You are on page 1of 30

The Hanging

The present.

Anastashia: Sa kabila ng masasayang ngiti at halakhak, hindi ko na nakikila pa ang

aking tunay na pagkatao, at ito’y nakakabahala na pala. Itong nakaraan tila ba kakaiba

na ang nagaganap sa buhay ko, hindi ko na maaninag ang kaginhawaan, tila ang mga

masasayang araw at oras ko ay napapalitan ng kalungkutan, at kasamaan. Nanaising

man magbago pero hindi na pwede pa, dahil nakatatak na na parang tattoo sa kanila

ang nangyayari. This past few days mula nong nangyari ang kabaliwan ng utak ko

nagbago na ang lahat, lahat lahat, at nanaisin na sana hindi ako makakapinsala ng

buhay.

Nadaanan na ni Anastasia sa isang parke na medyo malapit lang ito sa kanilang paaralan

at napag-desisyonan niyang umupo sa isang puno at magmuni muni muna ito.

Anastasia: I want to be a stone in my next life…

Matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon. Tumingin ito sa langit, parang

nabawasan ang mga dinadamdam nito habang siya ay nakatitig sa langit at para bang
nadagdagan ulit ang kaniyang enerhiya para sa susunod pang kabanata ng kaniyang

buhay. Ngumiti ito.

Anastasia: Sana sa susunod na aking pagkabuhay, gusto ko maging bato ako.. para

naman hindi ko na mararanasan pa ang mga nararanasan ko ngayon. Na kahit pa

apak-apakan nila ako sa hindi ako masasaktan sila ang magsasaktan.

Nagulat na lamang ito nang biglang may nagsalita sa kaniyang likuran. Si Jerome ang

kaibigan niyang beki kung kumilos pero straight naman daw ito, na ito lang ang may

alam sa lahat ng buhay ni Anastasia.

Anastasia: Ay? Tikbalang na mapanghi.

Jerome: Kung gusto mo maging bato, dadalhin kita sa maraming lugar.. (tumabi ito sa

tabi ni Anastasia)

Anastasia: Anong ginagawa mo dito Jerome?

Jerome: Sinasabayan kita sa kadramahan mo..


Anastasia: well thanks pero mukhang hindi ka naman sincere kaya no thanks..

Jerome: Ba’t ka naman kasi nagdramdrama?, umagang umaga eh angdrama mo.

Anastasia: Eh sa ewan ko ba, kanina kasing umaga nakaramdam ako ng something na

panganib ganon..

Jerome: Ay! Ang OA, baka naman ginhawa yan.. na makakamit mo na ang kalayaan sa

lahat ng bagay na nararamdaman mo ngayon…

Anastasia: Pero hindi eh, iba yun eh!

Jerome: Tsk! Don’t worry! Andito ako para sayo..

Anastasia: Hmm thanks! Pero sana talaga makamit ko na noh

Jerome: malapit na yan tiwala lang yan, (tumingin sa Rolex niyang relo) Anong oras na

oh late na tayo…?
Anastasia: ay oo nga no tayo na.. hahaha

Jerome: ikaw kasi ang drama mo, umagang umaga…

Anastasia: peace~!

Sa paaralan; Habang papalakad sila, napansin ni Anastasia na tila ang mga

estudyante na kanilang nadadaanan ay tudo tingin sa kaniya, binubulungan at

pinagtatawanan siya, ang mga iba ay pinadidirian. Tinignan niya ang kaniyang likuran

niya para malaman kung may tagos siya pero wala naman. Tinignan niya si Jerome pero

wala naman sa kaniya ang katawa-tawa. Abala si Jerome ngayon sa kanyang telepono at

parang may pinapanuod.

Anastasia: Bes… bakit sila nakitingin sa atin. Anong nangyayari?

Pero parang wala paring tugon si Jerome abala parin ito sa kaniyang panunuod.

Hinayaan na lamang ni Anastasia si Jerome na abala sa panunuod at huwag nang

abalahin pa ito at habang wala pa siyang tugon na natatanggap mula sa kaniyang

kaibigan, nagisip isip siya kung bakit pinagtitinginan siya pero wala siyang ideya kung

bakit nga ba. Sa gitna ng kanilang paglalakad ng kaniyang kaibigan at pagiisip ni

Anastasia biglang nagsalita si Jerome na ikinagulat niya.


