You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Bulacan State University


City of Malolos, Bulacan
COLLEGE OF EDUCATION

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 2

I. Mga layunin:
Sa pagtatapos ng araw, inaasahan ang mga mag-aaral na:
a. Nakakasagot sa mga tanong tungkol sa napakinggang kuwento batay sa tunay
na pangyayari
b. Naiintindihan at nauunawaan ang nabasang kuwento
c. Naihahalintulad sa sariling karanasan ang mga pangyayari sa kuwento

II. Paksang Aralin:


Paksa: Ang Bilin ni Ina
Sanggunian: FILIPINO 2, pahina 131-132
Materyales: Aklat, Projector at Laptop

III. Pamamaraan:

A. Paghahanda
Aktibidad ng Guro Aktibidad ng mga Bata
1.. Panalangin Magdarasal

2. Pagbati

Magandang Umaga/Hapon
magandang Umaga/Hapon din po Ma’am

Bago kayo umupo ay siguraduhing walang kalat sa


paligid at iayos ang inyong mga upuan.

3. Pagtala ng Liban

Monitor, mayroon bang lumiban sa ating klase


ngayon?
wala po Ma’am

4. Balik-aral

Ang guro ay magbabalik-aral para sa nakaraang


diskusyon ng klase.
B. Pagganyak

Aktibidad ng Guro Aktibidad ng mga Bata


Ang guro ay magtatanong sa mga mag-aaral:
1.. Bago kayo umalis ng bahay anu-ano ang
hinabilin sainyo ng inyong nanay,ina o mami?
mag-iingat po sa pagtawid
umuwi po ng maaga
kumain sa tamang oras
ubusin ang baong pagkain
mag aral mabuti
Magaling! Tama!
Meron pa ba?

wala na po Ma’am
2. Mayroon bang pagkakataon na hindi ninyo
nasusunod ang habilin ng inong nanay, ina, mama o
mami?
opo ma’am

C. Pagtalakay
Ngayon tayo ay may tatalakaying isang kuwento na
patungkol sa pagbibilin ng isang ina sa kanyang
anak?

Ang Kuwentong ito ay may pinamagatang “ Ang


Bilin ni Ina”.

Handa na ba kayong making mga bata?


opo ma’am
Ang Bilin ni Ina

Tuwing Sabado tinutulungan ko ang aking


nanay sa pagtitinda ng ulam. Masarap siyang
magluto kaya dinarayo kami ng mga tao sa aming
maliit na dampa. Si tatay naman ay drayber ng trak.
Isang araw, inutusan ako ng nanay na bumili
sa pamilihan .”Kris, bumili ka ng tatlong kilong
kamatis,” sabi niya. “Opo, Inay. Uubusin ko lang
itong iniinom kong gatas.”
“Ilagay mo ang pera sa bulsa mo at maraming
tao sa pamilihan,”bilin ng nanay,”Hawakan ko na
lang itong pera,”bulong ko sa sarili.
Bitbit ang maaliit na timba, sumakay ako sad
yip. Pagdating sa tindahan, nagulat ako at wala na
sa kamay ko ang pera. Kumabog ang aking dibdib
kaya binalikan ko ang kalsadang aking dinaanan
kanina. Ngunit hindi ko nakita ang pera.
Maya-maya’y dumating sina Brando at
Brenda. Ikinuwento ko sa kanila ang ppangyayari.
Bigla silang nagtawanan.”Ikaw talaga Kris, ayan
nasa timba mo lang ang pera,” sabi ni Brenda.”Oo
nga. Sa susunod susundin ko na ang bilin ni Nanay
na inilagay ang pera sa bulsa,” nakangiting wika
ko.

Naintindihan at naunawaan ba ninyo ang maikling


kuwento na,“ Ang Bilin ni Ina”?
opo ma’am
D. Paglalahat

Sinu-sino ulit ang tauhan sa kuwento?


Sina, Nanay,Kris, Brenda at Brando po
Tama!

Ano naman ang pinabili ng Ina kay Kris?


Ilang kilong kamatis ang binili niya?
kamatis
tatlong kilo po
Mahusay!

Ano naman ang nangyari sa perang dala ni Kris?


Nawala nga ba? Saan na punta ang pera?
nawala po
hindi po, Nasa timba po pala
Tutularan mo ba si kris?
Bakit?
hindi po
kasi po hindi niya sinunod ang nanay niya

Ano ang mararamdaman mo kung hindi mo makita


ang pera na ibinigay sayo ng iyong ina?
malulungkot po
Ano ang gagawain mo?
hahanapin ko po
Paano kung hindi mo nakita?
sasabihin ko po kay nanay
Mahalaga bang sundin natin ang bilin ni
nanay,ina,mama o mami? Bakit?
opo ma’am
kasi po yun po ang tama
Masuhay at Tama!
Ang pagsunod sa bilin ng magulang ay dapat
ugaliin. Pagiging masunurin ay lagging isipin.

E. Pagsasanay
Ngayon ay hahatiin ko kayo sa anim na grupo
at bawat grupo ay gagawa ng isang skit o maikling
dula na nagpapakita ng pangyayari sa maikling
kuwento na napakinggan.( ibibigyan ng 3 o 4 na
minute para sa pagtatanghal) Mag-aaral: 1..2 ..3 ..4..5..6...

1 pangkat
2 pangkat
3 pangkat
4 pangkat
5 pangkat
6 pangkat
(Maghahanda at pagkatapos ay magtatanghal)
Mahusay at magaling ang ipinakita ninyong
pagtatanghal! Palakpakan ninyo ang inyong grupo.
IV. Pagtataya

Aktibidad ng Guro Aktibidad ng Mag-aaral


Kumuha ng papel ( papel na pang baitang 2)
pagsunod-sunodin ang mga larawan na nag
papakita ng yangyayari sa kuwento na
pinamagatang ‘“Ang Bilin ni Ina.” Lagyan ng
pangalan at petsa.
Panuto: Pagmasdan ang mga larawan at tukuyin
ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari sa kuwento. Lagyan ng bilang 1 – 6 ang
tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa
kuwentong,” Ang Bilin ni Ina”.
Larawan

__________________ 1.

__________________ 2.

__________________ 3.

__________________ 4.

__________________ 5.

__________________ 6.

IV. Kasunduan

Sagutan ang Gawain sa pahina 133 – 134 ng aklat na Filipino 2. Kopyahin at ilagay amg sagot sa
isang papel na pang ika-lawang baitang.
Inihanda nina:

Philip John E. Pangilinan


Jhona Laica Culala
Vernalyn V. Veloria

BEED 2A
GROUP 2A

You might also like