You are on page 1of 17

1

Persepsyon sa Epekto ng Pagpapatupad ng Saligang Batas 11223 o Kalusugan Pangkalahatan ng mga Estudyante sa Kolehiyo ng Canossa College

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Introduksyon

Ang Kalusugang Pangkalahatan (KP) o Universal Health Care (UHC) ay isang

batas na nagsasaad ng mas maraming oportunidad sa bawat Pilipino na makatanggap ng mas

maayos, magaan sa bulsa, at magandang kalidad na mga kagamitan at serbisyong medikal.

Nakasaalang-alang sa batas na ito na magkakaroon ng pagkakataon ang bawat Pilipino na

makatanggap ng pangunahing serbisyo sa kalusugan na pantay-pantay at walang basehan dito

kung ikaw ay isang mayaman o mahirap. Mailulunsad sa batas na ito ang programang “National

Health Insurance Program” na kung saan ang lahat ng kasali dito ay hahatiin sa dalawang sector

na tinatawag na direktang kontributor o hindi-direktang kontribyutor. Sa NHIP din magmumula

ang pondong magpapanatili sa kalusugang pangkalahatan na kung saan makakatanggap ang

bawat Pilipino ng mga benepisyong medical kahit na wala pa itong Philhealth. Sa pagpapatupad

ng batas na ito ay nangangailangan ang gobyerno ng 257 billion pesos upang masimulan ito sa

unang taon.

Layunin ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang madagdagan ang kaalaman natin sa

maaring epekto ng pagpapatupad ng Saligang Batas 11223 o Kamalayan sa Kalusugang

Pangkalahatan at nagnanais na masagutan ang mga sumusunod na katanungan;

a) Malaman ang kaalaman ng mga estudyante tungkol sa Kalusugang Pangkalahatan

b) Matukoy ang persepsyon sa Kalusugang Pangkalahatan


2
Persepsyon sa Epekto ng Pagpapatupad ng Saligang Batas 11223 o Kalusugan Pangkalahatan ng mga Estudyante sa Kolehiyo ng Canossa College

Pagtanaw sa Literatura

A. Lokal na Literatura

Ang pagpapasa batas ng kalusugang pangkalahatan sa Pilipinas

Sa lahat ng senador na nagpasa ng panukala ukol sa Kalusugang

Pangkalahatan, si JV Ejercito ang unang senador na nagtulak sa panukala para

maging isang batas. Kaya naman sa ilalim ng mga panuntunan ng Senado,

itinanghal si Sen. JV Ejercito bilang pangunahing may-akda rito. Noong Pebrero

20, 2019 pinirmahan ni Pangulong Duterte ang Saligang Batas 11223 o

Kalusugang Pangkalahatan. Ang batas na ito ay naglalayong maghatid ng pantay-

pantay na serbisyo at magandang kalidad na kagamitang pang-medikal sa murang

halaga. Ang pangunahing layunin ng pagpapatupad sa Kalusugang Pangkalahatan

ay mas mapabuti ang kabuuang kalusugan ng bawat Pilipino para maiwasan ang

pagkakaroon ng sakit o kapansanan.

Magandang Idudulot ng Kalusugang Pangkalahatan

Ayon kay Jc Punongbayan, mula sa Rappler.com. Ang Kalusugan

Pangkalahatan ay paniguradong hindi na bago." Bagamat lahat ng sambayang

Pilipino, mula sa laylayan hanggang sa may mga malalaking estado sa buhay ay

makakaranas ng patas na pangkalusugang serbisyo. Ang World Health

Organization ay nagsagawa ng framework kung saan nakalagay ang mga

importanteng aspeto ng batas na ito, sa makatuwid at natatangi na rito ang mga

plano at mithiin. "Mula sa isang sistema na nasanay sa pag aalaga ng may mga

sakit hanggang sa pananatili ng kalusugan ng tao." Dagdag pa ni Sofia Tomacruz


3
Persepsyon sa Epekto ng Pagpapatupad ng Saligang Batas 11223 o Kalusugan Pangkalahatan ng mga Estudyante sa Kolehiyo ng Canossa College

(2018) Publiko at Pribeyt man na hospital ay makakaranas din ng mga

modernisadong mga materyals. Ito ay makakasigurado din sa paglago ng

proporsyong Doctor at ang pasyente at ito ang makakapagpatatag ng ospital sa

mga remote na lugar.

