You are on page 1of 2

Pangalawang Pamilya

Hindi inakalang paaralan,

Noong una’y napakamalang,

Kulungan ng mga pumapatay.

Hindi inakalang masisiyahan,

Sa unang pagpasok puno ng galak,

Ang pusong nakaranas ng alat.

Hindi inakalang makakakilala,

Mga taong lubos na nag-aalala,

Sa akin at sa iba pang mga kasama.

Lubos ang tuwa na aking nadama,

Noong nabuo ang aming pagsasama,

Puno ng tawanan ang bawat araw na


lumipas

At pinapanalangin ko, na sana’y hindi na

kumupas.
Ngunit ngayon, nalalapit na

Nalalapit na, ang pagtatapos na

Tatapos din ba, sa aming


pagsasama?

Ako’y humihiling, sa langit at bituin

Sana’y pakinggan at dinggin,

Ang aking munting dalangin.

Pagkakaibigang walang katapusan,

Sana lamang ay maibigay,

Ng ating Poong Maykapal.

You might also like