You are on page 1of 6

Ang liwanag sa dilim

Mga karakter:
Anaren Reyes- batang matalino at may respeto sa pamilya ngunit biglang nagbago
ng namatay ang kanyang ama.
Efren Reyes – ama ni Ana
Anita Reyes –ina ni Ana
G. Glen Zafe – guro ni Ana
Emma – Kaklase ni Ana mahilig maglakwatsa
Yen – kaibigan ni Emma
Narrator: May pagkakataon sa buhay natin na nawalan tayo ng direksyon at
nakalimutan natin ang Panginoon. Hindi na rin natin naramdaman ang mga taong tunay
na nagmamahal sa atin. Pero sa kabila ng lahat, minamahal pa rin tayo at hindi
sinusukuan. Dito nakatuon ang ating drama ngayon na pimagatang “Ang liwanag sa
dilim”.
Background music
Scene 1: (Nasa hapagkainan ang pamilyang Reyes)
(tunog ng kubyertos)
Efren: Anak, lagi mong tatandaan na edukasyon lamang ang tangi naming ipamana
sayo. Mag-aral ka ng mabuti at wag kalimutan magdasal palagi.
Anita: Dahil ang Diyos ang nagbigay ng lahat ng meron tayo lalo ang pamilya natin.
Anaren: Opo, inay at itay. Tatandaan ko yan palagi kasi isang magandang regalo sa
akin na magkarron ng magulang na tulad nito…mabait, mapagmahal at matulungin sa
kapwa.
Efren: Naku, ang aga pa nangbobola kana
Anaren: Totoo naman ang sinabi ko
Anita: kaya anak ha kahit masama ang nakikita mo sa paligid, mas mainam pa rin ang
gagawa ng kabutihan dahil nilikha tayo ng Diyos ng mabuti.
Anaren: Opo nay….ang swerte ko naman talaga…Nay…tay…Mahal na mahal ko kayo…
Efren: Sige na kakain na tayo kasi baka mag-iyakan pa tayo at saka mahuhuli ka na sa
klase Anaren.
Anaren: kayo kasi eh pinaantig niyo ang aking puso.
Background music
Scene 2: Nasa paaralan
(School bell)
G. Glen: Magandang umaga sa inyong lahat!
Mag-aaral: Magandang umaga rin sayo Ginoong Zafe!
G. Glen: Ngayon, ibibigay ko sayo ang marka niyo sa huli nating pagsusulit. At isa sa
into ang nakakuha ng mataas na marka….Congratulations Anaren Reyes!
Anaren: (pabulong sa sarili) naku! Ako ang may mataas na marka…sigurado aking
matutuwa sina nanay at tatay nito…
(kinuha ang test paper)(tunog ng papel) Maraming salamat, Sir!
G.Glen: Sana sa iba dyan na nakakuha ng mababang marka...mag-aaral din kayo ng
mabuti kagaya ni Anaren…Ngayon, pag-aralan niyo ang susunod na pahina…pahina 8-
12. Dadalo muna ko ng pagpupulong sa faculty room. (tunog ng yapak at pinto)
(pag-alis ng guro, biglang pumalakpak si Emma at yen)
Emma: Napakagaling naman talaga ni Anaren…palaging nangunguna sa klase
Anaren: Nag-aaral lang kasi ako….alam ko kapag mag-aaral kayo...makakuha din kayo
ng mataas na marka.
Emma: Mag-aaral? Hay naku…yan ang pinakaboring na Gawain, di ba Yen?
Yen: Naman…malugkot ang buhay sa isang seryosong estudyante…Bakit hindi mo
naming subukang magsaya…
Anaren: huh? Ano ang ibig niyong sabihin?
Emma: Sama ka sa amin at pinakita naming sayo ang masayang mundo...mamaya
pagkatapos ng klase o kaya ngayon…hindi na lang tayo papasok.
Anaren: Naku po! Hindi tama yan...pinag-aral tayo ng ating mga magulang dapat pag-
igihan natin ang ating pag-aaral.
Emma: Hay naku! Halika ka nga Yen..Lola Basyang pala ang kausap natin…
Yen: Kaya nga hindi masaya eh…
Anaren:(pabulong sa sarili) Nagkakamali kayo…masayang-masaya ako sa buhay namin
ngayon!
Background music
Scene 3: (Pauwi na si Anaren) (Tunog ng yapak)
Anaren: (pabulong sa sarili) Naku…sabik na akong ipakita ang marka kog ito…sigurado
naman ako na matutuwa si Nanay at tatay nito. Pero teka lang, bakit may mga tao sab
hay naming…Anong meron…Hayan malapit na ako sa amin…Nay…tay(pasigaw)
Anita: (paiyak ang sabi) Anaren…
Anaren: Anong nangyari nay? Bakit ka umiyak? Nasaan si Tatay?
Anita: Wala sa si Tatay…Inatake siya sa puso habang nasa bukid at nag-aararo.
Anaren: ha? Hindi tototo yan nay…Tay...tay (tumakbo sa loob ng bahay) Tay…bakit
may kabaong dito…tay…tay (sigaw na umiiyak) Bakit mo kami iniwan? Hindi namin
kaya na wala ka tay…
Anita: hangggang dito na lang talaga ang buhay ng tatay mo!
Anaren: Akala ko ba mahal tayo ng Panginoon…Mabait naman tayo ah…at mas lalong
