You are on page 1of 188

***1***

I hate April! Talaga naman! I totally hate April!

...and April's not a person. Yung month ang tinutukoy ko. Yung buwan nga sabi nila.
Hindi yung moon. Oh well, bago pa ako malito sa mga iniisip ko, ngayon eh naiinis
lang talaga ako. Parang nagsabay-sabay naman na kasi lahat ng problema ko.

Sana huwag na lang dumating ang April. I would totally live without it. At sana...
after March, May na kaagad.

Hindi naman ako Anti-April Activist or something. Kung bakit ba ayaw kong dumating
yun? Simple lang. Malalaman niyo rin kung bakit. Pero wala akong magagawa. Kahit
anong pagno-nobena pa ang gawin ko para mawala ang April sa buhay ko, duamating pa
rin.

Una sa lahat, kung anu-ano lang ang inaalala ko. Parang kahapon lang kausap ko pa
yung pinsan ko at sinasabi ko sa kanya na pupunta kami sa mall at gagastosin namin
yung naipon namin. Pero ngayon, mukhang malabo pang mangyari yun sa susunod na
taon.

Sa school, feeling ko kagabi lang yung Prom namin kahit na 2 months ago na yun.
Ewan ko ba, nung mga oras na iyon parang hindi ako nakakaramdan ng lungkot. Lagi
kong sinasabi sa kanila na magiging ok din naman ang lahat. Kakaiba pala talaga
kapag nandoon ka na sa oras na iyon... tatamaan ka na lang. Eh mas mukhang umiyak
pa sila kaysa sa akin.

Isa pa itong kapitbahay namin na lagi akong pinapahabol sa aso nila dahil kaaway
ako. Na-touch nga ako nung pumunta ba naman sa bahay at bigla na lang nag-sorry.
Ayun, siguro nakonsensya. Tinanggap ko naman yung sorry niya. Aba, it's about time
na marealize niya na ilang milya na rin yung pinagtatakbo ko sa araw-araw na
pagtakbo ko simula sa bahay nila hanggang sa bahay namin para lang hindi ako
makagat ng aso niya.

At isang tawag lang sa telepono. Isang tawag lang at nagbago ang lahat.

"Ok Pa... o sige." narinig kong sabi ng Mama ko.

Hindi ko rin maintindihan nung simula yung tawag na iyon, pero alam kong yung tatay
ko yun. Hindi nga kami kinausap pero ok lang dahil long distance call yun at mahal
naman kung hahaba pa ang usapan.

Pagkatapos nun sinabi na sa amin kung ano ba yung tawag na iyon.

At yun nga... which lead us to the whole I-hate-the-month-of-April thing.

Aalis na kami ng Pilipinas. After living in this country 14 years of my life,


ganun-ganun na lang at aalis na kami.

Kaya nga ngayon, it's April, at nandito kami ngayon sa NAIA airport. To make things
worse, yung Lola ko eh panay pa ang yakap at halik sa aming mag-iina at nakita ko
na umiiyak na rin siya. Ayoko sanang maiyak, kaya hindi ko ginawa. Sa eroplano na
lang siguro, yung tipong wala nang nakakakita sa akin.

Marami akong mami-miss dito. Kung ako lang siguro ang papipiliin eh hindi ko na
gugustuhin pang umalis dito. Pero ano pa nga bang magagwa ko? Nandito na ito 'di
ba?

Nag-board na kami sa eroplano nun. Medyo matagal dahil tatlo-tatlong Balikbayan


boxes ba naman ang dala namin. Kada-lakad ko nun lalo na akong naiiyak. Niloko pa
ako nung kapatid ko.

"Si Ate kunwari pa.. naiiyak na yan!" sabi niya tapos siniko pa ako.

"Tumahimik ka nga diyan Gabby!" kasi naman nagmo-moment ako bigla na lang may
ganun.

Ito namang isa kong kapatid, ang arte-arte at poise na poise na hindi mo
maintindihan.

"Hello? Can you move faster?" sabi niya sa akin at nakapamewang pa.

Napataas yung kilay ko. Tingnan mo nga naman, parang hindi 11 years old 'to ah! Ang
arte! Mas maarte pa sa akin.

"Hoy! Huwag ka ngang OA! Feeling mo naman dahil papunta ka lang ng America sosyal
ka na!" sinimangutan ko, "Paenglish-english ka pa.. english kalabaw naman alam mo!"

Kasundo ko naman yang dalawang kong kapatid. On most parts. Pero yun nga, ako ang
pinakapanganay at kailangan kong intindihin na lang. Bata pa kasi eh. Yung dalawang
yan, parehas elementary. Ako lang ang high school.

Nanay ko? Ayun. Nangunguna.

Nakaalis na rin ang eroplano nun. Nung naramdaman na nga namin na gumagalaw na,
lalo talaga akong nalungkot nun. Si Gabby nun narinig ko pa.

"Kakalungkot ate no?" sabi niya at seryoso na siya.

Ginulo ko lang yung buhok niya. Tama siya, nakakalungkot nga.

Pero kahit ganun pa man, naisip ko na baka nga tama sila at mas magiging maayos
yung buhay namin sa America. Cereals? Chocolates? Hi-TETS? Este hi-tech pala...

...hindi naman siguro ganun kasama.

Iniisip ko lang, magiging mahaba bakasyon namin. OH YEAH!!! August daw kasi ang
simula ng klase doon, eh kababakasyon lang namin dito so hindi pa namin kailangan
pumasok. Mahaba-habang pag-upo ang gagawin ko sa bahay nito! Hindi naman siguro
mahirap mag-adjust doon.

Pinoproblema ko lang sa school doon, di kaya ako mag nose bleed kapag nakarinig na
ako ng mga English?!? Haayyy...

Kakapanood ko nung movie doon sa gitna namin at kakakinig ng music doon sa headset
sa upuan ko.. biglang huminto yung eroplano at nagsitayuan yung mga tao.

Ano bang meron?

"First stop natin." sabi ng nanay ko.

First stop?

Then, kinuha namin mga hand-carry namin doon sa taas. Bumaba kami ng eroplano. Ang
bilis naman yata?!?

Nung makita ko yung mga sumalubong sa amin... aba.. akala ko kung bakit. Nasa
Nagoya Japan na pala kami. First stop nga. Maghihintay kami uli para mag-refuel daw
yung eroplano at magbaba ng pasahero.

Mag do domo arigato na sana ako kaya lang biglang pumasok sa utak ko yung idea.

"You mean... 4 hours pa lang tayo nagbi-biyahe?" tinanong ko sa Mama ko.

Tumango lang siya sa akin at ngumiti.

OH GOD... apat na oras pa nga lang sumasakit na yung pwet ko.. paano pa kaya kung
17 hours pa?

Mahaba-habang pagbubutas ng upuan pa ang gagawin ko.


Create a free website with

***2***

Naririnig-rinig ko na dati pa lang kapag nagbi-biyahe kami sa bus sa Pilipinas na


lagi akong tinatanong nung maliliit kong pinsan kung bakit daw ba napapagod ka sa
biyahe eh samantalang nakaupo ka lang naman? Ako rin eh pinag-isipan ko yun and all
these years lagi kong sagot sa kanila eh: 'Syempre naaalog-alog ka habang nakasakay
ka.' siguro nga tama yun, pero di rin ako sigurado.

Ngayon hindi ko alam kung iyon pa rin ang isasagot ko oras na tanungin ako ng mga
kapatid ko kung bakit pagod sila sa biyahe dito sa eroplano eh samantalang nakaupo
lang din sila. Paano ba naman eh totoong nakakapagod.. to think na hindi naman
umaalog yung eroplano? Kung tutuusin, para ka lang nakaupo sa living room niyo at
nanonood ng tv... at pwedeng-pwede ka ngang kumain ng hindi man lang natatapon yung
kinakain mo o iniinom mo dahil hindi naman talaga gumagalaw. Kung gumalaw man,
sinasabi naman nila. At sa tinagal-tagal naming nagbi-biyahe, tatlong beses ko pa
lang naramdaman na gumalaw yung eroplano, at yun ay yung umalis kami ng Pilipinas,
nag stop sa Japan, at umalis doon. Other than that, wala na.

Kahit na may movie at music doon sa harapan namin, nakakapagod pa rin talaga. I
mean, nakakainip dahil kung iisipin mo, almost a day kang nakaupo at kung tatayo ka
man eh gagamit ka lang ng banyo na kapag flush mo eh parang vacuum kung higupin
yung tubig. Natakot pa nga ako nung simula dahil pakiramdam ko pati ako hihigupin.
Ewan ko ba, ganito siguro kapag bago sa iyo ang lahat. Pero syempre kailangan..
'Play it cool..' huwag ka dapat inosente sa bagay-bagay. Which is, ginagawa ko
ngayon.

At ito pa ang na-appreciate ko sa Northwest Airlines, binigyan din kami ng unan na


pwede naming sandalan kung gusto mong matulog. Pero kahit meron pa nun hindi pa rin
ako comfortable na matulog. Kaya ayun, hinila ko yung pinaka-table sa harapan ko at
sinandal ko yung ulo ko doon. Para sa pagkain dapat yun, pero mas madaling matulog
ng ganun.

Maya't maya serve sila ng serve ng pagkain. Tatanungin ka kung anong gusto mo dahil
snack na raw, o kaya naman lunch.. or kung ano pang sabihin nila. Pero napansin ko,
hindi mo rin pala alam ang difference ng lunch at snack kapag nasa eroplano ka.
Kaya ayun, oo na lang ako ng oo. Aba ang mahal ng ticket namin ah! Lubus-lubusin ko
na!

Bored na rin ako nun at parang hindi ko na kaya pang maupo ng itatagal pa. Finally,
siniko na naman ako uli ni Gabby at narinig ko yung babae na nagsalita nung paalis
kami ng Pilipinas. Dumating na raw kami sa America.

"Dumating na tayo?" tinanong ko yung Mama ko at hindi talaga ako makapaniwala.


"Oo naman." sinagot lang niya at isa siya sa naunang tumayo sa mga pasahero.

"Mabuti naman.." sinabi ko at hindi ako mukhang excited, "Pakiramdam ko isang buwan
na akong nagbi-biyahe."

Yung kapatid ko na babe eh hawak-hawak na niya yung pink niya na handcarry na bag.
Panay pa ang ayos niya doon sa sunglass niya sa ulo niya.

"Are we there yet?" sinabi niya sa akin.

"Pwede ba huwag ka nang mag-english?" nakakairita na kasi eh, "Yung accent mo?
Hindi pang-American. Trying hard yung tunog eh."

"Inggit ka lang kasi ako magaling ako mag-english!" sumagot siya ng tagalog at
parang tinamaan yata siya sa sinabi ko.

Aba! Sino kaya sa amin ang high school? Para english lang eh!

Nakalabas din naman na kami doon. Nasa airport na pala kami ng Detroit Michigan.
Sumunod lang kami sa mga tao, at nandun na kami sa Immigration yata nila... basta
parang ganun yung naririnig-rinig ko.

Dahil nga hindi ko alam ang geography ng America, ang alam ko eh malapit na kami.
Parang gusto kong magwala nung narinig ko yung sinabi ng mom ko na..

"Mag local flight na lang tayo.. tapos nandun na tayo."

Napatingin ako sa kanya.

"Local flight?!?" napalakas yung pagkakasabi ko kaya nagtinginan yung mga Japanese
sa akin, "Uupo na naman tayo?"

Ang sakit na talaga ng pwet ko at hindi ko na talaga kayang umupo pa.

"Oo naman! Nasa Detroit tayo. Nasa taas pa tayo.." sabi ng mama ko at gumawa siya
ng mapa sa kamay niya, "Dito tayo pupunta." tapos tinuro niya yung palad niya sa
bandang baba.

Sa Sunshine State nga pala ang punta namin. Florida kung hindi niyo alam. At kahit
anong sabihin nila, ayoko na talagang umupo pa.

Well, matapos i-check yung papers namin at kuhain yung fingerprints namin doon,
hinabol na namin yung local flight namin. Muntik pa nga kaming ma-late eh pero
nakahabol naman kami on-time. At sa buong biyahe namin from Detroit to
OrlandoFlorida, juice lang ang ininom ko.

Ganun uli, lakad na naman kami ng lakad. Nag toothbrush muna kami doon sa mga
bathroom pagkababa pa lang namin dahil talagang necessity na. at sa pagdating namin
doon sa airport, I can tell na malaki yung airport ng Orlando. At super ganda.

Sa sobrang ganda, hindi namin alam na para kunin mo pa yung baggages mo eh


kailangan mo pang sumakay ng monorail. I mean, parang train, mas maliit nga lang sa
regular. Sa loob ng airport. Can you believe that?

Nakita rin namin yung tatay ko. Nalagpasan pa nga namin siya dahil paakyat siya ng
escalator, kami naman eh pababa. Nagkakitaan naman kung hindi dahil sa kapatid ko.
Ayun, nakita ko na siya. Nakasumbrero pa siya at inalis niya yung sumbrero nung
nag-kiss siya kay Mama. Napansin ko rin kung bakit nakasumbrero siya, medyo
nagiging manipis yata ang buhok ni Papa ngayon? Sheesh.. masamang senyales ito.

Parang hindi ko na kaya pang mag-kwento nun dahil sobrang pagod na ako. 7 p.m. na
yata nung nakasakay na ako sa kotse ni Papa. At parang maniniwal na ako na Sunshine
State ang Florida, dahil 7 na, ang taas pa rin ng araw. Weird huh?

We checked in a hotel. Sa Radissons. Mahal nga daw doon eh.. gininaw lang ako sa
aircon.

Gosh.. I need to sleep. Ang sakit ng ulo ko. At mukhang ang ganda-ganda nung kama.
Ang yaman talaga ng mga tao dito!

Nagbihis lang ako nun at hindi na ako naligo. Pagod talaga ung buong katawan ko.
Ni-hindi nga ako nagugutom nun eh. Basta ang huli na lang na alam ko, kumakatok pa
yung dalawa kong kapatid sa pintuan ko pero hindi ko na binuksan.

Natulog nga ako nun. I doubt na nanaginip pa ako. Wala nga akong matandaan eh.
Nagising ako eh medyo madilim pa. Ewan ko ba. Pakiramdam ko pagod pa rin yung
katawan ko pero kapag pinikit ko yung mata ko eh hindi naman na ako makatulog.

Tumayo na lang ako doon sa kama. Naligo na ako at nagbihis kaagad. Lumabas na lang
ako at tinignan ko kung gaano kaganda ang Radissons. Wow. I'm in America. Hindi
kapani-paniwala.

Naupo ako doon sa bench sa may daan kita yung pool. Nung tinignan ko yung taas,
mukhang wala pang gising at ako pa lang. Ang sakit pa rin ng ulo ko. Nalulungkot ba
ako? Medyo.

Nakita ko na lang na may rubber shoes sa harapan ko.

"Girl, are you alright?" narinig kong may nagtanong sa akin.

Inangat ko yung ulo ko. May white guy sa harapan ko.

Hindi ako sumagot. Nakatingin lang ako sa kanya. Ako ba kinakausap niya? Malamang.
Ako lang yung nasa harap niya.

Napansin niya yata na hind ako sumagot kaya sinabi niya...

"You don't speak English do you?" sabi niya tapos ngumiti siya, "You speak Spanish?
Oh well, I know 'Hola'."

Natawa ako nun at hindi ko naman alam ang ibig sabihin ng 'Hola.' Umiling-iling na
lang ako.

"You're not Hispanic? You're chinese? Japanese?" sabi niya at panay ang tanong
niya,"I'm dead. I don't know how to speak Chinese or Japanese." tapos lumapit siya
lalo sa akin, "You need some help with anything at all? You look exhausted."

Help! Nag nose bleed na ako! May nage-english sa harapan ko! Sa wakas, nahanap ko
rin yung dila ko.

"I... I.. I speak English." baka tawanan ako nito sa accent ko! "And I'm Asian. I'm
from the Philippines.""Cool." sabi niya na nakangiti pa, "Where is that?"

Sabi ko nga hindi niya alam.

"Southeast Asia." hinawakan ko uli yung ulo ko.


"Headache?" tinanong niya ako.

Tumango na lang ako. Medyo naiilang naman ako sa kanya.

"Yeah. We just got here.." napaisip naman ako. Paano na nga sabihin yung
kahapon?"Uhmm.. tomorrow." ay mali! Kasi naman natataranta eh!

Tinawanan naman niya ako. Grabe, kahapon tapos tomorrow? How BOBO is that?

"Isn't that the cutest?" sabi niya sa akin, "If you'll be here tomorrow, then who
am I talking to right now?" alam ko nagbibiro lang siya nun pero hindi nakakatuwa!
Nakakahiya ah!

"A ghost." tapos tumayo na ako dahil hindi ko na kayang makipag-usap pa sa


kanya."Ok.. bye."

Just like that. Nagsimula na akong maglakad. Ang bait ko masyado no?

Malapit na ako nun sa pinaka pintuan papasok doon sa building ng room ko eh narinig
kong sumigaw siya..

"Hey girl!" hindi ko alam kung dapat pa ba akong lumingon nun pero ginawa
ko."What's your name?"

Wala naman sigurong masama sa pangalan.

"Aly.." sabi ko pero hindi ko sinigaw, "Alyanna.""Nice name!" sumigaw siya uli,
"You need some rest. I bet you have jet lag." sabi niya tapos tinignan ko lang
siya, "My name's Seth."

Tinanong ko ba yung pangalan niya?

Tumango na naman ako. Yun lang yata ang pinaka-safe na isagot ko eh.

"Nice to meet you Seth.""You too!" parang ang taas ng energy niya parati ah.. "I'll
see you later Aly!"

Nagsimula na uli ako maglakad pabalik doon sa loob ng building. Later? Mamaya daw?
O baka naman expression lang yun? Minsan kasi courtesy lang yung 'I'll see you
later.' Literal ba yun?

Tatanungin ko sana siya kaya lumingon ako. Kaya lang paglingon ko, inalis na niya
yung shirt niya at mukhang tatalon siya doon sa pool.

Later.. later.. bwisit! Wala nang later!

Tumalikod na uli ako at pabalik na sana ako. Kaya lang naramdaman ko na tumama yung
ilong ko kung kanino. May nakabangga pala sa akin. Mabuti na lang ang bango niya.

Hindi ko alam kung anong nangyari.. bigla na lang may dumaan sa gilid ko at
nagdire-diretso.

"Bro!" sumigaw si Seth nun doon sa nakabangga ko.

Tinignan ko na lang yung dumaan. Nakatalikod na at papalapit na doon sa pool.

Ano ba naman yun walang modo?

Kaklakad niya, tinaas niya yung isang kamay niya at parang nag-wave. Nakatalikod
siya kaya parang kinakawayan niya eh eh si Seth doon sa pool.

'Sorry Miss.' yun lang narinig ko.

Para sa akin ba yung Sorry? Malamang.


Create a free website with

***3***

Hindi ko na lang pinansin si Seth at yung lalaki na tinawag niya na bro, kung sino
man yung naka ball cap na yun. Mas maganda pa nga siguro kung hindi ko na sila
makita kailanman, on account of the whole 'tomorrow' incident. Nakakahiya talaga.

Siguro nga hindi ako malakas sa itaas, I mean hindi lang siguro ngayon, kasi
kinabukasan na talagang natutuwa na ako at aalis na kami sa malaice-cube na
Radissons hotel, nahirapan kami na ilagay yung boxes namin sa trunk ni Papa. Kahit
ano talagang gawin namin eh hindi magkasya. Kahapon kasi eh nakadalawang balik si
Papa para lang makuha lahat. Tapos ngayon, problema pa ngayon yun. Siya naman kasi
may kasalanan, hindi pa kasi nag-arkila ng Mini-cab.

Kaya ayun, pare-parehas kaming nakatayo doon sa labas at ako naman eh sumandal doon
sa gilid ng kotse. At kapag minamalas ka nga naman...

"Sir, do you need some help?" tumingin ako kung sino yung nagsalita at nakita ko na
si Seth pala.

Tinago ko nga yung mukha ko.

"Sure. I could use all the help I could afford to." sabi naman ng Tatay ko. Ang
taray, buti pa siya marunong.

Tinulungan naman ni Seth yung Papa ko doon sa malalaking boxes. Ako naman eh
makalayo lang dun magiging masaya na ako. Kaya ayun, kinalabit ko yung Mama ko at
sinabi kong..

"Pahangin lang ako.." bumulong ako tapos tinuro ko yung medyo malayo, "Banda doon."

Nagtaka naman yung Mama ko sa akin.

"Bakit ka naman bumubulong?" at syempre dahil malakas yung boses niya.. patay na.

"I didn't see you there Alyanna." sana nga hindi na lang eh!

At sheesh.. buo pa talaga yung pangalan ko.

"Magkakilala kayo?" tinanong naman ako ng Papa ko.

"Nakilala ko siya kaninang umagang-umaga. Hindi na kasi ako makatulog."

Lumabas naman yung kapatid ko na lalaki na si Gabby. Akala ko si Seth yung


tinitignan niya kaya lang yung nasa likod pala niya.

"Ate tanong mo kung kotse niya yun!" hinila pa yung blouse ko.

"Eh bakit hindi ikaw ang magtanong?" sinagot ko nga.


"Is that your car?" sumabat naman yung maarte kong kapatid na babae na si Ynah.

Tumingin si Seth sa likod niya pero hindi masyado.

"Oh this?" tinuro niya, "Uhmm yeah. I mean, no. Not really. It's my bro's, well
sort of. We switched our vehicles yesterday.. he's using my truck, that's why I got
his car."tumingin siya sa Mama ko then sa akin, "If ya'll need a lift, I guess I
could do that.""No, I don't think so. We live far away from here. It just so happen
that their plane landed here at Orlando.""For real?"

Ano ba namang usapan ito! Sumasakit ulo ko sa mga usapang English!

"Where are you all staying?" na-curious naman si Seth.

"I live... we live.." sabi ng tatay ko, "At M***e H***n"

Nagulat na lang ako nung bigla na lang ngumiti si Seth tapos ang lakas ng
pagkakasabi niya ng...

"Seriously?!?" parang aatakihin ako sa puso.

"You live in M***e H***n too?""No but, I live 15 minutes away from M***e H***n. I
live at C*******n."

Hindi ko alam kung paano nangyari pero sumunod na lang na alam ko eh nakaupo ako sa
likuran ng sasakyan ni Seth at si Mama naman eh nasa harapan. Si Papa at yung
dalawa ko pang kapatid eh kasama naman ni Papa sa kotse. Ayoko sana sumakay sa
kotse ni Seth kaya lang si Papa ang nag-suggest dahil daw bago daw kaming
magkaibigan.

As if. Kung hindi ko lang alam pakiramdam ko nasusunog na yung buong mukha ko
tuwing naalala ko yung.. well.. alam niyo na.

Ang haba ng biyahe nun. Nanahimik na lang ako doon sa likuran at si Mama eh
kinakausap si Seth. Panay ang tanong tungkol sa Florida at si Seth naman eh tawa
lang ng tawa. Ewan ko ba, hindi ako natutuwa.

Alam niyo ba yung pakiramdam na inaantok ka pero hindi ka makatulog? Parang ganun
yung pakiramdam ko. Kaya ayun ang ginawa ko eh nakaside view yung ulo ko at
nakatingin ako sa labas habang umaandar yung kotse. Naka seat belt kasi ako kaya
hindi ako masyadong makakilos. Kung tutuusin doon sa bro niya, ang ganda ng kotse
niya.

"You like it here so far?" hindi naman ako lumingon nun nung tinatanong niya ang
Mama ko, "Aly?"

Nung marinig ko yung pangalan ko eh saka ko lang napansin na ako pala yung
kinakausap niya. Nakatingin siya doon sa rear mirror niya. Mama ko pala eh tulog
na.

"Yeah. It's... nice." yun na lang ang sinabi ko dahil wala ako sa mood makipag-
usap.

"You'll like it here." sabi niya na lang.

Ako naman eh feeling ko nagsusuplada na ako kaya naisip kong magtanong.

"What're you doing in Orlando by the way?""Oh.. what're we doin' here?" ngumiti na
naman siya, "Actually, it's our school trip. We're supposed to join our mates at
our school bus, but then we kinda' thought it's lame so we drove from our place to
Orlando." bigla siyang nag-brake kaya nagulat pa ako, "We did sign paper saying
that the school's not responsible if anything happened to us."

Kakakwento niya sa akin ng kung anu-ano at konti lang naman yung inintindi ko dahil
ang bilis niyang magsalita, hindi ko napansin na nandun na pala kami sa sinsabi ni
Papa na tinitirahan niya. Unang tingin pa lang, pakiramdam ko nasa probinsiya ako
eh. Mas maganda-ganda nga lang ng kaunti. Sa totoo lang, parang ang tahimik.

Nandun na sila Papa nun sa labas at hinihintay kami. Nauna kasi sila sa amin.
Nagtulungan lang sila ni Seth na ibaba at ipasok yung boxes doon sa loob ng bahay.
Nung makita ko yung bahay ni Papa, grabe.. ang ganda sa paningin ko. Mabuti pa si
Papa maganda yung bahay samantalang yung bahay namin sa Pinas eh parang
napaglipasan na ng panahon.

Niyaya lang ni Papa si Seth na uminom o kumain man lang dahil ang dami raw na
naitulong sa amin. Sabi pa nga niya na babayaran niya kaya lang ayaw naman ni Seth
at hindi daw siya tumatanggap. Wala naman daw yun sa kanya dahil malapit yung place
niya dito. Yeah he said it's about 15 minutes or less. Minsan nga daw 10 minutes
lang yung layo ng place niya. At nung malaman ko na yung sinasabi niyang lugar niya
eh about 16-18 miles away sa bahay namin, naisip ko na eroplano pala kung
magpatakbo ng sasakyan yung tao na yun.

Inasar ako ni Gabby pagkaalis ni Seth. Kesyo type ko raw yun at kesyo may crush daw
ako dun. Nainis naman ako.

Nagkapilian na ng kwarto. Napunta sa akin yung pinakamalaki at kay Ynah yung


pinakamaliit. Yan kasi napakabruhilda! Si Gabby medyo malaki-laki rin yung kwarto
niya dahil nag-iisang lalaki daw yun sabi ni Papa, ako naman eh panganay.. at si
Ynah eh.. well si Ynah.

Nung sumunod na mga araw namin eh standby lang kami sa bahay. Si Papa eh pumapasok
at inaabot ng gabi. Mama ko naman eh hindi pa pwede dahil wala pa siyang work
permit. Kaming magkakapatid dahil nga school year pa nila at August magsisimula ang
pasukan eh wala kaming magagawa kundi ang mag-stay sa bahay at mag-wish na sana eh
may gagawin kami. Ang boring talaga. Kung wala sigurong TV doon sa bahay at walang
internet yung computer, siguro nabaliw na ako. May kapitbahay ka nga hindi mo naman
nakikita. what's the point?

One time nga siguro dahil gusto lang ni Mama na mawala yung pagka-bored namin kaya
nagyaya siya na pupunta daw kami sa store sa C*******n para mamili daw ng groceries
sa Walmart. Ako naman eh gusto ko lang makita yung mga lugar-lugar dito kaya
pumayag na ako.

"Ma, ikaw ang magda-drive?" nagulat ako kay Mama nung sumasakay siya doon sa
driver's seat.

"Alangan naman ikaw?" sabi niy sa akin.

"Alam mo ibig sabihin ko." nakatingin lang ako sa kanya nun, "Wala ka kayang
Florida Driver's License. Paano kung mahuli ka niyan?""May driver's license ako
galing ng Pinas.""Ma, Pilipinas yun!""Tingin mo ba magda-drive ako kung alam kong
bawal?" sabi niya sa akin na medyo nairita na.

Siguro nga may kung anong policy kapag may international license ka. Kung ano man
ang legality issues nun, ayoko nang malaman at baka antukin pa ako.

Sumakay na lang ako at nag-drive si Mama. Yung lugar na pupuntahan namin eh yung
place ni Seth. Sabi niya 15 minutes daw or less makarating doon? Nakarating kami 33
minutes. Mabagal lang siguro talaga mag-drive ang nanay ko, o maling numbers lang
ng relo ang nakita ko.

Nakita ko na yung malaking blue sign na nakalagay eh Walmart. Pumasok kami doon at
nagtingin-tingin. Hindi ko rin alam kung anong bibilihin. Akala ko nga kung ano
yung Walmart na sinasabi nila. Malaki at maraming tinda, pero walang-wala yun sa
SM. Sa opinion ko lang naman.

Unang-una kong pinuntahan eh yung section na maraming lotion. Ewan ko ba, nahilig
lang siguro ako. Si Mama ko eh hindi naman kalayuan, nandun naman siya sa tapat
nung mga make-up.

Tinignan ko yung lotions. Mukhang nagkamali yata ako sa Walmart. Nung makita ko eh,
sobrang daming brands yung nandun. $2.00 para sa lotion na maliit? Mura ba yun? Oh
yung $3.50 na malaki sulit ba? Hindi ko alam. Paano ba maging smart buyer kung
hindi ko alam alin ang kukunin ko?

"Ma kunin ko itong malaki ah!" nilaksan ko yung boses ko sa Mama ko.

"Bahala ka!" sagot naman niya.

Bigla namang may dumaan sa harapan ko at kumuha ng lotion doon sa dulo. Magagalit
sana ako kaya lang kinakausap ako.

"I think you should get this brand.. the 'E' one." sabi niya kaya lang nakatalikod
siya at nakita ko yung hawak niya.

"You think so?""Yeah totally. It's big, and cheap, and it smells good." sabi nya.

"How did you know that?!?""I didn't know that! I just want to get out of here."

Huh? Ano daw?

"I'm sorry?!?" nalito yata ako sa sagot niya.

"I'm a guy. Who cares about your lotion anyway?" tapos hindi na ako nagsalita,
baliw yata ito at nagsasalita mag-isa, "Alright. Bye."

Lumayo-layo ako. May toyo yata itong tao na ito.

Nanguha siya nung lotion na hawak niya kanina pa at nung humarap siya eh naka
sunglass pa at naka ball cap. Dinaanan lang ako uli at wala namang sinasabi.

"Bye!" sinabi ko na lang dahil nag-bye siya eh.

Sinundan ko siya nung tingin ko. Sino ba yun? ang weirdo kausap.

Saka ko lang pinansin na may inalis syang kung ano sa tenga niya. Ano yun? Yung
pang hands-free sa phone?

Geez.. this is so embarassing. Inisip ko ba talaga na ako kausap niya?!?

Kinuha ko yung lotion na kinuha rin niya. Ito na nga lang. Nagtingin-tingin ako
doon sa gilid kung may tao...

Naman Alyanna! Kinakausap mo yung taong hindi ka naman kinakausap!

My Bad! Wala naman yatang nakakita!


Create a free website with

***4***

Grabe buti na lang talaga walang nakakita nun! Kasi naman eh, may pa hands-free
hands-free pang nalalaman yun tuloy hindi mo alam kung may kausap sa phone o wala!

Kahit walang nakakita nun, nakakahiya yun hindi lang doon sa taong pwedeng
makakita, sa taong kinausap ko mismo.. ang higit sa lahat sa sarili ko! Nare-
realize ko na ako na yata ang pinakamalas na babaeng nakatuntong sa America. Nyak,
ang OA ko naman yata. Baka nga pang-third lang ako.

Anyways, bago pa ako mag-set ng Guiness Record para sa taong may pinakamaraming
Embarassing Moments sa ilang araw pa lang dito sa America eh dapat siguro mag-ingat
na ako.

Lumapit ako nun kay Mama at nilapag ko yung lotion doon sa cart.

"Ito na lang kukunin ko." tapos tinignan niya yung nilagay ko pero wala naman
siyang sinabi dahil panay na ang tingin niya ng make-up.

To be honest, kung hindi siguro obsess ang nanay ko sa gamit sa bahay, siguro make-
up na yung kasunod. Paano ba naman nung nasa Pilipinas pa lang kami tuwing
napupunta kami sa grocery o sa mall kung saan eh panay plantsa ang tinitignan at
kung anong gamit kahit na tatlo-tatlo na ang plantsa sa bahay. Ngayon naman
lipstick naman ang pinagdiskitahan kahit na sampung libo naman na yung lipstick
niya na nasa kahon. Paano daw dapat daw meron kang laging reserba nun. Pano daw
kung nabali... mga ganung bagay.

Pagkatapos kong i-roll yung mata ko dahil sobrang tagal niyang tumitingin doon,
napunta kami doon sa shampoo section dahil malapit lang naman yun sa cosmetics. Ang
daming shampoo doon hindi naman namin kilala yung mga brand.

"Ano kayang kukunin natin?" tinanong ako ng nanay ko.

"Ma, ayoko ng masyadong matapang baka nakakalagas ng buhok.""Ano ka ba America ito!


Syempre iba timpla nila, mas matapang." tapos nagtingin-tingin siya doon.

Siguro sa next 30 minutes na nakatayo kami doon eh hindi pa rin kami nakakapili ng
shampoo. Finally nung nakakita ako..

"O siya, ito na nga lang Sunsilk green ang kukunin ko!""Sunsilk yung shampoo mo sa
Pilipinas 'di ba?" tinanong niya ako.

"Yeah. Pero di ko alam kung parehas ng formula."

Bigla na lang may lumapit na babae sa amin.

"Hello, hindi ko naman sinasadya pero narinig ko kayo, Filipino kayo 'di ba?"

Nagtinginan kami ng nanay ko na para kaming alien na dalawa.

Then...

"OO."

Akala ko naman kung sino yung nagtatanong na iyon.

"Taga dito rin ba kayo?" tinanong naman nung babae sa amin.


"Hindi eh. Taga M***e H***n kami eh." sagot naman ng Mama ko.

"Ganun ba? Bakit ngayon ko lang yata kayo nakita dito?"

"Bago lang kami dito. Wala pa ngang isang buwan."

Ako naman eh nakatayo lang doon at nakikinig na lang sa usapan nila. Nagkaroon pa
ng pagpapakilala, na siya daw si Analisa at nung malaman niya na ang pangalan ko eh
Aly, at nanay ko eh nanay ko.. ayun, ang ganda ko raw (asus parang totoo!) at mas
matangkad pa raw ako kay Mama.

Ang haba nga ng usapan nila. Si Mama panay ang sabi na nakakatuwa daw na may ma-
meet na Filipino dito sa Florida.. at ganun nga daw na mabuti na lang pala
nagtatalo kaming dalawa sa shampoo dahil nakatulong daw..

...mga ganung bagay.

"Ganito na lang," sbai nung Ate Analisa at naghanap siya ng susulatan sa bag
niya,"Kukunin ko na lang ang number niyo tapos tatawagan ko na lang kayo kung may
mga gatherings ang mga Filipino. Papakilala kayo sa Filipino Community natin dito
sa C*******n."

Ngakalistahan pa ng mga panagalan at number nun. Mabuti na rin siguro na may kilala
kaming mga Filipino dito sa Florida. Kahit papaano nga nung nabanggit na may
gatherings and parties, parang natuwa naman ako doon. Hindi rin naman pala ganun
kasama dito. Kasi minsan naho-homesick na ako eh.

"Teka nga po pala, paano po mag-enroll dito?"

Tumingin naman si Ate sa akin.

"You mean.. sa school?"

"Opo." sagot ko naman.

"Ahh... madali lang." sabi niya sa akin tapos ngumiti, "Pasamahan na lang kita sa
anak ko kung gusto mo."

"Anak niyo po?"

"Yeah. si Kevin."

Hindi ko naman kilala kung sinong Kevin yun at isa pa hindi ko ugali na basta-basta
na lang umooo sa mga pinapasama sa akin na hindi ko naman kilala. Kaya ako naman eh
kahit na nagmamagandang loob na yung Ate Analisa, ayun, sabi ko huwag na.

Matapos siguro ang apat na oras na pag-iikot namin sa Walmart, bumalik din naman
kami sa bahay. Tinanong pa nga kami ni Papa nung dumating siya kung binili daw ba
namin yung buong store. So far, hindi pa naman.

Ganun pa rin sa bahay namin. Wala ka pa ring masyadong gagawin kung hindi ang mag-
computer, manood ng tv, at kumain na rin siguro. Ang maganda lang dito sa tv namin,
umabot ng thousands ang channel. Ain't that cool? Yun nga lang wala kaming Filipino
channel. Sabi kasi kailangan naming mag-subscribe. Sabi ng tatay ko eh saka na lang
dahil baka hindi na niya kayang bayaran dahil nga hindi pa nagtratrabaho ang Mama
namin.

After ilang weeks ng boring na pagtira sa America, tumawag sa amin si Ate Analisa.
Sinabi niya na may party daw pala sa Saturday, at nung tinanong namin kung anong
okasyon eh ito ang sinabi niya.

"Naku walang particular na okasyon!" sabi niya na parang ang saya-saya pa, "Madalas
lang nagsasama-sama ang mga Pilipino kahit walang okasyon. Pero sa sabado,
ipapakilala ko kayo sa kanila para naman marami na kayong maging kaibigan dito."

I kinda' felt good about that. At least kahit na sa tingin ko eh boring ang buhay
dito, meron pa rin palang bagay na inaasahan mong dumating.

Sa kakausap nila ng nanay ko sa phone (unfortunately naka-loud speaker siya kaya


naririnig ko), nabanggit ni Ate Analisa na madali nga lang daw talaga ang pag-
eenroll dito hindi katulad sa Pilipinas. At yun nga, dinala na naman niya yung anak
niya na si Kevin kaya parang tinamad tuloy akong makinig.

Sa totoo lang kung ako ang tatanungin, medyo excited ako na parang hindi sa school
dito. Excited dahil siguro bagong experience at gusto kong malaman ang mga bagay-
bagay dito. Hindi dahil baka magmukha akong ewan at wala akong maging kaibigan. Yun
naman ang ayaw kong mangyari. Ang nag-iisa.

Ini-explain niya sa Nanay ko kung paano daw mag-enroll dahil tinanong niya si
Kevin. Hindi ko talaga alam kung anog meron doon sa anak niyang si Kevin at laging
nasasama sa usapan. At hindi ko rin alam kung anong meron doon sa Kevin at parang
siya na lang ang may alam ng bagay-bagay sa mundo.

So ngayon, nandito ako ngayon sa school kasama ang Mama ko at si Ynah. Kainis nga
kasama pa si Ynah. Hindi namin kasama si Gabby dahil ini-enroll na siya sa
elementary. Kung paano, hindi ko alam.

Sinabihan ko nga yung Mama ko kkung bakit hindi pa kasi sinama si Ynah kahapon. Ang
totoo, sinama na siya para i-enroll kaya lang hindi daw doon sa elementary.
Grumaduate na siya ng grade 6 sa Pilipinas, kaya dito hindi pa dapat high school na
siya?

Nah. Diyan din ako nagulat. She'll be in Junior High. Middle School kumbaga. Hindi
pa siya high school proper, pero parang ganun na rin daw yung idea. Hiwalay naman
daw yung side niya sa school kaysa sa akin.

Thank God.

Sa akin naman tumagal yung counselor. Dito pala sa kanila sa mga ganyang bagay,
counselor ang kinakausap mo. Hinanap nila yung transcript ko at tinignan nila yung
academic history ko sa Pilipinas. Naguluhan nga sila eh.

"In the Philippines, these years.." tinuro ng Mama ko yung 1st year/2nd year ko sa
Pilipinas na may number na 7 at 8, "--were considered high school.""So high school
in the Philippines starts at 7th grade?" tapos naging interesado naman yung ibang
school staff doon, "Well, all I have to say is that we'll gonna' base her grade by
number of years and by age. Since she's.." huminto naman yung counselor at tumingin
sa akin.

Hindi ko alam na cue ko na pala yun dahil tinatanong niya na ako..

"Ooh. I'm 14.""You're only 14?" sabi niya tapos tinignan niya uli yung transcript
ko.

"I'll be turning 15 this July.. so by August, I'll be 15 then."

"Ok." sabi niya na parang naging ok na yung pag-explain ko, "You're 15 and by
number of years, you've studied 9 years in the Philippines. 6 years in elementary,
3 years up to your third year which makes it 9. You didn't graduate there right? So
I'll put you in 10th grade."

Nung napagisip-isip ko, ok naman pala eh. Parang humaba lang ang school ko, pero
walang gap.

Well, that's what I thought.

May lumapit naman na medyo may edad na babae sa amin.

"We do have Asians here. There's a chinese guy from our special class." nagtaka
naman ako nung sinabing special, "He doesn't speak or write any english at all so
we had to ask for the school board to look for a chinese/american teacher just for
him. Now he's doing fine." sabi nung matanda at parang hindi naman ako natuwa sa
kwento niya. "There are some here--"

Tumingin sa kanya yung conselor pero hindi ko naman na naintindihan yung mga sinabi
nila dahil ang bilis masyado.

"--oh yeah, I didn't think about that. They're technically American."

Humarap naman uli yung Guidance counselor nung matapos sila mag-isap.

"Well then Alyanna, I guess you'll be delighted to interact with the students
around here." pinagmalaki pa niya, "You have some good grades." nakakainis yun!
Hindi naman big deal, "Probably you'll get the chance to be on the top of the
Sophomore class."

Nung marinig ko yung salitang 'Sophomore' parang nabingi yata ako. Tumingin ako sa
Mama ko.

"Sophomore?!?" parang hindi naman yata tama yun.

Junior ako sa Pilipinas nung umalis ako tapos ngayon Sophomore ako uli? Nakakainis
naman yata kung babalik ako.

In the end bad mood na talaga ako. Sinabi sa akin ni Mama na ang 10th grade pala sa
kanila eh Sophomore nga dahil ang 9th grade na kasing edad na ng mga 3rd year sa
atin eh Freshmen pa lang sa kanila.

Nakakainis talaga, pero ano pa nga bang magagawa ko?

"We'll be having our Open house this July the 11th."

Wala kaming idea pare-parehas kung ano yung sinasabi niya. Si Ynah nga na
napakaarte eh kumalabit pa sa akin.

"Ano daw?"

"Anong malay ko." sagot ko na lang.

"They will be handing your class schedules that early and you can go around the
school to get familiar with the teachers, rooms and other classes so it's better if
you all will come."

Nag-bye na kami matapos niyang i-explain yun. Hindi ko alam anong klaseng classes
ang ibibigay niya dahil sabi niya i-aanalyze daw nila transcript ko. May binigay
lang silang maliit na libro at papel na nakalagay yung pangalan ng school..
Southwest Florida High, Home of the Lions.

Nauna akong lumabas kina Mama. Nagtingin-tingin lang ako doon sa paligid nung
school. Hindi naman pala masama. Sabi sa amin eh dadaan na lang kami sa Health
Department para sa shots namin at ok na raw. Required daw kasi dito na kumpleto
dapat shots mo bago ka pumasok sa school.

Hawak-hawak ko pa yung papel na ibinigay sa akin nung mapalingon ako doon sa


papalapit sa kaliwa. Gusto kong itago yung mukha ko.

"--you already have your chair I told you that!" binatukan niya yung kasama niya
pero parang pabiro lang naman.

"Don't do that! You're messing up my hair!""Your hair's always messed up you know!"

Iniwas ko yung tingin ko dahil talagang hindi ko kinakaya. Kung maliit siguro ang
Florida, super liit ng Florida.

Nandito na naman si Seth. Pero may kasama siya na hindi ko naman kilala. Hawak nung
isa yung buhok niya. Si Seth kasi blonde, yung kasama niya eh black ang buhok pero
maputi naman. White American din yata.

"I know it's messed up! I like it that way but I don't need your help doing it.
Alright?"sabi nung isa kaya napatingin na lang ako.

Hindi naman yata nila ako napansin kaya lumiko sila doon sa pintuan papuntang
Guidance. Eksakto namang lumabas yung Mama ko at si Ynah. Nakangiti pa sila at
nakasalubong nila yung dalawa.

Sumara naman na yung pintuan. Grabe, nawala na yung kaba ko at gusto ko nang umalis
doon. Pinipilit ko sina Mama na bilisan nila ang paglalakad.

"Bakit ba nagmamadali ka masyado?" sabi ni Mama dahil nakahalata, "Teka nga at iihi
muna ako. Saan ba banyo nila dito?"

Nanay ko naman wrong timing!

"Sa bahay na lang!""Hay naku ayoko nagpipigil ng ihi." kaya ayun umalis.

Naglakad siya at ako naman eh lumakad ako palayo doon sa Guidance. Sumunod naman si
Ynah sa akin pero parang nagtataka na siya.

"Bakit ba parang kabado ka masyado?"

"Wala." sabi ko kasi naiinis ako sa kanya.

Hindi pa kami nakakalayo nun eh bigla na lang bumukas yung pinto at may naglakad
papunta doon sa kabilang direksiyon sa dinaanan namin ni Ynah.

"Hi Alyanna! I didn't know you were here!" kmaway sa akin si Seth at medyo malayo-
layo naman siya ng kaunti. Ang talas naman ng mata nito!

Ako rin hindi ko alam na nandun ako at the moment.

"Seth!" sumigaw naman si Ynah.

"Hi there little one!" ngumiti siya doon kay Ynah.


Little One? Yuck.

"Well, we can't stay here for long. We have to go back to our class.""I thought
class here ends in May?""Yeah. We have summer school."

Summer School? Siguro nga ganun kasama grades nila.

"Alright bye Aly. I'll see you at the open house." tapos tinapik lang niya sa
balikat si Ynah.

Ngumiti na lang ako. Naunang tumalikod si Seth kaysa doon sa kasama niya. Tumingin
lang yung kasama niya sa akin tapos sinabing...

" 'Sup?" tumango lang siya tapos tumalikod na rin.

Nung umalis talaga sila laking pasasalamat ko.

" 'Sup daw?" hininaan ko yung boses ko...

"Yun lang?!?" ang sipag mo magsalita tsong!


Create a free website with

***5***

May pa 'sup 'sup pang nalalaman eh pwede namang hello 'di ba? Sus napakadami
talagang arte dito.

Isa pa hindi naman ako aanga-anga ngayon. Alam ko naman ibig sabihin ng 'sup.
What's up yun. Aba, magaling din naman ako English no. Nagkakamali lang ako kapag
super kabado ako at natataranta. Hindi nagfu-function brain cells ko madalas kasi
parang napaparalyze sa sobrang niyerbos. Kaya masama talaga kinakalabasan kapag
hindi settled ang pakiramdam ko. Kung ano yung kapalpakan ng utak ko, lumabas na
lang sa bibig ko.

Hindi rin naman nagtagal eh lumabas na rin ang nanay ko sa banyo ng school nila na
super lapit lang naman pala sa Guidance. Sabi niya ang ganda daw sa loob at kulay
blue daw yung kulay sa loob.

Napaisip naman ako nung sinabi niyang kulay blue yung loob. Hindi kaya bathroom ng
lalaki napasukan ng Mama ko? Nah, hindi naman siguro. Kasi kung titignan mo sa
generally itong school nila, ang daming kulay blue at black. Siguro nga may ibig
sabihin yun.

Ang maganda lang dito sa school nila, wala daw susuotin ka kahit anong uniform 'di
tulad sa Pilipinas. Sa kanila daw ang public school eh walang dress code. Pwede
mong isuot kahit anong gustuhin mo as long as decent naman daw. Bawal daw ang PDA
(Public Display of Attention), at inappropriate behavior. Ewan ko kung bakit
nakahighlight yung mga yun.

Umuwi naman na kami. The next few days eh inayos namin yung papers namin at kung
anu-anong tawag sa ganitong agency ang natatanggap namin. Dahil hindi ko naman
naiintindihan sinasabi nila, pinapaubaya ko na lang kina-Mama.

Naka-survive naman ako sa sobrang boring doon sa bahay namin. Pakinig-kinig na nga
lang ako ng music eh. Lumalabas lang ako paminsan-minsan. Nakilala ko na rin yung
kapitbahay namin sa kabilang bahay. Lumabas kasi sila at nagroller blades yung
batang babae, nag-skateboard naman yung batang lalaki.

Pagdating ng Saturday, nag-ready na kami para doon sa so-called party ng mga


Filipino. Gusto ko rin namang sumama dahil naiinip na talaga ako. Sana nga may
teenagers man lang doon dahil hindi ko na siguro kakayanin na walang kasing edad
ko. Kapag sobrang tatanda, boring pinag-uusapan. Kapag kasing-edad naman ng mga
kapatid ko, nakakabuwisit naman pinag-uusapan dahil pambata masyado.

As usual dahil malayo yung bahay namin, nag-biyahe kami uli papuntang C*******n.
Sabi kasi sa may clubhouse daw yun ng isa sa mga Filipino na hindi pa namin nami-
meet. Ang dami na ngang tao nung dumating kami. Potlock ang usapan, so nagdala kami
ng pagkain namin. Chicken Curry ginawa ng Mama ko.

Pagdating namin doon eh nabilib naman ako sa club house dahil may pool doon sa
likuran. Pero hindi lang yun ang ikinatuwa ko, may nakita akong mga babies at ilang
bata doon. Mahilig kasi ako sa bata eh.

Nung naupo kami, lumapit sa amin si Ate Analisa. Sabi niya ipapakilala daw niya
kami. Humawak siya ng microphone kaya nagtinginan kaming lahat sa kanya. Nag-
feedback pa nga pero nagtawanan lang naman mga tao doon.

"May madadagdag sa Filipino Barkada natin!" sabi niya tapos nakangiti na naman
siya,"Na-meet ko sina Marie, Danny.." pangalan ng nanay at Tatay ko, "Ang kanilang
dalaga na si Alyanna, Ynah.. at ang nag-iisang anak na lalaki na si Gabriel.." sabi
niya tapos binulong namin na Gabby na lang, "I mean, Gabby daw pala."

Religious din ang Filipino Community nila kaya nag-pray pa kami bago kumain. In the
middle nga nung prayer, may nagbukas ng pinto kaya napatingin ako. Parang natuwa
ako. May babaeng teenager na pumasok!! Weee!

Then kainan na nun. At least may teenager di ba? Yun naman mahalaga! Babae pa!

"Alyanna!" tinawag ako ni Ate Analisa at hinarap ako doon sa babae, "I'd like you
to meet Ria. Ria.. this is Aly."

