You are on page 1of 1

________________________________________

Bahagyang nagkaroon ng tensyon sa harap ng tanggapan ng Of Education Department sa Pasig Zity


nang pilita ing pumasok ng mga nag kilos protesta sa loob nito. Nauna dito, kinokondena ng grupong
save our school network ang naging desisyon ni Education Secretary Leonor Briones na ipasara ang fifty-
five na eskwelahan ng mga lumad sa Southern Mindanao.

ito’y matapos na makatanggap ng affidavit si National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr.,
mula sa isang dating estudyante na di umano’y puro panig sa New People’s Army (NPA) ang tinuturo sa
kanila.

Bukod dito, hiling din nila sa pamahaalaan na tanggalin na ang militarisasyon sa ilang lugar sa mindanao
dahil nagdudulot lang ito ng takit.

Hindi naman nakapasok ang nasabing gruopo sa loob ng DepEd at matapos ang maikli nilang programa
ay agad din silang umalis.

Ayon sa grupo, hindi makatarungan ang naging desisyon ni Briones lalo na’t wala silang matibay
na ebidensiya na taliwas sa pamahalaan

ang itinuturo sa nasabing mga paaralan.Karapatan din daw ng mga kabataang lumad na
makapag-aral at dahil dito, mismong ang DepEd pa daw ang tila pumuputol sa layunin nito na bigyan
kaalaman at pag-aralin ang lahat ng bawat pilipino.

IKINAGALIT ng mga lider ng mga katutubo sa Mindanao (Lumad) ang anila’y “pagtangay” ng
grupo ni dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro, sa
kanilang 14 na kabataan mula sa Salugpungan Learning Center sa Davao Del Norte noong isang linggo,
kasabay ng panawagan na huwag nang muli pang papasok ang kanilang grupo sa teritoryo ng mga
Lumad sa Mindanao.

You might also like