B. Iba pang mga Literatura

Ang kalusugan pangkalahatan sa iba pang mga bansa

Ang iba pang mga bansa ay nag-utos din ng batas na kalusugang

pangkalahatan na dito sa ating bansa ay kamakailan lang inaprubahan. Ang

Argentina ay naglunsad ng kalusugan pangkalahatan noong taong 2016 nang ang

kanilang ministeryo ng kalusugan ay nagbigay ng No. 908 na tumutuon sa

pagpapabuti ng mga pangunahing serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan.

Ang target ng sistema ay magbigay ng 15 milyong indibidwal na hindi pa

nagkakaroon ng anumang medikal na insurance ngunit mabibigyan padin ito ng

kalidad na serbisyo sa tulong ng batas na kalusugan pangkalahatan upang mas

maging malusog ang kanilang mga mamamayan. Mayroon ding iba pang mga

bansa ang nag-utos ng pangkalahatang sistema sa tulong ng batas na kalusugan

pangkalahatan tulad ng Belgium, Australia, Brazil, Columbia, Iceland, Hongkong

at marami pa.

Iba’t-ibang klaseng pamamaraan ng pagtataguyod ng batas kalusugan

pangkalahatan

Ayon kay Kimberly Amadeo, presidente ng

worldmoneywatch.com, ang Universal Health Care system ay isang batas na

nagbibigay ng kalidad na serbisyong medikal sa lahat ng mamamayan ng isang


4
Persepsyon sa Epekto ng Pagpapatupad ng Saligang Batas 11223 o Kalusugan Pangkalahatan ng mga Estudyante sa Kolehiyo ng Canossa College

partikular na bansa. Gayunpaman, ang batayan ng pagpopondo ay naiiba sa

pandaigdigang konsepto ng kalusugan pangkalahatan sa iba't ibang bansa.

Maaaring ito ay sa isang anyo ng mga pangkalahatang buwis sa kita, mga buwis

sa payroll, ang gobyerno mismo ang nagbibigay ng utos nito, o relasyon ng

pamahalaan-pribadong kumpanya na nagtataguyod ng mga insurances sa

kalusugan na dapat magkaroon ang bawat mamamayan. Siyempre, ang mga

pakinabang na ito ay upang magbigay ng isang mas murang bayarin sa mga

medikal na gastusin. Pinipilit nito ang bawat institusyon ng ospital na magkaloob

ng parehong antas ng serbisyo sa bawat mamamayan sa kabila ng katayuan ng

sosyo-ekonomiko nito. Ito rin ay nagtataguyod ng pag-aalaga sa murang edad na

sa huli ay sila mismo ay ililigtas sa panlipunan na kaganapan tulad ng krimen,

kakulangan sa pag-aaruga at mga isyu sa kalusugan. Bukod dito, ang

pangkalahatang sistema ng kalusugan pangkalahatan ay isang mahusay na

probisyon ng gobyerno na tumutulong sa mga mamamayan na maranasan ang

mahusay na paglilingkod sa mga medikal na kasanayan sa kanilang pang-araw-

araw na buhay na nagbibigay ng katiyakan ng mas mababang gastos sa

pamamagitan ng mga pondo ng pamahalaan.