Ngumiti naman yung babae sa akin.

"Hi Aly, I'm Ria.""Hello." isa pa ako eh.. hello lang?

Teka.. English?!?

"Dito na kasi siya pinanganak kaya hindi marunong magsalita ng tagalog.


Nakakaintindi, pero hindi masyado makasalita.." sabi na lang sa akin ni Ate Analisa
then umalis na.

Tumawa lang yung Ria doon sa sinabi ni Ate Analisa. Humarap siya sa akin at mukha
namang friendly.

"So you're the new Filipino's here?" tinanong niya ako tapos nanguha siya ng
pinggan dahil kakain na yata siya..

"Uhmm yeah." grabe naman, wala na yata akong matinong masabi eh.

Finally nakaisip ako ng medyo ok itanong.

"Are you the only Filipino teenager in C*******n?" kasi parang 'di naman masyadong
nakakatuwa kung kami-kami lang.

"No. There's a few of us." sabi niya then nagsimula na nga siya manguha ng
pagkain,"Kevin's coming. He's with my brother Ryan. They're just finishing their
game." tapos bumulong siya sa akin, "X-box addicts. They're actually middle-
schoolers so they're not really 'teenagers' as far as I think." kumuha siya nung
dinuguan doon, "Kevin's brother is at his friend's house. He doesn't go to this
stuff that much unless he have to or he feels like it."

Ok naman pala eh.. marami-rami na rin pala kami.

Nung kumakain na kami kasama ko yung Ria na kahit papaano eh hindi naman na ako
naiilang kausapin dahil siguro babae rin na tulad ko, pumasok naman yung dalawang
lalaki na hindi ko naman kilala. At lumapit sila kaagad kay Ria.

"Ria you should've seen our game!""What that stupid Halo game again?" sagot naman
ni Ria.

"It's not stupid. You're stupid you don't know how to play it." sabi ko nga lalaki
eh."Oh hey there. What's your name?""Aly.""Nice to meet you Aly." nakipagkamay
naman yung lalaki sa akin. "My name's Kevin."

Nyak, siya pala si Kevin. Kung tutuusin, I kinda' imagined him to be older than...

"I'm already 13."

See? 13 lang siya. Nagulat na lang ako nung bigla siyang..

"Nagtatagalog ka?"

Nasamid yata ako sa tanong niya. Sa accent niya kasi, hindi mo iisiping marunong
siyang magtagalog.

"Oo naman. Bago lang kami dito."

Pagkatapos kong sinagot yun, taglish na siya.

"I was born here. Pero si Mommy and Daddy eh both Filipinos. Usapan kasi sa house
namin eh Tagalog madalas, so they taught me how to speak it. Sometimes I do forget
some stuff so I'll speak in English."

Tinapik naman ako ni Ria.

"Don't mind him. He thinks that he's trilingual. He can't even speak tagalog that
good!""At least I'm better than my brother." nag-asaran pa sila.

"Trust me Aly, you're better than any of us here. We suck at speaking the Filipino
language." tapos tumawa siya ng malakas, "Well compared to all of us, his brother's
the worst. He can't speak it at all. He barely speak a word.. and it's still
wrong." tapos ngumuya siya, "I think people from other countries who can speak
other language are cool."

Grabe ang bait nila no? Kahit na dito na sila pinanganak.. ang babait nila. Iniisip
ko nga magiging mga mayayabang nga sila dahil dito sila lumaki... hindi rin pala.
Iba pala talaga kapag may Filipino blood.

Nakitabi naman si Kevin sa amin ni Ria. Yung kapatid ni Ria eh hindi ko alam ang
pangalan pero tatahi-tahimik lang sa isang sulok at nag-gameboy. Masyado nga yatang
addict sa games yun.

"I'm gonna' call your brother. I'll tell him that he needs to get his butt goin'."
tapos nag-dial siya ng number.

"He won't come. He said he'll stay there overnight." sumagot naman si Ria then..
"Hey jerk! You need to come over here!" pero parang katuwaan lang yung pagkakasabi
niya, "You need to meet the new girl."

Hindi ko naman masyado maintindihan yung sinasabi nung kausap niya pero parang
naririnig ko.

"Alright! No need to shout ok?" nilayo ng kaunti ni Ria yung phone niya, then may
pinindot siya, "He's already outside. He said he had his head cracked that's why
he's comin',"

Napatingin lang ako doon sa pintuan nung bigla na lang bumukas. Tapos napatingala
na lang ako nung may posteng nakatayo doon sa pintuan.

Hey wait..

"Knucklehead!" sumigaw si Ria tapos tumawa rin si Kevin, "Over here!"

Unti-unti namang lumapit sa amin yung lalaki. Teka nga kilala ko 'to ah...

Sasabihin ko na sana kaya lang inunahan ako..

"Have we met?" sabi niya tapos parang confused itsura niya.

Tumingin naman si Ria sa akin at si Kevin.

Ako naman nakatingin lang doon sa lalaki na kasama ni Seth.

"Nah.. we haven't met." then ngumiti siya tapos umupo doon sa tabi ko..

"I'm Yex."
Create a free website with

***6***

Yex? Teka, Yex daw? Hindi ba masyadong kakaiba naman yata yung pangalan na iyon
para sa isang lalaki?

At teka lang, kung siya ang kapatid ni Kevin, bakit hindi sila magkamukha? I mean,
si Kevin dito na pinanganak pero mukhang Filipino pa rin. Pero siya? Mukhang... you
know... white American.

Nakakahiya naman na magtanong dahil kakakilala ko pa lang kaya nanahimik na lang


ako.

"Yex?" nagulat din ako nung lumabas sa bibig ko yun,"I mean.. Yex.. nice to meet
you. I'm Aly. Alyanna."

Bigla na lang siya ngumiti sa akin. Kung tutuusin, simple lang yung dating pero ang
gwapo nitong tao na ito.

"That's it!" sabi niya kaya napaatras ako, "Alyanna. I heard Seth mention your name
before.." tapos tumingin siya sa gilid, "Were you the same girl at school?"

Tumango na lang ako. Wala namang mangyayari kung itanggi ko pa eh ako rin naman
yun.

"Yeah.""So you'll gonna' study at Soutwest High?" napaisip naman ako doon sa sinabi
niya tapos saka ko lang naintindihan..
"You mean.. the school?" ang bobo ko naman! "Oo."

Hindi ko naman sinasadya na tagalog maisagot ko. Nakatingin sila pare-parehas sa


akin na para bang may nasabi akong masama. Napakunut-noo naman yung Yex.

"No? Why not?" tinanong niya ako.

Teka.. Oo sinabi ko 'di ba? Hindi NO. Sasagot na sana ako kaya lang sumingit naman
si Kevin.

"Kuya Yex.." napangiti ako, nakakatuwa talaga magtagalog mga ito, "Oo in
thePhilippines means Yes."

Ginulo niya yung buhok ni Kevin.

"I know that!""Yeah right! You thought it was no.." tawa siya ng tawa.

"I thought she said.. Uh-ah." napatingin ako uli kay Yex, "And Uh-ah means no. I
didn't know it's ohoh.""O-O." tinatama pa ni Kevin.

"Shut up Kevin." tapos hininaan niya yung boses niya, "Ow-oh."

Halata mong hindi niya talaga makuha yung Tagalog. Tama naman yung idea ng sinasabi
niya, pero may accent pa rin talaga.

Nakipagkwentuhan din naman siya. Kung tutuusin, madalas lang niyang kinakausap eh
sina Ria, Kevin at yung kapatid ni Ria na si Ryan. Titingin lang si Yex sa akin
kung tinatanong lang ako ni Ria o ni Kevin. Ganun lang. Nahalata ko rin na hindi
siya masyadong.. alam mo.. nakikipag-usap sa bagong kakilala.

Naki-chikka din naman yung kapatid ko na si Ynah. Panay ang English ng bruha kaya
nagsimula na naman akong mairita.

"And who's this young lady?" gusto ko yatang masuka doon.

"Ynah."

"Hi Ynah. I'm your Kuah Yex." napaisip naman ako. Ano daw?

"KUYA." sabi ni Ria na kahit di rin marunong mag-english eh may alam din naman.

"Ya'll better stop." tinignan niya ng masama si Ria pero pabiro lang, "She got
what I mean."

Dahil nga nagsama-sama kaming mga 'bata' daw sabi ng mga matatanda doon sa party,
may lumapit naman sa akin na babae. Naku nag-OA pa ako, si Ate Analisa uli.

"Yex I thought you're not coming?"

"Supposed to be I'm not going to.." sabi niya doon tapos tumayo siya at kumiss kay
ate, "Seth told me to go." tapos tumingin siya sa side ni Ria, "And some people
there who kept BUGGING me!"

Naglabas naman ng camera doon si Ate Analisa at kukunan daw kaming lahat. Dahil nga
nakatalikod si Yex, inurong niya yung upuan niya sa side ko at ngumiti. Katabi ko
nun si Ria, sa kanan ko si Yex. Syempre pinangiti kami tapos nakailang flash.
Kinuhanan pa nga kami na parang magkakaakbay kami lahat.
Lumapit naman yung isang lalaki na hindi ko pa nami-meet at tumingin doon sa
digital camera na kuha namin. Ngumiti tapos may tinuro. Matanda na rin yung lalaki.
Parang si Papa.

"What?" sabi ni Yex tapos tumayo at tumingin, "That is so cool! Give me a copy of
that picture!"

May binulong naman yung lalaki sa kanya. Tapos bigla nilayo ni Yex yung tenga niya
at parang yung expression ng mukha eh.. 'what're you talking about?' thing...

"You have some weird imagination Rodel.." sabi niya tapos tumingin siya sa amin ni
Ria, "Don't mind him ayt? He's a psycho."

Ngumiti na lang ako. Alam ko nakikipagbiruan lang din sila. Bigla na lang pumunta
si Yex doon sa pintuan..

"Yex!" sumigaw si Ria, "Where are you goin'?""Somewhere." tapos inikot-ikot niya
yung susi niya sa daliri niya.

Nagda-drive nga siguro. May sasakyan eh. Lumabas na si Yex nun tapos si Ria eh
hindi mapakali, hinila naman ako.

Ewan ko kung bakit.

"Bye Ria!" nag-bye si Yex sa kanya.

Tinaas ni Ria yung fist niya..

"Ooh... bye Aly!" tapos sumakay na siya doon sa kotse at binilisan na yung
pagpapatakbo.

Nung nakaalis na, sumimangot si Ria sa akin.

"He didn't even last an hour! That guy's always on the go!"

Napansin ko nga eh.. umalis din kaagad.

"He's got some nice car though." tumingin siya uli, "That's his 16th birthday
present."

Kotse? Regalo? Mayaman ba sila?

Napansin ni Ria na parang nagulat ako.

"I know what you're thinking. Cars are affordable. You can loan it."

Nung sinabi ni Ria yun at nung papasok na kami.. teka lang.. parang nakita ko na
yung kotse na yun..

Hindi ba yun yung kotse na ginamit ni Seth?

And wait... it means...

Siya si so-called 'bro'?


Create a free website with

***7***
Naguluhan din ako. Yun kasi yung ginamit ni Seth na kotse nung hinatid niya kami sa
bahay. Sabi niya, sa bro niya. Magkapatid sila? Teka nga teka nga... hindi ba si
Kevin?

Sheesh ang gulo.

Nagkaroon ng karaoke nun. Yung Magic Sing pa nga ginamit nila kaya may OPM songs.
Pinilit pa nga nila ako kumanta. Hiyang-hiya ako nun pero sabi naman nila hindi daw
uso sa kanila ang nagkakahiyaan dahil kami-kami lang naman daw. Isa pa, kahit
sintunado ka, walang pakialamanan mga tao kasi lagi nga namang masasaya.

Kumanta ako. I got 91. Not the best, pero at least hindi nakakahiya masyado.

Medyo gabi na kami umuwi nun. Si Ria eh pinakita niya sa akin yung kotse niya at
maganda rin naman. Ang ayoko lang eh yung kulay, yellow kasi na convertible.

Naikuwento niya sa akin na hindi daw siya nag-aaral sa Southwest Florida High, yung
school na papasukan ko. Nag-aaral daw siya doon lang sa C*******n. Masyado daw
kasing malayo kung magdadrive pa siya ng 15 minutes, more or less. Napansin ko rin
na fifteen minutes ang sinabi niya kaparehas ni Seth nun. Which means, either
parang eroplano din siya mag-drive o mabagal lang talaga mag-drive si Mama. Sayang
nga hindi magiging isa ang school namin, gusto ko pa man din si Ria.

Hindi rin naman nagtagal eh dumating na rin yung sinasabi nilang Open House daw.
Pumunta naman ako kasama ni Mama at nakita ko na ang daming tao doon sa school.
Nakakahiya nga dahil parang iilang parents lang ang nakikita ko doon at ako lang
yata ang talagang nakadikit pa.

Dumiretso kami nun sa Library dahil doon daw kukunin yung schedules. Pumunta ako
doon sa table na nakalagay eh '10th' at sinabi ko yung last name ko.

"Here you go..." sabi nung babae sa akin na hindi ko naman kilala.

Siniko naman ako ng Mama ko at mag thank you daw ako. Bigla na lang kasi akong
umalis. Ang sama nga ng ugali ko. Bumalik pa ako para lang mag thank you.

Tinignan ko naman yung schedule nila. Ito yung nakalagay.

1. Business Systems and Technology I


2. English II Honors
3. Physics I Honors
4. World History Honors
5. Personal Fitness
6. Algebra II
7. Spanish I

Nung nabasa ko yung schedule na yun, parang nanlaki yung mata ko. Sa lahat yata ng
nakalagay doon, parang yung 1st period lang at last period ang hindi ko pa na take
up. Nag english 2 na ako nung second year, pero 8th grade nga daw sa kanila
lumalabas yun so hindi counted. Hindi naman credited yung Physics ko sa hindi ko
malamang dahilan. Pero World History at Algebra? Hello? Matagal ko nang tinapos yan
dahil ayoko nang pahirapan pa ang sarili ko. Tapos meron pa akong PE? Isang buong
klase sa kanila ang PE? Ito pa ang masama, hindi ako athletic.

Yung Mama ko eh masakit daw ang paa kaya sinabi niya uupo siya doon sa benches
malapit sa library. May mapa naman ako kaya ako na lang daw magikot-ikot sa school
at tanungin yung mga magiging teacher ko. Tinignan ko yung Mapa, ni-hindi ko nga
alam kung saan yung side na patayo eh.
Siguro mag 10 minutes na akong nakatayo eh hindi ko pa rin maintindihan. Sino ba
naman kasi gumawa ng mapa na ito? Parang kinalahig ng manok.

"It's... this way." bigla na lang may nag-ikot ng mapa ko.

Tumingin ako kung sino yun. Hindi ko kilala.

"Ed! What're you doin' there?" narinig ko namang may sumigaw.

"I'm helping her." tinuro naman niya ako.

Napatingin ako kung sino yung kausap niya. Naku sana naman hindi niya mabanggit na
baliktad yung mapa ko, nakakahiya talaga.

"Aly!" parang napakasaya niya lagi no? "You... came."

Bumulong naman ako sa gilid ko?: 'Obvious ba?'"Did you say something?""No. I
didn't."

May naglalakad naman na huminto sa likuran ni Seth. Nung nakita ko kung sino, si
Yex pala. Tumingin lang siya sa akin pero walang sinabi. Medyo magulo yata buhok
niya ngayon.

"Oh by the way.." tumingin siya doon sa dalawa, "This is Yex, and this is Ed."
tapos tinapik niya sa dibdib yung Ed, "This is Aly. She's new here.""I noticed."
tapos tumawa yung Ed.

Tinignan siya ng masama ni Seth kaya tumigil siya.

Si Yex naman eh walang sinabi. Kumaway lang siya na parang napilitan pa. Hindi man
lang niya sinabi na nag-meet na kami sa Filipino Party.

Dahil medyo naiilang ako, tumingin na lang ako uli doon sa schedule ko.

"Do you need some help?" tinaning naman ako ni Seth, "Like a tour or
something.""No, I'm fine." tapos tinignan ko uli yung mapa at parang gustong
sumakit ng ulo ko,"I think I'm getting a hang of it."

Tinignan naman ni Seth yung unang period ko tapos sinabi niya..

"BST1. You go straight this way.." tinuro niya yung hallway, "Then go to your
right. There's a small building to the left.. it says the name of the teacher."
tinignan niya uli,"You have Mr. M. He'll be your homeroom teacher."

Nag-bye na sila sa akin at sa kabilang ibayo yata yung titignan nilang classroom.
Ako eh sinundan ko na lang yung sinabi niya, dumiretso.. kumanan tapos tinignan ko
kung may building doon sa kaliwa. Meron nga.

Nakita ko na yung BST1.. Mr. M. Yeah Boy!

Sarado kasi yung pintuan pero nung binuksan ko eh may matandang lalaki doon na
tumingin sa akin. Ang daming computers doon sa loob. Take note, yung flat screen
pa. Nahiya tuloy ako pumasok pero may tao na doon sa loob.

"So we only need a binder?" napatingin lang ako sa kanya, "Thanks Mr. M."

Tingnan mo itong tao na ito ang sama ng ugali. Parehas naman pala kami ng
pupuntahan hindi pa ako sinamahan.
Nakita ako nung teacher na tinatawag nilang Mr. M. at yun nga sinabi sa amin na
kailangan lang namin ng binder. Hindi daw nagkakahomework doon, magkahomework man..
bihira lang.

Walang sinabi si Yex sa akin at kausap pa ako nung homeroom teacher ko eh lumabas
na siya.

"You're new here?" tanong nung teacher.

"Uhmm yes sir." sinagot ko na lang, "I'm still not that good at speaking the
language."sumasakit na nga lalamunan ko kaka-American accent eh!

"Oh no.. no.. you're doing fine."

Tinanong niya ako kung saan daw ba ako galing, at nung sinabi ko nga na Philippines
eh na-excite naman siya. Nasa base daw siya dati at nakarating daw siya sa Clark
nun. Mukhang member siya ng kung anong army.. o kung anong giyera eh hindi ko
naintindihan.

Nung lumabas na ako, kumaliwa na ako at tinignan ko yung mapa uli. Ngayon sino
naman itong Ms. Lingie na ito?

"He talks about war alot doesn't he?" napatingin ako sa kanan ko kung sino
nagsalita.

"Yeah." wala akong maisagot kaya.. Yeah na naman.

"He's a veteran. He's been in the Vietnam war and all. I think he got traumatized
or something." umiling-iling siya tapos sumabay siya sa paglakad sa akin, "He
retired, obviously. I don't know how he ended up teaching here in Southwest High.
To think that it'sa business class."

Hindi ko alam kung bakit kinakausap niya ako ngayon samantalang kanina kung umarte
siya eh prang hindi niya ako kilala kanina.

"Where's your class schedule?" tinanong niya ako kaya binigay ko na lang dahil
natutulala na ako.

Huminto siya nun para tignan niya. Tapos nagulat na lang ako nung bigla na lang
niya tinignan yung classes niya.

"Holy cow.." sabi niya tapos inabot niya uli sa akin, "You got the same classes as
I am."

Inabot niya yung sa kanya. Same period, same time.

"--except for gym. You got personal fitness, I got weightlifting. Otherwise, its
still the same period. We'll be running the same field.. the whole year."

Nagtaka naman ako. Hinati-hati pa nila yung classes, tapos ngayon parehas din naman
pala kami.

"How did that happen?""Those kind of stuff doesn't happen that much. The school has
over 3500 kids including middle school." tapos tumingin siya sa akin saglit, "So
most of the time, you'll get different classmates every period." tapos pinakita
niya uli yung schedule niya, "The computer in the Guidance Office analyzes which
class you're supposed to be in using your academic history and interest. Not every
class you picked will be in your schedule. Sometimes it won't fit."
Nakakapagtaka naman siya. Para sa isang lalaki na may summer class, bakit naman
Honors classes pa ang pinili niya?

"You picked your classes?"

Tumawa naman siya.

"Nah, I didn't. When they gave me the paper for the classes, you're supposed to
circle those you wanted. I didn't circle any, so they picked those classes for me."
ngumiti siya uli, "It's just that, I don't care about my class schedule that much."

Huminto na lang siya at binuksan niya yung pintuan.

"Here we are. Ms. Lingie's class."

Sumunod nun eh nakilala na namin yung mga sumunod naming mga teachers. Sinulat din
namin yung mga required. Actually, hindi siya nagsulat. Ako lang. Parang wala nga
siyang pakialam eh.

Hindi pa kami nakakalayo eh sinabi niya yung sagot sa mga tanong ko.

"So are you fluent in the Philippine language?" ngumiti siya.

"Yeah. I was born there.. and I grew up there.""That's cool. I've never been in the
Philippines." Filipino nga ba siya? "I suck at speaking that T-word you call
it.""Tagalog.""Yep. That. Tag-a-log." yumuko siya, "My brother Kevin, he's really
good at it. I don't know what's wrong with me."

Ito na ang pagkakataon.. tanungin mo na!!!

"Kevin's your brother right?" naks, pasimple pa ako.

"Yes. He's my younger brother." then parang may may naisip siya, "Actually, we're
half brothers. My real dad's American. He died on a plane crash. So my mom,
ourmom.. got married to a Filipino. They had Kevin. That's why we kinda' look
different. I look like my dad, he looks like.. his dad. My stepdad, I meant. He's
cool you know."

Ganun pala yun. Akala ko naman... mabuti na lang nagkwento no?

"What about Seth?" interesado??

"What about.. what about Seth?" inulit pa niya.

"Is he your brother too?"

Nung tinanong ko yun, tumawa talaga siya ng malakas. Geez, ang gwapo ng taong 'to.
Yun nga lang ang tangkad kaya nangangawit yung leeg ko. Nakatingla kasi ako.

"Nah, we call ourselves 'bro' coz we spent most of the time together. There's four
of us. Me, Seth, Ed, the guy you met earlier, and Jim." tumingin siya sa likod
niya, "Jim's not here. He's sick."

Hindi naman pala ganun kasuplado itong tao na ito kapag kinausap mo. Kapag nandiyan
lang yata mga kaibigan niya, parang napansin ko hindi nangangausap. Kasi nung sa
party at kasama ko sina Ria, hindi niya ako masyadong kinausap. Ngayon naman wala
yung barkada niya, kinakausap niya ako.
Ain't that weird?

Nung matapos na kaming mag-ikot eh bumalik na kami doon sa side malapit sa library.
Si Mama eh nawala doon kaya hindi ko alam kung nasaan na siya. Hahanapin ko pa
tuloy siya ngayon.

Dahil nga parehas na kaming tahimik at siguro iniisip niya kung gaano ako kaboring
kasama, saka ko naman naisipan na magsalita uli.

"When I first got here, I thought that Americans are different. Maybe because of
the movies I've seen before.""What do you mean? Cheerleaders? Jocks? Nerds?
Smartypants and clowns?"

Na-shock ako doon sa sinabi niya.

"You mean stereotyping?""That." yun na lang sinabi ko. "I think they're
exaggerating the movies. Because as far as I know right now, you and Seth and that
Ed guy are all nice.""Are you kidding me?" tapos seryoso na yung mukha niya.

Hinila niya ako doon sa may pintuan ng hallway nung nakapasok kami at may salamin
doon.

"We're nice?" tinuro niya yung sarili niya tapos tinuro niya yung mga nakaupo sa
labas.

Nandun si Seth at yung Ed. May kasama silang dalawang babae. Dalawang puti, isang
black at yung dalawa eh nakaupo sa kandungan nung Ed, yung isa sa tabi lang naman
ni Seth.

"When you said we're nice...""You don't know the half of it." Errr.. ano daw?!?
Create a free website with

***8***

Naguluhan ako sa sinabi niya. Ano ba yung half.. half na sinasabi niya? Ito naman
kasi mahirap sa mga hindi nagtatagalog, English ng english hindi liwanagin.

Dahil ayoko ng nanghuhula, tinignan ko siya ng..

ANO???

Ngumiti lang siya tapos hinawakan niya yung batok niya.

"That was just an expression." sus expression lang pala nag-OA pa, "It only means
that... we're not really nice." huminga siya ng malalim, "As far as my vocabulary
of "nice" goes, we're not." tumingin siya doon sa labas. "Where's your mom? I saw
her sitting at the coutyard earlier."

Nano-nosebleed na naman yata ako. Naguguluhan ako sa mga terms na ginagamit niya.

"Courtyard?""Oh.. courtyard.." tapos tinuro niya yung labas, "The benches outside."

Yun pala ang courtyard. See? I'm learning.

"I don't know. She's probably in the bathroom."

Nung natapos na kami makipag-meet doon sa mga magiging teachers namin, humiwalay na
sa akin si Yex at sa direksiyon papunta nila Seth at Ed siya dumiretso. Halata mo
ngang ayaw niyang kasama ako kaharap ng mga kaibigan niya.
Nag-bye na lang din ako at dumating din naman yung Mama ko galing kung saan. May
hawak siyang t-shirt na kulay blue at black na shorts. Yun na naman yung kulay.
Black and Blue. Nakangiti pa siya sa akin.

"Ma para saan yan?" tinuro ko yung hawak niya.

"Bumili na ako ng shorts mo at t-shirt.""Para saan nga?" hinawakan ko naman, "Akala


ko ba wala silang uniform dito?""Wala nga." sabi niya tapos binalik niya sa
plastic, "Sa PE niyo lang daw yan. Kailangan niyo mag-dress."

Umuwi na kami nun at hindi naman pala masama yung Open House na sinasabi nila. Nung
nakasakay na nga ako doon sa kotse, hindi ko makalimutan yung sinabi ni Yex. Hindi
daw sila, 'nice'. Tapos naalala ko pa yung istura nung mga babae na kasama nila
Seth at Ed.

Ano ba sila?

Nung sumunod na araw eh wala pa rin kaming ginagawa sa bahay maliban sa mga
ginagawa pa namin dati. Nakakasanayan ko na nga eh. Na-homesick ako minsan kaya
nagkukulong ako sa kwarto ko at nakatingin na lang sa bintana. Siguro nga kung may
pumasok siguro sa kwarto ko nun iisipin nila nagda-drama ako.

Nag-birthday naman ako. 15 na ako nun. Wala lang naman. Napadaan lang. Kumain
kaming lahat sa labas. Hindi na kami nagpa-party kasama yung mga Filipino dahil
sabi ni Papa eh wala daw kaming pera. Saka na lang daw kapag medyo settled na kami
at nakakaipon na. Sa ngayon daw kasi malabo yun. Niregaluhan din nila ako ng
gitara.

Mabilis na dumating ang first week ng August. Unang araw na ng pasukan namin at
nakakapagtaka at hindi ako kinakabahan. Naghanap ako ng ok na damit dahil nga first
day ng school, gusto kong maging maganda ang impression nila sa akin.

8:00 nagsisimula ang klase nila. 7:30 pa lang eh umalis na kami sa bahay dahil
ihahatid pa namin si Gabby sa elementary school then si Ynah sa middle school. Ako
naman ang pinakahuli since high school na ako.

Wala ako sa mood nun kaya nung nag-kiss ako kay Mama eh nagdiretso na akong pumasok
sa loob.

Phew! Ito na Aly. First day of school. Ang dami mong nakikitang mga English-
speaking!!! Kaya mo yan! Ipakita mo na the best ang mga Filipino.

Dahil nga wala akong kaibigan nun at sila sa school eh sama-sama na in-packs dahil
magkakaibigan, tumayo lang ako doon sa dingding at naghintay na lang ako. Sana
naman hindi ako mukhang ewan doon. Wala man lang kumakausap sa akin.

Nung nag-bell na, isa ako sa unang dumating doon sa room ni Mr. M. Hindi ko alam
kung saan ako dapat umupo dahil baka pagalitan ako kaya tumayo lang ako doon sa
bandang pintuan at hihintayin ko na lang na pumasok sila. Hindi naman ako
nagkamali, bumukas yung room at ingay-ingay nila. Ang dami pa ngang pumasok at
nagdire-diretso sila doon sa loob ng room at umupo doon sa harap nung mga
computers. Nagtatalo-talo pa nga sila eh: "I don't wanna' sit up front!" sabi nung
isang lalaki at tinulak niya yung kasama niya.

Nung naglakad na ako para pumasok, nakita ko na halos punung-puno na yung


classroom. Kung hindi siguro nag-provide ng upuan para sa akin sa isang desk na may
computer, baka nakatayo ako. Grabe, ako nauna dito ako pa ang naubusan. Dito pala
sa kanila, walang assign seats at kung saan mo lang gustong umupo.
Nag-alarm naman ng malakas at nabingi ako. Nasa likod ko pala yung alarm nila.

"Good Morning Lions and Welcome back to Southwest Florida High! I hope everyone of
you had a wonderful summer vacation and I know that most of you are ready for a new
school year!" may boses naman ng babae na hindi ko kilala.

Maraming sumagot ng "No" doon sinabi sa intercom tapos nagtawanan sila.

Ang dami pa niyang sinabi. Hindi nga ako nakikinig kaya naman nung nagtayuan sila
eh hindi ko alam kaya nakigaya lang ako. Nakaharap sila sa isang direksyon. Sa akin
pa. Yun pala humaharap sila doon sa flag. Nakakahiya.

'I pledge allegiance to the flag of the United States of America


And to the Republic for which it stands
One nation, under God, indivisible
With liberty and justice for all.'

Pagkatapos nilang nirecite yun na hindi ko naman alam eh naupo na rin sila.

Naga-announce na ng kung anu-ano pero dahil hindi naman ako member ng cheering o
kahit ano pa man, hindi naman mahalaga na makinig ako. Bumukas pa nga yung pintuan
kaya nakita ko kung sino yung late.

Sino pa ba?

"I'm sorry Mr. M." sabi niya tapos dire-diretso siya doon sa room.

May nakuha siyang upuan kung saan at naupo siya doon sa pinakadulo.

Nakasimangot yung homeroom teacher namin.

"Mr. Hendrix, it's a new school year and I think it's only right for you to learn
your homeroom manners. Punctuality is a must."

"I'll learn about being on time Mr. M.!" tapos sumaludo siya.

Nagtawanan naman. Halata mong pinaglalaruan niya yung teacher.

Hendrix? Yun pala ang last name niya? Infairness, ang cute ha.

Yung next na ginawa namin eh nakinig kami doon sa agenda booklet ng school. Halata
mong maraming natutulog at every year na lang daw eh dinidiscuss daw yung school
rules at policy. Saulo na nga daw nila inuulit-ulit pa. Sabi pa nung homeroom
teacher namin na trabaho daw niya yun kaya kailangan niyang gawin.

Binigyan kami ng kung anu-anong form. Kailangan daw naming i fill-up yung agenda
card, health card, free/reduce lunch form.. at kng anu-ano. Binigay sa amin yung
agenda book na blue and black na naman ang kulay na may lion sa harapan. Akala ko
nga babayaran libre pala.

Nung nag-alarm na eh second period na yata namin. Isa si Yex sa unang-unang lumabas
ng room. Alam ko na yung next period ko, English. Hindi ko alam kung nakita ba niya
ako pero hindi niya ako kinausap na naman.

Pagdating ko doon sa Ms. Lingie, may binigay siyang peach na papel at isulat daw
yung first name doon. Marami nang nauna sa akin sa room at ang iingay nila dahil
magkakakilala na. Walang nakaupo sa harapan, kaya doon ako napunta.
"Ok, I can see some familiar faces in here..." sabi nung English teacher ko, "And I
expect everyone of you to work harder than before and be as quiet as possible Ms.
Robinson.." binanggit niya yung pangalan ng isang babae kaya napatingin ako sa
likod.

Yung sinasabihan niyang babae eh yung pinakamaingay. May pink na ribbon siyang
malaki na nakapaikot sa ulo niya.

"Ms. Lingie, it's Allen not me!" tinuro niya yung isa.

Hindi na pinansin nung Ms. Lingie. Kung tutuusin, ang rude nila sa mga teacher
dito. Unlike sa Philippines, hindi mo magagawa yun.

"Since there are alot of new faces in here, I think we better start introducing
ourselves. Let's start with you Ms. Robinson."

"My name is Saman-thuh Robinson." ang arte niya magsalita o talagang sa accent lang
niya? "And ya'll can call me Sam."

Nagpakilala naman na yung iba tapos nung lumpait na sa akin eh kinabahan ako. Ewan
ko kung bakit. Siguro dahil kailangan kong magpakilala sa kanilang lahat.

Dumating naman yung turn ko.

"My.. my n-name is Alyanna Hernandez. I-i'm still not that good a-at speaking
English."

Tumingin naman sa akin yung teacher.

"Where are you from Alyanna?"

"I'm from the Philippines Mam." medyo lumakas na yung loob ko dahil tapos na.

Yung Allen naman na kaharutan nung Samantha eh sinabing...

"I told you she's chinese not hispanic!"

Napatingin ako sa side niya.

"She't not chinese Allen. She's--" sabi nung teacher pero di niya natuloy.

"Filipino."

"How long have you been here?"

"4 months."

"You've only been here for four months?" parang nagulat siya, "So did you meet alot
of people over the summer?"

"Not really." ngumiti na lang ako.

"Hi Aly!" napatingin ako sa likod tapos nakita ko si Yex na kumakaway, "Nice to
meet you!"

Ewan ko kung bakit niya ginawa yun. Lagi siyang umaarte na bago pa lang kaming
magkakilala sa harap ng ibang tao.

Nabaling naman yung atensiyon sa kanya ni Ms. Lingie.


"Mr. Hendrix since your energy is at its top level I think you should introduce
yourself to the class."

"Do I really have to?" tinuro niya yung sarili niya, "Some of them knew me
anyways."

"Well a few don't."

Bigla na lang tumayo si Yex doon sa upuan niya. Siya lang ang gumawa nun. Mukhang
mahaba-habang speech ang gagawin dahil hinawakan niya kunwari yung shirt niya.

"I'm Yex." tapos naupo na siya.

Nyek. Akala ko pa naman...

"Your name's not on my list."

"Oh come on Ms. Lingie!" sabi niya na parang naiinis.

"If you wanna' be called on that name, you better introduce yourself properly." ang
sungit nung teacher.

"O-KAY." sabi niya tapos tumayo uli, "Hello folks." sabi niya kaya tumawa na naman
yung iba, "I'm LLEXTER RANDALL HENDRIX." nilaksan niya yung boses niya nung
binanggit niya yung pangalan niya, "My nickname's Yex. If ya'll wanna' know why,
ask my favorite teacher."

Nagtawanan sila ng malakas. Ako lang yata sa room maliban doon sa teacher ang hindi
tumawa. Kung may nakakatawa man doon, hindi ko alam kung ano.

Nabuwisit yata yung teacher kaya tumayo na doon sa harapan at sinabi yung rules ng
classroom niya.

"This is an honors class so this is different than a regular English II class."


iniignore na niya yung daldalan sa likod, "I don't require assigned seats but if
each and everyone of you won't allow yourself to grow up, I'll be more than willing
to do it." halata mong asar na siya, "Anyways, we're a little short of column
writers for the paper. And before the bell ring, I just want to let you all know
sign-up sheet for the school paper will be on the Bulletin Board this afternoon. If
anyone of you is interested in joining the School Paper Staff, please sign up
before the end of the we--"

Hindi pa niya natapos yung salitang week eh nag-alarm na at walang pakialam yung
mga tao sa kanya na naglabasan. Ganun nga talaga dito.

Napaisip naman ako doon sa sinabi niya. Column writers?

Wow. That's one thing na tinatago ko sa family ko. Writing's my hobby. Kapag nagco-
computer ako, halos buong oras na nasa internet ako nagsusulat ako. Siguro naman
pwede ako sa school paper nila?

Nah. Wag na lang.

Pagkalabas na pagkalabas ko eh maraming tao na nandun sa hallway at nakagilid sila.


Hindi ko alam kung anong meron kaya dumaan na lang ako doon sa gitna para naman
hindi ako makisiksik. Ayoko naman kasing ma-late doon sa susunod na klase ko.

Kaya lang nung nakatalikod na ako papunta doon sa kanan ko, narinig kong may mga
sumigaw sa akin. Hindi ko naman maintindihan ibig sabihin nila kaya nung paharap na
ako eh...

"OH SHOOT!" narinig ko yung boses ni Yex, "BRO STOP!"

Dahil naka-skateboard si Seth eh hindi naman niya nahinto. Instead, tumakbo na lang
siya ng mabilis at tinulak ako sa gilid. Sa sobrang bilis niyang tumakbo eh hindi
siya naka-stop kaagad kaya tumama siya doon sa pinto.

Si Seth eh nadire-diretso hanggang doon sa dulo ng hallway.

"Bro I win!""Yeah.." sabi niya ng mahina then tumingin siya sa akin, "Just don't
walk in the middle next time."

Pakiramdam ko hiyang-hiya na naman ako dahil nagtinginan sila sa akin. Siguro


iniisip nila na ang bobo-bobo ko naman.

Nag-alarm na kaya nagtakbuhan sila sa klase nila. Ako naman eh kahit na gulat pa
rin kanina, dumiretso na ako sa klase ko.

Late na naman si Yex. Apat lang kami doon sa third period class ko. Dumaan siya sa
harapan ko nung sinabi kong..

"Thanks.." binanggit ko sa kanya..

Tinignan niya lang ako tapos sinabi niyang...

"Thanks for what?"

Sasagutin ko sana siya kaya lang lumapit sa kanya yung teacher na lalaki ng third
period ko. Tapos may inabot sa kanyang papel na kulay dilaw na may pink sa ilalim.

"What did I do?" tinanong niya yung teacher.

"What do you think did you do?"

Pagkatapos binalik sa kanya yung tanong eh pinirmahan niya yung papel. Ewan ko kung
para saan yun. Kaya nung sinabi niya eh..

"That's your first referral in the first day of school Mr. Hendrix. Keep it up and
you'll get your first detention in a day." sabi nung teacher.

Nanahimik lang si Yex. Dahil ba yun sa hallway?

Hindi naman yata tama yun.

Si Seth naman may kasalanan nun ah!


Create a free website with

***9***

Nanahimik na lang si Yex pagakatapos niyang nakakuha ng referral. Hindi ko alam


kung nalungkot ba siya dahil nakakuha siya ng referral o wala siyang pakialam kahit
meron man. Paano ba naman tahimik siya buong period, tapos nung nag-alarm na pa-4th
eh isa na naman siya sa naunang lumabas.

Yung sumunod na klase eh World History. Wala namang ginawa. Katulad sa English,
nagpakilala lang din. Tapos dahil sa harapan na naman magpapakilala, maraming
nagtanong sa akin kung Japanese daw ba ako o Chinese. Grabe nasasanay na ako sa
tanong na yun ah!

Fifth period na siguro ang hindi ko alam ang gagawin. Dinala ko kasi yung damit ko
in-case na magklase na kaagad. Ang sabi kasi eh may points daw kapag nag-dress ka,
points off kapag hindi. Dumating ako doon at may mga babae na tumingin sa akin.
Hindi naman masama kung tutuusin.

Dumiretso kami nun sa gym nila. Aircon pa nga sa loob eh. Yung gym teacher ko eh
black na babae. Sa weighlifters naman na panay lalaki, white guy naman ang kasama
nila. Coach pa nga tawag nila sa kanya eh.

Nag-orient lang tungkol sa klase at kung anong ineexpect daw nila sa amin. Sabi pa
nga eh magsisimula daw yung Battery Test bukas para sa amin. After nun, binuksan
nila yung pintuan doon sa may likod ng gym na nakalagay eh storage at nagsitakbuhan
yung mga lalaki. Akala ko kung anong gagawin nila yun pala eh mag-basketball sila.

Kaming mga babae eh naupo doon. Tawa ng tawa yung mga kasma ko at panay ang sigaw
nila doon sa mga lalaki. Dumating si Seth, si Ed at may isa pang lalaki na cute din
na tingin ko eh yun yung Jim. Pinagalitan sila, pero after silang pagalitan eh
nakilaro na rin sila ng basketball.

"Hey Aly!" napalingon naman ako doon sa gilid ko, "Remember me?"

Nung nakita ko kung sino yung nagsalita, yung Samantha pala from English class na
sobrang ingay. Dahil siguro ayoko siya in general sa pag-arte niya, sinabi ko na
lang eh..

"No. No I don't."

Nawala yung ngiti niya pero hindi naman siya sumimangot. Instead, bumaba siya doon
sa kinauupuan niya which is sa pinakataas ng bleachers tapos tumabi siya sa akin.

"I'm Sam from your 2nd period class." tapos nilabas niya yung kamay niya at nakipag
shake hands sa akin.

May mga tumatawa na babae sa likod niya. Akala ko nga sa akin pero sa mga naglalaro
pala. Nadapa kasi yung isang mataba pero tumayo rin naman kaagad. Natisod pala siya
doon sa net na nakakalat sa gitna.

"Do you like it here so far?" nagulat na lang ako nung tinanong niya ako.

"What?" hindi ko kasi siya masyadong maintindihan.

"I asked.." binagalan niya pagsasalita niya, "Do-you-like-it-here-so-far?"

Ngumiti na lang ako pero hindi yung ngiti na totoong-totoo.

"Pretty much...""You know what, for a girl who's only been here for four months,
you speak good English. Some Hispanics here..." winave niya yung kamay niya, "They
suck."

Parang ang sama naman ng pagkakasabi niya. Hindi naman yata tama yun. Siguro nga
yung iba sa kanila eh hindi magaling mag-english, pero syempre hindi naman nila
first language yun.

"Well, it's not their first language." sinabi ko na lang kasi medyo nairita ako,
tapos bumulong ako sa gilid ko, "Baka nga ikaw hindi mo masalita yung Spanish eh."
Nanahimik din naman siya at tumingin siya doon sa lalaking naglalaro. Tinanggal ni
Yex yung isang shirt niya na nakadoble sa suot niya. PInagpapawisan na din siya.
Nakatayo siya doon sa gitna at magsho-shoot na.

"See that guy?" may tinuro siya, "You know him right?"

Nung tumingin naman ako, si Yex lang nakita ko.

"Uhmmm yeah.""He's my boyfriend." sabi niya tapos nakangiti pa siya, "He's cute
isn't he?"

Napatingin naman ako sa kanya. Siya ang girlfriend ni Yex? I swear, ang weird ng
taste niya sa babae. Dahil nga tinatanong niya ako kung cute daw ba yung boyfriend
niya at nagpapakatotoo naman ako, tumango na lang ako.

"Look... look.." sabi niya tapos humawak siya sa kamay ko, "He's coming here!"

Mukhang tuwang-tuwa si Sam. Nabaling uli yung tingin ko doon sa mga


nagbabasketball. Isa lang naman ang papalapit dito. Si Seth.

"You mean Seth?" napalakas yata yung boses ko.

"Yeah, Seth. I just told you about my boyfriend."

Si Seth pala yung tinutukoy niya. Akala ko naman si Yex.

Nung lumapit si Seth nun eh huminto naman sa harapan namin ni Sam. Tapos ngumiti
siya sa akin.

"Hi Aly. Are you doin' alright?"

Pagkatapos niya akong tinanong eh bigla na lang sinabi ng malakas ni Sam


eh,"Arrrggghhh!" tapos nagdabog papaakyat doon sa bleacher.

Si Seth naman parang naguluhan at may hawak pa siyang bola.

"What did I do?"

Ang gulo nila parehas.

Nung nag-alarm naman na at sinabi nila na lunch daw ang next sa 5th period, hindi
muna ako dumiretso. Alam ko naman na kung saan yung cafeteria pero binagalan ko
talaga yung lakad ko. Konti na lang yung tao doon sa hallway. Sinadya ko talaga
para huminto ako doon sa Bulletin. Nakalagay na doon yung sinabi ni Ms. Lingie.

...If you are interested on being part of The Lions Today, please sign your name
and your homeroom teacher.

Tapos kung anu-ano pang nakalagay doon.

Sa totoo lang, parang gusto kong sumali na parang hindi. Hobby ko nga ang writing,
pero ang sinusulat ko eh stories, hindi news. Baka mamaya sa pagsusulat lang ng
stories ako magaling, tapos sa news hindi naman pala. Teka nga lang, I doubt nga
kung magaling pa akong magsulat ng stories.

Naguluhan tuloy ako.

Hawak-hawak ko na yung ballpen ko pero hindi naman ako nagsulat. Alam ko na may
naglakad at huminto sa likuran ko pero hindi ko na lang tinignan.

Tumabi ako sa gilid kasi nakakahiya naman na nakaharang ako doon sa Bulletin tapos
siya pala eh magsa-sign.

"Go ahead.. I'm so sorry." tinabi ko na yung ballpen ko.

"Its alright, I'm not gonna' sign up anyways." narinig ko na naman yung boses
niya,"Are you?""No.." nagsinungaling naman ako kaagad, "I'm just looking up at some
of the Bulletin boards here so I'll know what's going on the school."

Ngumiti siya.

"Seriously?" parang ayaw niya akong paniwalaan, "I'll tell you what's going
on."humawak siya sa braso ko pero para iikot lang ako, "The light on the library's
really bad."

Napatingin lang ako sa kanya. Ano namang kinalaman nun sa activities ng school?

"What does that got to do with me looking up at the Bulletin?""Hey, don't you get
it? If the library's light is still bad, it'll damage the students eyes. They'll
get dizzy, they'll wear eyeglasses or contacts.." huminto siya saglit, "Parents
will get mad. The issue will reach the school board. That's what's going
on.""That's happening right now?"

Tinapik niya ako sa balikat ko.

"No. Not yet." tapos kinuha niya yung pen niya tapos nilagay niya sa kamay ko,
"I'll tell you what." huminto siya sa saglit, "You sign your name on that paper, I
bet you you'll know what's going on the school from then on."

Pagkatapos niyang sinabi yun eh tinapik niya ako ng dalawang beses tapos nag close
fist siya at nagtap naman siya sa dibdib niya.

"Xelfualizee."

Itatanong ko sana kung anong ibig sabihin nung sinabi niya sa akin. Nung nakaalis
na siya, nakatayo pa rin ako doon sa Bulletin at hindi ko pa rin alam kung ano yung
gagawin ko. Magsa-sign up ba ako o hindi?

And... Xelfualizee?

Sounds good to me.

Please.. let it be right!!!

***

Naging okay naman na ako sa classes ko nung mga sumunod na araw. Dahil nga first
week pa lang, wala pa rin kaming masyadong ginagawa maliban sa mga pre-test namin.
Wala pa rin akong kaibigan na talagang nagsti-stick sa akin pero meron naman na
akong mga nakakausap o bumabati sa akin sa hallway.

Akala ko mahihirapan ako pati yung mga kapatid ko. Si Gabby sabi niya ok naman daw
sa school at panay ang kwento niya. Minsan nga nage-english pa siya kaya natatawa
tuloy ako sa kanya. Si Ynah, ayun.. lagi namang nage-english yun kahit na asar na
asar na kaming lahat sa boses niya. Kagaya ko, mukhang ok din naman ang
kinalalabasan niya sa school.
Inaakala ko rin na magtutuloy-tuloy lahat. Pero hindi ko naman inaasahan na may
mangyayari sa school na parang naging dahilan para magtago ako sa sa next century
ng walang nakakakita sa akin.

Hindi pa namin klase nun. Hindi pa kasi naga-alarm kaya lahat eh nag-stay sa
courtyard o sa hallway. Ako naman eh nakatayo lang doon sa hallway dahil nga wala
akong kausap. Para naman hindi ako magmukhang tuod doon eh umupo na lang ako at
nagkalikot ng kung ano sa bag ko para magmukha akong busy.

Kinuha ko yung ballpen na nakalagay sa bag ko. For some reason at sinubukan kong
isulat, ayaw naman. As in walang ink. Yun lang naman ang dala ko kaya inis na inis
ako. Dahil nga naging habit ko na sa Pilipinas yun, kinagat ko yung dulo sakaling
magka-ink.

Inalog-alog ko pa. Kaka-alog ko eh bigla na lang may sumigaw sa likuran ko...

"AAHHHHHHHHH!" ang tining-tining nung boses.

Lumingon naman ako. Si Sam na naman. Suot niya eh puting damit tapos naka pink siya
na skirt na above the knee.

"OH MY GOD!!!"

Nung una eh hindi ko pa rin alam kung ano yung sinigaw niya. Napatingin ako doon sa
blouse niya. Nandun yung ink ng pen ko at dahil nga kinagat ko yung dulo, nabutas
yata at namantsahan na yung damit niya.

Tumayo naman ako kaagad at kinuha ko sa kanya.

"I'm so sorry Sam.. I didn't mean to--"

Sinubukan kong punasan yung damit niya pero lalo lang kumalat yung mantsa ng ink.

"Don't you dare touch me!" halata mong galit na siya, "You messed up my outfit!"

Nararamdaman ko na nakatingin na yung karamihan sa amin. Nakakahiya talaga. Hidni


ko naman talaga sinasadya.

"I'll buy you a new shirt.""This is an original shirt!" sinigawan niya ako, "I
don't know what's wrong with you but you just stand there and let that freaking ink
fly in front of me!"

Ewan ko kung sinadya niya yun, pero dahil sa galit niya siguro eh tinulak niya ako
at nagdire-diretso siya ng lakad.

"I knew from the start something's wrong about you!" tapos tinignan niya ako ng
masama at may word siya na gustong itawag sa akin pero parang nahihirapan siyang
hanapin kung ano, "DORK.. GEEKY.. ASIAN!"

Pagkatapos ng mini-show na yun, pakiramdam ko wala na akong mukhang maiharap sa


kanila. Nagtawanan nga sila sa akin dahil sa tinawag sa akin ni Sam.

Pumasok ako sa homeroom nun. Wala namang kumausap sa akin maliban doon sa katabi ko
na nagtanong lang tungkol doon sa nakasulat sa board.

Kasalanan ko naman talaga yung ink-incident. Yun nga lang hindi ko naman talaga
sinasadya.

By 2nd period, nakita ko naman na si Seth kasama si Ed at yung Jim. Lahat sila eh
hinarangan ako sa hallway.

"They've been talking about you girl this morning.." sabi nung Ed sa akin.