Jerome: Bes. Kailan at Kanino mo sinend yung video?.

Anastasia: Bes! Anong pinagsasabi mong video, wala akong alam diyan sa sinasabi mo?

Jerome: just tell me honestly Anastasia di Maigalang, kailan at kanino?

Anastasia:(nagsimula na siyang manginig) wala nga akong alam diyan sa pinaparatang

mo, ba’t ba ang kulit mo?

Jerome: Kung wala ka talagang alam then (ipinakita niya ang kaniyang telepono kay

Anastasia) tell me who’s this girl in this video (at nagsimula ng nagplay ang Video)

Napatanga na lang si Anastasia habang pinapanood niya ang kaniyang sarili sa video,

kinuha niya ang telepono at unti unti niyang binabasa ang mga komento ng mga tao…

doon na lang unti-unting gumuho ang kaniyang mundo sa mga mensahe ng mga tao.. 12

million na ang nakapanood at kalahating milyon na ang nagkokomento sa kaniyang

video na puno ng kahihiyan at kalalaswaan, ang mga komento sa kanyang video ay puno

ng pambabash at yung mga iba ay pinandidrian siya. Pinatayo siya ni Jerome at pinagpag
ang kaniyang damit. Hinila niya si Anastasia papuntang likod ng field ng kanilang

paaralan

Jerome: I think you need to go home and fix this. Alam kong wala ka ng mukha pang

maihaharap ngayon dahil sa kumakalat na video. Kausapin mo yung taong nagpakalat ng

video mo para burahin and please Anastasia.. please, huwag ka ng umiyak, hindi lahat ng

bagay ay kayang pukawin ang isang bagay na nangyari na gamit ang pag-iyak mo, you

have to be strong enough to fight..

Anastasia: pero! Paano? Paano ko haharapin sila Mama at Ate? Paano kapag nalaman

nila? Hindi ko na alam ang gagawin ko..

Jerome: kaya nga pinapauwi na kita diba! To fix your mess, talk to your parents and tell

them the truth behind this thing.. ako na ang bahala sa’yo sa mga teacher na’tin, dito ka

na sa north wing lumabas, alam kung hinihintay ka ng mga estudyante doon para

pagtripan.

Anastasia: (yinakap si Jerome) thanks for understanding me even though they see me

like a whore.
Jerome: (yinakap rin si Anastasia) Ano na lang ang pagkakaibigan natin kung hindi kita

iintindihin. I know you have a reason and I understand why you did that but the others

can’t.. so go now before the class starts.

Anastasia: thanks, ( tumakbo ng papaalis si Anastasia)

--

Pagpasok ni Anastasia sa bahay nila ay nagulat siya bigla nang dahil sa isang malakas na

sampal ang bumungad sa kaniya at tinignan niya kung sino ito.

Anastasia: Ate.. please let me explain (nanginginig na sa takot)

Ate Ana: Explain yourself! Look what you did? Ano sa tingin mo ang pinag-gagawa mo?

Isa kang malaking kahihiyan Anastasia, dinumihan mo ang apelidong di Maigalang, sa

tingin mo kapag nabasura mo na ang video, malilinis mo na ang lahat? You’re so

disgusting Anastasia. Hindi ka nagiingat… Sasabihin ko to kay mama.

Anastasia: please ate, huwag! Ako na lang ang magsasabi sa kanila, please ate huwag

ngayon, nagmamaka-awa ako ate please.. ( pagmamakaawa niya)


Ate Ana: No, they have the right to know this disgusting video you made.

Anastasia: please ate huwag…

Dahil sa ingay na ginawa nilang magkapatid, lumabas si Nanay Neli sa kusina hawak

ang sandok.

Nanay neli: Ano ba na naman yang ingay na yan?

Ate Ana: Ma, si Anastasia…

Nanay neli: ano?

Anastasia: Please ate huwag mo ng sabihin oh..( nagsimula ng tumulo ang kaniyang mga

luha)

Nanay neli: anong hindi sasabihin Ana

Anastasia: please ate ( pagmamaka-awa niya)


Nanay Neli: ako ang nanay mo Ana, huwag mung sabihin na susunod ka sa kanya?