Mga maaring negatibong epekto ng batas kalusugan pangkalahatan

Mayroon din itong negatibong epekto na kung saan pinipilit nito

ang mga tao na magbayad para sa mga medikal na insurances na tutulong sa

kanilang estado ng kalusugan patungkol sa mga tiyak na sakit tulad ng diabetes o

mga sakit sa puso na maaaring mapigilan o maiwasan naman sa pamamagitan ng

maayos at masiglang pamumuhay. Ang mga tao ay maaaring walang malay sa


5
Persepsyon sa Epekto ng Pagpapatupad ng Saligang Batas 11223 o Kalusugan Pangkalahatan ng mga Estudyante sa Kolehiyo ng Canossa College

kanilang mga desisyon tungkol sa pamumuhay dahil alam nila na sila ay bantay-

sarado ang kanilang kalusugan. Dahil dito, ang kalusugan pangkalahatan ay

pwersadong mapababa ang gastos ng mga gastusin sa medikal, ngunit ang mga

doktor at iba pang propesyon sa kalusugan ay maaaring makakakuha ng mas

mababang insentibo kaya maaari nilang batayan ng mas kaunting oras sa

paggugol sa mga pasyente upang mas mababa din ang halaga ng kanilang

serbisyo. Ang kalusugan pangkalahatan ay maaaring mas mapababa ang

kakayahan ng gobyerno na mapagtuunan ng pansin ang iba pang mahahalagang

proyekto na nagnanais na mapaunlad ang kalagayan ng ibang bansa ngunit ito

naman ay nakadepende sa pamamahala ng isang bansa.


6
Persepsyon sa Epekto ng Pagpapatupad ng Saligang Batas 11223 o Kalusugan Pangkalahatan ng mga Estudyante sa Kolehiyo ng Canossa College

PARAAN NG PANANALIKSIK

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pamanahong papel na ito ay isinagawa sa pamamaraang deskriptibo. Sa

pamamaraang deskriptibo, ang pananaliksik ay naglalayong mailarawan ang problema sa

pamamagitan ng paglalahad ng mga kalapit na ideya na magbibigay supporta sa pananaliksik na

ito.

Mga Kalahok sa Pag-aaral

Ang mga napili naming respondante sa pananaliksik na ito ay mga estudyante sa

Ika-apat na antas sa Kolehiyo ng Canossa College San Pablo City. Ang mga respondanteng ito

ay nag-aaral sa mga kursong sumusunod: Bachelor of Science in Nursing, Bachelor of Science

in Elementary Education, Bachelor of Science in Financial Management, Bachelor of Science in

Management Accounting, at Bachelor of Science in Psychology. Ang mga mananaliksik ay hindi

na gumamit ng sampling procedure dahil kasali lahat ang estudyante ng Ika-apat na antas bilang

mga respondante. Ngunit sa limampu't isa (51) estudyante, apat-napu (40) lamang ang aming na

bigyan ng sarbey kwestyoner.

Instrumento sa Pangangalap ng Datos

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsarbey sa kurso ng

Bachelor of Science in Nursing, Bachelor of Science in Elementary Education, Bachelor of

Science in Financial Management, Bachelor of Science in Management Accounting, at Bachelor

of Science in Psychology sa Canossa College San Pablo City. Nagsagawa ang mga mananaliksik

ng sarbey kwestyoner sa pamamagitan ng pagbase sa iba’t-ibang pag-aaral patungkol sa batas na


7
Persepsyon sa Epekto ng Pagpapatupad ng Saligang Batas 11223 o Kalusugan Pangkalahatan ng mga Estudyante sa Kolehiyo ng Canossa College

kalusugan pangkalahatan upang mas mapalawak at masagot narin ang epekto ng pagpapatupad

ng kalusugan pangkalahatan.

Hakbang sa Pangangalap ng Datos

Ang mga mananaliksik ay gumawa ng liham upang magbigay paalam sa direktres

ng Paaralang Canossa College na magkakaroon ng pagkakalap ng datos para sa nasabing

pananaliksik. Matapos mapahintulutan ay agad na ibinigay ng mga mananaliksik ang sarbey

kwestyoner sa mga respondante. Ang sarbey kwesyoner na ginamit ay naglalalaman ng mga

pinagsama-samang ideya na galing sa iba’t-ibang pag-aaral na maaring sumuporta sa aming

pananaliksik.