Hindi naman napigilan nung JIm, bigla na lang natawa.

"You mean, the thing with Sam?" natawa-tawa talaga siya. "Was that you?"

Wala namang nakakatuwa doon sa nangyari pero ewan ko kung bakit natatawa sila sa
akin.

"She called you a geek and a dork." sabi ni Seth, "You know what that means do
you?"

Sa sinabi naman ni Seth eh hindi rin ako natuwa.

"Of course I know what it means.." sinubukan kong dumaan sa kanila kaya lang
nakaharang pa rin sila, "I need to get into class."

"You know what, that's some funny stuff you pulled off." nag-comment ba yung Jim.

"I guess they'll talk about it 'til the end of the week." sinabi naman ni Ed.

"Well.. true. Considering it's Sam involved."

Dahil nga nahalata nila na gusto ko nang makapasok sa klase ko, pinadaan nila ako.
Sabi nila nakakatawa daw yung ginawa ko, pero sa totoo lang hiyang-hiya ako. Ikaw
ba naman tawaging dork at geek? Tapos Asian pa ang ginamit? Nilahat pa niya. Ayoko
naman ng ganun.

Nung papasok na ako sa third period at wala pang tao doon dahil nga apat lang ang
nagtake up ng Physics Honors, naupo na lang ako doon sa desk ko at nanahimik.
Pakiramdam ko lahat ng tao dito gusto akong tawanan. Gustung-gusto kong itago yung
mukha ko.

Bumukas naman yung pinto at may pumasok. Hindi ko tinignan kung sino pero alam ko
na rin naman na dahil umupo doon sa upuan sa harap ko. Humarap talaga siya sa akin
tapos nakangiti siya.

"You know what they've been talking about this morning?" tinanong ako ni Yex.

Siya rin pala ganun. Ipapaalala pa niya sa sa akin kung anong nakakahiyang bagay na
naman yung nangyari sa akin kaninang umaga. Magkakaparehas nga sila, iniisip nila
nakakatawa yung ginawa ko.

"Yeah--"

Dudugtungan ko pa sana yung sinabi ko pero nilagay niya yung daliri niya sa bibig
niya at sinabi niyang "sshhh.."

Nag-lean siya at parang bubulong sa akin.

"They've been talking about this policeman who's really good at giving tickets for
speeding drivers." tapos pinalapit niya ako uli, "And they're also talking about
one teacher here at school. They said, he never took a bath for the past two
weeks."

Natawa naman ako sa kanya. Akala ko sasabihin niya sa akin eh yung nangyari sa akin
kaninang umaga.
Nung pumasok na yung dalawa pa naming kasama at lumabas na galing sa likod yung
Physics teacher namin, umalis na siya sa harapan ko. Sabi lang niya eh..

"Trust me Aly,""They'll forget what happened to you this morning by the end of 5th
period."pagkatapos niyang sinabi yun... wow, that felt good.
Create a free website with

***10***

Sa totoo lang, nakakagaan ng pakiramdam yung sinabi niya sa akin. Hindi niya ako
tinawanan. Yun naman mahalaga di ba? Akala ko pa nung simula na kaparehas din siya
ng iba, hindi rin pala.

Tama nga siya. By the end of 5th period, hindi na nila ako kinakausap. Hindi
katulad kanina na halos lahat eh pinagtatawanan ako sa nangyari, ngayon ilan-ilan
na lang. Mas pinag-uusapan na nila yung nanghuhuling pulis at yung teacher na hindi
naliligo.

Na hindi ko alam kung totoo ba o ikinalat lang ni Yex.

Nung second week ko na doon sa school, tinawagan ako sa office ng isang teacher at
sinabi nila na pasok na raw ako sa school paper. Paano nangyari? Tinanong lang nila
ako kung may talent daw ba ako sa pagsusulat. Nung sinabi ko na alam ko naman,
pasok na ako. Ilan-ilan daw ang nag sign up kaya kailangan daw talaga nila lahat ng
tulong na pwede nilang makuha. Sabi nila eh tatawagin na lang kami uli sa susunod
na meeting at sasabihin niya sa amin kung ano yung spot namin sa paper.

Nag gym class naman na kami. Sa totoo lang, magkahiwalay naman talaga yung klase ng
mga babae sa klase ng mga lalaki. Doon kasi sila sa weightlifting room, kaya lang
dahil kasama namin sila ngayon dahil doon sa battery tests namin. Ngayong araw na
ito, Pull-ups at Flexed arm hang ang gagawin namin. Bukas daw eh mile run.

Unang gumawa eh mga lalaki. Naka blue na shirt na sila at black na short na uniform
ng PE.

"Abbot, Rio." sabi nung coach na lalaki.

May certain number ng Pull ups ang gagawin nila doon sa barracks para mapasa nila
yung standard. Nag pull ups naman yung Rio. Kinabahan nga ako eh. Paano kaya kung
hindi ko kayanin?

Naka-15 siya. Akalain mo yun?

"RIOOOOO!" sumigaw doon si Ed. "15? That' all you've got?"

Tumawa lang yung Rio. Pero sa akin, ang yabang ng dating nung Ed.

Nag sunud-sunod yung mga lalaki. 25 yata silang weightlifters. Hindi ko alam basta
marami sila. Yung mataba na natisod sa gym eh nakadalawa lang give up na. Si Seth,
naka 25, then si Ed 26, yung Jim eh 22... at si Yex naman na hulihan yung pangalan
(dahil alphabetical order sa first name, at Yex ang ginamit niya hindi LLexter),
naka-21 lang siya.

Nung umalis siya doon sa barracks, dumaan siya doon sa harapan nung 3 pang kasama
niya tapos ngumiti lang siya saglit.

"21? That's horrible bro." sabi nung Jim sa kanya.


"Shut up Jim. You only got 22 and you're not even injured."

Nung sinabi niya yun, napatingin ako sa kanya. Anong ibig sabihin niya? Injured
siya?

Kaya lang nung lumingon ako, bigla naman siyang lumingon sa side naming mga babae
dahil kami na. Kaya ako naman nataranta ako, iniwas ko na lang yung tingin ko.
Nakakahiya naman kung makita niyang nakatingin ako sa kanya. Baka isipin niya may
gusto pa ako sa kanya.

Yung mga kasamahan ni Sam ang unang tinawag. Hindi katulad nung unang araw ko dito
na tumabi talaga sa akin si Sam, ngayon talaga hindi na. Pagkatapos kasing
mamantsahan ko yung damit niya, galit na galit na siya sa akin. I mean, hindi ko
naman ginawa yun in purpose. At higit sa lahat, galit na galit na siya eh nag offer
naman ako bibilihan ko siya ng bago. Kasalanan ko pero ano bang gagawin ko para
hindi na siya magalit eh kung lahat naman ng i-offer ko tinanggihan niya?

Ang aarte nilang lahat. Sinabi kasi na kapag tumayo ka doon sa barracks, kailangan
mong mag-hold ng ilang seconds na kaya mo. Akala niyo madali no? Nah.. rectangular-
like yung arms mo kaya manginginig ka talaga. Tingin ko naman kaya nila pero dahil
nga nag-iinarte, 2 seconds lang ang inabot. Yung isa, Christine yata ang pangalan,
naka 19 seconds siya.

Nung tinawag yung Hernandez at tumayo na ako, hindi ko maabot yung barracks kasi
yung pinakamataas ba naman ang tinapat sa akin. Hindi naman ako bansot or
something, pero parang ganun naging pakiramdam ko. Tumagal lang ako ng 14 seconds.
Ang taba ko raw kasi kaya hindi kayang i-support ng arms ko yung katawan ko.

Si Sam naman, ayun nag-try. Unlike yung friends niya, hindi siya nag-inarte. Naka-
16 seconds siya tapos inirapan niya ako nung dumaan siya.

Aba.. anong pinapalabas nito?

"Good job Sam!" sabi ni Seth sa kanya nung dumaan siya.

"Thank you Seth." tapos todo ngiti talaga siya.

Ako naman eh nakaupo lang doon at nananahimik.

Dahil nga nakatingin lang ako doon sa ground, nakita kong may mga langgam na pula
doon. Pinatay ko pa nga yung iba tapos may tumawag sa akin..

"Aly, what do you call your language in the Philippines?" akala ko kung sino, yung
Jim na naman.

"Tagalog." sagot ko naman.

Na-confuse naman siya.

"Ca-ga-lac?" sabi niya tapos hindi pala niya maintindihan.

"No, it's TA... GA... LOG."

"Tagaloc." sabi naman niya.

Ngumiti na lang ako.

"Close enough.""It's Tag-a-log moron." binatukan siya ni Yex. "Isn't it?"


Kung tutuusin, tama naman siya. Kaya tumango na lang ako.

Lumapit naman si Ed sa akin saka si Jim.

"Hey.. hey, teach me some curse words." tapos hininaan niya yung boses niya.

Curse words? Parang hindi ko yata feel na magturo sa kanila.

"Come on, they wouldn't understand it anyways!" sabi naman ni Jim. Bigla naman siya
nag-isip, "Ok, not curse words. How do you say you're stupid?"

Hindi ko naman maisip kung ano. Ang unang pumasok sa isip ko eh...

"Bobo ka."

"Bobo ka?" natawa talaga ako sa kanila mag-pronounce, tapos humarap siya kay Seth,
"Seth, you're BOBO KA."

Sobrang natawa ako doon. Kasi naman hindi naman na niya kailangan yung You're
sinama pa niya. Tapos si Ed naman eh nagpaturo kung paano daw sabihin yung, 'Kiss
my a**' kaya napaatras ako. Masyado na yatang foul yun.

Sinagot ko naman eh..

"Halikan mo pwet ko.."

Nakatingin lang siya sa akin na para bang alien na naman ako.

"I think.." sabi niya ng mabagal, "I think I'll stick with Bobo ka. That one's
really long!"

Yung buong period eh ganun lang ang ginawa namin. Panay ang tanong nila sa akin ng
mga english words. Sabi ni Yex sa akin, mamaya lang daw hind na nila matatandaan
yun. Nature na raw kasi nila na kapag ibang language at hindi naman nila ginagamit
sa araw-araw, saglit lang eh limot mo na.

Habang tumatagal parang nagkakaidea na ako kung bakit pakiramdam ko sikat sina
Seth, Yex, Ed at Jim sa school. Siguro doon sa dahilan na football players silang
apat. Nakita ko kasi yung last year na picture nila na hanggang ngayon eh naka-
post. Sa kanila kasi big deal ang sports.

Nung afterschool na eh pinabalik na lahat ng bagong member ng school paper doon sa


room nung teacher na assigned doon. Naupo na lang ako doon sa gilid na may computer
at dumating din yung ibang babae. May ilang lalaki din naman.

"Ms. Wendy!" sabi nung isang lalaki doon sa teacher namin, "Are we gonna' fill up
the positions right now?"

Lumabas yung Ms. Wendy kung saan. Sabi niya yung mga dati daw na member na ng Paper
eh sila pa rin yung spot nila. Yung isang lalaki sa cartooning, yung isang lalaki
sa photography, na may kasama pa siya na absent sa meeting, isang babae daw sa
headline news, yung isang babae sa editorial at ako naman dahil bago ako at
graduate na daw yung babae na nasa spot ng sports, ako ang natapat doon.

Wala namang kwenta yung meeting, na-boring nga lang ako. Sabi sa amin eh
magsisimula na daw kami kapag nagkaroon na daw ng pep rally.

Nung uwian na namin, isa ako doon sa mga naiwan dahil napansin ko na umiiyak yung
isang babae doon na hindi ko kilala. Aalis na sana ako kaya lang nabasa na yung
papel na dala niya.

"Excuse me.. I-uh.. I just noticed that you're crying.." inalalayan ko siya, "Can I
help you with something?"

Tumingin lang siya sa akin tapos hindi na niya napigilan, napaupo siya tapos umiyak
siya talaga.

"I'm sorry Miss.. I really am." sabi niya tapos humihikbi na siya.

Naawa naman ako sa kanya.

"I'm just--lonely." nakayuko na siya, "I don't think I have friends."

Nung sinabi niya yun eh parang tinamaan ako. Parang problema ko rin naman yung
sinasabi niya.

"Maybe you're just thinking that you don't have any, but you have lots of friends
here.""That's not true." sabi niya at iyak na naman siya ng iyak, "Eversince I
started studying here, I've had social problems. I've been nice and all, but they
don't think it's enough. They think that I'm... freaky.""Hey.. that's not true!"
ngumiti naman ako, "If you're freaky, then why're you the one who freaked out when
you think you don't have friends?"

Tumawa naman siya sa akin nun.

"And if you think you don't have any.. then what am I?" kinuha ko kamay niya, "I
can be your friend. I actually needed one too."

Nagliwanag naman yung mukha niya. Pagkatapos nun eh nagpakilala siya sa akin.
Jianna daw ang pangalan niya. Ako naman eh nagpakilala din. Tuwang-tuwa nga siya sa
akin, pinagaan ko daw yung loob niya.

Dumating na yung mga bus nun. Sinabi niya na kita na lang daw kami bukas, 'as a new
friend' at baka ma-miss daw niya yung sasakyan niya. Ako naman eh hindi ako
sumasakay ng bus kaya nung kukunin ko na yung bag ko, yung Ms. Wendy naman ang
tumawag sa akin.

Sa totoo lang, sumasakit na yung tenga ko at leeg ko sa sobrang dami ng tumatawag


sa akin.

"Ms. Hernandez.." sabi niya sa akin pero mahinahon yung pagkakasabi niya, "That's
really great on what you said on Jianna a while ago."

Nung nagulat ako, pinaupo niya ako sa harapan niya.

"You're the type of person that I need."

Hindi ko naman alam yung sinasabi niya kaya nanahimik na lang ako.

"On our school paper, we do have an advice column. It's usually done by a teacher,
or a student. Last year, it was the same student who did the sports column. She
gave advice to everyone who wrote to the school paper mailbox." ngumiti siya sa
akin, "So, we need somebody who can comprehend to others."

"B-but Mam.." nabubulol na naman yata ako, "Don't you think you can do it better
than me?"

"No. I think a student will do better than a teacher. Think about it, you know how
a student feels, how high school life goes.. I'm too old for such stuff. You can
give better advices to your peers."

Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba. Masyado naman yatang complicated yun. Baka
mamaya mapahamak pa ako niyan.

"Pero--" tapos napansin ko nagtagalog ako, "I don't know."

"Just say yes. I'm the one in charge of the Lion Printing. I'll keep you anonymous.
You can try it. If you think you can't, I promise I'll take the job back."

Napaisip naman ako. Sabay kaming tumingin ni Ms. Wendy nung bigla na lang bumukas
yung pintuan at pumasok na naman yung mala-posteng si Yex. Tapos nagkakamot pa siya
ng ulo niya.

"I'm sorry Ms. Wendy for being--" napatingin siya sa room, "Whoa.. what happened in
here?"

"Mr. Hendrix, the meeting's way way over."

"Over? I just got here!" sabi niya at pinagmalaki pa niya.

"Yeah. And you're late as per usual. Don't worry, you still have the same spot."

Ngumiti lang si Yex. Hindi ko alam na kasama pala siya sa school paper. Kaya pala
ganun na lang niya ako yayain na mag sign up.

"Aly, what spot did you get?""Sports." tapos tumingin ako kay Ms. Wendy.

Siguro nga magiging worth a try naman. Tumango ako kanya kay Ms. Wendy tapos
humarap uli ako kay Yex ng nakangiti.

"Cool." sabi ni Yex. Tinapik na naman niya ako sa balikat ko, "You'll do great you
know. I know you will."

Huminga ako ng malalim.

Sana nga kayanin ko... Sports yun, di naman ako mahilig sa sports.. and worse..

Advice Column?!?
Create a free website with

***11***

Umalis na rin si Yex nun. Isa pa, hindi ko naman alam kung saan siya pupunta kasi
nung tinanggap ko yung Advice Column thingy at yung pagiging sports writer, parang
naguluhan din ako. Kakayanin ko kaya?

Si Mama nun eh naghihintay na sa labas. Sabi niya para daw akong nalugi at parang
ang dami ko raw iniisip. Hindi ako madalas mag-share sa Mama ko ng problema at mga
bagay na nararamdaman ko minsan, pero napapansin pa rin niya kung may problema ba o
wala. Ganun ba talaga ang mga nanay? Malamang.

Nung pumasok ako kinabukasan, sinbubukan ko talagang iwasan hanggat maaari si Sam.
Pero nakakapagtaka naman sa babaeng ito, kahit saan ako magpunta nandoon din sya.
Dumating din naman si Jianna. Dahil nga sinabi nga namin na kami na ang bagong
magkaibigan, tumabi siya sa akin.
"Hi Aly!" sabi niya at mukhang masaya siya.

"Hey Jianna." ngumiti naman ako, "Are you feeling alright?""Yeah. Thanks for
asking." tapos binaba niya yung mga libro niya dahil mabigat yata, "I think we'll
gonna' have a pep rally this Friday.""A pep what?" narinig ko na yun kahapon, alam
ko yung pep, cheering.. pero rally?

"Rally. It's when everyone goes to the auditorium and cheer for the football
players you know. You have to show your school spirit. It's the Lions day. Blue and
Black?""So Black and Blue are the school spirit colors?""Yes. Didn't you know
that?" unfortunately.. hindi..

Sinabi kasi sa meeting kapag nagsimula na daw ang pep rallies, saka na daw kami
magsisimulang magsulat ng mga articles.

Teka nga, kung football player si Yex, paano siya magsusulat sa paper? Hindi naman
yata tama yun 'di ba?

"Hey, Yex is in the school paper right?""Yes.. right." tapos tumingala siya sa
akin, "What about him?""How can he write an article if he's a player? I mean, it's
different when you see it on the stands than when you're out there playing it.
But.. I don't think it's right.""He's not a sports writer and he's not playing for
the football team anymore." sabi ni Jianna kaya nagulat ako.

"Huh? But I saw the picture..." tinuro ko yung likuran ko pero parang alam na niya
yung ibig sabihin..

"The Bulletin? That was last year. You know those four guys? You don't know how
they think. The year before that they were all in the basketball team. They dropped
it, became football players. I think they loved being football players, so 3 of
them, Seth, Edrian, Jimmy were all staying on the team but Yex.""Why not?" bakit
naman ayaw na niya?

"I don't know. He probably has enough load on him."

Nag-alarm naman na. Kaya lang yung may nalimutan akong itanong kay Jianna nun. Kung
hindi sports writer si Yex, ano yung spot niya?

Hinintay ko na lang mag second period para matanong ko siya. Nasa likod kasi siya
nun eh. Nung nakita niya akong pumasok room, lumapit siya kaagad sa akin.

"Meeting at lunch. School paper staffers.""But we just had our meeting yesterday.."
grabe naman dito araw-araw yata gusto nila may meeting.

"Yeah." tapos nung may kinuha ako sa bag ko at tinawag niya ako eh na-blind na lang
ako bigla.

"What's that for?"

Taops shinake niya ng shinake yung hawak niya.

"Nothing." tapos nakangiti sya.

May hawak siyang polaroid camera.

"Why do you have a camera at school?" tinuro ko yung camera.

"Because, I'm a photographer. School paper remember?"


Ooh. Yun pala yung position niya. Hindi na pala kailangan pang tanungin.

Yung sinasabi niyang meeting daw sa lunch eh akala ko para sa lahat. Yun pala eh
ako lang ang hinahanap ni Ms. Wendy. Hindi ko nga alam kung bakit pero sabi niya eh
may mga letters daw na natanggap yung advice column. Para daw walang makahalata,
kunwari eh may binibigay siya sa aking pictures and articles nung mga sports the
year before para daw maging familiar ako. Pero sa totoo lang, nilagay niya yung mga
letters doon sa paper bag.

By 6th period, binasa ko na yung isang letter. Anim kasi yung nasa bag at hindi daw
lahat ng letter eh napa-publish. Kung i-publish man daw lahat, pinapaikli para daw
hind mag-occupy ng masyadong maraming space.

Ito yung unang nabasa ko:

Hey girl/gal... whoever you are,

There's this guy who told me he likes me. But the thing is I don't like him.. like
him, if you know what I mean. It's just that, he's nice and all but I can't return
the favor. I don't want to ruin our friendship 'coz if I dumped him he'll be really
hurt. What should I do?

From,
Confused Girl

P.S. Please don't publish my letter on the paper. Just drop your answer in my
locker. It's #33, first hallway. I trust you. Thanks friend.

Ako naman eh parang naisip ko na kung ano yung ginagawa niya. Kaya kahit nagdi-
discuss pa ng Algebra yung teacher ko, hindi na ako nakinig at nagsulat ako ng
sagot ko sa isang malinis na notebook paper.

Dear Confused Girl,

You two are friends right? I think it's better if you tell him the truth. You don't
want your friend to have false hopes. If you don't tell him sooner, he'll be hurt
alot if he found out that he's just waiting for you for nothing. Tell him straight,
use friendly words.. and tell him that he's a really nice guy but you don't see him
anything more than that.

I'm pretty sure he'll understand.

Your friend,

Teka.. ano bang isa-sign ko na pangalan? Hindi ko alam eh. Ni-hindi ko nga pinag-
isipan.

Siguro ilang minuto na akong nag-iisip pero wala pa rin talaga. Finally naisip ko
na gumamit na lang ng tagalog word.

so I signed it..

Lola.

Bakit? Kasi grandmothers give the best advices. At least in my opinion. Kapag
nilagay ko kasing Mama.. o nanay.. alam mo na.. ang weird naman.

Nung 7th period na namin, Spanish class kaya yun. Mabuti na lang sa tagalog eh
medyo similar sa Spanish kaya naiintindihan ko yung ibang sinasabi nung teacher
namin. Nage-english naman siya kaya lang hindi masyadong magaling kaya nahihirapan
kaming intindihin lahat.

Sa Spanish class namin, katabi ko naman si Yex. May assigned seat kasi kami. Kung
tutuusin kung wala namang assigned seat, hindi naman siya tatabi sa akin. Sa ibang
klase kasi umuupo siya doon sa pinakamalayong upuan na yata sa upuan ko.

Hindi nga siya nakiknig. Kaya tinawag siya nung teacher eh hindi niya alam yung
isasagot niya.

"Yex!" sabi nung Spanish teacher, "Give me present form of the verbo bailar."

"Huh?" sabi niya na parang wala siyang clue.

Dahil naka-projector nun, tinuturo-turo naman nung Spanish teacher yung form.

"Nosotros." panay ang tap niya doon sa projector.

"Bailar?" nakatingin siya sa board, tapos narinig kong sinabi niya ng mahina, "What
the heck does bailar mean?"

Nagtatawanan na sa kanya dahil hindi niya masagot. Ako naman eh hininaan ko yung
sagot ko..

"Bailamos."

Tumingin siya sa akin saglit tapos sa teacher namin. Nakangiti na siya.

"Bailamos."

"Perfecto.. super hombre!" tapos nagpapalakpak pa yung teacher.

Nagulat nga ako nung lumapit sa kanya tapos binigyan siya ng papel na kung ano.
Nung nakatalikod yung teacher, binigay niya sa akin.

"Its yours."

Napatingin ako. Nakalagay doon eh Lion Dollar tapos may 1. May malaking logo ng
school sa gitna, pangalan ng school, saka pirma ng principal.

"What's this for?""That's the school dollar. Everytime you do good in class, hand
in some work.. any good deed, they'll give you a dollar. By the end of nine week
period, they'll have this pizza and movie thing. You have to have at least 30 lion
dollars to go. You don't have to pay for the movie and the food with real money.
You can use those."

Inabot ko naman sa kanya.

"But it's yours." ibinalik ko.

"No, you told me the answer. It's yours."

Ayaw talaga niyang tanggapin. Seryoso nga yata siya.

"Hey don't worry about it. You deserve it." tapos kumindat siya sa akin.

Yung teacher eh narinig pa namin na, "Do your workbooks and write your tarea for
tomorrow.."
"Do you know who gave me the nickname Yex?"

Napatingin ako sa kanya.

"Yeah sure. Who did?""That crazy woman." tinuro niya yung teacher namin, "The first
time I got here, she asked me my name. I told her LLEXTER. She didn't understand
me, so I wrote it. Then she said.. Mucho gusto or somethng Yexter.""How did that
happen?""They said in Spanish, if you have double L, on some word.. it is
pronounced as.. Y. Like when you said LLAVE.. we pronounce it as la-ve. But its
really YAVE. Weird huh?"

Kakausap namin, kami lang dalawa ang tawa ng tawa doon at hindi namin napansin na
kami lang ang ang-iingay. Tumingin yung Spanish teacher namin.

"Yex.. and se�orita Hernandez (ernandez pagkakabasa niya), be quiet or I'll write a
referral."

Napatingin ako sa kanya ng de-oras. Nag-uusap lang kami referral na?

"See what I mean on calling her crazy?" sabi nya tapos yumuko siya doon sa workbook
niya.

Nagsagot na lang din ako ng nagsagot doon sa workbook ko. Sgalit lang eh tinawag na
naman niya ako kaya hindi ko alam kung bakit na naman.

"Hey I just want to tell you something.." nakangiti siya, "Te-quierro.. muchisimo."
sabi niya tapos huminto siya, "That's how you say it?""I don't know. I don't even
know what that means.""I thought you understand Spanish.""A little bit." sabi ko na
lang, "What does that mean?""Ooh.. that?" tumingin siya sa workbook niya uli..

"It's nothing."
Create a free website with

***12***

Para po sa mga hindi familiar sa Spanish.. kapag naglagay kako dito lalagyan ko na
lang po ng vocab.

Ito po galing sa last chap:

Bailar = to dance
Nosotros = we
Bailamos = verb form of bailar in nosotros, means.. we dance
Tarea = homework
Te quiero muchisimo = could be.. I like you/I want you/ I love you ... very much.
Perfecto = Perfect
Super hombre = super man
Verbo = verb
LLAVE = key
se�orita = miss

Thanks alot.

************************
Hindi naman sinabi sa akin ni Yex yung ibig sabihin nun. I wonder kung meron ngang
ibig sabihin. Meron man, hindi naman siguro ganun kahalaga.

The next two days sa school eh nakatanggap na ako ng ilang letters na naman na
sinagot ko. Kinailangan ko pang itago yung letter na sinulat ko doon sa Confused
girl para maihulog ko doon sa locker niya. Di rin nagtagal, sumagot siya sa mailbox
namin. Kahit hindi ko siya kilala, nag thank you siya at ang cute daw ng pangalan
ko. Lola.

Karamihan ng letters na natatanggap ko eh panay galing sa mga babae. Meron pa ngang


isa na may problema daw siya sa Bullies. Yung mga classmate daw niya sa klase eh
laging kinukuha yung allowance niya. Hindi naman daw siya makapagsumbong dahil baka
daw malaman nung babae, lalo pa daw siyang mapahamak. So sinabi ko na hindi siya
dapat matakot, dahil kung ginagawan niya ng action yung bagay-bagay sa paligid
niya, nasosolusyunan. Sinabi ko rin na kapag ginawa uli yun ng babae, eh ireport
niya uli para maparushan yung babae na yun. Or worse ma-expel.

Inaamin kong excited din ako makabasa ng sulat na galing sa mga lalaki. Syempre
curious din ako kung ano bang mga problema ang iniisip nila. Ang unang letter na
galing sa lalaki na nabasa ko eh ganito:

Lola, (alam na nila pangalan ko dahil sa mailbox ng Advice Column)

My group of friends smoke, drink, but thank goodness, never drugs. I am the only
one in the group who never tried smoking nor drinking. They think I'm a goofy one
and that I should try it to be cool.

Do you think I should go for it just for a try?

GB.

Ako naman eh ready na naman ang sagot ko, hindi ko alam kung saan ba galing advices
ko dahil karamihan naman ng sinusulat sa akin eh hindi ko pa na-experience. Pero
anyways, ito yung sinagot ko.

Dear GB,

You're trying to survive peer pressure. If your friends do smoke and drink, it
doesn't mean you have to do it too. They think you're goofy? They're abusing their
body... that's what I think's goofy!

To be honest with you, whether you will believe me or not, I've never tasted any
alcoholic beverage nor try smoking. You should learn how to say no, and that you
are not missing anything if you haven't tried those. Resistance! That's what you
need. And that's what makes you.. COOL.

'Hope that helps,


Lola.

Minsan nga naiisip ko na kapag nagbibigay ako ng advies, nakakagaan ng pakiramdam.


Hindi mo naman kasi inaasahan na makakatulong ka sa iba kahit hindi nila alam.

Nung 5th period namin at nagsuot na ako ng shorts at nung blue na shirt para sa PE
namin, hinihila-hila ko yung sleeves ko dahil sobrang haba. Ako lang naglalakad
mag-isa nun dahil yung ibang babae eh nauna na.

May one lap kami na warm-up para daw hindi daw nabibigla muscles namin. Sa one lap
na yun, kasabay namin weightlifters pero hiwalay na sila kapag natapos. Nag-jogging
lang ako dahil ayoko namang tumakbo ng mabilis. Yung ibang weightlifters kasama si
Yex eh tapos na at dumiretso na sila doon sa loob. Si Seth naman eh late lumabas ng
locker room kaya isa siya sa mga nahuli. Naunahan pa nga niya ako. Kaya lang nung
napansin niya ako, tumakbo siya pabalik ng track at sumabay siya sa akin.

Patalikod na siya mag-jog.

"How're ya' doin' Aly?" sabi niya sa akin na parang hindi pa siya pagod, "You look
really cute on your shirt."

Tinignan ko yung shirt ko ng de-oras. Nang-aasar yata ito eh! Nakita niyang ang
laki-laki at hinihila ko na nga lang yung sleeves tapos sasabihin niyang ang cute
ko?

"Oh yeah.. I look cute. Seems like I'm wearing a gown." sabi ko na lang.

"Well, I just wanted to tell ya', it doesn't look bad. I mean.." umiling siya,
"Seriously.""Well.. thank you." siyempre nagpasamalat naman ako dahil compliment
naman yung sinabi niya.

Si Sam eh kalalabas pa lang ng locker room at hindi pa siya nagsisimulang tumakbo.


Mabagal nga lang talaga siyang kumilos, ewan ko ba.

Ako naman eh hindi ko na maiwasan sa sarili ko, nagtanong na ako tungkol sa kanya.

"Sam's your girlfriend right?"

Tumingin lang si Seth sa akin.

"Sam used to be my girlfriend. I broke up with her the day before yesterday."

Nagulat naman ako nun. Siguro naman personal na kung bakit kaya hindi ko na lang
tinanong.

Pero iniisip ko pa yun, nagkwento siya.

"She loves doing things her way." sabi niya, "Like.. how we should dress, how we
should be together.. how things work..""Bossy huh?" biniro ko lang naman pero
sineryoso niya.

"Yeah. Like an avalanche.""I was just wondering, are you.. Yex.. Jim and Ed like..
the most popular guys in school?"

Natawa siya sa tanong ko.

"I don't know. Probably not. You think so?"

Madalas naman silang pinag-uusapan at wala pa yatang tao sa school na nakausap ko


na hindi sila kilala kaya sinabi ko..

"Yeah. Girls love to talk about the four of you."

Ngumiti lang siya.

"Well, it's alright if its girls. It'll be creepy if its guys." ako naman ngayon
yung tumawa, "Jim and Ed... they're girl magnets. If they are not hanging out with
us, they're somewhere making out with somebody."

Huminto kami saglit dahil nandun na kami sa gate sa dulo ng track at maghihiwalay
na kami.

"I am kinda' off the hook sometimes, but not always." aba ang honest ah! "And Yex,
well Yex doesn't have the thrill at all. He's been loyal
eversince.""Loyal?!?""Yeah. He's the so-called, one-girlfriend-is-enough-type of
guy.""Why? Aren't you?""Yeah. In high school. But I've cheated before. When I was
in middle school. I had two girlfriends at a time." tapos lumapit siya sa akin,
"Hey I trust you! That's my secret. Two girls from two different schools. But not
anymore.""You're mean!" hinampas ko pero pabiro.

Ang sama naman nun no! Kawawa naman yung mga babae!

"I know. That's why I'm not anymore. I'm trying to be more like Yex. At first I
thought it was boring. But it's not. I just got tired. To think that's it's Sam I
have to keep up with." tumingin siya sa akin, "How about you? Don't take it wrong,
have you had a boyfriend before?""OH YEAH! Like finding water in the
desert.""Means... never?""If you wanna' put it that way.""Why not?""It's just
that.. I don't know.. not my thing?" ewan ko rin kung bakit.

May nanliligaw naman sa akin, ako lang nagda-down.

"Wow.. you really are different. Girls here love to be with somebody.. and you're
not in search?""Hey.. if its coming.. then it will.""True." sabi niya.

Lumabas naman si Jim nun at isiningit niya yung ulo niya. Tinawag niya si Seth na
tinatawag na daw nung coach doon sa loob ng weightlifting room. Ako naman eh
dumiretso na ako doon sa gym. Hindi ko alam ang gagawin namin.

Papasok na sana ako ng gym kaya lang tumakbo si Sam sa akin nung wala na si Seth.

"You're such a flirt." sabi niya.

Tumingin lang ako sa kanya pero wala na lang akong sinabi. It's a free country.
Lahat pwedeng mag-share ng views.

"I said.. you're such a flirt!" sinigaw niya dahil dinaanan ko lang siya.

Hindi ko pa rin pinansin. Nainis yata kaya hinawakan niya ako sa braso ko tapos
sinabi niya, "Are you deaf or what? You are the biggest slut I've ever met! You're
new here and you're trying to hit on those guys? Yeah... your luck if they did hit
on you."

Sa totoo lang, masakit naman yung sinabi niya. Pero ayoko namang mag-sink sa level
niya.

"Th--.." natigilan ako, "Thank you, Sam.""Thank you? That's all you have to say?"
sabi niya na parang nagulat siya, "Jim and Ed has good standards on girls. Seth and
I had misunderstanding so if you're thinking to hit on him because you think we're
over, then you better stop. And Yex.. Yex is being nice because you're new. Don't
feel so special because you're nothing.""Whatever, Sam."

Narinig ko na lang may sumagot doon sa likod kaya tumingin ako.

Wow... si Yex!

Teka bakit natutuwa ako?

"Don't feel special yourself Sam. Seth and I had a talk last night. He has no plans
on getting back to you.. again." tapos tinuro niya ako, "Well unlike Aly, she has
the right to feel special. She's not hitting on us in any way.." sabi ni Yex..

Napatingin na lang ako. Hindi na lang ako sasali. Bahala na sila.

"She's not hitting on us.." umakbay siya sa akin, "We're the ones hitting on her."

Napanganga ako. Huh?

"I swear Yex.. I'm gonna' tell Heather! I'm gonna' tell her!""Tell her I don't
care! Go ahead!"

Sa sobrang galit ni Sam, umalis na rin siya.

Bakit naman pinatulan niya yun?

"Thank God you didn't answer back to her..""I won't. I don't know what to say.."
binagalan ko lang yung pagkakasabi.

"I'm sorry on what I've said." iniwas niya yung tngin niya, "The 'were-hitting-on-
you' part. That's not true. I just told her that so she would shut up. I'm just
being friends with you 'coz we're both Filipinoes. That's all. Maybe Seth's hitting
on you.. he never told me. But I think he is.."

Ayoko yatang sumagot doon. Pakiramdam ko nagbu-burn yung mukha ko. Kailangan pa
bang sabihin yun?

"Thanks for that. 'Appreciate it.""No prob. I think somebody needs to rub something
on Sam's face that's all."

Papasok na yata siya uli doon sa kabilang room ng weighlifting. May dala-dala
siyang kung anong weight yun kaya pala napadaan siya sa amin. Tapos nung tinitignan
ko sya, nakapasok na siya sa loob.

"Yex!"

Sarado na yung pinto nun pero binuksan niya.

"You called me?" sabi niya at nakakunut-noo pa siya.

"Yeah I did." sabi ko naman. "Who's Heather? I mean, it sounds like you'll gonna'
be in trouble if Sam threatened you with that.. name.""Heather? Nah, I won't be in
trouble with her. And so as you. Don't worry about that. She's nice. She'll
understand when I told her the truth."

Ngumiti sya sa akin.

"Heather's my girl."

Nung sinabi niya yun nakangiti talaga siya. Totoong ngiti.

She has to be something... and she has to be somebody...

My girl?!?
Create a free website with

***13***
Nung una, parang nag-iba yung pakiramdam ko. Tapos nung tumingin ako kay Yex,
ngumiti ako sa kanya. I'm so happy for him. Akalain mo yun? Ang swerte ng
girlfriend niya, at ang swerte rin naman niya siguro doon sa girl. Siya na nga ang
nagsabi, 'She's nice'

Sa gym, nag-volleyball kami. The same team kami ni Sam. Pero ayun, feel na feel
niya na siya ang bida. Pero dahil kakampi ko naman siya, hinayaan ko na ganun. Ewan
ko ba, parang bata itong babaeng ito. Hindi mo maintindihan.

By Friday, sobrang taas na ng school spirit nga mga tao. Ang daming may beads na
blue and black, may posters sila, may mga noise makers... grabe pala talaga dito
kapag may pep rally.

Activity bell schedule ang ginamit namin. Which means, mas maiikli yung mga
classes. Kung usually yung first period eh hanggang 9:02, ngayon eh 8:55 na lang.
Ginawa nila yun para magkaroon ng 50 minute activity time para nga sa pep rally.

Busy sa school, I can tell you that. Si Yex nakakainis kasi kuha ng kuha ng
pictures. Yung pictures pa eh yung wala namang kinalaman sa ilalagay namin sa
school paper. Kinukuhanan niya eh yung mga nakakahiyang moments. Kanina nga
kinuhanan niya ako nung natutulog ako sa World History class ko. Hindi kasi ako
nakikinig dahil yung substitute lang naman yung nandun.

Nung natapos na yung classes namin for the day at dinismiss na isa-isa ng iintercom
bawat grades, nagpunta na kaming mga staffer sa auditorium. Si Yex ang kailangang
nakatayo saka yung isa pang lalaki na kasamahan niya na photographer din. Kami
namang mga gumagawa ng article, nakaupo lang at manonood sa program. Kasama ko yung
mga 10th graders pati na rin si Jianna.

Yung cheerleaders ng school eh nasa stage. Nag-cheer sila ng panay palakpak lang
naman tapos pumasok yung Seniors. Ganun pala dito, kapag pep rally, iba ang
entrance ng Seniors.

After ng Senior umupo, nag-ingay na sila. I mean, nagsigawan kaya nabingi ako.
Kahit nga si Jianna eh tili rin ng tili.

Kinalabit ko naman siya.

"What's with all the noise?" eh wala pa namang palabas.

"Oh, it means the football players are coming.." then lumakas na naman yung
sigawan.

Napatingin ako sa likuran. Nandun na yung mga football players at naka jersey na
sila. Wala nga lang yung pads nila. Tapos nag-iikot ikot sila doon na para bang
kinukuha ang attention ng students.

Kasama sa pumasok yung tatlong barkada ni Yex. Si Yex ayun nandun na sa bandang
harapan sa may gilid at hawak na niya yung camera niya.

"Here they are!" sabi nung speaker sa harapan, "Arnold, Jimmy, Aaron, Seth, Ray,
Edrian.." then ang dami pang pangalan na binanggit.

Tapos nag long pause siya. Nanahimik din yung audience tapos sabi niyang..

"and CAAAAPPPTTTTAAAAIIIINNNN!!!!"

Pagkasabing-pagkasabi ng captain, talagang nabingi na ako. Pumasok yung isang


lalaki na hindi ko rin naman kilala. Huminto pa nga siya sa side namin tapos
ngumiti lang din. Hindi katulad ng iba, naglakad lang talaga siya. Siya yung
captain? Geez. Maniniwala na ako sa movies na ang mga football quarterback eh mga
gwapo at crush ng bayan. Halata naman eh.

Umakyat siya doon sa stage.

"Who's that?" tinuro ko yung Captain.

"That's Zachary. Zac for short. He's a senior."

Senior na siya? Sayang pa-graduate na this year. Ang gwapo pa naman.

"He's cute." sabi ko na lang.

"I know!" sabi ni Jianna na parang excited din, "Girls here drool over at the sight
of him. Aside from those 4." tinuro niya sina Seth, "He's also running for class
valedictorian. Can you believe that?"

Aba, matalino rin pala.

Nag-cheer lang ng nag-cheer yung mga cheerers doon na sabi ko nga sa inyo, panay
palakpak at talon-talon lang. Pagkatapos nun, nagkaroon pa sila ng game na kukuha
ng isang babae at isang lalaki bawat grade.

Football players kasi yung guys na kasali. So si Seth ang representative ng 10th
graders. Tumalon siya from stage papunta sa amin tapos hinila ako. Sabi ko ayoko
pero ayun, pinilit ako.

Akala ko kung anong game yun. Kinabahan pa nga ako. Yun pala ang gagawin nila eh
bibigyan ka ng isang bag ng mashmallows. Malalaki yung nandun at ilalagay mo isa-
isa yung marshmallow at sasabihin mo 'Go Lions'. Hindi mo pwedeng nguyain. Tapos
kukuha ka uli hanggang sa tipong hindi na kaya ng bibig mo sa sobrang laki ng
marshmallow.

Si Seth nun naka-5 na marshmallows yata at ako naman eh apat! Aba ang lalaki nun.
Ang hirap ilagay yun sa bibig mo ah! Si Yex tawa ng tawa. Lumapit pa sa amin at
kinuhanan kami ng picture na tipong ang lalaki ng pisngi namin. Nakakainis talaga
yung lalaking yun!

After that, bawat grade eh gagawin na daw yung battlesomething. Dahil nga hindi ko
alam, nakisama na lang din ako sa kanila. Si Ed at Jim ang nakatabi ko nun at
umakbay lang sila parehas sa akin dahil gagawa pala kayo ng malaking bilog at
akbay-akbay kayo.

Sumond na lang dun nag-cheer na naman na ang mga cheerers.

'Sophomores, Sophomores, don't be shy


...............................' may kasunod pa yun pero hindi ko naintindihan.

Tapos silang lahat eh sumigaw. Ako lang yata ang hindi dahil hindi ko alam.

V-I-C-T-O-R-Y, ------------- yeeeeeeeeeaaaaaaaaa!!! ito rin di ko rin naintindihan


yung sinasabi nila. Kasi naman mga tao dito slang eh!

Hay naku, laking pasasalamat ko talaga nung natapos yung pep rally. Feeling ko
kahit masaya yun mao-op ako. Ni-hindi ko alam yung mga bagay-bagay. Sana ngam ay
magturo sa akin 'di ba?

Lumapit sa akin si Yex. Pinakita niya sa akin yung memory ng camera niya at nkita
ko yung picture na iba. Nakakahiya ang mga pictures ko. Sabi ko burahin niya dahil
embarassing moments, pero sabi niya cute naman daw.

"You weren't shouting at all inside."

Sinimangutan ko siya.

"Coz I don't know what to shout." tinignan ko siya, "That battle


thing.""Battlecry." sabi niya ng nakangiti, "That's for boosting the
confidence.""What're the words you were all shouting?" natawa siya sa akin, "So
next time there's a pep rally, I know what it is.""It's easy. When the cheerleaders
said, 'Sophomores, Sophomores. don't be shy, shout out loud your battlecry..' you
just have to shout, 'V-I-C-T-O-R-Y, VICTORY IS OUR BATTLECRY.' Then make some
noise. It's usually 'Yea.'"

Yun pala yun, ang hirap intindihin kanina.

Nung naglalakad kami, magkasabay na kaming pumunta doon sa room ni Ms. Wendy. May
guidelines and kung anong sasabihin pa yun bago kami pumunta sa football game
mamaya. Sabi ni Ms. Wendy, dapat daw mag-ready daw kami.

Nung sinasabi niya yun, may kung anong touchdown siyang sinasabi, yard line.. mga
ganun tungkol sa football. Nakanganga tuloy ako. Saka ko lang na-realize..

"I don't know anything about football." tapos nasa Sports ako?

Weird.

Nagalit pa nga siya sa akin nung sinabi ko yun.

'Hernandez, you're telling me this right now when there's a game this afternoon?'

Napaatras ako nun.

"I'll do it for her. I know football."

"But you're the photographer Mr. Hendrix. Not the sports writer."

"Then.. Jianna can do it." lumingon si Jianna sa direction namin, "She's straight
news. Everybody knows thats easy. Sports is well.. complicted. She's new here. She
doesn't know american football!"

Si Jianna naman eh ngumiti sa akin. Alam ko na isasagot niya.

"I'll exchange with her Ms. Wendy." sabi na lang ni Jianna.

Pagkatapos sinabi ni Jianna yun, humarap sa akin si Ms. Wendy.

"Don't do this again Ms. Hernandez!!!" sinigawan niya ako tapos umalis na siya.

Inalalayan ako ni Jianna. Sabi niya sa akin, 'Don't mind her. She's just, like
that.'

Si Yex naman eh humabol doon kay Ms. Wendy.

"Ms. Wendy.." humawak siya sa braso nung teacher, "Do we have a columnist for the
advice column? Are we still having it?"

For some reason, kinabahan ako. Alam ko naman sa hindi sasabihin ni Ms. Wendy na
ako yun, ewan ko ba, basta kinabahan ako.

"Yes, and yes Mr. Hendrix."

"We have a new columnist?" sabi niya na parang gulat pa, "Who?"

"You know it's confidential Mr. Hendrix. She's anonymous."

"She. Lola's a she. It's you Ms. Wendy! You know you can't find a new one!" biniro-
biro pa niya.

"For your information, it's not me. It's a student."

Tumingin sa direksiyon naming mga nandoon si Yex.

Sabay-sabay silang umiling. Ako naman eh nakigaya na lang din.

"Mr. Hendrix, she's not here in this room. And you better stop worrying about the
advice column. As far as I know, you don't care about it last year. You are one of
those who don't like having it."

"Yeah I don't like it. I do, but not as much as other people do. Last year, it's a
big bummer."

Umalis na talaga ng tuluyan si Ms. Wendy. tapos nagusap-usap naman sila doon. Si
Jianna nga sinabi pa sa akin.

"I wonder who she is." sabi niya tapos nagtataka pa, "Last year, the columnist
didn't give good advices. Actually, you can only count the letters she answered.
But this year.." nagsign siya sa akin na lumapit ako, "I heard the freshmen talking
about that Lola girl. They said that some of them who wrote to her followed her
advices. And it worked."

Parang gusto kong tumalon sa tuwa nun. Pero siyempre, gusto kong maging neutral
yung expression ng mukha ko.

"No kidding?""I'm serious. That's why I'm curious too." sumandal siya, "She's good.
I bet she already had too many experiences on almost everything. Sometimes I think
I should write to her." tapos nag-lean siya sa akin, "Ssshhh. Don't tell anyone
about that.""Of course not." tapos hinawakan ko siya sa balikat niya, "Write to
her. She might be able to help you."

Tumango lang siya sa akin.

Lumapit naman si Yex sa akin at may hawak siyang papel. Parang ginupit kung saan.
Pinakita niya sa akin.

"This is this week's column. This Lola girl.." tinignan niya yung papel, "She gives
pretty darn good advice. I'll give her the credit for that."

Gusto kong itago yung mukha ko. Hindi ko alam baka mamaya namumula na pala ako,
natatawa.. hindi ko alam.

"Why're you so interested on her YEX?" inasar naman siya ni Jianna.

"Coz I knew somebody who wrote to her. A close friend of mine."

Close friend niya? Sino doon sa tatlo?


Si Jianna eh tinignan siya ng nakakaloko.

"Don't you give me that look Jianna. I can assure you as hell it's not me. It's a
friend of mine. Honestly. He followed her." tumingin si Yex sa akin, "Do you have
any idea who is she?""No." sagot ko na lang.

Tumingin sa ceiling si Yex.

"Oh well, I guess I'll just leave her alone and that creepy advice column." ewan ko
kung biro ba yun pero tumawa siya, "Aly, you can do straight news right?""Yeah. But
I'm nervous.""Don't be. You'll do fine!" tinapik niya ako.

"You think so?""I know so." ngumiti siya.

Sabay-sabay na kaming tatlong lumabas. Nauna na kasi yung kasama namin na iba dahil
malapit na rin yatang magsimula yung game. Si yex eh panay ang ayos niya doon sa
camera at kwento ng kwento tungkol sa football nila last year. Sinabi niya na kaya
daw siya nag-quit eh gusto naman niya mag-try ng ibang bagay. Naisip ko na baka
photography yung tinutukoy niya, pero staffer na siya last year pa kahit player
siya. Baka ibang bagay na yung tinutukoy niya.

Papasok na kami doon sa pintuan doon sa hallway ng bigla na lang may tumakbo sa
likuran ni Yex at yumakap sa kanya.

"YEX!" sabi nung babae tapos sinandal niya yung ulo niya sa likod ni Yex.

Nakatingin lang kami ni Jianna.

"Whoa.. when did you get here?""Just now." sabi niya tapos humarap na si Yex sa
kanya.

Si Jianna naman eh tumawa tapos sinabi niya, 'PDA!'"It's not PDA."

Ako naman eh mukha na namang ewan dahil hindi ko naman killa ito.

"Oh, I forgot. You know Jianna already. This is Aly, she's Filipino. A new friend
of mine.""Nice to meet you!" ngumiti sya tapos niyakap niya lang ako ng mabilis,
"So you're the famous Aly according to Sam."

Parang nagkaidea na ako doon sa sinabi niya.

"I'm Heather."

Wow. She's really pretty. Mas matangkad pa nga siya sa akin.

"Oh.." sabi ko nung na-realize ko na siya yung girlfriend ni Yex at baka may
naikuwento na masama si Sam, "Whatever Sam told you, it's not true. We we're
just...""Hey hey.." sabi niya inawat niya ako, "Chill. Yex already told me. Sam's
just like that. I wouldn't believe a word she'll tell me anyways. Don't worry."

That felt good.

Pero parang kinakabahan pa rin ako?

Inakbayan naman siya ni Yex. Nung una, usap sila ng usap. Nauuna nga sila maglakad
sa amin ni Jianna. Kami kasi ni Jianna eh nasa likod. Sana nga sila na lang yung
nasa likod para hindi namin sila nakikita.

