You are on page 1of 18

Modyul 10

Ang Proseso ng Pagsasalin:


Ebalwasyon ng Salin
Sa modyul na ito, inaasahang magagawa mong:
 Masuri ang isinagawang salin;
 Mabigyan ng ebalwasyon ang
pagsasalin; at
 Mabigyan ng higit pang pagsusuri ang
ebalwasyon ng isinasagawang
pagsasalin
Hindi magtatagumpay ang isang
tagapagsalin kung sa unay pa ma’y hindi
sya magkakaroon ng interes sa kaligiran
ng tekstong kaniyang isinasalin. Kung
walang interes ang tagapagsalin at pinipilit
pa rin nyang isalin ang nabanggit na teksto,
hindi sya magtatagumpay sa kaniyang
ginagawa at kung matapos man niya ang
kanyang trabaho, isang saling hindi
umakma sa orihinal ang magiging
kalalabasan ng kaniyang salin.
Pretextual
Mula sa SL ng orihinal na teksto, nagsisimula
ang pagsasalin. Nagaganap na ang pagsasalin kapag
hawak na ng tagapagsalin sa kaniyang kamay ang
tekstong kaniyang isasalin. Hindi pa man siya
nagsisimula sa aktuwal na pagtutumbas sa
pagsasalin, ang paghawak na niya mismo sa teksto
at ang paglilipat-lipat sa mga dahon nito ay isa nang
manipestasyon ng pagsasalin. Ito ang tinatawag na
pretextual(ities) (Bautista, 1990:27) na maaring
makaimpluwensya sa ginagawang pagsulat,
partikular na sa pagsasalin.
Bago pa man maisatitik ang mga ideya,
napunlan na ito ng mga extra linguistic
realities. Malaking salik ang pagbibigay-
konsiderasyon dito dahil ito ang gagabay
sa daloy ng isinasagawang pagsasalin.
Textualization
Matapos makilala ang autentisidad
ng orihinal na tekstong batayan ng
gagawing pagsasalin, dito na papasok
ang textualization na kung saan
nagaganap ang abstraksyon sa
teksto.
Mga dapat taglayin ng teksto upang mapang-
abot ito sa layong inaasahan ng isang
tagapagsalin:
1. Kailangang maging komunikatibo ang isang teksto.
2. Hindi magiging komunikatibo sa pagsasalin ang
isang teksto kung wala itong cohesiveness, sense
constancy of the surface and the innate text
(Hasim and Mason, 1997:16)
3. Kailangang taglay ng teksto ang intertextuality
nito. Kailangang may demokrasya hindi lamang sa
pagbibigay-katuturan sa isang teksto kundi
demokrasya rin sa loob nito.
Semiotic at Linguistic Basis
Nakapaloob na sa kahit na anong
metodolohiya ng pagsasalin ang dalawang
bagay na ito. Sa pagsasalin, makikitang
higit na mas mabibigyang-llinaw ang
pakahulugan ng isang salita kung iaangkla
rito ang kultura upang mas maintindihan
naman ito kung alam ng uunawa ang
salitang gagamitin.
Susunod na hakbang sa pagsusuri ang
tinatawag na language familiarization
o consciousness of one particular
language. Upang maging konsistent at
may tunog leksikon ayon sa ortograpiya
ng teksto ng TL, kailangang maging
konsistent sa pagsasalin.
Suriin ang mga sumusunod:

1. Kultura o ang pangkulturang implikasyon


ng teksto o ang tinatawag na extra
linguistic realities (pragmatika)
2. Aesthetic value
3. Semantika o ugnayan ng lingguwistika at
semiotika
Scrib(e)ization
Sa pagsusulat, hindi maaksaya ang mga
namumuong ideya (ng pagkaunawa man
sa teksto o ang mga namumuong mga
pagtutumbas o equivalence). Sa
pagsusulat din makikita ang
pagmamalabis at pagkukulang na
ginagawa at (maaaring) gawin habang
nagaganap ang pagsasalin
Auralization
Pagtitimbang ng tainga sa mga
salitang idinikta ng isip at isinulat ng
kamy. Makatutulong ang pagbigkas
dahil natutulungan ng vocal o tinig ng
bibig ang minsang hindi pa mailabas
na pakahulugan ng diwa.
Scrib(e)ization 2
Kung isang tagumpay ang isinagawang
pagsasatinig ng mga salita sa auralization,
kailangan muling isulat ang mga
napagdesisyunang pinagtumbasan (mga
salita mula SL patungong TL). Isasatitik
muli ang mga napagdesisyunang salita sa
ikalawang pagkakataon.
Evaluation/Auralization 2
Kapag naisulat na sa ikalawang
pagkakataon ang mga napagdesisyunang
pagtutumbas, kailangan na itong suriin at
higit na magiging makabuluhan at
epektibo ang pagsusuri kung babasahin
ang mga suri ng malakas, nang mayroong
tinig. Sa puntong ito, maaari ding isulat
muli ang mga nabuong ideya sa
pagsusuri.
Final Translation
Sa huling pagkakataon, kapag
makinis na ang daloy ng
isinasagawang pagsasalin, iikot na ang
tagapagsalin sa hulung yugto ng
kaniyang ginagawa kung saan bubuuin
na ang pinal na pagsasalin.
MGA
KATANUNGAN
?

You might also like