[nananananannana manggagawa] Sino? Sino ka ba sa bansang 'to? Isa ka ba sa mga edukado pero walang trabaho? Mga magsasakang malapit nang maglaho? O di kaya'y mamamayang tapat na nagseserbisyo? [ah ahahahhahahha] Magsasakang laging nasa initan Kita ay pinaghihirapan Pamahalaaan ay walang pakielam Sa mga pangyayaring hindi nila alam [ah ahahahahahahah] Maghapon sa paggawa upang makabuo, Makalikha ng mga bagong produkto, Tagatak man ang pawis sa pagseserbisyo, Basta't maisagawa ng maayos ang trabaho Gumawa, Gumawa ng gumawa, Paigtingin ang lakas-paggawa, Kami ay manggagawa, Tayo'y manggagawa Ngunit sa sweldo kami'y ngumangawa Mababang pasahod atin bang tatanggapin Kung ating katawan ay puspos sa Gawain Manggagawang tayo'y pinaglilingkuran Araw at gabi ang tiyan ay pinupunan [pam pam pam pam pam] Iba't ibang hanapbuhay ay papasukin, Makabili lang ng sapat na pagkain, Kontraktuwalisasyon hanggang sa buwang ikaanim,pati ito ay siyang papatusin [Kanta] (Sa kabila ng lahat, patuloy na nagsisilbi sa bayan, Binigyang pagmamalaki ang Perlas ng Silanganan, Manggagawang-pinoy na naninilbihan, Sila'y ating pahalagahan at bigyang pagpupugay, Mabuhay ang mga manggagawa, (Mabuhay, mabuhay) Lagi nating tatandaan, [zoom zoom 3x] Kahit sino ka pa sa ating Lipunan, Kahit ano pa ang iyong kalagayan [zoom zoom 3x] Iisa lang ang ating sinisigaw, Pagkakaisa (pagkakaisa), pagtutulungan (pagtutulungan), at higit sa lahat pagmamahalan [nananananana manggagawa eme] Ang karapatan, ipaglaban Ipaglaban ang karapatan Ipaglaban mo~ Sino? Sino ka ba sa bansang ito? Masayang ipinapabatid Lathala ng pangkat tatlo