"She's from a different school. She used to go to school here but her Dad
transferred her." sabi ni Jianna sa akin.

"Really." tumango ako, "They look good together.""YEAH! Like they were genetically
combined." tapos natawa siya.

Nung malapit na kami doon sa gate ng field kung saan gganapin yung game, ang ingay-
ingay na doon at marami nang tao sa stands. Lumapit sa amin yung dalawa at huminto
sa harapan namin ni Jianna.

"Alright, I need to be over there so I can take good pictures. You all stick
together ok?"

Yumakap siya kay Heather ng saglit tapos umalis na. Si Heather eh walang reaksiyon.
Ngumiti lang siya nung nakatingin na siya sa amin.

"So where are we gonna' sit?"

Tinuro ni Jianna yung upuan sa bandang taas. Nauna siyang maglakad sa amin tapos
nung sumunod ako, humawak sa kamay ko si Heather.

"Aly, are you free this Saturday?" tinanong naman niya ako.

"I. I think so." hindi naman active social life ko, "Why do you ask?""Well, Yex and
I were talking a while ago. I had this friend from my school. He's a good friend.
Do you think you could hang-out with us this Saturday?""Like a date?""If you wanted
to call it a date, it's a date. But if you just want to call it a get together,
then its a get together. His name is Kyle. So are you gonna' go?""Uhmm... I really
don't know.""Please!" tapos pinagdikit niya yung dalawang kamay niya na parang
nagmamakaawa at nagpaawa talaga siya ng mukha.

"Ok I'll go.""Thank you! Thank you!" yumakap na naman siya sa akin, "Yex is right.
You're the best!"

Habang umaakyat na kami nun sa taas na upuan, napaisip naman ako. Hindi pa ako
ganun katagal dito may kung anong date or get together na akong pupuntahan. Umoo na
kaagad ako eh hindi ko naman alam kung papayagan ako ni Mama at ni Papa.

Bahala na nga.

Si Yex nga sinabi pa sa akin na kita na lang daw sa Saturday. Alam na kasi niya na
sasama ako.

Kaya lang by half time, naisip ko rin. Friday ngayon ah...

Bukas pala yun?!? Pwede pa kayang umatras?


Create a free website with

***14***

Pagkauwing-pagkauwi ko nung hapon na iyon sa bahay, yung sinasabi pa ring date ang
iniisip ko. Teka date? Sabi niya pwede naman daw tawaging get together. Mas maganda
pa pakinggan. Isa pa, hindi ko naman kilala yung Kyle.

Nakipag-date na nga ba ako before? Kasi kung oo, parang hindi ko yata maalala. At
kung magiging first time ko man ngayon, bakit naman doon sa hindi ko pa kilala 'di
ba? Sana naman okay yung Kyle na yun.
Nung kumakain kami ng gabi eh spaghetti na naman ang niluto ng mom ko. 3 nights in
a row na yan. Favorite kasi ni Gabby eh. Nilalaro-laro ko pa yung spaghetti doon sa
tinidor ko.

"Alyanna! Bakit ba nilalaro mo yang pagkain?!?" sabi ni Mama nung napansin niya
ako.

"Ma naman.. spaghetti na lang lagi! Tatlong gabi na tayong spaghetti nakakasawa na.
Baka naman kapag umihi na ako niyan spaghetti rin iihi ko."

"Yuck!" sabi naman ni Ynah sa akin, "You're so kadiri!"

"Arte mo!" sinigawan ko nga.

"Tama na yan.. tama na yan.." sabi ni Papa na lagi namang taga-awat, "Nasa harapan
kayo ng pagkain nag-aaway kayo."

Huminto naman ako para kay Papa. Kasi naman si Ynah lagi na lang pinapainit yung
ulo ko.

"Aly, ano bang problema at parang araw-araw ka na lang yata galit sa mundo? Nung
isang araw pagkauwi mo nakasimangot ka. Nung sumunod na araw dumiretso ka lang sa
kwarto mo. Ngayon naman parang pasan mo na ang problema ng lahat.. ano ba talaga?"

Tumawa naman si Ynah.

"Paano nagseselos siya kasi dumating yung girlfriend ni Kuya Yex sa football game
kanina..." paano niya nalaman yun? "Tinuro sa akin ni Kuya Yex kanina si Ate
Heather nung nakita niya ako sa bleachers."

"Ynah gusto mong magkapasa sa buong katawan mo?" nakakabwisit talaga!!! "Sino naman
maysabi sa iyo na nagseselos ako?"

Hindi naman talaga ako nagseselos. Kaibigan lang naman si Yex. Hello? Ni-hindi ko
nga siya crush. Tingin ko gwapo siya pero yun lang yun.

"Oo nga Ynah, bakit naman magseselos si Ate eh nandiyan naman si Kuya Seth?"

"Kuya ka diyan! Sipain kita diyan Gabby!" tapos binagsak ko yung tinidor ko,
"PAAAA!! Patigilin niyo nga sila!""Kayo nga tigilan niyo ate niyo!" tmingin si Papa
sa akin, "Ano bang gusto mo ha?"

Huminga ako ng malalim. Mukhang sa kaso ko ngayon papayag si Papa kung sabihin ko
na may date.. este get together pala kami nila Yex, Heather at nung Kyle.
Samantalahin ko na siguro.

"May get together something kasi kami nila Heather.." sabi ko na lang.

"Heather? Sinong Heather?"

"Yun nga po Pa.. yung syota ni Kuya Yex." ngumuya si Ynah.

"Ynah pwede ba manahimik ka hindi ka naman kinakausap?" ngumiti ako kay Papa,"Yun
nga po Pa, yung syota ni Yex." nyek parang inulit ko rin sinabi ni Ynah ah!

"May lalaki kayong kasama?"

Tumango lang ako.


"Si Kyle.." napakunut-noo si Papa, "Nandun din naman po si Yex eh! Hindi ba tiwala
ka naman doon dahil kilala natin sila? Hindi ba Pa?""Naku Aly ha! Alam mong iba
yung mga kabataan dito! Maraming kalokohan!"

Tumayo ako kaagad doon sa upuan ko at tumakbo ako doon sa direksiyon ni Papa.
Yumakap naman ako ng mahigpit dahil inilagay ko yung kamay ko sa leeg niya at
kiniss ko siya sa pisngi.

"Thanks Pa!" kiniss ko uli, "Thanks talaga!" kiss na naman, "Promise walang
kalokohan!""Pa naman bakit mo pinayagan?"

Humihirit pa si Mama nun pero wala na siyang magagawa. Pumayag na si Papa eh.

Nung gabi na iyon eh hindi na ako kinakabahan. Ano namang masama sa isang date di
ba? Sus para yun lang!

Masaya pa nga ako nun. Bandang 8 siguro ng gabi eh tinawag ako ni Mama dahil may
tawag daw para sa akin. Nagtaka pa nga ako kung sino dahil wala naman akong
pinagbibigyan ng number namin. Naka-pajama na ako nung bumaba. Wala kasing
extension ng phone sa kwarto ko.

"Hello?" sabi ko na nagtataka naman ako kung sino.

"Hello Aly?"

Nabosesan ko na kung sino. Si Heather ito.

"Heather.. hey.." yun lang sinabi ko tapos naupo ako sa upuan sa gilid, "Where did
you get my number?""I got it from Yex. I told him I'm gonna' call you.." si Yex?
May number namin si Yex? "So for tomorrow.." sabi niya tapos huminto siya at
narinig kong huminga siya ng malalim, "It'll be at 3. You don't drive yet
right?""No.""Ok. I told Yex to pick you up since he's closer to you than us. Kyle
will pick me up. He lives 3 blocks away from my house. Then we'll gonna' meet each
other at the movie theater." tumawa siya, "Don't worry. I already told Yex. He's
supposed to pick me up but then I said that Kyle and I can ride on the same car
since he's closer. My house is about an hour and 15 minutes from Yex's place. Or
more. So it'll be better if he won't go this way. It will be a total waste of
time."

Matapos niyang mag-bye sa akin para i-explain, na-summarized ko na gusto niya lang
sabihin na susunduin ako ni yex at kapag nagkita na doon sa sinehan eh magpapalitan
na lang ng sasakyan. Mas malapit yung bahay ng Kyle sa kanya, mas malapit-lapit
naman si Yex sa akin. Yeah, mas practical nga.

Maaga naman akong natulog at maaga rin akong nagising. Paano ba naman pagod lang
ako sa school. Ikaw ba naman maghapong kumilos ang katawan mo at utak mo hindi pa
mapagod?

Dahil nga maaga akong nagising, wala pang gumagamit ng computer nung Saturday
Morning. Nakipag-unahan na ako at kahit hindi pa ako nagbibihis eh binuksan ko
kaagad yung YM ko.

Hindi naman nagtagal, nag-IM sa akin yung pinsan ko na si Sharlyn.

sharlyn001_012: oi bruha ka!BUZZ!!!

Orange na naman font niya. Favorite niya kasi yung color na yun.

alyanna_hernandez: loka ka ginulat mo ko...


Nakita ko naman yung nakalagay doon sa baba... sharlyn001_012 is typing a
message...

sharlyn001_012: ano ztah na kayo diyan?alyanna_hernandez: okie lang. sanay na din.


sharlyn001_012: ang boring naman ng font mo walang style..alyanna_hernandez: pwd na
yan basta nababasa
sharlyn001_012: ano dami ba wafu diyan?
sharlyn001_012: share ka naman ng blessings.. heheheBUZZ!!!

Nagulat na naman ako doon sa BUZZ niya.

alyanna_hernandez: tigilan mo nga kakabuzz nagugulat ako. nakatodo pa man din


speaker. 2log pa sina mother no!
sharlyn001_012: tagal mo kxe mag-reply eh.

Nagtype naman ako ng sagot ko doon sa tanong niya. Yung totoo lang. Pinsan ko naman
yan, sanay na sa akin yan.

alyanna_hernandez: grabe dami wafu dito!


alyanna_hernandez: nung dumating kami dito na-meet namin si seth.
alyanna_hernandez: i mean ako pala sa hotel.
alyanna_hernandez: siya tumulong sa amin. Hinatid niya kami dito.
sharlyn001_012: ganun? landi mo. hehe.

Ganyan lang magsalita yang si Sharlyn pero hindi naman nakakapikon. Kung tutuusin,
the best na pinsan yan. Maharot kapag kasama mo.

alyanna_hernandez: may barkada siya tatlo. si Ed si Jim saka si Yex. yung yex half
filipino.
sharlyn001_012: oh?alyanna_hernandez: oo. pero d2 na xa pinanganak at lumaki. nanay
niya filipina, yung totoo niyang tatay amerikano. ayun. di na xa marunong
magtagalog.
sharlyn001_012: gwapo ba?alyanna_hernandez: oo naman sobra. kaya lang sorry ka may
gf na.
sharlyn001_012: oo nga sayang.alyanna_hernandez: speaking of yex, aalis kami
mamaya. Kasama namin gf niya saka yung friend ng gf niya.
sharlyn001_012: ano yun double date?alyanna_hernandez: hindi.
alyanna_hernandez: get together daw.
alyanna_hernandez: pumayag na nga si papa eh.
sharlyn001_012: aba ibang level ka na!
sharlyn001_012: e di madugong page-english na naman yan?alyanna_hernandez: kaya nga
eh. baka dumugo na lang ilong ko ng de-oras.

Nag-usap lang kami ng bali-balita. Sabi niya may prospect daw siyang bago sa school
nila. Usapan kasi namin na kapag nag boyfriend na kami, sabihan kaming dalawa. So
far, wala pa naman kaming plano. May nanliligaw, pero well, kami lang yung wala pa
sa ganyang bagay.

Siya ang unang nag-paalam sa akin dahil gabi na daw doon at inaantok na siya.
Nagising naman na si Ynah at sinabihan ako na ang aga-aga daw eh nagco-computer na
ako. Hindi ko na lang pinansin.

Halatang ang tagal kong nag-computer kasi silang lahat eh galit na. Sabi nila na
kalahating araw na akong gumagamit at hindi lang daw ako ang tao sa bahay. In the
end, nag sign out na ako sa YM. Wala naman kasi akong friendster or myspace... o
kahit ano pa yan. Chat lang naman naeenjoy ko minsan.

Nung malapit na mag-three nun, nakahanda na ako. Nag-jeans na lang ako. Hindi naman
nila sinabi kung formal ba o ano. Isa pa, ayok mag-dress ha! Hindi naman pupunta ng
simabahan.

Lagpas 3 na. Kinakabahan na ako nun. Paano kung nakalimutan ni Yex? Eh di hindi na
ako kasama? Ganun ba yun?

Laking pasasalamat ko na lang nung may kumatok doon sa pintuan namin at binuksan ni
Gabby.

"Hi Kuya Yex."

Pumasok naman si Yex. Para na-occupy nga niya yung buong pinto sa sobrang tangkad
niya. Ginulo niya yung buhok ni Gabby.

"Hey there!"

Nakita na niya ako na nakaupo. Sina Mama at Papa eh lumabas doon sa kwarto nila
dahil narinig nila na may tao. Si Mama eh nag-ayos pa ng buhok. Halata nga eh dahil
yung suklay nandun pa sa likod ng ulo niya.

"Yex.. come in come in.."

Ngumiti lang si Yex.

"Ma-ga-dang hapon po."

Sabay-sabay kaming tumawa.

"Did I say that right?" tumingin siya sa akin.

"You're doing fine. It's MA-GAN-DANG hapon. But still, it's good.""Do you want
something to drink?""Oh no sir.. no sir. I'm perfectly fine. We're not staying for
long 'coz we'll gonna' meet my girlfriend and her friend at C*******n. But thank
you, 'appreciate it." humarap siya uli sa akin, "Ready?""Yeah sure!"

Nung papalabas na kami ng bahay eh humirit pa si Ynah.

"Ate huwag aarteng ewan!"

"Humanda ka sa akin mamaya akala mo!" sabi ko na lang.

Si Yex eh puzzled naman sa akin. Hindi niya kasi kami naiintindihan.

"Never mind that."

Nung nakasakay na naman ako doon sa kotse, naalala ko na naman yung unang beses na
sumakay ako doon. Ang kaibahan lang, si Seth ang nagda-drive nun at nasa likuran
ako. Ngayon naman eh nasa harapan ako at si Yex naman ang nagda-drive. Yung totoong
may-ari nung sasakyan.

"Seatbelt." sabi niya kaya nataranta ako mag buckle up.

Simula sa bahay namin eh hindi rin ako nagkamali sa nakita ko noon nung nagkita
kami sa party at nung umalis siya. Grabe magpatakbo ng kotse itong tao na ito.
Napahawak ako doon sa gilid at pakiramdam ko eh nasa roller coaster ako.

Hindi ako nagsasalita. Napahigpit na yung hawak ko doon sa gilid. Yung 15 minutes
yata na sinasabi ni Seth eh baka kayanin niya ng 5 mins. Hindi naman yata kami
nagmamadali 'di ba?
65 yung speed limit. Nung tingnan ko yung speedometer niya, nasa 90 yung takbo
niya. Speeding nga. Baka naman mahuli kami ng pulis nun.

Ang tahimik namin parehas. Nagulat na lang ako nung napatingin siya sa akin tapos
sinabi niyang...

"Oohhh.." tapos nag-break siya kaya naramdaman kong bumabagal kami unti-unti.

Mahigpit pa rin hawak ko sa gilid. Pero ngayon hindi na ako nakatingin sa daan, sa
kanya.

"Why didn't you tell me you were scared? I should've.. you know.. slowed down."

Ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko nun. Buhay pa ba ako?

"W-who told you I'm scared?" sabi ko na lang.

"Well.. for one, you're holding your seatbelt strap. Two, your handgrip. Three,
your eyes are bulging at the road. And four, you're quiet."

Mukhang napansin na nga niya. Ngayon 55 na lang kami. Mas at ease na pakiramdam ko.
Tama na kasi speed niya. Kanina nilalagpasan lang niya yung mga sasakyan na
kasabayan namin tapos naiiwan na.

"Yeah.. I'm.. scared." huminga ako ng malalim.

From steeting wheel, tinapik niya ako ng kamay niya.

"Hey I'm so sorry. I didn't mean to scare you."

Hanggang sa nakarating kami doon sa pupuntahan namin eh ang bagal na rin ng takbo
niya. I mean, yung tama doon sa speed limit. Hindi na ri naman na ako kinabahan.

Huminto siya doon sa isang building na may mga popsters ng movie. Ilan-ilan pa lang
yung sasakyan doon pero walang tao sa labas. Sabi niya mag-stay na lang daw ako sa
loob ng kotse at tatawagan niya sina Heather kung nasaan na sila.

Nakita kong nag-ikot siya doon sa building pero bumalik din. Hawak na niya yung
phone niya at may kinakausap yata. Hindi mapakali, lakad dito at lakad doon ang
ginawa. Finally, huminto. Tumingin lang siya sa akin tapos nag-lean doon sa kotse.
Bukas kasi yung bintana niya.

"They're not coming."

Nung sinabi niya yun eh mahaba yung boses niya.

"What? Why?""Their car broke down. A mile away from Heather's place." binuksan niya
uli yung pintuan at sumakay siya, "I told her I'll pick them up but she said it'll
be too much trouble since we're like an hour and a half away from them."

Parang nalungkot naman ako nun. Sayang naman dahil hindi na matutuloy sina Heather.
Tapos yun pa, hindi ko man lang alam kung cute ba yung Kyle o ano.

"She said for us to go. And to enjoy.""You mean.." tinuro ko siya, "Just us?
They're not really coming?""Yeah.. they're not." sumandal siya then nilagay niya
yung kamay niya sa steering wheel, "I think that Kyle guy's car is some old crap."
tinapik niya ng malakas yung manibela, "I knew I should've picked her up."
Hindi ko tuloy alam sasabihin ko. Tapos nung napansin niya na nanahimik ako,
tumingin siya sa akin.

"So you wanna' have some fun after all?" sabi niya sa akin pero ngayon nakangiti na
siya, "Do you want to go somewhere?""Well.. if its not any trouble at all."

Pinaandar niya yung kotse niya.

"They don't have good movies today." lumingon siya sa akin, "And it's no trouble. I
guess we'll just have to go for it. Heather won't get mad, she's the one who told
us to go for it."

Ang bait naman ni Heather. Ngayon parang alam ko na kung bakit gusto siya ni Yex.
Napaka understanding niya.

"So.. what do you think?""Ok.. sure." tutal nandito na lang din ituloy na.

"Alright...""It's a date."
Create a free website with

***15***

Ano daw? A date? Itong tao na ito kapag nagsalita parang walang girlfriend eh.
Iimagine mo yun? Nakikipag-date eh hindi ba magagalit si Heather? Sabagay, si
Heather naman nagsabi na i-enjoy na lang. Sayang naman pinunta namin dito.

"Where do you wanna' go?" tinanong niya ako nung nakalabas na siya doon sa main
road.

Napabulong naman ako..

'Ano ba naman itong tao na ito? Hindi ko kaya alam lugar dito ako pa
tinatanong?'"I'm sorry I didn't catch that?!?" narinig pa ko ang talas ng
pandinig..

"Uhmm.. it's up to you. I don't know any place here at all." gusto ko sanang
dagdagan ng besides Walmart kaya lang hindi na lang.

"Ok." ngumiti naman siya, "Would you like to go atWest Palm Beach?"

Beach? Beach daw? Siraulong ito! Magbe-beach daw eh hindi naman kami ready parehas.

"I don't think this is the right day for us to go to a beach.." sinabi ko pero
mahinahon lang naman.

Nung sinabi ko yun, tumawa talaga siya ng malakas. Hindi niya mapigilan yung sarili
niya kaya inalis pa niya yung isang kamay niya sa steering wheel at humawak siya sa
ulo niya. Tinignan ko lang siya tumawa nun, parang ang sarap-sarap naman niya
tumawa. Siya lang natutuwa sa sinabi ko na wala naman talagang nakakatawa.

Baliw kaya itong kasama ko?

"West Palm Beach is technically... not a beach." ngumiti-ngiti siya tapos pinigilan
niya yung sarili niya para magseryoso, "It's a name of a city."

Sabi ko nga napakainosente ko na naman! Malay ko ba na city yun. Taga-Florida ba


ako dati? Hindi! Pilipinas ako tsong!

Natawa na lang din ako. Syempre kahit papaano nakakahiya pa rin yun.
Umoo na lang ako doon sa sinabi niya. Sabi niya kasi may mall daw doon at maraming
lugar na pwedeng puntahan. Isa pa, hindi pa naman ako nakakarating doon. Gusto ko
rin naman mapuntahan yung ibang lugar dito sa Florida.

Binuksan niya yung music niya doon pero hininaan niya dahil nag-uusap daw kami.
Ayaw daw niyang maging rude. Ayun, nagkwento naman siya papunta pa lang kami doon
sa West Palm.

"--I just don't like the fact that we're in different schools.. it's hard." lumiko
siya kung saan kaya umupo ako ng maayos kahit hindi ko naman alam kung nasaan na
kami, "I don't know. Heather's, everything you want a girl to be."

Nyak, si Heather pala kinukuwento niya. Akala ko kung sino.

"You really love Heather do you?" tinanong ko naman.

"Yeah.. I like her alot." ngumiti na naman siya, hilig niya ngumiti! "She's pretty,
she's smart, she's nice.. She's--" huminto siya, "--you know... good.""Yeah.. I
noticed that too.." nakiayon naman ako dahil totoo naman, "How long did you court
her?""Court her?" sabi niya na parang nagulat pa, "What do you mean?""Like... you
go to her house, give her flowers, give her letters.." tinignan ko siya,"Guys do
that to get to know the girl and vice versa. Right?""WHAT?!?" nilakasan niya yung
boses niya kaya nagulat ako, "I didn't do that. I went out with her a couple of
times. Maybe four.. or five.. then I told her I like her alot and then we're
together."

Turn ko naman tumingin sa kanya ng nanlalaki na yata yung mata ko. Ganun lang? As
in ganun lang sila na? Hindi yata tama yun?!?

"You dated her a couple of times and then you two became girlfriend/boyfriend since
then?""Well of course she told me she likes me too.. so it's mutual."

Ako naman kahit naka seatbelt ako eh tumagilid ako para makipagtalo sa kanya.

"I DON'T THINK THAT'S RIGHT!""Hey calm down!" ako naman eh umupo na naman ng
diretso.

"You know what in the Philippines?" tumingin ako sa road at iniisip ko kung gaano
ba ka the-best ang mga Filipino, "Guys court girls. That's just the way it
is.""Here too.." sabi naman niya.

"Yeah. But not like your way. The right way.""What's the right way?" tinanong niya
ako, "You tell me.""Just like what I said, if you want to prove to a girl that you
love her, or in some case like her, you have to get to know her more. Give her
something. Visit her at her house. Be as nice and sweet as you are. You know what I
mean?" tinignan ko siya pero pinipigilan na naman niya tawa niya, "You two won't be
together unless the girl said YES.""That's pathetic. At least for guys over there."
nagseryoso siya, "I mean, why would you go with so much trouble if you can get the
girl by just going out with her? Literally going out with her.""Whatever." sabi ko
naman kasi nainis naman ako sa kanya, "If you'll gonna' ask me, I prefer the
Filipino way. It's more conservative but I think it's the best way.""You know, if
you'll gonna' stay here in America for the rest of your life, you'll gonna end up
to be an old maid. This is America. Not the Philippines. It's hard to find a guy
who's gonna' meet that standard.""I know. But even if this is America, there's
somebody out there, not somebody who grew up in the Philippines, a guy who grew up
here who'll do things the Filipino way even if he doesn't know it.""Geez Alyanna,
even if we had a bet on that.. that won't work. I mean.. seriously."lumiko na naman
siya kaya napatingin ako doon sa nilikuan niya.
"Fine.. want a bet?""Young lady you're gambling!" biniro naman niya ako.

"Don't be such a turkey!""You mean chicken?!?""It's the same thing!" sagot ko


naman, "Turkey!""I'm not a chicken and definitely not a turkey." huminga siya ng
malalim, "So the bet goes like, if you didn't find a guy who will court you like
that, you'll gonna' be my slave for a week. But if you won, I'll be your slave for
a week.""Great! Be ready to become a slave!""Bring it on!" sabi niya tapos tumawa
siya.

Yung buong biyahe namin eh ganun lang kami nag-usap. Kung ano yung kaibahan ng mga
bagay-bagay sa Pilipinas at sa America. Sabi niya, one time daw gusto niyang
pumunta ng Pilipinas dahil nacu-curious siya.

Ang haba pala ng biyahe eh hindi naman namin napansin. An hour and a half pala
simula doon sa lugar nila ni Seth papunta ng West Palm Beach. Usually daw 2 hours
pero dahil nga mabilis siyang magpatakbo, minus 30 minutes na.

Kumain kami doon sa Golden Corral. Eat all you can pala doon. Nakailang balik kami
at tinuro niya sa akin kung ano daw ba yung masarap kainin. Nung una nga na pumasok
kami, nilagyan niya ng nilagyan yng pinggan ko eh sabi ko hindi ko naman yun
mauubos. Sabi ko ang taba ko na baka lalo pang tumaba. Sagot lang niya...

"You're skinny!" sabi niya tapos naglagay ng chicken nuggets doon sa pinggan
ko,"You're a walking skeleton so you have to eat alot."

Walking skeleton? Ang sama talaga ng ugali ng taong ito.

"I'm a walking skeleton?" tinanong ko naman dahil yun ang sinabi niya, "For
real?""NO." sabi niya na parang ano-ba-yang-tinatanong-mo look. "I just said that
so you would eat ALOT.""Baliw ka!" nagkunwari naman akong hahampasin ko siya.

Nakatingin lang siya sa akin.

"Did you just cuss me?" kinuha niya yung napkin doon sa gilid at nilagay niya sa
bibig niya.

"I did not.""It sounds like it." kumain siya uli.

"It means you're crazy."

Tumawa na naman siya.

"I swear I really need to learn more Tag-a-log." sabi niya sa akin, "So I'll know
if you're cussing me.""I don't cuss.""I do." tumango siya, "I'm a bad person. I do
cuss unintentionally." kumain na naman siya ng kumain, "I'm bad. Really bad. You
don't want to be near me."

Natawa naman ako. Ang kulit din nitong tao na ito!

Nung magbabayad na kami, ayaw naman niyang ako dahil siya daw ang lalaki. Ang OA
nga. Nakipag-contest pa. Kasi naghihintay yung babae na cashier, tuwing lalapit ako
ilang beses niya akong hinarangan para di ako makalapit.

Nagpunta kami ng Wellington Mall pagkatapos. Malaki nga rin pagpasok ko. Pero
walang-wala pa rin sa SM. Sisiw, maliit kung ikukumpara mo. Pero malaki-laki na
rin.

Hinawakan niya ako sa kamay nun tapos hinila niya ako doon sa gilid. May
photomachine. Naghulog siya ng pera tapos pumasok kami doon sa loob.

"Get in here.. Quick!" hinila niya ako kaya muntik na akong mapasubsob. "One..
two.."

Tapos nag-flash.

Lumabas kami ng booth. Sabi ko ayaw kong makita yung picture. Nakita ko nga
napakaseryoso ng mukha ko pero siya eh nag- 'make faces' daw ika-nga.

"Whoa.. cool!" tumingin siya sa akin na parang bata, "One of the best pictures I've
had in years."

Naglakad naman siya. Ako naman eh nakatayo lang doon. Ano na nga bang ginagawa ko
sa lugar na ito kasama ang lalaking ito? Nakalimutan ko yata...

"Hey Aly! Are you coming? You're standing in the middle?!?" inasar pa niya ako.

Tumakbo siya uli sa akin tapos humawak sa kamay ko at hinila niya ako. Naglalakad
siya patalikod para nakaharap siya sa akin.

"What time is this mall gonna' close?" tinanong ko lang kasi 3:30 kami nakaalis
doon sa lugar nila, 5 nakarating dito, isang oras kumain... kaya gabi na.. "It's
already past 6..""They'll gonna' close at 10. We still have plenty of time."

Lumakad na lang ako dahil hinihila niya nga ako.

"What time are we gonna' leave here?"

Mukhang hindi niya ako narinig dahil busy siya sa kakatingin niya sa gilid. Inulit
ko pa yung tanong ko kaya tumingin na sya sa akin..

"Oh... what time?""Midnight." ahh.. ano daw?


Create a free website with

***16***

Midnight? ano daw midnight? Hindi naman yata pwede yun! 10 nagsasara yung mall
tapos midnight? Eh may tama rin sa ulo itong tao na ito eh!

Tapos midnight uli? Eh kung pagalitan kaya ako ng tatay ko? Tapos dalawang oras na
biyahe... anong oras na kami makakarating? 2 a.m.?

"Hoy hoy hoy.." hinampas ko nga sa braso niya..

Hindi naman yata siya nasaktan, nakangiti pa siya nung humarap sa akin at parang
wala lang sa kanya na hawak niya yung braso niya...

"Hindi naman yata tama yun! Lalaking 'to mabisyo! Kung dito sa inyo pwede yung
inuumaga... sa amin hindi pwede! Kaya kung gusto mong magkangipin pa bukas, umuwi
na tayo ngayon para 8 nasa bahay na tayo!"

Nakatayo lang siya sa harapan ko.

"Ooh... al---right." tumingin siya sa likod, nilagay niya yung kamay niya sa bulsa
niya, "Say what?"

Tingnan mo ito, ang dami-dami kong sinabi tapos papaulit lang niya.
"Dapat matuto kang magtagalog. Filipino ka pa rin kahit kalahati lang!" teka tama
ba yun?

"Aly, I don't understand. Are you mad or something?""NO!" umupo ako doon sa bench,
"OF COURSE I'M NOT MAD! DO I SOUND LIKE I'M MAD?"

Parang nag-alangan siyang sumagot sa akin. Nalito yata...

"Err... no I guess." nakatayo lang siya sa harap ko, "What's wrong?"

Huminahon na ako. Ako naman kasi ang OA ko naman masyado pwede na sa drama. Pwede
namang sabihin ng maayos tapos may paganito-ganito pa ako.

Ok.. yung maayos na..

"We can't stay here 'til midnight.."

Nagliwanag yung mukha niya na parang naintindihan niya yung drama ko na mala-
Chinese siguro sa pandinig niya.

"We just can't.""Why not? It'll be cool you know.." tinuro niya yung gilid, "I'll
show you how a real mall goes after it closes..""It's not that. My dad.. you know..
my dad.. my mom.. my family.. will KILL me.""Oh come on!" sabi niya na parang hindi
pa naniniwala sa akin, iniwas niya yung tingin niya ng natatawa...

Hinawakan ko siya sa balikat niya para mag-steady siya na nakatingin sa akin. Tapos
sinabi ko sa kanya, straight in the face...

"KILL me. K-I-L-L me. Got it?""If that's the only thing that's bothering you I'm
gonna' call them.." hinanap niya yung phone niya sa bulsa niya...

Nakipag-unahan naman ako. Kung umuuwi na lang sana kami eh di sana wala akong pino-
problema?!?

Kaya lang dahil mas matangkad siya, hindi ko naman naabot. Para tuloy akong midget
dahil patalon-talon.

"Yes Sir." sabi niya pero seryoso na yung mukha niya, "Actually we're in..."
hininaan niya yung boses niya, "West Palm Beach."

Sumunod na lang na alam ko, nilayo niya yung phone niya sa tenga niya. Napatingin
siya sa akin tapos binalik niya yung phone sa tenga niya.

Naku, nasigawan yata siya ni Father-dear.

"No Sir, I swear we're not gonna' do any trouble." naririnig mo boses ng tatay ko..
siguro sumabog na yun, "I swear I'm gonna' take good care of her." hindi na
nakapagsalita si Yex.

Naririnig ko lang yung boses ng tatay ko. Ang lakas-lakas. Hindi ko man
maintindihan eh alam ko na pagalit yun. Iisipin paano kami nakarating sa lugar na 2
hours away sa pinanggalingan namin. Sabagay kung magulang ka, mag-aalala ka nga rin
naman.

Si Yex naman, hindi na makasingit.

"Sir.. SIR!" sumigaw na siya kaya nagulat din ako, "She's safe with me. I won't do
anything to her but to show her around. Trust me. She's safe with me."
Hindi ko alam kung anong sinabi ng tatay ko pero sunod na lang na ginawa ni Yex eh
inabot niya sa akin yung phone. 'He said he wants to talk to you..'

Kinabahan ako nun. Ni-hindi ko pa mailagay sa tenga ko yung phone dahil baka ako
naman ang sigawan. Prepare yourself Aly...

"Hello.. Pa?""ALYANNA HERNANDEZ ALAM MO BA KUNG ANONG GINAGAWA MO?!?"

Sabi ko nga sisigaw siya eh...

"Pero Pa.. ano kasi... hindi ko naman alam na--""Mag ingat kayo sa daan..""Malay ko
ba na ganito po yun kalayo. Kung alam ko lang di naman ako papayag 'di po ba" tapos
natigilan ako, "Ha? Sabi niyo po?""Enjoy. Mag-ingat kayo sa daan.""Talaga Pa? Thank
you Papa the best ka talaga!" sabi ko naman at natuwa na ako.

"Ngayon lang yan. May bawas allowance mo. O sige na nga..""Bye Pa.." okay lang
kahit may bawas ang allowance.. OKAY LANG!

Humarap ako kay Yex nun. Nakatayo lang siya doon at nakakunut-noo. Pagkatapos nun..
tumalon ako sa harapan niya.

Nung sumunod na ginawa namin, nagikot-ikot kami doon sa mall. Pinasukan namin yung
shop na panay laruan ng mga bata. Ewan ko kung anong ginagawa namin doon pero ok
lang. May nakita nga akong Fairly Oddparents na stuff toy kaya lang siyempre
kunwari hindi ko gusto yun. Isipin pa niya isip bata ako kahit totoo.

May Sports Shop din. Akala ko kung titingin siya ng football doon o kahit anong
bola na hilig ng mga lalaki. Pero hindi eh. Tinignan niya? Knee pads... rubber
shoes.. saka kung anu-ano na walang kinalaman sa football.

Napatingin ako sa kanya...

"Are you gonna' play basketball or something?"

Binalik niya yung knee pads niya.

"No." kinuha naman niya yung isa, "I'm on the track team.""The track team." yung
tumatakbo ng mga 100 m dash... mile runs and stuff?

Gusto niya yun?

"Track. Yeah.""Geez. I hate running.""I love running."

Kagaya nga ng ginagawa sa mall, umikot lang kami. Yung isa ngang pinuntahan namin
pang mga punk eh. Sinasabi nung isang babae na magpa-piercing daw ako sa belly
button ko o kaya sa ilong.. or sa dila..

Humarang naman si Yex..

"Leave her and her bellybutton alone.."

Nung sinabi niya yun natawa talaga ako. Ang babaw ko!

Hindi ko na matandaan yung pagkakasunud-sunod ng pinuntahan namin. Basta ang alam


ko nagutom kami uli kaya kumain kami ng ice cream sa ice cream parlor at pizza sa
pizza house. Nagsisimula na nga sumakit yung paa ko nun. Suot ko kasi medyo matigas
kapag inapak mo sa sahig. Hindi tuloy ganun ka comfortable maglakad.

Pero katulad ng ibang mall, narinig namin na may nag-echo sa intercom. Konti na
lang yung mga tao nun at yung ibang shop eh nagsasara na.

'Hello shoppers! It's 5 'til 10 everyone. The mall will close soon. Thank you.'

Nung sinabi nung babae yun eh naglakad na ako papunta doon sa nearest exit. Kaya
lang si Yex eh humawak sa na naman sa kamay ko para pigilan ako..

"Where are you going?""We have to leave. The mall's gonna' close in 5 minutes. It's
almost 10."

Nakangiti lang siya pero hindi niya binitawan yung kamay ko.

"I know. What time did I tell you we'll gonna' leave here?"

Napaisip naman ako.

"Midnight.""Exactly." Hinila na naman niya ako papunta kung saan...

Dahil nga mas malaki sya sa akin, nahila naman niya ako. Napasunod na lang ako sa
kanya.

"We have to leave the mall Yex." kinakabahan naman ako sa kanya..

Hindi siya tumingin sa akin. Diretso pa rin siya sa paglalakad niya at diretso siya
sa paghihila sa akin.

"We need to find the bathroom.. now where is it?" tingin-tingin siya sa gilid
niya,"There it is.. come on.. RUN!"

Tumakbo naman kami doon. Ewan ko ba kung anong iniisip niya. Nandun kami sa may
gilid malapit sa bathroom at nagtatago. Wala nang tao sa mall. Meron man ilan-ilan
na lang at lumalabas na sila.

Napaupo siya doon sa dingding dahil hinihingal siya.

"Phew... ain't that cool?"

Tinignan ko lang siya.

"What do you think you are doing?" sabi ko naman sa kanya...

"Chillin' " tapos tinapik niya yung sahig sa tabi niya, "Sit here.."

Hindi ako umupo. Nanatili akong nakatayo doon at nakatingin sa kanya.

"You're not serious are you?" sabi ko naman...

"Of course I am.." sabi naman niya.

"The mall's gonna' close don't you understand that?"

Relax na relax lang siya na parang walang pakialam. Baliw siya no? Kung marunong
lang akong mag-drive iniwan ko na sya.

"Of course I do." ngumiti siya ng nakakaloko, "Aly, the mall's better when nobody's
around..""We're staying in here..."
Create a free website with

***17***
***

"ANONG ORAS NA?! ANONG KLASE NG BABAE ANG UMUUWI NG ALAS-7 NG UMAGA? HA ALYANNA?"
yan unang dialogue ng tatay ko sa akin pagkauwi ko.

Ok. Patay na talaga ako.

Hindi na ako makakalabas ng bahay ng buhay pa kahit kailan. Oo nga pala, nasa bahay
na ako. Anong oras ako nakarating? 7:24 ng umaga. Yan ang eksaktong oras ng
pagdating ko. Kakakatok ko pa lang doon sa pintuan namin eh sinermonan na ako
kaagad ni Papa. At huwag mo ring kalimutan na damay si Yex sa nasigawan. Nakayuko
lang siya nung hinatid niya ako, wala man lang sinabi kung hindi ang 'Sorry'.
Kawawa naman yung tao, nasigawan na nga ni Papa, isusumbong pa sa sa Mommy niya na
si Ate Analisa.

"And you too Yex, I'm going to tell your mother about this!""Sorry.."

Hindi siya nag-drive paalis kahit sinarahan na siya ni Papa. Dahil nga yung bintana
ko eh kita yung harapan ng bahay namin at alam ko na nakasara na yung pintuan ng
kwarto ko, binuksan ko yung bintana at tinignan ko siya. Nakaupo siya sa harapan ng
kotse niya. Nung tinawag ko siya, ngumiti lang siya sa akin tapos nag thumbs up.
Pero kahit ngumiti siya, medyo nalulungkot din naman yan.

Siguro nga sabihin niyo nang deserve na naming mapagalitan. Ikaw ba naman umalis ka
ng alas-3 ng hapon ng Sabado tapos umuwi ka ng alas-7 ng umaga kinabukasan. Alam ko
nagpaalam kami, pero hindi naman siguro ineexpect ng tatay ko na aabutin ng umaga.
Alam niya a little over 1 or two.. but never 7 in the morning.

Ano bang nangyari sa amin? Ayun nga, naiwan kami sa mall nung wala nang tao.
Syempre nung wala nang tao, nagikot-ikot kami. Kadalasan din naman ng stores eh
sarado na kaya wala ka namang mapuntahan. Naupo na lang kami doon sa benches at
nagkwentuhan madalas. Natatakot lang kami doon sa mga cameras na nakakalat at hindi
namin alam kung nakukunan na ba kami. Kung saka-sakali man, idadahilan lang namin
eh nakulong kami sa loob. See? No trouble at all.

Sabi nga niya masaya daw ang mall kapag walang tao. Tama siya. Nag-practice siya ng
pagtakbo para sa track team. Pupunta siya sa dulo tapos tatakbo. Ayun, ilang beses
siyang muntik-muntikang nadulas at nasubsob yung mukha dahil nga madulas yung
sahig. Dinaan na lang din niya sa tawa. Ako kasi nakaupo pa rin at pinapanood ko
lang siya.

Nagpunta kami sa second floor. Doon kami sa may railings na kita mo yung hagdanan.
Doon niya ako hinila tapos sinabi niyang sumigaw ako. Sumigaw lang daw ako ng
sumigaw at sabihin ko lang yung kahit anong gusto kong sabihin. Ginawa ko naman.
Mukha nga siguro akong ewan nun.

'YUNG TAONG KATABI KO NGAYON ANG PINAKASIRAULO SA LAHAT NG LALAKING NAKILALA KO!!!'

Pagkatapos nun eh tumawa lang ako tapos hinampas ko siya ng malakas kaya siya naman
eh nag-inarte na kunwari eh napalakas yung paghampas ko at mahuhulog na siya.
Effective naman, naniwala ako.

Siya rin sumigaw. English naman.

'I'VE NEVER HAD ONE HECK OF A DAY!!!' tapos tumingin siya sa akin saglit, 'AND A
ONE HECK OF A DATE WITH A FRIEND!'

Wala naman talaga kaming ginawa. Maliban sa pagtakbo, maglaro doon sa salamin ng
mukha namin, sumigaw doon sa hagdanan, lagyan ng footprints yung mga upuan na hindi
talaga hygienic, wala na kaming masyadong ginawa. Pinagod lang namin yung mga
sarili namin. Naisipan din naming umikot, pero wala ngang makikita dahil sarado
yung mga shop. May isa lang na manequin sa labas at yun ang inakbayan niya at nag
mister pogi sa harapan ko. Well, yun yung sign sa atin.. ewan ko lang sa kanila.

Nung naisipan na nga naming umuwi around 12, doon na kami nagkaproblema. Hindi
namin mabuksan yung labasan. Bakit? Dami palang pasikot-sikot nun. Basta hindi
namin mabuksan. Naisip namin na baka naka-lock sa labas or something. Sinubukan
namin yung kabilang exit, ganun din. Tumingin siya sa akin, pero parang wala lang.

"You told me you'll gonna' show me how a real mall goes after it closes.." sabi ko
sa kanya nung medyo napapansin ko na walang nangyayari sa pagbubukas niya..

"Yeah, I told you that... so?""You didn't know that they probably have locks
outside or something?""How should I know that?!?" sabi niya sa akin.

Nung sinabi niya yun, saka lang ako natauhan.

"What do you mean how should you know that? You've been locked up in a mall before
that's why you knew how it goes right?""This is my first time to be in a mall when
nobody's around. I just told you that so you would come with me. But in this
case.." hinila niya yung pintuan, "Can you give me a hand on this?""NO!!"
tinalikuran ko nga at nagmabilis ako ng lakad.

Humabol siya sa akin. Baliw talaga itong si Yex! Paano niya akong nakuhang i-trick
na mag-stay sa loob ng mall? Tapos ngayon hindi naman pala nabubuksan sa likod! How
dare him! Arrggghhh! Grabe galit ako ngayon.. ngayon lang naman pasalamat siya.

Naisip ko na i-suggest sa kanya na gamitin yung phone sa police para may papuntahin
dito para naman mabuksan kami. Kaya lang masyadong trouble na yun. Police? Tapos
alas-12? Hindi nila kami paniniwalaan. Kung gusto talaga naming lumabas doon,
iisipin nila around 10 nung kasasara pa lang. Hindi 2 hours afterwards.

Ano bang magagawa namin? Nag-stay kami sa mall. Gising kami hanggang alas-3 ng
madaling araw dahil kumakanta naman siya ng kung anu-ano. Sabi ko kalimutan na niya
yung career sa pagkanta dahil walang pupuntahan. Ayun, nahiya yata kaya tumigil. Sa
totoo lang, may boses naman si Yex, hindi magaling na magaling, hindi naman parang
uulan, kaya lang gusto ko lang siyang tumahimik kasi inaantok-antok na rin ako nun.
Bago kami nakatulog.. ito yung sinabi niya..

"Aly?" narinig kong sinabi niya.

May dalawang bench kasi na magkatalikuran sa gitna ng mall. Doon siya humiga sa
kabila, ako naman sa kabila kaya hindi ko siya nakikita..

"I told you Yex, you don't have a career in singing. It's morning already, we have
to sleep.""I'm sorry." nung sinabi niya yun eh medyo natahimik ako, "I'm sorry I
got you in this trouble.""Hey!" napatayo ako doon sa pagkakahiga ko at tinapik ko
siya sa tiyan niya kaya nasikmuraan yata, "It's alright. I had fun."

Totoo naman yung sinabi ko. Masaya naman talaga kahit na alam ko ngayon lang yun at
yung paguwi namin mamaya eh hindi mo na alam ang mangyayari.

Natulog kami, mga dalawang oras lang siguro. Hindi ko nga maidilat yung mata ko nun
sa sobrang antok ko. May nanunusok sa pisngi ko. Nanaginip pa nga yata ako pero
saglit nga lang, kaya nung naramdaman kong may gumagalaw sa akin eh napaikot ako
pakanan kaya nahulog ako kung saan.
Well.. perpendicular kay Yex. Si Yex pala yung nanggigising sa akin.

"Ouc-" sabi niya pero tinaas niya yung kamay niya, "That's my finger you just
leaned on...""I'm sorry!" pinilit kong tumayo pero ang hirap. ANg bigat ng
pakiramdam ko pero ang sakit din ng ulo ko at the same time.

Na-realize ko na parang 5 mins lang kaming natulog.

"What's wrong?" napansin ko kasi medyo madilim-dilim.

"Somebody's already in here!" sabi niya yun kaya inangat ko yung ulo ko pero
nakadapa pa rin ako doon sa bandang tiyan niya.

Bago pa nag-sink sa utak ko ng tuluyan yun, may babae na lumapit yata sa amin dahil
nakita ko yung boots niya at nakatayo. Hindi ko makita yung itsura dahil nga
nakadapa ako kay Yex.

"What are you two youngsters doing in here?" sabi nung babae na high pitch pa
talaga ang boses, "And who are you two? Are you trying to steal something in here?"

Nung sinabi niya yun, napaupo na ako. Ang sakit ng pagbagsak ko. Si Yex din eh
umupo na rin ng maayos at inalalayan akong tumayo.

"W-we're not shoplifters.""Y-yes Ma'am. We were... uhmm.." tumingin ako kay Yex
pero siya na ang nagtuloy sa akin..

"Locked in. Last night. Well, she's in the bathroom and as I was waiting on her, we
didn't make it out... so.. we were locked in."

"That's impossible. Usually there are some personnel left in here and they check
here if somebody's still around.."

"Oh well.. somebody's got to fire them if they're not using their eyes properly.."

Natawa ako dun. Grabe, sinisi pa yung personnel eh kami naman talaga yung nagtago
sa loob. At half true lang yung na locked in kami. Yung una sinadya naming magpa-
lock sa loob, yung pangalawa na locked in na ng tuluyan nung gusto na naming
lumabas.

Nung naawa yata sa amin yung babae at medyo maniniwala na... eto naman ang
itinanong sa amin.

"Your parents must have been really worried on you two..." yung awa niya sa amin eh
biglang napalitan ng ibang expression ng kung ano, "What're you two doing in the
floor?"

Yun kasi yung naabutan niya kami.

"I fell.." sinabi ko naman yung totoo.

Tinaasan ako ng kilay nung babae.

"You fell? On him?" tinuro niya si Yex.

Hinarap niya sa amin yung floor polisher niya at parang hahampasin yata kami.

"You two better go home!"

Tumakbo kami ni Yex.


"You're too young doing such stuff. Teenagers!" sumigaw siya ng sumigaw sa
amin,"Y'all should study first before trying some things you don't even know!"

Tumakbo kami sa parking lot nung mall. Madali naman naming nahanap dahil tatatlo
lang yung sasakyan doon. Isa na yung kotse ni Yex. Nung nakasakay na kami sa loob
at parehas na kaming hinihingal dahil sa pagtakbo doon sa babae na naglilinis.
Inilagay na niya yung susi doon sa ignition at ako naman eh nagseat belt na. Siya
naman eh mag bu-buckle up na sana kaya lang natigilan siya. Confused na yung itsura
niya.

"Wait up.." halata mong nag-iisip siya, "What did she say? What was she talking
about back there? Too young doing what?"

Napatingin ako sa kanya. Akala ko naman naintindihan niya yung iniisip nung babae
kaya siya tumakbo. Ako naman eh nainis...

"Just drive.. please?!?"

Ayun.. nag-drive na siya pauwi sa amin kahit parehas kaming inaantok. Siya mas
kawawa dahil nga nagdrive pa siya. Ako kasi natulog lang sa sasakyan niya.
Nagigising-gising lang ako from time to time.

At ganun yung mga nangyari kung paano tayo napunta sa whole scene this morning na
nanermon yung tatay ko.

PATAY TALAGA AKO.

***

Cut-off yung allowance ko. As in total zero. Hindi ako pwedeng humingi sa kanila
maliban na lang kung talagang school emergency na o kahit anong mas mahalagang
bagay maliban sa pansarili kong pangangailangan. Yep, matindi talaga galit ng mga
magulang ko sa akin. Napaka-iresponsable ko daw at nagpaumaga kami. Sinabi ko naman
yung whole 'locked-in' incident pero wala pa ring lusot eh.

Sinabi din nila sa akin na bad influence daw si Yex. Okay, sinubukan ko namang
ipagtanggol pero malabong magbago sa ngayon dahil nga fresh pa sila sa mga
pangyayari. Nung umalis nga ako papuntang school hindi nga ako kinausap ni Mama.
Siya rin yata galit sa akin.

Pagpasok ko sa school eh nakita ko si Seth, si Jim at Ed pero wala si Yex. Hindi


nila ako nakita kaya nagdire-diretso. Kahit din siguro nakita nila ako eh hindi rin
naman nila ako papansinin.

Parang normal sa school. Ganun pa rin yung usual spirit. Absent yata si Yex sa
school dahil wala ng first three periods. Ewan ko ba... bakit ko ba hinahanap yun?