Analisis ng mga Datos

Ang pamanahong papel na ito ay isang pangunahing pananaliksik lamang at

tinatangkang madagdagan ang nalalamang impormasyon sa maaring maging epekto ng

pagpapatupad ng kalusugang pangkalahatan. Hindi gumamit ang mga mananaliksik ng

komplikado o kompleks na presentasyon at tanging pagtatally at pagkuha ng porsyento ang

binigyang pansin ng mga mananaliksik.

Ang percentage technique ang ginamit ng mga mananaliksik upang makuha ang

kabuuuan porsyento ng respondante ayon sa kasarian. Ang pormula na ginamit ay:

𝐾𝑎𝑏𝑢𝑢𝑎𝑛𝑔 𝐾𝑎𝑠𝑎𝑟𝑖𝑎𝑛
Porsyento ng kasarian = 𝐾𝑎𝑏𝑢𝑢𝑎𝑛𝑔 𝑟𝑒𝑠𝑝𝑜𝑛𝑑𝑎𝑛𝑡𝑒
8
Persepsyon sa Epekto ng Pagpapatupad ng Saligang Batas 11223 o Kalusugan Pangkalahatan ng mga Estudyante sa Kolehiyo ng Canossa College

RESULTA AT DISKUSYON

Resulta o Kinalabasan sa Pag-aaral

GRAP 1: Distribusyon ng mga Respondante ayon sa Kasarian

Makikita sa grap 1 ang mga distribusyon ng mga respondante ayon sa kanilang

kasarian. Sa apat na pung (40) respondante, siyam (9) sa kanila ay lalaki at tatlumpu’t isa

(31) naman sa kanila ay babae.

23%

78…

Lalaki Babae

GRAP 2: Distribusyon ng mga Respondante ayon sa Edad

Apat (4) sa apat na pung (40) respondante ay may edad 19. Labing-pito (36) naman ang

may edad na 20, dalawa (2) ang nasa edad na 21, apat (4) ang nasa edad na 22, dalawa (2) ang

nasa edad na 23, isa (1) ang nasa edad na 25 at isa (1) din ang nasa edad na 26. Makikita sa ibaba

ang pangalawang grap na ipinapakita ang bilang ng respondante na nakilahok ayon sa edad.
9
Persepsyon sa Epekto ng Pagpapatupad ng Saligang Batas 11223 o Kalusugan Pangkalahatan ng mga Estudyante sa Kolehiyo ng Canossa College

20

15

10
Respondante
5

0
19 Anyos 20 Anyos 21 Anyos 22 Anyos 23 Anyos 25 Anyos 26 Anyos

Upang masimulan ang presentasyon ng mga datos sa sarbey kwestyoner ay

binabanggit ng mga mananaliksik na hindi akma ang bilang ng mga sagot sa bilang ng mga

respondante sa mismong grap sa kadahilanan na din ng mga respondanteng labis sa isa ang sagot

sa iba't ibang tanong sa sarbey kwestyoner. Ang mga grap na susunod ay inakma sa bawat

tanong na nasa sarbey kwestyoner.

GRAP 3: Miyembro ng PhilHealth

Sa apat na pung (40) respondante, apat (4) na estudyante ang nagsabing

miyembro sila ng Philhealth at tatlumput anim (36) naman ang nagsabing hindi sila miyembro ng

Philhealth.

28
30
25
20
15
8
10
3
5 1
0
Oo Hindi

Lalaki Babae
10
Persepsyon sa Epekto ng Pagpapatupad ng Saligang Batas 11223 o Kalusugan Pangkalahatan ng mga Estudyante sa Kolehiyo ng Canossa College

GRAP 4: Klase ng Kinabibilangang Health Insurance

Sa apat na pung (40) respondante, dalwampu’t anim (26) sa kanila ay direktang

kontribyutor, sampu (10) naman sa kanila ay mga hindi direktang contributor at apat (4) sa kanila

ay walang sagot.

