mga kaisipan sa mga pangyayari sa tunay na buhay sa
kasalukuyan.
Tatayain ito sa pamamagitan ng sumusunod na pamantayan:

Pamantayan Puntos
Kaisipang nailahad
Kaugnayan sa Kasalukuyan
Tatas ng pagsasalita
KABUOAN (15pts.)

TANAGA
Repleksiyon sa Sarili

Nawasak na salamin
Di kayang pagdikitin
Lalo na kung di pansin
Ang tunay na salarin

Hango sa Kayumanggi Batay sa Kurikulum na K-12


(Baitang 8 Unang Markahan p.59
Sipag

Magsikhay nang mabuti


Sa araw man o gabi
Hindi mamumulubi
Magbubuhay na hari
(Hango sa Modyul 1, p. 166 )
*Maaaring dagdagan ng guro ang tanagang ibibigay o tatalakayin.

H. Karagdagang Gawain
1. Ano ang tulang haiku? Ibigay ang mga katangian nito.
2. Maghanap ng mga halimbawa ng haiku.
Sanggunian :
Panitikang Pilipino,Filipino Modyul para sa Mag-aaral p. 93-94 at p. 97
Modyul 1 Kagamitang Mag-aaral p.166

V.TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng
mga mag-

32
aaral
nanakakuha
ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng
mag-aaral na
nangangailan
gan ng iba
pang Gawain
para sa
remediation.
C. Nakatulong
ba ang
remedial?
Bilang ng
mga mag-
aaralnanakau
nawasaaralin.
D. Bilang ng
mga mag-
aaral na
magpapatulo
y sa
remediation.
E. Alin sa mga
istratehiyang
pagtuturo ang
nakatulong
ng lubos?
Paano ito
nakatulong?
F. Anong
suliranin ang
aking
naranasan na
nasolusyunan
sa tulong ng
aking
punungguro
at
superbisor?
G. Anong
kagamitang
panturo ang
aking
nadibuho na
nais kong
ibahagi sa
kapwa
koguro?
33
PAARALAN ANTAS 8
GURO ASIGNATURA Filipino
ARAW
AT
BANGHAY ORAS MARKAHAN F8Q1-
ARALIN W2D2

I.LAYUNIN
A.Pamantayang Naipamamalas ang mag-aaral ng pag-
Pangnilalaman unawa sa mga akdang pampanitikan sa
Panahon ng mga Katutubo, Espanyol at
Hapon
B.Pamantayan sa Nabubuo ang isang makatotohanang
Pagganap proyektong panturismo.
Naiuugnay ang mahahalagang
kaisipang nakapaloob sa mga haiku sa
C. Mga Kasanayan sa
mga pangyayari sa tunay na buhay sa
Pagkatuto
kasalukuyan F8PB-Ia-c-22

II.PAKSA
• Pag-uugnay ng mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga tula
sa mga pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan.

III. MGA KAGAMITAN PANTURO


A. SANGGUNIAN:
TG: Curriculum Guide p.153,

LM: Modyul 1 Filipino 8, p. 17- 24, p. 109-115 at p. 165


Panitikang Pilipino, Filipino Modyul para sa Mag-aaral p. 94)
TX: Wika at Panitikan IV p. 25- 28
Kayumanggi Batay sa Kurikulum na K-12 (Baitang 8 Unang Markahan
p.57-64

B. Iba Pang Kagamitang Panturo


larawan, pentel pen, cartolina, manila paper, ginupit na letrang HAIKU
Sipi ng Haiku:
“Gulong” ni SOro
“Mithiin” ni SOro
“Pakikipagkapwa” ni SOro

IV. PAMAMARAAN
A. Panimula

34
Sa araw na ito, nilalayon ng ating aralin na maiugnay ang mahahalagang
kaisipang nakapaloob sa haiku sa mga pangyayari sa tunay na buhay sa
kasalukuyan.

B. Pagganyak
Handa na ba ang lahat para sa panibagong gawain? Mula sa apat na
larawan ay hulaan ninyo kung saang lugar ito matatagpuan. Ito ay tatawagin
nating : KuwaTrato (Kuwatrong Litrato sa Kuwadro).

Mga tanong:
1. Ano-ano ang makikita ninyo sa loob ng ikatlong kwadro ng mga
larawan? (Mt. Fuji, Hapon, Cherry Blossoms, Japanese Fan)
2. Saan kayang bansa matatagpuan ang mga bagay na nakita ninyo sa
ikatlong larawan?
3. Mangalap ng isang trivia tungkol sa bansang Japan.

C. Paglalahad
Sikapin nating buoin ang mga letrang nakadikit sa pisara batay sa
pahayag na ibibigay ko.
(I-K-A-H-U) - Isa ito sa mga uri ng tulang namalasak sa panahon
ng pananakop ng mga Hapon.

Ibigay ang kahulugan ang mahihirap na salitang matatagpuan sa


Haikung tatalakayin upang higit ninyong maintindihan ang tula.
Guryon – Saranggola
Kuliglig – isang uri ng insekto / kulisap

D. Pagtalakay
Bago tayo pumalaot sa pagtalakay ng ating aralin, magbibigay muna ako
ng isang halimbawa ng Haiku na ating susuriin.

35
(Paalaala: Huwag munang ibibigay ang pamagat ng tula.
Hayaang ang mga mag-aaral ang makatuklas nito. Subalit
maaaring magbigay ng clue para madaling mahulaan ito.)
Tutubi
1 2 3 4 5
Hi/la /mo’y/ ta/bak/
1 2 3 4 5 6 7
Ang/ bu/lak/lak /na/ngi/nig
1 2 3 4 5
Sa/ pag/la/pit/ mo. . .
(Hango sa Modyul 1 p.165 (Gawain1.3.1.c
titik F)

Mga tanong:
1. Ilan ang sukat sa bawat taludtod ng tula?
2. Ilang taludtod ang bumubuo sa tula?
3. Ano ang pamagat ng tula?
4. Ano ang mahalagang kaisipan nito?
Ang tawag sa tulang tinalakay na taglay ang mga katangiang nabanggit
ay HAIKU.
5. Sumangguni sa Kayumanggi Batay sa Kurikulum na K-12 (Baitang
8 Unang Markahan p. 60

Mga halimbawa:
Buuin ang haiku at ipaliwanag ito:

Ang munting (sagot: GURYON)


Ay parang ako lamang
Kita mo bukas
Hango sa Kayumanggi Batay sa Kurikulum na K-12 (Baitang 8 Unang Markahan p.63

1. Ano ang pamagat ng tula?


2. Tungkol sa ano ang tula?
3. Ano ang mahalagang kaisipan nito?

ANYAYA
ni Gonzalo K. Flores

Ulilang (sagot: DAMO)

Sa tahimik na ilog

Halika, sinta.

(Hango sa Panitikang Pilipino, Filipino Modyul para sa Mag-aaral p.


94)

1. Ano ang pamagat ng tula?

36
2. Tungkol saan ang tula?
3. Ano ang mahalagang kaisipan nito?
E. Paglalahat

Paano nakatutulong ang mga kaisipan o mensaheng nakapaloob sa haiku sa


iyong pang-araw-araw na pamumuhay?

F. Paglalapat
Mga kakailanganin:
1. Binilog na papel
2. Manila paper / cartolina na hugis bilog / dart (dart board)
3. Mga tanong/ haiku
Ang Gawain ngayong araw ay tatawaging “May Tama ka!”, narito ang
mekaniks na ating susundin.
• Hahatiin ko kayo sa dalawang pangkat. Magkakaroon ng 3 kinatawan
ang bawat pangkat.
• Ihahagis ng kinatawan ang bola sa dart board.
• Alinmang bahagi ng dart board ang tamaan, ito ay may kaukulang
haikung ipaliliwanag at iuugnay sa pangyayari sa tunay na buhay sa
kasalukuyang panahon.
Blg. 3 – pinakamahirap na halimbawa ng haiku
Blg. 2 – katamtamang halimbawa ng haiku
Blg. 1 – madaling halimbawa ng haiku

Mga Haiku ( Ilalagay sa dart)

1
2
3

(Salin ni : Federico Licsi Espino Jr.)


Hango sa Kayumanggi Batay sa Kurikulum na K-12 (Baitang 8 Unang Markahan p.58
3

Banal na (sagot: Ilong)


Ng Budhang nakaupo
May barang yelo

Hango sa Kayumanggi Batay sa Kurikulum na K-12 (Baitang 8 Unang


Markahan p.63

37
(Maaaring dagdagan o palitan ng guro ang mga ipaliliwanag na haiku
1
Gabing tahimik
Sumasapi sa bato,
Huning-kuliglig.

ni: Matsuo Basho


(Salin ni : Federico Licsi Espino Jr.)
Hango sa Kayumanggi Batay sa Kurikulum na K-12 (Baitang 8 Unang
Markahan p.59
2
Talim ng kidlat
Sa dilim umiiyak
Ang puting tagak.
ni: Matsuo Basho
G. Pagtataya
Bilang pagsukat sa inyong natutunan ngayong araw, hahatiin ko kayong muli
sa 3 pangkat. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng haikung ipaliliwanag at
iugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa tunay na buhay sa
kasalukuyan. Ito ay gagawin lamang sa loob ng 3 minuto. Susundin ang
sumusunod na pamantayan sa pagbibigay ng puntos.

Pamantayan: Puntos
Kaisipang nailahad 8
10
Kaugnayan sa Kasalukuyan
Tatas ng pagsasalita 7
25
KABUUAN

GULONG
ni: Sharmaine Oro

Gamit na bilog
Minsa’y nasa ibabaw
Minsa’y ilalim

MITHIIN
ni: Sharmaine Oro

Munting pangarap
Ay iyong matutupad
Kaya’t magsikap

PAKIKIPAGKAPWA
ni: Sharmaine Oro

Kapwa’y mahalin

38
Samaha’y wag sayangin
Huwag sisirain

H. Kasunduan

Manaliksik ng mga halimbawa ng haiku at tanaga.


Sanggunian :
Panitikang Pilipino,Filipino Modyul para sa Mag-aaral p. 13, p.
22
Modyul 1 Kagamitang Mag-aaral p.166 -167

V.TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mga mag-aaral
nanakakuha ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang Gawain para sa
remediation.
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mga
mag-
aaralnanakaunawasaarali
n.
D. Bilang ng mga mag-aaral
na magpapatuloy sa
remediation.
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong
ng lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang
aking naranasan na
nasolusyunan sa tulong
ng aking punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuho na nais kong
ibahagi sa kapwa
koguro?

39
PAARALAN ANTAS 8
GURO ASIGNATURA Filipino

ARAW
BANGHAY AT MARKAHAN F8Q1-
ARALIN ORAS W2D3

I.LAYUNIN
A.Pamantayang Naipamamalas ang mag-aaral
Pangnilalaman ng pag-unawa sa mga akdang
pampanitikan sa Panahon ng
mga Katutubo, Espanyol at
Hapon
B.Pamantayan sa Nabubuo ang isang
Pagganap makatotohanang proyektong
panturismo.
Naibabahagi ang sariling
kuro-kuro sa mga detalye at
kaisipang nakapaloob sa akda
C. Mga Kasanayan sa batay sa:
Pagkatuto -pagiging totoo o hindi totoo
-may batayan o kathang isip
lamang
F8PU-Ia-c-20
II.PAKSA
Pagbabahagi ng sariling kuro-kuro sa mga detalye at kaisipang nakapaloob sa
akda batay sa pagiging totoo / hindi totoo at may batayan o kathang-isip lamang.
III. MGA KAGAMITAN PANTURO
A. SANGGUNIAN
TG: Curriculum Guide p.153 , Gabay ng Guro p. 211-214

LM: Modyul sa Filipino 8 p. 30-32


Modyul 1 Filipino 8, p.173-174 at p. 165-166
TX:Wika at Panitikan IV pahina 25- 28

B. Iba Pang Kagamitang Panturo:


manila paper, musika, cartolina, metacard
sipi ng :
Biyaya ni YMCA
Pagsubok ni SOro

IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral at/o Panimula
Sa araw na ito, nilalayon ng ating aralin na maibahagi ang sariling kuro-kuro
sa mga detalye at kaisipang nakapaloob sa akda batay sa pagiging totoo o hindi
totoo at kung ito ay may batayan o kathang isip lamang.
B. Pagganyak

40
• .Kayo ba nakakita nan g UFO? Ito ba ay totoo o di-totoo? Ibigay
ang inyong kuro-kuro ukol dito.

C. Paglalahad

• Kailan natin sinasabi na ang isang pangyayari ay totoo o di totoo at


kung may batayan at kathang isip lamang?
(magkakaroon ng talakayan ukol dito)
D. Pagtalakay
Pamilyar ba kayo sa “SML” (Share Mo Lang)?
• Ngayon, hahatiin ko kayong muli sa 2 pangkat.
• Ang bawat pangkat ay may 10 mag-aaral; ang pangkat 1 ang
HANAY A at ang pangkat 2 HANAY B.
• Ang nasa unahan ang maghahatid ng mensahe sa kaniyang likuran
at ipapasa ito sasusunod hanggang sa pinakahuling mag-aaral.
• Pagkalipas ng 1 minuto ay isusulat na sa pisara ng nasa hulihan
ang mensaheng kaniyang natanggap.
• Matapos maibigay ng mag-aaral ang sagot, ibabahagi ng bawat
pangkat ang sariling kuro-kuro sa mga detalye at kaisipang
nakapaloob sa akda batay sa: -pagiging totoo o hindi totoo -may
batayan o kathang isip lamang.)

IKAW LANG

Dasal ko sa bathala
Sana’y makapiling ka
Sa luha ko at dusa
Ikaw ang aking sigla
(Hango sa Modyul 1 p. 166)

Narito ang ilan pang karagdagang halimbawa ng tanaga at haiku. Ibigay


ninyo ang kaisipang nakapaloob sa akda batay sa: -pagiging totoo o hindi totoo -
may batayan o kathang isip lamang. Pangatwiranan ang sagot.

Kabilang buhay,
Totoo ba o sablay
Kapag namatay.
(Hango sa Modyul 1 p. 173)

Pag ang sanggol ngumiti


Wala na ang pighati
Kalong mo’y sumisidhi
Pangarap na punyagi.
(Hango sa Modyul 1 p. 173)

41
“Ang klase ‘pag marunong
Matututo ang guro
Kung wala namang balon
Mag-iisip ang puso”
(Hango sa Wika at Panitikan IV)
E. Paglalahat
Paano mo masasabi na ang detalyeng nakapaloob sa akda ay totoo
o di totoo?

F. Paglalapat

LAF (List All Facts)


Ilista ang mga taludtod na nagpapahayag at nagpakikita ng katotohanan at
di-katotohanan.

Katotohanan Di-Katotohanan

1. Wala ‘yan sa pabalat


Sa puso nakatatak
Nadarama’t nalasap
Pag-ibig na matapat
(Hango sa Modyul 1 p. 165 – Gawain1.1.3.c titik E)

2. Pagsubok
ni: Sharmaine Oro

Ula’y bubuhos
Di man hintaying lubos
Darating unos

3. Biyaya
ni: Maria Cecilia Aldana

Patak ng ulan
Kasiyahan ng tigang
Ng lupang uhaw.

42
G. Pagtataya
Pumili lamang ng isang tula, sa sangkapat na papel ay isulat ang
sariling kuro-kuro sa mga detalye at kaisipang nakapaloob sa akda batay
sa pagiging totoo o hindi totoo ; may batayan o kathang-isip lamang.

INOSENTE

Nagtampong kalikasan
Sa kurakot ng bayan
Ang walang kasalanan
Ang pinaghigantihan
(Hango sa Modyul 1 p. 174
KAIBIGAN

Pakikisama
Sa iyong mga kapwa
Dulot ay saya.
(Hango sa Modyul 1 p. 174)

Pamantayan: Puntos
Kaisipang inilahad / Nilalaman 15
Paninindigan / Paliwanag 10
25
KABUUAN

H.Kasunduan
Ano ang kahulugan ng eupemismo? Manaliksik ng mga halimbawa nito.
Sanggunian :
Modyul 1 Kagamitang Mag-aaral p.112-113
V.TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mga mag-aaral nanakakuha
ng 80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang Gawain
para sa remediation.
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng
mga mag-aaralnanakaunawasaaralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation.
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo
ang nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan
na nasolusyunan sa tulong ng aking
punungguro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking
nadibuho na nais kong ibahagi sa
kapwa ko guro?

43
PAARALAN ANTAS 8
GURO ASIGNATURA Filipino

ARAW
AT MARKAHAN F8Q1-
MASUSING ORAS W2D4
BANGHAY
ARALIN

I.LAYUNIN
A.Pamantayang Naipamamalas ang mag-aaral ng pag-unawa sa mga
Pangnilalaman akdang pampanitikan sa Panahon ng mga Katutubo,
Espanyol at Hapon
B.Pamantayan sa Nabubuo ang isang makatotohanang proyektong
Pagganap panturismo.
Nabibigyang-kahulugan ang mga talinghagang ginamit.
F8PT-Ia-c-19
C. Mga Kasanayan sa
Pagkatuto Nagagamit ang paghahambing sa pagbubuo ng
eupemistikong pahayag F8WG-Ia-c-17

II. MGA PAKSA


Pagbibigay-kahulugan sa mga talinghagang ginamit.

Paggamit ng eupemistikong pahayag sa pagbuo ng tanaga at haiku.

III. MGA KAGAMITAN PANTURO


A. SANGGUNIAN
TG: Curriculum Guide p.153

LM: Modyul 1 Filipino 8, p. 104


TX:Wika at Panitikan IV pahina 25- 28

B. Iba Pang Kagamitang Panturo:


Speech Baloon, metacards
Sipi ng:
Pag-ibig ni YMCA
Larawang Kupas ni YMCA
Asawa ni YMCA
Pagsusulit ni YMCA
IV. PAMAMARAAN
A. Bali-aral
Balikan natin ang mga katagang ginagamit sa paghahambing.
- mas, di-hamak, lubhang, labis,lalong
Gamitin ninyo ito sa pangungusap.

B. Pagganyak

44
Palitan ang pahayag sa bawat bilang sa paraang hindi ka
makasasakit sa damdamin ng iyong kapwa sa paraang FAST (Form
a Script). Ilahad ang mga ito sa pamamagitan ng powerpoint o
paggamit ng cartolina.

Namatay pala
kahapon ang
kaibigan mo?

Bobo ka talaga, ang dali-dali ng


pagsusulit, bumagsak ka pa.

Napakataba naman ng iyong


katabi.

C. Paglalahad

Sa araw na ito, nilalayon ng ating aralin na mabigyang-kahulugan ang mga


talinghagang ginamit at magamit ang paghahambing sa pagbuo ng
eupemistikong pahayag.

Ang talinghagang pananalita ay mga pananalitang ipinapalit sa mga salita o


pariralang kapag ipinahayag sa tuwirang kahulugan ay nagdudulot ng
pagkalungkot, pagdaramdam o ibang di-kanais-nais na damdamin sa
pinagsasabihan o nakaririnig. Ginagawa ang ganitong pagpapalit upang maging
kaiga-igaya sa pandinig at nang sa gayon ay maiwasan ang panunugat ng
damdamin. Kilala rin ito sa tawag na eupemistikong pahayag.

D. Pagtalakay
FAW (Form A Word)
Hahatiin ko kayo sa limang pangkat at bibigyan ng mga ginupit na
letrang bubuoin. Idikit sa pisara ang inyong mga sagot.

MGA SALITA BINUONG PAHAYAG


(Hanay A) (Hanay B)
1. Nadudumi • Tawag ng Kalikasan
2. Katulong • Kasambahay
3. Nalasing • Nasagasaan ng bote
4. Naghirap sa buhay • Nagdildil ng asin
5. Magnanakaw • Mahaba ang kamay

1. Paano natin binibigyan ng kahulugan ang mga salitang nasa Hanay


A?
2. Batay sa mga nabuong salita, magbigay rin kayo ng mga salita at
ang nabuong eupemistikong pahayag.

45
3. Sumangguni sa Modyul 1 Filipino 8, p. 105-107 para sa kahulugan
ng eupemismo.

E. Paglalahat
• Buoin ang ito
1. Ang paghahambing ay _______________
2. Ito ay gumagamit ng mga salitang/katagang____,
__________,__________,__________
3. Ang Talinghagang Pananalita ay kilala rin sa tawag na _____________

F. Paglalapat
Bumuo ng eupemistikong pahayag gamit ang paghahambing at ipaliwanag
ito.
Halimbawa: Simputi ng labanos ang aking aking kahiramang suklay.

G. Pagtataya
Gamitin ang mga nabuong eupemistikong pahayag mula sa Gawain sa paglalapat
sa pagbuo ng maikling dayalogo gamit ang speech balloon.
. “speech
balloon”

Pamantayan Puntos

Paggamit ng Paghahambing sa 10
pagbuo ng Eupemistiko

Presentasyon 5

Malinaw na naipaliwanag 10

KABUUAN 25

H. Kasunduan
Maghanda sa pagsulat ng sariling tula.
Magdala ng cartolina, pentel pen at krayola.

V.TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mga
mag-aaral
nanakakuha ng
80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-
aaral na
nangangailanga
n ng iba pang

46
Gawain para sa
remediation.
C. Nakatulong ba
ang remedial?
Bilang ng mga
mag-
aaralnanakauna
wasaaralin.
D. Bilang ng mga
mag-aaral na
magpapatuloy
sa remediation.
E. Alin sa mga
istratehiyang
pagtuturo ang
nakatulong ng
lubos? Paano
ito nakatulong?
F. Anong suliranin
ang aking
naranasan na
nasolusyunan
sa tulong ng
aking
punungguro at
superbisor?
G. Anong
kagamitang
panturo ang
aking nadibuho
na nais kong
ibahagi sa
kapwa koguro?

47
PAARALAN ANTAS 8
GURO ASIGNATURA Filipino

ARAW
AT MARKAHAN F8Q1-
MASUSING ORAS W2D5
BANGHAY
ARALIN

I.LAYUNIN
A.Pamantayang Naipamamalas ang mag-aaral ng pag-
Pangnilalaman unawa sa mga akdang pampanitikan sa
Panahon ng mga Katutubo, Espanyol at
Hapon
B.Pamantayan sa Nabubuo ang isang makatotohanang
Pagganap proyektong panturismo.
Naisusulat ang sariling tanaga at haiku
na angkop sa kasalukuyang kalagayan.
C. Mga Kasanayan sa
F8PS-Ia-c-20
Pagkatuto

II. MGA PAKSA


• Pagsulat ng sariling tanaga at haiku na angkop sa kasalukuyang
kalagayan
III. MGA KAGAMITAN PANTURO
A. SANGGUNIAN
TG: Curriculum Guide p.153

LM: Modyul sa Filipino 8 p. 30-32


TX:Wika at Panitikan IV pahina 25- 28

B. Iba Pang Kagamitang Panturo:


papel na hugis puso, cartolina,
IV. PAMAMARAAN
A.Panimula
Sa araw na ito, susulat na kayo ng tanaga o haiku na angkop sa
kasalukuyang kalagayan.

B. Paglalahad
Ang gawaing ito ay tatawaging BLIND DATE. Narito ang mga mekaniks na
inyong susundin.
• Sa mga bubunuting salita, may nakasulat sa hugis-puso.
• Lahat ng mag-aaral ay bubunot ng tig-iisang hugis-pusong papel na
maaaring naglalaman ng halimbawa ng eupemistikong pahayag at
kahulugan nito.
• Itataas ng mag-aaral kung may nakasulat sa hugis-pusong nabunot.

