Paglago NG Ekonomiya

You might also like

You are on page 1of 1

Paglago ng ekonomiya, pasok sa

target ng gobyerno
ABS-CBN News
Posted at Jan 23 2018 01:41 PM | Updated as of Jan 23 2018 04:12 PM

Pasok ang paglago ng ekonomiya noong huling tatlong buwan ng 2017 sa target ng gobyerno,
kahit na mas mababa ito sa inaasahan ng merkado.

Ayok kay Socioeconomic Planning Sec. Ernesto Pernia, inaasahan ang pagbagal sa paglago ng
gross domestic product o GDP kumpara noong 2016 dahil walang dagdag paggastos kaugnay ng
halalan.

Lumago ang GDP ng 6.6 porsiyento noong fourth quarter, pasok sa 6.5 hanggang 7.5 porsiyento
na target ng pamahalaan, ngunit mas mababa sa 6.7 porsiyento na inaasahan ng mga ekonomista,
ayon sa Reuters at Bloomberg.

Para sa buong taon ng 2017, lumago ang ekonomiya ng 6.7 porsiyento.

Kabilang pa din ang Pilipinas sa mga ekonomiya sa Asya na mabilis ang pag-unlad, ayon kay
Pernia.

Sa datos na iprinesenta ni Pernia, sinabi nitong mas malakas ang naitalang paglago ng
ekonomiya noong 2017, kumpara sa ibang taon matapos ang isang eleksyon.

Samantala, inaasahan naman ni Pernia na magtatala ng mas mabilis na paglago ang GDP sa
unang tatlong buwan ng 2018 bunsod ng mas mataas na tak-home pay ng mga empleyado dahil
sa ipinasang tax-reform law.

You might also like