19
20
15
7 8
10
4
5 2
0
0
Direkta Hindi walang
direktang sagot LALAKI BABAE

GRAP 5: Persepsyon ng mga Mag-aaral sa Kagandahan ng Pagpapatupad

sa Kalusugang Pangkalahatan

Sa apat na pung (40) respondante, tatlumpu’t dalawa (32) ang nagsabi na

maganda ang batas na kalusugan pangkalahatan, pito (7) naman ang nagsabing hindi ito maganda

at isa (1) ang walang sagot.

23
30
20 9 7
10 0 0 1
0
Oo Hindi Walang
sagot

LALAKI BABAE
11
Persepsyon sa Epekto ng Pagpapatupad ng Saligang Batas 11223 o Kalusugan Pangkalahatan ng mga Estudyante sa Kolehiyo ng Canossa College

GRAP 6: Persepsyon ng mga Mag-aaral sa Magiging Epekto ng Batas

Sa parteng ito, binigyan ng pagkakataon ang mga respondante na pumili ng kahit

ilan kaya makikita sa graph na lagpas sa bilang ng respondante ang mga sagot. Sa apat na pung

(40) respondante, labing siyam (19) ang nagsabing mababawasan ang gastusin kapag naipatupad

na ang kalusugan pangkalahatan, sampo (10) naman ang nagsabing mawawalan ng pag-aalala sa

mga bayarin, labing-tatlo ang nagsabing magkakaroon ng benepisyo at pito (7) ang nagsabing

magagamit ang buwis na ibinabayad sa gobyerno.

15
16
14
12
9
10
8 6
6 4 4 4 4
3
4
2 0 0
0
a b c d e

LALAKI BABAE

GRAP 7: Persepsyon ng mga Mag-aaral sa Maaring Sanhi ng Pagpapatupad sa

Batas

Sa apat na pung (40) respondante, apat (4) sa mga ito ang nagsabing dahil sa

pagkalat ng iba’t ibang sakit kung bakit pinatupad ang kalusugan pangkalahatan, tatlumpu’t isa

(31) naman ang nagsabing para maabot ang mga taong nangangailangan ng atensyon at hindi

makabili ng serbisyong medical, labing-tatlo (13) naman ang nagsabing mas magiging masaya
12
Persepsyon sa Epekto ng Pagpapatupad ng Saligang Batas 11223 o Kalusugan Pangkalahatan ng mga Estudyante sa Kolehiyo ng Canossa College

ang mga mamamayan tungkol sa mga proyekto ng pamahalaan at apat (4) naman ang nagsabing

para maiwasan ang pagkalat ng iba’t-ibang sakit.

25
25

20

15

10 6
3 2 2 2
5 1 0 0 0
0
a b c d e

LALAKI BABAE

GRAP 8: Persepsyon ng mga Mag-aaral sa Posibleng Pagtaas ng Buwis dahil sa

Pagpapatupad sa Batas

Sa apat na pung (40) respondante, tatlumpu’t isa (31) ang nagsabing magkakaroon

talaga ng pagtaas sa binabayarang buwis sa gobyerno dahil sa pagpapatupad ng kalusugan

pangkalahatan at siyam (9) naman ang nagsabing hindi magkakaroon ng pagtaas sa binabayarang

buwis.

25 23

20

15

10 8 8

5 1
0
Oo Hindi

LALAKI BABAE
13
Persepsyon sa Epekto ng Pagpapatupad ng Saligang Batas 11223 o Kalusugan Pangkalahatan ng mga Estudyante sa Kolehiyo ng Canossa College

GRAP 9: Persepsyon ng Mag-aaral sa Hindi Sapat na Atensyon Pang-medikal

Sa apat na pung (40) respondante, tatlumpu’t apat (34) ang nagsabing posibleng

hindi masuplayan ng sapat ng gobyerno ang bawat Pilipinong nagnanais na mabigyan ng

atensyon patungkol sa medikal na pangangailangan at anim (6) naman ang nagsabing

masusuplayan naman ito ng gobyerno.

