You are on page 1of 2

Pangalan: Izeah D.

Arquillano Seksyon: 7-Tirad Pass Petsa: Pebrero 25 2019

SURING-PELIKULA: “HENERAL LUNA”


PINAL NA PROYEKTO SA AP 7 – IKAAPAT NA MARKAHAN

BUOD

Ang mga Amerikano at Pilipino ay nasa kalagitnaan ng giyera dahil sa disesyon ng kabinete ni Emilio
Aguinaldo.Nagalit si Luna kina Buencamino at Pedro Paterno dahil sinussuporta nila ang mga Amerikano,
Habang ito ay nangyari madami na nasakop ang mga Amerikani.Pagkatapos may ipinapunta si Luna sa
Headquarters ng Presidente sa Cabanatuan. Nang nakadating na siya, Binaril siya at sinaksak. Isinisi ng mga
Amerikano si Aguinaldo sa pagkamatay ni Luna pero itinanggi ito ni Aguinaldo.

PABORITONG KARAKTER
Ang aking paboritong karakter ay si Heneral Luna. Dahil si Luna ay nagpapakita ng pagmamahal sa bayan.
Ang tawag sa pagmamahal niya sa bayan ay nasyonalismo. Ito ay tunay na nasyonalismo dahil pinapakita niya
ang pagmamahal noya sa bayan gamit ang kanyang aksyon. Paborito ko din siyang karaktet dahil marunong
siyang magisip ng mabilis. At dahil din magaling siya sa istratehiya at dagil dito siya ay naging magaling na
heneral.

MGA GABAY NA TANONG


1) Ano ang panimulang kaalaman mo sa buhay ni Hen. Antonio Luna bago mo napanood ang pelikula?
Ang kaalamn ko kay Heneral Luna bago maapanood ang palabas ay, akala ko ay hindi siya magaling na
Heneral. Dahil naririnig ko na masamang Heneral si Luna.Ayun ay medyo tama din, Pero kinakailangan
na siya ay maging mautusin kapag nasa giyera. At ngayon alam ko na ginagawa niya ang iyon dahil sa
pagmamahal niya sa bayan.
2) Ano ang pangunahing suliranin o problema sa kwento? Pangatwiranan ang sagot.
Ang unang suliranin ay ang hindi pagsundo ng Pilipino kung ano ang gagawin nila sa mga Amerikano.
Dahil sa unang parte makikita mo na sila ay nagdedebate kung magiging kasundo ba nila ang mga
Amerikano o hindi. Si Luna naman ay pumapanig sa mga tao na kakalaban sa Amerikano. Ang mga
tauhan naman sa kabilang panig ay si Pedro Paterno at si Buencamino.
3) Ano ang pagkakaintindi mo sa huling bahagi ng pelikula (ang pagpatay kay Heneral Luna)?
Pinaparay si Luna Kapitan Janolio at ang kanyang hukbo. Bago iyon mangyari naguusap sina Heneral
Luna at Buencamino at sila ay nagaway. Napigilan sila ni Kapitan Janolio at namatay si Luna dahil siya
ay binaril at isinaksak.
4) Naipakita ba ang nasyonalismo ng mga Pilipino sa pelikula? Kung oo, anong bahagi ng palabas. Kung
hindi, pangatwiranan.
Oo, ito ay ang kalagitnaang bahagi ng palabas. Dahil ang mga Pilipino ay isinasakripisyo ang kanilang
sarili para sa kapakanan ng Pilipinas. Kasama na din si Heneral Luna dahil siya ang namuno sa hukbong
Pilipino habang naglalaban sila. Sila ay nagpapakita ng Nasyonalismo dahil hindi lang nila
nararamdaman ang pagmamahal nila sa bayan kundi inaaksyon din.
5) Ayon sa pelikula, sino o ano ang kalaban ni/ng mga sumusunod. Ipaliwanag kung bakit.
a. Heneral Luna - Ang mga Amerikano. Dahil siya ang nanguna sa pag atake ng hukbong pilipino sa
mga Amerikano. Pwede din kasama sina Buencamino at Paterno dahil hindi parehas ang pananaw
nila sa mga Amerikano.
b. Pilipinas - Ang Amerika. Sa palabas na ito ang kalaban ng Pilipinas ang Amerika. Dahil ang mga
Amerikano ay sinasakop ang mga lupain ng Pilipinas.

Ipinasa kay: Bb. Karen Nicoleta Timbol


c. Pilipino - Ang mga kapwa Amerikano. Kasama na din ang kanilang kapwa dahil ang mga Pilipino
ay hindi nagkakasundo sa pananaw nila sa mga Amerikano at dahil dito naghiwalay sila at pumanig.
Ang Amerikano naman ay dahil nakipaggiyera na ang mga Pilipino sa mga Amerikano.
6) Ano ang repleksyon mo sa napanood na pelikula? Bakit?
Ang repleksyon ko sa pelikula ay dapat maging nasyonalismo kung gustong umunlad ang bayan. Dahil
ang bayan na ito ang lugar na ikaw ay pinanganak, Ito din ang nag alaga sa iyo. Kaya dapat
maipapagmalaki mo ang bayan mo dahil ito ang iyong naging unang tirahan. Ang pangalawa kong
natutunan ay dapat walang magaaway. Kahit ito ay imposible ito ang pinagsisimulan ng gulo. Dahil ang
mga Pilipino sa pelikulang ito ay may ibat ibang pananaw sa mga Amerikano.
7) Ano ang reaksyon mo sa napanood mong pelikula? Bakit?
Ang aking reaksyon dito ay ito ay isang magandang palabas. Dahil ipinapakita ng palabas na ito ang
pagiging nasyonalismo ng mga Pilipino sa kanilang bayan. Ginagawa nila ito gamit sa pag sakripisyo ng
kanilang sarili para sa kanilang inang bayan. Pero ang mga iba pinapakita ang nasyonalismo na ito sa
ibang paraan. Tulad nina Paterno at Buencamino, Ipinakita nila ang kanilang nasyonalismo nila gamit
ang pakikisundo nila sa mga Amerikano. Dahil sa pananaw nila matutulungan ng Amerika ang Pilipinas.
Pero ang aking huling reaksyon ay maganda ang pagexplain nila at pagpapakita ng nasyonalismo ng
Pilipino. Sa huli ito ay isang magandand pelikula.

Ipinasa kay: Bb. Karen Nicoleta Timbol

You might also like