You are on page 1of 8

Pasulong o Paurong? (Col.

2:1-7)

Derick Parfan

4 years ago

Advertisements

sprout-316127_640Last week pinagusapan natin ang tungkol sa Christian ministry. At mahalaga iyon, na
tumutulong ka sa iba para mas makilala nila si Cristo. Pero wag mong iisiping ang ministry ay tungkol lang
sa mga activities, na komo busy ka ayos na. Na komo marami ka nang ministry experiences mature ka na.
Sabi ni Paul Tripp, “Ministry success always says more about the Lord we serve than it does about us.
Ministry success is not a valid measuring instrument of our maturity.”

Ang kausap dito ni Paul Tripp ay ang katulad naming mga pastor. Last Sunday lang, nagpreach ako at
inencourage ko kayo na magpatuloy sa ministry, kahit mahirap. Pero that same day, nandoon ang
discouragement sa akin at napatanong ako sa sarili ko, “Sulit nga ba ang mga ginagawa ko sa ministry?”
May mga times na I’m serving the church, pero kulang naman ang servanthood ko sa family ko.
Tinuturuan ko kayong magpray, pero feeling ko kulang na kulang pa rin ang prayer life ko.

Hindi lang sa mga pastor. Sa inyo din. Nagtuturo ka sa Sunday School, pero ang mga anak mo di mo
naman natuturuan. May pinapayuhan ka na mag-asawa, pero ang asawa mo naman hindi masaya sa
ginagawa mo. You’re leading worship, pero ang personal devotion mo naman malamig na malamig.
You’re teaching the Bible, pero kung magbasa ka ng Bible kapag nagpeprepare lang ng lessons.

Nakalulungkot, merong disconnect sa ministry natin at sa personal maturity natin. Dapat ang ministry,
overflow or reflection ng maturity. Pero hindi laging ganoon. Sabi pa ni Paul Tripp, “Sadly, when you let
experience tell you that you are mature when you are not, you quit being committed to change because
you don’t think it’s needed.” Lahat tayo kailangan natin ng change, ng growth sa maturity. Walang
exempted. Ang goal nga ng ministry, sabi ni Paul, “That we may present everyone mature in Christ”
(1:28). Ang hirap naman kung ang iba natutulungan mong magmature, tapos ikaw hindi.

Christian Maturity is Christ-Centered (Col. 2:3)


Dito sa Colossians 2:1-7, bibigyang paliwanag ni Paul kung ano ang ibig sabihin ng “mature” o paanong
masasabing we are growing in maturity. Akala kasi natin ang maturity nakukuha sa mga paggawa ng mga
listahan ng mga dapat gawin at di dapat gawin. O kaya ay sa pamamagitan ng seven steps to maturity. Oo
nga’t may mga sinabi dito si Paul na dapat gawin, ang pangunahin ay sa verse 6, “walk in him.” Ibig
sabihin, mamuhay tayo na naaayon sa pagkakilala natin kay Cristo.

Paul’s view of maturity in the Christian life is radically Christ-centered. At di naman nakapagtataka lalo na
kung napakinggan n’yo ang sabi niya sa 1:15-20 tungkol sa absolute supremacy and sufficiency of Christ
in all things.

Sa dulo ng verse 2, ipinakilala ni Paul na si Jesus ang “God’s mystery” (na napag-usapan na rin natin last
week). Siya ang katuparan ng plano ng Dios. Siya ang nasa sentro ng pagpapakilala ng Dios. Siya ang
climax ng biblical history of redemption. So, Christian maturity is growing deeper in Christ, iyon bang mas
nakikilala mo siya, mas siya na ang nagiging sentro. Kaya nga ang sentro ng passage natin ay nasa verse 3,
“Si Cristo ang pinagmumulan ng lahat ng karunungan at kaalaman.” Sa ESV, “in whom are hidden all the
treasures of wisdom and knowledge.”

Kinokontra ni Paul ang mga false teachers na nagsasabi sa Colossians ng mga pilosopiya at katuruan na
kailangan nilang malaman para malubos o maging sapat ang karanasan nila spiritually. Na para bang
merong higher o deeper knowledge.