By 4th period history, history kaming dalawa.

"Is it true?" sabi nung isang babae na hindi ko naman kinakausap dati pa...

"Is what true?"

"Oh come on! The whole 'we-got-locked-in-the-mall' thing. That's so cool!"

"How did you know about that?"

"So it's really true?! Oh my gosh!" tuwang-tuwa siya na di mo maintindihan.


Ewan ko kung paano nila nalaman. Si Seth nung 5th period na, siya pa ang lumapit sa
akin ng seryosong-seryoso at tinanong ako.

"How did your date with Kyle go?" sabi niya sa akin pero hindi siya nakatingin.

"Uhmmm.. actually Yex and I--""--ended up in the mall? Wow. Unbelievable."

Medyo sarcastic siya magsalita ngayon. Kahit na mabait si Seth madalas, ayoko yung
tono niya.

"Who told you?" "What do you mean who told me? Nobody did. I just sorta' figured it
out from somebody. Analisa..." yung mom ni Yex, "--called me last night. She said
Yex was not home and she's trying to ask me if he's with me. I said no of course. I
tried to call him, his phone's turned off. Or it ran low of battery.. who knows?"
medyo iritado yung itsura niya, "I called Heather. I thought that maybe he's
staying with her. Heather said that you two were together. Dating." iniwas niya
yung tingin niya, "Oh and what did she say? Yeah... you two had a date at three in
the afternoon. Showed up in your house 7 the next day. Ain't that awesome?!?""First
of, what is wrong with you? Second, it was just mere--""You don't have to explain a
thing to me. Yes I'm mad. Why? My bestfriend didn't tell me a freakin' thing about
this so I don't have a FREAKIN' CLUE!"

Oo nga galit siya. Pero ang OA naman niya. Kung galit siya kay Yex, bakit naman
gumagawa siya ng eksena ngayon? Nakatingin tuloy gym mates namin.

Dumating si Yex, late na ng 5th period. Halata mong pagod pa ang itsura niya. Ewan
ko kung bakit.

"Look who showed up.." sabi ni Seth nung dumating siya.

"Sup Seth?"

Umalis lang si Seth nung lumapit na si Yex sa akin.

"What's wrong with him?""He's mad at you can't you tell?""No.." sabi niya tapos
tumingin siya sa likod niya.

Napansin ko na parang kulang pa rin siya sa tulog. Ewan ko ba...

"Well anyways, how did it go with your folks?" naisipan naman niya akong tanungin.

"Bad. Really bad. My allowance is cut off.""You think that's bad?" sabi naman niya
na parang nagulat sa akin.

"Your allowance too?""Nope. Half of my allowance.""That's not bad. If its only half
of it." sabi ko naman.

"Yeah. Plus I'm not allowed to use my car, and my X-Box, and my phone!"

Inayos niya yung rubber shoes niya. Makasama ngayon ang weightlifters at girls
dahil aakyat kami ng rope sa PE. Si Seth naman panay ang parinig.

"Don't forget you're on kitchen work for the next two weeks Yex.."

Napikon yata si Yex dahil nag-iba yung mukha niya at tumingin siya kay Seth.

"Yes.. I didn't.. SETH." tapos luampit siya kay Seth kaya nagharap sila,
"Whatever's your problem let's settle this..""You know what? You're a stupid guy
Yex..""Not as stupid as you are! You're acting like a moron and you're not telling
me why..."

Tinulak naman siya ni Seth ng malakas..

"This is coming for the guy whom I considered my brother and he's telling me things
the other way around..""I didn't tell you a thing? That's crap Seth!" sabi ni Yex
na halata mong galit na,"You're mad at me because I didn't tell you about the
date?"

Tapos parang narealize ni Yex yung isang bagay na gustung-gusto niyang sabihin.
Tumingin kasi siya sa akin tapos kay Seth.

"Or your manly ego is hurt right now?"

Umarte nang magsusuntukan yung dalawa kaya umawat na si Jim at si Ed. After all,
tama lang dahil nakatayo lang sila sa gilid.

"That's bull!" sabi naman ni Seth sa kanya.

"Oh yeah? Why don't you admit it? You're jealous as hell because your so-called
brother had a date on a girl that you like.. right? And you're not used to lose
right?"namumula na yung mukha ni Yex, "I think that's bull. I'm not fighting to my
closest friend because of a girl!" inalis niya yung kamay ni Jim sa kanya, "I'm not
keeping up with your ego when I already have a girlfriend to mind!!"

Tumalikod na si Yex para mag walk out. Kaya lang pare-parehas kaming natigilan nung
sinabi ni Seth na...

"Oh yeah?""Let's see if you still have a girlfriend tomorrow.."


Create a free website with

***18***

Halata mong galit na galit si Yex. Paalis na sana siya kaya lang bumalik siya at
hinawakan niya sa t-shirt si Seth.

"Don't you dare go anywhere near my girlfriend! I'm warning you Seth!" sinigaw ni
Yex yun kaya nagtakbuhan na naman sina Jim para awatin sila.

"Why don't you talk to Heather?!? Huh? Loser!"

Umalis na ng tuluyan si Yex. Hindi na siya umattend ng buong period ng PE. Nag-skip
na siya ng class. Kung saan man siya pumunta, hindi ko alam.

Nag rope climbing kami. Dahil wala nga ako sa sarili ko, 1/4 lang naakyat ko. Ang
hirap pala nun. Si Seth, hindi na rin ako kinausap. Ewan ko ba, feeling ko pati sa
akin galit din siya. Bakit ba napaka big deal nung nangyari?!? May problema ba
doon? As if may ginawa kaming masama.. eh ang kaso nga wala naman...

Bakit ba kakaiba sila mag-isip?

Nag-check ako ng mailbox ng advice column. This time, may nagsulat sa akin tungkol
sa boyfriend niya. Oh great, parang may alam ako. Wala naman akong experience doon,
but I guess I could try.

Ito yung part ng letter:

...he wanted me to do the deed with him. I don't think I'm ready to do it. I asked
my friends and they told me that I should do it because it's cool and, you know,
everybody's doing it. I'm scared. I don't know what to do...

Syempre nag-advice ako na kung hindi siya ready, hindi naman niya dapat gawin yun.
Sinabi ko rin na hindi "everybody" ang gumagawa nun. Then sinabi ko, na ako for
instance, eh hindi pa sumagi sa isipan ko na gawin yung sinasabi nilang "deed."

Aarrghh.. what is it with them that its cool when you do that thing? Isa pa...
gagawin mo iyon? I can't imagine myself doing that at this age.. hindi ko rin yata
kaya..

oohh... bakit ko pa iniisip 'to? Ang... creepy...

Nag-check pa ako ng mails. Sumasakit na nga yung mata ko pati na rin yung daliri ko
kakatype at minsan naman kakasulat ng replies. Ang hirap pala ng advice column.
Hindi lang high school, pati middle school sumusulat. Today, I got 33 mails. I had
this one letter na about friendship. Ayun, sabi niya ang gulo daw nilang
magbabarkada at hindi naman daw sila ganun and stuff...

Anyways, nung 7th period eh nagmamadali ako. Late kasi akong natapos sa test namin
sa Algebra so nung nag-alarm na, nandun pa ako sa classroom ng Algebra teacher ko.
Binigyan na lang niya ako ng pass para kahit late ako, makakapasok pa rin ako doon
sa classmate ko.

Dumeretso ako sa hallway at dadaan muna ako sa locker ko dahil nga wala yung
Spanish textbook, workbook at practice activities book ko. Walang tao sa hallway
kaya naman nung nandun na ako at kukunin ko na, nagulat na lang ako nung may sumipa
doon sa metal ng locker. Tinignan ko kung sino..

"What's up with you?!?" tapos sinuntok naman niya yung locker ngayon, "Don't hang
up.. hey!"

Nung nakuha ko na yung mga gamit ko eh nagsimula na akong maglakad. Hindi ko alam
kung ito ba yung tamang oras na kausapin ko siya. Baka kasi nasa bad mood siya. Isa
pa, ngayon ko lang siya nakita since 5th period. Nag-skip rin siya ng 6th period
class. Yung Spanish kaya?

Akala ko naman eh napansin niya ako. Tumakbo naman siya doon sa pintuan nung
Spanish classroom namin. Nakatayo lang siya doon at ayaw niyang buksan. Narinig ko
pa nga siyang nagsasalita mag-isa nung nakatayo siya doon sa labas ng room.

"Yex.. Xelfualizee.." tapos tinatapik-tapik niya yung pisngi niya, "Xelfualizee.."

Xelfualizee? Parang narinig ko na yun. Ano nga ba yun?

Nakaharang naman siya doon sa pintuan kaya hindi rin ako makadaan.

"Hey.. are you talking to somebody?"

Nagulat siya ng nakita niya ako kaya bigla siyang tumabi. Medyo namula siya. Ewan
ko ba, nahiya siguro sa akin dahil naabutan ko siya na kinakausap niya yung sarili
niya ng mag-isa.

"Oh.. no.. no. I'm just talking to myself.." then iniwas niya yung tingin niya,
"Why're you still here at the hallway?"

Pinakita ko yung pass ko.

"I thought you're late." ngumiti lang sya pero parang pilit, "I'm late. She'll mark
me skipping again.""Aren't you gonna' go in?""Yeah.. it's just that--"

Hindi niya maituloy yung sasabihin niya. Siguro nahihiya siyang pumasok ng late.
Kahit ako din naman, thinking na wala pa siyang pass.

"I have a pass you know, you can share it with me. I'll just tell her that, it's
for both of us.""No," umiling siya, "Don't bother."

Bubuksan na sana niya yung doorknob para sa akin kaya lang naisip ko naman tanungin
siya doon sa word na hindi ko alam ang ibig sabihin. Narinig ko na naman kasi yun.

Napatingin ako sa kanya.

"Yex.."

Napakunut-noo na naman siya. Parang laging may iniisip itong tao na ito.

"Uh.. yeah?""What does that mean?"

Tumingin siya sa likod niya.

"What does 'what' mean?""The word you said earlier.."

Parang confused na naman siya.

"Which one?!?"

Oh God. Hindi niya maalala. Ano na nga ba yun.. sel--sel something.

"Err.. never mind."

Ako lang yung pumasok sa loob. Siya yata eh matindi yung pagkahiyang pumasok ng
late kaya naiwan siya doon sa labas. Sabi niya hindi na lang daw siya papasok dahil
masama rin daw naman ang pakiramdam niya.

Ewan ko ba, nung araw na yun feeling ko nagui-guilty ako. Para kasing ako yung
dahilan kung bakit nag-away si Seth saka si Yex. Kung hindi naman kasi ako pumayag
sa kanya na maiwan kami sa mall, wala namang ganito di ba? Siguro nga sa isang
banda ako rin yung dapat sisihin dito.

Nung uwian nga namin, nakita ko si Seth na naglalakad mag-isa at hindi niya kasama
si Ed at si Jim. Ako naman eh huminga ng malalim at naisipan ko na ako na lang ang
kumausap sa kanya habang hindi pa ganun kalala yung sitwasyon. Teka.. malala na di
ba?

"Seth!" sumigaw ako doon sa hallaway kaya huminto siya.

Wala siyang sinabi. Hinintay lang niya ako na makahabol sa kanya. Nung nakatayo na
ako sa gilid niya, saka lang siya nagsalita.

"If you're gonna' ask me where's that jerk Yex.. please don't bother. 'Coz I don't
care.. and I don't know where he's at in the first place!"

Nakataas na naman yung boses niya. Galit yata ito sa mundo eh.

"Hey.. why would I ask you where's Yex?""I don't know. That's what everybody's
asking me.""I'm looking for you.. not him."

Tumingin siya sa akin pero iba na yung expression ng mukha niya.


"Well fine. I just don't wanna' hear the name Yex.." yun lang ang sinabi niya..

"Uhmm.. I just wanted to talk to you..""Ok.. about what?"

Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin ito. Baka mabugbog ako nito eh.

"Yex.""Please!" binilisan niya yung paglakad niya at iniwan ako doon.

Ang hirap habulin. Lalaki na, matangkad pa.. idagdag mo pa na football player siya.
Wow great! Anong laban ko na habulin siya?!?

"Mr. whatever-your-last-name-but-Seth's the name will you wait for me?!?" ano ba
yun?!

Hindi talaga niya ako hinintay. Grabe naman itong taong ito.

"It's my fault! The whole thing's my fault. The date.. the mall.. everything! Don't
blame Yex alright?"

Please.. sana huminto siya. Ginagawa ko lang naman ito para hindi na sila mag-away.

"PLEASE!!!" sumigaw ako doon kaya ang daming nakatingin na sa akin.

Huminto naman siya. Lumingon siya sa akin.

"What did you say?""I said," hinihingal na ako, "It's my fault. Not his."

Ngayon naman, sya naman ang lumapit sa akin. Mas mabuti na yun dahil ang sakit na
ng paa ko.

"How was it your fault?"

Think... think.. just think..

"I uh... I took a while at the bathroom. I didn't know that they'll gonna' close at
10."

Nagtataka naman siya sa akin nun. Hindi yata naniniwala.

"They have intercom at the mall. You can still hear it at the bathroom..""Yeah but,
I can't run! You know.. that's.. a girl day. Time of the month.""A what time?!?"

Nakakahiya yun pero wala na akong maisip.

"Please don't make me say it again. It freaks me off.."

Natawa siya. For the first time sa araw na ito napatawa ko siya. Buong araw na kasi
siyang nakasimangot.

"He waited for me. Then we got locked in. His phone.. I think... ran out of
battery."pero may battery nama yun eh, sinara lang ni Yex, "But anyways, don't
blame him. It's my fault.""Yeah, ok.. I understand. But you weren't my bestfriend
to start with who should inform me if you two have a date..""He's not my date. It
supposed to be a dude named Kyle. And I think, he and Heather had their car broke
down somewhere, so they didn't show up.""But still.. he should've..."

Ako naman ngayon yung nagtaka sa kanya..


"Let me ask you something.." lumapit ako kanya, "Why does Yex have to tell you
everything that he does? Why do you care so much?""Because..." hindi niya alam yung
sasabihin niya, "Because..."

Nakapamewang na ako at hinihintay ko yung sagot niya.

"Alright. I have nothing. I just felt bad. I don't know why.." sabi niya ng
mahinahon,"But for you, I will talk to Yex tomorrow and fix things up ok?"

Ngumiti na siya sa akin. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Pero kahit
papaano, nakakatuwa naman na makikipag-ayos na siya. Marunong din palang makinig
itong lalaki na ito sa akin eh.

Nung papaalis na siya, nandun na si Mama sa labas ng gate. Nandun na yung sasakyan
namin at sinusundo na ako ni Mama.

"Seth!"

Lumingon naman siya.

"What?!?""What do you mean about the Heather line you pulled up at the gym?"

Umayos siya ng tayo. Lumapit ng kaunti, pero hindi kasing lapit nung ginawa niya
kanina.

"Are you trying to steal Heather away from him because you're mad or something?"

Mukha siyang malungkot. Sumagot din naman siya.

"No. I wouldn't do that." tapos tinapik niya yung balikat ko, "I maybe mad with
Yex, but I wouldn't do that to him. I didn't just pull that off from somewhere.. I
think Heather has issues with Yex.."

Yun lang yung sinabi niya. Napasama nga yung pakiramdam ko nung sinabi niyang...

"She might actually break up with him. I don't know.""What?!? You're kiddin'.""I
wish I am. He still doesn't know. Maybe she will, maybe not. We'll see..."

*********

Umuwi na ako nun pagkatapos kong kausapin si Seth. Parang sumama yung pakiramdam ko
nung sinabi niyang may balak makipag-break si Heather sa kanya. Hindi kaya ako yung
dahilan? Kasi kapag ako, talagang sasama yung pakiramdam ko. Syempre naman, ako pa
yung magiging dahilan ng paghihiwalay nila. And I think.. I think that Yex really
likes Heather. Kasi yun naman sinabi ni Yex eh.. na.. he likes Heather alot.

Pero anong gagawin ko kung makipaghiwalay nga siya? Dapat bang makialam ako at
kausapin ko si Heather? Ano kayang magiging reaksiyon ni Yex kapag nakipag-break
yung girlfriend niya sa kanya? Isisi niya rin kaya sa akin? Ano kayang mangyayari?

Lalo tuloy akong kinakabahan nito eh...

"Hoy ate ano ba yan!" sinigawan ako ni Gabby kaya napatingin ako sa kanya, "Parang
'di ka mapakali sa channels ah.. lipat ka ng lipat. Akin na nga yang remote!"
inagaw niya sa akin yung remote at siya na yung nanood.
Kung normal siguro yung araw ko, makikipag-wresting ako sa kapatid ko para agawin
yung remote. Pero ngayon tingnan mo nga naman, naupo lang ako at hinayaan ko siyang
manood ng gusto niyang palabas. Masyado yata akong preoccupied ngayon.

Nung kakain na nga kami nung gabi na yun, ayoko sana. Sabi ko hindi ako gutom. Kaya
yung Nanay ko mapilit. Hindi daw maganda na nagpapalipas ng gutom, at hindi daw ako
dapat nagda-diet dahil bata pa raw ako. Kahit anong paliwanag ko na hindi naman ako
nagda-diet, pinakain pa rin ako. At least daw kahit konti.

Kinaumagahan nun eh hinintay ko talaga si Yex na dumating sa first period class


namin. Nasa pintuan pa lang ako nun dahil nga ayoko naman siyang ma-miss at
magkalayo kami ng upuan. Siguro mga 3 minutes before ng bell nakita ko siyang
naglalakad at nakayuko. May pinapagpag yata sa damit niya.

Hindi niya ako nakita kaya nung dadaan na siya, hinarangan ko naman. Pakanan niya
siya dadaan, sa kaliwa ko naman. Kaliwa niya, kanan ko. Finally napansin niya
yata..

"Hey will you please let me--" tinignan niya ako, "Aly, what's the matter?""I'm
just playing with you and I thought that--" tinignan ko yung shirt niya, "What
happened to your shirt?!?" tinuro ko naman yung shirt niya.

"It's that stupid bus. I didn't know that there's a gum in front of me and I leaned
on it. So, it's there. It ticks me off.." sabi niya na mukhang badtrip ng kaunti,
"So what's cracking?""Nothing." oo nga pala hindi siya pwedeng gumamit ng kotse
niya dahil grounded siya, kaya pala nagbu-bus siya ngayon. "Did Seth talk to you
this morning?""Why would I want to talk to that gay guy?" sabi niya kaya nalaman ko
na hindi pa pala sila nagkakausap.

"Don't call your bestfriend like that!" sinabi ko naman na may halong biro, pero
totoo naman.

"Fine. Why would I want to talk to that faggot?"

Sumimangot ako. Iniba lang niya yung term eh.

"A.. homosexual?"

Nakakainis 'to ah. Ang kulit.

"Alright.. alright. At least the term doesn't sound that revolting. What about
him?""Err.. nothing." ano ba yan favorite word ko na yung nothing ah, "I just
thought if you two were in speaking terms again.""No. I didn't talk to him.""Not
even on the phone?""I don't have my phone. My mom confiscated it remember?""Right."
oo nga pala daming inalis sa kanya, pero kaninong phone yung gamit niya kahapon
nung may kausap siya sa hallway? di ko na nga lang itatanong... "How about Heather?
Did you talk to her?"

Ginawa kong casual yung sound ko. Ayoko namang lumabas na may inaalam ako. Mukhang
hindi pa naman siya ganun ka-down, so ibig sabihin hindi pa siya dina-dump ni
Heather or something.

"I talked to her yesterday. She hanged up on me. I'll probably go to her house as
soon as I'm allowed to have my car back again." ginulo niya yung buhok niya, "Which
is not happening right now. My mom's really mad at me. I wanted to go yesterday,
but Seth and I were on a fight. Jim and Ed were sharing the same car and they had
football practice. I don't know. I miss her."

Naku ha, yung 'I miss her' line eh hindi mo na masyadong maririnig sa mga Americans
ngayon unless they're talking about their grandparents. Buhay pa pala yun kay Yex.

Pumasok na kami nun sa room. Dala na naman niya yung camera niya at kuha ng kuha ng
pictures. Palibhasa de-disk yung camera kaya kahit ilang beses siyang kumuha naho-
hold ng memory. Wala namang kwenta yung mga pictures siguro. Kung anu-ano lang
kasi. Yung isang picture ko nga eh yung natusok ako ng ballpen sa daliri ko at
dumugo. Naluluha na ako, kinuhanan niya ako.

By 5th period, magkasama na uli si Yex at Seth.. and Jim and Ed. Si Ed eh binati
ako. Tumabi pa nga sa akin eh. Si Jim, tumingin sa akin pero inwas din niya kaagad
nung napansin ko.

"Don't mind him. He's just like that." sabi ni Ed nung napansin niya na napatingin
ako kay Jim.

Nagtataka na nga ako sa PE class namin. Sabi sa amin separated ang guys sa girls
dahil weighlifters sila. Pero ngayon madalas magkasama. Bakit? Dodgeball ba naman
yung nilaro. Wala raw kasi silang gagawin.

'Guys, will you please take it easy on girls? Please don't thow those balls that
hard when you're trying to hit them.' sabi nung coach kaya natuwa naman kaming mga
babae kasi baka masakit nga naman yun,'But if you're trying to hurt somebody, let
it be the guys. Not the girls.'

Naglaro kami ng dodgeball. Malay ko ba na dapat nakahilera pala sa gitna yun at


tatakbo ka sa gitna kapag simula para makuha mo yung bola. Kapag natamaan ka,
syempre out ka.

Ilan beses akong tinamaan nung medyo chubby na lalaki. Hindi naman ganun kalakas
yung mga tira ng mga lalaki sa babae. Pero kapag lalaki na talaga sa lalaki, grabe
yung mga tama ng bola. Tumatalsik eh.

After 5th period dahil nga lunch na, dumaan ako uli sa office para i-check yung
mailbox ng Advice column. This time, 21 na lang yung mails. Kahapon nasa 33. Mas
konti ngayon.

Nandun si Ms. Wendy kaya nakiupo ako sa kanya para magsulat ng replies. Hindi naman
kasi ako gutom. May isa pa nga na sumulat about her parents, na masyado daw
mahigpit. Sabi ko naman intindihin niya dahil normal yun sa parents, and better yet
kapag talagang sobra na, kausapin niya. In a nice way. Sabihin niya yung mga
reasons niya and stuff.

Yung sumulat sa akin na guy tungkol sa friendship and stuff, sumulat uli. Sabi niya
na nagkakaproblema pa rin daw sila sa barkada nila every now and then, pero
nagkakaayos din. Nag thank you pa siya sa akin.

Habang nakaupo ako doon at hindi ko namamalayan yung oras, pumasok naman si Yex
doon. Si Ms. Wendy ang hinahanap niya. Inagaw niya sa akin yung isang sulat.

"ALY!" sumigaw siya kaya nagulat ako, "Why do you have Lola's letters?"

Kinabahan ako nun. Hawak-hawak niya yung isang letter na nakasarado pa.

"I'm just... I'm just counting them." yun lang unang pumasok sa utak ko.

"Counting them?" nagtaka naman siya, "Why?""Because.. I'm gonna' deliver it to Ms.
Wendy.""Do you know Lola?" tinanong niya ako kaya tumayo naman ako, "Or should I
ask, are you Lola?"
Tinaas ko yung index finger ko at tinuro ko siya.

"You!" tinuro ko pa siya lalo, "How could you ask me that? Do you think I'm the
kind of person that will put up with the advice column? Huh? You think so?"

Nagulat siya sa akin tapos tumawa siya.

"Err... maybe?" tumingin siya sa gilid, "I guess your answer would be No."

Bumaba siya doon sa table at nilapag nilapag niya yung camera.

"Anyways, we have a game this Friday again. Another Home game.""Another home game?"
nag-isip naman ako.

"Yeah. Then we'll have 2 away games, then it'll be homecoming week.""Ok." sabi ko
naman wala ako sa sarili ko dahil doon sa mga sulat, "I'll see you later."

Papalabas na sana ako kaya lang humawak siya sa braso ko.

"Didn't you hear me? I said, after two away games, it'll be homecoming week."

Inikot ko yung mata ko sa paligid.

"Alright. What should I react?"

Natawa talaga siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Paano ba naman nakatayo lang
ako doon na parang wala sa mundo.

"Do you even know what's homecoming?""No." sabi ko naman dahil hindi ko alam ang
homecoming.

Inexplain niya sa akin yung football season chuva, na may homecoming tienes.. tapos
bawat day.. big deal and stuff.

Tapos nung patapos na siya sinabi niya...

"In short, in 3 weeks time we'll have the Homecoming Dance."

Napatingin ako sa kanya ng de-oras. Anong.. anong Dance?

"There's a dance?""Yeah." tapos tinapik niya ako ng twice sa balikat ko, kaya nung
tumingin ako sa balikat ko, tinapik naman niya ako sa chin ko gamit ng isang daliri
niya, "And I think you should go." then nag wink siya.

Nauna pa siyang umalis sa akin kahit ako yung unang nagpaalam. Tingnan mo yung tao
na yun!

6th period na nga namin eh. Hindi pa niya ako hinintay parehas naman kami ng klase.
Naglakad tuloy akong mag-isa. Homecoming.. yun pala yung homecoming. Sus
proproblemahin ko pa ba yun? Sino bang maysabi na pupunta ako? Syempre hindi ako
aattend. Malay ko sa mga dances nila. Magmumukha lang akong ewan doon. Baka nga
mapahiya pa ako at walang magsayaw sa akin.

Nakipaglokohan lang ako sa Algebra class ko at lalong naupo lang ako doon sa
Spanish teacher ko para makinig sa bailar/hablar na yan na malay ko naman kung ano
yun.

Kaka-alarm nga ako pa yung nahuling lumabas dahil ako yung nahuling nagpa-check ng
workbook. Tumakbo ako sa pintuan para makaalis na ako nun. Ayun, ang lakas ng
pagkakabukas ko kaya naramdaman ko na may tinamaan ako pagbukas ko.

Pagtingin ko...

"Oh my God.. I am so sorry Heather.." si Heather nandito?

Hawak-hawak niya yung ilong niya. Kasi naman nagmamadali ako masyado.

"I didn't mean to hurt you. Do you want me to talk you to the nurse?""No I'm fine.
It hurts a little bit, but I'm fine." sabi niya.

Nung nakita niya ako, ngumiti siya sa akin.

"Hi Aly!" binati pa niya ako, "How'r'ya'?""I'm good." teka, mag-3 pa lang di ba?
Paano siya nakaalis sa school niya at nakabiyahe ng ganun kabilis? "Don't you have
school or something?""I didn't go to school today. I didn't feel like it." tumingin
siya sa paligid, "Have you seen Yex?""No I didn't. He just got out.""Ok, thanks. I
need to talk to him..."

Nung sinabi niya yun... parang yung kaba ko kahapon pa eh nag-ipon na sa dibdib ko.
Hindi kaya gagawin na niya yung iniisip ko na sinabi rin ni Seth kahapon?

Tumingin siya doon sa hallway at nakita niya si Yex na nakasandal doon sa locker.

"LLEXTER RANDALL!" sumigaw siya ng seryosong-seryoso.

"Heather?!?" nakita na rin siya ni Yex. "What are you doing here?"

Ang bilis-bilis ng lakad ni Heather. Kaya ako eh binilisan ko na lang din yung
lakad ko. Pasugod kasi yung itsura niya.

Galit nga yata siya. Kaya nga nung malapit na..

"What do you think you are doing?" tinanong siya ni Heather.

"What?!?" wala namang idea yung isa.

After that, Heather hugged Yex. Saglit lang din dahil humiwalay din siya kaagad.

"We need to talk." tinuro niya yung sarili niya saka si Yex, "Privately?""For
what?!""For what?!?" tinulak siya ni Heather pero hindi masyadong malakas.

Ngumiti si Heather... mukhang okay naman...

Then everyone went still when...

Heather slapped Yex.


Create a free website with

***19***

They didn't break up alright. Nagulat nga kami pare-parehas nung sinampal ni
Heather si Yex. Ni-hindi nga siya mukhang galit.

"Why did you do that for?" sabi ni Yex tapos hawak niya yung pisngi niya, "You
hugged me then you... slapped me?"
Mukhang gulat din siya. Si Heather natawa sa expression ng mukha ni Yex, kaya ako
rin nakitawa na lang. Si Seth, Jim, Ed, eh ayun, tumawa rin dahil nakita nila yung
nangyari.

First of, niyakap ni Heather si Yex dahil na-miss daw niya yung 'guy' niya. Kaya
ayun, niyakap niya dahil ang tagal din nilang hindi nakita. Well, 4 days daw. As
for the slap, uhmm.. the mall thingy. Sinabi niya na hindi daw tama yung ginawa
niya. Kung umarte daw siya eh parang hindi nag-iisip na may girlfriend siya. Nung
sinabi niya yun, tumingin siya sa likuran niya at may sinabi sa akin..

"Of course I'm not blaming you for anything Aly," sabi niya sa akin ng nakangiti,
"I knew from the start that it was all Yex's fault." nakangiti siya sa akin na
totoong ngiti, at alam mo na hindi sya nagkukunwari sa akin, tapos, humarap siya
uli kay Yex. "I'm mad Yex.. I'm not trying to be funny..."

Pero kahit anong gawin ni Heather, natatawa pa rin yung iba sa kanya, kahit kay
Yex. Hindi nga sila nag-break, nag-usap sila saglit ng silang dalawa lang.. then
after that mukhang okay naman sila.

Si Seth ang naghatid sa akin nung hapon na yun dahil si Mama eh hindi nakarating.
Pero ang sinakyan namin eh yung truck niya. 'Di ba last time yung kay Yex ang
gamit namin? Medyo... mas comfortable nga lang sa kotse kasi mas masikip sa loob ng
truck ni Seth.

Nung dumating naman na ang Friday, Away game naman ang gagawin namin. Kasama ang
mga staffer ng school na aalis kasam ang mga cheerleaders at football players
papuntang La Belle High, dahil doon gaganapin yung game. Sama-sama kami sa bus, and
mind you, hindi maganda yung amoy nung bus.

Mag-isa akong naupo sa pinaka-likuran. Sila kasi magkakakilala at tawa sila ng tawa
doon. Karamihan sa kanila hindi ko kilala. Ang medyo narerecognize ko lang eh yung
apat na lalaki na laging magkakasama, si Sam na isa sa cheerleaders na galit pa rin
sa akin, si Jianna, saka yung ibang naging classmates ko na nasa football team.. at
ibang cheerleaders.

Umupo sa tabi ko Seth nun. As usual, lagi naman simula nung kinausap ko siya na
magbati na sila ni Yex.

"Why're you sitting here all alone?" tinanong niya ako nung katabi ko na siya.

Nakatingin lang ako sa bintana. Hindi naman ako nalulungkot na mag-isa ako.
Actually minsan nakakatuwa pa nga na may peace in mind ka.

"I just.. wanted to." tumingin ako sa kanya saglit, "Is there something wrong with
that?""No.. of course.. nah.." ngumiti siya, "It's just that.. it's better if you
have somebody to talk to."

Nung nagba-biyahe kami, tinanong niya ako sa kamay ko. Sabi niya may ituturo siyang
game sa akin by hand. Kapag natalo ko daw siya, magaling ako. It's a stupoid game
really, paano ba naman maghahawak kayo ng kamay tapos susubukan kong makakawala sa
pagkahawak niya. Mahigpit siya syempre humawak, kaya mahirap.

Sumingit naman si Ed nun...

"Oh please Seth!" sabi niya tapos tinignan niya yung kamay ko, "That trick has been
gone at least a century."

Akala ko kung anong sinasabi niya...


"Aly, you actually believe this guy? He's just trying to hold your hand."

Inalis naman ni Seth yung kamay niya hindi dahil nahiya siya sa akin kung hindi
para batukan si Ed.

Nakitulong naman si Yex sa rambol nung dalawa. Parang kahit sila-sila lang
magkakasama ang saya na nila. Si Jim lang ang hindi sumali, tumingin sa akin, tapos
iniwas na naman yung tingin niya. Yung tao na yun hindi mo maintindihan. Pakiramdam
ko tuloy ang sama ko tignan dahil lagi na lang ganun. May electric current ba ako
na kapag nakacatch-up ko siya na nakatingin eh umiiwas siya?

La Belle High turned out to be a bigger school than Soutwest High. Yun nga, naupo
kami sa stands nila at nanood ng football. Ang daming nanood sa kanila. Si Yex,
wala na naman sa side ng mga staffer dahil nangunguha siya ng picture ng game.

Kasama ko si Jianna. I swear sobrang seryoso niya dahil panay ang sulat niya ng
details, scores, yard line.. basta yung mga ganun. Ang bilis pa niyang magsulat.
Ni-hindi ko nga maintindihan yung game kaya nakisali na lang din ako sa pagsusulat.
Hindi ko nga alam kung bakit ako nandito sa simula't simula pa lang. Hindi ko
naiintindihan yung laro. Mabuti na lang talaga eh nasa Straight News na ko kaysa
Sports.

Oh well...

Hindi naman masyadong eventful yung pagpunta namin sa La Belle High. Bukod sa naupo
kami doon, nanood ng cheerleaders at football players. Inaantok na nga ako nun.
Mahirap kasing manood ng game na hindi mo naman naiintindihan. Kasi naman,
nabobored ka. Nung inalis nga sa game si Seth, tumakbo pa sa inuupuan namin. Inalis
niya yung helmet niya, at umiinom siya ng Gatorade. Pawis na pawis siya. As in..
grabe.

By the end of the game, we lost. Medyo down ang spirit ng players pero ok lang. At
least nag-try sila. Medyo madilim-dilim na nung umalis kami doon sa school ng La
Belle. YUng ibang cheerleaders eh may mga sariling sasakyan na dumating doon sa
school, kaya hindi na sila sumakay sa bus. Kaya pagbalik namin doon, ilan-ilan na
lang din kami.

Maliban siguro sa tatlong cheerleaders, limang football players, ako, si Jianna, at


yung apat na kolokoy, wala na kaming kasama maliban doon sa driver. Panay ang usap
nila at ang ingay nila. Katulad kanina, ako lang ang naupo si likuran. Si Jianna
may kausap kasi.

"Yeah.. that dude.. what's his name? The quarterback.." sabi naman ni Jim, narinig
ko rin siyang magsalita uli, "Yes.. that guy. He kicked some butts.. I'll give him
that!"tapos ngumiti siya at tinuro niya si Seth."

"He didn't kick mine! I kicked his butt definitely!""Come on! I took a picture of
you with your head on the grass so stop..""Why do you always carry that stupid
camera?! The school paper's for jerks!" inagaw naman ni Seth yung camera pero
naagaw lang din ni Yex.

"I love photography... I don't care if it's lame on your part Seth." sabi ni naman
ni Yex."What's his name?"

"Who?" tanong naman ni Jim.

"The guy you're talking about.. the quarterback.."

"I don't know." tapos siniko niya si Ed, "What's his name Ed?"
"What?" tinayo ni ed yung ulo niya dahil mukhang natutulog na siya, "That
fag?"narinig ko na naman yung term na yun, "John said his name's Kyle. Or something
like that."

Parang narinig ko na yung pangalan, so napatayo ako. Pero syempre, hindi ko naman
na pinansin. Narinig ko na nga kung saan.. pero malay mo kung sino lang yun.

Siguro mag 30 minutes na kami doon sa bus at yung iba eh natulog na. Kasama sa mga
natulog eh yung football players sa pagod na rin siguro o dahil sa pagka-bored. Si
Jianna nakikinig ng music sa iPod niya. Yung cheerleaders, may sariling mundo. Ako?
Well.. at least nandiyan yung moon sa labas. You know what I mean? Mag-isa nga
langa ko na walang kausap kaya sa labas na lang ako nakatingin.

Then.. saglit lang may nag-flash na naman ng camera kaya nagulat ako.

"You need to get that tongue moving or you'll lose it.." ngumiti si Yex tapos umupo
ng mga isang upuan lang ang layo sa akin. "How are ya' doin'?""I'm alright..""Just
alright? Not even good? Not even great?""Nah.. just alright." sabi ko na lang kaya
tumingin ako sa labas uli.

"Did I mention that La Belle High's Heather's school?"

Tumingin ako sa kanya nung sinabi niya yun. Napansin niya na nagulat ako.

"Yeah. She's not there. She didn't go to school. She missed four days of school
already, just because she didn't want to go.." tumawa siya habang inaayos niya yung
camera niya, "She's lazy.. that's why she's barely passing."

Nagtaka naman ako doon.

"She's smart.. I'm telling you.. but she doesn't apply herself that's all."

Nagkwento lang si Yex. Kahit papaano nawawala yung antok ko. Kasi kanina bored na
rin ako.

Nung tinanong niya ako doon sa info na nakukha ko sa game, kinuha ko naman kaagad
yung backpack ko para tignan yung notebook at ipakita sa kanya. Kaya lang kakakuha
ko nung notebook eh may nahulog naman na papel doon. Hindi pala basta papel,
nakasobre pa. Nahulog doon sa paanan namin kaya kinuha yun ni Yex.

"Don't tell me you're counting Lola's letters again.."

Pagkatapos niyang sinabi yun, umalis na siya. Naupo na siya sa original niyang
upuan.

Ako naman, napatingin doon sa sulat. Alyanna yung nakalagay sa harapan, hindi Lola.
It means.. it's not for the Advice column.. para sa akin?

Teka teka.. ang weird naman. Ako may letter? Love letter? Secret admirer?

Nah.. it gives me the creeps when I think about it


Create a free website with

***20***
Kinilabutan ako doon. Grabe ako magkakalove-letter? I mean, America dito ah. Uso ba
yun sa kanila? Malamang.. nakatanggap ako eh.

Pagdating ko ng bahay, binuksan ko yung sulat. Natakot pa nga ako dahil baka
nakasulat doon eh something about Lola.. na nakilala na ako or something. Thank
goodness wala naman. It's actually a letter for me. Heck me.. Aly.. si Alyanna
Hernandez. Can you believe that?

Well, maniwala na kayo. Binasa ko nga yung sulat. Ito ba naman yung sinabi:

Aly,
how is it going? anyways i juz wanted to say hi, and that i wanted to let you know
that there's some guy out here who thinks you're so cool and all..
keep rockin'

it's me.

Ewan ko ba kung love letter yang maituturing. Pero siguro. Kung sino mang matino
ang naglagay niyan sa bag ko eh hindi ko na alam. Teka, paano nga pala nailagay yun
sa bag ko? Siguro nung iniwan ko kung saan. Hindi naman malabong mangyari yun. Ang
hilig ko kasing mag-iwan ng gamit. Siguro ganun nga yun. Sa susunod nga hindi ko na
gagawin baka kasi sa susunod eh manakawan na ako.

Nung nag Monday uli, unang-unang humarang naman sa akin eh si Seth. Tinatanong niya
ako kung okay daw ba ako. Kasama niya si Jim, na nanahimik naman at walang ibang
sinabi sa akin kung hindi 'hi'. Tinanong ko kung nasaan yung dalawa pang kolokoy,
ayun sabi ni Seth eh si Ed daw nakikipagharutan sa mga babae... si Yex naman eh..
si Yex pa rin. Hindi daw niya alam kung nasaan daw.

"He's probably somewhere taking pictures of a rainbow or something.."

Natawa sila parehas nun. Ako naman, napangiti pero hindi naman natawa.

Kaya lang yung tawa nila... hindi tumigil eh. Finally napansin ko na ako lang yung
hindi natatawa, tinanong ko na.

"What's so funny?"

Tumingin si Seth sa akin. Namumula na yung mukha niya sa kakatawa.

"We have rainbow issues. If we ever mentioned anything about the rainbow, you're a
faggot." sabi niya tapos tinapik niya si Jim at tumawa uli.

"Yex is not a gay..."

Tawa pa rin sila ng tawa.

"Wait.. is he?!?"

Parehas naman silang nagsabi na hindi. Yung mga yun halata mong ayaw sa mga bakla
eh. Kasi kapag may issue ng homosexual, parang pinangdidirian na nila.

Actually, gusto ko naman ang mga so-called "bading." May mga naging kaibigan na ako
sa orange area, at masaya sila kasama. By the way, orange area means, anything GAY.
They're fun to be with. Kaya lang ayaw ko naman maging rude or anything since
they're also humans and they have feelings, so I call them "orange area". Nung
sinabi ko nga yun sa mga kaibigan ko, sabi nila saan ko daw nakukuha yung terms ko.
Sabi ko naman.. baka kasama na rin ako sa "orange area". May sariling dictionary.
I got letters. Hindi lang kay Lola. Tinago ko nga sa bag ko yung mga sulat kasi
wala na akong time na magsulat doon sa office. May nagsulat sa akin na tungkol doon
sa kapatid niya na nagta-take daw ng drugs, eh hindi ko alam yung isasagot ko na
advice kaya tumagal ako ng tumagal.. ang-alarm na.

Hindi lang letters para kay Lola ang natanggap ko. May nakuha naman ako para kay
Aly. Este, para sa akin. The same guy. Paano ginamit na naman niya yung "it's me"
na linya sa dulo.

Alam mo ba sinabi niya?

'Why're you running last period? You seemed like you have too many things going on.
Hey, don't try do alot of things at a time. You know, it might get back to you one
day.
Take care of yourself.'

Since alam niya na last period ako tumatakbo, nalaman ko na baka kakalagay lang
yung letter na yun sa locker ko. Tumingin ako sa hallway, ang daming tao. Malabo
kung sino man yun.

Nilagay ko na lang yun sa libro ko. Siraulo na yun, stalker!

Well, 3rd period na namin. Nung naupo ako sa Physics class ko, late na naman na
pumasok si Yex. At hindi lang basta late, dala niya yung laptop galing sa second
period class namin kaya pinagalitan pa siya ng teacher namin na ibalik daw yun
dahil wala siyang pass na pwede niyang dalhin yun.

Overall, late pa rin siya.

Pero yun nga, speaking of Yex nung nakabalik siya, naupo siya sa tabi ko. Which is
odd, dahil never nga siyang tumabi sa akin sa class sa school.

"So you got a new letter?!?" yun ang unang dialogue niya sa akin.

Napatingin ako sa kanya. Paano niya nalaman yun?

"How did you know that?!?" napataas yung kilay ko.

Hindi siya tumingin sa akin. Tinaas niya yung paa niya doon sa upuan sa harapan
niya.

"Well first of, you look so dazed and all. I noticed that with girls. If ya'll are
thinking, you look so dazed and stuff. And second, there's a letter sticking out of
your book."

Napatingin ako sa libro ko. Oo nga, nakalabas yung sulat. Pero paano niya malalaman
na bago yun? Malay ba niya kung iyon pa rin yung sulat nung Friday?

"Still.. it's white. How did you know if it's new or not?""Because.." sabi niya na
parang tinuturuan niya ako, "The first envelope has a small dot at the back of it,
and that one doesn't."

Ang talas ng mata niya. Grabe naman yun! Paano niya nalaman yung details?

Binigyan lang kami ng laboratory work. Pero dahil nga tinuturo pa sa amin kung
paano daw gagawin at saan kukunin yung materials, discussion lang yun. Si Yex eh
bigla na lang humarap sa akin sa kalagitnaan ng klase tapos tinanong ako.

"What would you do if ever.. you knew somebody and you wanted to talk to her and
all.. but you can't get her to talk to you.." nalito yata siya, "You got me?"

Diretso pa rin ako sa pagsusulat. Hindi man lang ako tumingin sa kanya.

"All you have to do is to get her to trust you. That you're not some kind of a
crackpot who only wants to talk to her to get something.." tinignan ko na siya this
time, "Simple as that. You got me?"

Ngumiti siya sa akin tapos tumaas yung isang kilay niya.

"That's what I thought.." tapos nagsulat na siya.

Nung nag-alarm na naman at tumakbo ako sa labas, dumaan si Zachary, yung


quarterback ng football. Sa katunayan ang gwapo talaga nun. Kaya nga nung dumaan eh
nanginginig yung tuhod ko nung kumaway siya sa akin.

May tumapik nga sa balikat ko, paglingon ko eh umiiling. Syempre sino pa?
Nakakahiya, napansin niya yata ako. As if naman papansinin ako nung Zachary na yun,
eh senior yun eh! He took a picture of me. Nung nakanganga ako, magkasalubong yung
dalawang paa, at nakatingin sa direksiyon ni Zac. He said, 'that's a great evidence
that you're into quarterbacks..' Bago ko pa siya nabatukan eh nakatakbo na siya.

May nagsalita naman sa intercom. May inaannounce lang para sa next week activities
nung pagitan ng classes.

"...we will see you at the game this friday at Naples!" sabi nung babae na hindi ko
kilala kung sino, "And of course, the homecoming week's next week. Be sure to show
your school spirit. Also, get those feet moving 'coz the Homecoming Dance, A Moment
In Time will be the week after this one. Be sure to purchase your ticket. Please
see a junior..." and of course daming blah.. blah... "See you there!"

Honestly, hindi ako interested sa Dance. Wala talaga akong balak pumunta. As in
WALA. Sila pagka-aannounce nun, nagbulungan. Something about dress, something about
gown, something about silver, and something about dates. And oddly, something about
Prom. Kinuha ko lang yung libro ko at dahil nga nag-alarm na at late na ako, hindi
ko na nailagay sa bag ko at hindi ko na naisara.

Nung papalakad na ako sa class ko, nakita ko si Seth at si Yex na magkasama at


sinipa nila yung pintuan ng Spanish class. Ang lakas ng pagsipa nila tapos tumingin
sila doon sa window ng pintuan, then tumakbo. Lumabas naman yung Spanish teacher at
magkasalubong yung kilay.

"I know who you are Mr. Hendrix!" sumigaw sya tapos bumalik na sa loob ng room.

Dahil nakatingin ako doon sa Spanish Teacher namin eh hindi na ako tumingin sa
dinadaanan ko. Sumunod na lang na nalaman ko, nakaupo na ako sa flat sa floor, ang
sakit talaga. Feeling ko nga nadaganan ako ng sampung brix. Hindi lang yung libro
ko yung nasa kandungan ko, may lalaki pa. Pero tumayo din naman siya.

"I didn't mean to.. --tryin'--class--nurse--help--" tapos napatingin siya sa akin,


"I'm sorry."

Nung nasa sarili ko na ako, inayos ko na yung bag ko.

"It's alright Jim. I'm the one who wasn't looking.."

"I can help you with those.."

Sinabi ko huwag na, pero tinulungan niya akong ayusin yung gamit ko. Nagkalat yung
binders ko, notebook papers, yung letter galing kay 'it's me' guy.. mga letters na
I doubt na nakita niya dahil kinuha ko kaagad..

Hawak niya yun tapos inabot niya sa akin. Halata mong iba na yung expression ng
mukha niya.

"Thanks for helping me.." sabi ko naman.

Nag-nod lang siya.

"No prob." sabi niya tapos umalis na din siya kaagad.

Naglakad na ako papunta ng klase ko. Late naman na ako, bakit kailangan ko pa
tumakbo? Ganun din naman...

Then a weird thing just happened. Tumakbo siya sa tabi ko nun. Then sumabay sa
akin...

"Aly! ALy wait up!"

Huminto naman ako nun. Syempre si Jim yun, bihira mangayari na kausapin niya ako.

"Yeah?"

Tumingin siya sa paligid niya as if tinitignan kung may nakikinig ba o ano.

"Do you have a date at the Dance yet?"

Napatingin lang ako sa kanya. Actually, tumaas yung kilay ko.

"No." sabi ko naman, "Why?"

Then after that he said...

"Ok." uso rin pala super weird sa America noh!?


Create a free website with

***21***

Baliw nga siguro si Jim. Ang weirdo ng tao na yun. Pero yun nga, malamang weirdo
siya kasi kaibigan niya ba naman si Yex at si Seth. Mas worse, kaibigan niya si Ed.

Sa kanilang apat siguro, si Ed ang pinakanakakatawa. Yun nga lang si Ed naman yung
pinakamalandi pagdating sa mga babae. Okay, dapat walang makaalam nito pero
nabanggit ko ito sa kapatid ko na si Ynah. Pero yun nga, sabi niya ganun daw mga
teenagers. Mas marami nga siya alam sa akin.

Anyway, ito yung tinutukoy ko. 5th period class namin. Gym. Yun lang naman yung
class na nandoon yung apat at classmate ko sila. Nakaupo ako doon sa gilid dahil
notes taking kami ngayon tungkol sa muscles. Naririnig ko yung apat nnagdadaldalan
sa pinakataas at hindi nakikinig sa P.E. Teacher namin at Coach. Una kong narinig
si ed..

"Yeah.. that would be cool? Isn't it?" sabi naman ni Ed tapos nung tumingin ako sa
kanila sa gilid ko eh nakita ko na siniko niya si Jim, "Right?"
"Yeah, okay Ed." sagot naman ni Jim, nakangiti rin siya.

Hindi ko na lang pinansin nung simula. Kasi naman, hindi ko naman naiintindihan.
Isa pa, baka kung ano lang yung pinag-uusapan nila. Pero mahirap iwasan, ang lakas
ng tawanan nila.

"Alright!!"

Nakipag Hi-5 si Seth. Or is it High 5? Ano ba spelling? Teka, bakit ba pinoproblema


ko spelling hindi naman nila alam kung mali spelling ng iniisip ko?

O siya... nakipag 'give me five' siya. Mas madali pa yun.

"Girls love that. I know. So are ya' gonna' do it?" panay naman tanong ni Seth.

"Of course! I've been making out with her..." inayos niya yung rubber shoes niya,
"I wanted to try other stuff.."

Si Yex naman kinulit nila. Ginulo nila lalo yung buhok eh magulo na nga. Ewan ko
kung bakit parang wala sa mood yung tao na yun.

"Please don't drag me down with ya'll." nakatingin siya sa paanan niya.

"What do you think of my plan? Do you think it's cool?" tinanong siya ni Ed. "Yex
what?""Do you really want to know what I think?" tinignan siya ni Yex.

"Yeah, dude."

Tinapik niya sa balikat si Ed. Hindi lang basta-basta tapik, parang malakas dahil
napahawak si Ed sa balikat niya.