28
30
25
20
15
10 6
3 3
5
0
Oo Hindi

LALAKI BABAE

GRAP 10: Persepsyon ng mga Mag-aaral sa mga Posibleng Dahilan ng

Kakulangan sa Kagamitan sa mga Pampublikong Ospital

Sa apat na pung (40) respondante, dalawampu’t lima (25) sa kanila ang nagsabing

dahil sa kurapsyon ng mga opisyal sa gobyerno kung bakit hindi sapat ang kagamitan sa mga

pampublikong hospital, sampo (10) naman ang nagsabing dahil ito sa hindi tamang paghahati ng

mga pondo sa bawat pampublikong ospital sa buong pilipinas, at labing-isa (11) at labing isa

naman ang nagsabing dahil ito sa mabagal na pag-aksyon ng mga LGU sa pagaasikaso ng mga

kagamitang medikal.
14
Persepsyon sa Epekto ng Pagpapatupad ng Saligang Batas 11223 o Kalusugan Pangkalahatan ng mga Estudyante sa Kolehiyo ng Canossa College

19
20

15

9
10 8
6

5 2 2

0
a b c

LALAKI BABAE

GRAP 11: Persepsyon ng mga Mag-aaral sa Maaring Hindi Kasasang-

ayunan ng Iba Kapag Ipinatupad ang Batas

Sa apat na pung (40) respondante, tatlumpo (30) sa kanila ang nagsabing

pagbayarin ng mataas na buwis ang hindi kasasang-ayunan ng mga Pilipino, isa (1) naman ang

nagsabing mabawasan ang kikitain ng mga doctor, lima (5) ang nagsabing walang libreng pakain

para sa may sakit na kakulanagn sa nutrisyon at isa (1) naman ang nagsabing magkaron ng

pangungutang ang gobyerno sa ibang bansa masustentuhan lamang ang pangangailangan natin.

22
25
20
15 8
5
10 10 00 0 13 01
5
0

LALAKI BABAE
15
Persepsyon sa Epekto ng Pagpapatupad ng Saligang Batas 11223 o Kalusugan Pangkalahatan ng mga Estudyante sa Kolehiyo ng Canossa College

Konklusyon

Ang pag-aaral na ito ay nagnanais na malaman ang damdamin at pananaw ng mga

estudyante sa Ika-Apat na Antas ng Kolehiyo ng Canossa College San Pablo City hinggil sa

epekto ng pagpapatupad ng kalusugan pangkalahatan. Ngayon, batay sa mga inilahad na datos

ang mga mananaliskik ay humantong sa mga sumusunod na konklusyon:

a. Karamihan sa mga estudyante ng ika-apat na antas ng kolehiyo sa Canossa College San

Pablo City ang nagsabi na maganda ang House Bill 5784 o kalusugan pangkalahatan.

b. Maraming estudyante sa ika-apat na antas ng kolehiyo sa Canossa College San Pablo

City ang nagsabi na mababawasan ang gastusin kapag naipatupad ang House Bill 5784 o

kalusugan pangkalahatan.

c. Halos lahat ng estudyante sa ika-apat na antas ng kolehiyo sa Canossa College San Pablo

City ang nagsabi na ang dahilan kung bakit inilunsad ang Saligang Batas 11223 o

kalusugang pangkalahatan ay para maabot ang mga taong nangangailnagan ng atensyon

at hindi makabili ng serbisyong medikal.

d. Karamihan sa estudyante ng ika-apat na antas ng kolehiyo sa Canossa College San Pablo