mabait si tatay…Bakit niya siya kinuha? Diba…nagdarasal naman tayo araw-araw…at
araw-araw ko ding ginawa ang pagiging mabuti
Anita: Siguro may dahilan ang Diyos
Anaren: Anong dahilan? Ang totoo siguro, hindi talaga tayo niya minamahal
…tay…tay(pasigaw na iyak)
Narrator: Simula ng namatay ang ama ni Anaren…naging pabaya naman siya sa klase
at sumasama na rin siya kina Emma at yen.
Scene 4: Nasa paaralan ulit
(School bell)
G. Glen: Nakakalungkot kong sabihin sa inyo na lahat kayo mababa ang marka niya sa
huli nating pasulit. Anong nangyari
(darating si Anaren) (Tunog ng yapak)
Anaren: (matamlay ang sabi) magandang umaga, G. Zafe!
G. Glen: Huli ka naman sa klase…Anaren…Ilang beses ka nang nahuhuli…Napababayan
mo na ang pag-aaral mo?
(Walang sagot si Anaren)
G. Glen: Hindi na ito maganda Anaren…dati palagi namang mataas ang marka
mo…kakausapin ko ang punongguro ngayon na papuntahin ang mama mo kapag hindi
ka mag-ayos sa pag-aaral mo. Sige, sagutin niyo muna nag tanong na nasa pisara…Ms.
Reyes..gusto kitang kausapin pagkatapos ng klase. (tunog ng yapak at pinto)
(pag-alis ng guro…lalapit si Emma at Yen)
Emma: hi…Katropa…talaga namang kabilang ka na sa grupo naming.
Yen: Di ba, masaya ang ganitong buhay…Chill lang…
Emma: Wag, mong pakingggan ang guro natin..Tara…alis tayo…pupunta naman tayo
sa mundo ng kaligayahan.
Anaren: Tara!
Background music
Scene 5: disco bar
(Disco music)
Yen: Ang saya-saya dito diba! Oo para sayo Anaren ito...tagay tayo
Anaren: Tama kayo…masaya pala ang mundo ninyo…walang kang maisip na problema.
(malakas na Disco music)
Emma, Yen and Anaren: Cheers!
Background music
Scene 6: Pauwi si Anaren sa bahay (tunog ng yapak)
Anaren:(lasing na kumakanta) ohh..its a beautiful life…ohh..ohh..Beautiful life
Anita: Saan ka galing…pumunta si G. Zafe dito at sinabihan ko na ilang beses ka nang
hindi pmasok sa paaralan…Diyos ko Anaren…Anong nagyayari sayo?
Anaren: Dyos? Tinatawag mo namang ang Diyos….Hindi tayo mahal ng Diyos
Anita: Anak, alam mong hindi totoo yan…Anak…tama na… Sa tingin mo ba natutuwa si
tatay Efren sa ginagawa mo ngayon.
Anaren: Wala na siya nay…hindi na niya ako makikita
Anita: Anak, ramdamin mo ang iyong puso...nandyan siya..nandyan yong masayang
alaala mo sa kanya at ang kanyang mga habilin at pamana sayo…pakinggan mo
anak..Masaya ba siya sa nakikita sa sayo ngayon.
Anaren: Nay…(umiiyak)
Anita: Pakinggan mo lang anak…may sasabihin din ang Diyos sayo…buksan mo lang
ang mata mo…Nandito pa si nanay mo. Mahal na mahal kita anak at hindi ako
magsasawang mamahalin ka at intindihin ka. Naintindihan ko naman ang narandaman
mo ngayon pero sana naman wag mong hayaang ang buhay mo ay magiging masama.
Hindi totoo na hindi tayo mahal ng Diyos…kung mahal kita ng sobra, mas mahal na
mahal ka ng Panginoon. Buksan mo lang ang puso at isip mo, Anak!
Background music
Scene 7: kinaumagahan
(tunog ng manok)
Anaren: (kagigising) Aray! Ang sakit ng ulo ko!
Anita: Magandang umaga anak! Pinaghandaan kita ng almusal...mainit po itong sabaw
para mawala yang sakit sa ulo mo.
Anaren: Hindi ka galit sa akin nay?
Anita: Hindi, naiintindihan kita, Anak. Alam ko ang naramdaman mo kasi anak kita at
mahal na mahal kita.
Anaren: (iiyak) Salamat nay…salamat sa pagmamahal…patawarin niyo po sana ako.
Nabulag lang ako sa aking emosyon lalo na sa pagkamatay mi tatay…tama ka
nay…buhay siya sa puso ko…kaya ibabalik ko na ang dating ako…patawad po inay!
Anita: Salamat sa Diyos at nabuksan na rin ang iyong mga mata. Masaya ang tatay mo
ngyayon sa sinabi mo na yan.
Anaren: Salamat din sa Diyos na binigyan ako ng nanay na kagaya mo…Tama ka
Nay.Tunay nga mahal tayo ng Panginoon!
Narrator: Kahit anong kasamaan ang ating gagawin hindi magbabago ang katotohanan
na minamahal tayo ng Panginoon at handa tayong patawarin sa ating mga
kasalananan. Sana palaging bukas ang ating puso at isip para sa kanya. At yan
nagtatapos ang ating munting drama at sana nakapulot kayo ng mahalagang aral.

You might also like