Ang pangako ng Dios, ibibigay niya sa atin ang karunungan, ang dapat nating malaman para
makapamuhay nang maayos, “if you seek it like silver and search for it as for hidden treasures” (Prov.
2:4). Ang wisdom na ito ay walang iba kundi si Cristo. Tinawag siya ni Pablo na “wisdom of God” (1 Cor.
1:24), “wisdom from God” (v. 30). “In these last days he has spoken to us by his Son” (Heb. 1:2).

Siya ang salita ng Dios (John 1:1). Lahat ng kailangan nating malaman para magmature sa Christian life,
nakay Cristo. At lahat ng kailangan nating malaman tungkol kay Cristo, nasa Bibliya. Kailangan nating
basahin ang Bibliya na para bang naghuhukay para sa isang nakabaong kayamanan. Pag-isipan natin,
pagbulayan natin ang salita ng Diyos at isipin kung paano natin makikilala nang mas malalim ang
Panginoong Jesus.

“Whatever progress we make in our Christian lives – whatever going onward, whatever pressing forward
– the direction will always be deeper into the gospel, not apart from it, or aside from it” (Tullian
Tchividjian). “We must never lose sight of the cross. True maturity will take us deeper into the gospel of
Christ crucified, but never beyond it” (ESV Gospel Transformation Bible notes). So, susukatin natin ang
maturity natin hindi sa dami ng ginagawa natin, o spiritual activities natin, o church involvement natin,
kundi sa klase ng relasyon na meron tayo kay Cristo. True Christian maturity is Christ-centered.

Hahatiin ko sa tatlong bahagi ang pagtalakay natin sa text ngayon: verses 1-2, then verses 4-5, then
verses 6-7. At sa bawat bahagi, ang unang verse ay nagpapakita ng paraan na ginagawa ni Pablo para sa
kanilang maturity (means toward maturity), at ang susunod na verse ay ang mga katangian ng isang
lumalago sa maturity (marks of maturity).

Praying for Maturity (Col. 2:1-2)

Sa verse 29, sinabi na niyang hindi madali ang ministry. Mahirap. “For this I toil, struggling…” Matrabaho.
Nakakapagod, hindi lang physically lalo na emotionally. Kasi tao ang involved, puso ang problema. Kaya
messy. Ipinaliwanag niya sa chapter 2, verse 1 kung ano ang paghihirap niyang ito: Nais kong malaman
n’yo kung gaano kalaki ang paghihirap ko para sa inyo, ganoon din sa mga nasa Laodicea at sa lahat ng
hindi pa nakakakilala sa akin nang personal. Ang “struggling” na tinutukoy sa nakaraang verse ay galing
sa salitang agonizomai. Dito naman sa verse 1, ang “paghihirap” o “struggle” (ESV) ay galing sa agon.
Pareho lang na dito galing ang salitang agony. Parang isang wrestler na nakikipaglaban. Parang isang
babaeng naglelabor sa panganganak. Parang isang laban na kailangang maipanalo, isang karerang dapat
na matapos, isang giyerang di dapat sumuko. Ito ang view ni Paul ng Christian life. Hindi pa-easy-easy.
Kaya nga sabi niya kay Timothy, “Fight the good fight (agon) of faith” (1 Tim. 6:12). Sabi din niya sa
bandang dulo ng buhay niya, “I have fought the good fight (agon), I have finished the race. I have kept
the faith” (2 Tim. 4:7).

Pero dito, hindi lang para sa sarili niya ang laban, kaya mas matindi. “How great a struggle I have for
you…” (ESV). Para din sa mga taga-Colosas. Grabe ang pag-ibig ni Paul dito para sa church. Di pa naman
niya nakikita at nakikilala nang personal ang mga tao dito. Pero ganoon na katindi ang concern niya sa
kanila. Hindi lang para sa kanila, kundi para din sa mga taga-Laodicea at sa iba pang churches na hindi
niya na-meet personally. Ang Laodicea ay pinakamalapit na city sa Colosas, 14.5 km lang ang layo. Ayon
sa Col. 4:12-13, may ministry din si Epaphras dito, pati sa Hierapolis. So, maganda ang relationship ng
mga churches dito. Sabi nga ni Paul basahin din dito ang sulat niya sa Colosas at itong mga taga-Colosas
basahin din ang pinadala sa Laodicea (4:16).