"I think it's bunch of bull." hindi siya naka-smile, "What's cool about having sex?
I mean, what's up with teenagers with raging hormones thinking that having sex is a
cool thing in high school?"

Sumagot naman si Seth.

"Well, everyone does it.""Everyone? HELL. Between you and me, we've never done it."
tinignan niya si Seth ng seryoso, "Unless you're not telling me something."

Sinuntok ni Seth si Yex pero yung suntok na pabiro lang.

"Shut up Yex before I kill you." tumingin siya kay Ed.

"Can we talk about something else?" sumingit naman si Jim na parang na-bored na.

Si Yex naman ngumiti. Tapos pinagdikit niya yung forehead nila ni Jim, which is...
siguro nga guy thing.

After kong marinig yun, kinilabutan ako. Pinag-uusapan nila yung three letter word?

Ano bang dapat i-react ko? Eeew. It's not 'eew' when you love the person. But I
can't help it this time.. eeew. No offense guys.. kinikilabutan ako.

Si Ynah, parang expert. Nung sinabi ko sa kanya yun inexplain niya sa akin as-a-
matter-of-factly na tono na hindi daw maiiwasan yun dahil lalaki sa kanila. At
inexplain din niya sa akin as-a-matter-of-factly na hindi daw maganda na nakikinig
ka sa usapan ng may usapan.
"Kasalanan ko ba na ang lakas ng boses nila? Kapag may narinig ka minsan, 'di mo
rin maiwasan yun!" siyempre pinagtanggol ko yung sarili ko, although totoo naman
yung sinabi niya.

"Ano naman yang nakaipit sa libro mo?" tinuro niya yung sulat doon sa libro.

Bago pa ako makasagot sa tanong niya, hinila niya yung sobre at tinignan niya.
Tapos nung inaagaw ko na, binalik niya sa akin.

"Love letter yan no?" hindi naman siya mukhang nang-aasar, sa katunayan binalik
niya yung tingin niya sa homework niya.

"Hindi no." pero naramdaman ko na namumula yung mukha ko.

Tatlong sulat galing kay 'it's me guy' ang natanggap ko ngayon. Ang sipag nga eh.
Nung una tinatanong ako kung kumusta ang araw ko, as if naman makakasagot ako eh
hindi ko naman siya kilala. Dumaan na naman si Zac, yung senior pero this time
hindi siya ngumiti sa akin. Hindi niya yata ako nakita.

Yung isang sulat eh nagkukuwento tungkol sa football. Ayun, napaisip tuloy ako.
Football? Hindi kaya football player siya? Sabi niya manood daw ako ng second away
game nila sa Friday. Syempre kailangan ko siguro manood, dahil staffer ako ng
school paper.

The third letter was a total mess. Yun nga siguro yung ikina-blush ko. Kung blush
man ang tingin kung pakiramdam ko nag-iinit yung mukha mo.

Ito yung sabi...

Is it okay if I ask you to the Homecoming Dance? I know it's kinda' early and all,
but better early than late right? It's next week... so please let me know your
answer.

it's me.

Grabe, ang sama ng pakiramdam ko nun. Pakiramdam ko masusuka ako na hindi ko


maintindihan. Paano ba naman may nagyaya sa akin sa Dance eh hindi ko naman kilala.
O baka naman kilala ko???

Sinabihan ako ni Ynah na mukha akong ewan dahil nakatulala ako tapos namumula yung
pisngi ko. Binatukan ko lang siya at bumalik na ako sa kwarto ko. Hindi ko nga alam
kung bakit siya pa ang kinausap ko. Siguro gusto ko lang ng may masasabihan sa mga
nangyayari sa school. Si Jianna kasi ano eh... busy. With a guy. May date daw siya.
Which... in fact, hindi ko alam kung sino.

But anyway, speaking of letters, 10 lang yung letters ng Advice column.


Nakakalungkot nga. And since malapit na yung Homecoming dance, 7 sa sulat tungkol
doon. Mga tungkol sa paghahanap ng date, gown, tamang approach... pagsayaw.. mga
ganung bagay. AKo naman na feeling expert sa pagbibigay ng advice, nagsulat ng
nagsulat. Akala mo naman ang dami kong alam, eh samantalang ako eh hindi ko
masolusyunan mga problema ko.

One thing, si 'it's me guy'

Second thing, si Zac. Crush ko na yata yung senior na yun. Ewan ko.

Third thing, yung narinig ko sa apat na kolokoy. Bwisit na mga yun ginulo isip ko.

Fourth, may date si Jianna tapos ako wala?


Fifth, yung weirdo na si Jim. Matapos magtanong hindi na ako kinausap.

Hindi naman talaga problema yung mga nasa akin. Pero syempre, lahat naman ng
teenager meron. Wala akong maisip, kaya ayan na lang siguro.

Isa pa pala, si Sam. Siya si, cheerleader-natapunan-ko-ng-ink-girl. Kaaway pa rin


niya ako. Li-lo na siya. Hindi na siya masyadong sikat sa school. Bakit? Kasi ayaw
na siya ng mga jocks. Kasi naman, ang daldal kasi.

Nung free period namin ng English class, nakaupo lang si Yex doon at nakataas yung
paa. Okay din pala na may common classmate ka kapag nasa school. Si Yex yung akin,
dahil nga parehas kami lahat. Except gym, kasi nga weightlifter siya at iba
grading.

Pero yun nga, medyo addict din siya sa pagkuha ng camera. Hindi ako makagalaw nung
binanggit niya sa likuran ko yung...

"Got some strange letters lately?"

Hindi ko makuhang tumingin sa kanya. Nag-iinit yung mukha ko. Could it be...

"I know you do. Aly."

Fine. Tumingin ako sa kanya. Hindi ko mapigilan eh. Kunwari inosente effect pa ako.

"If you already knew, then why're asking me again?" sarcastic pagkakasabi ko, pero
may halong biro.

"I just thought I might ask you." tapos tinuro niya yung ulo niya na para bang
sinasabi niya na ang talino niya.

"Whatever." ang-roll ako ng mata ko. "How did you know about the letters?" pasimple
pa, pero gusto ko lang na aminin niya na siya nga.

"Why don't you ask yourself? You already know the answer and you're asking me?"

God, can this guy be more annoying? Tumayo siya tapos tinapik ako sa balikat ko.
Ang hilig nga niya mag-tap sa balikat. Habit niya na siguro. Lumabas siya kahit
bawal, pero sanay naman na yan sa referrals and stuff.

I can't believe Yex is 'this is me' guy. I mean, heck.. alam niya details and
stuff.. bakit ba ang bobo ko? Kanino ko ba namana ito? Kay Ynah?

Gusto ko siyang habulin at tanungin doon sa mga sulat niya. Kung bakit? Paano si
Heather? Kaya lang di ko magawa. Nahihiya ako eh. I mean, si Yex yan. Niyaya ako sa
Homecoming Dance.

At some angle, hindi naman niya sinabi na may gusto siya sa akin sa sulat. Sabi
lang niya cool ako. Ironic nga, dork nga ako sabi ni Sam. Pero bakit niyaya niya
ako sa Dance? May problema kaya sila ni Heather?

Then nagsimula akong maging aware. Si Yex. Ang weird. Mas weird pa siya kay Jim
kung ganun.

Kahit ayaw ko, dinala na lang ako ng paa ko sa pagtakbo ko sa labas. Binuksan ko
yung pintuan dahil alam ko nandiyan lang yun sa labas at baka nangunguha ng
pictures.
Kaya lang paglabas ko, may nabangga naman ako. Pero this time, tumama yung ulo ko.
Ang sakit.

Ang masama lang, ang init ng ulo ko. I mean, not literally. Napikon ako. Kasi naman
bakit may tumatakbo sa hallway! Bawal yun! Sabi sa school rules. Pero ako wala
akong kasalanan, kasi palabas ako. Tumatakbo ako sa room pa rin technically... kaya
wala akong kasalanan. Wala akong na-break na rule.

Isa pa siguro sa nakainit ng ulo ko eh may tumatawa. Si Yex. Tinutok niya yung
camera, at kinuhanan ako. Tinignan ko siya ng masama.

"YEX! AAARRRRGGHHH!" hindi pa ako nakatayo nun dahil ang sakit ng ulo ko.

"Aa-Alyanna Hernandez?!?" sabi nung isang lalaki na naging sanhi ng magiging bukol
ko siguro in the future.

Ako naman, naiirita na eh tumingin sa kanya.

"WHAT?!?" and I swear, nagulat siya sa reaction ko.

At that moment, pinagsisihan ko yun. Paano ba naman tinulungan niya ako tumayo, at
nag-sorry naman siya. And ako naman si aanga-anga, sinabi na lang eh...

"A-HA-HA.." pilit na pilit yung tawa ko, "I might get my head back." tapos
hinawakan ko uli, "A-HA-HA, it actually cracked." sabi ko lang yun dahil nagbibiro
ako, "Wait, you know me Zac?"

Parehas sila na nakatingin sa akin na nanlalaki yung mata. Akala siguro nila eh
siraulo ako. Siraulo nga siguro ako. Pinilit ko uli tumawa, pero hindi sila
natatawa.

"A-HA-HA.." hindi na ako ngumiti, since pilit naman talaga tawa ko.

"Hey I didn't mean to--" nag-eexplain pa sana si Zac.

"It's okay, Zac."

Napakunut-noo siya.

"I'll see you then Alyanna." tapos umalis na si Zac na parang kakaiba yung
expression.

Tinignan ko siya maglakad. Ako naman eh nakuha ko pa nagpaalam.

"Take care! I'll see you there! Incidents like that are rare-- And I swear--""HEY..
STOP!" napahinto naman ako.

Napatingin ako kay Yex. Nakatayo pa rin siya sa position niya. Pero ngayon, hindi
na siya nakatulala sa akin.

"Please tell me you didn't do that." umiling siya.

"Did what?!?""GOD, you're annoying!" sabi niya at seryoso siya.

Dinikit niya yung fist niya sa pisngi ko.

"But I have to admit, that's some funny stuff." natawa naman siya.

Sumimangot ako. Siya naman yung reason kung bakit ako nabangga. Nagiging habit ko
na nga mabangga, si Jim.. si Zac.. sino kaya sa susunod?

"It's not funny..""You have your own ways to be different do you?" sabi niya nung
hindi na siya natatawa, "You're unique. I'll give you that." tumayo siya malapit sa
akin kaya kailangan ko pa tuloy tumingala, "Oh yeah, why did you run outside
anyway?"

Napalayo ako ng de-oras. Nalimutan ko yung pakay ko. Hindi ko tuloy masabi. Ayoko,
nahihiya ako kahit konti. After nung mini-acrobatic ko at speech, hindi ko masabi
yung gusto kong sabihin. Thinking na si it's me guy nasa harapan ko na.

"Extra Credit." yun lang pumasok sa isip ko.

"Extra Credit? What does that have to do with you running outside?""I'm trying to
solve a problem."

Pinapaikot ko lang siya. Kapag nawawala ako sa sarili ko, huwag niyo na ako
intindihin.

"What problem?""A crime.""What crime?" sabi niya na nalilito pa, "You mean like
Angelie Tan trying to break in the office for the exams or something?"

Ako naman eh, nakipaglokohan.

"So there is a crime!" sabi ko nama sa kanya, "HA! I knew it! It's Angelie Tan!"
tinuro ko siya, "Who is she?""She's just an example! The first name that popped
into my head." tapos nalito siya sa akin, "Wait, you knew Angelie Tan?"

Parehas kaming nagtinginan na dalawa tapos nanahimik.

"No. I don't know her." sabi ko naman, "You?""Me neither." sagot naman niya.

"Oh well, got to go. I have to go to the bathroom.""Okay."

Nung naglalakad na ako papunta sa kabilang direksiyon, napahawak na lang ako sa ulo
ko. Sus, akala ko naman kung ano na. ang galing ko talaga...

To be honest.. we'll make a good team. Natawa rin siya eh sa hallway mag-isa. Then
ako naman, nagdiretso na ako sa bathroom dahil naiihi na ako kakatawa.

Geez...

We're both crackheads.


Create a free website with

***22***

Ang siraulo namin ni Yex. Kahapon nangyari yun, mabuti na lang medyo limot na.
Hindi ko yata kakayanin na alalahanin pa yun. Paano ba naman nakakahiya.

Kay Zac pa man din ako napahiya? Sheessh.

Isa pa, ayoko na sanang i brought up yung issue. Paano ngayong umaga, nakakuha ako
ng dalawang letter dahil kay 'it's me guy'. Isa sa locker ko sa hallway, isa sa
locker ko sa PE. Hindi ko naman alam kung paano napunta yun sa locker ko sa PE
since girls lang naman ang pumapasok doon. Ano namang ibig sabihin nun? Nag-snuck
siya sa loob ng PE?

Bahala na nga. Kinakabahan na talaga ako doon ah. Hindi ko rin alam kung bakit it's
me guy pa rin ang tawag ko. Eh si Yex naman na yun. I mean, alam niya yung detail
nung letter. Alam niya kung may dot o wala. Siya rin yung nagsabi na may strange
letters daw ba akong nakuha. Siya rin yung katabi ko sa bus nung natagpuan ko yung
unang letter, which, hindi malabong naihulog niya sa loob nung iniwan ko doon or
something. At isa pa obvious ba? Madalas nasa hallway yung si Yex, whether late na
siya or hindi wala siya pakialam. Ang dali-dali niyang isuot yung sulat sa locker
ko.

At hindi rin malabo na nag-snuck nga siya sa locker room ng mga babae para lang
isuot yung envelope na yun sa locker ko. He seems to be the type of guy na walang
pakialam sa trouble. Syempre, yung sa mall nga na grounded sya wala lang ito pa
kaya?

Nung lunchtime na, kasabay ko si Jianna nun. Papunta na kami sa cafeteria.


Nakasandal ako sa locker ko nung makuha ko yung second letter. Nakita ko na naman
si Zac, dumaan na naman siyempre. Kumaway pa nga eh, kaya ngumiti na lang ako. Kaya
ayun, itinago ko tuloy yung sulat.

That's when realization struck me. Everytime na nasa locker ko ako, or kaya naman
nasa hallway papuntang locker, laging nakakalat si Zac. I mean, how many times mo
bang makikita ang isang tao na dumadaan lagi sa locker mo sa isang araw? Malamang
ilang beses lang since iba-iba kayo ng klase. Malamang din eh hindi. May
possibility kaya na si Zac?

Ano ba naman yang pinag-iisip ko? Si Yex na nga umamin na ang OA ko.

"Are you alright? You look kinda'... sick." sabi sa akin ni Jianna nung nasa
cafeteria na kami.

Totoo naman yun, siguro nga magkakasakit ako. Sa utak. Kakaisip siguro doon sa guy
behind the letters which is si Yex na nga. Ang labo naman ng tao na iyon!

"I know, I kinda' feel sick." yun na lang sinagot ko.

"I think you should go to the nurse.." tapos humawak siya sa kamay ko, "Do you have
your period or something?"

Napatingin ako sa kanya at nagsalubong yung kilay ko.

"Eew, no." sabi ko dahil kumakain kami ng spaghetti nun na nilalaro ko lang sa
tinidor ko, "I just feel like I'm sick. Psychologically. So drop the whole freaky
period thing okay?"

Sa totoo lang, ako yung tao na medyo ayaw pinag-uusapan yung bagay na yun. Although
alam naman na nating lahat na pambabae nga yun, ayoko lang iniisip.

Habang nasa cafeteria, Jim's no help at all. Iba yung table nilang apat sa amin.
Medyo mga dalawang table from ours. Doon sila sa so-called "in" table. He kept
looking at me, then kapag nagkakataon naman na nagsasalubong kami ng tingin, iiwas
na naman niya. Gusto ko tuloy siyang tusukin ng tinidor, hindi ko lang magawa.

At some point, pinaghinalaan ko rin siya na siya si 'it's me guy.' Bakit? Niyaya
lang naman ako nung tao na nagsusulat sa akin sa homecoming. At sino ba ang pinaka-
close sa pagyayaya sa akin sa Dance? Si Jim pa lang naman di ba? Siya lang ang
nagtanong kung may date na ako. As if naman may magyaya sa akin ng personalan.
Nung nag-alarm na dahil tapos na nga yung lunch namin, dumiretso ako sa Algebra
class ko. Dahil nga boring yung Algerba class ko at doon ako madalas gumagawa ng
pagrereply sa Advice column, doon ko na rin binuksan yung letter ni it's me guy. Or
whoever he is.

6 words lang yung nakasulat.

Talk to you later.

It's me.

Napatingin ako sa direksiyon ni Yex, na nagsusulat ng problems ng matrices or


something. Nasa kabilang ibayo kasi ang upuan niya. Katulad nga ng sinabi ko, ayaw
niyang umuupo sa kahit anong upuan na malapit sa akin. Feeling ko lang naman.
Tinitigan ko siya mga 10 mins siguro, ganun katagal. Siguro may pagka psychic siya
o nakaramdam ng kilabot at may nakatingin sa kanya, nakita kong humawak siya sa
batok niya. Tumingin siya sa direksiyon ko. Then he waved a little bit. And he
smiled.

At that very moment, I knew it's not Yex. Bakit? Kung umamin nga siya sa akin sa
English class katulad ng ginawa niya kahapon, e di dapat Yex na lang ang sinabi
niya dahil nga umamin na siya. Why bother writing 'its me' right? Isa pa, si Yex
siguro yung tipo ng guy na walang alam sa panliligaw kundi date lang pero alam ko
naman na loyal siya kay Heather. Alangan namang yayain na lang niya ako bigla. Ang
weird naman nun.

In my mind, I crossed out Yex.

Nagulat na lang ako nung tinawag ako nung Algebra teacher ko.

"Alyanna, answer problem number 6."

Napatingin ako sa libro ko.

"It's, the function of 3 times the quantity x+2 squared plus 21." yun ang sinagot
ko.

Lumapit siya sa akin at tinignan yung libro ko. Ngumiti lang siya sa akin. See?
Kahit hindi ko nakikinig may alam din naman ako.

"That's the right answer for number six Alyanna, on page 214. Those vertex forms
problems. However, we're on page 109, problem number 6. I know that you knew most
of the stuff in Algebra 2, but that's no reason not to listen okay?"

Mukhang hindi naman siya galit, pero nakakahiya. As if I mind at all. Lagi naman
akong napapahiya. Kapag tumatagal, nagiging immune ka na rin.

Well, hindi rin. Kasi tumawa si Yex ng malakas, nanliit ako.

Nung 7th period na namin, nataranta naman ako. Sabi nung tao sa sulat, talk to you
later. Walang specific time. Does that mean in between classes? 7th period? What
time? Bigla na lang ba niya akong susugurin? Kakausapin niya ako para sa ano?

3 mins lang ang pagitan ng classes kaya malabong kausapin niya ako. Wala namang
kumausap sa akin. Bawat minuto nga nakatingin ako sa orasan eh. Ang bilis ng tibok
ng puso ko. Kaya nga nung binigyan kami ng worksheet at umikot si Yex para kausapin
ako, napatalon ako sa gulat.

"Hey are you okay?" sabi niya dahil muntik na akong tumaob sa upuan ko, "Can I ask
you something?""Uh.. sure." sabi ko naman medyo nanginginig na yung boses ko, "You
can ask me."hindi ko siya tinignan sa mata niya dahil hindi ko na carry, "As long
as it doesn't concern some stuff that'll be alright." then nagbukas ako ng libro sa
page na hindi ko naman alam kung ano, "English? Math? BST1? It's okay."

Nung tinignan ko siya, parang naweirduhan siya sa akin.

"I was just gonna' ask you about number 1. What does 'cantar' mean?" sabi ko nga
Spanish.

Kung anu-ano kasi iniisip ko eh.

"Oh.. of course that's the thing you'll gonna' ask." napaisip ako, cantar.. ano na
nga yun? Nasa dulo na ng dila ko, kapag kabado ka ba nalilimutan mo bagay-bagay? "I
think it means to speak."

Or is it comer? or Hablar? Bailar? Cantar??? Ano na nga ba yun?

Hindi bale, nasabi ko na eh. Wala nang bawian. Tama man siya o mali.

"Really?" sabi naman niya na medyo nalilito, "I thought it means pork." ngumiti
siya,"Thanks." tapos yumuko siya sa sinusulat niya.

Yex didn't talk to me hanggang matapos yung period. It turned out, naging busy siya
sa Spanish worksheet niya. Nung nag-bell nga, kunwari nagpatagal pa ako sa
classroom pero ayoko lang lumabas ng hallway. Ayokong makausap kung sino man yung
tao na yun. Nung natapos din ng klase saka ko naisip yung meaning ng 'cantar', 'to
sing' pala. Kung ano pa yung naituro ko kay Yex.

Unfortunately, lumabas na rin ako. Hindi naman pwedeng magtagal ako doon dahil
aalis din naman yung Spanish teacher namin. Nung nakarating ako sa locker, iilang
na lang yung tao dahil nagmamadali yung iba na makasakay ng bus. Mahirap na kapag
naiwan ka ng bus, naiwan ka na. Wala silang balak na balikan ka pa.

Nung ako na lang yata yung naiwan na nagbubukas ng locker ko doon sa bandang dulo
ng hallway, kinuha ko na lang yung mga libro ko na hindi ko alam kung para saan
dahil wala na ako sa sarili ko. Humarap ako sa kanan ko at nakita ko na papasok ng
hallway si Zac.

Yes, si Zachary. Yung senior na nakabangga ko.

Nabitawan ko yung mga gamit ko, kaya sinuot ko yung ulo ko doon sa locker. Baka
hindi niya ako makilala or something. Nakakahiya pa rin yung nangyari kahapon.

Nung sumilip ako sa butas ng locker ko, malayo pa siya kaya kinuha ko yung mga
nahulog kong gamit. Masyado lang akong ninenerbiyos. Of course, nagmadali ako para
hindi na niya ako makita. Kaya lang habang nakaupo ako at inaayos ko yung gamit
ko,nakita kong may rubber shoes na huminto sa harapan ko. Nakatingin lang ako sa
sahig.

Umupo din siya. Nakangiti siya sa akin. Ang bilis ng tibok ng puso ko nung sinabi
niya na...

"Aly, I think you dropped this one." tapos inaabot niya sa akin yung letter na may
pangalan ko sa labas pero hindi pa nabubuksan.

Natulala ako sa kanya. It's him. I can't believe it's him. Walang ibang lumabas sa
bibig ko kung hindi..
"Thank You."

Nag-lean siya doon sa locker kaya pagkasara ko nung locker ko, mukha niya kaagad
yung makikita mo. He's cute, totally. Tapos iisipin mo siya yung nagsusulat sa 'yo?
Well...

"Okay, I just wanted to ask about this.." nagkamot siya ng ulo niya na parang
alanganin, "Homecoming Dance.""Oh yeah?" sabi ko naman at pinipigilan kong ngumiti,
"What about it?""I know we're not that close and all.." nahihiya pa siya.

"I know that. But it's okay. If you're too shy to tell me, it's okay. It's obvious
on what you really wanted to ask me.""Really?" tumingin siya sa likuran niya, "It's
that obvious?""Sure."

Tumayo na siya ng maayos at hindi na siya sumandal sa locker. Naku naman, halata
mong hindi na siya ganun kabado.

"Well, I didn't know this will go better than I thought." huminga siya ng malalim,
"You know, Jianna's one of the girls that I really---"

Then napahinto ako. Did he just say...

"Jianna?" napataas yung dalawang kilay ko sa gulat, "Jianna." inulit ko pa.

"Yeah." tumango-tango siya. "That's why I kept going round and round the hallway
because I really wanted to talk to you about her." parang nagsi-sink na yung
pakiramdam ko, "You think you could put in a good word about me? I really wanted to
ask her to the dance and I don't know if---"

Hindi ko na tinapos yung sasabihin niya.

"I'm sure she'll say yes."

Hindi siya makapaniwala. Sinabi lang niya yung salitang 'Wow, thanks' then tumakbo
na siya.

Okay, napahiya ako doon. Sa sarili ko. Nag-assume kasi ako na siya si it's me guy
at yayayain niya ako sa Dance. Whatever.

Then dumating si Yex at nakita niya ako. Tumatawa siya.

"What's with that expression?""NOTHING!" sumigaw ako pero hindi naman ako galit,
"Are you here to try and aggravate me? Because you know, I've had enough of that in
one day.""Why would I try and aggravate you?" sabi niya naman ng nakakalokong
ngiti, "Oh yeah, you've had enough pressure than I thought because you have those
letters and stuff.""What are you talking about?""Oh please. If you're Lola, don't
deny it."

Geez. Sinasabi ko na nga yung letters na sinasabi niya sa English class eh hindi
tungkol sa letters ni it's me guy kundi ni Lola. Lagi nga pala niya akong inaasar
na ako daw si Lola, which is totoo, kaya lang pang-asar lang niya yun dahil nga
sinabi ko noon na nagbibilang ako.

"I'm just kidding you know. I know you're not Lola because you're not that type of
person who will fool around and give advices into that doof kind of thing. I mean,
it's just a complete waste of paper." ginulo niya yung buhok ko, "I'll see you
later."

Umalis na si Yex nun. Naglakad na ako pauwi at medyo galit ako sa mundo. Una si
Zac. Tapos ngayon si Yex sinabi niya na complete waste lang yung ginagawa ko?
Hello? Ang hirap-hirap magbigay ng advices alam ba niya yun?

Nung nakalabas na ako, si Jim naman nakita ko na kasama si Ed. Si Ed binati ako,
pero si Jim hindi man lang tumingin sa akin. Nagdire-diretso lang siya doon sa
Men's Room.

Oh well, huminto ako sa courtyard at inayos ko yung bag ko dahil nga hawak-hawak ko
pa rin yung libro. Dahil nga galit ako, pinagpilitan kong isaksak yung mga libro
doon sa bag ko. Kahit anong gawin ko, parang ayaw ma-shoot.

May narinig akong lumapit sa akin at huminto sa likuran ko.

"Please don't talk to me I'm in a bad mood."

Isinalaksak ko lahat ng papel doon. Pati nga yata yung academic history ko napunit
na.

"Hey...""It's me." after that, hindi na ako gumalaw.


Create a free website with

***23***

Seth turned out to be 'it's me guy.' And this time, hindi ako nag-assume kagaya ng
ginawa ko kay Yex na 'I read between the lines.' Hindi rin ako nagduda kung bakit
palakad-lakad siya sa corridor dahil hindi ko naman siya nakikita unlike ni Zac.
Hindi rin ako nagtaka kung bakit iniiwas man niya yung tingin niya kapag nakikita
ko unlike ni Jim.

Then How did I know it's him? He admitted it. And Seth turned out to be the last
guy I will suspect na nagsusulat sa akin. At sinabi niya rin sa akin yung reason
behind Jim's mysterious actions. Si Jim pala ang naglalagay ng sulat sa locker ko.
Si Jim din ang nag-sneak sa Girl's Locker room. Kaya pala hindi siya makatingin ng
diretso sa akin, dahil nahihiya siya. Inutusan lang siya ni Seth na gawin yung mga
iyon.

Pero si Seth? Hindi ko talaga inaasahan na siya. Sinabi niya na nailagay niya yung
unang sulat sa bag ko nung nakasakay kami nun sa bus at tumabi siya sa akin. When?
When I left my bag, unfortunately.

Nailang ako sa kanya. Oh yeah. Ganun ako eh. He did ask me to the Homecoming Dance.
At eto naman yung sinagot ko...

"I will make a fool of myself there..." sabi ko na lang sa kanya, "I don't know how
Americans dance."

Seryoso naman siya pero hindi yung seryoso na walang pakialam. Seryoso lang na
hindi tumatawa.

"You will not make a fool of yourself there, trust me." tumayo siya malapit sa akin
kaya napatingala ako ng konti, "I wanted to go with you really bad. Can you think
about it?"

Napatingin ako sa gilid ko dahil hindi ko siya matignan ng diretso. Nung binalik ko
yung tingin ko sa kanya, nakatingin pa rin siya sa akin. Mukhang sincere naman
siya. Ako naman parang nakaramdam ako ng awa ba o kung ano man yung naramdaman
ko... pumayag na rin ako.

And he did smile. Not just some smile, a real smile.


Bumalik si Ed at si Jim nun. Galing kasi sila sa bathroom. This time, ngumiti lang
si Jim pero saglit lang tumingin sa akin. Ganun nga siguro siya. And yes, sinabi na
ni Seth sa dalawang kabarkada niya na ako daw yung ka-date niya. I felt
uncomfortable.

Nung sumunod na linggo na eh inalis ko na lang sa isipan ko yung Dance. Habang


iniisip ko kasi lalo akong kinakabahan. Hindi ko rin alam kung bakit. Nung nag-Prom
naman ako sa Pilipinas nung third year ako, hindi ako kinabahan. Actually excited
pa nga ako. Pero yung dance nila dito? Parang gusto kong umatras. Kaya lang hindi
ko naman masabi dahil naka-oo na ako. At ilang tao na rin yung pinagsabihan ni Seth
na dalawa kaming pupunta.

I didn't know na big deal pala sa kanila ang Homecoming Week. Kagaya na lang na may
Super Black and Blue day na panay school spirit lang ang ipapakita mo. Kailangan at
least 2 items na suot mo eh black and blue. Ako nun? Nag-blouse ng blue, at may
bracelet ako na black.

Everywhere kang magpunta, naririnig ko pa rin yung usapan ng mga babae tungkol sa
Dates nila. Ito lang din ang napansin ko sa American Culture, napaka big deal sa
kanila ang date. Sa Pilipinas? Anong date-date? Hindi naman yun necessity. Usually
pupunta kayo sa Prom, kayo lang na magkakaklase at magkakaibigan, pero hindi mo
kailangan ng date. Meron din, pero hindi ganun ka big deal.

Nung dumating na yung Friday, ika-third week na sinasabi ni Yex, at kinabukasan eh


Dance na, nagkaroon kami ng Homecoming Parade during 7th period. Nag-activity bell
kami at lahat ng students eh lumabas ng bandang 2:00 para manood ng parade ng
school.

Nakatayo ako doon kasama ko si Jianna dahil nga magsusulat kami ng article tungkol
doon para sa school paper. And I swear, I didn't hear half the things that she
said. At oo nga pala, niyaya na siya ni Zac.. and she said Yes.

"I'm really scared you know. This is the first Dance I'm gonna' be in. I didn't
attend the Homecoming Dances eversince I was in Junior High. But now.." nakatodo-
ngiti siya, "I know how it feels like to be Sam!" si Sam na nakaaway ko na
cheerleader,"You know, when a jock asked you to the Dance? Like.. Zac! He's the
quarterback."

Paulit-ulit niyang sasabihin yun. Na baka daw hindi bagay sa kanya yung damit, o
baka ang pangit daw ng kulay. Tapos uulit na naman siya doon sa 'I'm really
scared'line, tapos bandang huli sasabihin niya, 'I think I'll be okay. You think?'

She's my friend. So I have to be happy about her. Kahit na crush ko yung date niya.
Ang sama naman nun 'di ba?

But anyway, kailangan ko nang alisin ang pagkakacrush ko kay Zac. He's a senior.
Aalis siya ng school. Si Jianna ang gusto niya. Hindi naman kami close. I mean
what's the point na magustuhan ko siya? Sino ba may gusto kay Zac 'di ba?

I mean.. err... every girl?!?

Dumadaan na yung parade nun. Nauna pa nga yung police car nung deputy na naka-
assign sa school namin. May mga sasakyan ng bumbero. Dumaan yung mga naghahawak ng
banners na nakalagay eh 'Go Lions' at yung mga kung sino lang na wala sa mga floats
na naglalakad. Nag-ingay din naman yung school marching band. Yung mga homecoming
king's and queens na tumatakbo eh nakasakay na doon sa mga kotse na nilagyan lang
nila ng design at panay na ang kaway nila. Seniors lang ang pwedeng tumakbo sa
Homecoming.
Si Yex eh lumipat doon sa tabi ni Jianna dahil nangunguha siya ng picture. Kasama
na niya yung isang photographer ng school paper na lalaki na hindi ko alam ang
pangalan. Alam ko man nalimutan ko na. Seryosong-seryoso siya at panay ang ikot
niya doon sa lens ng camera.

"Hey Yex.. why are we so serious today?"

Tumingin lang siya sa akin, then nag-smile. Unlike Seth's smile, it's not a happy
smile at all.

Hindi ko na tinanong kung anong problema. Maya-maya lang kasi wala na siya doon at
hindi na namin alam kung saan nagpunta.

Dumaan yung float ng mga Sophomore. Dahil sophomore ako, naki-cheer na lang din
ako. Of course, si Sam ang representative namin at si Ed naman ang sa lalaki.
Kumakaway lang sila doon. Sa totoo lang, hindi kagandahan yung float ng sophomores.
Pinakamaganda sa nakita ko so far? Juniors. May contest kasi yun alam ko.

Then kadadaan pa lang ng float ng Sophomores eh narinig kong may mga nagsigawan.
Kami naman ni Jianna eh na-curious kaya nagtinginan kami.

"What's with all the shouting?" sabi naman ni Jianna.

"I don't know." kasi hindi ko naman talaga alam.

At first glance nung tumingin ako sa mga sumunod, iisipin mong yung mga football
players ang sinisigawan. Sila kasi yung highlight ng buong parade. May hawak-hawak
silang mga necklace na black and blue na pinagkakaguluhan naman ng mga babae.
Nagsitakbuhan pa nga sila sa gitna para lang lumapit sa mga football players at
humingi ng necklace.

Then I thought, sino ba yung sinisigawan? Yung football players o yung necklaces?

Probably both.

Si Jianna eh na-excite din. It turned out na yung pinamimigay na necklace ng mga


football players eh yung necklace n worth $5 isa sa school store. Kaya naman pala.
Lahat sila eh excited na excited at lahat ng katabi ko na babae eh nakakuha na.
Okay din gimik nila ah, instead of candy.. necklace.

Ako lang ang hindi lumapit sa gitna. Wala na akong balak makipag-agawan pa diyan.
Isa pa, ang dami-daming necklace sa mundo yan lang pagkakabalahan ko pa?

Si Yex? Naglalakad patalikod. Kinukuhanan yung malaking mascot ng Lion. Kailangan


kasi malapit siya para makuhanan niya yung Lion.

Si Jim, pinagkaguluhan sa gitna. Nung unang beses kong tnignan, sampu-sampu yung
necklace niya. Sumunod na lingon ko, wala na. Pati yung bracelet na suot niya
kinuha na rin. Si Seth ganun din, bibigyan niya yata dapat ako, kaya lang dami nga
nag-uunahan, kaya walang natira.

Yung ibang football players eh may mga hawak pa. Humarap si Yex nun at sumama na
siyang maglakad sa parade since nandun na siya. Pinagkaguluhan din siya, kasi may
hawak din siyang necklaces.

Ako naman eh nagsulat ako ng details ng floats para sa article. Nakayuko pa ako
nun, sumunod na lang na alam ko eh naramdaman ko na may sinuot sa akin. Tinignan ko
kung ano, black and blue na necklace.
"Wow, thanks." sabi ko habang hawak ko yung suot ko. "Why did you give me one?"

Tinanong ko siya kasi hindi naman ako lumapit. Yng natira sa kamay niya, pinamigay
na niya. Pero ako yung unang binigyan niya sa hawak niya.

"You're the only one here who doesn't look so excited about the necklaces." nanguha
na naman siya ng pictures, "I thought it might cheer you up." tumingin siya sa akin
saglit, "I fought my way to get to you!" sinabi niya ng pabiro.

Actually, na-cheer ako. Hindi dahil sa nagka-necklace ako, kung hindi dahil may
lumapit pa talaga sa akin para suotan ako ng necklace, kahit na hindi naman ako
humihingi.

Natapos naman yung parade. It was an okay one. Kapapasok lang namin sa loob eh
binigyan kami ng papel at ilagay daw namin doon yung pangalan ng iboboto namin.
Hindi ko kilala yung mga tumatakbong queen, kaya nanghula na lang ako. Sa King, si
Zac ang binoto ko.

Nagsidatingan na yung mga bus. Si Seth nga inabangan pa ako sa labas ng Spanish
class ko kaya nagulat ako nung nandun siya at nakasandal sa pader. Akala ko nama
kung anong sasabihin, yun pala eh sasabihin lang niya na susunduin niya ako, at
kung ano daw ba ang kulay ng isusuot ko. Sinabi ko blue, at sinabi niya na magbu-
blue tie siya.

Eksakto namang lumabas si Yex nun. Hindi nga niya kami nakita kaya nagdire-diretso.
Humabol naman si Seth sa kanya.

"Bro!" sumigaw siya tapos humawak siya sa balikat ni Yex, "Are you ok?""I'm fine
Seth, leave me alone." halata mong naiirita na si Yex kay Seth.

Pero hindi naman siya tinigilan ni Seth dahil sinusundan pa rin niya. Ako naman eh
naiwan doon sa likuran at sumunod. Sumusunod ako dahil parehas yung direksiyon ng
pinupuntahan nila sa locker ko, hindi dahil gusto ko lang silang sundan.

"Don't think about it. It's her loss.."

Inalis naman ni Yex yung kamay niya at halata mong galit na siya.

"Seth, shut up." sabi niya ng medyo mahina, "SHUT UP!"

Si Seth, hindi nagalit. Actually nakangiti pa siya. Tumingin sa akin si Seth sa


likuran, tapos nakangiti niyang tinuturo sa likuran si Yex.

"So what about the Dance?"

Huminto si Yex sa locker niya. Ako dumiretso dahil mas malayo ng 3 yung locker ko.

"I don't want to go to the Homecoming Dance." sabi ni Yex.

Halata mong wala siya sa mood. Kasi kinuha lang niya yung libro niya, at sinara na
rin niya kaagad.

"But you have to be there..""Yeah.. I HAVE to. But I don't WANT to." tumngin siya
sa akin pero binalik niya kay Seth, "If I have a choice, I'm not going."

Sumandal naman si Seth sa mga lockers. Ewan ko ba, parang natutuwa pa siya sa
nakikita niya kay Yex.
"I can't believe you can't get a date. I mean, you're--""SETH!" ngayon talaga galit
na siya, "I didn't ask somebody. My issue of not having any date doesn't mean I
can't have one. I didn't ask anybody. Okay? I don't know what's the big
deal!""Still, you'll gonna' be there alone. You should ask Sam or something. I
heard she's going with that nerd guy from the Computer lab, and she didn't have a
choice because nobody asked her. I bet you a hundred bucks she'll say yes to you if
you will just ask her. She's better than having nobody.""Sam? Are you kidding me?
I'd rather go there alone than go with her!" sinara niya yung bag niya, "Seth,
she's your ex! I don't even understand why you two got together anyway!"

Sinara ko na rin yung locker ko at inayos ko yung bag ko. Wala akong homework.
Thank God.

"So you're telling me that you're acting like this because the girl dumped
you?""She didn't dump me. And please don't use the word 'dumped' alright?" sabi
niya ng mahinahon, "I was the one who broke up with her.""I think it's better for
Heather and I to be just friends." WHAT?!? They broke up?
Create a free website with

***24***
I didn't dare ask why they broke up. Kasi naman, nakakahiya naman magtanong. Isipin
pa nila na ang chismosa ko naman. Isa pa, hindi ko naman na siguro business na
malaman pa yung reason.

But I have to admit, curious ako.

Anyway, that night, I found myself talking to my lil' sis Ynah. Nagtataka na nga
ako sarili ko kung bakit madalas ko na siyang kinakausap eh samantalang 12 years ng
buhay ko eh considered ko na siyang perwisyo. Pero ngayon dahil siguro naghahanap
ako ng kausap, at babae yung kapatid ko, sa kanya na lang ako lumapit.

"Ewan ko ba, masyado akong problemado. Alam mo yun, bukas na! First time ko pa lang
yun..." sabi ko sa kanya matapos ang mahabang kwento tungkol sa Homecoming.

"Eh di pumunta ka.." sagot niya ng hindi naman tumingin sa akin dahil ginagawa niya
yung homework niya.

"Pupunta na nga ako eh.." sagot ko naman nung humiga ako sa kama niya, "Basta
kinakabahan lang ako."

Hindi ko rin napigilan yung sarili ko. Daldal ako ng daldal doon at sumunod na lang
eh naririnig ko yung sarili ko na nagkukuwento tungkol doon sa break-up ni Yex at
ni Heather. Hindi ko naman sinasadya, basta lumabas na lang sa bibig ko.

Naku naman..

"Then this whole break-up thing... bigla-bigla na lang dumating." yun ang
pagkakasabi ko.

Bigla na lang siyang huminto sa pagsusulat niya at tumingin siya sa akin. Yung
tingin na parang may ibig sabihin. Ako naman eh hindi okay pakiramdam ko sa ganun,
ang sama tuloy ng pagkatanong ko.

"WHAT?!?" yung medyo pasigaw pa, "Patingin-tingin ka niyan para kang sira."

"Ano ba talaga yung pinoproblema mo," sabi niya na medyo sarcastic, "Yung
homecoming Dance dahil pupunta ka kasama ni Seth at ayaw mong mapahiya,"huminto
siya, "O baka naman si Kuya Yex dahil sinabi mo medyo down siya?"
Ako naman naging defensive tumayo ako sa pagkakahiga ko at nag Indian sit ako.

"Excuse me?!?" tinaasan ko siya ng kilay ko, "Of course yung Dance ang pinoproblema
ko. Bakit ko naman po-problemahin si Yex?"

"Ewan ko..." sabi niya tapos yumuko na siya uli sa homework niya, "Bakit hindi mo
itanong yan sa sarili mo?"

Dahil na-bwisit lang ako kay Ynah eh umalis na lang ako. Ang bata-bata masyadong
malisyosa??? Akalain mong pinoproblema ko daw si Yex? Hindi yata. Wala akong reason
no. Isa pa, ano nga naman bang pakialam ko si Yex? Ano ba niya ako? Hindi naman
niya ako girlfriend. Friend lang. Baka nga hindi pa friend eh. Classmate siguro
okay pa. Wala talagang reason na problemahin ko yun.

Then tell me why I brought the issue about the two of them breaking up with my
sister? I don't know. Siguro nga tama siya. Itanong ko sa sarili ko.

Saturday came pretty quick. Kasi pakiramdam ko katutulog ko pa lang, sumunod na


lang na alam ko umaga na ng Saturday.

Nag-promise yung Mom ko na siya ang mag-aayos sa akin para sa Dance. Ayaw niya
akong dalhin sa Salon sa Walmart dahil ang mahal-mahal daw. Hindi daw worth it.
Kaya ayun, magre-rely na lang ako sa kanya.

Sinubukan kong i-try yung mga dress ko. Dinala ko lang yun dito pero may ilang
months ko na ring hindi naisusuot. Gusto ko lang makita kung anong itsura, at para
naman makita ko na kung mukha akong ewan.

Inuna ko yung color blue na dress ko na panay flowers ang design. Yun lang ang nag-
iisang blue ko na dress at yun din yung tinutukoy ko kay Seth na isusuot ko. Nung
isinukat ko, a couple of inches short na siya. I mean, pwede pa naman, but it
doesn't look right.

I have no choice but to try my gown. Kaya ang sinubukan ko eh yung red na gown na
layered yung dulo, at strapless. Simple lang siya kung tutuusin, at mas gusto ko
yung ganun. Ginamit ko yun nung nag-abay ako sa kasal nung tita ko.

Siguro nga lagot ako kay Seth dahil blue nga yung sinabi ko, pero I guess
maiintindihan naman niya kapag sinabi ko yung totoo na hindi ko alam na maikli na
pala yung isa. Parang damit ko pa yun nung elementary ako eh.

Jianna called me. Sinabi niya na ang isusuot daw niya eh green na gown. Yes, GOWN.
Magpapa-Spa pa yata siya dahil excited siya masyado. Alam mo na, first dance niya
kasi ang ka-date niya eh quarterback pa ng school. Ang swerte niya no? Well unlike
me. Geek na nga sa tingin ng karamihan, a girl who does not know a thing, at
syempre, may mga Anti-Asians sa school.

Dahil 8 yata magsisimula yung Dance, 6 ako nagsimula kumilos. Sangkatutak na sermon
inabot ko kay Mama. Sinabi niya na tiyak daw eh mas maaga pa sa alas-8 darating si
Seth, tapos ngayon pa lang daw ako maliligo. Baka daw hindi kayanin ng time na mag
make-up at ayusin pa yung buhok ko. Ako naman eh sinagot ko pero hindi yung sagot
na pagalit. Actually ang hinahon ko pa nga...

"Huwag na lang kaya nating ayusin yung buhok ko? Or buhok ko na lang ayusin, huwag
na lang mag make-up?"

Ayun, piningot ako. Kapag hindi daw ako naglagay ng effort sa looks ko, ako lang
daw ang mukhang sira doon dahil tiyak yung mga tao doon eh maglalagay ng effort
kung anog itsura nila. Malamang tama nga siya, kaya naki-ayon na lang din ako. I
guess a little lipstick wouldn't hurt.

Pagkaligong-pagkaligo ko, nagblow dry ako ng buhok kasi kailangan. Sinuot ko na


yung dress para mamaya eh hindi ko na problemahing isuot kapag nakaayos na yung
buhok ko. Yung Mama ko parang makina, ang bilis ng kamay na inayusan yung buhok ko
and...

MAGIC.. mukha siguro akong manok. Yung tandang pa nga siguro. Ang dami kasing arte
niyan sa buhok ko. Kesyo mahaba daw hindi ko alam ayusin. My mom's good at
hairstyles. So kapag sinabi kong mukha akong manok, it means my hair looks good. At
least in my opinion. Yung dulo ng buhok ko nakababa, the rest tinaas niya ng medyo
paikot. Hindi ko alam ang tawag, kasi nga hindi ako marunong mag-ayos ng buhok.

Then nilabas niya yung mga make-up niya. Grabe ang dami. Kinukuha pa nga niya yung
isa sa makapal pero ayoko. Sabi ko gusto ko light color lang. Naluha pa nga ako
doon sa eyeliner niya. Sabi niya huwag daw akong luluha dahil kakalat daw yung kung
anong nilagay niya sa mata ko. Kaya ako naman hirap na hirap magpigil ng pag-iyak.
Ang tagal niyang may pinapahid sa mukha ko. Ngumiti daw ako para malagyan niya ng
blush-on yung cheekbones ko.. mga ganung bagay. After ng mahaba-habang seremonyas
na sumakit na ang leeg ko sa kakatingala sa kanya...

MAGIC uli... mukha siguro akong bading naman. And I'm kidding.

Dumating si Seth sa bahay namin dahil narinig kong iniinterview siya ni Gabby. Buti
na lang tama yung pagdating niya dahil sinusuot ko na yung white na sandals na
binili sa akin ni Mama. Ayoko pa ngang lumabas nun. Nahihiya kasi ako. Kung hindi
pa ako tinulak ni Ynah at nasubsob ako doon sa couch namin, hindi ko na talaga
balak pang tumayo. Nakakahiya talaga.

Binigyan niya ako ng corsage. Or at least yun yata ang tawag doon. Sinuot niya kasi
sa kamay ko yung may bulaklak na kung ano. Ako naman Thank you na lang ang nasabi.

Thank God nagyaya siyang lumabas. Nakakahiya na talaga yung pamilya ko.

Inalalayan niya ako nung pababa ako ng hagdan. Baka daw madapa ako or something.
Tapos nung nasa labas na kami, nakita ko na hindi yung truck niya yung dala niya,
kung hindi yung kotse ni Yex.

Napansin nya yata yung tingin ko kaya sinabi niya...

"I borrowed Yex's car. I told him that it'll be comfortable for you to ride in a
car, than my truck. Since he's going alone, I guess it wouldn't him to drive mine."
pinagbuksan niya pa ako ng pinto nun, "By the way, you look really pretty."

Ako na naman si walang masabi, Thank you na naman. Haay buhay. Ako na yata ang
pinaka-worst na date sa mundo.

Malapit lang yung pagganapan ng Dance. Baka ng 5 minutes nandun na kami. Habang
nagda-drive siya, tinanong niya ako tungkol sa red dress ko at inexplain ko naman
sa kanya. Sabi ko naman sa inyo, maiintindihan niya. 'Coz, he's Seth. Eh kung
magalit siya, may magagawa pa ba siya eh naka-red na ako?

Dumating kami doon a little bit pass 8. Nakita na ako nung iba at binati naman nila
ako. Disco yung tugtog kaya doon pa lang eh nahihiya na ako. Yung ibang mga babae
niyayaya nila ako, sabi ko maya-maya na. Grabe naman kung sasayaw na kami kaagad,
eh samantalang kadarating lang namin. Isa pa, hindi nga ako sumasayaw ng disco.
It's not my kind of music kapag naka-gown.

Naupo kami doon sa bandang dulo. Nilaro-laro ni Seth yung susi niya sa index finger
niya. Tapos nung makarating na kami doon sa dulo eh may binati naman siya. Dahil
madilim, hindi ko masyadong nakita kung sino. Then saglit lang...

"Aly!" sumigaw naman yung isa.

I should have known it's Ed.

Then kumaway naman si Jim sa akin. Hindi nagsalita, pero kumaway. Parehas sila ni
Ed na may kasamang dalawang babae, pero hindi ko parehas kilala. Ipinakilala pa
nila sa akin, si Yula, at si Faye.

Kauupo pa lang namin eh tinanong ako ni Seth kung gusto ko daw bang uminom. Sinabi
ko hindi naman ako nuuhaw at baka wala naman. Nakatingin lang ako doon sa mga
sumasayaw. Hindi naman ako bored o kung ano, basta hindi lang ako nagsalita.

Then, tinanong ni Seth yung gusto kong tanungnin kanina pa pero hindi ko lang
magawa.

"Where's Yex?"

Si Ed naman ang sumagot.

"Oh, he's at the back. I think he's taking pictures.""He's so lame." sabi naman ni
Seth, "I can't believe he's acting like that because of Heather."

Nagpalit naman ng tugtong yung DJ. Disco pa rin. 'Cha-cha slide' na yung tugtog.
Tumayo nun si Ed, Jim at yung dalawang date nila. Sasayaw daw sila ng Cha-cha
slide. Take note, it's not cha-cha... cha-cha-cha. It's a happy song.