Ate ana: eto ma ( ipinakita ang telepono at plinay ang video)

Hindi na alam ang gagawin ni Anastasia habang pinapanuod niya ang kaniyang ina at ate

na pinapanuod ang video niya. Nabingi na lamang ito ng nagsalita ang kanyang ina, tila

hindi ito nakagalaw hindi alam ang gagawin.

Nanay neli: isa kang walang hiya Anastasia… ang dumi dumi mo, utang na loob

Anastasia, anong nangyayari sa buhay mo at ginawa mo ang isang bagay na ikakasira ng

imahe mo (naiyak) pinalaki kitang maayos at may galang sa sarili, pero bakit? Bakit mo

ginawa yan? Oo alam ko na this generation, ine-explore niyo ang mga bagay bagay, at

hindi ko kayo pinagbabawal na gawin iyon unless you are safe enough to do this things.

Anastasia: I’m sorry nay, hindi ko alam, kung saan galing ang video, hindi ko alam kung

bakit ginawa nila sakin to. Nagtiwala ako sa kaniya nay na hindi niya ipagkakalat nag

video (naiyak na) please ma spare me from this Nay.


Sa susunod na pagsasalita ng kaniyang ina, ang nagpatigil sa buhay niya, bawat

pagbigkas ng katagang lumalabas sa kaniyang labi ang nagpaguho sa kaniyang buhay.

Nanay Neli: Hindi kita mapapatawad, Anastasia isa itong malaking kahihiyan. (at

tulunyan ng tumalikod ang kaniyang ina at umalis sa kaniyang harapan)

Ang natitira na lang niyang pag-asa ay ang kaniyang ate Ana ngunit tila nawawalan din

siya ng pag-asang kausapin ito dahil sa nangyari kanina. Nakikita sa kaniyang mukha

ang pagka-disgusto sa kaniya.

Anastasia: ate please,

Ate Ana: Ako rin Anastasia, hindi kita mapapatawad… hindi ko kayang patawarin ang

isang tao na sumira sa apelyido ng ating ama. Nang dahil sa’yo ang sales natin sa

kompanya ay pababa na ng pababa… diba ang pangangaral ko sayo hindi ka gagawa ng

isang bagay na ikakasira ng pamilya natin, eh anong ginawa mo? Sinira mo… pati ang

tiwala ko sayo.

Anastasia: ate hindi ko na kaya… pati ba naman ikaw,


Ate Ana: Hinding hindi kita mapapatawad Anastasia tandaan mo yan… (at nilisan na

niya ang lugar na iyon)

Humagulgol sa iyak si Anastasia, hindi alam ang gagawin. Pumunta siya sa kaniyang

kwato at kinuha ang kaniyang telepono upang kausapin si Jacob ang dating kasintahan

niya noon. Alam niyang siya ang nagpakalat sa Video na ginawa nya. Ngunit hindi ito

sumasagot. Tinawagan niya ulit ngunit hindi na ito makontak pa. Hindi na niya alam ang

gagawin. Napaupo siya sa kaniyang kama at minasahe ang kanyang noo.

Makalipas ng ilang araw, hindi na pumapasok si Anastasia, dahil sa kahihiyan na ginawa

niya, hindi rin siya kinakausap ng kaniyang ina at kaniyang kapatid na tila ba hindi nila

magawaran pa na makausap ito dahil sa karumihan na ginawa niya, hindi na parin niya

nakakausap ang kaniyang dating kasintahan. At bumalik lahat bigla ang alaala ng

kaniyang ginawa noon kasama ang kaniyang nobyo.

[The PAST.]

Masayang kinakausap sa telepono ni Anastasia si Jacob. Magdadalawang taon na sila

at masaya parin ang kanilang relasyon, at mapapasana all ka sa relasyon nilang

dalawa.
Jacob: Babe nasan ka ngayon?

Anastasia: Nasa bahay babe bakit?

Jacob: Wala babe.

Anastasia: seryoso ka ba diyan babe?

Jacob: Babe pwede favor?

Anastasia: Ano yon babe? Gagawin ko lahat kapag kaya ko ah..

Jacob:(hindi nakatiis) babe, send ka naman ng hubad na larawan mo oh, pangako hindi

ko ipagkakalat, akin lang iyon pangako.