Kung hindi pa nakikita ni Paul itong mga Colossians, anong klaseng “struggle” ang meron siya para sa
kanila at ganoon na lang katindi ito? I believe it has something to do with prayer. He is praying hard for
them. Paano ko nasabi? Ganito din naman kasi ang ginagawa ni Epaphras na leader nila, na malamang ay
natutunan din niya kay Paul. Heto ang description niya kay Epaphras sa Col. 4:12, “always struggling on
your behalf in his prayers, that you may stand mature and fully assured in all the will of God.”

Matinding panalangin. Mahalaga nga ang face to face at personal ministry. Pero para kay Paul at
Epaphras, mas mahalaga ang prayer ministry. Ito ang dapat na buhusan ng oras at effort ng lahat ng
pastor at lingkod ng Panginoon. In prayer, we recognize that transformation is possible only through the
work of the Spirit (Gal. 5:22-23; 2 Cor. 3:18). Kailangan nating ipagpray mabuti – mas mahabang oras,
mas seryoso, mas matiyaga – ang sarili nating maturity at ang maturity ng mga kapatid natin kay Cristo.
Hindi lang sa sarili nating church, kundi para sa mga kapatid natin na nasa ibang churches hanggang sa
ibang bansa. We have not fully realized how much ministry we can do by bowing on our knees in prayer
for others.

Bilang pastor n’yo sa loob ng anim na taon, may ilan na rin ang talagang iniiyak ko sa panalangin. And I
will make sure that I’m regularly praying for you. Pero alam ko rin na I’m not praying enough. Madalas
tingin ko sa office ko, place where I can concentrate to study and prepare sa mga sermons at teachings
ko para sa inyo. Pero ngayon, pinarerealize sa akin ng Panginoon, my office is a place where I need to
struggle in prayer for you all. Parang labor room, where I can cry out to God to help you grow in maturity.

Ang prayer ni Epaphras (4:12) para sa Colossians ay para sa kanilang maturity. Ganoon din si Paul sa
verse na ‘to. Anu-anong ang pinagpray niya na makitang marks of maturity sa kanila? Verse 2, Ginagawa
ko ito para palakasin lahat ang loob n’yo at pag-isahin kayo sa pag-ibig. Sa ganoon, malalaman at
mauunawaan n’yo nang lubos ang lihim na plano ng Dios tungkol kay Cristo.

Lakas ng loob. “That their hearts may be encouraged.” Puso ang target dito. Maturity is a heart issue.
Ang puso kasi natin ang seat of emotions, dito rin galing ang mga desires natin na siyang nagtutulak ng
mga decisions na ginagawa natin. Maraming temptations. Maraming pressures. Madali tayong bumigay
at madiscourage sa mga problema. Kailangan ng encouragement. Saan manggagaling? Pwede ka sa tao
tumingin, pero kulang pa rin. Pwede sa sarili, pero makikita mo rin ang mga kapalpakan at kahinaan mo.
Ang encouragement natin sa Dios nanggagaling. He is the God of all comfort (2 Cor. 1:3-5). Isang sign na
we are growing in maturity ay kapag sa oras ng discouragement at anxieties, sa Dios tayo nakatingin at
humihingi ng tulong.

Pag-ibig at pagkakaisa. “Being knit together in love.” Kapag solo flight ka sa Christian life, you are not
growing in maturity. Again, hindi ibig sabihin na kapag madalas ka sa mga church gatherings, mature ka
na. Pero iyon bang nararamdaman mong increasing ang love mo para sa mga kapatid. Iyon bang
nararamdaman mo na mas tumitindi ang nais mong makiisa para sa misyon ng church, sa
pakikipagtulungan at sa damayan sa pangangailangan. Inaalis sa iyo ng Dios ang pagiging self-centered
kung mas iniisip mo na ang kapakanan ng iba nang higit sa sarili mo.