48
• Kapag ang hugis-pusong nabunot ay may nakasulat, hahanapin ang
kapareha.
Halimbawa:
Nadudumi tawag ng
kalikasan

Mga Salita:

1. Nanliligaw 6. Naniningalang-pugad
2. Napakalawak 7. Di-maliparang-uwak
3. Payatot 8. Balingkinitan
4. Di magandang sulat kamay 9. Kinalahig ng manok
5. Matanda na 10. Alog na ang baba
Ang mga eupemistikong pahayag na ito ay maaaring gamitin sa pagsulat ng
tanaga at haiku.
C. Pagtalakay
Isa-isahin ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng haiku at tanaga
D. Paglalahat
Anong magandang dulot ng pagsulat ng tula sa ating pang-araw-araw
na buhay?
E. Paglalapat
Hindi na magbibigay ng paglalapat upang mabigyan ng mahabang oras
ang mga mag-aaral na makapagsulat ng sariling tanaga at haiku.
G. Pagtataya
G- Ang ating gawain sa araw na ito ay makapagsulat ng sariling tanaga at haiku
na angkop sa kasalukuyang kalagayan gamit ang eupemistikong pahayag
at itatanghal ito.
R – Ang mga mag-aaral ay gaganap bilang manunulat.
A – Ang mga mag-aaral
S – Ang paaralan ay magdiriwang ng Buwan ng Wika at magkakaroon ng
patimpalak sa pagsulat at pagbigkas ng tanaga at haiku.
P – Ang mga naisulat na haiku o tanaga ang magsisilbing produkto ng gawaing
ito.
S – Tatayain ang bawat presentasyon sa pamamagitan ng mga rubriks ayon sa
paraan ng pagtatanghal

Pamantayan Puntos
Paggamit ng eupemistikong
pahayag 10
Elemento ng Haiku / Tanaga 10
Nilalaman
1. Gamit ng wika 5
2. Mensahe
Kabuoan 25

49
H. Kasunduan
1. Basahin ang “Alamat ng Sili” at “Alamat ng Buwitre”
https://www.facebook.com/pinoyhistory
Sanggunian :
Panitikang Pilipino,Filipino Modyul para sa Mag-aaral p. 93-94 at p. 97
Modyul 1 Kagamitang Mag-aaral p.166

V.TALA
VI. PAGNINILAY
I. Bilang ng mga mag-aaral
nanakakuha ng 80% sa
pagtataya.
J. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
Gawain para sa remediation.
K. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mga mag-
aaralnanakaunawasaaralin.
L. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation.
M. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong?
N. Anong suliranin ang aking
naranasan na nasolusyunan
sa tulong ng aking
punungguro at superbisor?
O. Anong kagamitang panturo
ang aking nadibuho na nais
kong ibahagi sa kapwa
koguro?

50
PAARALAN ANTAS 8
GURO ASIGNATURA Filipino

ARAW
AT MARKAHAN F8Q1W3D1
ORAS
BANGHAY
ARALIN

I.LAYUNIN
A.Pamantayang Naipamamalas ang mag-aaral ng pag-unawa sa mga
Pangnilalaman akdang pampanitikan sa Panahon ng mga Katutubo,
Espanyol at Hapon
B.Pamantayan sa Nabubuo ang isang makatotohanang proyektong
Pagganap panturismo.
Nailalahad ang sariling pananaw sa pagiging
C. Mga Kasanayan sa makatotohanan/ di-makatotohanan ng mga puntong
Pagkatuto binibigyang diin sa napakinggan.
(F8PN-Id-f-21)
II. PAKSA
• Paglalahad ng Sariling Pananaw sa Pagiging Makatotohanan/ Di-
Makatotohanan ng mga Puntong Binibigyang Diin sa Akda

III. MGA KAGAMITAN PANTURO


H. Sanggunian: TG _______; LM _______; TX_
Curriculum Guide, p. 153
“Alamat ng Sili” at “Alamat ng Buwitre”
https://www.facebook.com/pinoyhistory
“Alamat ng Printer” ni Vincent A. Buenconsejo
Trivia Tungkol sa Sili
https://pagsasaka.com/pagtatanim-ng-sili/

I. Iba pang kagamitang pampagtuturo:


Sipi ng mga Akda
Projector/Laptop/Manila paper/Pentel pen

IV. PAMAMARAAN
A. Panimula
Ngayong araw ay sisimulan natin ang pagtalakay sa alamat bilang
halimbawa ng kuwentong-bayang lumaganap noong unang panahon. Kung
kaya’t kayo ay inaasahang makapaglalahad ng sariling pananaw sa pagiging
makatotohanan o di-makatotohanan ng mga puntong binibigyang diin sa
napakinggan.
B. Pagganyak

Bago natin talakayin ang alamat, natatandaan mo pa ba ang mga alamat sa


inyong lugar? Magbigay ng halimbawa.

51
C. Paglalahad

Sinasabing ang Pilipinas ay mayaman sa mga alamat na nagpasalin-


salin sa bibig ng sinaunang tao na naging batayan ng kanilang kultura’t
paniniwala. Ang mga kaalaman natin sa alamat ay sinasabing nagmula sa
salindila ng matatanda. Dahil sa pagpapalipat-lipat nito ay nagkaroon ng mga
pagbabago. Ngunit, kailanman ay hindi nawala ang katangian nitong
maglahad ng pinagmulan ng tao, bagay, lugar o pangyayari.

MAKATOTOHANAN
*Pagpapakasal, pag-iibigan at paliligo sa ilog/batis

DI-MAKATOTOHANAN
*sa pagpapakasal ng isang diwata sa tao na kalahating sisne, at
paglipad (Alamat ni Prinsesa Manorah)
*pagkausap sa ermitanyo, ang pagkausap ni Pranbun sa dragon
D. Pagtalakay

Ibigay ang katangian at mga salitang may kaugnayan ng larawang


nasa pisara.

(Para sa trivia tungkol sa sili, tingnan ang link


https://pagsasaka.com/pagtatanim-ng-sili/)

 Ngayon, babasahin ko sa inyo ang Alamat ng Sili. Habang ang lahat ay


makikinig nang mabuti, itatala rin ninyo ang (a) tauhan, (b) tagpuan, at (c)
mahahalagang pangyayari.

(Para sa tekstong babasahin “Alamat ng Sili”, tingnan ang link


https://www.facebook.com/pinoyhistory.)

52
 Sagutin natin ang sumusunod na tanong.
1. Sino-sino ang mga tauhan sa alamat?
2. Paano sinimulan ang alamat?
3. Masasalamin ba ang kultura ng mga taga-Bicol sa Alamat ng Sili?
Patunayan ang sagot.
4. Gamit ang Story Map, ilahad ang mahahalagang pangyayari sa
alamat na tinalakay.

PANGYAYARI 1

PANGYAYARI 6 PANGYAYARI 2

“ALAMAT
NG SILI”

PANGYAYARI 5 PANGYAYARI 3

PANGYAYARI 4

Alin sa mga pangyayari ang makatotohanan? Ang di-


makatotohanan? Pangatuwiranan ang sagot.
E. Paglalahat
Ano ang pagkakaiba ng makatotohanan sa di-makatotohanang
pangyayari?

F. Paglalapat

Indibidwal na Gawain
Ilahad ang inyong sariling pananaw sa pagiging makatotohanan o di-
makatotohanan ng mga puntong binibigyang diin sa pakikinggang alamat.
(Habang nagbabasa ang guro ay itatala ng mga mag-aaral ang
makatotohanan at di- makatotohanang pangyayari sa akda.)

ALAMAT NG PRINTER
ni Emily A. Buenconsejo

Sa isang nayon sa Tabaco, namumuhay nang matiwasay ang mag-


asawang Thelma at Ronaldo. Biniyayaan sila ng isang masunuring anak na
nagngangalang Rita. Si Rita ay mahilig magpinta.
“Anak, mag-almusal ka na at marami ka pang gagawin,” ang sabi ni
Aling Thelma sa anak. Pagkagising ni Rita ay agad na naghilamos at saka
nag-almusal. Ginawa ang mga gawaing bahay na binilin ng ina. Hindi hilig
ni Rita ang gumala kaya’t pagkatapos ng gawain ibinuhos niya ang natitirang

53
oras sa pagguhit at pagsulat. Kung minsan ay nakakatulog siya dahil sa
pagod.
Pagkatapos maghapunan ay agad na gumuhit at nagsulat si Rita.
Kung minsan ay maraming pumupunta sa kanilang bahay para magpagawa
ng larawan at binabayaran siya ng mga ito. Ginagawa niya ito upang
matulungan ang kanyang ina sa paghahanapbuhay. Palagi niya hinihiling sa
Diyos na sana ay hindi siya mapagod para mas marami ang kanyang
maiguhit at maisulat. “Panginoon, sana ay hindi ako madaling mapagod
upang makatulong ako kay inay sa mga gastusin sa bahay,” ang dalangin ni
Rita bago matulog. Isang gabi habang siya ay natutulog biglang lumiwanag
ang buong kwarto ni Rita. Nawala siya at sumulpot ang tila parisukat na
bagay sa kanyang higaan.
“Rita, gumising ka na. Pagod na pagod ka yata kagabi,” ang sabi ng
ina ni Rita sa labas ng kanyang kwarto. Ngunit nagtaka ang ina nito dahil
walang sumasagot sa kanya. Laking gulat niya nang buksan ang kwarto at
nakita ang tila parisukat na bagay na nasa ibabaw ng higaan ang anak.
Labis ang naging pag-aalala ng ina kay Rita. Lumipas ang mga araw
ay hindi na muling nakita pa ang kanyang anak. Marahil ay si Rita ang bagay
na sumulpot sa kanyang higaan. Simula noon ang bagay na iyon ay tinawag
ng printer. Taglay nito ang katangian ni Rita.

Ito ang alamat ng printer at hanggang ngayon napakikinabangan pa


rin ito ng mga tao

ALAMAT NG PRINTER

MAKATOTOHANAN DI-MAKATOTOHANAN

54
G. Pagtataya
Pakinggan at suriin ang sumusunod na pangyayari. Ilagay sa
talahanayan sa ibaba kung ito ay makatotohanan o di-makatotohanan at ilahad
ang inyong sariling pananaw ukol dito.

(Para sa mga piling pangyayari sa “Alamat ng Buwitre”, tingnan ang link


https://www.facebook.com/pinoyhistory.)

MAKATOTOHANANG Sariling DI-MAKATOTOHANANG Sariling


PANGYAYARI Pananaw PANGYAYARI Pananaw

Pamantayan sa Paglalahad ng Sariling Pananaw

a. Nilalaman…………………………….4
b. Maayos na Pagkakalahad………….4
c. Kalinisan……………………………...2
Kabuoan 10 puntos

H.Kasunduan

1. Basahin at unawain ang Alamat ng Pinakamaliit na Isda sa Mundo.


2. Sagutin ang mga tanong.
a. Saan matatagpuan ang pinakamaliit na isda sa mundo?
b. Anong aral ang nakuha mo matapos mabasa ang alamat?
Sanggunian:
https://www.pinoyedition.com/mga-alamat/ang-alamat-ng-pinakamaliit-isda

V.TALA
VI. PAGNINILAY

A. Bilang ng mga
mag-aaral
nanakakuha ng
80% sa
pagtataya.

B. Bilang ng mag-
aaral na
nangangailanga
n ng iba pang
Gawain para sa
remediation.
C. Nakatulong ba
ang remedial?
Bilang ng mga

55
mag-
aaralnanakauna
wasaaralin.
D. Bilang ng mga
mag-aaral na
magpapatuloy
sa remediation.
E. Alin sa mga
istratehiyang
pagtuturo ang
nakatulong ng
lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin
ang aking
naranasan na
nasolusyunan sa
tulong ng aking
punungguro at
superbisor?
G. Anong
kagamitang
panturo ang
aking nadibuho
na nais kong
ibahagi sa
kapwa ko guro?

56
PAARALAN ANTAS 8
GURO ASIGNATURA Filipino

ARAW
AT MARKAHAN F8Q1W3D2
BANGHAY ORAS
ARALIN

IKATLONG LINGGO – IKALAWANG


ARAW
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ang mag-aaral ng pag-
Pangnilalaman unawa sa mga akdang pampanitikan sa
Panahon ng mga Katutubo, Espanyol at
Hapon

B. Pamantayan sa Nabubuo ang isang makatotohanang


Pagganap proyektong panturismo.
Nasusuri ang pagkakabuo ng alamat
C. Mga Kasanayan sa batay sa mga elemento nito.
Pagkatuto (F8PB-Id-f-23)

II. PAKSA

• Pagsusuri ng pagkakabuo ng alamat batay sa mga elemento nito.

III. MGA KAGAMITAN PANTURO


A. Sanggunian: TG _______; LM _______; TX_
Curriculum Guide p. 153
Modyul 8 p.49
Updated DHLM,
“Ang Pinakamaliit na Isda sa Buong Mundo”
“Alamat ng Bubuyog”
“Alamat ng Telebisyon” ni May Ann F. Villanueva
https://www.pinoyedition.com/mga-alamat/ang- alamat-
ng-pinakamaliit-isda/ Alamat ng Bubuyog

B. Iba pang kagamitang pampagtuturo:


Sipi ng mga akda
Mga larawan
Kagamitang biswal (talasalitaan)
Laptop, telebisyon

IV. PAMAMARAAN
A.Panimula at Balik-aral
Isa-isahin ang mga alamat na tinalakay natin kahapon.
Ngayon ay ikalawang araw natin sa pagtalakay ng alamat inaasahan na ang
bawat isa sa inyo ay masuri ang pagkakabuo ng babasahing alamat ayon sa
elemento nito.

57
B. Pagganyak
Pamilyar ba kayo sa larong Pinoy Henyo? Ito ang magiging mekaniks ng
laro.
• Huhulaan ninyo ang uri ng isda.
• 2 pares bawat grupo
• Tagal ng laro: 2 minuto
• Mamimili ang bawat pares kung sino ang huhula at sino ang
sasagot batay sa mga clue na ibibigay.
• Magtatanong ang host ( maaaring guro o mag-aaral) at sasagutin
ito ng mga kalahok, Dalawang pares bawat grupo ang
kalahok,
• Ang may pinakamaraming tamang sagot ang panalo.
(Tingnan natin ang mga isdang matatagpuan natin sa
sariling lugar dito sa Bikol)

Kwaw dilis taragbago

C. Paglalahad
Paglinang ng Talasalitaan
Bigyang-kahulugan muna natin ang mga salita/parirala mula sa
babasahing alamat. Piliin ninyo sa loob ng kahon ang kahulugan ng mga
salitang/pariralang may salungguhit.

• buong buhay
• nasilayan ang kumpol
• lumitaw
• hiningi at ibinigay
• walang tigil

a. Kung ano-anong pagkain ang hiniling at idinulot naman ng


hari.
b. Napangiti ang reyna nang makita ang bunton ng suhang
naninilaw ang balat.
c. Nang bumaha at lumindol ay walang salang nagbinhi ang mga
sapal ng suha.
d. Sumingaw ang napakaliit na isda.

58
e. Noon lamang sila nakakita ng isda sa tanang buhay nila.

D. Pagtalakay

* Sa pamamagitan ng dugtungang pagbabasa, alamin natin “Ang


Pinakamaliit na Isda sa buong mundo”.

* Matapos ninyong basahin ang alamat, sa tulong ng tatsulok, ilahad ang


mahahalagang pangyayari mula sa akdang binasa.

“Ang Pinakamaliit sa Isda sa Buong Mundo”


Gitna

Ang Pinaka-
maliit na
Isda sa
Buong
Mundo
Simula Wakas
*Nais kong sagutin ninyo ang mga tanong tungkol sa binasang alamat
a. Paano sinimulan ang alamat? Ibigay ang bahagi ng
kuwento na nagtataglay ng panimula.
b. Saan matatagpuan ang mataas na aksiyon at
kasukdulan? Tukuyin ang bahaging nagpapakita ng
mataas na aksiyon at kasukdulan.
c. Ano ang naging wakas ng kuwento? Ibigay ito.
d. Sa inyong palagay, angkop ba ang naging wakas ng
akda? Pangatuwiranan ang iyong sagot.
(Para sa tekstong babasahin “Alamat ng Pinakamaliit na Isda sa Buong Mundo,
tingnan ang link https://www.pinoyedition.com/mga-alamat/ang-alamat-ng-
pinakamaliit-isda/.)

E. Paglalahat

Paano makatutulong ang elemento ng alamat upang matiyak na


maayos ang daloy ng pangyayari sa babasahing alamat?

59
F. Paglalapat
Sa pamamagitan ng story grammar, tukuyin ang mga elemento ng isa pang
alamat na inyong babasahin.(Alamat ng Bubuyog)
Tagpuan
Tauhan

(Para sa tekstong babasahin “Alamat ng Bubuyog”, tingnan ang link


https://www.pinoyedition.com/mga-alamat/ang-alamat.)

G. Pagtataya
Hahatiin ko kayo sa tatlong pangkat. Susuriin ninyo ang alamat batay
sa elemento nito at gagamitin ang “Story Mountain Organizer”. Ang bawat
pangkat ay bibigyan ng ginupit na tatsulok at dito isusulat ang sagot. Ididikit
sa pisara upang mabuo ang Story Mountain Organizer.
Pangkat 1-Simula (Tauhan, Tagpuan,
Pangkat 2-Gitna (Diyalogo o usapan, Saglit na Kasiglahan,
Tunggalian, at Kasukdulan)
Pangkat 3-Wakas (Kakalasan at Wakas)
“Alamat ng Telebisyon.”

 Banghay
 Diyalogo o usapan
 Saglit na kasiglahan
 Tunggalian
 Kasukdulan

 Simula Ang Alamat  Wakas


 Mga Tauhan ng  kakalasan
 Tagpuan Telebisyon  wakas
-panahon

60
Pamantayan sa Pagmamarka
Naibigay ang hinihingi sa bawat pangkat—---------- 7
• Panimula- Tauhan at tagpuan
• Gitna-(Diyalogo o usapan, Saglit na Kasiglahan,
Tunggalian, at Kasukdulan)
• Wakas (Kakalasan at Wakas)
Malinaw ba ang pagkakalahad------------------------- 3
Kabuoan---------------------------------10 puntos

ANG ALAMAT NG TELEBISYON


Ni: May Ann F. Villanueva

Sa isang malayong lugar ay nakatira ang magkapatid na Eli at Isyon. Sila ay


makulit, madaldal, at masayahin, ngunit pagdating sa klase ay palagi silang nahuhuli.
Naghihintay pa silang gisingin ng kanilang nanay na si Aling Rosing Tamad sila
pagdating sa mga gawaing bahay at palaging ”gadgets” ang hawak.
Masaya ang pamilya nina Eli at Isyon ngunit nabago ito nang mamatay ang
kanilang ama na si Mang Freddie. Tumawid ito sa riles ng tren at hindi niya namalayan
na papalapit na ang tren. Nasagasaan ang kaawa-awang si Mang Freddie at
nagkalasog-lasog ang katawan.
Simula noon ay naging malungkutin na si Aling Rosing. Palagi siyang tulala at
umiiyak at hindi na rin kumakain. Hanggang sa siya’y magkasakit .
Naaawa ang magkapatid kay Aling Rosing dahil halos hindi na ito makatayo sa
sobrang kapayatan. Tumigil ang magkapatid sa pag-aaral at itinuon na lamang ang
kanilang panahon sa pagbabantay at pag-aalaga sa kanilang ina.
Para mapasaya si Aling Rosing ay umaarte ang dalawang dalaga sa harap
niya. Gumawa sila ng mga nakakaaliw na bagay at laking tuwa nila nang makita nilang
muli ang magandang ngiti ng kanilang magandang ina. Ipinagpatuloy ng magkapatid
ang pang-aaliw at halos hindi na makita ang mga mata ni Aling Rosa sa labis na
kasiyahan.
Naisipan ng magkapatid na magtinda ng “street foods” para madagdagan ang
kanilang ipong pambili ng gamot ni Aling Rosa. Nakatulong naman ang naisip nilang
ideya at napagamot si Aling Rosa. Ang hindi alam ni Aling Rosa ay may iniinda na rin
palang sakit ang magkapatid. Hindi alam ng magkapatid kung saan nila nakuha ang
ganoong klase ng sakit. Hindi nagtagal ay nalaman din ito ni Aling Rosa at agad niyang
pinatingin sa doktor ang kaniyang mga anak. Ngunit ang sabi ng doktor ay walang
gamot ang makakapagpagaling sa sakit nina Eli at Isyon at naging malubha ito.
Nang hatinggabi na ay naghanap nang kung ano-anong gamot si Aling Rosa
sa isang gubat malapit sa kanilang tinitirhan. Habang abala si Aling Rosa sa
paghahanap ay pumunta ang magkapatid sa kanilang sala. “Ate, hindi ko na kaya.”,
naghihinang sabi ni Eli. “Eli, ‘wag ka munang susuko. Aarte pa tayo sa harap ni nanay
para mapasaya siya di ba?”, naghihingalong sabi ni Isyon. Habang tumatagal ay mas
lalong sumisikip ang dibdib ng magkapatid at halos hindi na makahinga. Maya-maya
pa’y tuluyan na ngang nalagutan ng hininga ang magkapatid.
Kinabukasan ay dumating na si Aling Rosing dala ang mga gamot para kina Eli
at Isyon, ngunit pagtingin niya sa kuwarto ay wala doon ang magkapatid. Bumalik siya
sa sala at nagbabakasakaling naroon lang ang magkapatid. Hindi niya nakita ang

61
kanyang mga anak at bagkus isang malaking bagay ang naroon. Binuksan niya at
nakita ang mga taong umaarte sa loob nito. Bumuhos ang luha ni Aling Rosa dahil
ganoon na ganoon din ang ginagawa ng kaniyang mga anak noong panahong halos
sumuko na siya. Ang mga bagay ring iyon ang sumisimbolo sa kaniyang mga anak
dahil kung hindi mo ito bubuksan ay hindi ito kusang bubukas.
Dahil sa hindi alam ni Aling Rosing ang tawag sa bagay na iyon ay tinawag na
lamang niya itong elisyon na pinaghalong pangalan ng kanyang mga anak. Sa tuwing
nalulungkot siya ay binubuksan niya ito upang kahit papaano ay mapawi ang lungkot
na kaniyang nadarama.
Naging tanyag ang elisyon dahil sa kakayahan nitong magpasaya ng tao. Hindi
nagtagal ay tinawag itong telebisyon ng nakararami.

H. Kasunduan
A. Basahin ang “Alamat ng Radyo” ni Asuncion B. Bola
B. Maghanda sa panonood ng halimbawa ng alamat.
1. Alamat ng Bulkang mayon
2. Alamat ng Radyo

Sanggunian:
https://www.pinoyedition.com

V.TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mga mag-aaral
nanakakuha ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
Gawain para sa remediation.
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mga mag-
aaralnanakaunawasaaralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation.
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na nasolusyunan sa
tulong ng aking punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho na nais kong
ibahagi sa kapwa koguro?

62
PAARALAN ANTAS 8
GURO ASIGNATURA Filipino

ARAW
AT MARKAHAN F8Q1W2D3
ORAS
BANGHAY
ARALIN

I.LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ang mag-aaral ng pag-unawa sa
Pangnilalaman mga akdang pampanitikan sa Panahon ng mga
Katutubo, Espanyol at Hapon
B. Pamantayan sa Nabubuo ang isang makatotohanang proyektong
Pagganap panturismo.
1.Nasusuri ang pagkakatulad at pagkakaiba ng
napanood ng mga alamat sa binasang alamat

C. Mga Kasanayan sa (F8PD-Id-f-20)


Pagkatuto 2.Naibibigay ang kahulugan ng matatalinghagang
pahayag sa alamat (F8PT-Id-f20)

II. MGA PAKSA


Pagsusuri ng pagkakatulad at pagkakaiba ng napanood na alamat sa
binasang alamat
Pagbibigay ng kahulugan ng matatalinghagang pahayag sa alamat
III. MGA KAGAMITAN PANTURO
A. Sanggunian: TG _______; LM _______; TX_
Curriculum Guide p. 153
https://www.pinoyedition.com/mga-alamat/ang-alamat
“Alamat ng Bulkang Mayon” isang pagsasadula
ni: Emily A. Buenconsejo
“Alamat ng Radyo” ni Asuncion B. Bola

B. Iba pang kagamitang pampagtuturo:


Mga sipi ng alamat
Mga larawan
Kagamitang biswal (matatalinghagang pahayag
Laptop, Telebisyon

IV. PAMAMARAAN
A. Panimula
Layunin ng ating aralin sa araw na ito na masuri ninyo ang pagkakatulad at
pagkakaiba ng napanood at binasang alamat.