City ang nagsabi na posibleng magkaroon talaga ng pagtaas sa binabayarang buwis dahil

sa pagpapatupad ng House Bill 5784 o kalusugan pangkalahatan.

e. Halos lahat ulit sa estudyante ng ika-apat na antas ng kolehiyo sa Canossa College San

Pablo City ang nagsabi na possible rin hindi masuplayan ng sapat ng gobyerno ang bawat

Pilipinong nagnanais na mabigyang atensyon patungkol sa medical na pangangailangan

at ang pangunahing dahilan base sa kanilang persepsyon ay kurapsyon ng mga opisyal sa

gobyerno.
16
Persepsyon sa Epekto ng Pagpapatupad ng Saligang Batas 11223 o Kalusugan Pangkalahatan ng mga Estudyante sa Kolehiyo ng Canossa College

Rekomendasyon

Matapos ang masusing pagkalap ng mga kailangang datos, buong

pagpapakumbabang inirerekomenda ng mga mananaliksik ang mga sumusunod:

1. Para sa mga estudyante, marapat nilang bigyang oras ang kanilang sarili na pagtuunan ng

pansin ang ganitong isyu dahil sila ang may kakayahang makaintindi dahil bukas at mura

pa ang kanilang pag-iisip na makakatulong sa darating na panahon.

2. Sa mga mananaliksik, ang datos na ito ay makakatulong sa inyong kaalaman para

magkaroon ng kamalayan. Ang pananaliksik na ito ay magagamit din sa pangangailangan

sa disiplinang medikal. Maaring mas payabungin ang pananaliksik na ito sa pamamagitan

ng paggamit ng iba't-ibang paraan ng pananaliksik upang mas maging konkreto ang mga

pananaliksik patungkol sa kalusugan pangkalahatan. Maaring din itong gamitin sa labas

ng paaralan upang ang mga ordinaryong mamamayang Pilipino ay nagkaroon ng bukas

na kamalayan at kaalaman ukol sa batas na ito.

3. Para sa mamamayang Pilipino, marapat na bigyang pansin ang ganitong klase ng isyu

dahil karapatan nilang makatanggap ng patas na benepisyo sa kalusugang

pangangailangan ngunit mabuti rin nilang malaman ang mga posibleng negatibong

epekto na maaaring magbunga sa masamang kalagyan ng ibang tao.


17
Persepsyon sa Epekto ng Pagpapatupad ng Saligang Batas 11223 o Kalusugan Pangkalahatan ng mga Estudyante sa Kolehiyo ng Canossa College

Mga sanggunian:

Amadeo, K. (2018, December 24). Universal Health Care in Different Countries, Pros and Cons

of Each. Retrieved March 5, 2019, from https://www.thebalance.com/universal-health-care-

4156211

DOH. (2019, February 21). TOWARDS BETTER HEALTH FOR ALL FILIPINOS: UNIVERSAL

HEALTH CARE LAW SIGNED. Retrieved March 21, 2019, from https://www.doh.gov.ph/press-

release-towards-better-health-for-all-Filipinos-UHC-signed-into-law

Elemia, C. (2019, February 22). Who should be credited for the passage of the universal health

care law?. Retrieved March 21, 2019, from https://www.rappler.com/newsbreak/iq/224048-who-

should-be-credited-passage-universal-health-care-law

Kiprop, V. (2018, January 29). Countries With Universal Health Care. Retrieved February 26,

2019, from https://www.worldatlas.com/articles/countries-with-universal-health-care.html

Rosario, B. (2019, February 28.) Universal Health Care Law Needs More Health Facilities.

Retrieved March 21, 2019, from https://news.mb.com.ph/2019/02/27/universal-health-care-law-

needs-more-health-facilities/

Tomacruz, S. (2018, October 10) Senate approves Universal Health care. Retrieved March 21,

2019, from https://www.rappler.com/thought-leaders/224013-analysis-reasons-philippines-

universal-health-care-still-not-quite-there-yet

You might also like