Katiyakan. “All the riches of full assurance…” Madali tayong maging worried sa mga haharapin natin
bukas. Baka kulang pa ang alam natin. Baka kulang pa ang pera natin. We are worried about lack of
knowledge and riches. Pero ang sign of maturity, iyon bang unti-unting tumitibay ang kumpiyansa mo sa
haharapin mong bukas dahil alam mong sapat na ang alam mo, sapat na ang meron ka. Bakit? Dahil na
sa iyo na si Cristo, kilala mo na siya, at siya ay sapat at higit sa lahat. Siya iyong “God’s mystery.” Hindi na
tayo ignorante kung kilala natin si Cristo. Hindi na tayo kapos-palad kung nasa atin si Cristo. You are
maturing kapag naniniwala ka na kahit mahirap ka, pinakamayaman ka, at kahit na di ka edukado,
pinakamarunong ka. Dahil kay Cristo. “Let the weak say I am strong. Let the poor say I am rich. Because
of what the Lord has done for us.”

Warning Against Hindrances to Maturity (Col. 2:4-5)

Paulit-ulit na paalala. Verse 4, Sinasabi ko sa inyo ang mga bagay na ito para hindi kayo malinlang
ninuman sa pamamagitan ng magagaling nilang pangangatwiran. Mula pa simula ang sinasabi niya ay
tungkol kay Cristo at kung ano ang buhay na nakay Cristo. “Him we proclaim, warning and teaching
everyone…” (Col. 1:28). Itinuturo niya kung ano ang totoo, kung sino si Cristo. Ipinapaalala niya ang alam
na nila pero may tendency na makalimutan. May babala din, para malaman nila kung naliligaw na sila at
mapapahamak kung magpapatuloy.

“Para hindi kayo malinlang…” Ito ang ayaw niyang mangyari para sa kanila. Magagaling kasi sa katuwiran
at argumento ang mga false teachers. Magaling magsalita. Magaling mambola para makabenta kumbaga.
Pero para kay Pablo, madaling madetect kung mali ang turo. Anumang turo na nagpapababa kay Cristo,
na lalabas na para bang kinokontra ang kanyang supremacy and sufficiency, maling aral iyon at d

Kaya dito sa chapter 2, paulit-ulit ang mga paalala niya sa kanila. Verse 8, “Ingatan ninyong huwag kayong
madala ng walang kabuluhan at mapandayang pilosopiya.” Verse 16, “Huwag na kayong padadala sa mga
taong nagsasabi sa inyo kung ano ang hindi dapat kainin o inumin, o kung ano ang dapat gawin tuwing
kapistahan, pagsisimula ng buwan, o Araw ng Pamamahinga.” Verse 18, “Huwag kayong padaya sa mga
taong humihikayat na kailangan ninyong pagkaitan ang sarili n’yo at sambahin ang mga anghel.”
Pinapaalalahanan silang wag makinig at sumunod sa mga aral na “batay lang sa mga utos at turo ng mga
tao” (v. 22) at hindi sang-ayon at nakasentro kay Cristo.
Maganda na ang simula ng mga Colossians. Ipinagpasalamat na niya ito sa chapter 1 (1:3-5). Kaya ayaw
niyang magulo pa sila ng mga false teachers. Verse 5, Kahit wala ako riyan sa inyo, lagi kayong nasa isipan
ko. At masaya ako dahil maayos ang pamumuhay n’yo at matatag ang pananampalataya n’yo kay Cristo.
Kahit na wala siya sa kanila, hindi nag-aalala si Pablo. Tiwala siya sa pagkilos ng Dios in response sa mga
prayers niya. Tiwala din siya na sa pamamagitan ng sulat na ito, mapapaalalahanan sila. Kaya kahit na
nasa kulungan siya, may reason siya na magsaya. Dahil nakikita niya ang pagkilos ng Panginoon at ang
resulta ng mga paghihirap niya sa paglilingkod, mga buhay na nabago at lumalago sa Panginoon (1:3, 24).
At ang hope niya ay magpatuloy ang magandang nasimulan sa kanila at wag guluhin ng mga false
teachers.