Anastasia: babe, malaking bagay na iyang hinihiling mo… patawad hindi ko maibibigay

ang pabor mo sa akin.


Jacob: babe sige na please! Kahit gift mo na sakin ito sa martes, diba 27 months na tayo

sa susunod, sige na please Anastasia, pagbigyan mo na ako, kahit ito lang ang hinihiling

ko..

Hindi makapag desisyon si Anastasia, kung pagbibigyan ang kahilingan na hinihingi ng

kaniyang nobyo. Dahil para sa kaniya ang laking bagay na ang kaniyang hinihiling,

isang bagay na hindi pwedeng basta basta na lang hinihingi.

----

Hindi na alam ang gagawin ni Anastasia magmula nong kumalat na ang video, kahit na

unti unti ng nawawala sa social media, nahihiya pa rin siya na harapin ang lahat. Nasa

isip at puso niya parin ang bakas ng pagkabigo, pagkawalang pag-asa at pagkahiya.

Hindi na rin siya lumalabas ng bahay dahil sa mga nagyari sa buhay niya. Ang kaniyang

ina at kaniyang kapatid ay hindi na rin niya nakakausap, kung magtagpo man ang

kanilang landas ay iniiwasan nila si Anastasia. Sa kabilang dako, nau-usap ang mag-ina.

Nanay Neli: hindi pa ba natin siya kakausapin?

Ate Ana: hindi ko alam Nay, tuwing nakikita ko kasi siya nagagalit ako. Hindi ko alam

kung bakit.
Nanay Neli: anak naaawa na ako sa kapatid mo, dalawang buwan na siyang hindi

lumalabas sa kaniyang kwarto hindi na rin siya nakakain, lagi na rin ang tawag sa akin

ng paaralan nila, tinatanong kung kailan babalik si Anastasia, kasi kapag hindi siya

papasok sa susunod na linggo baka hindi na niya makukuha ang certificate niya bilang

magna cum laude, inaasahan pa naman nila iyon.

Ate Ana: paano na iyan Nay? Papatawarin na ba natin siya kung ganoon kahit na may

sama parin ang loob ko sa kanya?

Nanay Neli: mas mabuting kausapin na natin siya at patawarin, natatakot akong mawala

siya sa buhay ko, siya na lamang ang natitirang alaala ng iyong ama anak?

Ate Ana: anong ibig mong sabihin Nay? (maguluhang tanong niya)

Nanay Neli: anak hindi ko pa ito nasasabi sa iyo, hindi namatay ang iyong ama dahil sa

atake, siya ang nag-volunteer na mag-donate ng puso para kay Anastasia. Para maisalba

ang kaniyang buhay dahil mahal na mahal niya ang iyong kapatid, hindi mo ba

napapansin na magkamukha ang iyong itay at si Anastasia.


Hindi makapaniwala si Ana sa kaniyang nalaman kaya pala na kapag tinitigan niya ang

kaniyang kapatid ay naalala niya ang kaniyang pumanaw na ama napagtanto na rin niya

na siguro ito na ang oras para patawarin si Anastasia, pagkatapos ng kanilang pag-uusap,

nagplano si Ana para sorpresahin ang kaniyang kapatid, tinawagan niya ang kaibigan ni

Anastasia na si Jerome upang babalakin nila ang pagso-sorpresa nila kay Anastasia. At

hindi rin makapaniwala si Ana sa aaminin ni Jerome sa kaniya.

Jerome: Ate Ana may sasabihin po sana ako sayo.

Ate Ana: Ano iyon Jerome?

Jerome: May aaminin po ako sa inyo. Sana po hindi magbago ang tingin niyo sa akin.

Ate Ana: (parang nagkaideya na siya sa aaminin ni Jerome) hinding hindi magbabago

ang paningin ko sa iyo Jerome, dahil alam ko na ang totoo

Jerome: (nagulat) paano niyo po nalaman ate?

Ate Ana: dahil noon pa lamang alam ko na ang totoo.


Jerome: talaga po alam niyo na, na gusto ko si Anastasia.

Ate Ana: ( tila hindi tugma ang kaniyang hula sa aaminin ni Jerome) (nagulat) talaga!

Mahal mo si Anastasia, diba beki ka.

