You are on page 1of 2

Maria Sofia B.

Africa
S11-02

Marami akong natamo na kaalaman hingil sa akaedmikong huntahan tungkol sa


Wikang katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino. Ito ay nagbibigay tuon sa
pagpapaunlad, pagprepreseba at pagpapalahanap ng wikang Filipino at katutubong
wika ng Filipinas. Dito makikita ang kayamanang pangkultura katulad ng
pagkakalinalan, sali’t saling sabi, gunita at ang katutubong paraan ng pagsulat. Ayon
sa presentasyon, mayroong 130 kautubong wika sa bansa at 11 ang wikang namatay.
Gayunpaman ang nangyayari, ang pag bibigay ng pansin sa Wikang katutubo ay
nagbibigay sa amin mga magaaral ng higit na kaalaman sa pagunlad ng mga wikang
katutubo. Mula sa impormasyong ito, nalaman naming na ito ay binabanggit din sa
Artikulo XIV, Seksyon 6 “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang
nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas
at iba pang mga wika.”

Maraming mga kaganapan mula sa akademikong huntahan sapagkat nakilala


naming si Ms. Ellen Tapalla, Isa siya sa mga nakilala kong masigasig at masiyahin na
manunulumpati. Siya ay nakatira sa Pangasinan, ito rin ang kanilang wika na
pangunahing ginagamit sa gitnang lugar na kibabibilangan ng mga lungsod ng
Dagupan, Lingayen (Kapital), at iba pa. Sapagkat itong rehiyon ay malaki maraming
mga iba’t ibang mga dayalekto ang makikita dito, isa na doon ang Pangasinan, Ilokano
or Iloko na ginagamit madalas sa bahagi ng silangan at ang Binubolinao o Bulinaw; Ito
ay halo ng pangasinan at saka Ilokano na madalas na ginagamit mula sa kunluran na
bahagi. Ang tawag sa kanila roon ay Pangasinense datapuwa’t marami sa iba ang
tawag sa kanila ay Pangalatok. Ayon kay Ms. Ellen para sa kanila na nakaintindi ng
pinagmulan at pagpahalaga ng Kultura at Literatura ng Pangasinan, ang pag tawag sa
kanila ng Pangalatok ay isang malaking insulto at pangngutya dahil ang rating sa kanila
ay parang walang pinagaralan o kaya salbahe. Isa pa ay dahil sa pag maling
pagkakaintindihan ng Ilokano at saka ng Pangasinense sa paraan ng pananalita ay
parang manok; “Pangasinan + kasla + togkik + manok = Panga-la-tok". Mula sa
impormasyon na ito, ang Filipino at pangasinan na wika ay mayroong din mga hindi
pagkakaunawaan sa mga iba’t ibang salita, Isa na rito ang “wala” sa Filipino ay “meron”
sa Pangasinan, “sampiga” sa Filipino ay “magkano” sa Pangasinan, “baliw (tila)” sa
Filipino ay “tatawid (tayo)” sa Pangasinan, “utot” sa Filipino ay “daga” sa Pangasinan.
Ayon rin kay Ms. Ellen na marami silang mga ekpresyons na katulad ng ginagamit natin
sa Bataengueño, Isa ay ang “uyyyy” bilang “ga”, Isang ehemplo nito ay “ano uyy” wari
“ano ga”. Ang “ta” ay “eh”, halimbawa ay “Ta wala” bilang “Eh wala”. “Sirin” gamit
bilang panglambing “halika na sirin” ay “halika na pala” o ito ay ginagamit upang
bigyang-diin ang isang punto. Tinuro rin sa amin ng Ms. Ellen ang pag gamit ng
magalang na oo sa pangasinan na ay “on” subalit ang “uh” ay hindi magalang
pagsalita ng oo. Isa pang mahalagang impormasyon galing kay Ms. Ellen ay maraming
tao ang nagsasabi na ang mga Pangasinense ay mga kuripot ngunit sila ay nagiipon
lang ng “guwat” o kaya “pera” para sa tag-ulan dahil

matipid lang talaga...saka lang gagastos ang ilocano pagkailangan


talaga...pagiipunan muna ang gusto bago bilhin

You might also like