Payapang kalooban. O “maayos” na “pamumuhay,” “good order” (ESV). Kapag walang mga wolves,
payapa ang mga tupa. Kapag maraming panggulo, magulo. Pero di magiging magulo kung alam natin ang
papakinggan natin. Kung baga sa isang army, nakaayos sa battle formation, kasi alam mo ang command
ng general. Kahit iba iba sinasabi ng ibang sundalo o low ranking officers at taliwas sa commanding
general, di mo na sasabihing, ang gulo naman, nalilito na ko. Kasi alam mo ang chain of command. Kapag
sinabing good order o maayos na pamumuhay, hindi ibig sabihing walang gulo o problema. Pero sa kabila
ng kaguluhan at ingay sa paligid, nananatili kang nakatingin at nakikinig kay Cristo.

Tibay ng dibdib. O “matatag” na “pananampalataya,” “firmness of faith” (ESV). At kung may magthreaten
man sa iyo dahil sa conviction at faith mo sa Panginoon, di ka matitinag. Kahit mabitag ka ng kaaway at
sabihing bumaligtad ka na, di mo gagawin. Kahit sa hirap ng buhay, di mo ikukumpromiso ang faith mo.
Kahit ang mga tao sa paligid mo walang paki kay Cristo, mananatili lang faithful sa kanya. Kahit ang ibang
tao kung saang-saang patalim kumakapit, ikaw nananatiling kay Cristo at sa kanyang salita nakakapit at di
na bibitaw. I have decided to follow Jesus. No turning back. No turning back.

A Call to Action toward Maturity (2:6-7)

Patuloy na pagsunod. Verse 6, Dahil tinanggap n’yo na si Cristo bilang Panginoon, mamuhay kayo nang
karapat-dapat sa kanya. Sino ang sinusunod natin? “Christ Jesus the Lord” (ESV). Si Cristo ay Dios. Siya
ang lumikha sa atin. He has unlimited power. Si Jesus ay tao. Tulad natin. Pero walang kasalanan.
Perpektong nakasunod sa Ama. Siya ang Tagapagligtas natin at Tagapamagitan natin sa Dios. Siya ang
Panginoon ng lahat. Pati ng buhay natin. Dahil tinanggap na natin siya, ang buhay natin ay hindi na para
sa sarili natin kundi para sa kanya. Merong iba ang akala, ang pagiging Christian basta nakapagpray ka ng
“sinner’s prayer” or “prayer of acceptance” o basta nakapagpabaptize ka OK na iyon. Pero di naman
nagpapatuloy sa pagsunod.
Kaya sabi ni Paul, “Walk in him” (ESV). Ang pagiging Christian hindi lang sa simula. Nagpapatuloy sa
buong buhay. Hindi 100 meter dash kundi habang buhay na marathon. Christian maturity is not about na
event, kahit gaano ka-high spiritually ang experience mo. It is an arduous journey. A messy process of
molding us to Chrislikeness. Walk in him. Kasama si Cristo, nakakabit kay Cristo. Abiding in Christ. Not
independent. Sa family, sa decisions, sa love life, sa lahat-lahat. This is how we walk in him and in a
manner worthy of the Lord (1:10). We submit every area of our life under his lordship. We recognize that
he is supreme over all and sufficient in all things.

Sa verse 7, ipinakita ni Pablo ang katangian ng isang lumalago sa maturity: Lumago kayo at tumibay sa
kanya. Magpakatatag kayo sa pananampalataya na itinuro sa inyo, at maging mapagpasalamat din kayo.
Bagamat pautos ang salin dito, sa literal ay descriptions ito ng isang Cristianong lumalakad o namumuhay
na kasama ni Cristo. Sa ESV, “rooted and built up in him and established in the faith, just as you were
taught, abounding in thanksgiving.”