63
B. Pagganyak
Alin sa mga alamat na tinalakay ang nakatulong upang maragdagan ang
inyong kaalaman? Pumukaw sa inyong damdamin at higit sa lahat nagpabago sa
inyong asal?
C. Paglalahad
Gawain: Sagot mo, Itext mo! (Gawin ito sa mga mag-aaral na
may cp)
Mekaniks:
• Ang bawat pangkat ay bibigyan ng binilot na papel na
may nakasulat na naglalaman ng matatalinghagang
pahayag.
• Paunahan ng pagsagot sa pamamagitan ng pagtext sa
guro ng tamang sagot. (Cp no. 0909………)
• Ang unang makatext ng tamang sagot ay may
kaukulang premyo.
• Handa na ba kayo?
1. Sila ay magkabungguang balikat simula pa sa kanilang
kamusmusan.
2. Ang matanda ay mahirap pa sa daga kung iyong
pagmamasdan dahil sa marumi at gula-gulanit niyang damit.
3. Di ito nakaligtas sa paningin ng matanda ngunit siya ay
nagtaingang kawali lamang upang maayos ang dala niyang
gamit.
4. Kinabukasan, di mahulugang karayom na sa tapat ng
saradong junkshop ng magkaibigan
D. Pagtalakay
May alam ka ba? Alam ba ninyo…..
Trivia:
 Ano ang unang istasyon ng radio dito sa ating
bansa?
 Kailan nagkaroon ng estasyon ng radyo dito sa
ating bansa? Sino ang may-ari?
 Anong istasyon ng radyo na hanggang sa
ngayon ay aktibo pa?
(Tingnan ang mga sagot sa link.)
https://www.sbs.com.au

Narito ang Alamat ng Radyo na inyong babasahin , matapos ninyo itong basahin
inyong panonoorin naman ito upang inyong masuri ang pagkakaiba at pagkakatulad
nito.
 Ibigay ang mga tauhan at ginampanan nilang papel.

64
ANG ALAMAT NG RADYO
Ni Asuncion B. Bola
Sa isang bayan, may naninirahang magkaibigan sina Kadyo at Randy. Sila ay
magkabungguang balikat simula pa sa kanilang kamusmusan hanggang sa sila ay
nagbinata at naulila. Ang magkaibigan ay kilala sa pagiging mahusay na tagagawa
ng mga sirang kagamitan kaya’t bukambibig sila ng mga tao kapag may problema
sila sa kanilang mga gamit. Ngunit kinaiinisan din sila sa kanilang pagiging
madaldal.
Isang araw, habang nag-aayos ng mga sirang kagamitan sina Kadyo at Randy
ay may dumating na isang matanda na may dalang kagamitang ipapaayos. Ang
matanda ay mahirap pa sa daga kung iyong pagmamasdan dahil sa marumi at gula-
gulanit niyang damit. Ang anyo niya ay tawag pansin sa lahat maging kina Kadyo at
Randy. Pagpasok pa lamang ng matanda ay nagbulungan na ang magkaibigan. Di
ito nakaligtas sa paningin ng matanda ngunit siya ay nagtaingang kawali lamang
upang maayos ang dala niyang gamit. Pagtalikod niya, di pa nakontento ang
magkaibigan ay nagbulungan at nagtawanan pa. Di ito nakalampas sa matalas na
pakiramdam ng matanda. Humarap uli ang matanda sa magkaibigan sabay wika na
“mula ngayon kayo ay maglalaho upang di na makapaminsala at mapakinabangan
ang inyong kadaldalan. Sa isang iglap naglaho ang matanda.
Kinabukasan, di mahulugang karayom na sa tapat ng saradong junkshop ng
magkaibigan. Nagtaka ang lahat at inusyuso ang paligid ng junkshop. Sa kanilang
paghahanap nakarinig sila ng nag-uusap mula sa mga sirang kagamitang
nakatambak. Ang boses ay nagmumula sa isang bagay na hugis kuwadrado. Nang
ito ay suriin at bali-baliktarin napansin nila ang mga pihitan. Isa sa pihitan ay
nagpatigil sa kanilang naririnig. At nang muli nilang pakialaman ang pihitan, narinig
muli nila ang nag-uusap. Dahil sa hindi na nila makita sina Randy at Kadyo, ang
gamit na natagpuan ay tinawag nilang RANDY-KADYO hanggang sa kinalaunan ito
ay tinawag ng RADYO. Kung hindi ito papatayin patuloy itong magsasalita at
maghahatid ng balita.

Kompletuhin ang” Story Diagram” sa ibaba upang mailagay ang buod ng binasa at
napanood na alamat.
Alamat na Nabasa Alamat na Napanood

Unang Ikalawang Unang Ikalawang


pangyayari pangyayari pangyayari pangyayari
Alamat ng Radyo

Alamat ng Radyo

Ikatlong Ikaapat na Ikatlong Ikaapat na


pangyayari pangyayari pangyayari pangyayari

65
Natutuhang
Aral Mula sa
Akda

• Ano ang napuna ninyo sa naging daloy ng kuwento sa


nabasa at napanood na alamat?

(Tingnan ang kalakip na video ng alamat.)


E. Paglalahat
1. Alin sa mga elemento ang madali ninyong masuri? Ang napanood ba o
ang binasa? Bakit

F. Paglalapat
Suriin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng binasang alamat
sa napanood na alamat gamit ang Venn Diagram.
Pangkat 1.
• Ang Alamat ng Bulkang Mayon”.

Pagkakaiba
Pagkakaiba
• Panimula
• Panimula • Gitna
• Gitna • Wakas
• Wakas

Pagkakatulad

(Para sa tekstong babasahin, tingnan ang link Pinoy Edition © 2019 - All rights
reserved, https://www.pinoyedition.com/mga-alamat/alamat-ng-bulkang-mayon-
1st-version/.)
(Tingnan ang kalakip na video ng “Alamat ng Bulkang Mayon.”)

G. Pagtataya

Akda Panimula Gitna Wakas


Pagkaka- Pagkakaiba Pagkaka- Pagkakaiba Pagkaka- Pagkakaiba
tulad tulad tulad
Bulkang
Mayon
(Napanood)
Bulkang
Mayon
(Nabasa)

66
Susundin ang sumusunod na pamantayan.
1. Nailalahad ng maayos ang pagsusuri ………………………4
2. Natukoy ang pagkakaiba at pagkakatulad ng binasa
at napanood na alamat………………………………………4
3. Malinaw na nailahad sa klase ang gawain……………….. 2
Kabuoan…………………………………………..10 puntos
H.Kasunduan
Basahin at unawain ang sumusunod na alamat:
1. “Alamat ng Butanding”.
Sanggunian:
http://www.pinoyedition.com/mga-alamat/ang-alamat-ng-butanding
2. “Alamat ng Petsay” ni Anjienette L. Jesalva
V.TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mga mag-
aaral nanakakuha ng
80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral
na nangangailangan
ng iba pang Gawain
para sa remediation.
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng
mga mag-
aaralnanakaunawasa
aralin.
D. Bilang ng mga mag-
aaral na
magpapatuloy sa
remediation.
E. Alin sa mga
istratehiyang
pagtuturo ang
nakatulong ng
lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang
aking naranasan na
nasolusyunan sa
tulong ng aking
punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuho na nais
kong ibahagi sa
kapwa ko guro?

67
PAARALAN ANTAS 8
GURO ASIGNATURA Filipino

ARAW
AT MARKAHAN F8Q1W3D4
ORAS
BANGHAY
ARALIN

IKATLONG LINGGO – IKAAPAT NA ARAW


I.LAYUNIN
A.Pamantayang Naipamamalas ang mag-aaral ng pag-unawa sa mga
Pangnilalaman akdang pampanitikan sa Panahon ng mga Katutubo,
Espanyol at Hapon
B.Pamantayan sa Nabubuo ang isang makatotohanang proyektong
Pagganap panturismo.
Nabubuo ang angkop na pagpapasiya sa isang
sitwasyon gamit ang:
C. Mga Kasanayan sa
-pamantayang pansarili
Pagkatuto
-pamantayang itinakda
(F8PS-Id-f-21)
II. PAKSA
* Pagbuo ng Angkop na Pagpapasiya sa Isang Sitwasyon Gamit ang:
-pamantayang pansarili
-pamantayang itinakda
III. MGA KAGAMITAN
A. Sanggunian: TG _______; LM _______; TX_
Curriculum Guide, p. 153
“Alamat ng Butanding”
https://www.pinoyedition.com/mga-alamat/ang-alamat-
ng-butanding
Trivia Tungkol sa Butanding
https://www.nathab.com/blog/celebrate-international-
whale-shark-day-with-7-fun-facts-about-whale-sharks/
“Alamat ng Petsay” ni Anjienette L. Jesalva

B. Iba pang kagamitang pampagtuturo:


manila paper at pentel pen/ laptop at projector, larawan

IV. PAMAMARAAN
A. Panimula
Inaasahang kayo ay makabubuo ng angkop na pagpapasiya sa isang
sitwasyon gamit ang pamantayang pansarili at pamantayang itinakda.

B. Pagganyak
(Para sa trivia sa butanding, tingnan ang link
https://www.nathab.com/blog/celebrate-international-whale-shark-day-with-
7-fun-facts-about-whale-sharks/.)

68
C. Paglalahad
Tingnan natin, kung paano kayo magpapasiya hinggil sa sitwasyong ito?

Kung ikaw si Pagtuga, kaya mo bang gawin ang lahat para sa


iniibig mo? Magbigay ng patunay.
-Alamat ng Bulkang Mayon

D. Pagtalakay

Nakakita na ba kayo ng butanding? Ano-ano ang katangian nito?


Magbigay kayo ng mga salita at isulat sa loob ng kahon.

BUTANDING

Habang binabasa, pakinggan ninyo nang may pag-unawa ang akda.


Ito’y gagawin natin sa pamamagitan ng dugtungang pagbabasa.

(Para sa tekstong babasahin, tingnan ang link


https://www.pinoyedition.com/mga-alamat/ang-alamat-ng-butanding.)
Sagutin ang mga tanong batay sa binasang alamat.
1. Sino ang pangunahing tauhan sa alamat?

2. Paano ipinagtanggol ni Tanding ang kababayan laban sa


mababangis na aso?

3. Isa sa ating batayang karapatan ang kilalanin at tratuhin bilang tao


(Karapatang Pantao, FLAG & PCIJ). Si Tanding ay kinatakutan ng
mga tao at walang nagtangkang makipagkaibigan sa kanya. Kung
ikaw ay isa sa mga taong nakatira sa bayan ni Tanding, matatakot ka
rin ba sa kanya? Patunayan ang iyong sagot.

4. Ang mga personal na ari-arian ng ibang tao ay kailangan nating


igalang at wala tayong karapatan na sirain ito. Sa mga hurisdiksiyon
ng karaniwang batas, ang pamiminsalang sinadya ay isang

69
pagkakamaling sibil. Maaaring makulong o magmulta ang gagawa
nito (Karapatang Pantao, FLAG & PCIJ). Si Tanding ay pinuntahan ng
mga tao at walang awang pinagbabato ang kanyang bahay. Kung
ikaw ay isa sa mga nakatira sa nayon, sasama ka ba sa kanila at
babatuhin mo rin ba ang bahay ni Tanding? Pangatuwiranan ang
iyong sagot.

E. Paglalahat
Paano ka makabubuo ng angkop na pagpapasiya gamit ang ang
pamantayang pansarili at pamantayang itinakda?

F. Paglalapat

Pangkatang Gawain

Bumuo ng angkop na pagpapasiya gamit ang pamantayang pansarili


at pamantayang itinakda

Ayon sa Republic Act 10627 o ang Anti-Bullying Act of 2013, ang


lahat ng paaralan sa elementarya at sekondarya ay kinakailangang gumawa
ng polisiya laban sa bullying sa kani-kanilang institusyon. Ang kopya ng mga
polisiya ay kailangang ibigay sa mga mag-aaral at magulang nila. Inaatasan
rin ng RA 10627 ang mga paaralan na magpataw ng parusa sa mga
mahuhuling nambu-bully. Kailangan din silang sumailalim sa rehabilitation
program na pangangasiwaan ng paaralan.
Bagong lipat na estudyante si Carol sa Tabaco National High School
mula sa isang paaralan sa isla. Dahil bagong estudyante, palagi siyang
tinutukso at pinag-iinitan ng kanyang mga kamag aral. Sinasaktan siyang
pisikal at pinariringgan ng hindi magagandang salita. Kung ikaw ay isa sa
mga kaklase ni Carol, ano ang iyong gagawin sa mga nanunukso sa kanya?

Taong 2012 nang maisabatas ang Republic Act 10175 o Cybercrime


Prevention Act kung saan nakapaloob ang cyber libel. Pinaparusahan nito
ang paglathala ng mapanirang pahayag o akusasyon gamit ang kompyuter
at iba pang kahalintulad na device gaya ng cellphone. Ibig sabihin pati mga
post sa social media at mga blog ay puwedeng makasuhan.
Si Kris ay may kaaway sa Facebook. Madalas siyang pinatatamaan
ni Grace na pati ang kanyang personal na pagkatao ay nababanggit sa social
media. Minumura at nilalait siya nito gamit ang kanyang mga post. Malinaw
na ito ay paninirang puri gamit ang internet. Kung ikaw ay kaklase nina Kris
at Grace, ano ang ibibigay mong payo sa kanila?

70
Malinaw na nakasaad sa mga kasulatan sa Bibliya na ang
pakikipagtalik ay nilayon ng Diyos para lang sa lalaki at babae---na mag-
asawa (Genesis 1:27, 28; Levitico 18:22; Kawikaan 5:18,19). Ang
pakikipagtalik bago ang kasal ay isang kasalanan na kahalintulad ng
pakikiapid at iba pang uri ng sekswal na imoralidad.

Sa di-inaasahang pangyayari ay nabuntis ng kanyang kasintahan si


Fina. Labing-apat na taong gulang pa lamang siya. Ang bilin ng kanyang ina
na isang labandera ay kailangan niyang magsikap upang makapagtapos
siya ng pag-aaral at matulungan ang kanyang nakababatang mga kapatid
pagdating ng panahon. Natatakot siyang ipaalam sa kanyang ina ang
kanyang kalagayan. Kung ikaw si Fina, ano ang gagawin mo, sasabihin mo
ba ang katotohanan sa iyong ina o ipalalaglag ang batang iyong dinadala sa
sinapupunan?

G. Pagtataya

Basahin at unawain ang Alamat ng Petsay.

ALAMAT NG PETSAY
ni Anjienette L. Jesalva

Sa isang malayong bayan sa Albay, may mag-asawang Kastila na


tahimik na namumuhay. Hindi sila biniyayaan ng anak kaya't ibinuhos nila
ang lahat sa pagtulong sa kanilang kanayon. Sa oras ng kagipitan, sa
kanila lumalapit ang nangangailangan upang humingi ng tulong. Anomang
oras ay agad namang tinutulungan ng mag-asawa ang mga ito.
"Mang Petrino, maaari po bang makahiram ako ng isang kilong
bigas sa inyo?. Wala na kasing makain ang pamilya ko. Gutom na gutom
na po ang mga anak ko," ang sabi ng isang ale habang pinupunasan ang
kanyang mga luha.
"Sige, tuloy ka. Huwag kang mag-alala, tutulungan kita. Sandali
lang at kukuha ako ng bigas sa kusina," ang tugon ni Mang Petrino sa ale.
Kumuha ng lalagyan para sa bigas. "Para kanino ang bigas na iyan,
Petrino?" ang tanong ni Aling Chayda sa asawa.

71
"Yong isang kanayon natin ay umiiyak. Wala raw na pambili ng bigas,"
ang sagot naman niya sa asawa.
“Kawawa naman ang mga anak niya," ang sabi ni Aling Chayda.
"Heto na ang bigas. Dalawang kilo iyan. Huwag n’yo nang
bayaran," ang sabi niya.
"Maraming salamat po sa inyo. Kay bubuti ninyo. Hinding-hindi ko
po ito malilimutan," ang tinura ng ale kay Mang Petrino.
Patuloy ang mag-asawa sa pagtulong sa mga kanayon. Hanggang
sa isang gabi, “Aling Chayda, Mang Petrino! Tulungan niyo po ako.
Naaksidente po ang aking asawa, “ sigaw ng lalaki sa labas ng kanilang
bahay.

“Bakit? Anong nangyari,? ang tanong ni Mang Petrino sa lalaki.

“Kailangan ko po ng malaking halaga ng pera para maoperahan


ang aking asawa. Pwede bang makahiram ako ng pera sa inyo,” ang sabi
ng lalaki sa kanya.

“Ngunit, wala kaming maipahihiram sa iyong malaking halaga.


Heto, tatlong libong piso,” ang sabi ni Aling Chayda sabay abot ng pera sa
lalaki. “Ngunit kulang ito hindi maooperahan ang aking asawa hangga’t
wala kaming pambayad,” ang tugon ng lalaki. “Wala na kaming perang
maipahihiram pa sa iyo. Iyan lang ang kaya namin,” dugtong ni Aling
Chayda.

“Akala ko ba ay handa kayong tumulong anomang oras sa amin.


Ngayon ay ipinagdadamot ninyo ang pera ninyo sa akin. Hindi ba
mayaman kayo,” ang galit na sabi ng lalaki. “Naibigay na namin ang perang
iyan sa iyo. Wala na kami maipahihiram pa. Makaaalis ka na,” ang sabi ni
Mang Petrino sa lalaki. “Mga wala kayong puso. Babalikan ko kayo,” ang
sigaw ng lalaki saka umalis sa bahay ng mag-asawa.

Makalipas ang ilang oras ay bumalik ang lalaki sa bahay ng mag-


asawa. Mahimbing nang natutulog ang mag-asawa nang pasukin ng lalaki
ang bahay. Dahan-dahan nitong tinungo ang kwarto kung saan ito
natutulog at inundayan ng saksak ang mag-asawa hanggang sa binawian
ng buhay. Hindi pa nakuntento ang lalaki at pinutol niya ang mga kamay
ng mag-asawa. “Walang silbi ang mga kamay na ito.,” ang sigaw ng lalaki.
Tuluyang pinutol ng lalakiang mga kamay ng mag-asawa at itinapon niya
sa bintana.

Nalaman ng mga kanayon ang ginawa ng lalaki sa mag-asawa.


Nakulong ito sa kanyang ginawang pagpatay. Labis-labis ang galit na
naramdaman ng mga tao sa lalaki. Hindi nila alam kung bakit nito pinatay
ang dalawa sa kabila ng lahat ng pagtulong nito sa mga kanayon.

72
Hindi nila malilimutan ang ginawang kabutihan ng mag-asawa. Madalas
nilang naaalaala ang pagtulong nito sa kanila. Labis ang naging sakripisyo ng
mag-asawa upang matulungan ang mga nangangailangan kaya hindi nila lubos
maisip ang nagawa ng lalaki sa kanila.

Makalipas ang ilang araw, may tumubong halaman sa pinagtapunan ng


lalaki sa mga kamay ng mag-asawang Kastila. Isa itong halaman na ang hugis
ay tila kamay. Kulay-berde ang mga dahon nito at kulay-puti sa ibabang bahagi
ng halaman na sumisimbolo sa mga kamay ng mag-asawa at sa busilak nilang
puso. Nakita ng mga tao ang halaman na ito hanggang sa nalaman nila na
pwede itong kainin at kabilang sa mga gulay. Tinawag nila ang gulay na ito na
petsay bilang pag-alala kina Mang Petrino at Aling Bechayda. Napakinabangan
ng mga tao ang gulay na ito at nakatulong sa kanilang pang-araw-araw na
buhay. Isa pa ring patunay na labis-labis ang pagtulong ng mag-asawa sa mga
kanayon kahit sila ay pumanaw na.

Bumuo ng angkop na pagpapasiya gamit ang pamantayang pansarili at


pamantayang itinakda batay sa binasang alamat.

1. Lahat ng tao ay may karapatan na maging malaya at walang pangamba


sa kanyang personal na seguridad. Maaari kang pagkaitan ng kalayaan ayon
lamang sa mga batayan at proseso na nakatala sa Konstitusiyon at batas
(Karapatang Pantao, FLAG & PCIJ). Pinagbantaan ng lalaki sina Aling
Chayda at Mang Petrino dahil hindi niya ito lubos na matulungan. Kung ikaw
ang lalaking humihingi ng tulong sa mag-asawa, gagawin mo rin ba ang
kanyang ginawang pagbabanta? Ipaliwanang ang iyong sagot.

2. Kabilang sa sampung utos ng Diyos ang “Huwag kang papatay.” Ang


sinomang pumatay ay mapapasapanganib sa paghatol (Exodo 20: 1-17).
Gagawin mo rin ba ang ginawang pagpatay ng lalaki kina Aling Chayda at
Mang Petrino? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Pamatayan sa Pagbuo ng Angkop na Pagpapasiya

a. Nilalaman…………………………….4
b. Angkop na Pagpapasiya..………….4
d. Kaayusan…………………………….2
Kabuoan 10 puntos

H. Kasunduan
1. Basahin at unawain ang Alamat ng Unang Isla” ni Anjienette L. Jesalva.

V.TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mga
mag-aaral
73
nanakakuha ng
80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mag-
aaral na
nangangailangan
ng iba pang
Gawain para sa
remediation.
C. Nakatulong ba
ang remedial?
Bilang ng mga
mag-
aaralnanakaunaw
asaaralin.
D. Bilang ng mga
mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation.
E. Alin sa mga
istratehiyang
pagtuturo ang
nakatulong ng
lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin
ang aking
naranasan na
nasolusyunan sa
tulong ng aking
punungguro at
superbisor?
G. Anong
kagamitang
panturo ang aking
nadibuho na nais
kong ibahagi sa
kapwa ko guro?

74
PAARALAN ANTAS 8
GURO ASIGNATURA Filipino

ARAW
AT MARKAHAN F8Q1W3D5
ORAS
BANGHAY
ARALIN

I.LAYUNIN
A.Pamantayang Naipamamalas ang mag-aaral ng pag-unawa sa mga
Pangnilalaman akdang pampanitikan sa Panahon ng mga Katutubo,
Espanyol at Hapon
B.Pamantayan sa Nabubuo ang isang makatotohanang proyektong
Pagganap panturismo.
Nagagamit nang wasto ang mga kaalaman sa pang-
abay na pamanahon at panlunan sa pagsulat ng sariling
C. Mga Kasanayan sa
alamat.
Pagkatuto
(F8WG-Id-f-21)

II. PAKSA
Paggamit nang Wasto sa mga Kaalaman sa Pang-abay na Pamanahon at
Panlunan sa Pagsulat ng Sariling Alamat

III. MGA KAGAMITAN

A. Sanggunian: TG _______; LM _______; TX_


Curriculum Guide, p. 153
“Alamat ng Unang Isla” ni Anjienette L. Jesalva

B. Iba Pang Kagamitang Pampagtuturo


manila paper at pentel pen/ laptop at projector

IV. PAMAMARAAN
A. Panimula

Sa araw na ito, susulat na kayo ng sariling alamat na ginagamitan ng pang-


abay na pamanahon at panlunan.

B. Pagganyak
Sino ba sa inyo ang nakapunta na sa isang isla? Ilarawan ito.

C. Paglalahad
Basahin natin ang “Alamat ng Unang Isla” at kikilalanin ninyo ang
mga salitang nakasalungguhit.

75
ALAMAT NG UNANG ISLA
ni: Anjienette L. Jesalva

Sa isang malayong bayan sa Bicol, tahimik na namumuhay


ang mag-inang Sali at Iska. Matagal nang namayapa ang haligi ng
tahanan na siya sanang katuwang ni Aling Sali sa pagtataguyod ng
kaisa-isang anak. Mula Lunes hanggang Biyernes ay naglalaba siya
sa kanyang amo upang may panggastos sa pag-aaral ng anak.
Tuwing Sabado at Linggo, nagtitinda siya ng mga gulay sa palengke.
Mag-isa niyang binubuhay ang anak. Ang sampung taong gulang na
anak ay nag-aaral sa Mababang Paaralan ng Santo Cristo. Siya ay
naiiba sa mga normal na bata na marahil ay isa sa mga dahilan kung
bakit mas nanaisin pa nitong tulungan ang ina sa pagtatrabaho.
Ipinanganak si Iskang kuba kaya madalas siyang tinutukso sa
paaralan. Lihim niyang dinaramdam araw-araw ang pangungutyang
pinagbubukalan ng patago niyang luha.
“Iskang, kuba! Iskang, kuba! Huwag kayong lalapit kay Iska
baka tubuan din kayo ng malaking umbok sa likod,” ang malakas na
sigaw ng batang lalaki habang naglalakad si Iska patungo sa loob ng
silid-aralan.