Tumingin si Seth sa akin.

"Do you want to dance?"

AKo naman nag-alangan. Sabi ko nga hindi ako sumasayaw ng disco eh.

"No. I don't dance that kind of music.""Come on!" hinihila naman niya ako, "They'll
gonna' teach you how."

Bahala na si Batman. Pumunta kami sa gitna ng Dance floor. Yung sinasabi pala
nilang 'tuturuan' eh nasa tugtog.

Ganito kasi part nung tugtog:

One hop this time


Right foot lets stomp
Left foot lets stomp
Cha Cha now yal

Basta ang haba nung tugtog na yun. Sina Seth niloloko-loko na yung tugtog, iba na
yung steps nila sa tugtog. Kaya ayun, panggulo sila sa gitna. Tawa pa sila ng tawa
nila Ed. Kaming mga babae ang nagsama-sama at kami ang gumaya doon sa lyrics.

Matapos yung unang sayaw pa lang, saka ako nauhaw. Sinabi ni Seth na kukuha siya ng
inumin. Sumunod naman si Ed, pero si Jim naiwan doon sa upuan kasama naming mga
babae.

Nung naupo ako doon, nagusap-usap yung tatlo. Ako naman pangiti-ngiti na lang dahil
hindi ko alam yung topic nila. Then paglingon ko sa gilid ko...
For some reason, I can't breathe. Naka-stare na lang ako doon sa parating. May
hawak siyang camera, at nung nakita niya yung booth namin eh lumapit siya sa amin
at kinuhanan kaming mga babae kasama ni Jim ng picture.

He's only wearing a polo. A red one. Hindi pa nga nakabutones kaya kita mo yung
white shirt niya sa loob. Naka-cap siya ng white, which is odd dahil nasa dance
siya, pero hindi naman baduy tignan. In fact cute pa nga. Under nung cap, may black
something na hindi ko alam kung ano na style na nilagay niya sa buhok.

"How is it going with ya'll?" sabi niya tapos umupo siya doon sa upuan sa tabi ng
booth namin.

Si Jim naman, sinagot siya ng may ibig sabihin.

"How is it going with you?"

"I'm fine Jim." iba na yung tingin niya, "Don't be like Seth."

"Come on bro! She's just a girl!" sabi naman ni Jim at ngumiti pa siya.

"I'm not acting like this because of her.." sabi niya, "Why does everyone think
that?"

Sumingit naman yung babae na ka-date ni Ed at sinabing: 'Oh my God, you and Heather
broke up?'

To tell you the truth, ang sama ng sagot ni Yex.

"It's none of your business." and that's enough kaya nag-red yung buong mukha nung
babae. You can tell, kahit na madilim.

Dumating si Seth at si Ed nun dala-dala yung mga inumin. Kinuha ni Seth yung ball
cap ni Yex as a sign ng pagbati. Inagaw din ni Yex, tapos sinuot niya uli.

Nakikain si Yex sa amin. Inaasar-asar siya nung tatlo niyang barkada na para daw
siyang sira at mukha daw siyang loner. May mga dalawang babae na lumapit nun kay
Yex at niyaya siyang sumayaw, pero siya naman, umiling lang at ayaw daw niya.

Nagkayayaan na uli sumayaw ng slow music. Nung sinasama nila si Yex, sabi niya
maiiwan daw siya. Kami uling lahat yung umalis.

Nakasayaw ko uli si Seth nun. And this time, nailang talaga ako kasi niyakap niya
ako. I mean, usually 'di ba kapag slow dance, you two are close at each other. Pero
hindi naman, yakap na.. mahigpit. And that's what he's doing this time. Napatingin
ako kay Yex, he's taking pictures. Nung mga sumasayaw, at nung mga kumakain.

I'm not saying na he's touching me sa mga private parts. Hindi naman. Yun nga lang,
yakap pa rin yun. You know.

Sinayaw ako ni Ed. Unlike ni Seth, si Ed tawa ng tawa. Baliw nga yung lalaki na
iyon. I didn't dance with Jim, kasi sila nung date niya ang unang umalis ng dance
floor.

Bumalik kami uli doon sa same spot namin. Saglit lang eh may binubulong si Ed kay
Seth, tapos lumapit naman si Seth sa akin.

"What is it?" tinanong ko naman siya.

"Ed's asking me if we wanted to ditch the dance and go to Marj's place. They're
having a party there." sabi naman niya, "And I think they have supplies. Better
than what they have here."

Ako naman, iba yung pakiramdam ko sa ganung bagay. What they mean about supplies?
Alcoholic Beverages. Ano pa nga ba?

"I'm sorry, I can't go. My parents told me to stay here." totoo naman yung sinabi
ko. Hindi ko pwedeng umalis doon. "But... you can go if you wanted to."

Okay lang naman sa akin kung aalis si Seth. Sa totoo lang, wala naman talaga sa
akin. Kaya lang ang ginawa niya, umupo siya sa tabi ko tapos nag-wave siya kay Ed
at Jim na umalis na sila.

"Hey.." sabi ko naman dahil alam kong gusto niyang sumama, "I'm okay. I'm serious.
You can go.""Nah.." sabi niya tapos umiling siya, "I'm not gonna' do that to
you.""Do what to me?""Leave you here."

Then may tatlong beses akong niyaya ni Seth na sumayaw, tatlong beses din akong
umiling. Paano, disco yung tugtog. One disco song is enough. Then nahihiya na ako
sa kanya dahil ayoko sumayaw, sinabi ko na okay naman sa akin na isayaw niya yung
iba. Which is totally okay kaysa naman ako ang yayain niya ng disco.

He did. Nagpaalam siya sa akin saglit at sumayaw siya kasama nung mga juniors na
babae na tuwang-tuwa nung dumaan siya. Sumayaw siya doon sa isang blonde na babae
ng disco.

Ininom ko naman yung juice ko. Medyo nabo-bored na ako. Gusto ko nang umuwi.

Saglit lang, may umupo doon sa tabi ko.

"Sup?"

I don't know what happened to me, pero natuwa ako doon. Yun din yung unang sinabi
niya sa akin noon nung nakita ko sila sa Guidance Office nung nag-enroll ako.

Tinaas ko yung dalawang kamay ko as if sinasabi kong wala.

"What are you doing here?""Keeping you company." sabi nya tapos ngumiti, "I don't
want you to stay alone you know. Where's Seth?"

Tinuro ko si Seth sa dance floor na tumatalon-talon dahil sa disco.

"I'm okay." hindi naman ako nagsisinungaling, as in.. okay naman talaga ko.

Nagkaroon ng silence. Tugtog lang maririnig mo. Tapos narinig ko na lang yung
sarili ko na...

"So why did you go here alone?""You mean why I don't have a date?" tinanong niya
ako.

"Yeah. That." uminom ako uli tapos naubos ko na.

"Because.." binuksan niya uli yung camera niya at kinuhanan niya si Seth kasama
yung babaeng kasayaw niya, "I'm a loser who can't get a date.""Yeah.. right!"
sarcastic yung pagkakasabi ko. Halata mong hindi totoo eh.. I mean, Yex is not the
most popular guy in school, but still, si Yex pa rin siya, "You're not a loser."

Ngumiti siya.
"The truth is, I didn't ask anybody.""Why not?"" 'Coz I don't want to. I want to be
here alone."

Dumaan naman si Jianna. Kasama niya si Zac na may korona. Siya kasi yung voted
king. Ang saya nga niya eh halata mo. Kumaway lang siya sa akin, tapos si Zac eh
nag-hi sa akin, pati kay Yex.

Ako naman wala akong maisip na itanong, kaya ito naman yung dinala ko.

"If it's all right to ask, why did you break up with Heather?"

Yumuko siya nun at nilaro niya yung ice sa iniinom niya gamit nung straw niya.

"Actually, I don't have a pretty good reason when I think about why I broke up with
her.." sabi niya ng mahina, "I like her. I mean, I still do. It's just that..."
napahinto siya tapos tumingin siya sa akin, "Right now I don't like her as it's
used to be. Probably because we don't spend much time together." ngumiti na naman
siya, "If I strain myself right now on why I broke up with her, I came up with
one.""What is it?""Because of you."

Muntik na ako malaglag sa upuan ko nun. Napatingin ako sa kanya.

Dinugtungan niya yung sinabi niya sa akin.

"Because of me?!?""Remember the time when we had our date to West Palm Beach and we
were arguing about the whole dating thing? I thought about what you said. That it
really matters when you love the person you are with. I like her. No matter how I
ask myself if I love her, I can't even bring myself to say it." nag-lean siya sa
table, "To tell you the truth, I've never told Heather that I love her."

Wala akong nasabi kung hindi...

"Oooh..."

I like the way 'Because of you' came out. Pero hindi yung meaning.. meaning. Pinag-
isipan lang niya yung sinabi ko pero hindi ibig sabihin.. you know...

"And maybe because I wanted to get to know myself. Part of doing..." nag-isip
siya,"Xelfualizee."

Ayun na naman yung word na yun. Ako naman ayoko nang makalimutan, tinuro ko siya.

"That's the word!" tinuro ko siya, "That's the word I was asking you before!"
nagulat siya sa akin kaya umatras sya, "What does that mean?""Xelfualizee?" nagtaka
naman siya.

"Yeah.. that." grabe naman energy ko. Masyadong mataas.

"It means nothing actually. It's a slang term.." sabi niya. "It's comlicated
actually. It has alot of meanings." sabi niya ng seryosong-seryoso, "And it means
alot to me too."ngumiti siya, "It's actually a slang term for...""Self-actualize.
You know from the term, self actualization?"
Create a free website with

***25***

Hindi naman na niya inexplain kung ano yung ibig sabihin ng self-actualized.
Actually, ayoko na rin magtanong kasi pakiramdam ko wala na akong alam. Tanong na
lang ng tanong. Grabe naman, nakakahiya no.
Nung bumalik si Seth, umalis na naman si Yex. Sabi niya kukuhanan daw niya ng
pictures yung sumasayaw doon sa gitna. Bumalik din, dahil bigla na lang daw hindi
nag-flash yung camera. Inayos pa niya... hay addict talaga sa pagkuha ng picture
yun.

Then tumugtog yung YMCA. Ito na naman si Seth...

"Come on you two.." sabi niya sa amin ni Yex, "Let's dance."

Ako na naman si iling girl... ayoko na naman.

"Yeah bro, who wants to dance YMCA?" sabi ni Yex.

Kaya ayun, umalis na naman si Seth. Okay lang naman sa kanya. Parehas kami ng bro
niya na ayaw sumayaw.

May dumaan na naman ng dalawang babae. Niyayaya na naman si Yex. Ewan ko ba anong
problema sa tao na iyon, umayaw na naman.

"Why aren't you dancing?""I don't want to." sabi niya, "I'm just here to take
pictures. If it's not mandatory for school paper staffers, I won't be here."

Sinuot na naman niya sa leeg niya yung camera. Tapos tumingin siya sa akin.

"Let's take a picture of both us.." tumayo siya tapos nilapag niya yung camera
niya...

Ako naman nakaupo pa rin doon, nakatingin na lang sa camera. Then sabi niya...

"Come here.." tapos inakbayan niya ako.

"Come where?"

I swear, nag-flash yung camera ng nakatngin ako sa balikat ko.

"You didn't look!" sabi niya, "Let's try that again."

Nung sumunod.. ayun... nakuhanan na kami ng picture. I hope I look fine.

Tinamad na siyang tumayo siguro. Kasi sumunod na lang na alam ko, nagkukwento na
siya sa akin. Ako naman, nakinig sa kanya. Ang rude naman siguro kung hindi.

"--And I didn't know at first that Seth asked you. I mean, I just found out 'coz Ed
told me.""At first, I really didn't want to go 'coz I don't want to make a fool of
myself here.""You won't." sabi niya pero hindi nakatingin sa akin.

"That's what Seth told me. So I said Yes." sagot ko naman, "I'm supposed to wear
blue, but something happened to my dress so I ended up with a red one. It didn't
match with his outfit though.""Does the outfit really matter?" sabi naman niya.

"I think so. See?" tinuro ko yung corsage, "He gave me a corsage.. with blue
designs on it.""I don't know what's up with Seth.." sabi niya ng seryosong-seryoso,
"I think he got the whole 'go-with-the-girl's-outfit' thing. But with the corsage?
That's stupid.""How is it stupid?""You're supposed to go with the girl's way right?
I mean, as a sign of being nice and all. Girl's way, and a little bit you're way."
tinignan niya ako, "I heard that ya'll, I mean Filipinoes, don't go with corsages
that much.""Yeah.. we do!" sagot ko naman.
"Yeah I know. But not that much." hinawakan niya yung corsage ko, and next thing I
know, inalis niya yung strap, at hinila niya yung flower.

"What have you done??" sabi ko naman, "You.. broke it.""I did not." sabi niya tapos
kinuha niya yung strap, then sinira pa niya lalo gamit yung steak knife..

"Tell me you didn't just do that!" medyo nag-iinit ulo ko. Medyo lang naman.

"If he's into going into the girl's way, then he should've done it the right
way."tumingin siya sa akin at alam kong hindi siya nagbibiro, "You're a filipina
Aly, by blood and by heart. Ya'll are simple. Corsages are more of an American
tradition, not Filipino way." tapos inabot niya sa akin yung bulaklak na lang na
buo pa... "He should've given it, the simple way."

Hinawakan ko yung bulaklak. As in bulaklak na lang siya.

Actually, hindi ko makuhang magalit. At some point, medyo tama siya. Sa ibang
angle, mali pa rin kasi sinira niya yung corsage! Pero di talaga ako nagalit. Kasi
I thought.. it's still sweet. Kahit na ang gusto niyang iparating eh Filipina's go
the simple way.

Nung bumalik si Seth, kita mong pinagpapawisan na siya. Slow na yung music kaya
niyaya na niya ako uli na makisayaw sa kanya. Pumayag na ako, kasi kapag hindi pa
ako pumayag ako na talaga ang pinakaworst date sa planet.

The last dance turned out to be okay. Yes, last dance na pala yung huling mga music
dahil almost 12 na rin, at 12 matatapos yung Dance.

Hindi ko niyaya si Yex na sumayaw. And so did he. Kapag wala si Seth, nakaupo lang
kaming dalawa doon. Bakit ko naman siya yayayain? Ano ako hilo? Hindi carry ng
powers ko. Kung niyaya niya siguro ako, baka umoo pa ako. Pero hindi niya ako
niyaya. Hindi talaga. I don't know why I wish he did.

Dumating yung lalaki na kasamahan ni Yex sa pagkuha ng picture. Sabi niya kukuhanan
daw niya kaming tatlo. So ayun, pinagitna ako nung dalawa, at parehas silang
umakbay sa akin. Nakuhanan naman kami ng picture.

Ihahatid ako ni Seth. Alam ko na yun. Pero bago kami umalis doon sa dance dahil
kami na lang naman na yun natitira doon kasama yung ilang staff, lumapit sa akin
si Zac at inabutan ako ng ribbon. Tapos sinabi niya..

"You look really pretty.." sabi niya, tapos inabot niya yung ribbon, "Thanks."

Pagkatapos niyang sinabi yun eh umalis na siya kasama ni Jianna na nag-wink pa sa


akin. Maklaglag-panty talaga yung si Zac. Lucky talaga ni Jianna. But at least, if
she's happy, then I am too.

Si Seth nag-bathroom. Sabi niya ihing-ihi na siya. Si Yex nakatayo sa tabi ko,
tapos sinabi niya habang nakatingin kay Zac at Jianna..

"He thinks you're pretty?!?" ayoko yung tono niya.

Okay, I'm not that pretty at all pero kailangan pa niya ipamukha sa akin yun?
Actually, tingin ko pa man din ang gwapo niya ngayon tapos ganyan siya. Buti pa si
Seth, sinabi ang pretty ko saw. So as Zac. Tapos siya na walang comment sa akin
kanina pa ganito pa paparinig niya?

"I just think you're cute." sabi niya.


Cute na nga lang sinabi niya, parang napilitan pa. Okay fine..

"Ok.. I get it." sabi ko sarcastically, "I'm not pretty at all... you know."

Tumingin ako nun sa kanya. Sabi niya..

"Hey.. hey don't get me wrong." sabi niya tapos humarap sya sa akin, "Cute when
you're wearing a make-up. Pretty when you're only wearing a lipgloss. Beautiful
when you're wearing..."

Nung sinabi niya yun eh hindi na natuloy. Dumating na kasi si Seth.

"What are you two up to?""...nothing." sabi ni Yex.

"Err.. yeah.. nothing." sabi ko naman.

"Alright.. I'll just get the car, then you wait for me here okay?" sabi naman ni
Seth sa akin. "So you don't have to walk over there with your high heels and all."

Umalis na si Seth dahil kukunin niya yungnaka-park na kotse. Si Yex, hinarap niya
yung camera niya sa akin tapos sabi niya..

"I'll take your picture one last time. Solo." sabi niya sa akin tapos nagsimula na
niyang hawakan yung lens...

Ako naman nag make-faces. Padila-dila... nakatingin sa baba.. mga ganun.. kaya si
Yex hindi ako kinuhanan ng hindi daw ako nagse-seryoso.

Kaya ako naman, nagseryoso na. Tumayo lang ako doon, at hinintay ko na kunan na
niya ako.

Tumingin na siya doon sa camera niya. Tapos inikot niya yung lens ng zoom in and
zoom out yata.. ewan ko para saan yun. Tapos siguro mga 1 minute na akong nakatayo
doon at naghihintay, nainip na ako. Wala pa ring flash eh.

"Hey.." sabi ko tapos nakapamewang na ako. "You're taking ages."

Binaba niya yung camera niya sa mata niya. Tapos binitawan niya kaya bumagsak na
lang doon sa leeg niya. Nakatingin siya sa akin saglit, tapos iniwas niya yung
tingin niya.

"Err.. it's just that.." sabi niya tapos nakakunut na yung noo niya habang
nakatingin siya sa akin...

Bumusina naman si Seth sa tapat kaya nagulat ako.

"What?""J-just.. j-just go. S-seth's there already." tinuro niya yung labas.

Sumabay siya sa akin. Dahil nakasakay na si Seth sa loob, si Yex na ang nagbukas ng
pinto.

I swear he didn't look at me. Nagalit yata eh.

"Bye ya'll. Take care.""Bye.." tapos kumaway na lang ako.

Nagsimula nang lumabas si Seth nun sa driveway. Nagulat na lang ako nung sinabi
niya na...
"I thought Yex's okay by now. What's with his facial expression?"
Create a free website with

***26***

Hinatid naman ako ni Seth nun. Actually wala pa nga sigurong 5 minutes dahil nga
sinabi ko na malapit lang yung pinagganapan ng Dance. Walang nagsalita sa amin,
kaya naman lalo akong nailang. Wala kasi akong masabi eh. As in totally na wala.
Parang hindi gumagana ang brain cells ko nun, kasi napipi ako eh.

Naging okay lang yung pakiramdam ko nung sinabi niya na...

"Alright, here we are." sabi niya tapos ini-stop na niya yung engine ng kotse ni
Yex at nilagay niya sa Park yung gear.

"Home sweet home." it sounds lame, pero yun lang talaga lumabas sa bibig ko.

"Imma' see you on Monday ok? Good night Aly." sabi niya ng nakangiti, "I meant,
good morning." tinama pa niya since nakita niya na past 12 naman na sa relo niya.

Napansin ko na binuksan niya yung pintuan niya para bumaba at pagbubuksan pa niya
sana ako ng pinto. Ako naman eh humawak ako sa kamay niya para pigilan siya. Ang OA
naman, ang dali-dali buksan ng pinto at bumaba ng kotse, kaya ko naman na yun.

"I'll take it from here."

Napatingin siya nun sa kamay ko. Ako naman eh nahiya, bigla ko na lang inalis. Saka
ko lang napansin na hindi pala dahil sa hawak ko yung kamay niya kaya siya
nakatingin, kung hindi dahil wala na yung corsage ko sa wrist ko.

"What happened to your corsage?" tinanong niya ako at turn naman niya ngayon na
humawak sa wrist ko.

"Actually.." nilabas ko yung isang kamay ko para ipakita ko sa kanya yung


bulaklak,"Here it is."

Akala ko nga magagalit siya kaya yumuko ako. Nakakahiya naman kasi. Paano ba naman
kahit papaano eh gumastos din naman siya bumili lang ng corsage tapos magiging
bulaklak na lang?

Babanggitin ko sana na si Yex ang may gawa nun, kaya lang nagbago yung isip ko.
Hindi na lang no.

Pababa na sana ako kaya lang nagdalawang-isip pa ako. In the end...

"Thanks Seth.. for tonight." sabi ko na lang tapos nag-kiss ako sa kanya. Sa
cheeks.

Pagkapasok sa loob ng bahay nun, pakiramdam ko pagod na pagod na ako. Saka lang ako
naging aware sa paa ko. Medyo masakit pala kapag naka-heels ka ng ilang oras. Tapos
inaantok na ako, kaya lang naka-ayos pa yung buhok ko at may make-up pa ako.
Kailangan ko munang alisin yun bago ako matulog. Grabe, daming perwisyo.

Kaya ayun ang ginawa ko, dumiretso kaagad ako sa banyo at hinugasan ko yung buhok
ko. Panay din ang alis ko ng make-up sa mukha. Ang tagal ko nga inabot. In the end,
nagpalit na rin ako ng PJ's ko at bagsak na ako. Wala man lang sa Mama ko, Papa ko,
at kahit isa sa dalawang kapatid ko ang nagising para sa akin. Too bad.
Okay lang ang Sunday namin. Nagsimba kami nung umaga pero yung hapon namin eh
boring na. Nagstay lang kasi kami sa bahay buong maghapon. Ni-hindi man lang kami
nagpunta sa Walmart, o magkaroon man lang ng party or someting. Boring talaga.
Tapos kasama mo pa si Gabby at Ynah buong maghapon? Hay naku, gusto mo nang ilibing
ka ng buhay.

Although I don't like school that much, at least not here, mas mabuti na may pasok
kami at least alam kong may gagawin at alam ko na may makakausap ako aside sa
dalawa kong kapatid na mga retarded.

Okay naman yung first period namin dahil nag-training lang kami sa typing, as
always dahil yun parati ang ginagawa namin. Nag-improve na yung typing skills ko,
naging 40 words per minute na, kaya lang mali-mali pa rin yung iba kapag hindi ako
nakatingin.

Dahil nga routine ko na rin yun, nagbukas ako ng locker ko. Hindi ko naman
ineexpect, pero may nahulog na letter na naman doon sa loob. Pagtingin ko, nandun
na naman yung pangalan ko at kinukumusta lang naman ako. Si Seth parang siraulo,
malay ko bang itutuloy pa niya ito.

Nag-check din ako ng mailbox ng Advice Column pero pasimple lang naman. Tumingin pa
ako sa paligid ko nun kung may nakatingin. Nung wala naman, nilagay ko na lahat sa
bag ko at umalis na ako sa Office.

Well, yung gym class na siguro namin at pinakanakakahiya sa lahat ng nangyari sa


akin. We had to play volleyball with the weightlifters. Actually, mix ang mga babae
sa lalaki. Mas marami ang lalaki, kaya hinati yung mga lalaki, at nag coin toss na
lang para sa pagpipilian ng babae.

Si Jim at Ed ang magkateam dahil pinaghiwalay yung apat. Si Yex at si Seth ay


iisang team. Nagpipilian na nga ng team nun. Kasabay sa pagpipilian ko nun eh si
Sam. Nagtoss coin si Yex at si Jim, and Jim won. Kasi pinili niya head, eh head
lumabas.

"Okay, I'm gonna' take.." tumingin si Jim sa akin then kay Sam..

Ito namang si Seth, nakisingit naman.

"Sam, you like to be in Ed's team right?""Whatever Seth." sabi ni Sam ng galit pa.

Hindi na nakapili si Jim. Sabi na lang niya eh...

"I guess it would be Sam." tapos humawak siya sa likod ng ulo niya.

Naghati-hati na nun at pumunta ako sa bandang likuran. Ayoko sa harapan dahil tiyak
eh doon madalas pupunta yung bola. Aaminin ko, I'm not the best volleyball player..
hindi kasi ako magaling. I mean, nakakaserve, nakakatia ng bola.. pero you know,
average lang.

So the game started. Nasa dulo ako, kaya ako yung unang serve. Thank goodness
pumasok naman. Then may pa good job-good job pa silang nalalaman. Then nung
nagpalitan na ng bola yung mga weightlifters, actually hindi ka na makasingit kasi
matatakot ka na lang. Talagang iilag ka na lang dahil baka magkatamaan, patay ka.

Then nung nakascore kami at natuwa naman yung mga lalaki sa na weightlifters, turn
naman ni Yex na mag-serve. And I swear, pagkaserve na pagkaserve niya, simula doon
sa back ng line, eh umabot yung serve niya sa kabilang side. Tumama pa sa dingding
ng sobrang lakas.. kaya outside na outside talaga.
Tumingin si Seth sa kanya.

"Yex, what the hell was that?" tinaas niya yung kamay niya.

"Sorry, I can't control it." hindi naman siya natatawa, "It feels like the ball's
too... light."

Nakuha kaagad yung bola ng kabila, kaya sila na yung nag-serve. Dinaan na lang din
nila sa tawa yung pagseserve ni Yex, kasi sobrang lakas talaga.

Si Sam yung sumuod, and I won't lie to you, she's good. Actually not good, very
good. Ewan ko lang kung anong pumasok sa utak ni Seth at ayaw niya si Sam sa team
niya. But anyway, yung unang serve niya eh sa side ko pumunta. And mind you, nawala
ako sa sarili ko kaya hindi ko tinira. Then si Seth akala ko magagalit katulad ng
ginawa niya kay Yex eh sinabi na lang eh...

"That's okay Aly.." tinapik niya ako sa balikat ko.

Nung nag-serve uli si Sam, sa direction ko na naman. This time, I made sure na
matitira ko. Medyo alanganin yung bagsak ng bola, natira ko pero hindi umabot ng
net. Nakangiti na si Sam sa kabilang side.

Yung mga lalaki na nasa likuran ko eh panay ang sabi sa kabila ng "Loser" pero
mukhang hindi naman sila galit sa akin or something. Nung third time dahil si Seth
ang nasa tabi ko at nag-serve na si Sam sinabi niya eh..

"I'll get it!" pero hindi lang siya ang nagsabi.

Nagsabay silang dalawa kaya wala akong nagawa kung hindi yumuko. Parehas silang
tumama sa akin. Si Seth sa kanan ko, si Yex sa likuran ko. Napasubsob ako ng kaunti
kaya napahawak ako doon sa sahig.

Yung dalawa parang walang damage eh, nakatayo pa rin.

"I told you I'm gonna' get it." sabi ni Seth.

"We spoke the same time, so drop it."

Nakatingin lang ako nun sa kanila. Then napansin nila na nandun ako sa sahig. Sabi
na lang nila eh...

"Here.. take my hand." tapos sabay nila ini-offer yung kamay nila sa akin.

"O-K." sabi ko na lang, "I guess I can stand up by myself alright."

Tumayo na lang ako mag-isa. Kapag may kinuha kasi akong kamay sa kanila baka mamaya
may mapahiya naman, kaya huwag na lang.

Hanggang sa natapos yung game, the two of them we're in good terms. Hindi naman
sila galit sa isa't isa. Actually parang wala nga lang eh. Normal na normal sila.

Jim's team won. Natalo nga kami pero okay lang. Lahat ok, except for him.

"Congrats Jim." sabi ko naman at makikipagkamay pa sana ako.

Then he said..

"I'm going to change now." tapos umalis na siya.


He looks like he's in a bad mood, pero nagtaka naman ako kung bakit. Paano ba
naman, nanalo sila 'di ba? At hindi naman siya ganyan nung nagsimula yung game.

Oh well... GUYS!!!

Nung nasa cafeteria, panay ang tanong ni Seth sa akin kung okay lang daw ba ako sa
pagkakatumba ko sa gym Ako naman oo na lang ng oo. Hindi naman ako na-paralyze eh.
Pero yun nga, I appreciate the concern.

Isa pa sa nangyari sa akin nung araw na iyon eh yung pagwawalang bahala ko sa


Algebra. May sumulat sa Advice Column na nakuha yung interest ko. Ito yung sabi:

'Happiness? Or betrayal?'

As in, yan lang ang nakasulat. Ni-hndi ko alam kung anong isasagot ko dahil wala
namang details or something. Yun din ang dahilan kung bakit nakuha yun nung
attention ko. Who would write such a thing anyway?

Kaya ako naman, magrereply na sana ako nung 'I don't get it. Can you please put
some more information?' nang biglang umupo si Yex sa tabi ko at may dalang libro.

"Can you teach me how to do this?"

Tinuturo niya yung Quadratic Formula. Which is like, the easiest thing ever. Minsan
hindi ko alam kung matutuwa ba ako kay Yex o hindi sa timing niya pero natuwa naman
siya sa akin dahil nakukuha naman na niya daw yung Algebra.

But anyway, one of the weirdest thing na nangyari sa akin sa Algebra eh nung tapos
na yung quiz namin at nagdadaldal na kami. Tinanong ako nung isang classmate namin.

"Who's your partner?" sabi niya sa akin.

"For what?" sabi naman ni Yex.

"Hello? Wednesday?" sabi nung babae.

"What?!?" sabi niya na parang naiirita na, "Just tell me, don't speak girly girl."

"It's TD!" sabi nung babae na parang excited pa.

"I don't do TD's." sumandal siya doon sa upuan niya, "It's just one big waste of
time."

"Yeah, but I heard it's mandatory."

"Mandatory? HOLY C--."

Napatingin ako sa kanya..

"Cow." sabi niya tapos ngumiti siya sa akin. "I don't wanna' do that."

"You don't have a choice."

"Gay people's the only one who does that."

Ako naman, being new and all sa mga bagay-bagay, nagtanong na ako kasi nao-op na
ako.
"Excuse me, what's TD?"

"It's a day for--"

Hindi na natapos yung sinasabi nung classmate namin dahil napatingin sa akin si Yex
na parang gulat na gulat. Tapos bigla na lang siya sumigaw ng..

"Bingo! If Ed's goin' together with his girlfriend, I bet you Seth's going with Jim
just like last year. I didn't do it before.. so I guess..." humarap siya sa akin.

"You're my twin Aly." twin? Kelan pa? Alam ko mag-isa lang ako ah!
Create a free website with

***27***

By the next day, Tuesday, Yex became ng Twin. Oo, yun ang dinig ko. Sinabi naman
niya kay Seth, which is okay lang sa kanya, para naman daw matuto sumali daw sa
ganun si Yex.

Nung una, nakiki-oo lang din ako sa kanila. Malay ko ba kung ano yung Twin Day na
yun. Tapos yun nga, inexplain nila sa akin kung ano yung ginagawa sa araw na iyon.
And here's how that one went...

"TD stands for Twin Day.." sabi ni Yex sa cafeteria.

Yeah, pinasabay nila ako kumain sa kanila sa table nila.

"So what do you do then?" kumagat naman ako doon sa Ham and Cheese ko.

"Basically, you just have to dress the same with your twin. Since Yex is your twin,
you two should dress the same tomorrow. Let's say, you two are wearing blue. Stuff
like that." sabi naman ni Ed na half full yung bibig.

Sus, napakadali lang pala. Parehas lang kayong magsusuot ng damit. Nag-OA pa. May
twin-twin pang nalalaman. Kayang-kaya naman ng powers ko yun.

"Then they'll gonna' take pictures of those who participated.." sabi naman ni Jim.

Napatingin ako kay Jim nun. Diretso lang siya sa pagkain niya.

"Don't forget the best bit.." sabi naman ni Ed na natatawa pa.

"What best bit?" tumingin si Yex sa kanya na puzzled.

"The winners will get two tickets..""Oh yeah..." sabi ni Seth tapos tumingin siya
sa akin, "Yeah, I didn't think of that."

Ako naman hindi na ako makasingit dahil ang iingay na nila pare-parehas. Tatanong
ko pa sana kaya lang si Yex eh naka-lean na sa table at nagtatanong kay Ed..

"What tickets?""Tickets." tapos tawa ng tawa si Ed na parang siraulo. "Actually


Yex, I don't know this year. Last year it's for a concert. This year, I don't know.
I bet it's better since its mandatory, and you'll have alot of competition."

Sumandal naman si Yex nun.


"I'm not gonna' compete." sabi niya at nag cross arms pa, tapos tumingin siya sa
akin, "Well I will dress up, but not to compete."

Ako naman nakiayon na lang. Hindi ko naman gusto manalo eh. I mean, sasali lang
kami nga dahil nga daw "mandatory", pero other than that, wala na kaming motive na
sumali pa.

Si Seth hindi na nagsalita buong meal. Ito namang si Jim panay ang tingin lang kay
Seth, pero wala namang sinabi.

Pagkatapos ng lunch at hindi pa naman nagbebell eh dumaan ako sa office para kunin
yung bagong mails. Ito namang si Yex eh dumaan din sa office para isoli yung isang
camera.

Kaya ayun, bigla kong sinara yung mailbox. Tapos siya naman naupo na naman doon sa
table.

"Why do you keep checking the Advice Column mailbox?""Why're you so nosy?"

Hindi na nakasagot si Yex kaya naman ako eh kunwari nakataas pa yung chin na
lumabas ng classroom. Siya naman eh binaba lang niya yung camera at hinabol ako
doon sa labas. Ako naman eh binilisan ko yung lakad ko habang tumitingin-tingin pa
sa likuran.

Asar na yun, ang bilis.

"Hey, why're you following me?" ang bilis ko pa rin lumakad pero sumabay siya sa
akin.

"We're on the same class girl."

Sabi ko nga parehas kaming nasa Algebra 2 eh.

Binagalan ko na yung lakad ko. Sumasakit yung paa ko kapag sobrang bilis. Siya
naman, nagbagal din. Gaya-gaya itong nakakainis na ito.

"So what do you want to wear tomorrow?" tinanong niya ako habang naglalakad kami.

Tumingin naman ako sa kanya. Sya naman eh diretso lang.

"I don't know." kasi hindi ko naman talaga alam.

"Well, do you have a black shirt?""Yeah." sabi ko naman.

"Plain black?" sabi niya tapos huminto siya sa harapan ko.

"Yeah.""Then, black it is."

Naki-oo na lang din ako. Wala akong maisip na dapat isuot eh. Siya naman hindi
talaga umalis sa harapan ko, kaya kahit anong lakad ko pakanan o pakaliwa eh doon
din siya sa direksiyon ko.

"What is wrong with you?"

Natawa siya ng malakas.

"Nothing." sabi niya ng nakakaloko, "Its really fun when you look aggravated."

Ang sama ng ugali. Mas gusto pa yata na nagagalit daw ako. Tapos nung hindi ako
makadaan, bigla na lang nag-alarm yung tardy bell.

"Did you hear that? Did you know what have you done?""Yeah." sabi niya na parang
wala lang sa kanya, "We're late, I know.""And you're just standing there?""Pretty
much." tumayo pa ng maayos.

"Then what's up?""Well.. there's a lockdown today. Everybody knows that."

Ako naman medyo nataranta sa narinig ko, hindi ko maiwasang magtanong.

"What lockdown?" tinaas ko yung kilay ko.

"Lockdown. They do it time by time. It means, if you're tardy, you can't get in the
class. Then the ISS people will give you some... stuff to pick up thrash in the
campus.""And you're okay with that?" ako naman gusto ko nang tumakbo nun dahil
ayokong ma-miss yung klase kahit Algebra pa yun.

Siya naman, hinarangan ako.

"You're tardy young lady, and you'll gonna' clean the campus.." sabi niya ng
mahina,"With me.""I don't want to clean the campus.." tinignan ko siya mula ulo
hanggang paa, "Not with you."

Humawak siya nun sa dibdib niya tapos nag-inarte.

"Ouch.. that hurts right here.."

Natawa ako sa kanya. Siya naman pinadaan na niya ako pero kasabay pa rin siya. Pero
nung pakalat-kalat kami sa labas, wala namang lumapit sa amin na ISS na mga tao.
Siguro sa laki ng campus, hindi na nila alam kung saan hahanpin yung mga
estudyanteng tardy.

"We're probably late, but we don't have to do those cleaning. You can just roam
around.""But still, you're not learning anything..""You learn everyday you're
living. More practical than studying spanish words."tumingin siya sa akin saglit,
"Seth's pissed off during lunch.""Why?""Come on. Don't you ever get it? Seth likes
you. And you're my twin tomorrow." sabi niya ng seryoso naman.

"And you asked me.. that's your fault.""Yeah, that's my bad. But hey, you're not
his." tapos bumulong siya sa gilid niya, "And I swear don't be."

Hindi na lang ako nagsalita. Naupo kami doon sa courtyard dahil nga late naman na
kami eh hindi na kami makakapasok sa klase. Ano pa bang point na maglakad kami ng
maglakad di ba?

"Oh yeah, did your mom tell you? The Filo's are having a party this Saturday." "No
she didn't. For what?""It's Kevin's birthday." ngumiti lang siya, "It'll be at our
place."

Ako naman parang nabuhayan ng loob. Sa kanila? Makikita ko na rin yung bahay nila?

"At your place?""Yeah. We gave the directions to your Dad already. I hope he's not
mad at me anymore."

Hindi ko naman alam kung ano yung sinasabi niya. Tapos naalala ko yung mall
incident, kaya sinabi ko na hindi na galit yung Papa ko sa kanya. Hindi naman na
talaga, limot na iyon. Isa pa, may Filipino blood din naman yan si Yex, kaya okay
pa rin naman kay Papa.
And speaking of parties, nabaling sa ibang parties yung usapan namin. Teenage
parties.

"I've never been in one." sabi ko naman.

"Seriously?" tapos humarap siya sa akin, "Are you kidding me?"I've been in some in
the Philippines. Parties here are way different than parties over there.""Yeah.
Parties here?" tumingin siya sa likod niya, "You drink, you dance, you make-out and
get a room.""So do you drink and smoke?""Smoke? Nah. Never. Drink? Yeah. Sometimes.
I've tried it..." tapos yumuko siya,"But I'm not a regular drinker. You know, I
just wanted to try it." tumingin siya sa akin, "Do you?""No."

Tinapik niya ako sa balikat ko.

"Keep it that way."

Ako naman niloko ko siya. Kasi nabanggit din naman niya yung "making out part" saka
yung "get a room" line. TInanong ko siya kung ginawa daw niya, tapos natawa siya.

"Who's being nosy now?" sabi niy as akin. "I'm going to be honest, beside my
relatives, I've only kissed one girl.""Yeah, Heather.""Yeah. But, it's a smack. We
really don't wanna' do it anyway." tinaas niya yung isang paa niya, "But the "get a
room" thing, nah."

Dahil nga nag-uubos na lang kami ng oras para sa 7th period namin, pinagtagalog ko
siya. At sa totoo lang, hirap talaga siya sa tagalog. Kahit anong gawin mo, mali-
mali. Tama man yung sabihin niya, makakalimutan niya. Sa susunod, wala na. Bulol
na.

Sino ba namang 'di mabubulol, ipa-pronounce ko ba naman sa kanya eh...

"Nakakapagpabagabag.""Na-what?" umiling-iling siya sa akin, "I can't say that


word."

Tawa ako ng tawa sa kanya. Inasar ko pa nga eh. Kaya lang hindi ko gusto yung
sumunod na sinabi niya sa akin.

"Oh yeah, keep laughing out loud little miss moonlight. Who's gonna' laugh if I
tell ya' there's no lockdown today?"

I swear, ang sama ng tingin ko sa kanya. Tumayo ako doon sa harap ng pintuan ng
Spanish class namin, dahil yun na yung susunod.

Siya naman humakbang papalapit sa akin.

"How could you? We skipped a class." sabi ko na lang.

Siya naman, seryosong-seryoso yung itsura.

"Aly, don't stand up there." tapos lumalapit siya.

"Don't you get near me.""Just don't stand up there!"

Pagkasabi niyang yun, nag-alarm na kaya tumakbo siya at tinulak ako. Parang alam ko
na kung bakit niya ako pinapaalis doon. Kasi kapag nag-alarm, bubukas yung pinto at
tatamaan ako. Syempre, walang makakakita sa akin.

Kaya ang ginawa niya, tinulak niya ako, kaya nung tumama yung pinto sa kanya,
natulak siya sa akin. And we both closed our eyes.
....coz we're an inch apart.

Walang makapagsalita sa amin nun.

"I told you not to stand up there!" hindi pa rin siya umaalis, "I'm so sorry about
the ISS joke."

Ako naman nakatingin doon.

Yung Spanish teacher namin eh hinila yung pinto at nakita kami sa likuran.

"What--you--doing--there?"

Biglang humiwalay si Yex.

"Accident." sabi niya pero wala rin siya sa sarili niya.

"Kissy--kissy?"

"Errr.." tinuro namin yung isa't isa. "No!"

Ito namang isa na senior na babae na mahilig mang-asar, bigla na lang kumanta.

"It's the start of something new--"

Tinuro naman ni Yex yung babae..

"You shut up."

"Language Yex!" sabi nung Spanish teacher.

"Yeah Yex, don't act like a freak." sabi ko kasi napa-skip ako ng klase dahil sa
kanya,"I don't like that joke."

"You two!" tinuro kami nung Spanish teacher namin. "No me gusta.. no me
gusta.."sabi niya na parang iniisip niya yung sinasabi niya, "Your language."

Hindi ko alam kung matatawa ako kapag nag-eenglish siya. Pinipilit kong pigilin
yung tawa ko, kaya lang ang hirap eh. Tumawa rin si Yex.

"ISS! Both of you!" tapos tinuro niya yung ISS room.


Create a free website with

***28***

Actually, pagdating namin doon sa ISS room eh sinalubong kami nung babae na
nagbabantay doon. Hindi ko nga kinausap si Yex, pero hndi naman ako galit na galit
sa kanya. All my life hindi ako nag-skip, tapos siya lang pala ang dahilan?

Anyway, ito yung sabi nung babae:

"Yes can I help you?" yan sabi niya nung pagkabukas niya ng pinto.

"Uhmm, we're sent here."


Nagsalubong yung kilay nung babae. Tapos nakapamewang na siya. Mukhang may nasabi
si Yex na masama.

"Are you kids tryig to play with me? You can't just knock and walk in here!"

"But Miss.." sabi niya with macthing turo pa sa likuran niya, "The Spanish
Teacher--"

Mukhang ayaw siyang paniwalaan, kaya ako naman eh sumingit na lang at baka may
masabi pa ako na maganda.

"You can call her.." casual lang yung pagkakasabi ko.

Yung teacher naman eh tumingin sa akin, tapos pumasok siya sa loob.

"Well.. uhh.. I didn't think about that."

Pagkatapos yatang tawagan nung babae yung teacher namin at na-confirm na sinend nga
kami doon, pinapasok kami sa loob. I've never been there, kaya wala akong idea kung
anong itsura sa loob.

Well, kapapasok ko pa lang eh pakiramdam ko eh pumasok ako sa isang library na may


super strict na librarian. Super tahimik sa loob at merong tatlong lalaki sa loob.
Yung isa nga natutulog pa yata kasi nakasandal yung ulo niya sa desk. Yung isa
naman eh nakataas yung paa.. well yung huli eh.. tumingin lang sa amin ni Yex.

Nung sinamahan kami nung babae na nagbukas ng pinto ng ISS doon sa pintuan, tinuro
niya yung uupuan namin.

"Put your feet down young man!" sinigawan niya yung isa, "And you too.." tinuro
niya yung isa, "You all know that chewing gum is not allowed."

Si Yex eh tumawa lang tapos naupo doon sa upuan na katabi nung nakataas yung paa.
Siniko niya yung lalaki tapos sabi niya...

"What're you in for?"

"I kicked somebody else's butt. You?"

"You win." sabi niya ng nakangiti, " 'Told somebody to shut up."

Tumingin yung nag chewing gum sa akin. Hindi pa rin niya ini-spit yun kahit
pinagsabihan na siya. Ako nama nagdalawang-isip ako na maupo.

"Hey girl, why're you here?" tinuro niya ako.

"Oh, I called somebody a freak." tinignan ko si Yex.

Tumawa lang si Yex. Parang natuwa pa siya sa sinabi ko kahit hindi naman
nakakatuwa.

"This is Aly, she's in all of my classes, partially in gym."

45 minutes yung klase namin sa Spanish. Isa lang ang ibig sabihin nun, 45 minutes
din ang iuupo namin doon. Sinabihan nga kami na mag-aral daw kami, at wala namang
sinend na work yung teacher namin sa Spanish.

Syempre, sino ba namang gustong mag-aral kung pwede namang wala kang ginagawa 'di
ba? Kaya ayun, naupo na lang ako doon at nagpakaboring. Sila kasing mga lalaki eh
mukhang magkakakilala dahil naguusap-usap sila.

"Aly, wanna' play twenty questions?" napansin yata ni Yex na naboboring ako.

"What's that?"

Natawa yung isa. Siya naman yung sumagot.

"Well basically, you'll gonna' think just about anything, then you can ask twenty
questions for it. After twenty questions and you still didn't get it, you lost. You
have to do a consequence. But you can guess, even if it's not 20 yet."

Nag-lean si Yex sa table nakaharap sa akin. Tapos ngumiti siya.

"You first."

Dahil hindi ko kaya ng walang ginagawa, nakilaro na lang ako. Sobrang boring
talaga. Wala man lang magawa doon sa room na yun. Buti nga hindi kami pinapagalitan
eh.

"Okay, i'm thinking of an animal." sabi ko na lang dahil wala naman akong
maisip,"What is it?""O-kay.." sabi niya ng mabagal, "Is it big?""Well, some of
them.. yeah." malaki naman yung iba nun eh!

"Do you pet it?""Some people does." sabi ko naman.

Napataas yung kilay ni Yex. Parang lahat ng sagot ko eh may 'some'.

"Do you see it in your house?""No." mahulaan kaya niya ito?

"Is it wild?""Well.. no." 4 questions na.

Ang tagal din pala ng larong ito.

"Do you see it in a jungle?" seryosong-seryoso na yung mukha niya.

"Yeah."

Bigla siyang umakbay doon sa lalaki na nagsabi nung concept nung game. Tapos
ngumiti si Yex.

"Does that animal look like this one?"

Natawa rin ako dun. Sigurado namang alam na niya yung tinutukoy ko. Binitawan niya
kasi yung lalaki tapos sumandal siya sa upuan niya ng cross arms.

"A monkey isn't it?"

Tumango na lang ako. Naman! Ang bilis niyang makahula. Siguro sanay na siya sa game
na yun. Baka mamaya ako eh magmukhang ewan.

Tapos napansin ko na iba yung itsura niya.

"My turn." sabi niya pero sobrang seryoso siya, I mean.. seryosong-seryoso, "I'm
thinking of a person.. who is it?"

Sinimulan ko naman yung paghula ko. Sinimulan ko doon sa tanong na... "Is it a
guy?""No." sagot niya ng mabilis.
Ibig sabihin syempre babae. Hindi ko na tatanungin kung babae, sayang sa tanong eh.

"A girl. Is she famous?""To me.. yeah." sabi niya ng mahina lang.

"An actress?""Uhmm.. no."

Sinundan ko ng tatlo pang tanong. Yung isa eh kung singer ba, hindi daw. Nung
sumunod eh kung politician, hindi rin. Tapos tinanong ko kung nag-invent ng kahit
ano, hindi pa rin.

"An ordinary person?" kasi kung hindi naman artista, hindi singer o kahit ano pa
man, malamang ordinary lang siya.

"No."

Ano ba naman yan hindi pa rin! Ang daming tao sa mundo, hindi ko maisip kung ano!

"Is she young?""What do you mean young?" napaisip siya kasi marami nga namang ibig
sabihin ang 'young.' "Well yeah, of course.""Is she pretty?""Yeah.. sometimes.."

Napataas yung kilay ko nun. Parang ang weird naman nun ah!

"9 questions down.""Uhmm.. is she smart?" ang hirap naman kasi eh!

"Nope." hindi matalino? Ibig sabihin bobo siya???

"She's in this school isn't she?""Yes." nag-lean na siya ng table.

"Is she tall?""No. She's petite." tapos napaisip siya, "Well, I'm taller than her.
It depends on your definition of tall.""A freshman?""Heck no. She acts like it
though." tapos natawa siya kasama yung lalaki na katabi niya, "13 questions down.
You still got 7.""A sophomore?!?""Yes.""Is it Sam?" sabi ko naman na parang
sigurado na hindi rin at the same time.

"HELL no. Sam and pretty don't match.""Is she a cheerleader?""Nope. She's not
stupid to enter." ang harsh naman nun para sa mga cheerleaders.

"Is she close to you?""Yeah.""Heather?""She's not in this school at all." oo nga


naman siraulo ko naman!

"She's in the school paper?!?""Yeah. You're getting warmer!""I know who it is!"
tinaasan ko siya ng kilay ko!

"Who is it then?!?"

Nung sinabi niya yun, sakto namang nag-bell na. Tapos na yata yung klase. 45
minutes lang kasi eh!

"It's Jianna!""That's it. You lost. That's 20 already." tapos sobrang nakakaloko na
yung tingin niya.

Isa siya sa naunang tumayo at huminto siya sa harapan ko.

"I can't believe you didn't get it.""Who is it?" tanong ko habang nakatingala ako
sa kanya.

"I'm referring to you." tapos ginulo niya yung buhok ko. "And since I win this
game... I'm having a demand.""Okay." sport naman ako eh... sana yung madali lang.
"As long as it's not about money.""You're wearing a shirt of mine tomorrow."
Create a free website with

***29***

Nag-uwian na kami nun. Actually na-shock ako sa sinabi niya. Bakit ko naman isusut
yung shirt niya. Excuse me? Mukha na ba akong lalaki ngayon para suotin yun? I mean
seriously???

Kung hindi lang naman siya nanalo, hindi naman ako papayag. But, I have my own
word. Kapag sinabi kong gagawin ko, gagawin ko siyempre.