Pagdepende kay Cristo. “Rooted…in him.” Parang puno. Di nabubuhay nang walang ugat na nakakapit sa
lupa. Nasa lupa ang buhay natin. Nakay Cristo. We grow in maturity as we rely on the sustaining life of
Jesus. “Built up in him.” Para namang building o bahay. Matibay ang structure – pundasyon, poste, biga,
pader. Di pa tapos ang construction project. Under renovation pa. Si Jesus ang pundasyon. Siya rin ang
engineer, architect, at owner. Lumalago ka kung ang disenyo at porma ng buhay mo ay ayon sa kanya.
Hindi na sa sarili mong diskarte.

Matatag na pananampalataya. “Established in the faith, just as you were taught.” Parang sa school. Sa
simula ABC at 123. Pero habang tumatagal mas magiging aral ka. Sa Christian life we are lifelong learners
(Heb. 6:1). Walang graduation. Wala ding shifting at pagpalit ng course. Our goal is to go deeper into the
gospel. Yan ang imamaster natin. Yun bang everyday narerealize mo na kailangan mo si Jesus at mas
tumitibay ang tiwala mo sa kanya. Kung aral ka, di ka maloloko basta basta.

Pasasalamat. “Abounding in thanksgiving.” This is another mark of maturity. Kasi kapag nagpapasalamat
ka, di mo inaangkin ang credit sa sarili mo. You recognize ang tulong sa iyo ng iba. Sa Christian life, biyaya
ng Dios ang nagligtas sa atin, nagpapalakas sa atin at titiyak na matatapos natin ang laban at mararating
ang finish line. Nagpapasalamat tayo sa Dios dahil doon. At sa mga tao rin na ginagamit niya para lumago
tayo.

Are you growing in maturity?


Sa paglalakbay natin sa first seven verses ng Colossians 2, malinaw na naimpress sa atin ang deep
concern ni Paul para sa spiritual maturity ng mga Christians. Ang main concern niya ay hindi kung gaano
karami na ang alam nila, o kung gaano na sila ka-busy sa ministry. Kundi kung namumuhay ba sila na
nakadikit at nakakapit kay Cristo. To this end, I want to ask you a series of questions.

Are you growing in maturity? Nakikita mo ba sa sarili mo ang mga marka ng isang Cristianong lumalago
sa maturity? May pagsulong ba? O tumatanda kang paurong? Lumalalim ba ang pagkakilala mo kay
Cristo? Mas naiinlove ka ba sa kanya? Mas nasesense mo ba ang pangangailangan mo sa kanya araw-
araw? O di man lang siya sumasagi sa isip mo? Kinukuha mo ba sa kanya ang lakas ng loob na kailangan
mo para harapin ang mga hamon ng buhay? Nababawasan ba ang self-centeredness mo at nag-iincrease
ang pag-ibig mo sa mga kapatid sa Panginoon? Mas nagiging sabik ka bang makiisa sa misyon ng church?
Sa kabila ng mga kaguluhan sa paligid mo, payapa ba ang kalooban mo? O palagi kang nag-aalala o
nababalisa? Tumitibay ba ang dibdib mo o madalas ka pa ring pinaghaharian ng takot sa haharapin mo
bukas? Mas nagiging dependent ka ba kay Cristo sa lahat ng aspeto ng buhay mo? Tumatatag ba ang
pagtitiwala mo sa mga pangako niya? Palagi ka bang nagpapasalamat sa kanya?

Are you using the means toward maturity? Do you take responsibility sa sarili mong maturity? Gaano
katindi ang panalangin mo para sa puso mo? Para naman sa iba? Gaano mo kadalas binabasa ang
Bibliya? Tuwing kailan mo inaalala ang ginawa ni Cristo para sa iyo at ang mga pangako ng Dios para sa
iyo? O kinakalimutan mo na? Nagpapatuloy ka ba sa pagsunod kay Cristo bilang Panginoon? O wala ka
man lang ginagawang aksyon para matiyak na bawat bahagi ng buhay mo ay nakasubmit sa kanya?

Maraming tanong na kailangan nating sagutin para sa sarili natin. Ganito kaimportante ang maturity
natin para sa Panginoon. We must pay attention to this.

You might also like