“Inay, hindi po ba kayo nahihirapan sa pagtitinda?” tanong ni Iska sa


ina.
“Bakit mo na man iyan naitanong, anak?” tugon ni Aling Sali sa
anak.
“Wala po, nais ko na po sanang tumigil sa pag-aaral para
tulungan ko na lang kayo kina Mrs. Sanchez sa paglalabada,” ang
sabi ni Iska. “Anak, huwag mo akong alalahanin. Kayang-kaya ko
namang magtrabaho. Umpisa ngayon ay hindi mo na iyan iisipin,” ang
paliwanag ni Aling Sali sa anak.

Isang araw, sumama si Iska sa mga bata sa dagat. Niyaya siya


mamingwit ng mga isda. “Sige. Pero baka hanapin ako ni nanay at
pagagalitan niya ako kapag nalaman niyang sumama ako sa inyo,” ang
sagot ni Iska kay Jenny.
“Madali lang naman tayo. Hanggang alas singko ng hapon
lang tayo roon. Huwag kang mag-alala, makatutulong ka pa nga sa
kanya. Pag-uwi mo ay may dala kang isda na puwedeng pang-ulam,”
ang masayang sabi ng kanyang kaibigan.

Matagal nang bilin ng ina sa anak na huwag sasama kanino


man at saan man. Kung minsan, nagiging suwail si Iska sa ina ngunit
nais niyang tulungan ito. Gagawin ni Iska ang lahat para matulungan
ang ina kahit alam niyang magagalit ito.

76
Habang namamangka at namimingwit ng isda ang magkakaibigan
biglang nagbago ang panahon. Dumilim ang kalangitan at
naglalakihang alon ang humambalos sa maliit na bangkang
sinasakyan ng magkakaibigan. Hindi naglaon, nakarinig sila ng
malakas na tunog sa langit na tila galit na galit. “Sabi ko sa inyo ay
dapat palagi ninyong susundin ang utos at bilin ng inyong mga
magulang. Tama man ang inyong layunin subalit nilabag ninyo ang
kanilang kalooban. Dahil dito pagbabayaran ninyo ang inyong ginawa,”
ito ang mga tinig na kanilang narinig na tila nagmumula sa ilalim ng
karagatan. Tumaob ang bangka nina Iska, saka ito unti-unting
lumubog. Sumigaw nang sumigaw ang magkakaibigan ngunit huli na
ang lahat.

Gabi na, hindi pa rin umuuwi si Iska. Ang ina ay nababahalang


lumabas ng bahay at nagtanong-tanong sa mga kapitbahay kung
nakita ang anak. May nakapagsabi na nakita ito kanina sa
dalampasigan kasama ang kaibigan sa dalampasigan, nalaman niya
na tumaob ang bangkang sinakyan nina Iska. Tumulong ang mga tao
sa paghahanap kina Iska. Laking gulat nila nang makitang nakaligtas
ang kaibigang sina Jenny subalit si Iska ay hindi matagpuan.

Nagpalit ang mga araw at gabi. Nawalan na ng pag-asa pa ang


ina na matagpuan pa ang anak. Gayunpaman, umaasa pa rin siya na
balang araw ay darating si Iska. Araw-araw, gabi-gabi siyang
naghihintay.

Patuloy na lumipas ang panahon, may nakita ang mga tao na


lumutang sa dagat. Isa itong napakalaking umbok na bato na
lumulutang na tila nababalutan ng mga damo. Ayon sa mga sabi-sabi
marahil ay si Iska ang lumutang na iyon na tila ba ang likod nito ang
nagpakita. Buhat noon tinawag na Iska ang tila napakalaking bato na
lumutang kinalaunan ay tinawag na Isla.

Ito ang alamat ng unang isla. Ayon sa mga tao, ang paglutang
na iyon ng isla ay isang palatandaan ng pagmamahal ni Iska sa ina
na muli siyang makita at masilayan.

D. Pagtalakay

Sa Piliin ang mga Pang-abay na pamanahon at panlunan mula sa


binasang akda? Isulat sa pisara.. Sagutin ang sumusunod na tanong.
1. Sino-sino ang mga tauhan sa alamat?
2. Ano ang mensahe ng binasang alamat?

E. Paglalapat
Magbigay ng mga halimbawa ng pang-abay na pamanahon at
panlunan na maaaring gamitin sa pagbuo ng isang alamat.

77
Pang-abay na Pamanahon Pang-abay na Panlunan
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

F. Palalahat
Bakit mahalagang gamitin ang mga pang-abay na pamanahon at
panlunan sa pagsulat ng sariling alamat?

G. Pagtataya
Gamitin nang wasto ang mga kaalaman sa pang-abay na
pamanahon at panlunan sa pagsulat ng sariling alamat.

Ang bawat isa ay susulat ng sariling alamat. Ang isusulat na alamat


ay may isa o dalawang talata lamang. Malayang pumili ng tema o paksa.
Sundin ang pamantayan sa pagsulat.

PAMANTAYAN SA PAGSULAT NG SARILING ALAMAT


a. Gamit ng Pang-abay na
Pamanahon at Panlunan……………..10
b. Maayos na Balangkas……………...4
c. Kakintalan sa Mambabasa…………3
d. Kalinisan at Kaayusan……………..3
Kabuoan 20 puntos

H. Kasunduan
1. Magdala ng sumusunod:
a. larawan ng mga produkto/bagay sa inyong lugar
b. bond paper (long) at glue
2. Maghanda sa pagsulat ng awtput.

V.TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mga
mag-aaral
nanakakuha ng
80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-
aaral na

78
nangangailanga
n ng iba pang
Gawain para sa
remediation.
C. Nakatulong ba
ang remedial?
Bilang ng mga
mag-
aaralnanakauna
wasaaralin.
D. Bilang ng mga
mag-aaral na
magpapatuloy
sa remediation.
E. Alin sa mga
istratehiyang
pagtuturo ang
nakatulong ng
lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin
ang aking
naranasan na
nasolusyunan sa
tulong ng aking
punungguro at
superbisor?
G. Anong
kagamitang
panturo ang
aking nadibuho
na nais kong
ibahagi sa
kapwa ko guro?

79
PAARALAN ANTAS 8
GURO ASIGNATURA Filipino

ARAW
AT MARKAHAN F8Q1W3D6
ORAS
BANGHAY
ARALIN

I.LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ang mag-aaral ng pag-unawa sa mga
Pangnilalaman akdang pampanitikan sa Panahon ng mga Katutubo,
Espanyol at Hapon
B. Pamantayan sa Nabubuo ang isang makatotohanang proyektong
Pagganap panturismo.
Nakasusulat ng sariling alamat tungkol sa mga
C. Mga Kasanayan bagay na maaaring ihambing sa sarili (F8PU-Id-f-21)
sa Pagkatuto

II. PAKSA
Pagsulat ng sariling alamat tungkol sa mga bagay na maaaring ihambing
sa sarili
III. MGA KAGAMITAN
A. Sanggunian: TG _______; LM _______; TX_
Updated DHLM p. 24-33
Curriculum Guide 2016, p.153

B. Iba Pang Kagamitang Pampagtuturo


Mga larawan
Kagamitang biswal,
Bond paper, glue
Laptop, Projector

IV. PAMAMARAAN
A. Panimula
Bilang panghuling gawain sa linggong ito, susulat kayo ng sariling
alamat tungkol sa mga bagay na maaaring ihambing sa inyong sarili.
B. Pagganyak
Alam ba ninyo ang ibig sabihin ng OTOP? (One town, one product)
na itinataguyod ng Department of Trade and Industry para matulungan
ang mga Micro Small and Medium scale Enterprises (MSMES).
Ano-anong produkto sa lugar ninyo ang maaaring maihambing sa
iyong sarili?

C. Paglalahad
• Ngayon, may mga ginupit-gupit akong larawan, tukuyin natin kung

80
ano ito.
• Anong katangiang mayroon ang nasa larawan na taglay mo?
Bakit?

Sagot: PILI ABACA.

D. Pagtalakay
> Suriin natin ang Alamat ng Pinya gamit ang habi ng pangyayari
upang maging gabay ninyo sa pagbuo ng sariling alamat.

Pangyayari
Pangyayari Pangyayari Wakas
1
2 3 4
1.

>Pahapyaw na babalikan ang mahahalagang elemento ng alamat.


Ano ang katangian ng pinya na maaaring ihambing sa inyong sarili?

E. Paglalahat
Ano ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng alamat?

F. Paglalapat
Magbigay/Mag-isip ng mga bagay na maaaring ihambing sa sarili .
Anong katangian nito na maaari mong ihambing inyong sarili.
Ito`y inyong gagamitin sa bahagi ng pagtataya.
G. Pagtataya
Indibidwal na Gawain (Pagsulat ng Awtput)

Goal- sa gawaing ito makasulat ng mga alamat ng mga bagay/produkto


dito sa atin
Role- ikaw ay isang tourist guide at nangangailangan ka ng mga
kuwento na gagamitin sa iyong gawain.
Audience- mga turista

81
Situation- grupo ng mga turista na na nagnanais na malaman ang
pinagmulan ng mga bagay-bagay dito sa ating lugar.
Performance- Bubuo ang mag-aaral at guro ng pamantayan sa
pagbibigay ng puntos o marka sa gagawing alamat.

1. Sumulat ng sariling alamat tungkol sa mga bagay na maaaring ihambing


sa sarili tulad ng banig, kalo, basket, itak, gunting, kundong, abaniko,
botong , atbp. o kaya’y anomang produkto mula sa inyong lugar.

Bag itak (tabak) gunting balisong ( lansetas)

Rattan upuan( tukawan) mesa sombrero ( kalo)

Basket banig pamaypay (abaniko) salakot (kundong)

bubong (atop) dingding na pawid (Lanob) Apyaw/ Salakab

82
trumpo tsinelas pitaka sungka

Hango sa :
Updated DHLM p. 24-33

• Sa pagsulat sundin ang sumusunod na pamantayan.


 Orihinalidad (Angkop na Katangian) ---------- 6
 Elemento ng Alamat ------------------------------ 6
 Aral/Mensaheng hatid sa mambabasa------ 5
 Kalinisan at kaayusan----------------------------- 3
20 puntos

H. Kasunduan
1. Ano ang Epiko?
2. Basahin ang epikong “Hudhud Hi Haliguyon”.
Sanggunian:
Panitikang Pilipino, p. 26-30

V.TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mga
mag-aaral
nanakakuha ng
80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-
aaral na
nangangailangan
ng iba pang
Gawain para sa
remediation.
C. Nakatulong ba
ang remedial?
Bilang ng mga
mag-
aaralnanakaunaw
asaaralin.

83
D. Bilang ng mga
mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation.
E. Alin sa mga
istratehiyang
pagtuturo ang
nakatulong ng
lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin
ang aking
naranasan na
nasolusyunan sa
tulong ng aking
punungguro at
superbisor?
G. Anong
kagamitang
panturo ang
aking nadibuho
na nais kong
ibahagi sa kapwa
koguro?

84
Paaralan Baitang/ Antas Grade 8
Guro Asignatura Filipino
Petsa/ Oras Markahan F8Q1_W4D1
BANGHAY
ARALIN

I. LAYUNIN
A.Pamantayang Naipamamalas ang mag-aaral ng
Pangnilalaman
pag-unawa sa mga akdang
pampanitikan sa Panahon ng
mga Katutubo, Espanyol at
Hapon
B.Pamantayan sa Nabubuo ang isang
Pagganap
makatotohanang proyektong
panturismo.

Nailalahad ang sariling


pananaw sa pagiging

C.Mga Kasanayan sa Pagkatuto


makatotohanan o di-
makatotohanan ng mga puntong
binibigyang-diin sa napakinggan. (
F8PN-id-f-21)
II.PAKSA
Paglalahad ng Sariling Pananaw sa Pagiging Makatotohanan O Di
Makatotohanan ng mga Puntong Binibigayang-Diin Sa Napakinggan

III.KAGAMITANG PAMPAGTUTURO
A. Sanggunian
LR Portal: Gabay Pangkurikulum, Baitang 8, Unang Markahan p.153
https://m.youtube.com/watch?v=P9ke5CUbnow
https://m.youtube.com/watch?v=rqyQrUTbYp8
https://brainly.ph/question/281083
https://brainly.ph/question/84423
https://www.slideshare.net/mobile/jmpaler

B. Iba pang Kagamitang Pampagtuturo


Flashcard, Powerpoint, Sipi ng Akda, Speaker

IV. PAMAMARAAN
A. Panimula

85
Ano-anong mga pangyayari sa buhay ng tao ang mahirap paniwalaan subalit totoo?
Magbigay nga kayo ng ilang halimbawa.
B. Pagganyak
(Word Assocition)
Ano-anong salita/pahayag ang maaaring maiangkop ninyo kapag narinig ang
salitang nasa loob ng habi?

Aswang

C. Paglalahad
Totoo kayang may aswang? Ang paksang tatalakayin ay ukol sa paglalahad ng inyong
pananaw sa pagiging makatotohanan o di makatotohanan ng napakinggan. Pero bago natin
pag-usapan ang inyong mapakikinggan, bigyan muna natin ng pagpapakuhulugan ang ilang
mga salita mula sa akdang inyong maririnig. Mula sa kahon, piliin ang mga salitang maaaring
maiugnay sa mga susing salita na nasa loob biluhaba.

Nakakatakot May aswang Pakpak ng ibon Ingay

Marami ang duwag Malabo Malakas Hampas

Nasa loob siksikan Kakaibang amoy


Di kaaya-aya

Nasa kalamnan Nagsusumiksik Masakit sa ilong Iniiwasan

Pagaspas
Karimlan

Nanoot Umaalingasaw

86
Ngayon, pakinggan natin ang kuwento

Ang Pagaspas
Maikling katha ni Joel B.Boter
Isla ng San Miguel, Lungsod ng Tabaco.

(1) Bilog na naman ang buwan noon. Napakagandang pagmasdan ang


liwanag nito na tumatanglaw sa buong karimlan. Subalit, tila ang gabing iyon
ay may itinatagong hiwaga na hindi maikakaila sa nakararaming residente.
(2) Kinagigiliwan talaga ng pamilya nina Anjie na manood ng teleserye
lalong-lalo na ang Kara Mia at Sahaya. Naaaliw sila sa magandang panooring
ito kaya’t kahit may kalayuan ang bahay ng kanilang tiyuhin ay walang takot
nila itong pinupuntahan.
(3) Nang gabing iyon, naiwan si Anjie ng kanilang ama at kapatid upang
magligpit ng pinagkainan. Mabilis siya sa pagkilos upang maabutan pa ang
inaabangang palabas.Pero habang nagliligpit sa pamingganan, nakarinig siya
ng pagaspas sa labas. Tila ba isang malaking ibon ang pumagaspas sa labas
ng kanilang tahanan. Matapang siyang lumabas para ito’y wariin subalit isang
umaalingasaw na amoy na walang iniwan sa ipot ng manok ang dagling
nanoot sa kaniyang ilong. Biglang natahimik ang paligid.
(4) Habang naglalakad na siya papunta sa bahay ng kaniyang tiyuhin,
naramdaman niyang ang pagaspas na narinig niya ilang saglit ang lumipas ay
tila ba papalapit nang papalapit sa kaniyang kinalalagyan. Tumindig ang
kaniyang mga balahibo. Sa takot, kumaripas siya ng takbo na animo ay
hinahabol siya ng labindalawang kabayo. Hindi na nga niya namalayan na
natanggal ang kaniyang salawal. Hindi siya makapagsalita nang makarating sa
bahay ng kaniyang tiyahin.
(5) Sa halip na tanungin siya sa kung bakit siya namumutla, nagtawanan
ang mga ito dahil tanging t-shirt na lang ang kaniyang saplot. Matapos ang
tawanan, ibinahagi ng kaniyang tiya na may gumagala talagang aswang sa
kanilang lugar. Mas namuo ang takot sa kaniya lalo na kung sasapit na ang
dilim at bilog ang buwan.
*Ang kuwento ay kailangang naka-rekord at papakinggan na lamang ito ng mga
mag-aaral .

D. Pagtalakay

87
1. Tungkol sa ano ang binasa?
Mga 2. Bakit kaya nanindig ang balahibo ni Anjie?
gabay 3. Nagkaroon ka na ba ng karanasan tulad ng kay Anjie?
na 4. Kung ikaw ang nasa katayuan niya, ano ang gagawin
mo?Bakit?
tanong 5. Sa iyong palagay, ano-anong mga pangyayari ang
makatotohanan at di makatotohanan sa kuwento? Ipaliwanag.
* Maaaing makakuha ng karagdagang datos sa https://www.slideshare.net/mobile/jmpaler
E. Paglalahat

Bakit kaya mahalaga na makapaglahad tayo ng sariling pananaw na makatotohanan o di


makatotohanang pangyayari? Ano ang kahalagahan nito sa pang-araw-araw nating buhay

F. Paglalapat
*Maaaring gamitin ang video na matatagpuan sa
https://m.youtube.com/watch?v=P9ke5CUbnow
Gawain
Panonoorin natin ang bahagi ng pelikula na pinamagatang “ Corazon: Ang
Unang Aswang”
Batay sa inyong pinanood , magtatanghal kayo ng isang talk show na
pinamagatang , “ Latest Chika Ngayon ”.Pipili kayo magiging host,
kakapanayamin(dalawang kinatawan sa bawat pangkat).
Ngayon, hahatiin ko ang klase sa dalawang pangkat. Ang pangkat
makatotohanan at pangkat di makatotohanan.

Mula sa pinanood na bahagi ng pelikula, tukuyin ang mga pangyayari na nagsasaad


ng katotohanan o di makatotohanang pangyayari. Bigyan ng pagpapaliwanag kung bakit
totoo o di totoo ang pangyayaring nabanggit
G. Pagtataya

*Maaaring gamitin ang video/sound clip na matatagpuan sa


https://m.youtube.com/watch?v=rqyQrUTbYp8

Magpapakita ako sainyo ng isang video clip ukol sa isang balita at bubuo kayo
ng 10 pangungusap na reaksiyon na nagpapaliwanag sa pagiging makatotohanan o
di makatotohanan nito.
Pamantayan sa Pagmamarka:
Paghahanay ng kaisipan -5
Nilalaman (10 pangungusap) -5
Gamit ng wika -5
Kabuuan 15- puntos

88
H. Kasunduan
1.Basahin: ang Paglalayag sa Puso ng Isang Bata ni.Genoveva Edrosa- Matute
2.Sagutin ang mga tanong sa p.62-66.
Sanggunian: Modyul sa Filipino 8
V. TALA
VI.PAGNINILAY
A. Bilang ng mga mag-aaral nanakakuha
ng 80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang Gawain
para sa remediation.
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang
ng mga mag-
aaralnanakaunawasaaralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation.
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo
ang nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan
na nasolusyunan sa tulong ng aking
punungguro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking
nadibuho na nais kong ibahagi sa
kapwa koguro?

89
Paaralan Baitang/ Antas Grade 8
Guro Asignatura Filipino 8
Petsa/ Oras Markahan
BANGHAY-
F8Q1W4D2
ARALIN

I. LAYUNIN
A.Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-
unawa sa mga akdang pampanitikan sa
Panahon ng mga Katutubo, Espanyol at
Hapon.
B.Pamantayan sa Pagganap Nabubuo ang isang makatotohanang
proyektong panturismo.
• Naibibigay ang kahulugan ng
matatalinghagang pahayag sa
maikling kuwento.
F8PT-Id-f-20
C.Mga Kasanayan sa Pagkatuto • Nasusuri ang pagkakabuo ng
maikling kuwento batay sa
mga elemento nito.
F8PB-Id-f-23

II. PAKSA
• Pagbibigay ng kahulugan ng matatalinghagang pahayag sa maikling
kuwento.
• Pagsusuri ng pagkakabuo ng maikling kuwento batay sa mga
elemento nito.
III. MGA KAGAMITAN
A. Sanggunian
TG ___________LM: Panitikang Pilipino 8,
TX: (Paglalayag sa Puso ng Isang Bata ni: Genoveva Edroza-Matute)
p. 62-65,
May Bukas na Naghihintay, Filipino I p.37-39
Ang Babae at Ang Abogado salin mula sa “The Woman and The Lawyer”
Gaspare Gozzi, Filipino IV, p.223-225,
LR: Gabay Pangkurikulum p.152
B. Iba pang Kagamitang Pampagtuturo
cartolina, recitation chips

PAMAMARAAN
A. Panimula
Alam ba ninyo na higit na naiintindihan at kawiwilihan ang anumang akdang
pampanitikan kapag kumpleto ang elemento o sangkap nito? Bakit kaya?

B. Pagganyak

90
Pamamaraang TRENOLOGICALLY
May inihanda akong mga nakakuwadrong cartolina na may mga
pangyayari na hango sa binasa ninyong Paglalayag sa Puso ng Isang Bata.
Ang gagawin ninyo ay ihahanay ang pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari. Ipamimigay ko ito at subukan ninyong pagsunod-sunurin angmga
ito. Idikit sa pisara.
C. Paglalahad
Bago natin talakayin ang mahahalagang elemento ng maikling kuwento,
subukan muna nating ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na mga
matatalinghagang pahayag na mula sa akda. Matatagpuan ang kahulugan ng
salita sa pamamagitan ng paghanap ng mga katumbas na letra ng bilang sa
ilalim ng patlang.

A B C D E F G H I J
1 3 5 7 9 11 13 15 17 19

K L M N O P Q R S T
21 23 25 26 24 22 20 18 16 14

U V W X Y Z
12 10 8 6 4 2

1.Ang hiling niya sa kaniyang mag-aaral ay maging kanya lamang ang


halakhak at kaligayahan ng buhay-bata.
__ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __
25 1 13 17 26 13 25 1 16 1 4 1

2. Napatangay sa bugso ng damdamin ang guro kaya napagalitan niya ang


bata.
__ __ __ __ __ __
26 1 7 1 23 1

3. Nanliit siya sa kaniyang upuan matapos siyang pagsabihang walang pinag-


aralan.
__ __ __ __ __ __ __ __
26 1 22 1 15 17 4 1

4.Ngayo’y paalis na siya, ang naisip ko, nang may kapaitan sa puso.
__ __ __ __ __ __ __
23 12 26 13 21 24 14

5. Ang kaniyang mabibigat na yabag ay lumayo nang lumayo.


__ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __
25 1 23 1 21 17 26 13 22 1 1

91
D. Pagtalakay

Gawain 1: (PARTNERTAYO)
• Hahatiin ko kayo sa dalawang pangkat. Ang unang pangkat ay
mga elemento at ang ikalawang pangkat naman ay hahanapin
ang tinutukoy ng nasa unang pangkat. Kapag nahanap ang
kapartner, sisigaw kayo ng PARTNER TAYO!
• Mula sa akdang tinalakay, suriin natin ito ayon sa mga
elemento.
1. Sino-sino ang tauhan? Paano binuo ang mga tauhan?
2. Saan ang tagpuan? Kailan ito naganap? Ilahad ninyo ang
panahon at oras kung kalian ito naganap.
3. Balikan natin ang ginawa ninyo kanina. Tama na ba ang
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari batay sa
pagkakalahad nito sa akda? Bakit?
4. Ano ang ginamit na pananaw sa kuwento? Unang
Panauhan o Ikatlong Panauhan?
5. Ano-ano ang simbolismong ginamit sa akda?
6. Ano ang tono ng akda?
7. Ano ang mga kahulugan ng matatalinghagang pahayag na
may salungguhit sa ibaba:

• Ang mga mata niya’y nakipagsalubungan sa aki’y may


nagugulumihanang tingin.
• Ang tangi ko nagugunita’y ang pagpapakumbaba ko sa
kalakhan ng puso ng munting batang yaon,sa nakatitinag
na kariktan ng kaniyang kaluluwa.
• Hindi mahulugang karayom ang isinagawang translacion
ng Poong Nazareno sa Quiapo.
• Ang kaniyang nagging kapilas ng buhay ay pumunta sa
ibang bansa para maghanapbuhay.
• Ang kaniyang anak ay masasabing bukas ang palad
dahil inalalayan niya ang matanda sa pagtawid.

E. Paglalahat
Mahalaga ba na masuri ang elemento ng maikling kuwento? Bakit?
Bakit mahalaga na malaman ninyo ang kahulugan ng matatalinhagang salita
na matatagpuan sa maikling kuwento?
F. Paglalapat

Pangkatang-Gawain)
Hanapin ninyo sa akdang May Bukas na Naghihintay Gawain 2ang mga
element nito. (Filipino I, p.37-39)

Pangkat 1- Tauhan
Pangkat 2- Tagpuan
Pangkat 3- Banghay
Pangkat 4- Simbolismo

92
Pangkat 5- Tono
Pangkat 6- Pananaw
Pangkat 7- Talinghaga

G. Pagtataya

Gawain 3: Suriin ninyo ang mga elemento ng maikling kuwento na AngBabae


at ang Abogado salin mula sa “The Woman and the Lawyer ni: Gaspare
Gozzi, Filipino IV, p. 223-225.