Jerome: hindi po ako beki ate, kilos ko lang po pero puso ko ay straight na straight.. teka

ate akala ko ba alam mo na po ang totoo pero bakit tila nagulat ka po sa aking sinabi.

Ate Ana: akala ko kasi aaminin mo na ikaw ang nagpakalat sa Video ni Anastasia,

mukhang hindi iyon tumugma sa aking hula..

Jerome: ang sama naman po akong kaibigan kung ganon..

Ate Ana: hay! Sabagay. Buti na lang at sinabi ni inay ang katotohanan no.

Jerome: Opo, magsimula na po tayo para maaga na po nating matapos ito.

Ate Ana: sige sige!

----
Hindi alam ni Anastasia kung anong kinain niya at ginawa na lang ang pabor na

ipinapagawa ng kaniyang nobyo sa kadahilanang ayaw niyang mawala ang

pinakamamahal niyang nobyo ay basta basta na lang niya ito ginawa. At ang mas

malala pa ay gumawa pa ito ng saliring video na pinaglalaroan ang kaniyang ari.

Simula nong gabing iyon, hindi na niya nakausap pa ang kaniyang nobyo, kung

magkausap man sila, nagkakamustahan na lang ang mga ito at sa susunod na hindi na

sila nagkaka usap pa.

Hanggang sa dumating ang araw ng kanilang monthsary hindi na sumipot ang lalaki sa

date nilang dalawa. Umiyak sa araw na iyon si Anastasia, punong puno siya ng pawis

kakahintay sa kaniyang nobyo, hanggang sa pagabi na natatakot na siya sa daan

nagpagdesisyonan na lang niya umuwi kahit na gabi na at buti na lamang at hindi pa

nakasarado ang pintuan ng kanilang bahay. Dali dali siyang naligo upang matanggal

ang lahat ng lagkit sa kaniyang katawan at para makapagpahinga na rin siya kahit na

may sama parin ang kanyang loob dahil sa nangyaring hindi pagsipot ng kaniyang

nobyo.

Habang naghahanda siya sa kaniyang pagtulog ay bigla-biglang tumunong ang

kaniyang telepono at nagbakasali siyang na si Jacob ang nagtext sa kaniya at laking

pasasalamat niyang siya nga ito, ngumiti siya at dahil sa wakas nagtext na rin sa kaniya
ang pinamamahal niya ngunit biglang napawi ang kaniyang mga ngiti habang binabasa

nito ang mensahe ng kaniyang nobyo.

“Hey! Anastasia, ako ‘to pasenya na’t hindi ako nakapunta sa date nating dalawa,

ang totoo niyan, ayaw na kitang makita pa. Wala akong girlfriend na madumi, nandidiri

ako sa iyo. Tinitiis lang kita ng dalawang taon dahil ang totoo niyan dare lang nila sakin

iyon. Hindi ikaw ang gusto ko ang si Lizelle ang gusto. Salamat sa’yo at natapos ko na

ang misyon ko mapapasaakin na ang taong mahal ko. Maraming salamat na lang sa

mga gift mo na binigay mo sa akin, Goodbye and let’s break up!”

Simula nang gabing iyon, hindi na niya nakakausap at nagpaparamdam pa ang

kaniyang nobyo, na pinutol na niya lahat ng kanilang koneksiyon sa kanilang dalawa.

Blinock na nga siya sa facebook at sa mga social media na kung saan konektado silang

dalawa. Hindi na rin niya ito natawagan pa.

---

Natapos na rin ang plano nila Jerome at ate Ana, at mismong sa kaarawan ni Anastasia

nila ito susurpresahin kasabwat nila sa pagsurpresa ang lahat ng kaklasa ng kanilang

paaralan. Kinaumagahan tulong tulong ang mga estudyante sa pag-aayos at


pagdidesenyo sa isang hotel na pag-aaari ni Ate Ana. Habang si ate Ana pumipili naman

ng magandang susuotin ni Anastasia bukas ng umaga.

