You are on page 1of 3

Boys Scout’s Investiture Ceremony

Equipment:

Table
Trefoil
Philippine Flag
Match/Lighter
Troop Flag
Candles (12 pcs white) (12 points scout law)
3 big candles points of the scout oath
1 big candle the spirit of scouting
Scout Badge
Scout Neckerchief

Program Proper
Setting: Sisindihan ang malakiing kandila. Ang Troop Leader ay tatayo sa tabi ng mesa kung
saan nakaayos ang mga kandila. Nakahanda ang Senior Patrol Leader na iprisinta ang mga
bagobg skawts (dapat lahat ng skawts ay nakasuot ng uniporme kung maaari)

Procedure
Troop Leader: Senior patrol leader, dalhin sa harapan ang mga candidates (Sasamahan ng
spl ang mga candidates sa mesa na kung saan nakatayo ang troop leader, nakaharap sila
rito at nakatalikod sa mga mannonood tatayo sa tabi ng troop leader ang SPL)

Troop Leader: Iniharap ninyo ang inyong sarli sa aming harapan at nais ninyong maging
isang skawt. Iyon ba ang nais ninyo?

Candidates: Opo Maam/Sir

Troop Leader: Sa pagdiriwang na ito ay tatanggapin kayo sa Troop at sa samahan ng mga


skawts. Nasa harap ninyo ang isang malaking kandila na nakasindi na sumasagisag sa diwa
ng skawting. Kapag kayo ay naging isa ng ganap na skawts ay matutunan ninyo ang diwa
ng skawting. Ang batas ng ating samahan ay ang bataw ng skawts. Sinusunod ng milyon-
milyong skawts sa buong mundo. Matutunan ninyo rin ang mga batas na ito bilang inyong
sariling batas.
Bibigkasin ng Senior Patrol Leader at mga Patrol Leaders sa inyo ang mga batas,
pakinggan siyang maigi sapagkat tatanungin ko kayo kung tatanggapin niyo ito bilang
inyong sariling batas.
(Kukunin ng SPL ang malaking kandilang may sindi at iilawan ang unang kandila sa kanyang
kanan habang bibigkas ang unang puntos sa batas ng skawts.)

SPL: Ang skawts ay….


Mapagkakatiwalaan
Matapat
Matulungin
Mapagkaibigan
Magalang
Mabait
Masunurin
Masaya
Matipid
Matapang
Malinis
Maka-Diyos

(iiwan ng SPL ang malaking kandila sa dating puwesto nito)

Troop Leader: Narinig na ninyo ang 12 puntos sa batas ng iskawts. Tinatanggap ba ninyo ito
bilang iskawt at nangangakong susundin ito?

Candidates: Opo, tinatanggap at susundin naming.

Troop Leader: Nabubuhay rin ang mga skawts sa isa pang kasunduan. Ito ay ang
Panunumpa ng skawt. Naglalarawan ng tatlong mahahalagang tungkuling dapat
tanggapin. Ang tungkulin sa diyos at sa Bayan, tungkulin sa ibang tao at tungkulin sa sarili.
Kung nais ninyong tanggapin ang mga ito, bigkasing muli pagkatapos kong bigkasin
habang iniilawan ko ang tatlong kandila na siyang sumasagisag sa tatong tungkulin.
(Gamit ang pinakamalaking kandila ay iilawan ng Troop Leader ang tatlong kandilang
sumasagisag sa mga tungkulin. Nakataas ang kanang kamay ng lahat ayon sa
panunumpa.)

Troop Leader: Sa ngalan ng aking dangal ay gagawin ko ang buong makakaya. Upang
tumupad sa aking tungkulin, sa Diyos at sa aking Bayan, Ang Republika ng Pilipinas (Iilawan
ang gitnang kandila)
At sumunod sa batas ng skawts, tumulong sa ibang tao sa lahat ng pagkakataon (iilawan
ang kaliwang kandila) Panatilihing malakas ang aking katawan, gising ang isipian at
marangal ang asal. (iilawan ang kanang kandila)

Narinig na ninyo ang panunumpa ng Skawts. Tinatanggap ba ninyo ang mga


tungkuling inilalarawn ditto, nangangako ba kayong pag-aaralan at susundin ang
panunumpa ng isang iskawt?

Candidates: Opo pag-aaralan at susundin po namin

Troop Leader: Kung ganoon, nagsimula tayo sa kadiliman, ngayon mula sa liwanag ng mga
kandilang ito makikita natin ang isa’t isa. Magiging gabay sa atin ang panunumpa sa
tungkulin natin at ang mga batas ng iskawt upang ilawan ang bawat nating mga hakbang.
Mga kaibigan, masdan ang ating watawat. Alam natin ang kanyang isinasagisag.
Natutunan na natin kung paano ito alagaan, Mahal natin ang bayang kanyang
sinasagisag. Tignan ang watawat at bigkasin ang Panunumpa sa Watawat. (Ilagay ang
kamay sa ayos ng panunumpa)

Candidates: Ako ay Pilipino,


Buong Katapatang nanunumpa sa watawat ng Pilipinas
At sa bansang kanyang sinasagisag.
Na may dangal/katarungan at Kalayaan na pinakikilos ng sambayanang Maka
DIYOS, Makatao, makakalikasan, at makabansa.

Troop Leader: Ngayon naman, ay bibigkasin ninyo ang Investiture Pledge bilang
pagtanggap sa mga tungkulin bilang isang Boy Scout (Babasahin ng mga skawts ang
Pledge, na ang kamay ay nasa ayos ng panunumpa)

The Pledge
I ______________________ of Troop No. ___ of Ramon Magsaysay Council, Magsaysay
Elementary School, pledge to do my best to prepare myself for service to other. I further
pledge to live up the scout oath, the scout law and the Scout Motto and Slogan of the Boy
Scout of The best of my knowledge and ability. So help me God.

Troop leader: Bilang sagisag ng pagtanggap sa inyo at bilang miyembro ng kapatirang


skawt ng Pilipinas ng Paaralang Elementary ng Magsaysay ay ipinagkakaloob naming sa
inyo ang inyong katibayan ng pagiging kasapi ng Skawting. Ang skawt badge ay iaabot ng
Institutional Head.(Pugay Kamay)

Troop Leader: Ang sagisag na mapagkikilanlan sa isang skawt ay ang Alampay na Berde at
ang kalabaw na slide. Ito ay isinusuot sa tuwing tayo ay gumaganap o sumasama sa mga
gawaing pang Boy Scout. Hindi ganap ang inyong pagiging skawt kung wala ito. Hinihiling
po naming sa mga magulang, ninong o ninang na ilagay nila ang alampay ng kanilang
anak/inaanak bilang tanda ng kanilang pagsang-ayon at suporta sa pagsapi ng kanilang
anak sa Kapatirang Skawting.

(Pagkatapos ng paglalagay ng alampay ang mga boy scout ay magpupugay kamay sa


knailang mga magulang)

Troop Leader: Kayo ay ganap ng mga Boy Scout, mga Patrol Leaders, lapitan at batiin ang
mga bagong kasapi sa skawting at dalhin na sila sa inyong mga Patrol. (magpugay sa mg
Patrol leaders)

You might also like