1. Tauhan 5. Tono 9. Wakas


2. Tagpuan 6. Talinghaga 10. Pataas na Aksyon
3. Simbolismo 7. Kasukdulan
4. Pananaw 8. Panimula

H.Kasunduan

1. Manood ng isang episode ng kinagigiliwan ninyong teleserye.

IV. TALA
V. PAGNINILAY
A. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80%
sa pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng
iba pang Gawain para sa remediation.
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mga
mag-aaral na nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloysa
remediation.
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang
nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na
nasolusyunan sa tulong ng aking punung-guro
at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking
nadibuho na nais kong ibahagi sa kapwa
koguro?

93
Paaralan Baitang/ Antas Grade 8
Guro Asignatura Filipino
Petsa/ Oras Markahan F8Q1W4D3
BANGHAY
ARALIN

I. LAYUNIN
A.Pamantayang Naipamamalas ang mag-aaral ng
Pangnilalaman pag-unawa sa mga akdang
pampanitikan sa Panahon ng mga
Katutubo, Espanyol at Hapon
B.Pamantayan sa Nabubuo ang isang makatotohanang
Pagganap proyektong panturismo
Nasusuri ang pagkakatulad at
pagkakaiba ng napanood na maikling
C.Mga Kasanayan sa Pagkatuto kuwento sa binasang maikling
kuwento
( F8PD – Id – f – 20 )
II. PAKSA
Pagsusuri sa pagkakatulad at pagkakaiba ng napanood na maikling
kuwento sa binasang maikling kuwento

III. MGA KAGAMITAN

A. Sanggunian : TG_______ LM_______


TX: . sipi ng akda “ Paglalayag sa Puso ng Isang Bata ni
Genoviva Edrosa
sipi ng akda “Tata Selo” ni Rogelio Sikat
LR portal : Gabay Pangkurikulum p.152. (

( youtube - audio visual)(youtube.com)

( https://youtu.be/o8MMmLK_JEI?t=115)

B. Iba pang kagamitang pampagtuturo

laptop, projector , speaker , manila paper, pentel pen

IV. PAMAMARAAN
A. Balik –aral
May mga bagay na kailangang balikan sapagkat karugtong ito ng
kasalukuyan.
Balikan nga natin ang kuwentong binasa noong nakaraang sesyon. Ang
maikling kuwento na “Paglayag sa Puso ng Isang Bata”.

1. Ilarawan ang katangian ng pangunahing tauhan sa maikling kuwento.

94
2. Paano nauunawaan ng guro ang damdamin ng bata?
3. Anong mensaheng hatid ng binasang akda?

B.Pagganyak
Kung papipiliin ko kayo , alin gusto mo basahin ang kuwento o panoorin
ito?
C.Paglalahad
Ngayong araw ang layunin ng ating aralin ay mapaghambing ninyo ang
katangian ng binasang maikling kuwento sa napanood na maikling kuwento.

D.Pagtalakay
Nabasa na ninyo ang kuwentong “ Paglalayag sa Puso ng Isang Bata ,
ngayon panonoorin naman ninyo ang parehong kuwento sa pamamagitan
video clip.Habang nanonood kayo tandaan ang mga sumusunod na mga
tanong.
1.Sino – sino ang mga tauhang gumanap at ano ang papel na
kani-kanilang ginampanan ?
2. Saan naganap ang pangyayari ?
3.Alin ang higit ninyong naibigan ang binasang kuwento o ang pinanood
na video clip ?Bakit?
4. Ihambing ang pagkakatulad at pagkakaiba ng binasa at napanood na
kuwento gamit ang talahanayan sa ibaba. Ito ay isasagawa nang
pangkatan
PANGKAT 1 – TAUHAN
PANGKAT 2 – TAGPUAN
PANGKAT 3- PANGYAYARI

Paglalayag sa Puso ng Isang Bata


Napanood Nabasa
Pagkakaiba Pagkakapareho Pagkakaiba
Tauhan

Tagpuan

95
Pangyayari

F. Paglalahat
Kung ikaw ang papipiliin , alin ang gusto mo - maikling kuwento na
nilimbag o maikling kuwentong pinanood? Bakit?

E.Paglalapat
PANGKATANG GAWAIN
Panuto : Gamit ang maikling kuwentong Tata Selo ni Rogelio Sicat , ibigay ang
pagkakaiba ng pinanood sa binasang akda.
Pangkat I.Pagsusuri sa video clip :
Suriin ang sumusunod
1.Tauhan
2.Tagpuan
3. Pangyayari
Pangkat II. Pagsusuri sa Maikling Kuwentong Binasa
1.Tauhan
2.Tagpuan
3. Pangyayari
-
G. Pagtataya

o Pagbibigay ng awtput
o Pagbibigay ng feedback ng guro
o Pagbibigay ng input ng guro
- Alin ang mas mahirap ?
Bilang direktor , ano ang mga bagay na dapat bigyan ng pansin?

Ang gawain sa paglalapat ay maaaring magsilbing pagtataya gamit ang Rubriks na


nasa ibaba :

Napaghahambing ang katangian ng binasa at napanood na


kuwento batay sa elemento nito. 15 puntos
Nailalahad ng maayos ang pagkakaiba at pagkakatulad
ng nabasa at napanood na maikling kuwento 5 puntos
____________
20 puntos

H. Kasunduan
1. Ano ang pagkakaiba ng pamantayang pansarili sa pamantayang
itinakda?

96
V. TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mga mag-aaral
nanakakuha ng 80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
Gawain para sa remediation.
C.
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation.
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo
ang nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na nasolusyunan sa
tulong ng aking punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho na nais kong ibahagi
sa kapwa ko guro?

97
Paaralan Baitang/ Antas Grade 8
Guro Asignatura Filipino
Petsa/ Oras Markahan F8Q1W4D4
BANGHAY
ARALIN

I. LAYUNIN
A.Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang mag-aaral ng pag-
unawa sa mga akdang pampanitikan sa
Panahon ng mga Katutubo, Espanyol at
Hapon
B.Pamantayan sa Pagganap Nabubuo ang isang makatotohanang
proyektong panturismo

Nakabubuo ng angkop na pagpapasiya sa


isang sitwasyon gamit ang Pamantayang
C.Mga Kasanayan sa Pagkatuto
pansarili at pamantayang itinakda
( F8PS – Id- f – 21 )

II. PAKSA
Pagbuo ng Angkop na Pagpapasiya sa isang sitwasyon gamit ang
Pamantayang Pansarili at Pamantayang Itinakda
III. MGA KAGAMITAN

C. Sanggunian : TG ________ : LM: ________ :TX


LR portal : Gabay Pangkurikulum p. 152

D. Iba pang kagamitang pampagtuturo


laptop , projector

IV. PAMAMARAAN
A. Panimula
Sa inyong edad sa ngayon kayo ay mulat na sa mga pangyayari sa inyong
paligid. Sa mga gawain sa araw na ito inaasahan na kayo ay makabubuo ng
angkop na pagpapasiya sa isang sitwasyon gamit ang pamantayang pansarili at
pamantayang itinakda
B. Pagganyak
Kayo ba ay nakaranas na nanagpasya sa isang sitwasyon? Ano ito?
C. Paglalahad
May mga tao na nagkakaiba – iba ang pagtingin o pananaw sa isang sitwasyon .
Maaring ang maganda sa kanila ay napakaganda na sa iba. Iyan ay depende sa
tinatawag na pamantayang pansarili. Pero tandaan na kung may pamantayang
pansarili ay mayroon ding pamantayang itinakda. Ang mga iyan ang pag – uusapan
natin.

98
D. Pagtalakay
Basahin at suriin ang sitwasyon . Pagkatapos , gumawa ng pinal na desisyon na
maaring gawin sa sitwasyong ito . Gamiting batayan ang mga tanong na ibinigay
upang makabuo ng tamang kapasiyahan.

Sitwasyon 1.
Gusto mong magkaroon ng mga kaibigan / barkada sa paaralan . Anong
klase ng kaibigan ang hahanapin mo ?

Pagbuo ng Tamang Desisyon


1. Ano – ano ang mga katangian ng mag – aaral ang gusto mong maging
kaibigan? Bakit ?
2 .Ano – ano ang magiging pakinabang mo sa kanila ?
3. Ano ang mawawala sa iyo sa pagsama sa kanila?
4. Ano ang maaaring mangyari kung itutuloy mo ang pakikipagkaibigan sa
kanila?
5. Sa iyong palagay , magiging mabuti kayang impluwensiya sila sa iyo?
Kung maging masamang impluwensiya , ano ang gagawin mo?
6.Kanino ka maaaring humingi ng payo kung itutuloy mo ang iyong plano?
Sitwasyon 2: Isang Patalastas

Nais mo bang maging estudyanteng mamamahayag


lumahok na sa Screening ng Ang Tanod ?

Ang Tanod
Pinakamahusay na Pahayagang
Pangkampus sa Rehiyon V.
S.Y. 2017-2018
Kailan?
Marso 6 -8 2018
Saan?
Audio Visual Room

Hanapin sina Maria Sheena Ranara( 12- STEM – A) o si Jhon Lawrence Base
(10- Newton) para sa karagdagang detalye.

Pagbuo ng Tamang Kapasiyahan


1. Mahilig ka bang magsulat?
2. Handa ka bang dumaaan sa pasulat na pagsusulit at pagkatapos ay susundan ng interbyu ?
3. Saang bahagi ng pamamahayag nais mong mapabilang? Nais mo bang maging patnugot?
pangalawang patnugot? Tagapamahalang patnugot?patnugot sa lathalain at iba pa?

99
4. Susuportahan mo ba ang programa ng paaralan at magbibigay ng mga pamumunang
makatutulong sa mga programang nito?
5. Kung saka- sakaling ikaw ay manalo sa paligsahan , nakahanda ka bang maging kinatawan
ng paaralan sa pambansang pagtitipon ? Ano- anong paghahanda ang iyong gagawin ?
6. Ibigay ang tamang kapasiyahan kung itutuloy ang balak na maging bahagi ng pahayagang
pangkampus. Ipaliwanag ang kapasiyahang nabuo.

1. Ano ang pinag – uusapan sa unang sitwasyon?


2. Ano ang dapat pangibabawin kung maghahanap ka ng kaibigan?
3. Dapat nga bang umiwas ka kung nakikita mong nalilihis sila ng landas o aakayin
mo sila sa tamang daan gaano man ito kahirap?
4. Ano ang pinag – uusapan sa ikalawang sitwasyon?
5. Ano ang pagkakaiba sa pagsulat sa pahayagang pampaaralan sa
karaniwang pagsusulat ?
6. Paano ang ginawa mong pagpapasiya sa una at ikalawang sitwasyon?

E. Paglalahat

1.Ano ang pagkakaiba ng pamantayang pansarili sa pamantayang itinakda?


2. Alin sa dalawang pamantayan ang maari pang baguhin ? ang hindi puwedeng
baguhin? Bakit?

F. Paglalapat

Pangkat 1: Panuto: Bumuo ng pamantayang pansarili ukol sa sumusunod na


sitwasyon.

Sitwasyon:Nais mong magkaroon ng malusog na pangangatawan. Paano mo


ito matatamo?Ano – ano ang dapat mong gawin?

Pangkat 2 : Bumuo ng tiyak na pamantayan para sa pagpili ng lider na mamumuno


sa outreach program.
Sitwasyon:May outreach program ang iyong klase. Kailangan bumuo ng iba’t
ibang komite . Ang iba’t ibang komiteng ito ay pangangasiwaan ng isang
responsableng lider.

G. Pagtataya
Panuto : Bumuo ng angkop na pagpapasiya sa sumusunod na sitwasyon .Sabihin
kung ang pagpapasiya ay pamantayang pansarili o pamantayang itinakda.
1. Gutom na ako. Pero kulang ang pera kong pambili ng pagkain , ano ang gagawin
ko?

2. Nagmamadali kang naglalakad pauwi mula sa paaralan. Habang nilalandas mo


ang daan napansin mong marami ang taong sumasabay sa agos ng maraming pang
tulad mo ang nagmamadali rin. Paminsan – minsan , napasusulyap ka sa kaliwang

100
bahagi ng kalsada at napansin mong maaari kang tumawid dahil wala namang
sasakyang dumaraan . Tatawid ka ba o hindi?

H. Karagdagang Gawain
Muling pag – aralan ang mga bahagi at elemento ng maikling kuwento
V. TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mga mag-aaral
nanakakuha ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
Gawain para sa remediation.
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang
ng mga mag-
aaralnanakaunawasaaralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation.
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo
ang nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na nasolusyunan sa
tulong ng aking punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho na nais kong
ibahagi sa kapwa ko guro?

101
Paaralan Baitang/ Antas Grade 8
Guro Asignatura Filipino
BANGHAY Petsa/ Oras Markahan F8Q1-W4D5
ARALIN

I. LAYUNIN
A.Pamantayang Naipamamalas ang mag-aaral ng pag-unawa sa
Pangnilalaman mga akdang pampanitikan sa Panahon ng mga
Katutubo, Espanyol at Hapon
B.Pamantayan sa Nabubuo ang isang makatotohanang proyektong
Pagganap
panturismo
Nagagamit nang wasto ang mga kaalaman sa
C.Mga Kasanayan sa Pagkatuto pang-abay na pamanahon at panlunan sa
pagsulat ng sariling kuwento .(F8PN-Id-f-21).
II. PAKSA
Paggamit ng wastong kaalaman sa pang-abay na pamanahon at panlunan
Sa pagsulat ng sariling kuwento.
III. KAGAMITANG PAMPAGTUTURO
I. Sanggunian:
Kamalayan : Wika at Panitikan nina L. A
De la Concha, L. Ma. Gabriel at P.S Cruz, p. 148-149
LR Portal: Gabay Pangkurikulum, Baitang 8, Unang Markahan p.153
https://www.slideshare.net/aldacostinmonteciano/pangabay-na-pamanahon-53669081
https://prezi.com/ylojjfj5w88u/pang-abay-na-panlunan-at-pamanahon/
https://www.slideshare.net/edtechred/pang-abay( slide 7)
https://www.slideshare.net/cherryrealoza/pamanahon-panlunan-pamaraan ( slide 8-9)

B.Iba pang Kagamitang Pampagtuturo


Powerpoint Presentation, Manila paper, Sipi ng kwento, larawan

102
IV. PAMAMARAAN
A. Panimula

Sa araw na ito inaasahan na makasusulat kayo ng sariling kuwento gamit


ang inyong mga kaalaman sa wastong paggamit ng pang-abay na pamanahon
at panlunan.

B. Pagganyak
• Mahilig ba kayong mamasya? Saan kayo malimit
mamamasyal?
• Kailan ba kayo namamasyal?
( Isusulat sa pisara ang kasagutan ng mga mag-aaral)
C. Paglalahad

Ang inyong mga kasagutan ay may kaugnayan sa babasahin nating akda.


Bago natin basahin ito, bibigyang kahulugan muna natin ang mga salitang ginamit
sa akda. Ibigay ninyo ang kahulugan ng salitang may salungguhit batay sa context
clue.

MGA PANGUNGUSAP
1.Tumatagaktak ang pawis ng lalaki sa tindi ng init ng araw.

2.Hindi niya maaninag ang nawawala niyang salamin .

3.Handa siyang magtiis para sa iniibig.

Babasahin natin ngayon ang isang maikling kathang

Ang Buhay sa Isla


ni: Joel B. Boter

Tiktilaok!
Tiktilaok
Tiktilaok!
Ang pagtilaok na iyon ng mga tandang ang madalas sundan ni ina
ng: “Gising na, umaga na! May pasok pa kayo,” o kaya naman ay , “May
trabaho pa tayo sa bukid.” Humigit- kumulang, ganiyan umiikot ang buhay

103
ng mga tao sa aming isla. Payak lang ang pamumuhay. Masisipag ang
kalalakihan sa pagtatrabaho sa bukid , mainit man o maulan. Bago
magdapit- hapon, ang mga kabataang lalaki naman ay magkakasamang
iigib ng tubig sa balon.
Pagsapit ng gabi, sa ilalim ng puting ilaw ng buwan, mamamalas pa rin
ang ngiti ng mga bata at matatanda, habang nagpapahinga sa kani-
kanilang tahanan. Nagkukuwentuhan sila ukol sa mga lamanlupa , aswang
at iba pang elemento sa kalikasan. Nariyan ang magkakatakutan ang mga
bata , mag-uunahang pupunta sa higaan at magtatago sa ilalim ng kumot.
Kinabukasan, muling magtatrabaho sa bukid ang kalalakihan at
papasok naman ang mga kabataan sa paaralan kasama ang paalaala ng
mga magulang na edukasyon ang susi sa tagumpay”. Hindi nila alintana
ang pagtagaktak ng kanilang pawis magkaroon lamang ng maihahain sa
oras ng pagkain.
“Anak, kaunting tiis na lang, mag-aral ka nang mabuti para sa iyong
magandang kinabukasan”. Iyan ang palaging bukambibig ng mga
magulang habang walang sawang nagtatrabaho sa ilalim ng init ng araw
sa maghapon. Tunay na napakapayak ng buhay sa isla, noon. Noon na
hindi pa tayo alipin ng makabagong teknolohiya.
D. Pagtalakay

Mga gabay na tanong:


1.Ano ang pinag-uusapan sa kuwento?
2.Alin kaya sa mga pangungusap na binasa ang nagtataglay ng
pang-abay?
4.Tukuyin sa akda ang mga pang-abay na panlunan at pang-abay
na pamanahon.
5.Kung gayon, ano kaya ang pagkakaiba ng pang-abay na
pamanahon sa pang-abay na panlunan?
6.Paano ginamit ang pang-abay na pamanahon at pang-abay na
panlunan sa loob ng kuwento?
*Maaaring makakuha ng mga karagdagang datos sa mga sumusunod :
https://www.slideshare.net/aldacostinmonteciano/pangabay-na-pamanahon-53669081
https://prezi.com/ylojjfj5w88u/pang-abay-na-panlunan-at-pamanahon/
https://www.slideshare.net/edtechred/pang-abay( slide 7)

104
https://www.slideshare.net/cherryrealoza/pamanahon-panlunan-pamaraan ( slide 8-9)

E. Paglalahat

Bakit mahalaga ang kaalaman sa paggamit ng pang-abay na


pamanhon at panlunan sa pagsulat ng isang maikling
kuwento?

F. Paglalapat

Gamit ang pang-abay na pamanahon ay panlunan .Bumuo


ng sariling katha. Maaaring nakakatakot, nakakatawa, hindi
malilimutang karanasan, at iba pang paksa na nais ninyo.

G. Pagtataya

Pamantayan sa pagmamarka sa isinagawa sa paglalapat


Estruktura (gamit ng bantas at salita) -5 puntos
Nilalaman (gamit ng pang-abay 15 pangungusap) -10 puntos
Gamit ng wika -5 puntos
Kabuuan -20 puntos
H. Karagdagang Gawain
Bumuo ng isang maikling katha na hango sa sariling imahinasyon
na nagtataglay ng mga pang-abay na tinalakay.
V. TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mga mag-
aaral nanakakuha ng
80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang Gawain para sa
remediation.
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng

105
mga mag-
aaralnanakaunawasaara
lin.
D. Bilang ng mga mag-
aaral na magpapatuloy
sa remediation.
E. Alin sa mga
istratehiyang pagtuturo
ang nakatulong ng
lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang
aking naranasan na
nasolusyunan sa tulong
ng aking punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuho na nais kong
ibahagi sa kapwa
koguro?

106
Paaralan Baitang/ Antas Grade 8
Guro Asignatura Filipino
Petsa/ Oras Markahan F8Q1W4D6
BANGHAY
ARALIN

I. LAYUNIN
A.Pamantayang Naipamamalas ang mag-
Pangnilalaman aaral ng pag-unawa sa mga
akdang pampanitikan sa
Panahon ng mga Katutubo,
Espanyol at Hapon
B.Pamantayan sa Nabubuo ang isang
Pagganap makatotohanang proyektong
panturismo
Nakasusulat ng sariling
maikling kuwento tungkol sa
mga bagay na maaaring
C.Mga Kasanayan sa Pagkatuto
ihambing sa sarili
( F8PU – Id – 21)

II. PAKSA
Pagsulat ng maikling kuwento ukol sa mga Bagay na Maaaring
Ihambing Sa Sarili

III. MGA KAGAMITAN


A. Sanggunian: TG________: LM_______________ :TX___________
LR portal Gabay Pangkurikulum p. 152

B. Iba pang kagamitang pampagtuturo

IV. PAMAMARAAN
A. Panimula
Sa araw na ito layunin ng aralin na makasulat ng sariling maikling kuwento
tungkol sa mga bagay na maaaring ihambing sa sarili

B. Pagganyak
Sino si Lola Basyang ? Ano ang paborito ninyong kuwento ni Lola Basyang ?
Ibahagi nga sa klase ang buod.
C. Paglalahad
Ang maikling kuwento ay isang uri ng masining na pagsasalaysay.
Ang diwa nito ay naglalaman ng isang buo , mahigpit at makapangyarihang
balangkas na inilalahad sa isang paraang mabilis ang galaw.Tandaan na sa
pagsulat ninyo ng genreng ito ay dapat may kinalaman sa bagay na posibleng
ihambing sa inyong sarili.

107
D. Pagtalakay
A. Ngayong araw susulat kayo ng maikling kuwento ukol mga bagay na maaaring
ihambing sa sarili . Pero bago tayo dumako roon , suriin muna natin ang kuwentong
Paglalayag sa Puso ng Isang Bata :
1. Ano ang paksang tinalakay ?
2.Paano sinimulan ang kuwento ?
3.Ano ang pagkakasunod – sunod ng mga pangyayari?
4.Paano sinuportahan ng bawat detalye ang bawat pangyayari?
5.Paano ipinakilala ang mga tauhan?
6.Paano binuo ang kuwento? May pagbabalik- tanaw ba ? o tuwi – tuwiran
ang ginagawang paglalahad ng mga pangyayari?

B.Ngayon , pag – usapan muna natin ang sumusunod na hakbang sa


pagsulat ng maikling kuwento.
1. Magsimula sa pag – iisip ng simpleng ideya.
- Ano ang paksang nais kong talakayin ?
Paksa : Pagpapatawad

- Anong mensaheng nais mong iparating?


Mensahe : Huwag mong takasan ang nakaraan .
Bilanggo lang ang tumatakas .Malaya ka na.
Pinatawad ka na ng Diyos.

- Anong pangyayari ang magandang gawing kuwento?


Pangyayari : Isang babae ang ayaw nang magmahal muli dahil
sa pangit na nakaraang pilit na tinatakasan.

2. Bumuo ng balangkas batay sa paksa , tema at pangyayari.


3. Suportahan ng mga detalye ang balangkas.

4. Lumikha ng karakter na angkop sa iyong balangkas .


5. Magsimulang magsulat sa pamamagitan ng sumusunod:
o Ipakilala ang tauhan
o Paglalarawan sa tagpuan
o Paglalahad ng pangyayari o sitwasyong magpapakita sa
problemang dapat lutasin ng pangunahing tauhan
o Pagbanggit sa tema , paksa o mensaheng nais mong iparating
o Usapan ng mga tauhan
7. Buoin ang katawan ng kuwento.
8.Rebisahin
9. Mag- isip ng angkop na pamagat.

108
E. Paglalahat
Sa pagsulat ng maikling kuwento ano ang mga mga hakbang na dapat
tatandaan? Bakit kailanganna maihambing ang sarili sa isang bagay?

F. Paglalapat
Sumulat ng isang maikling kuwento tungkol sa isang bagay na nais mong
ihambing sa iyong sarili.

G. Pagtataya
Narito ang Pamantayan sa pagmamarka sa isinagwang Gawain sa paglalapat.

Nasusundan ang mga hakbang sa pagsulat ng maikling kuwento. 15


Naglalaman ng iba’t ibang elemento ng maikling kuwento. 10
Nakapaghahambing ng sarili sa isang bagay 10
_____________
35 untos

H.Kasunduan
Basahin ang Epikong Ang Hudhud ni Aliguyon
Sanggunian: Panitikang Pilipino 8 p.
V.TALA
VI.PAGNINILAY
A. Bilang ng mga mag-aaral nanakakuha ng
80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan
ng iba pang Gawain para sa remediation.
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mga mag-
aaralnanakaunawasaaralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa
remediation.
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong
ng lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na
nasolusyunan sa tulong ng aking punungguro at
superbisor?

