You are on page 1of 3

ANG MGA SUMUSUNOD AY GUIDE PARA MAGAWA NG MAAYOS

ANG INYONG MAGSAYSAY GLOBAL RESUME:


I.

1. NAME :
Maari lamang na isulat ang inyong buong pangalan sa format na (Given Name
/ Middle Name / Surname) Hwag po kayo maglalagay ng Middle Initial.
Kailangan po Buo at kompleto ang pagkakasulat ng pangalan.
2. ADDRESS:
Ang tirahan po na kailngan ilagay ay ang permanenteng tirahan. Ibig sabihin,
ito ang tirahan na inyong kinalakihan kasama ang inyong pamilya.
3. Contact Number:
Ilagay po ang inyong aktibong contact number kung saan maari at mabilis
kayong makokontak.
4. Email Address:
Ilagay po ang inyong aktibong Email Address kung saan may access kayo pra
sa mga Emails na maaari naming i-send sa inyo.

II.

Personal Information:

1. Lahat po ng mga nakapulang sulat, ito po ang mga detalye na kailngan


ninyong palitan ng sarili ninyong detalye. Lahat po ng nakasulat sa MGSI
Resume Format ay halimbawa lamang po upang kayo ay magkaroon ng ideya.

III.

Education Background:

1. College:
 Ito po ay para sa may Kursong Apat na taon. Kung ikaw ay nakatuntong
ng kolehiyo at ang kurso na iyong kinuha ay may apat na taon, ngunit
hindi ito natapos, lagyan mo lng ito ng (Incomplete) or (Complete) kung
ito naman ay iyong nakompleto.
 Kung ang iyong kurso naman na kinuha ay hanggang 1, 2 or 3 taon
lamang, imbis Tertiary palitan mo lamang ito ng Vocational. Ilagay
lamang din kung ito ay (complete) or (Incomplete)
2. High School:
Kung ikaw naman ay hindi nakatuntong ng kolehiyo at Highschool lamang ang
iyong natapos, maaari lamang na burahin ang sector ng Tertiary.

3. Elementary:
Ang elementary ay ang detalye na kailangan nung kayo ay elementarya.
IV.

Trainings and Seminar Attended

1. Ang detalye na kailangan dito ay ang detalye na mangagaling sa inyong


Certificate of Completion. Ito po ang unang ipinapaliwananag sa inyo bago
kayo mainterview ng isa sa mga representative ng Magsaysay Global.
 Kung kayo ay Wala pang Certificate of Completion (COC) ngunit mag
papaindorso kayo sa Training Center na Inofer ni Magsaysay Global,
Maaari lamang na ilagay sa DURATION ATTENDED ang AWAITING FOR
RELEASE.

V.

QUALIFICATIONS:

1. Ang detalye na kailangan ilagay dito ay ang Date Issuance na nakaasaad sa


inyong NCII Domestic Work. Makikita ito sa bandang baba sa kanan ng inyong
NCII. Siguraduhin lamang na ito sa Domestic Work na.
2. Kung ang Inyong NCII ay Household Services pa at kailangan pa ninyong ipa-
convert or papalitan sa Tesda para maging dometic work, lagayan na lamang
sa DATE ISSUED ang AWAITING FOR RELEASE.

VI.

WORK EXPERIENCES:

1. Employer/Company Name:
Ito ay pangalan ng kumpanya na inyong pinagtrabahuan or ng Employer na
inyong pinagsilbihan.

2. Work Location:
Kung saang bansa kayo nagtrabaho . LOCAL OR INTERNATIONAL

3. Job Position:
Ito ay ang inyong position sa kumpanyang pinsukan or Employer na
pinagsilbihan.

4. Work Duration:
Ito ay ang haba ng inyong paninilbihan sa isang kumpanya or sa Employer na
inyong pinagsilbihan.
5. Duties and Responsibilities:
Ito mga reponsibilidad or mga Gawain na inyong ginagawa sa kumpanya or sa
Employer na inyong pinagsibihan.

 Maari lamang na ilagay ang at least 3 working experience na meron


kayo. Kahit ang dalawang Work experiences ay hindi konektado sa
inyong inaaplyan at kahit wala itong patunay na certificate. Siguraduhn
lamang na nagtagal kayo dito ng 6 na bwan or higit pa.

VII.

1. Hwag kalimutan pirmahan sa ibabaw ang inyong pangalan.

VIII.

 Sa pinakahuling pahina ng inyong resume ay kailangan ang inyong Full


Body Picture. Ang Size ng litrato ng ito ay 3R at dpat puti ang
background. Ang inyong suot ay ang uniporme na kailangan bago mag
simula ng training sa Magsaysay.
 Puti na poloshirt
 Itim na Blazer
 Black Slocks (hindi ito hapit sa inyong hita/legs)
 Itim na mejas at itim na sapatos
 Ang buhok ay naka bun or ponytail (siguraduhin na gagamit ng
gel para malinis ang Aura ng inyong mukha)
 Light make-up lamang. Hwag gagamit ng malalaking hikaw. White
pearl kung maaari.

 Ipa-print ang Resume ng COLORED upang malinaw na Makita ang inyong mga
litrato. A4 ang size na gamitin para sa band paper. (tatlong set ng resume)
 Hwag kalimutan gawing itim ang mga pulang sulat.

You might also like