Sa kabilang dako naman, nagulat si Nanay Neli, ng bumukas ang pintuan ng kaniyang

anak na si Anastasia, tinignan niya ito at nasa iisang sulok ito na nakatingin sa malayo,

wala na ang dating Anastasia na nakikita niya, ibang Anastasia na ang nasa harapan niya,

ubod ng lungkot at halos luluwa na sa kaniyang mga mata sa sobrang payat na ito. Unti

unti ng naging emosiyonal si Nanay Neli habang papalapit siya sa kanyang anak.

Yinakap niya ng mahigpit ang kaniyang anak at humagulgol ito habang yakap yakap

niya ito. Pinagpantay niya ang kaniyang mukha sa mukha ni Anastasia para makita at

maaninag ang buo nitong mukha ng kaniyang anak.

Nanay Neli: Anak ko! Anong nagyayari sa’yo?

Ngunit wala itong natanggap na tugon mula sa kaniyang anak. Tinititignan niya lamang

ito pero hindi nagsasalita.

Nanay Neli: anak naman~ sumagot ka naman sa akin oh! Parang awa mo na~ Anak

ko…(pagsusubok niyang kausapin ang kaniyang anak)

Pero wala pa rin.


Nanay Neli: Magluluto ako ha! Para kumain ka na, at para na rin bumalik na ang dating

Anastasia namin ha

Lumabas si Nanay Neli sa kwarto ni Anastasia at dali daling pumunta sa kusina para

maghanda ng kakaninin ni Anastasia. Hapon ng natapos sa pagluluto si Nanay Neli. At

hindi niya ina-asahan na napaaga ang uwi ng kaniyang panganay na anak.

Ate Ana: oh nay, andami naman po yang niluto niyo may bisita po ba tayo?

Nanay Neli: wala anak, binuksan na kasi ni Anastasia ang kwarto niya kaya naghanda

ako ng makakain niya.

Ate Ana: Talaga Nay! So matutuloy ang sorpresa.

Nanay Neli: oo anak, kaya bukas dapat ready na iyan ha! Para hindi tayo magkagulo

bukas.

Ate Ana: opo Nay! Ready na lahat. Siya na lang po ang kulang.
Nanay Neli: ganong ba, kung gayon tulungan mo akong tapusin ito at iakyat natin sa taas

para makakain na ang kapatid mo.

Ate Ana: sige nay..

Patapos nang magluto ang dalawa at napagdesisyonan ni Ana na umakyat at tignan si

Anastasia, nagulat na lamang siya nang makita niya ang sitwasyon kaniyang kapatid.

Tumulo ang kaniyang luha at tinalikuran na lang. Hindi niya matiis ang nakikita ng

kaniyang kapatid na ganon kapayat at hindi na malaman kung siya ba iyon o hindi.

Pagtalikod niya nagulat siya na nasa likod niya pala ang kaniyang ina at pinapanuod

siya.

Ate Ana: nay! Hindi ko po kayang tignan ang kapatid ko. Malaki na ang pinagbago niya

Nay. (luhaang sumbong niya sa kaniyang nanay)

Nanay Neli: ako rin anak, hindi ko alam na ganito pala ang magiging kahihinatnan ng

lahat. Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko anak. Kapag nawala siya sa buhay

natin anak, hinding hindi ko mapapatawad sarili ko.


Ate Ana: Nay ( yinakap niya ang kaniyang Nanay)

Pagkatapos nilang naghanda, umakyat na sila at sinet-up ang lahat lahat para makakain

na si Anastasia.

Ate Ana: Anastasia andito na pagkain mo oh… *snift* *snift* kumain ka ng kumain ah

para bumalik na ang dating Anastasia namin ha!

Nanay Neli: miss ka na namin anak, kaya kumain ka na, ipinagluto kita ng mga

paboritong mong ulam.

Ate Ana: iwan ka na namin para hindi ka namin ha, para makapagpahinga na kami at

makakain ka na, kasi bukas magchi-chika tayo tas may pupuntahan tayo..