109
PAARALAN ANTAS 8
GURO ASIGNATURA Filipino

ARAW
BANGHAY-
AT MARKAHAN F 8Q1
ARALIN
ORAS W5D1

I.LAYUNIN
Naipamamalas ang mag-aaral ng pag-unawa sa
A.Pamantayang
mga akdang pampanitikan sa Panahon ng mga
Pangnilalaman
Katutubo, Espanyol at Hapon
B.Pamantayan sa Nabubuo ang isang makatotohanang proyektong
Pagganap panturismo.

 Nakikinig nang may pag-unawa upang:


- mailahad ang layunin ng napakinggan
- maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay
ng mga pangyayari
( F8PN-Ig-h-22)
C.Mga Kasanayan sa
Pagkatuto/Layunin  Nakikilala ang kahulugan ng mga piling
salita/pariralang ginamit sa akdang epiko
ayon sa:
- Kasingkahulugan
- Kasalungat na Kahulugan
(F8PT-Ig-h-21)

II MGA.PAKSA
 Pakikinig nang may pag-unawa upang mailahad ang layunin at
maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari.

 Pagkilala ng kahulugan/ kasalungat ng mga piling salita/pariralang ginamit


sa epiko.

III. MGA KAGAMITAN


A. Sanggunian:
LM: Panitikang Pilipino 8;
TX: Isang Buod na Halaw mula sa The Epics ni
Damiana Eugenio, p. 26-30.
LR: Gabay Pangkurikulum p. 154

B. Iba pang kagamitang pampagtuturo:


Biswal, Laptop, Speakers, Internet
https://www.youtube.com/watch?v=qhePiEqQsxo
05/01/2019 4:05pm

110
IV. PAMAMARAAN
A. Panimula

Upang higit na maunawaan ninyo ang aralin sa araw na ito,


kailangang mabatid ninyo ang maikling Kaligirang Kasaysayan ng
epiko. (Panitikang Pilipino, pahina 25-26).

B. Pagganyak
May ipapakita ako sa inyo na mga larawan ng ilang sikat na Marvel Heroes.
Kilalanin ninyo sila.
1. Sino-sino sa mga ipinakitang larawan ang kilala mo?
2. Sino sa kanila ang iyong nagustuhan at bakit?
3. Kung kayo’y mabibigyan ng pagkakataong magkaroon ng
kapangyarihan, ano ito at bakit?

Ang ating ginawa ay may kaugnayan sa ating babasahing akda.


C. Paglalahad ng Aralin
Bago natin talakayin ang akda, subukan nating kilalanin kung ang sumusunod
na pares ng mga salita ay magkasingkahulugan o magkasalungat. Kung
magkasingkahulugan ay ikukumpas ninyo ang inyong mga kamay na .
Kung magkasalungat naman ay .

Handa na ba kayo?
1. kalasag-panangga 6. nakagapos- nakatali
2.wasakin- buuin 7. matalas- mapurol
3. usalin- sambitin 8. dilag- dalaga
4.maapuhap-mahanap 9. bolo- gulok
5.tumungo- umalis 10. nagtipon-tipon-
nagkawatak-wata
D. Pagtalakay ng Aralin

Tingnan at suriin natin ang larawan. Magbigay ng mga katangiang inyong


napansin.

Pakinggan ninyo ang epikong Hudhud ni Aliguyon.


(link na https://www.youtube.com/watch?v=qhePiEqQsxo)

Pagkatapos pakinggan ang epiko, tatalakayin natin ito sa


pamamagitan ng sumusunod na pangkatang gawain. Papangkatin
ang klase sa dalawang pangkat.

111
Bago ang pangkatang gawain tukuyin muna ang layunin na
nais iparating ng epiko.

Pangkat 1
Ibigay ang iba’t ibang sinaunang paniniwalang inilahad sa
Hudhud ni Aliguyon sa pamamagitan ng concept map. Ibigay rin
ang kahalagahan ng mga paniniwalang ito sa mga katutubong
Ifugao.

Iba’t ibang
Sinaunang

mga

KAHALAGAHAN

_______________________________
_______________________________
_______________________________

Pangkat 2

Sa pamamagitan ng Habi ng Pangyayari ay ibigay ang mga


pangyayaring pinagdaanan ni Aliguyon.

(Pangyayari 1) (Pangyayari 3)

ALIGUYON

(Pangyayari 2) (Pangyayari 4)

( Pangyayari 5)

E. Paglalahat
• Bakit mahalaga ang papakinig na may pag-unawa?
• Paano nyo nakilala ang kahulugan ng mga piling salita
sa akda?

F. Paglalapat
Hindi na magbibigay ng Gawain sa paglalapat sapagkat mahahaba ang
mga epikong babasahin.Maaaring kulangin sa oras.
112
G. Pagtataya
Pakinggan at unawain ang nakarekord na epikong Si Tuwaang at Dalaga ng
Buhong na Langit na matatagpuan sa pahina 34-36 ng Panitikang Pilipino 8.
Pagkatapos, isagawa ang sumusunod na gawain.

A. Talasalitaan
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pangungusap.
Kilalanin kung ang pares ng mga salitang nakadiin ay
magkasingkahulugan o magkasalungat. Isulat ang tsek ( / ) kung
magkasingkahulugan at ekis ( X ) kung magsalungat sa patlang.

1. Hindi pumayag si Bai sa gagawing paglalakbay ni Tuwaang.


Ngunit kahit hindi siya sumang-ayon ay hindi nakinig si
Tuwaang sa sinabi ni Bai. _________
2. Gusto siyang pakasalan ng binate ngunit ayaw niya rito kung
kaya’t tinanggihan niya ang alok nito. _________
3. Dinala niya ang dalaga sa kaniyang bayan sakay ng kidlat.
Pagkatapos siya agad ring nagpatuloy sa paglalakbay lulan ng
kidlat. _________
4. Nalaman ni Tuwaang ang kahinaan ng binate. Nang matanto
ito ay kinuha niya ang gintong plawta na nagtataglay ng buhay
ng binata. _________
5. Ang Gungutan man ay nakipagbunuan din at nakapatay nan g
mga kasama ng binata hanggang sa anim na lang ang natira.
Nakipaglaban ang dalawa sa anim na kalaban hanggang ang
natira na lamang ay si Tuwaang at ang Binata ng Sakadna.
_________

B. 1.Ilahad ang layunin ng napakinggang epiko


2.Isa-isahin ang mga pangyayari sa epiko at.ipaliwanag ang
pagkakaugnay-ugnay ng mga ito

H.Kasunduan
Basahin ang kuwentong “Ang Epiko ng Nandalangan: Ang Paghahanap ni
Matabagka sa Diyos ng Hangin” sa pahina 32-34 ng Panitikang Pilipino 8.

V.TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mga
mag-aaral na
nakakuhang 80%
sa pagtataya.
B. Bilang ng mag-
aaral na
nangangailangan
_________________
ng iba pang _________________
Gawain para sa
remediation.

113
C. Nakatulong ba
ang remedial?
Bilang ng mga
mag-aaral na
nakaunawa sa
aralin.
D. Bilang ng mga
mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation.
E. Alin sa mga
istratehiyang
pagtuturo ang
nakatulong ng
lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin
ang aking
naranasan na
nasolusyunan sa
tulong ng aking
punungguro at
superbisor?
G. Anong
kagamitang
panturo ang
aking nadibuho
na nais kong
ibahagi sa kapwa
ko guro?

114
PAARALAN ANTAS 8
GURO ASIGNATURA Filipino

ARAW
BANGHAY-
AT MARKAHAN F 8Q1
ARALIN
ORAS W5D2

I.LAYUNIN
A.Pamantayang Naipamamalas ang mag-aaral ng pag-unawa sa mga
Pangnilalaman akdang pampanitikan sa Panahon ng mga Katutubo,
Espanyol at Hapon
B.Pamantayan sa Nabubuo ang isang makatotohanang proyektong
Pagganap panturismo.

 Napauunlad ang kakayahang umunawa sa


binasa sa pamamagitan ng:
C.Mga Kasanayan sa - paghihinuha batay sa mga ideya o
Pagkatuto pangyayari sa akda
- dating kaalaman kaugnay sa binasa
( F8PB-Ig-h-24)

II.PAKSA
 Pagpapaunlad ng kakayahang umunawa sa binasang epiko sa pamamagitan
ng
- paghihinuha batay sa mga ideya o pangyayari sa akda.
- dating kaalaman kaugnay sa binasa
III. MGA KAGAMITAN

A. Sanggunian:
LM: Panitikang Pilipino 8;
TX: Isang Buod na Halaw mula sa The Epics ni Damiana Eugenio,
p. 26-30.
LR: Gabay Pangkurikulum p. 154

B. Iba pang kagamitang pampagtuturo:


Biswal, Laptop, Speakers, Internet

IV. PAMAMARAAN
A. Panimula

Lalo pang malilinang ang inyong kaalaman at pagpapahalaga sa Epiko


kaya’t tatalakayin natin ang isang halimbawa nito mula sa Bukidnon. Mahalagang
maunawaan ang kuwento upang mapaunlad ang inyong kakayahang umunawa sa
binasa pamamagitan paghihinuha.

115
B. Pagganyak
Maglalaro tayo. Hahatiin ko kayo sa dalawang pangkat. Sa pisara, isusulat
ko ang salitang “Lalaking Superhero” sa isang bahagi, at “Babaeng Superhero” sa
kabilang bahagi. Bibigyan ko lamang ng limang minuto ang bawat grupo upang
isulat ang mga pangalan ng kilala ninyong superhero ayon sa itinakdang kasarian
sa inyo. Ang may pinakamaraming maisulat ang mananalo.

1. Patas ba ang laro?


2. Bakit mas maraming nailista ang isang pangkat kaysa sa isa pang pangkat?
3. Sa iyong palagay, bakit mas maraming supehero na lalaki kaysa mga babae?
Ang sagot ay ibibigay ng ating aralin.

C. Paglalahad
Bago ninyo basahin ang epikong Ang Paghahanap ni Matabangka sa Diyos
ng Hangin. Ating basahin muna ang ilang mga salitang mababasa mula sa
akda gayundin ang mga kahulugan nito.
1. tumanod- gabay na kaluluwa
2. taklubu- May kapangyarihang lumikha ng napakalakas na ipuipo
3. libon- sisidlan ng mga nganga
4. baklaw- Nakatira ang pinakamarahas na mga bagyo
5. nganga- Agimat o buyo na nginunguya ng mga matatanda sa Pilipinas

Ano sa palagay ninyo ang paghihinuha? (Gagawin ang maikling


pagtalakay
Tungkol sa paghihinuha)
D. Pagtalakay

May mga ibibigay ako sa inyong tanong na agad ninyong sasagutin.


Habang nagbabasa, alamin natin kung tama ang inyong sagot sa kasunod
na bahagi ng akdang babasahin. Kapag sinabi kong HINTO, ang lahat ay
dapat huminto habang pinag-uusapan natin ang mga pangyayari.

Ang Epiko ng Nalandangan: Ang Paghahanap ni Matabagka sa Diyos ng


Hangin
Isang Buod na Halaw mula sa The Epics ni Damiana Eugenio

Tanong: Natagpuan ba ni Matabagka ang Diyos ng Hangin?

1 Pinilit ni Matabagka ang kaniyang kapatid na si Agyu na sabihin sa kaniya


ang babalang ibinahagi ng tumanod (gabay na kaluluwa). Napansin kasi ni
Matabagka na hindi mapakali ang kaniyang kapatid noong nakaraang mga
araw dahil sa babalang ito.

Tanong: Bakit hindi mapakali si Agyu nitong mga huling araw? Ano ang
lumiligalig sa kaniya?

2 Ikinuwento ni Agyu na sinabi sa kaniya ng tumanod na naghahandang


lusubin ni Imbununga ang Nalandangan, ang Kaharian ni Agyu. Kapag

116
nangyari ito, mawawasak ang Nalandangan at mamamatay ang lahat ng
nakatira rito, dahil si Imbununga ang may hawak ng makapangyarihang
taklubu, na kayang lumikha ng napakalakas na ipuipo, at ang baklaw, kung
saan nakatira ang pinakamarahas na mga bagyo.

Tanong: Ano ang naging damdamin ni Matabagka nang marinig ang


kuwento ni Agyu? Bakit kaya?

3 Nang marinig ito, tumawa lang si Matabagka, at sinabi sa kapatid na wala


siyang dapat na ipag-alala. Iniwan ni Matabagka si Agyu, pumunta sa
kaniyang silid, at naghanda upang umalis.

4 Kinuha niya ang kaniyang libon- ang sisidlan ng mga nganga at kung ano-
ano pa. Sumakay siya sa kaniyang sulinday, isang malaking salakot na
nakalilipad. Tahimik na tahimik siyang lumipad palayo ng Nalandangan.

Tanong: Saan kaya pupunta si Matabagka? Nagtagumpay kaya siya sa


kaniyang balak na malaman kay Imbununga ang plano nitong paglusob sa
Nalandangan?

5 Nang malaman ni Agyu ang pag-alis na ito ng kaniyang kapatid, nag-utos


siya sa kaniyang mga kawal na hanapin ito. Nagpadala siya ng mga sundalo
upang harangin si Matabagka at ibalik siya sa Nalandangan.

6 Malayo ang nilipad ni Matbagka, ngunit narating niya ang bahay ni


Imbununga. Bumaba siya sa gitna ng silid kung saan nakaupo si
Imbununga, na nagulat sa biglang paglitaw ng isang napakagandang dalaga
sa kaniyang harapan. Para kay Imbununga, parang isang sinag ng araw ang
pagdating ni Matabagka.

7 Nagkunwari si Matabagka na naligaw lamang papuntang Nalandangan, at


nagtanong kung paano makapunta rito, sa pag-iisip na sasabihin ni
Imbununga ang ilan sa mga plano niya sa paglusob sa Nalandangan. Hindi
nagtagumpay ang plano ni Matabagka.Sinabi ni Imbnunga na hindi siya
magbibigay ng kahit anong impormasyon hangga’t hindi siya pinakakasalan
ni Matabagka.Hindi rin makaaalis si Matabagka dahil pinipigil ni Imbununga
ang paglipad ng sulinday gamit ang kaniyang kapangyarihan ng hangin.

8 Napilitan si Matabagka na pakasalan si Imbununga. Samantala, hindi rin


nagtagumpay ang paghahanap ng mga tauhan ni Agyu kay Matabagka.

Tanong: Pinakasalan ni Matabagka si Imbununga. Pero hindi niya


nakalimutan ang kaniyang misyon. Nagtagumpay kaya siya?

9 Naging mabuting asawa si Matabagka. Ngunit hindi niya nalilimutan ang


kaniyang misyon. Nang makita niya kung saan itinatago ni Imbununga ang
taklubu at baklaw, nag-isip siya agad ng isang plano.

117
10 Binigyan ni Matbagka ng isang nganga na may halong pampatulog si
Imbununga. Nang bumagsak ang diyos at nakatulog dahil sa nganga, agad
na kinuha ni Matabagka ang taklubu at baklaw, at tumakas sakay ng
kaniyang sulinday.

11 Nang magising si Imbununga, napansin niya agad na nawawala si


Matabagka. Napansin rin niya na nawawala ang kaniyang taklubu at baklaw.
Inutusan niya ang kaniyang mga tauhan na habulin ang tumakas na si
Matabagka. Gamit ang kaniyang kapangyarihan ng Hangin, pinigil ni nunga
nag paglipad ng sulinday. Bumagsak ito sa dalampasigan, sakay si
Matabagka..

Tanong: Sa inyong palagay, sino ang nagwagi sa labanan? Bakit kaya?

12 Nahabol ng mga sundalo ni Imbununga si Matabagka. Subalit


napakahusay makipaglaban ni Matabagka na napatay niya ang marami sa
mga sundalo.Nahihirapan ang mga sundalong makipaglaban sa kaniya,
lalo na dahil iniutos ni Imbununga sa kanilang huwag siyang sugatan.
Tumagal ang labanan nang maraming araw.

13 Nakarating ang ingay ng labanan sa mga sundalo ni Agyu, na napadaan


sa dalampasigan. Sumugod ang mga sundalo at tinulungan nilang
makatakas si Matabagka. Dumiretso siya sa Nalandangan.

15 Natuwa si Agyu nanag makita si Matabagka. Sa pagkapagod, ni hindi


makaakyat ang babaeng kapatid sa hagdan paakyat ng kanilang bahay.
Agad siyang inalagaan ng mga manggagamot, at binigyan ng nganga na
may kakayahang magbalik ng lakas ng sinumang ngumuya nito. Ikinuwento
ni Matabagka kay Agyu ang lahat ng nangyari, lalong-lalo na ang pag-
aalala sa kaniya ni Imbununga at ang utos ng diyos sa kaniyang mga
sundalong huwag siyang sasaktan. Naisip ni Agyu na tapusin na ang laban,
at makipag-usap kay Imbununga. Nagpunta siya sa dalampasigan, at
hinarap niya nang mapayapa sang diyos ng hangin. Pumayag si
Imbununga na wakasan na ang digmaan kung malalaman lang niya ang
nagnakaw ng kaniyang taklubu at baklaw.

Tanong: Natuwa kaya o nagalit si Imbununga nang malaman nito kung sino
ang nagnakaw ng kaniyang taklubu at baklaw?

16 Ikinuwento ni Agyu ang lahat, mula sa babalang natanggap niya hanggang


sa ginawang pagnanakaw ni Matabagka.

17 Ngumiti nang malaki si Imbununga, at nagpahayag ng paghanga sa


katapangan ni Matabagka. Subalit napawi ang ngiting ito nang makita niya
ang napakaraming namatay dahil sa digmaan. Sinabi ni Agyu na kayang
ibalik ni Matabagka ang lahat ng pumanaw. Dahil dito, ipinatawag ang
bayaning babae, at iniutos na bitbitin din ang taklubu at baklaw.

118
18 Nang makarating sa dalampasigan, ibinalik ni Matabagka ang taklubu at
baklaw sa diyos ng hangin. Iwinasiwas ni Imbununga ang taklubu, at umihip
ang isang napakalakas a ipuipo sa mga naglalabang sundalo. Nanghina
ang mga sundalo dahil sa malakas na hangin, kung kaya’t natigil silang
lahat sa pakikidigma.

Tanong: Naibalik nga ba ni Matabagka ang buhay ng mga namatay na


sundalo?

19 Nang matapos ang digmaan, isa-isang nilapitan ni Matabagka ang katawan


ng mga pumanaw. Sinubuan niya ng isang ngangang nakpagbibigay ng
buhay ang bawat isa sa mga patay. Nawala ang sugat ng mga ito, at ilang
saglit pa, muli silang nakahinga, at muli silang nabuhay.

20 Pumunta ang lahat ng mga sundalo- kay Agyu at kay Imbununga sa


Nalandangan. Nagdaos sila ng pista upang ipagdiwang ang pagsasanib ng
pwersa ng bayani ng Bukidnon at ng diyos ng hangin... na hindi magiging
posible kung hindi dahil sa katapangan ng babaeng bayaning si Matabagk

1. Pagkatapos Bumasa

Ilarawan si Matabagka. Bukod sa kaniyang kasarian, paano siya naging iba sa


naunang bayani ng epiko na nabasa mo, si Aliguyon? Gamitin ang Venn Diagram
sa itaas.

May naging
epekto kaya ang
pagiging babae
ni Matabagka sa
kaniyang mga
kinikilos, pati na
sa naging daloy
ng kuwento?

E. Paglalahat
1. Paano ninyo maisasagawa ang wastong paghihinuha?
2. Ano ang mga dapat tandaan sa paghihinuha?
F. Paglalapat

Magsasagawa tayo ng Round Table Discussion at inyong bigyan ng hinuha

“Ang kabayanihan ay hindi kumikilala ng kasarian.”

Maaaring gamitin ang sumusunod bilang pamantayan:


Nilalaman -5 pts.
Kasanayan sa Pagsasalita -5pts
Kaayusan at kalinawan ng paglalahad - 5 pts.

119
Kabuoang presentasyon -5pts
KABUOANG PUNTOS 10 pts.

G. Pagtataya

Siya’y si Oryol, isang tusong ahas na nakukuhang maging isang anyo


ng kaakit-akit na babae at ang tinig ay parang sirena. Ang mapanlinlang na
serpyente ay nagtatangkang gayumahin si Handyong. Sa kabila ng pang-
aakit na ginawa kay Handyong, pinatunayan ni Oryol na hindi niya
mapapasuko si Handyong, kaya’t naghandog siya ng tulong upang mapuksa
ang mga dambuhalang buwaya sa ilog Bicol.

(halaw mula sa https://pinoywritings.blogspot.com/2012/01/ibalon-epiko.html)

1. Batay sa pangyayari, ano ang mahihinuha niyo sa pagkatao ni Oryol?


2. Ano naman ang masasabi ninyo kay Handiong? Akma ba siyang maging
isang lider? Patunayan ang inyong sagot.

Dahil sa ipinamalas ni Baltog na pambihirang lakas kaya’t kinilala


siyang pinuno ng pook na Ibalon. Naging mabuti siyang pinuno. Binigyan
niya ng katarungan ang lahat ng kanyang nasasakupan. Matapos ang
panahon ng kapayapaan at kasaganaan, naghari naman sa buong
Ibalon ang lagim at kapinsalaan dahil sa poot ng mga dambuhalang tulad
ng mga pating na may pakpak, kalabaw na lumilipad at higanteng
buwaya. Nalungkot si Baltog dahil siya ay matanda na at hindi na niya
kayang ipagtanggol ang kanyang mga nasasakupan.
(halaw mula sa https://pinoywritings.blogspot.com/2012/01/ibalon-
epiko.html)

Ibigay ang hinuha ninyo tungkol kay Baltog sa unang bahagi ng talata at gayundin
sa huling bahagi.

H. Karagdagang Gawain

Magsaliksik tungkol sa iba’t ibang teknik sa pagpapalawak ng paksa.


V.TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mga
mag-aaral na
nakakuhang 80%
sa pagtataya.

120
B. Bilang ng mag-
aaral na
nangangailangan
ng iba pang
Gawain para sa
remediation.
C. Nakatulong ba
ang remedial?
Bilang ng mga
mag-aaral na
nakaunawa sa
aralin.
D. Bilang ng mga
mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation.
E. Alin sa mga
istratehiyang
pagtuturo ang
nakatulong ng
lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin
ang aking
naranasan na
nasolusyunan sa
tulong ng aking
punungguro at
superbisor?
G. Anong
kagamitang
panturo ang
aking na dibuho
na nais kong
ibahagi sa kapwa
ko guro?

121
PAARALAN ANTAS 8
GURO ASIGNATURA Filipino

ARAW F 8Q1
BANGHAY-
AT MARKAHAN W5D3
ARALIN
ORAS

IKALIMANG LINGGO – IKATLONG ARAW


I.LAYUNIN
A.Pamantayang Naipamamalas ang mag-aaral ng pag-unawa sa mga
Pangnilalaman akdang pampanitikan sa Panahon ng mga Katutubo,
Espanyol at Hapon
B.Pamantayan sa Nabubuo ang isang makatotohanang proyektong
Pagganap panturismo.

 Nagagamit ang iba’t ibang teknik sa


pagpapalawak ng paksa:
C.Mga Kasanayan sa - paghahawig o pagtutulad
Pagkatuto - pagbibigay-depinisyon
- pagsusuri
(F8PS-Ig-h-22)

II.PAKSA
 Paggamit ng iba’t ibang Teknik sa Pagpapalawak ng Paksa
- paghahawig o pagtutulad
- pagbibigay-depinisyon
- pagsusuri

III. KAGAMITAN
A. Sanggunian:
LM: Panitikang Pilipino 8;
TX:_______________________
LR: Gabay Pangkurikulum p. 154

B. Iba pang kagamitang pampagtuturo:


Biswal, Powerpoint

IV. PAMAMARAAN
A. Panimula

Sa araw na ito ating pag-uusapan ang iba’t ibang teknik na maaaring gamitin sa
pagpapalawak ng paksa:
- paghahawig o pagtutulad
- pagbibigay-depinisyon
- pagsusuri

122
B. Pagganyak

May iba’t ibang paraan kung paano maipakikita ang ating pagmamahal sa
magulang. Aber nga, paano nga ba ninyo ipinakikita ang inyong pagmamahal sa
kanila?

C. Paglalahad ng Aralin
Katulad ng pagpapakita ng ating pagmamahal sa kanila, may iba’t ibang
teknik din sa pagpapalawak ng paksa sa pagsulat. Tatlo sa mga ito ay ang pag-
uukulan natin ng pansin ngayong araw. Sa pisara, basahin ang isang teksto.

1 Ang buhay ng tao gaya ng agos ng tubig sa ilog ay patuloy sa pag-


inog. 2 Nagsimula ito sa sinapupunan ng isang ina. Iniluwal at inihalik sa
mapagkandiling kamay ng kalikasan. 3 Pero may mga nilalang na sa halip
ingatan ang sagradong buhay ay kanila itong pinipingasan hanggang sa
mawalan ng direksiyon, pintig at hininga. 4 Ang buhay ay ang patuloy na
pagyakap sa kabutihan ng aral ng Poong Maykapal. Kung hindi, ituturing ka
ngang buhay ngunit isang patay.

D. Pagtalakay ng Aralin

1. Ano ang paksang pinag-usapan?


2. Saan ito inihambing? Bakit ito ang pinaghambingan?
3. Ano ang kaugnayan nito mula sa paglihi hanggang sa pagluwal ng
isang ina?
4. Suriin ang teksto. Paano pinalawak ang paksa?
5. Alin sa mga ito ang pagbibigay-depinisyon, pagtutulad at
pagsusuri? Patunayan ang sagot.

E. Paglalahat

Papangkatin ko kayo sa tatlo. Bawat pangkat ay susulat ng teksto gamit ang


nakalaang teknik sa pagpapalawak ng paksa. Ang paksa ay tungkol sa: Cellphone.

Suriin ang ginawa ng bawat pangkat. Nagamit ba ang tamang teknik na nakalaan?
Patunayan.

F. Paglalapat
Papangkatin ko kayo sa tatlo. Bawat pangkat ay susulat ng teksto gamit ang
nakalaang teknik sa pagpapalawak ng paksa. Ang paksa ay tungkol sa:
Cellphone.
Pangkat 1- Pagbibigay- depinisyon
Pangkat 2- Paghahawig o Pagtutulad

123
Pangkat 3- Pagsusuri

G. Pagtataya
Isulat ang A kung ang ginamit na paraan sa pagpapalawak ng paksa
ay pagbibigay-depinisyon; B kung paghahawig o pagtutulad at C Kung
pagsusuri.

1. Walang mabuting ibubunga ang pagliliban sa klase.


2. Ang pagliliban ay isang gawain ng mag-aaral na nagdudulot ng
pagbaba ng marka dahil sa di pagkatuto.
3. May mga mag-aaral na pumapasok lamang kung panahon ng
pagsusulit habang ang iba ay nagkukumahog kung malapit nang
magsara ang klase.
4. Tulad ni Tadeo, may estudyante rin na mahilig magbulakbol. Labis
na ikinatutuwa kapag pista opisyal, biglang walang pasok dahil sa
kalamidad.
5. Hindi nila batid na ang hindi pagpasok ay nangangahulugang
kabawasan ng karunungan na dapat sana ay matutunan.

H. Karagdagang Gawain
1. Ano-ano ang mga hudyat ng sanhi at bunga?
2. Manood o makinig ng balita. Maghanda para sa pagbabahagi sa
klase.

V.TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mga
mag-aaral na
nakakuhang 80%
sa pagtataya.
B. Bilang ng mag-
aaral na
nangangailanga
n ng iba pang
Gawain para sa
remediation.
C. Nakatulong ba
ang remedial?
Bilang ng mga
mag-aaral na
nakaunawa sa
aralin.
D. Bilang ng mga
mag-aaral na
magpapatuloy
sa remediation.
E. Alin sa mga
istratehiyang

124
pagtuturo ang
nakatulong ng
lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin
ang aking
naranasan na
nasolusyunan sa
tulong ng aking
punungguro at
superbisor?
G. Anong
kagamitang
panturo ang
aking na dibuho
na nais kong
ibahagi sa
kapwa ko guro?

125
PAARALAN ANTAS 8
GURO ASIGNATURA Filipino

ARAW
BANGHAY
AT MARKAHAN F 8Q1
ARALIN
ORAS W5D4

I.LAYUNIN
A.Pamantayang Naipamamalas ang mag-aaral ng
Pangnilalaman pag-unawa sa mga akdang
pampanitikan sa Panahon ng mga
Katutubo, Espanyol at Hapon
B.Pamantayan sa Nabubuo ang isang
Pagganap makatotohanang proyektong
panturismo.

 Nauuri ang mga


pangyayaring may sanhi at
bunga mula sa napanood
na videoclip ng isang
balita.( F8PD-Igh-21)
C.Mga Kasanayan sa
 Nagagamit ang mga
Pagkatuto
hudyat ng sanhi at bunga
ng mga pangyayari
( dahil, sapagkat, kaya,
bunga nito, iba pa.)
( F8WG-Ig-h-22)

II. MGA PAKSA


 Pag-uuri ng mga pangyayaring may sanhi at bunga mula sa napanood na
videoclip.
 Paggamit ng mga hudyat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari
( dahil, sapagkat, kaya, bunga nito, iba pa.)

III. KAGAMITAN
A. Sanggunian:
LM: ______________________
TX: ______________________
LR: Gabay Pangkurikulum p. 154

B. Iba pang kagamitang pampagtuturo:


Biswal, Laptop, Speakers, Internet
https://www.youtube.com/watch?v=HY-c2Bv8_Wk/05/01/2019/1:30PM

IV. PAMAMARAAN

A. Panimula

126
Sino sa inyo ang maaaring magbahagi ng balitang napanood o
napakinggan nitong nakaraang araw? Ilahad nga ito sa klase.

B. Pagganyak
Sa balitang narinig ninyo, ano ang karaniwang paksa nito?

C. Paglalahad
Ipapanood ko sa inyo ngayon ang isang balita na may pamagat na
“Pagiging adik sa laro, bunga ng kakulangan sa human connection.” (
(Maaari itong makita sa link na https://www.youtube.com/watch?v=HY-
c2Bv8_Wk) Handa na ba kayo?

D. Pagtalakay

1. Tungkol sa ano ang balitang inyong napanood?


2. Mula sa balitang napanood, ano-ano ang sanhi? Bunga? Ilagay o isulat sa
Fishbone ang mga kaukulang sagot.
3. Ano ang pagkakaiba ng Sanhi at Bunga? Tama ba ang pagkakalagay ninyo
sa Fishbone?

Bunga

Sanhi

4. Sa balitang napanood, ano-ano ang mga ginamit na hudyat na


nagpapakilala ng sanhi at bunga ng mga pangyayari?

E. Paglalahat

• Paano nakatutulong ang wastong gamit ng mga hudyat sa pag-uuri


ng sanhi at bunga para sa mabisa at lohikal na pagpapahayag

F. Paglalapat

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na talata. Salungguhitan ang mga


pangyayaring naglalahad ng Sanhi. Samantalang ikahon naman ang mga
pangyayaring naglalahad ng Bunga. Gayundin, bilugan ang mga ginamit na hudyat.

Talata 1

127
Marami pa ring residente ang patuloy na naliligo sa Baseco Beach sa
kabila ng mahigpit na pagbabawal sa kanila. Ikinababahala ito ng mga awtoridad
sapagkat mayroon pang Coliform content at iba pang kemikal ang tubig. Maaari ring
magdulot ng sakit ang tubig nito kaya’t muli ay nagpaalala ang mga awtoridad na
matutong sumunod ang mga residente sa mga ordinansa.

Talata 2
Iba’t ibang organisasyon, militanteng pangkat at mga union ang
nakilahok sa mga protestang isinagawa nitong unang araw ng Mayo bilang
paggunita sa Araw ng Paggawa o Labor Day. Ayon sa mga nakiisa, nagsisitaasan
na ang mga presyo ng mga bilihin ngayon kaya’t hindi na nagkakasya ang kanilang
kinikita. Kaugnay nito ay isinusulong nila na wakasan na ang Kontraktwalisasyon o
Endo at dagdagan ang sahod ng mga Manggagawang Pilipino upang maibsan ang
kahirapang dinaranas ng bansa.

Talata 3
Maraming masamang epekto ang maaaring idulot ng labis na paglalaro
ng computer games na kapag napabayaan ay maaring mauwi sa Computer
Addiction. Ayon sa mga eksperto, maliban sa mga isyung pangkalusugan ay maaari
ring makaapekto sa relasyon ang paglalaro ng Computer Games. Ito ay dahil sa
hindi na nagagawang makisalamuha nang maayos ng bata sa mga taong nasa
paligid niya. Nagbabago rin ang kaniyang pananaw sa buhay dala ng bagong
mundo na kaniyang kinagigiliwan sa Computer Game.

G. Pagtataya
A. May ipapanood ako sainyo ngayong isang balita na may pamagat na
“Tambakan ng basura sa pampang ng Manila Bay, nadiskubre sa
Cavite” (Maaari itong makita sa link na
https://youtu.be/RAhW6OeP0RQc ) Makinig nang mabuti upang
mamaya ay matagumpay na maisagawa ang gawain. Handa na ba
kayo?

Pagkatapos mapanood ang balita ay ilahad ang mga sanhi at bunga ng


mga pangyayari mula sa balita gamit ang Problema- Solusyong
Balangkas. Isulat din ang maaaring maging solusyon sa suliraning
inilahad.

Mga
Suliranin Sanhi Bunga
solusyon

128
B. Sumulat ng balita sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga
sumusunod na datos. Gumamit ng angkop na hudyat ng sanhi at bunga
sa mga pangyayari.
• Ayon kay Secretary Cimatu, ang polusyon sa Manila Bay ay mula sa
mga dumi ng imburnal sa mga bahay, mga nakalalasong kemikal na
umaagos galling sa mga pabrika at ibang industriya, sa operasyon
ng mga barko, at sa leachate mula sa mga tambakan ng basura.
• Sinisimulan na ang natenggang paglilinis ng Manila Bay
• Noong taong 2008 pa lamang iniutos na ng Korte Suprema sa 13
ahensiya ng pamahalaan sa pangunguna ng DENR ang paglilinis ng
Manila Bay.
• Tone-toneladang truck ng basura ang nakokolekta ng mga
volunteers sa paglilinis ng Manila Bay
• Napakatindi ng polusyon sa tubig ng Manila Bay, kung saan
ipinagbabawal na ang paglangoy dahil maaaring magdulot ng sakit
ang simpleng pagkadait dito.

Pamantayan:
Kawastuhan 5
Kaayusan at Kalinawan 5
Gamit ng mga Hudyat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari. 5
15 pts

H. Karagdagang Gawain
1. Ano ang talata?
2. Ano-ano ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng talata?
3. Ano ang kinaibahan ng pamaksang pangungusap sa pantulong
na kaisipan?
V.TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mga mag-aaral na
nakakuhang 80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
Gawain para sa remediation.
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang
ng mga mag-aaral na nakaunawa sa
aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation.

129
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo
ang nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na nasolusyunan sa
tulong ng aking punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking na dibuho na nais kong
ibahagi sa kapwa ko guro?

130
PAARALAN ANTAS 8
GURO ASIGNATURA Filipino

ARAW
BANGHAY-
AT MARKAHAN F 8Q1
ARALIN
ORAS W5D5

I.LAYUNIN
A.Pamantayang Naipamamalas ang mag-aaral ng pag-unawa sa mga
Pangnilalaman akdang pampanitikan sa Panahon ng mga Katutubo,
Espanyol at Hapon
B.Pamantayan sa Nabubuo ang isang makatotohanang proyektong
Pagganap panturismo.

 Naisusulat ang talatang:


- binubuo ng magkakaugnay at maayos
na mga pangungusap
C.Mga Kasanayan sa
- nagpapahayag ng sariling palagay o
Pagkatuto
kaisipan
- nagpapakita ng simula, gitna, wakas
( F8PU-Ig-h-22)

II.PAKSA
 Pagsulat ng isang talata na nagpapahayag ng sariling palagay o kaisipan na
nagpapakita ng simula, gitna at wakas

III. KAGAMITAN
A. Sanggunian:
LM: ______________________
TX: ______________________
LR: Gabay Pangkurikulum p. 154

B. Iba pang kagamitang pampagtuturo:


Biswal, Laptop, Speakers, Internet
https://news.abs-cbn.com/news/02/12/2019/measles-outbreak-
inaasahang- tatagal-hanggang-marso-doh/05/01/2019/1:31PM
https://www.youtube.com/watch?v=xifeY0_Gte4
/05/01/2019/1:31PM

IV. PAMAMARAAN
A. Panimula
Pagpaparinig ng awiting “Tanging Diyos Lamang ang Nakakaalam.” (Maaaring
makita sa link na https://www.youtube.com/watch?v=xifeY0_Gte4)
• Ano ang sinabi sa awit tungkol sa buhay?
• Naniniwala ka ba na kapag may simula ay may wakas?
(Iugnay ito sa tatalakaying aralin.)
B. Pagganyak

131
• Kayo ba nakasulat na ng talata?
• Paano ninyo binubuo ito?

C. Paglalahad
Kahapon napag-usapan natin kung paano ang pagpapalawak ng paksa sa
pamamagitan ng pagbibigay-depinisyon, paghahawig o pagtutulad at pagsusuri.
Gagamitin ninyo ang kaalamang ito sa pagsulat ng isang talata. Kailangan lamang
na magkakaugnay ang mga kaisipan at kakikitaan ng simula, gitna at wakas.
Basahin ang tekstong Tigdas Outbreak sa Pilipinas.

Tigdas o Measles Outbreak sa Pilipinas


Nitong mga nakalipas na buwan ay labis nabahala ang publiko maging
ang gobyerno dahil sa biglaang paglaganap ng Tigdas o Measles Outbreak
hindi lamang sa Metro Manila kundi pati na rin sa ibang parte ng bansa. Dahil
sa pangyayaring ito ay isinusulong ng DOH at ng iba pang sangay ng
gobyerno na paigtingin pa lalo ang sapat na kabatiran ng bawat mamamayan
tungkol sa Tigdas, paraan kung paano ito maiiwasan at mga hakbang na
marapat gawin upang malunasan ang isang taong maaaring makaranas ng
nasabing sakit. Ayon sa DOH, ang tigdas ay nakakahawang sakit na dala ng
measles virus.
Ilan sa sintomas nito ay lagnat,ubo at sipon, namumulang mga mata,
at namumulang mga butlig . Maliban dito ay maari ring magdulot ng mga
komplikasyon ang Tigdas katulad ng pagtatae, pulmonya, at kamatayan ang
naturang sakit, dagdag ng DOH. Kaugnay nito, puspusan na ang hakbang na
ginagawa ng DOH ng mga hakbang katulad ng pagbibigay ng bakuna sa mga
estudyante at pagtuturo ng wastong pangangalaga sa katawan upang
maiwasan ang Tigdas o measles.
(Hango sa https://news.abs-cbn.com/news/02/12/2019/measles-outbreak-
inaasahang-tatagal-hanggang-marso-doh)

C. Pagtalakay ng Aralin
a. Tungkol sa ano ang talatang iyong binasa?
b. Ano ang tigdas o measles ayon sa talata?
c. Saang bahagi ng talata makikita ang pangunahing kaisipan?
d. Alin-alin ang mga pantulong na kaisipan?
Pangunahing Kaisipan

Pantulong na Kaisipan

Pantulong na Kaisipan

Pantulong na Kaisipan

Pantulong na Kaisipan

Pantulong na Kaisipan

132
e. Saan madalas matagpuan ang pamaksang pangungusap?
f. Paano tayo makabubuo ng isang maayos at epektibong talata?

Tukuyin ang pamaksang pangungusap at mga pantulong na kaisipan.

Talata 1
Marami pa rin tayong naririnig na mga nawawalan ng loob sa
pagsasaka. Ang tiis daw na binabata ay nakakalimutan sa panahon ng
pag-aani. Ang hindi nila kaya ay ang bagay na sila’y nauunahan ng
kaaway sa pag-aani, kaya nauuwi sa wala ang inaasam-asam na biyaya.
Ang mga kaaway na ito ay ang mga daga.

D. Paglalahat
• Ano-ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng talata?

E. Paglalapat
• Sumulat ng isang talata kaugnay ng paksang:
Pangangalaga sa Karagatan.
• Salungguhitan ang pamaksang pangungusap. Ang
walang salungguhit ay ang mga pantulong na kaisipan.
• Gamitin ang natutunang teknik sa pagpapalawak ng
paksa.

G. Pagtataya

Ang gawain sa paglalapat ang magiging pagtataya at susundin ang mga


sumusunod na Pamantayan:

Binubuo ng isang talata na may


magkakaugnay at maaayos na 5
pangungusap
Nagpapahayag ng sariling palagay o
kaisipan 5

Nagpapakita ng simula, gitna, wakas


5
KABUOANG PUNTOS 15 PTS

H. Kasunduan
Ano ang mga dapat tandaan sa pagbibigay ng sariling opinyon?
V.TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mga
mag-aaral na

133
nakakuhang 80%
sa pagtataya.
B. Bilang ng mag-
aaral na
nangangailanga
n ng iba pang
gawain para sa
remediation.
C. Nakatulong ba
ang remedial?
Bilang ng mga
mag-aaral na
nakaunawa sa
aralin.
D. Bilang ng mga
mag-aaral na
magpapatuloy
sa remediation.
E. Alin sa mga
istratehiyang
pagtuturo ang
nakatulong ng
lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin
ang aking
naranasan na
nasolusyunan sa
tulong ng aking
punungguro at
superbisor?
G. Anong
kagamitang
panturo ang
aking na dibuho
na nais kong
ibahagi sa
kapwa ko guro?

134
PAARALAN MATAAS NA ANTAS 8
GURO ASIGNATURA Filipino
ARAW
AT MARKAHAN F8Q1W6D1
BANGHAY ORAS
ARALIN

IKAANIM NA LINGGO – UNANG ARAW


I.LAYUNIN
A.Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga
Pangnilalaman akdang pampanitikan sa Panahon ng mga Katutubo,
Espanyol at Hapon.

B.Pamantayan sa Nabubuo ang isang makatotohanang proyektong


Pagganap panturismo
Naibabahagi ang sariling opinyon o pananaw batay sa
C. Mga Kasanayan sa
napakinggang pag-uulat. (F8PN-Ii-j-23)
Pagkatuto
II.PAKSA
Pagbabahagi ng sariling opinyon o pananaw batay sa napakinggang pag-
uulat.

III. MGA KAGAMITAN


I. SANGGUNIAN: TG – 154 ; LM _______ ; TX - “RESCUE KABATAAN
ISINULONG SA TABACO” ni Ma. Sheena Ranara (ANG TANOD – Tomo
LVIII, Hunyo – Set. 2018) LR Portal

B. Iba Pang Kagamitang Panturo: larawan, speaker, Kopya ng teksto

IV. PAMAMARAAN
A. Panimula
Sa araw na ito, layunin ng aralin na kayo ay makapagbahagi
ng inyong sariling opinyon o pananaw batay sa napakinggang ulat.

B. Pagganyak
Ano ang masasabi ninyo tungkol sa Brigada Eskwela?
(Iugnay ito sa aralin) Pgbibigay opinyon ng mga mag-aaral.
C. Paglalahad

Mayroon akong inihandang sorpresa para sa bawat pangkat.


Ang bawat sobre ay naglalaman ng larawan na hinati-hati. Aayusin
ito sa loob lamang ng 1-2 minuto upang mabuo ang larawan.
Pagkatapos iuulat at susuriin ang mga ito ng bawat pangkat. Ang
gawaing ito’y tatawagin nating SURING-LARAWAN.

1. Anong isyung panlipunan ang ipinapahiwatig sa bawat


larawan?

135
2. Ano at paano kaya ninyo ito mabibigyan ng solusyon?

Kaugnay ng mga larawan sa Gawain malalaman natin


ang mga napapanahong isyung panlipunan na maaaring
maging paksa sa gagawing pananaliksik sa susunod na mga
araw.
D. Pagtalakay
o Matapos nating suriin ang mga larawan na nagpapahiwatig ng
mga isyung panlipunan isang balita ang ating pakikinggan.

o Ang Gawaing ito ay tatawagin nating: BALITA KO, OPINYON


MO!

o Bilang bahagi ng gawaing ito ay papangkatin ko kayo sa lima.


Ang balitang pakikinggan ay pinamagatang :. “RESCUE
KABATAAN ISINULONG SA TABACO” ni Ma. Sheena
Ranara (ANG TANOD – Tomo LVIII, Hunyo – Set. 2018)

o Pagkatapos ninyong makinig, ang bawat pangkat ay


magbabahagi ng kani-kanilang opinyon o pananaw. Ibibigay
ng mag-aaral ang mga kaisipang nakapaloob sa napakinggan
sa pamamagitan ng :
Pangkat 1: Pagsasadula o Pagsasatao
Pangkat 2: Talkshow
Pangkat 3: Pagtatalo o Debate
Pangkat 4: Pagtula
Pangkat 5: Pag-awit

o Ang bawat pangkat ay may kinatawan na inaasahang


magbibigay puna at mungkahi sa isinagawang pagtatanghal
ng ibang pangkat.

o Narito ang pamantayan para sa gawaing ito. May gusto ba


kayong idagdag o palitan?
PAMANTAYAN:
Nilalaman ------------------------------------------------ 4
- opinyon o pananaw na batay sa napakinggan)
Pagtatanghal--------------------------------------------- 6
- Boses/tinig (3)
- Ekspresyon (3)

E. Paglalahat

Ano ang mga isinasaalang-alang sa pagbibigay ng opinyon o


sariling pananaw ?

136
F. Paglalapat
Mula sa mga larawang ipinakita kanina. Pumili ng isang
larawan at magbigay ng opinyon o pananaw ukol dito.

G. Pagtataya
. Ang gawain natin sa bahaging ito ay tatawagin nating:
OPINYON KO, PAG-ISIPAN MO!
(Indibidwal na Gawain-PASULAT)
Goal - Sumulat ng opinyon ng napapanahong isyu sa inyong
paaralan na inyong naririnig.
Role - Ikaw ay editor-in-chief ng inyong pahayagang
pampaaralan.
Audience - mga mag-aaral sa inyong paaralan.
Situation - Kailangang mailimbag sa lalong madaling panahon
ang sinulat na opinyon sa inyong pahayagang
pampaaralan.
Product - Sinulat na editoryal.
Standard - Bubuo ang mag-aaral at guro ng pamantayan sa
pagbibigay ng puntos o marka sa sinulat na opinyon sa
pahayagan.

H. Karagdagang Gawain
1. Ano ang pananaliksik?
2. Ano-ano ang mga hakbang sa pananaliksik?
Sanggunian: Pluma p.121-124

V.TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mga
mag-aaral na
nakakuha ng
80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-
aaral na
nangangailanga
n ng iba pang
Gawain para sa
remediation.
C. Nakatulong ba
ang remedial?
Bilang ng mga
mag-aaral na
nakaunawa sa
aralin.
D. Bilang ng mga
mag-aaral na

137
magpapatuloy
sa remediation.
E. Alin sa mga
istratehiyang
pagtuturo ang
nakatulong ng
lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin
ang aking
naranasan na
nasolusyunan sa
tulong ng aking
punungguro at
superbisor?
G. Anong
kagamitang
panturo ang
aking nadibuho
na nais kong
ibahagi sa
kapwa ko guro?

138
PAARALAN ANTAS 8
GURO ASIGNATURA Filipino
ARAW
AT MARKAHAN F8Q1W6D2
ORAS
BANGHAY
ARALIN

I.LAYUNIN
A.Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga
Pangnilalaman akdang pampanitikan sa Panahon ng mga Katutubo,
Espanyol at Hapon.

B.Pamantayan sa Nabubuo ang isang makatotohanang proyektong


Pagganap panturismo
• Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang di
maunawaan kaugnay ng mga hakbang sa
pananaliksik. F8PT-Ii-j-22
C. Mga Kasanayan sa
Pagkatuto • Naipaliliwanag ang mga hakbang sa paggawa
ng pananaliksik ayon sa binasang datos. F8PB-
Ii-j-25

II.PAKSA
Pagbibigay-kahulugan sa mga salitang di maunawaan kaugnay ng mga
hakbang sa pananalikisik.