Hinihintay nilang sumagot si Anastasia pero nagpasiya na lamang silang dalawa na

lumabas na lamang. Pagkalabas nila doon na lamang ibinuhos ang mga pigil na luha sa

loob ng kwarto ni Anastasia. Miss na nila ito lalo ang kaniyang amoy na kapareho ni

Tatay Noli. Nagyakapan ang dalawa dahil wala silang maisip na paraan para bumalik

ang dating Anastasia. Pinalagpas na lamang ito at para bukas na lang nila ito aayusin pa.
Kinaumagahan, pumasok si Ana sa kwarto ni Anastasia para iligpit sana ang pinagkainan

ni Anastasia pero nabigo siya dahil ni isa dito ay wala man lang itong kinain o kahit na

uminom man lang. Kinuha niya ang mga ito kahit na hindi pa ito nagagalaw. Ipinatong

niya rin ang damit na susuotin ni Anastasia ngayong kaarawan niya at para sa sorpresa na

magaganap.

Ate Ana: susuutin mo mamaya~ lalabas tayo treat ko.

Pero wala pa rin itong kibo. Hindi alam na Ana na sa likod pala niya ang kaniyang ina.

Nanay neli: ako na ang mabibihis sa kaniya pumunta ka na doon at ayusin ang lahat ako

na ang bahal sa lahat.

Ate Ana: sige! (bumaling kay Anastasia) sige bunso bye na ha. Mahal ka namin kita na

lang tayo mamaya doon, ano?

Kahit na kausapin nila ito tila wala pa rin silang natatanggap na tugon mula sa kanya.

Lumabas na si Ana at pumunta sa venue kung saan gaganapin ang surprise party nila

para kay Ana. Nandoon na ang lahat pati na rin si Jerome na tine-test ang technicalities

ng party. Agad na chineck ni Ana ang mga pagkain kung may kulang ba o wala na. At

nakahinga naman ng ginhawa si Ana ng makitang set up na ang lahat.


Pinapaliguan na ni nanay Neli si Anastasia, wala itong kibo. At malayo ang tingin.

Pagkatapos niyang paliguan, ipinasuot na niya nag dirty white mini dress with lace trim

detail and fluted two tone pleat sleeves. Pagkatapos na niyang bihisan ang kaniyang anak

ay dali dali siyang lumabas siya muna ng kunti para tawagin beki na nasa kabilang kanto

para make-up’an ang kaniyang anak.

Sa venue na settle na nila ang lahat, hinihintay na lamang ni Ana ang tawag mula sa

kaniyang ina. Apagkalaan ng isang oras wala pa rin itong tawag at doon na siya nabahala.

Paglabas niya sa venue doon humangin ng kakaibang hangin. She get chills and felt

something strange. Dali dali siyang sumakay sa kaniyang kotse at umuwi sa kanilang

bahay.

Pagdating niya sa bahay nila. Nagkakagulo ang mga tao sa labas ng kanilang bahay,

binusinaan niya ang mga ito upang makadaan ang kaniyang kotse. Pagkababa niya sa

kaniyang kotse hindi na siya nag-abala lang patayin ito at dali daling pumasok sa bahay

nila.

Doon na lang nanghina ang mga tuhod ni Ana, nanlabo ang kaniyang mata at hindi na

makapgsalita, hindi makapaniwala sa nakikita ng kaniyang dalawang mata, ang makita

ang kaniyang kapatid na nakabitin sa kanilang dingding na nakamata at hindi na


humihinga, duguan ang kaniyang kamay at suot suot nag dress nito para sa event na

inihanda niya. Sa baba nito ang kaniyang nanay na pinipilit iniiangat upang maisalba ang

kaniyang kapatid, kahit na ito’y naliligo na sa dugo nagmumula sa kaniyang kapatid.

Lumapit ito sa kaniyang ina at pinipilit na inilalayo ang sa katawan ng kaniyang kapatid.

Ana: Nay, wala na siya!

Neli: mali ka anak, bitawan mo ako, maisasalba pa natin siya, bitawan mo ko Ana, Ang

anak ko! Ang anak ko! (pinipilit na makawala sa kamay ng kaniyang panganay na anak)

Ana: Nay! Wala na siya ano ba? (ipinaharap siya sa kaniya at hinawakan ang kanyang

balikat) nay Wala na si anastasia patay na siya. Gumising kayo nay, tumahaan ka na

please nanay, nagmamaka-awa ako sa’yo, mapapagod ka lang eh. *snift* tanggapin na

lang natin ang lahat na wala na siya. Na patay na si Anastasia.

Neli: hindi ko kaya anak. Hindi ko na kaya.. (nahimatay)

Ana: nay! Nay! Nanay!