Pagpapaliwanag ng mga hakbang sa paggawa ng pananaliksik ayon sa


binasang datos.

III. MGA KAGAMITAN


G. F8PT-Ii-j-22SANGGUNIAN: TG – 154 ; LM - _______; TX ________

B. Iba Pang Kagamitang Panturo:


larawan, speaker, Kopya ng pakikinggan

IV. PAMAMARAAN
A.Panimula
Sa araw na ito, layunin natin na mabigyang kahulugan
ang mga salitang di maunawaan kaugnay ng mga hakbang sa
pananalikisik at maipaliwanag ito ayon sa mga binasang datos.

B. Pagganyak
Narito ang isang gawain upang mabatid ang inyong mga
dating kaalaman tungkol sa pananaliksik. Ang gawaing ito ay
tatawaging: SULAT KO, PUNAS MO!

139
Sa pisara may nakasulat na habi at dito ninyo isusulat ang
mga kaugnay na salita tungkol sa pananaliksik.
Handa na ba kayo?

Ganito ang inyong gagawin:


• SULAT KO – Isusulat ng mag-aaral ang kanilang alam na
tungkol sa salitang PANANALIKSIK.
• PUNAS MO – Ipaliliwanag naman ng ibang mag-aral ang
isinulat sa pisara, matapos maipaliwanag ito saka buburahin.

C. Paglalahad
Sa gawaing katatapos pa lamang ay nagkaroon kayo ng
karagdagang kaalaman tungkol sa pananaliksik at malalaman natin
kung ito ay tama matapos nating talakayin ito.

D. Pagtalakay
Kaugnay ng mga kaalamang nabanggit natin kanina. Narito
ang mga hakbang sa pananaliksik na isasaayos na tatawagin nating
: AYOS NA BA?
Hakbang sa Sistematikong Pananaliksik

Paglilimita ng Paksa Paghahanda ng pansamantalang Bibliyograpiya

Pagpili ng Paksa Ang Pagbuo ng Pansamantalang Balangkas

Pagrerebisa Paghahanda ng Iwinastong Balangkas o Final Outline

Pagsulat ng Borador o Rough Draft Pagsulat ng Pinal na Manuskrito

Bigyan ng paliwanag ang inyong naging pagpapasya.

Pansinin natin kung tama ang ginawa ninyong paghahanay ng


mga hakbang batay sa ref. Panitikang Pilipino 8 p. ____
( Kalakip ang hakbang sa sistematikong pananaliksik)

Mula sa mga hakbang sa pananaliksik, alin-alin ang mga


salitang di- pamilyar o di- malinaw sa inyo?

140
E. Paglalahat

Sa kabuuan bakit mahalagang may kaalaman tayo sa


hakbang sa pananaliksik?

F. Paglalapat
Sa nakapaskil sa pisara, hanapin sa lipon ng mga salita ang
may kaugnayan sa hakbang ng pananaliksik na tatawagin nating
HANAP-SALITA at ito ay ipaliwanag.

paksa buod pagsulat pananaliksik


rebisa pormal pagguhit manuskrito
tala pagbasa borador talatanungan
mag-aaral balangkas aklat bibliograpiya

G. Pagtataya
Bigyang kahulugan ang mga sumusunod na hakbang sa
pananaliksik:
1.paksa 2. pagrerebisa 3.balangkas 4.manuskrito

Batay sa sumusunod na mga datos ipaliwanag ang mga


hakbang na gagamitin sa pananaliksik.
a. Epekto ng Paninigarilyo
b. Mga karaniwang dahilan, bakit naninigarilyo ang mmga mag-aaral
c. Mga aspektong naapektuhan sa buhay ng isang mag-aaralna
naninigarilyo
d. Ibat ibang pamamaraan ng pagkontrol ng mga naninigarilyo

H. Kasunduan
Humanap ng video clip na napanood sa youtube o iba pang
pahatid - pangmadla tungkol sa hakbang sa pananaliksik.

V.TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mga
mag-aaral na
nakakuha ng 80%
sa pagtataya.
B. Bilang ng mag-
aaral na
nangangailangan
ng iba pang
Gawain para sa
remediation.
C. Nakatulong ba
ang remedial?
Bilang ng mga

141
mag-aaral na
nakaunawa sa
aralin.
D. Bilang ng mga
mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation.
E. Alin sa mga
istratehiyang
pagtuturo ang
nakatulong ng
lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin
ang aking
naranasan na
nasolusyunan sa
tulong ng aking
punungguro at
superbisor?
G. Anong
kagamitang
panturo ang aking
nadibuho na nais
kong ibahagi sa
kapwa ko guro?

142
PAARALAN ANTAS 8
GURO ASIGNATURA Filipino
ARAW
AT MARKAHAN F8Q1W6D3
ORAS
BANGHAY
ARALIN

I.LAYUNIN
A.Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga
Pangnilalaman akdang pampanitikan sa Panahon ng mga Katutubo,
Espanyol at Hapon.

B.Pamantayan sa Nabubuo ang isang makatotohanang proyektong


Pagganap panturismo
• Naiisa-isa ang mga hakbang ng pananaliksik
mula sa video clip na napanood sa Youtube o
iba pang pahatid pangmadla. F8PD- Ii-j-22
C. Mga Kasanayan sa
Pagkatuto • Nakagagawa ng sariling hakbang ng
pananaliksik batay sa lugar at panahon ng
pananaliksik. F8PS Ii-j-23

II. MGA PAKSA


• Pag-iisa-isa ng mga hakbang ng pananaliksik mula
sa video clip na napanood sa youtube o iba pang
pahatid pangmadla.

• Paggawa ng sariling hakbang ng pananaliksik ayon


sa lugar at panahon ng pananaliksik.
III. MGA KAGAMITAN
H. SANGGUNIAN: TG – 154 ; LM - _____; Updated DHLM, Curr. Guide

B. Iba Pang Kagamitang Panturo: Projector, laptop, speaker

IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral
Balikan natin ang mga sistematikong hakbang sa pananaliksik na
inyong natutunan kahapon.

B. Pagganyak
Bakit kailangan natin ang magsaliksik?
Gusto mo bang matutunan ang pagsaliksik?
C. Paglalahad
Sa araw na ito layunin ng pag-aaral natin na maisa-isa ang mga
hakbang sa pananaliksik mula sa video clip na napanood sa youtube o iba

143
pang pahatid pangmadla upang makagawa kayo ng sariling hakbang sa
pananaliksik.

D. Pagtalakay
Isang video clip ang inyong panonoorin na tatawaging: VIDEO KO,
SURIIN MO!
• Habang nanonood, itala ang mga hakbang na
binanggit habang kayo ay napanood.

• Tatawag ako ng ilang mag-aaral na mag-uulat ng


kanilang naitalang hakbang sa pananaliksik mula sa
napanood na video clip at ihambing ito sa tinalakay.

• Magdaragdag ng input ang guro kung kinakailangan.

E. Paglalahat

Sa kabuuan, sa lahat ng pagkakataon dapat bang sundin ang


hakbang sa sistematikong pananaliksik? Bakit?

Batay sa mga natutuhan mo, kung ikaw ay mananaliksik isasaalang-


alang mo rin ba ang mga hakbang sa pananaliksik? Bakit?

F. Paglalapat
Bukod sa pananaliksik, ano, saan at kailan pa natin masasabing
mahalaga ang pagsunod sa mga hakbang. Magbigay ng mga Gawain na
may mga hakbang na sinusunod. Ilahad sa klase.

G. Pagtataya
Gumawa ng sariling mga hakbang sa pananaliksik na
naaayon sa lugar at panahon ng pananaliksik.

GAWAIN: OPINYON KO, PAG-ISIPAN MO!


(Indibidwal na Gawain-PASULAT)

Goal - Sa gawaing ito bubuo ng hakbang sa pananaliksik tungkol


sa pagkahumaling ng mga kabataan sa online games na
nakakaapekto sa pag-aaral.
Role - Ikaw ay isang Guidance Counsilor at gusto mong malaman
ang sanhi ng pagkahumaling ng mga mag-aaral sa online
games na nakakaapekto sa pag-aaral upang malunasan ang
problema ng inyong paaralan.
Audience - Ang mga mag-aaral, magulang, guro at punongguro.
Situation - Halos araw-araw maraming mag-aaral ang dinadala sa
Guidance office dahil sa cutting classes, pagliban sa klase at
pag-aaway na ang puno’t dulo ay online games.
Product – Sariling Hakbang sa Pananaliksik
Standarad - Bubuo ang mag-aaral at guro ng pamantayan sa

144
pagbibigay ng puntos o marka sa nabuong hakbang sa
pananaliksik.
H. Karagdagang Gawain
Bumuo ng mga tanong na gagamitin sa pananaliksik.
Paksa: Ang Kultura ng mga Tabaquenos.
V.TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mga
mag-aaral na
nakakuha ng 80%
sa pagtataya.
B. Bilang ng
mag-aaral na
nangangailangan
ng iba pang
Gawain para sa
remediation.
C. Nakatulong ba
ang remedial?
Bilang ng mga
mag-aaral na
nakaunawa sa
aralin.
D. Bilang ng mga
mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation.
E. Alin sa mga
istratehiyang
pagtuturo ang
nakatulong ng
lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong
suliranin ang
aking naranasan
na nasolusyunan
sa tulong ng
aking
punungguro at
superbisor?
G. Anong
kagamitang
panturo ang
aking nadibuho
na nais kong
ibahagi sa kapwa
ko guro?

145
PAARALAN ANTAS 8
GURO ASIGNATURA Filipino
ARAW
AT MARKAHAN F8Q1W6D4
BANGHAY ORAS
ARALIN

I.LAYUNIN
A.Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga
Pangnilalaman akdang pampanitikan sa Panahon ng mga Katutubo,
Espanyol at Hapon.

B.Pamantayan sa Nabubuo ang isang makatotohanang proyektong


Pagganap panturismo
• Nagagamit nang maayos ang mga pahayag sa
pagsasaayos ng datos “ una, isa, at iba pa”
( F8WGli-j-23).
C. Mga Kasanayan sa
• Nagagamit sa pagsulat ng resulta ng
Pagkatuto
pananaliksik ang awtentikong datos na
nagpapakita ng pagpapahalaga sa katutubong
kulturang Filipino. (F8PUli-j-23)

II.PAKSA
• Paggamit sa pagsulat ng resulta ng pananaliksik ng awtentikong datos
na nagpapakita ng pagpapahalaga sa katutubong kulturang Filipino.

• Paggamit nang maayos ng mga pahayag sa pagsasaayos ng datos “


una, isa, at iba pa.”

III. MGA KAGAMITAN


A. SANGGUNIAN: TG – 154 ; LM - ____ Mga Taong Nakapanayam, Internet

B. Iba Pang Kagamitang Panturo: Mga Datos na nakalap mula sa isinagawang


pananaliksik Papel, Panulat, Mga Larawan, Laptop/ Cellphone at Connector
IV. PAMAMARAAN
A. Balik – aral
Batay sa tinalakay natin noong nakaraang araw, ano-ano ang mga
hakbang sa pananaliksik?

B. Pagganyak

Paano mo pinahahalagahan ang kulturang Filipino?

C. Paglalahad
Ang layunin natin ngayong araw ay magamit sa pagsulat ang
awtentikong datos na nagpapakita ng pagpapahalaga sa katutubong

146
kulturang Filipino batay sa resulta ng pananaliksik gayundin magamit nang
maayos ang mga pahayag sa pagsasaayos ng nakalap na mga datos.

D. Pagtalakay
Narito ang mga datos.
• Ang mga babae ay minamahal, hindi sinasaktan.
• Sa una, iisipin mong iniinsulto sa kanta ang mga babae.
• Hindi sa lahat ng oras ay isa tayong Maria Clara, Hule o Sisa.
• Minsan, kailangan din nating maging Gabriela, Teresa at
Tandang Sora na maaasahan sa gitna ng Digmaan.
• Mga babaing hindi kailangan ang kalalakihan sa lahat ng oras
sapagkat kayang tumayo sa sariling mga paa.
• Kayong mga Eba, oras na upang mamulat ang ating mga mata.

Batay sa mga datos bumuo ng isang lathalain gamit ang mga pahayag
na una, isa at iba pa.
Suriin kung maayos na nagamit ang mga datos sa binuong lathalain.

1. Tungkol sa ano ang lathalain?


2. Paano ginamit ang mga datos sa paglikha ng lathalain?
Nagamit ba ang mga pahayag sa pagsasaayos ng datos “ una,
isa, at iba pa.
3. Maayos bang nagamit ang mga datos?
4. Magbibigay ng input ang guro ukol sa lathalain.

E. Paglalahat

Paano nakatulong ang mga awtentikong datos na nakalap


mula sa isinagawang pananaliksik at mga pahayag na una, isa at iba
pa sa pagsulat?

F. Paglalapat

Ngayon ay papangkatin natin sa lima ang klase. Ang pamagat ng


ating gawain ay: “ Kultura Mo, Pahalagahan Mo”.

Narito ang mga gabay na susundin:


• Ang bawat pangkat ay susulat ng isang lathalain.
Ang mga datos na nakalap mula sa isinagawang pananaliksik ang gagamitin sa
pagbuo ng lathalain. Gamitin nang maayos ang mga pahayag sa pagsasaayos ng
datos “ una, isa, at iba pa Isaayos ito ayon sa pormat ng pagsulat ng lathalain
(How-To feature? Hal. How to:

• cook adobo?). “
• Gamitin nang maayos ang mga pahayag sa paglalahad.

147
• Mula sa isinagawang pananaliksik, gamitin ang mga larawang-
kuha at idibuho o ianyo ang mga ito ayon sa nais na disenyo.
Gawin ito gamit ang inyong laptop, cellphone at connector.
• Narito ang pamantayan sa pagmamarka. Mayroon ba kayong
nais idagdag o palitan?

G. Pagtataya
Batay sa pananaliksik na ginawa nagamit ba ang mga nakuhang
datos sa pagbuo ng lathalain?
Ang inyong awtput sa paglalapat ay magsisilbing pagtataya sa
araling ito.

• Narito ang pamantayan sa pagmamarka. Mayroon ba kayong


nais idagdag o palitan?

PAMANTAYAN PUNTOS
Gamit ng datos 7
Gamit ng mga pahayag 7
Pagkakaayos/pagkakabuo 3
Naglalarawan ng kulturang Filipino 3
Kabuoan 20
H. Kasunduan
Maghanda sa pagbabahagi sa klase ng inyong awtput na
ginawa. Ipakita ito sa pamamagitan ng powerpoint presentation.
V.TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng
mga mag-aaral
na nakakuha ng
80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng
mag-aaral na
nangangailanga
n ng iba pang
Gawain para sa
remediation.
C. Nakatulong
ba ang
remedial? Bilang
ng mga mag-
aaral na
nakaunawa sa
aralin.
D. Bilang ng
mga mag-aaral
na

148
magpapatuloy
sa remediation.
E. Alin sa mga
istratehiyang
pagtuturo ang
nakatulong ng
lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong
suliranin ang
aking naranasan
na
nasolusyunan sa
tulong ng aking
punungguro at
superbisor?
G. Anong
kagamitang
panturo ang
aking nadibuho
na nais kong
ibahagi sa
kapwa ko guro?

149
PAARALAN ANTAS 8
GURO ASIGNATURA Filipino
ARAW
AT MARKAHAN F8Q1W6D5
ORAS
BANGHAY
ARALIN

I.LAYUNIN
A.Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga
Pangnilalaman akdang pampanitikan sa Panahon ng mga Katutubo,
Espanyol at Hapon.

B.Pamantayan sa Nabubuo ang isang makatotohanang proyektong


Pagganap panturismo
Nailalathala ang resulta ng isang sistematikong
C. Mga Kasanayan sa pananaliksik na nagpapakita ng pagpapahalaga sa
Pagkatuto katutubong kulturang Filipino( F8EPli-j-7).

II.PAKSA
Paglalathala ng resulta ng isang sistematikong pananaliksik na
nagpapakita ng pagpapahalaga sa katutubong kulturang Filipino.

III. MGA KAGAMITAN


A. SANGGUNIAN: TG – 154 ; LM - ______;

B. Iba Pang Kagamitang Panturo Sipi ng datos mula sa isinagawang


pananaliksik. Lathalain na nagtatampok ng pagpapahalaga sa Katutubong
Kulturang Filipino (Powerpoint) ,Laptop ,Flashdrive ,Projector at Monitor

IV. PAMAMARAAN
A.Panimula
Ang layunin ng gawain sa araw na ito ay maipakita ang resulta ng
pananaliksik na isinagawa na nagtatampok ng katutubong kultura ng
mga Filipino.

B. Pagganyak
Nahirapan ba kayo sa paggawa ng pananaliksik? Ipaliwanag ang
inyong sagot.
C. Paglalahad
Ngayong araw ay ipakikita sa atin ng bawat pangkat ang kanilang
nabuong lathalain gamit ang powerpoint presentation
D. Pagtalakay

150
Handa na ba kayo? Tawagin natin ang Unang Pangkat, Ikalawa,
Ikatlo, Ikaapat at Ikalimang Pangkat upang ilahad sa klase ang
ginawang awtput.

Batay sa mga nabuong lathalain ng bawat pangkat, suriin natin


ang inyong mga ginawa ayon sa sumusunod na pamantayan:

Pamantayan sa Pagmamarka (25%):


• Nagamit nang maayos sa mga pahayag ang mga nakalap na
datos mula sa pananaliksik na isinagawa - 10 %
• Ang sulatin ay nagpapakita ng Katutubong Kultura ng mga
Filipino-5%
• Maayos at organisado ang pagkakalahad ng mga datos at mga
larawan kaugnay ng pananaliksik na isinagawa-10%
Kabuoan ----25%

E. Paglalahat
1. Bilang mag-aaral, bakit mahalaga ang kaalaman sa
pananaliksik?
2. Ano-ano ang dapat tandaan sa pananaliksi
F. Paglalapat
Isasagawa ang pag-uulat ng bawat pangkat.
G. Pagtataya

Tanong:
1.Batay sa pananaliksik na isinagawa ninyo, ano-ano ang mga
kaugalian at paniniwala ng mga Tabaqueno kaugnay sa pagdiriwang ng
Kuwaresma?

2.Bakit labis nilang pinahahalagahan ito? Ginagawa pa ba ito ng


mga tao sa kasalukuyan? Bakit?

Batay sa inilahad na mga lathalain, narito ang Rubrics sa

Pagmamarka:
Puntos Deskripsyon

24-25 - Napakahusay
20-23 - Mahusay
15-19 - Di- Masyadong Mahusay
10-14 - Kailangan Pang Paunlarin ang Lathalain
1-9 - Hindi Mahusay ang Pagkakabuo ng Lathalain

H.
Maghanda sa Unang Markahang Pagsusulit
.

V.TALA
VI. PAGNINILAY

151
A. Bilang ng mga
mag-aaral na
nakakuha ng 80%
sa pagtataya.
B. Bilang ng mag-
aaral na
nangangailangan ng
iba pang Gawain
para sa remediation.
C. Nakatulong ba
ang remedial?
Bilang ng mga mag-
aaral na nakaunawa
sa aralin.
D. Bilang ng mga
mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation.
E. Alin sa mga
istratehiyang
pagtuturo ang
nakatulong nang
lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin
ang aking
naranasan na
nasolusyunan sa
tulong ng aking
punungguro at
superbisor?
G. Anong
kagamitang panturo
ang aking nadibuho
na nais kong
ibahagi sa kapwa
ko guro?

152
F8Q1W6D1
Naibabahagi ang sariling opinyon o pananaw batay sa napakinggang pag-uulat.
(F8PN-Ii-j-23)
PAGTALAKAY
Kalakip 1
RESCUE KABATAAN ISINULONG SA TABACO (2 minuto)

Isinusulong ng pamahalaang lungsod ng Tabaco ang Rescue Kabataan


bilang tugon sa mga suliraning kinakaharap ng mga tinaguriang pag-asa ng bayan.
Sa paglulunsad ng nasabing programa sa Tabaco National High School
noong Agosto 28, 2018. Ipinaliwanag ni konsehal Sheina Marie Onrubia ang
mahalagang papel na ginampanan ng mga kabataan sa komunidad.
Dagdag pa niya, magiging daan ang RK upang makatulong at makalahok
ang mga kabataan sa pagpapaunlad ng lipunan.
Layuning tuldukan ng youth empowerment program na ito ang lumawak na
problema ng mga kabataan sa droga, bisyo, maling relasyon, depresyon, suicide
at pornograpiya na mga pangunahing dahilan ng pagkasira ng kanilang
kinabukasan.
Mahigit 600 mag-aaral ng TNHS mula sa ikasiyam na baitang ang unang
benepisyaryo ng programa na pinangungunahan ng Tabaco City Gender and
Development Office sa tulong ng mga youth ambassador at mga volunteer-
facilitator.
Ang mga hinirang na youth ambassador ng lungsod noong nakaraang taon
ang mangunguna sa pagpapalaganap ng programa.
Mabibigyan naman ng pagkakataong dumalo sa mga seminar ang mga
benepisyaryo kung saan huhubugin ang kanilang pagkatao.
Kapag nakompleto na nila ang mga yugto ng pagsasanay ay maaari na rin
silang magsilbi bilang rescuer.
Una nang pinuri ng United Nations ang Rescue Kabataan bilang isa sa mga
natatanging youth formation program.
Sa katunayan, pinagtibay pa ito ng National Youth Commission at
Kagawaran ng Edukasyon dahil sa malaking tulong nito sa mga kabataang
nangangailangan ng paggabay.

F8Q1W6D4

153
• Nagagamit nang maayos ang mga pahayag sa pagsasaayos ng datos “
una, isa, at iba pa”
( F8WGli-j-23).
• Nagagamit sa pagsulat ng resulta ng pananaliksik ang awtentikong datos
na nagpapakita ng pagpapahalaga sa katutubong kulturang Filipino.
(F8PUli-j-23)

PAGTALAKAY
Kalakip 2
Ang lathalain katulad ng balita ay hindi lamang isinusulat upang
magpabatid kundi lalong pa nitong pinalalawak ang impormasyon sa
pamamagitan ng kawili-wiling pamamaraan. Ito nagdaragdag at
nagpapatingkad ng kulay at buhay sa pahayagan kaya ang istilo ay
nakasalalay sa malikhaing isipan ng manunulat.

Narito ang ilang mahahalagang bagay na dapat ninyong tandaan ukol sa


lathalain:

Katangian ng Lathalain:
1. Timeless
2. May kaisahan
3. Kaugnayan
4. May kawilihan

Bahagi ng Lathalain:
A. Pamagat
B. Panimula
C. Katawan
D. Wakas

Mga Maaaring Gawing Pamagat ng Lathalain:


1. Katanungan
2. Isang Kataga o Salita
3. Isang Parirala
4. Deskripsyon

Uri ng Lathalain:
1. Pabalita
2. Pangkatauhan
3. Nagpapabatid
4. Pangkasaysayan
5. Pakikipanayam
6. Panlibang
7. Pansariling Karanasan

154
F8Q1W6D5
Nailalathala ang resulta ng isang sistematikong pananaliksik na
nagpapakita ng pagpapahalaga sa katutubong kulturang Filipino( F8EPli-j-7).

PAGTALAKAY
Kalakip 1

Ang lathalain katulad ng balita ay hindi lamang isinusulat upang


magpabatid kundi lalong pa nitong pinalalawak ang impormasyon sa
pamamagitan ng kawili-wiling pamamaraan. Ito nagdaragdag at
nagpapatingkad ng kulay at buhay sa pahayagan kaya ang istilo ay
nakasalalay sa malikhaing isipan ng manunulat.

Narito ang ilang mahahalagang bagay na dapat ninyong tandaan ukol sa


lathalain:

Katangian ng Lathalain:

5. Timeless
6. May kaisahan
7. Kaugnayan
8. May kawilihan

Bahagi ng Lathalain:

E. Pamagat
F. Panimula
G. Katawan
H. Wakas

Mga Maaaring Gawing Pamagat ng Lathalain:

5. Katanungan
6. Isang Kataga o Salita
7. Isang Parirala
8. Deskripsyon

Uri ng Lathalain:

8. Pabalita
9. Pangkatauhan
10. Nagpapabatid
11. Pangkasaysayan
12. Pakikipanayam
13. Panlibang
14. Pansariling Karanasan

155

You might also like