Hindi na alam ang gagawin ni Ana, hindi na niya alam kung sino ang uunahin niya ang

kapatid niya o ang kaniyang ina, mabuti lang at agad rumespunde ang ambulansiya.

Agad-agad niyang tinawagan si Jerome para ipa-alala ang nangyari:

Jerome: ano ate nasan na kayo? Kompleto na lahat ng guest at kayo na lang ang kulang.

Ana: pasensya na Jerome… *snift* Anastasia didn’t make it

Jerome: anong ibig mong sabihin ate?

Ana: wala na siya, patay na siya. She committed suicide.

Jerome: hindi ate, baka nan-jojokes lang po kayo, ate naman, si Anastasia ang

isu-surpresa natin hindi kami ano ba kayo?

Ana: Damn it, Jerome, can you just believe me for this time.. I told you Anastasia is dead.

Do I need to tell you personally to make you believe that she is dead. If you want proof,

come to the St. Luke hospital see you there.


She hang up her phone and continue driving. Agad siyang in-assist ng mga nurses doon.

And the result for Anastasia ay agad na lumabas bago ang kaniyang ina.

Doctor: Im sorry to tell this but Miss Anastasia di Maigalang also the child in his tummy

didn’t make it, while Mrs, Neli di Maigalang will be transferred in room 201.

Condolence Miss

Nanghina ang tuhod ni Ana, sa ibinalita ng doktor. Buntis si Anastasia, kaya pala iba ang

laki ng kanyang tiyan. Habang pinagmamasdan niya ito kagabi, iba ang pigura niya.

Gulong gulo na siya, hindi na niya alam kung kaninong ama ang dinadala niya.

Iyak ng iyak si Ana, hindi na alam kung saan pa niya kukuhanin ang lakas niya, hindi na

rin alam kung ano ang uunahin siya. Nagulat siya at dumating na si Jerome, at halata ito

na pagod sa kakatakbo dahil sa malalaking hingal na ginagawa niya. Agad na nakita ni

Jerome si Ana at nagkausap sila..

Ana: wala na siya!

Sinuntok ni Jerome ang dingding ng hospital at humalondusay siya sa sahig.


Jerome: ano ba ang nangyayari sa kaniya at ganon na lamang ang ginawa niya.

Ana: hindi ko alam, may tanong ako sayo Jerome?

Jerome: ano po yon ate? (tanong niya)

Ana: May alam ka bang sumunod na kasintahan ni Anastasia?

Jerome: wala na po ate! Last no po yung tarantadong si Jacob

Ana: damn it…

Jerome: bakit po ate?

Ana: buntis si Anastasia! At hindi ko alam kung sino ang nakabuntis sa kanya!

Jerome: bu-buntis siya?


Ana: Oo, may kakilala ka ba

Jerome: hindi ko alam ate, patawarin mo ako ate hindi ko alam na may magbubunga ang

nagyari sa amin nung araw na iyon, patawarin mo ako ate.

Ana: Damn it, bakit hindi mo sa akin sinabi, bakit hindi mo sinabi na may nangyari sa

inyo..

Jerome: nalasing kaming dalawa ate! At hindi ko alam na mabubuntis siya..

Ana: Dang it, wala na tayong magagawa Jerome wala na siy I’m sorry for your loss

Hindi na nakapagsalita pa si Jerome at nagpasiyang umuwi na lang. Nagising na rin ang

Nanay ni Ana at ibinalita ang lahat lahat na naganap habang siya’y wala ang malay.

Pagkasalipas ng isang linggong pakikiramay kay Anastasia. Nailibing siya ng maayos, at

nakulong naman ng dalawang taon ang dati nitong kasintahan na si Jacob.


Sa nagdaang araw na pamumuhay nila Ana at Nanay Neli, mas lalong naging

komplikado ang buhay nila dahil wala na ang dalawang pinaka-mamahal nila sa buhay.

Hindi na nakakain ng maayos si Nanay Neli, at tudo pagtratrabaho naman ang inaatupag

ng Ana, ibinubuhos niya ang pagkabigo at sakit na nararamdaman niya sa pagtratrabaho

sa kaniyang kompaniya.

At doon na nagwawakas ang istorya ni Anastasia di Maigalang…

The Hanging

The End

You might also like