Isa ako sa mga huling umalis ng school. Nag-check pa nga ako ng mailbox ng advice
column nung wala na si Yex sa paningin ko na sisingit. Baka kasi makita na naman
niya ako, lalo pang tumaas ang pagdududa nun.

Inuwi ko yung letters sa bahay. Wala naman na akong magagawa. Alangan namang maupo
pa ako doon at doon ako magsulat ng replies. Gagabihin pa ako ng uwi. Sa bahay ko
na lang gagawin, para naman bukas eh ibibigay ko na lang kay Ms. Wendy.

Well, that's what I did. Sabi nga ni Ynah mukha daw akong nalugi nung dumating ako.
Sabi ko pagod lang ako. Hindi ko nga kinuwento na napunta ako ng ISS. Kapag nalaman
pa ni Papa yun at si Yex na naman kasama ko, tiyak ban na si Yex sa bahay.. o kahit
sa akin sa school. Iisipin niya bad influence.

Which is.. kind of.

Nung gabi eh sinagot ko na yung mail. Si Happiness and Betrayal.. guy, yep, guy..
sumulat uli. Sabi niya, ano daw ba ang dapat niyang gawin. Kasi kung pipiliin daw
niya yung Happiness, he would betray somebody na mahalaga sa kanya. So then I said:

'You can still have Happiness without betraying somebody. Without any further
information, I think you should really talk to the person involved in your problem.
That's, all I can say right now."

Nagpakatotoo lang ako, hindi ko naman alam ang problema niya. Ayaw niyang
magkuwento, e di doon ako sa general answer. Hindi ko nga natapos eh, may tatlong
letter ako na hindi nabasa. Paano ba naman pumipikit na yung mata ko nun.

Anyway, dumating yung Twin day. Nagsuot na lang ako ng black, kasi yun yung unang
napag-usapan namin ni Yex. Mukhang hindi naman totohanin ni Yex yung pagsusuot ko
ng shirt niya. Mas okay na yun, ayoko rin naman. I mean, its okay kung itutuloy,
pero much better kung hindi na lang.

Nung sumakay ako ng bus papuntang school, bus na kasi nagtratrabaho na si Mama eh,
naglakad na ako papasok ng school. Nahulog pa nga yung gamit ko kasi bumigay yung
paper bag na pinagdadalahan ko ng ilang gamit. Kinuha ko naman din kaagad. Humangin
pa nga, kaya hinabol ko pa yung iba. Umuulan-ulan pa man din nun kaya nabasa yung
iba.

So yun nga ang nangyari, simula pa lang ang malas ko na. Nakatingin sa akin yung
iba kasi iniisip siguro nila ang ewan ko naman. Lumapit sa akin si Yex, as usual,
at dala-dala na naman niya yung ngiti na nakakaloko.

"Why do I get the feeling that when you use that kind of smile, I'm gonna' be in
trouble later?"

Inalis naman niya yung ngiti niya.

"Hey!" tinapik niya ako sa balikat, "I'm just smiling to my twin!" parang ang saya
niya masyado, "See my shirt?"

Tumayo siya sa bandang kanan ko. Tinignan ko yung shirt niya.

"Yeah.. so?" kasi plain black naman yung suot niya.

"Oh, you don't know?" tapos tumalikod siya, may-arrow doon sa gilid na naka-point
sa kaliwa at nakalagay eh, "That's her!' "

May inabot siyang shirt sa akin na black din tapos may print din sa likod na
pakanan naman yung arrow. Nakalagay naman eh.. "Err.. it's him?!?" sa print.

"That's so lame!"

Nagsalubong naman yung kilay niya nun. Pero hindi dahil galit siya, kung hindi
dahil tinignan niya yung shirt.

"Really?" tapos umiling siya,"Oh well. Heather gave it to me. From last year. I
didn't wear it since, I don't like twin days anyway. But now I have a twin.. so I'm
giving it to ya'.""How come you have the 'err its him' shirt." tinignan ko, "And
its so... big.""I know! Those are my original shirts. She played with it. Printed
some stuff."

Wala naman akong magagawa nun. Naiwan siya doon pagkatapos kong kunin yung shirt.
Nag-wave pa nga sa akin eh. Ang lakas talaga ng tama sa uta ng tao na iyon.

Nung nagpalit na ako ng shirt, ang laki-laki sobra. Kaya ayun, hinila ko yung
sleeves. Nung dumadaan nga ako eh, alam na nila na si Yex yung twin ko. Ewan ko
kung paano nila nalaman. Oh well...

Dumaan ako sa locker ko. Nakadikit doon sa harap eh box ng chocolates. As in sa


harap ng locker ko. Inasar ako nung mga tao doon. Nakalagay lang doon eh.. Take
care Aly. Love lots.

Tumingin ako doon sa gilid. Nakita kong nakatingin din si Seth sa akin na nakangiti
pa nung nakuha ko yung chocolates.

"Seth! Thank You!" sinabi ko pero hindi naman ganun kalakas.

Siya naman, tumayo ng maayos na parang ewan.. tapos sabi niya..

"No prob!"

Dahil nga twin ko si Yex, siya ang madalas kong ksama. Pag magkatabi kami nun, para
kaming sira kasi nga may arrow yung likod namin. Pero yung iba sinasabihan kami ng
cute outfit.

The best twin in my opinion eh yung dalawang freshmen. Paano ba naman, mula ulo
hanggang paa.. simula sa ribbon hanggang sintas ng sapatos parehas na parehas.
Paanong hindi.. TWINS talaga sila.

By third period, late na nman si Yex pero umupo siya sa tabi ko. Tapos nung nag-
lean siya sa table ko nung nagsusulat na ako ng lesson, narinig ko na lang na
sinabi niya eh...

"I'm hurt. Really hurt."

Napatigil ako sa pagsusulat ko nun. Napatingin ako sa kanya na naghahanap na ng


papel niya para mapagsulatan yata.
"Huh?" baka namali lang ako ng dinig.

"You're so mean to me." sabi niya pero parang paloko lang. "You're mean.""What did
I do?""You're mean." sabi niya inulit pa uli. "I'm not gonna' talk to you for 2
mins."

Napataas yung kilay ko nun. Akala ko naman... for the rest of the week.. or kahit
day man lang. 2 minutes lang pala. Big deal.

Ewan ko kung biro lang niya yun, pero hindi ko alam yung sinasabi niya. After 2
minutes or so, kinalabit ba naman ako.

"Do you have an extra pen?" yung itsura niya seryoso pa nga eh, "I don't have any."

Tignan mo ito, aawayin ako tapos sa akin din pala manghihiram ng pansulat. Pero
pinahiram ko naman, kawawa naman eh. Sasabak na lang sa giyera, wala naman palang
baril.

Twin Day's.. just... a day. Nothing's special about it. Akala ko kung ano na,
magsusuot lang kayo ng parehas, pero wala na. Normal day lang din siya na papasok
ka sa classes mo.

By end of lunch, dumaan ako sa mailbox. Walang laman. Dalawa lang yun nandun. Ang
kulit nga eh, usually ang daming laman nun.

So sa Algebra class ko, ginawa ko na uli yung routine ko na hindi makinig at mag-
reply sa mga letters. Dahil nga dalawa lang, madali ko lang namang matatapos yun.
Kaya lang yung unang letter na nabuksan ko... nawindang ako eh.

...don't be sad.
...i'm gonna' take care of ya'
...and i'm gonna' make sure you're all right
...you'll always be here in my heart
...my ANGEL.

Nung una, hindi ko pa pinansin. Advice column ito mga tsong! Hindi poetry contest!

Sinong nag-send nito sa akin? Pakiramdam ko nun nag-init yung buong mukha ko.
Dinala ni Yex yung libro niya at tumabi sa akin. Nagpapaturo sa Algebra. Hindi daw
niya maintindihan yung lesson. Ako naman, tinago ko kaagad yung letter. Hindi naman
yun para sa akin eh.

"You look like you've eaten a whole mushroom."

Magre-react na sana ako na OO, kaya lang na-realize ko...

"I like mushrooms!" sabi ko naman.

"Well I don't." seryoso siya, "What's the matter?""Nothing." tapos tinignan ko yung
libro, "I swear Yex.. I don't know how you got into Algebra 2 if you can't get
slopes!"

Hanggang sa umabot yung Spanish class namin, ewan ko kung bakit pinoproblema ko pa
rin yun. Pero anyway, whoever sent that one, ang sweet naman. Kahit alam ko naman
na na wrong send lang.

So after nung Spanish class namin at nahulog na naman yung gamit ko eh pinulot ko
na naman isa-isa. May program pa kasi kami sa auditorium nun kaya pala maagad yung
uwian. May Twins Day celebration chuvaness... malay ko kung ano yun.

Napatingin ako doon sa nahulog ko. Sabi ni YEx, hihintayin niya ako sa pinto. So
nung nakatayo siya doon at ako eh nagpupulot ng gamit... I noticed that letter
again.. Sa likod pala... may nakasulat.

'It's never wrong to ask why, because you might get an answer.'

You'll always be my ANGEL, Aly.


Create a free website with

***30***

Nung nabasa ko yun, kinilabutan ako. Grabe naman yung nagsulat, anong ANGEL?? Mukha
ba akong Angel? Eh ang layo ko nga maging Angel. Tapos ngayon Angel? Eh bakit ba
nag-iisip na lang ako eh ito na lang yung huling salita ko. Teka alin ba? Yung
Angel?

Sheesh... I can't believe I'm so weird.

"Hey are you done?" sabi ni Yex kaya napansin ko siya. Nakatayo nga pala siya doon
sa pintuan at hinihintay ako dahil hinawakan niya na bukas yung pinto.

"Oohh.." tinago ko uli yung sulat, "Yeah."

Pumnta kami sa program ng Twin Day. Actually, lahat naman. And seriously, yung
performance namin sa Twin Day was a total dud.

May games kasi sa harapan. Entertainment kumbaga. Syempre kailangan yata ng


representative every grade level, kaya nagtatayuan na simula 7th grade. Ewan ko ba
kung bakit sinama nila mga Junior High.

Pero yun, kami yung tinuturo ng 10th graders. Lumabas kasi, kami lang ang twin na
boy and girl sa grade level namin. Ang weird nga eh,kasi akala ko si Ed din. Hindi
pala.

Nag-games sa harapan. Ang game eh bibigyan kayo ng string na dalawa, at ilalagay sa


wrist niyo ng nakabuhol.. over and under. So as twins, kailangan niyong i figure-
out kung paano kayo aalis doon sa pagkakabuhol. And as twins, kailangan
magkaintindihan kayo on how to work together.

In which case, hindi namin nagawa ni Yex kaya natalo kami. Nanalo kasi Seniors. Ok
lang naman, pero kami yata yung isa sa mga hindi naka-solve! Nung bumalik nga kami
sa upuan, nakasimangit si Jim tapos sabi niya...

"What does that tell us?!?" pero halata mong sarcastic yung tono niya.

"Will you shut up Jim?" siniko siya ni Seth. "Don't mind him Aly."

Actually wala namang problema yung sinabi ni Jim. Ibig sabihin lang nun, Yex and I
aren't smart enough to figure it out. Kasi naman ayaw naming kumilos dalawa.
Nahihiya yata kami parehas eh.

Twin Day's just.. a day. Hindi nga kami nanalo nung tickets. Nanalo mga freshmen.
Sa Disneyworld pala yun. Sabi ni Seth, ang lame daw ng panalo. Sana daw concert na
lang. Sa isip-isip ko naman, hindi yun "lame" sa mga hindi pa nakakapunta.

Para bang... ako. Alam niyo yun?

So anyway, nung thursday, lalo talaga akong nawindang sa nakita ko sa notebook ko.
Yung notebook paper ko kasi sa binder ko na kung anu-ano lang ang laman, may
nakasulat. At ito yung guy na kilala ako as the columnist. And ito yung sinabi
niya...

...u're a wizard by heart


...by numbers and in words
...but you can't calculate
...how much you mean to me
...but even if the world's upside down

3> Aly. I wanted to tell ya' that.

That same day, naka-receive din ako ng flower sa locker ko. Kaya ako naman
kinapalan ko na yung mukha ko, lumapit talaga ako kay Seth nung free period ako
tinanong ko na siya.

"Did you put this flower in my locker?" sabi ko ng hinihingal-hingal pa.

Nung una nagulat siya dahil sumulpot na lang ako sa tabi niya, tapos sabi niya..

"Oh yeah.. that. Yes, that's from me.""And this?" tinaas ko yung notebook paper na
nakatupi pa. "This letter thing?""Uhh.. yes." tumayo siya ng maayos sa harap ko.

Nag-alangan pa ako nun, tapos niyakap ko siya.

"Thanks. Thanks alot."

Dumating nga si Yex nun, binati ko lang pero dumiretso na ako sa class ko. I
answered about 20 mails, more or less, tapos binigay ko na uli kay Miss Wendy. Sabi
nga niya, ngyon lang daw nagkaroon ng ganung karaming letters ang advice column.

Nung dumating naman yung Saturday ng hapon, kinailangan naman na namng umalis ng
bahay dahil nga may party daw ang mga Filipino. Birthday ni Kevin, yung half bro ni
Yex. At take note, sa bahay nga nila gaganapin yung party.

So ako naman, di ko malaman kung bakit gusto ko talagang sumama. Siguro dahil gusto
kong makita yung bahay nila. Ako nga yata ang pinakanaunang naligo, at ako rin ang
pinakaunang nakasakay sa kotse. Sabi nga ni Gabby sa akin, masyado daw akong hyper.

But anyway, nagpunta kami sa C*******n para puntahan yung bahay nila Yex. Hindi
naman kami naligaw, dahil alam na ni Papa yung directions. Then after 25 minutes or
so, huminto kami sa isang double wide na trailer.

YES, trailer.

"Ito na yun.." sabi ni Papa nung huminto kami.

Honestly, I expected Yex's house to be a.. concrete house. Kasi 'di ba, he looks
rich and all. He got his own car, his own phone, and he sure got some advance
stuff. Pero hindi mo aasahan na trailer yung bahay nila.

But it's not just some trailer, maganda yung trailer I'll tell ya' that. But
there's no mistaking na bahay nila yun, dahil nakapark eh tatlong sasakyan,
including Yex's car. Nung dumating nga kami, pinagbuksan na kami ng pinto ni Rodel,
yung isa sa Filipino guy na nanguha ng pic namin nila Ria at Yex nung unang party.

"Eto na pala si Aly eh!" sabi niya tapos umakbay siya sa akin, "Kumusta na?"

Kinumusta din niya si Mama at si Papa, pati yung dalawang kapatid ko na parang mga
ewan. So kami naman, lumapit kay Kevin at binati namin ng Happy Birthday.

Ito namang Rodel eh medyo pasaway ang dating, sabi ba naman sa akin eh...

"See that hallway? Go straight ahead. That door right there, that's Yex's room."
sabi niya sa akin ng nakangiti.

Tinignan ko lang siya. ANo namang gagawin ko dun?

"Kanina pa hindi lumalabas yun. Subukan mo nga kung mapapalabas mo."

Ako naman, dumiretso doon sa hallway na sinasabi niya. Nakarating din ako doon,
tapos narinig ko na may malakas na music na nanggagaling sa loob. Kaya ako naman,
dinaan ko na lang sa katok.

"One sec!" sabi nung boses sa loob.

Nagbilang ako, lumagpas na nga siguro ng 10 seconds, saka lang nagbukas.

"What?!?" tapos nagulat siya nung nakita niya ako, "Oh hey Aly." binuksan niya yung
pinto, "Come in."

Pagpasok na pagpasok mo sa loob, amoy kaagad yung pabango niya. It's the type of
room na pagtapak na pagtapak mo pa lang sa pintuan, alam mong kwarto ng lalaki.

The thing is...

It's messy. Ang kalat. SOBRA.

"It's a little--- bit messy." sabi niya na medyo nahihiya pa.

"It's okay. Its dark in here."

Sinabi nga niya na wala daw siyang bright light except yung light ng lamps niya.
Ang dilim sa loob, kaya you'll get the idea na para kang nasa loob ng Reptile Room.

"I don't clean that much." actually nahalata ko na yun, "I don't clean just to make
a good impression. You know, my mom said to clean my room because we'll have
visitors. I told her I don't have to. I clean when I think its time for me to
clean."ngumiti siya sa akin, "I'll do it myself, she doesn't have to tell me when."

BUti pa siya.. hindi katulad ko. Ako kasi naglilinis kapag may dumarating!
Pamukhang tao kumabaga. Samantalang siya, marumi man, wala siyang care!

So yun nga, naupo lang ako doon sa room niya na magulo pa yung comforter.
Nagpatugtog siya doon ng mga kanta na hindi ko naman alam pero cutie pakinggan. May
rock songs pa nga eh.

Hindi pa kami lumabas nun para kumain ng bigla na lang may bumukas ng pinto ng
hindi man lang kumakatok...

"YYYYYYYYEEEEEEEXXXXXXXX!!!!" sabi nung boses pagkapasok pa lang.


Napatayo naman si Yex mula sa pagkakaupo niya doon sa kama.

"Oh my God! I knew it! I knew you're not stupid at all!" tapos pinisil-pisil niya
yung pisngi ni Yex.

"Ouch! Ria ouch! That hurts!" pinipisil pa rin pisngi niya, "Stop that!"

Tumigil din naman si Ria sa pagpisil sa pisngi niya tapos naupo siya doon sa kama.
Napansin din niya ako kaya kumaway siya pero tuloy siya sa pagkausap kay Yex.

"What're you talking about?""You big creep!" napaatras ako nung sinabi niya yun,
"Heather. I'm talking about Heather.""What about her?" tumalikod si Yex para ilagay
yung isang cd niya doon sa player niya.

"I just found out you two broke up.""Yeah we did. Like ages. So?""It means you're
not stupid because you broke up with her! I've been tellin' ya to open your big
head.. and now it's finally open!""Why do you have such a big grudge against
Heather huh? Don't tell me you like me?""Oh please!" sabi ni Ria with matching kuha
pa ng unan, "Me liking you is never gonna' happen. You're like my brother. That
would be.. incest." tapos natawa siya.

"It wouldn't be incest since I'm not your brother." si Yex naman tumawa ngayon,
"You didn't answer my question, why are you against Heather from the very start?"
tapos nagseryoso siya, "Its not about the perfume incident is it?"

Hindi na lang ako nagsalita. Hindi ako makarelate sa ibang sinasabi nila. Kaya eto,
makikinig na lang siguro ako.

"It's not about that. Well, can't you tell that she's stupid enough?" nag-roll yung
eyes niya, "But I gotta' tell you, my perfume smells better."

Natawa ako dun. Kahit pala anong sinasabi ni Ria, may halong tungkol sa kanya na
matatawa ka.

Tumingin naman si Ria sa akin.

"What's up Aly?" yumakap siya sa akin saglit, "Yex is not as stupid as he was
right?"

Ako naman, di ko alam isasagot ko.

"He's alright.""See told ya'." sabi naman ni Ria. "So what's your reason? Whyt did
you break up with her? I thought you like her alot?""Yeah I do like her alot."

For some reason, parang ayoko yung narinig ko na yun.

"But I don't love her.""OHH. So this is about love is it? Since when did the whole
love voodoo hit ya?"

Napatingin si Yex kay Ria. Seryoso na siya at hindi siya tumatawa. Tumingin siya sa
akin saglit, then kay Ria ulit.

"Since when?" ang bagal pa ng sagot, "Just recently.""Recently???""Yeah. It hit me


recently. Like a flash of camera." umupo siya sa gitna namin, "But unlike in
pictures...""I'm still blinded by the flash until now." tumingin siya sa akin,
"Right Aly?"
Create a free website with

***31***
Na-shock ako dun. Hindi ko tuloy alam kung ano ire-react ko. Paano ba naman, hindi
ko alam kung pinariringgan ba niya ako o tinatanong niya lang talaga ako. Pero nung
sinabi niya yun, bumilis yung tibok ng puso ko. Sa kaba yata??? At the same time,
I'm thinking na ako yung sinasabihan niya.

Kaya lang kinokontra ko yung sarili ko. I mean, why me? Shoot. As if..

May party nga na nagaganap, so kinailangan naming lumabas dahil sinabihan kami na
lumabas kami. Ang ginawa lang naming tatlo nila Ria eh kumuha lang ng pagkain at
bumalik na sa room ni Yex.

I gotta' tell you, kung magkakagusto lang si Ria at si Yex sa isa't isa, they'll
look good together. Actually, mas cute nga siguro sila tignan kaysa yung
Heather/Yex tandem. But I don't think they're going anywhere near that, kasi parang
magkapatid lang sila.

Nagulat naman ako kay Yex nung kumakain kami dahil inabutan niya ako ng soda, tapos
bumulong...

"I'm working on my Tag-a-log Vocab.." sabi niya bago uminom, "And I've been
practicing speaking the language.""Really?" napatingin ako sa kanya ng de-oras,
"And who's teaching you?""My brother." tinuro niya si Kevin, "It turned out he's
way better than I am in speaking it." tapos tumingin siya sa akin sideways ng
nakakaloko.

Alam naman na naming lahat na si Kevin, nakakapag-tagalog. Tapos ngayon sinasabi


niya na saka lang niya nalaman na mas magaling si Kevin sa kanya? Yeah right. An
hilig talaga mag-joke nito, eh obvious naman yung sagot.

"Okay, practice." humarap ako sa kanya, "Say something."

Tinapik niya ako sa balikat ko.

"Not now, I'm still not that good at it. But I usually hear my mom say: "I told you
to clean your room Yex! Ang tagas-i ng ilo mo."

Napanganga ako nun. Ano daw?

"Huh?" nakatingin lang din siya sa akin, "You mean, 'Ang tigas ng ulo mo?'""Yeah
that." dinaan na lang niya sa ngiti.

My heart skipped a beat. Kaya iniwas ko yung tingin ko. How can a simple smile do
that to you right? That's stupid.

Or is it?

Pinapanood namin sumayaw si Rodel sa gitna habang kumakanta doon sa karaoke. Hindi
nga kami masyado magkarinigan ni Yex eh, pero nung lumpait siya sa akin, narinig ko
rin naman siya.

"Seth didn't come. I invited him. He said he wanted to go, but he decided against
it."sabi niya ng mahina.

"Err.. why?"

Tinuro naman ni Yex ngayon si Ria na nakaupo doon sa round table nila. Kumakain ng
grapes doon. Tawa pa nga ng tawa habang kausap si Gabby, yung kapatid ko na timang
din.
"He didn't come because of Ria.""What about Ria?" na-curious tuloy ako. Baka kasi
nag-aaway sila ni Seth, hindi ko pa alam.

"Oh, they're both 'tards. They're not in good terms to each other after they broke
up..." kumagat naman si Yex doon sa burger na kinakain niya kanina pa.

And I admit, nanlaki siguro yung mata ko dun. You mean si Ria at si Seth eh..
dating mag-on???

"They were... together?" napataas yung kilay ko.

"Yeah. I introduced both of them to each other. They went out for months. I don't
know what happened, Ria broke up with Seth."

Saka naman dumating si Rodel at hinila naman ako. Ayaw pa nga pumayag ni Yex na
sumama ako dahil ang kulit ni Rodel, pero sumama na ako dahil mangungulit lang yun
lalo. Kaya ako, lumapit ako doon sa kanya at tinanong ko kung ano bang kaso na
naman ngayon.

"Anong meron?" nag-innocent look ako. At least, yun ang alam kong itsura ko.

"Asus!" niloko pa niya ako dahil nagtanong ako, "Kunwari pa 'tong batang 'to."

Hindi ko naman alam yung sinasabi niya, kaya nakatayo lang ako doon.

"Hindi nga po Kuya Rodel, anong meron?"

"May source ako! Malakas pandinig ko!" humawak siya sa tenga niya, "Sabi ng source
ko from your Homecoming Dance, that you.." tinuro niya ako, "And Yex," tumingin
siya sa likod ko, "--are getting in good terms."

"Of course, we're friends."

"Typical Hollywood answer. Good terms... I mean, you two are getting into the next
level! Item na nga daw kayo sa school niyo eh!"

"Ngek!" yun talaga naging reaction ko, "Saan naman nanggaling yan? Hindi kaya totoo
yun!"

"Asus, itinanggi pa!" sabi niya na may halong pang-aasar. "Sure na sure ako.
Mapapagkatiwalaan yung source ko eh!"

Ako naman sumimangot.

"Kung si Ed yan, naku huwag mo pinaniniwalaan yung tao na yun! Alam mo naman
pasaway yun, pero hindi dapat pinaniniwalaan. 80% ng information nun, hindi totoo."

"Anong Ed ka diyan! Sino bang nagsabi na si Ed nagsabi sa akin na kayong dalawa eh


nagkakamabutihan?"

"Sino pala?"

Tumingin naman si Rodel sa gilid ko dahil tumayo si Yex sa tabi ko.

"Are you done talking to her? Coz we're talking you know."

Nakatingin ako kay Yex nun. Hinihintay pala niya ako na bumalik doon.
"Well.. nakatingin ka na sa source ko ngayon Aly."

Si Yex?

Nakakainis talaga. Basta nakakainis. At the same time parang natutuwa ako na sa
kanya nanggaling yun. Ewan ko rin, ang gulo ko rin no?

Pero syempre, hndi ko pwedeng ipakita na natutuwa ako kahit papaano. Nakakahiya
naman kung mahalata niya 'di ba?

"Hoy!" tinuro ko siya, "Ang kapal naman ng pagmumukha mo! Feeling ka ah!" tapos
tumalikod naman ako sa kanya.

Si Kuya Rodel eh tawa naman ng tawa doon. Hindi nga niya mapigilan yung sarili niya
kaya napaupo na lang siya hawak yung tiyan niya. Si Yex, pinilit akong humarap sa
kanya.

"I didn't understand what you just said, but I'm guessing it's not good.." sabi
niya ng mahinahon. "What's wrong?"

Sumimangot talaga ako nun.

"What's wrong? Oh yeah.. you're playing innocent huh? What're the things that you
told him besides that the two of us are an item at school?""Whoa.. whoa.." tumingin
siya kay Rodel, "You told her that?"

Tumingin din ako kay Rodel.

"Yeah I did tell her." seryoso naman na si Kuya Rodel, pero halata mong nagpipigil
ng tawa.

"I didn't tell you that..." sagot naman ni Yex, "Did I?"

"You did tell me that. Like, three days ago.. when you got drunk."

Parang nagliwanang yung mukha ni Yex nun.

"I got drunk?" tumingin siya sa akin, "Oh yeah. I can't remember, really. You're
the one who told me to drink! You're such a great big jerk Rodel!" humarap na naman
siya sa akin, "I swear Aly, I don't drink. That's like the first time I got drunk,
because he told me to!"

Tawa na ng tawa si Kuya Rodel doon na parang sira.

"You kept repeating... 'Aly's so--' "

"Shut up!" tapos hinila na ako ni Yex doon sa gilid malayo kay Rodel.

Hinila niya ako uli doon sa bandang gilid para siguro wala na akong marinig na kung
ano galing kay Rodel. Nung napatingin nga ako kay Yex, namumula na yung mukha niya.
As in, namumula na talaga. Halatang-halata nga since maputi siya.

"I'm really really sorry about that." mukhang hiyang-hiya na siya sa akin.

Sa totoo lang, kung sa akin din mangyari yun mahihiya talaga ako.

The rest nung party, pinagkalat ni Kuya Rodel yung tungkol sa ami ni Yex. Yun
tuloy, mga Filipino eh inaasar kaming dalawa ni Yex. Love team daw kami.
Anyway, nahiya yata talaga si Yex kasi hanggang sa matapos yung party, naiilang
siya sa akin. Natatawa-tawa na lang siya, tapos binatukan pa niya si Kuya Rodel.

So yun nga, ako rin eh wala rin sa sarili ko nung nakauwi na ako ng bahay. Naupo
lang ako doon sa desk sa kwarto ko at nakinig na lang ako ng music. Siguro may mga
30 mins akong nakaupo doon ng walang ginagawa kundi nilalaro ko lang yung lapis ko.

Nagulat na nga lang ako nung may nagbukas ng pinto...

"Knock much?" sabi ko naman sa kanya kaya napataas pa yung kilay ko.

"Ate, may extra pads ka?"

"Eew. Too much information." tinuro ko yung drawer ko, "Meron diyan yata."

Pagkatapos na pagkatapos kong sinabi yun eh pumasok naman si Ynah sa kwarto ko at


naghalungkat yata ng pads sa drawer ko. Tapos tumingin siya sa akin at nag-snap sa
harapan ko.

"Ate para kang timang diyan!" sabi niya sa akin kaya tinignan ko siya ng masama.

"Nakikialam ka diyan! Magpalit ka na nga dun!"

"Hindi 'to para sa akin! Para kay Mama!"

Lalabas na sana siya kaya lang ako eh tumingin ako sa kanya.

"Ynah! Ynah.. sandali lang!"

Pumasok uli si Ynah at naupo doon sa kama ko. Ako naman eh umikot sa pagkakaupo,
para makita ko siya.

"Pwede magtanong?"

Si Ynah eh mukhang hindi naman interesado. Kami kasing magkapatid, medyo masama ang
turingan sa isa't isa. Kumbaga sa story ng Princess Sara nun, walang Princess Sara
na inaapi... parehas kaming Lavi�a. Ewan ko rin anong pumasok sa isip ko kung bakit
siya na naman ang tatanungin ko.

"Ano na naman yan?" nakanguso pa siya sa akin.

"Wala. Gusto ko lang malaman opinion mo.." sabi ko naman ng mahinahon, "Paano mo ba
malalaman kung may gusto ka sa isang tao?"

"ANo ba naman yan ate! Obvious ba?!? Lahat naman yata ng tao alam na yan!"

"Hindi. Hindi crush." sagot ko naman kaagad, "I mean, more than that."

"Malay ko! Nainlove na ba ko ah??!" nainis naman si Ynah sa akin, "Pero sabi nila,
kapag crush, natutuwa ka kapag nakikita mo siya. Pag wala siya, wala lang. Kapg
inlove ka.. gusto mo siya nakikita parati.. at natutuwa ka sa mga bagay-bagay
tungkol sa kanya." tapos tinignan niya ako, "EWAN KO HA!" sumigaw ba naman,
"Narinig-rinig ko lang yan. Hindi ko alam kung totoo."

"Eh ano naman gagawin mo kung ganito.." nilagay ko yung dalawang kamay ko sa lap
ko, "Merong taong sa tingin mo may gusto sa iyo, at ang bait-bait niya sa iyo..
pero hindi mo siya gusto. At paano rin kung may tao rin na mabait sa iyo, at yun
yung sa tingin mong nagugustuhan mo.. pero hindi pwede dahil baka may masaktan?"
"Ako tinatanong mo? Hindi ba ikaw makakasagot niyan kung saka-sakali? Pero kung ako
yun.. kung may gusto sa iyo yung hindi mo gusto, maiintidihan naman niya siguro
kung wala kang gusto sa kanya." tumayo na siya at sumimangot lalo sa akin, "At
bakita ko ba yung tinatanong mo ha? Sino ba mas matanda sa atin?!?"

Hinawakan na uli ni Ynah yung doorknob para lumabas, pero pinigilan ko siya dahil
may isa pa akong tanong sa kanya.

"Ynah.. last one." sabi ko naman ng seryoso, "Paano kung gusto mo siya nakikita
parati, natutuwa ka sa mga bagay-bagay sa kanya, at ang bilis ng tibok ng puso mo
kapag nakatingin ka sa kanya? Parang feeling mo, feeling mo lang ah, in-love ka sa
kanya.. pero di mo lang inaamin sa sarili mo.."

"Sus problema ba yun? Ang dali-dali ng sagot!"

"Ano?"

"Eh di t*nga ka! Kunwari ka pa si Kuya Yex naman yan!"


Create a free website with

***32***

Ang sama talaga ng ugali ng kapatid ko. Tignan mo nga naman, tinawag ba naman
akong... well.. hindi ko talaga sinasabi yung word na yun.. yun na yun.. tinawag
nila ako nung T-word. Ang harsh nga eh. Pero kapag tinanong mo kasi ang opinion ni
Ynah, kadalasan maniniwala ka. Paano ba naman, mag pagka-prangka yan. Sasabihin
niya talaga yung gusto niyang sabihin. Minsan nga wala na yang pakialam kahit
isipin pa ng mga tao na mean siya. So, good thing ba yun o bad thing?

Pero yun nga nung lumabas na siya, napaisip ako doon sa sinabi niya. Hindi kaya...
hindi kaya ako nga yung tinatawag na T-word? I mean, ganun na ba talaga karami ang
hindi ko alam sa buhay kaya natawag akong ganun? Heck... seriously???

Hay naku, ayoko na ngang mag-isip. Sumasakit lang ang ulo ko. Alam ko ipinoint-out
na ni Ynah na si Yex nga yung gusto ko. Alam mo yun? Ganun na ba kahalata?

Teka, teka, anong ganun na kahalata? Inaamin ko na ba sa sarili ko?

ARRRGGHHH! I hate myself. Bakit kasi lagi akong nagde-deny! Eh ano naman kung
aminin ko sa sarili ko 'di ba? May mawawala ba? Wala naman nakakaalam. Ako lang.
Pero bakit ayaw ko?

Bakit hindi ko ba ma-admit na gusto ko si Yex? Ayoko gamitin yung term na crush eh,
baka kasi masyadong mababaw. Hindi ko naman alam kung in-love nga ako sa kanya.
It's freaky thinking about it. Bakit nga ba hindi ko maamin???

Now wait just a moment, inamin ko na rin! Inamin ko na rin sa sarili ko na hindi ko
maamin na gusto ko siya! So ibig sabihin nun, kahit alam ko na dinedeny ko eh alam
ko na gusto ko siya??? Ang weird 'di ba? Oh well.. I just... did. I guess.

Kulang lang siguro ako sa tulog. But at least, I think... I think that it's
official. May gusto ako kay Yex. I don't wanna' say.. I love him. Sabi kasi nila
oras na magmahal ka.. masasaktan ka. And that's so totally not happening to me.

Oh my God, I have this weird feeling in my stomach again.


***

My weekend passed really quick. Not that I care. Syempre, gusto ko rin namang
pumasok dahil maganda rin naman ang makikita mo sa school. In fact, I wanna' learn.

Hindi ba yun naman ang purpose ng school? Na matuto? Or am I just using the school
for something else?

HA! Ewan ko bakit ang weird ko lately.

So here's how my morning went...

Nagpunta na naman ako sa Advice Column mailbox. Then when I checked it, there's
this purple envelope na kapansin-pansin dahil yun lang ang kakaiba yung kulay. And
when I saw the back... excited na excited akong buksan. May angel kasi doon na
drawing.

...This might probably be my last letter to you


...I'm not saying goodbye, nor I would greet ya' hello
...I know you had loads of questions regarding the letters
...Why the secrecy? It's not enough. Only, why 3>?
...put it with the mark of the treasure, the mystery's gone.

Okay... seriously wala akong naintindihan sa sinabi niya. Bakit ba kailangan niyang
magsulat ng ganun di ba? Naintindihan ko yung unang line, pati yung second line.
The rest? Yeah right! I'm not Shakespeare!

Nung umaga rin nung tinawag ako sa office para daw i-claim ko yung inwan sa akin.
Then I found this basket na may balloons and may stuff toy sa gitna. Tinignan ko pa
yung card baka kasi namali lang ng bigay, pero pangalan ko talaga yung nakalagay.
Wala nga lang sender.

Tinignan ko yung nakasulat doon sa balloon, hindi naman Happy Birthday nakalagay.
As in, plain white and pink balloons yung nandun. May white na bear sa gitna.

Sino naman kayang magbibigay nun di ba? Wala namang okasyon. I know malapit na yung
christmas.. pero syempre.... ewan ko ba.

Nakasalubong ko si Seth nun sa hallway. Narinig ko pa ngang sinabi niya na...

"Wow, nice stuff Aly! That must be expensive.""Yeah, probably." sabi ko at nagdire-
diretso ako ng lakad buhat-buhat yung basket.

Kaya lang, may pumasok sa isip ko kaya lumingon ako uli, at tinawag ko si Seth.

"Seth!" pagkasigaw na pagkasigaw ko pa lang eh lumingon na siya.

"Yeah?" napakunut-noo siya sa akin.

"It's cute isn't it?" sabi ko doon sa dala-dala kong basket.

"Yeah. Who are those from?" tinuro niya yung laman.

He asked me kung kanino galing. Which means.. hindi sa kanya.

"A friend." sabi ko na lang.

"Really?!?" nilagay niya sa bulsa yung kamay niya at nakatingin lang siya sa akin.
Naalala ko yung letter na purple. Naisip ko lang na itanong sa kanya, at
naguguluhan na naman ako eh.

"Did you happen to send me a note lately?""Yeah I did." ngumiti lang siya,
"Why?""Oh. Nothing."

Nagpaalam na ako sa kanya. May klase pa siguro na pupuntahan yun eh. Hindi ko nga
alam kung saan ko ilalagay yung malaking basket na yun, kaya iniwan ko na lang sa
Physics class ko. Ayoko naman na dala-dala ko yun buong maghapon at isipin nila na
pinagmamayabang ko lang para magpapansin na meron ako nun.

Sa totoo lang, ayoko naman talagang may makaalam na meron ako nun hangga't maaari.

By lunch time, si Jianna eh kinukulit ako kung kanino galing yun. Sabi ko, hindi ko
nga alam. Then she pointed out na baka galing daw doon sa dude na nagsusulat ng
letter sa akin. Sabi ko si Seth yun, pero hindi naman si Seth yung nagbigay nun
dahil sa incident kaninang umaga.

Si Seth yung mahilig sa letters, pero yung stuff? It's a different person.

So yun nga, sabi ni Jianna, ang sweet naman daw and all those crappy words na
nakakakilabot. Siya daw at si Zac niya, well... sila na kasi, eh hindi naman daw
nag-ganun sa isa't isa.

Sa Algebra class namin eh ganun pa rin. Hindi pa rin ako nakikinig sa teacher ko
dahil bored nga ako sa klase na iyon. Pero dahil nga si Yex eh suki ko na sa class
na yun na hindi maintindihan yung lesson, nagpaturo na naman siya tungkol sa topic
about circles. Vertex eh h,k, ang variable.. mga ganung bagay. Math nga yata ang
weakest link ni Yex eh. He's smart, pero hindi lang niya makuha ang Algebra 2.

Doon siya naupo sa harap na desk ko. Dahil nga ang tangkad-tangkad niyang tao eh
hindi mo maiiwasan nung tinuruan ko siya eh dumikit yung tuhod niya sa tuhod ko.
Although hindi nga aligned kasi nga mas maliit ako. But oh well.. you get the idea.

I sort of, panicked. Para akong sira dahil talagang yumuko pa ako para tignan. I
don't know why, but I felt weird.

"Sorry." sabi niya tapos inalis niya yung paa niya at naupo siya sideways para
hindi na madikit yung paa niya sa paa ko.

After that, tinuruan ko na siya uli doon sa circles.

Nauna siyang lumabas sa akin sa Algebra class at nauna siyang nakarating sa Spanish
class. Sa lalaki ba naman ng hakbang niya hindi pa ba siya nun makarating?

So yun, Spanish is one of my terrible classes ever, pero masaya rin naman. This
time, may oral test kami at kailangan mo ng partner.

"Partners?"

It only took him one turn sa upuan niya, one word, and one smile and I finally
said..

"Yes." well.. a different one anyway, "Sure. Partners tayo."

Teka, bakit ba ako nagtatagalog sa kanya???

Pinagharap yung upuan para makapag-discuss daw. Ang gagawin eh kunwari customer
yung isa, at yung isa naman eh waiter/waitress. This time, waitress ako at kukunin
ko yung order niya. Kailangan makagawa kami ng maliit na skit in Spanish. Gusto
lang ng teacher namin na malaman kung marunong kami umorder sa language niya.

45 minutes lang yung klase. Siguro nakaka-30 minutes na kami doon eh wala pa kaming
nasusulat kung hindi panglan lang namin parehas sa upper right corner. Tawa kasi
kami ng tawa sa hindi mo malamang dahilan.

Occassionally, maririnig kami ng teacher namin na nagdadaldalan kaya sasabihin


niya...

"Yex, and compa�era!" ituturo niya ako, "No ingles. Yo quisiera escuchar dialogos
en espa�ol!"

Parehas kaming nakatingin ni Yex sa kanya at napanganga. Whatever that means.

"Okay, let's get this thing done." sabi niya ng seryoso na.

Umupo siya ng maayos sa upuan niya. Unlike doon sa Algebra class namin, hindi siya
naupo ng sideways. This time, nung naramdaman ko na nag-touch yung paa niya akin,
hindi ko na makuhang tumingin sa ilalim ng desk. Dahil alam ko na kung ano yung
itsura.. sa pakiramdam ko.

Nakapagitna kasi sa dalawang paa niya, eh yung dalawang paa ko. As in tight, kaya
magkadikit na magkadikit. Tinignan ko lang siya nun, at alam kong sinadya niya
dahil hindi niya inalis, at hindi rin siya nag-sorry.

Yumuko siya doon sa papel namin at nagsulat yata ng kung ano. Natatakpan kasi ng
kamay niya kaya hindi ko mabasa. Pero ako, wala na ako sa sarili ko nung mga oras
na iyon. Baka nga hindi na ako makapagsalita dahil nanginginig na siguro ako.

"Remember the tequierro thing I told you before?" sabi niya ng hindi man lang
nakatingin at nagsusulat pa rin, "Well, I don't know if you figured it out or what.
But I learned a new Spanish phrase that's more suited for me to tell ya'.."

Umupo na siya uli ng maayos at inabot niya sa akin yung papel na sinulat niya.

"I don't think you know what it means.. but I just wanted to tell ya' that... even
before." then ngumiti siya sa akin.

Nung tinignan ko yung sinulat niya, I swear, I froze on the spot. Hindi na ako
makakilos, at hindi ko na rin makuhang tumingin sa kanya.

'Coz the thing is...

I know what 'Te Amo' means...


Create a free website with

***33***

Ewan ko ba kung napansin niya yung reaksiyon ng mukha ko. Sino ba namang hindi
magugulat doon 'di ba? Bigla na lang magsusulat ng kung ano tapos papakita na lang
sa iyo ng ganun-ganon na lang! Ano ito.. isang malaking joke?!?

"---not as a friend." seryoso niyang sinabi yun tapos tumingin siya sa akin.
Napaatras ako sa upuan ko. Nakatingin lang ako sa kanya pero wala akong sinabi. I
guess when you do something like that, sinabihan ka ng ganun, umatras ka at walang
sinabi.. that means freaking out. Although, hindi ka naman talaga sumigaw or
anything.

"Hey.." sabi niya sa akin dahil napansin niya na na umaatras ako.

Kinuha ko na kaagad yung bag ko. I'll pay a million bucks to be outta' there.
Bahala na siguro kung maging in-trouble ako kung bigla na lang akong mag walk-out.

Yun na dapat ang plano ko. Ang mag walk-out. Pero eksakto namang pagtayo ko,
biglang nag-ring yung bell. Hinawakan ko ng mahigpit yung strap ng bag ko,
nakatingin lang ako kay Yex, at tumalikod na ako para lumbas.

Narinig ko pa nga siya na tumawag sa akin eh...

"Aly!" sumisigaw pa siya nun pero nauna akong lumabas, "Aly wait up!"

Hindi talaga ako bumalik nun. Nagdire-diretso lang ako sa paglalakad. Ewan ko ba
kung bakit ko ginawa ko yun. Siguro nga ako na ang pinakamalaking ewan sa mundo.
Siguro kapag wala kang alam sa mga ganitong bagay, halos lahat ng hindi mo dapat
gawin tungkol sa bagay na ganyan, nagawa mo na.

Hindi na ako dumaan sa locker ko at hindi rin sa mailbox ng advice column. Malay ko
ba kung bigla na lang siyang sumulpot doon tapos maabutan pa niya ako. Gusto ko
lang muna umuwi, baka mahimasmasan ako.

Kaya ko pa naman siya kausapin no. Sus para yun lang! Hindi ko naman siya iiwasan
dahil doon 'di ba??? Basta sa ngayon, gusto ko munang mag-isip. Yung, ako lang ba.

Sumakay ako ng bus namin. Hindi na nga ako sinusundo ng Mama ko. Nung napatingin
nga ako sa bintana nun, nakita ko tumatakbo si Yex. Nung nakalapit na siya, nakita
ko na lang siya na nakatayo doon sa harap nung mga bus, at patingin-tingin doon sa
bintana. Itinago ko naman yung sarili ko para hindi niya ako makita. Alam ko hindi
niya alam yung bus number ko at animal symbol. Dahil kung alam niya e di dapat
inakyat niya na kaagad yung nasa harap niyang bus di ba?

I felt good nung umalis na yung bus.

Phew! That was close.

***

Kinabukasan eh para akong siraulo. Ang aga-aga kong nagising para maaga rin akong
makapasok sa school. Ayoko kasi ng bandang late baka kasi mag-abang sa gate si Yex.
So ang gagawin ko, papasok ako ng mga 45 minutes before ng bell.. or maybe an hour,
tapos papasok lang ako sa klase kapag nag-alarm na.

E di kapag ganun wala na siyang chance kausapin ako 'di ba?

I know I'm so stupid and all dahil ang unfair ko kay Yex, pero syempre...
nakakainis naman kasi siya eh! Bakit naman kasi ganun siya di ba?

So here's the thought: Pumasok ako ng maaga at maaga ko rin na i-check yung mailbox
ng advice column. Mind you, super duper dami ng pile doon. Yun na nga siguro ang
pinakamarami sa history ng advice column. Baka abutin ako ng days doon.

Dahil nga wala na akong time na tumayo doon at baka may mag walk in, kinuha ko na
lang at sinaksak ko lahat doon sa maliit kong bag. Dahil may laman yun na mga gamit
ko, nag mukhang-bulky tuloy. Nahirapan pa nga akong isara yun eh.

Lumabas na ako kaagad nun, then eksakto namang nasa pintuan na si Yex. Halata mo
nagulat din siya na lumabas ako doon ng ganun kaaga. Ako kasi dumarating sa school
yung tipong 3 minutes na lang, bell na.

Ako naman...

"Hi." then dumaan na lang ako para pumunta sa locker ko.

Syempre si Yex yan, papayag ba naman yan sa Hi.

"Alyanna!" tumakbo naman siya ng hindi naman kalayuan since hindi pa naman ako
nakakalayo, tapos humawak sa braso ko, "Are you mad at me?""Uhhh, no." sagot ko
naman.

Hindi naman talaga ako galit sa kanya.

Lalakad na sana ako kaya lang hawak pa rin niya ako sa braso ko eh. Tinignan ko nga
in case na bitawan niya, kaya lang hindi rin eh.

"Then why did you bug out on me yesterday?" wala man lang halong pagbibiro yung
mukha niya, kaya alam mong seryosong-seryoso yung tao.

"I didn't bug out on you yesterday!" tingnan mo ang defensive ko! "Wait, what does
that mean again?"

Parang gusto niyang tumawa na hindi niya maintindihan.

"Bug out.. means freak out." bumitaw din siya pero nakatingin pa rin siya sa akin,
"So you mean you didn't?"

Napaisip naman ako. I won't die if I tell him the truth.

"Well.. sort of... yeah.. I did." hindi ko siya tinignan nung sinabi ko yun.

"Yeah.. why? Because of what I wrote? Or something I said?"

Humarap na ako sa kanya at nakapamewang na ako. Then using my index finger, dinuro
ko siya sa dibdib niya.

"Look.." tinulak ko siya ng daliri ko kaya napaatras siya, "Are you that
stupid?"nagulat siya nung sinabi ko yun, pero yun umatras sya uli, "I grew up in
the Philippines.." dinuro ko na naman, "Do you think I'm that dumb not knowing what
Te Amo means???"

Nanlalaki na yung mata niya sa akin sa gulat. Ang sama nga naman talaga ng ugali
ko.

"No, I don't think that you're dumb or stupid at all." sabi niya ng mahinahon, "I
wrote that coz I know there's a great possibility that you might know it."
napahinto ako nun,"And I mean it."

Tinignan ko lang siya nun dahil wala na akong masabi. Eh may tama naman pala sa
utak ito eh! Sinadya pala talaga!

Well, hindi naman ako galit. Basta tumalikod na lang ako para pumunta sa hallway.
Ang dami nang tao nun dahil mag 7:30 na yata. Kaya nahirapan si Yex na sumunod sa
akin. Sa laki niyang tao at sa liit ko, ewan ko na lang kung makasunod siya.
But he did anyway.

Kahit anong bilis ko at excuse ko doon sa crowd sa hallway, nakakahabol pa rin


siya. Nakasandal pa nga sa lockers si Ed, Jim, at si Seth. Tinawag pa nga nila si
Yex kaya lang nakita nila na masyadong pre-occupied sa kakahabol sa akin.

"Hey hey hey..." hinila naman ni Ed yung likuran ng bag ko para ihinto ako siguro
dahil hinahabol nga ako ni Yex.

Or for another reason.

The next thing I know, my bag... ripped.

Dahil nga maraming tao, nahulog lahat ng gamit ko. Yung pencils ko, ballpen,
notebook papers, binders, books.. but worst... advice column letters.

"I'm so sorry!" sabi ni Ed tapos umupo siya kaagad para tumulong pumulot ng gamit
ko.

Ganun din naman yung tatlo pa. Nagsiupuan sila at tumulong. Yung ibang students na
naabutan nung nagkalat ng gamit, lumapit sa akin para iabot yung mga nahulog na
gamit ko.

Then, there's this one girl na nagsabi...

"Why do you have all these letters?" tinaas niya yung mga tatlong envelope yata ng
advice column.

Kinabahan ako nun. As in, hindi na ako makahinga sa sobrang kaba.

"Uhmm... it's my job to give it to Ms. Wendy." sabi ko na lang.

"Nobody can do that except the columnist. My bestfriend who graduated was the
columnist before. And she told me she's the only one who can get those letters
out."sabi nung babae at napatingala na ako sa kanya dahil nakatayo siya sa harap
ko, "Are you Lola?"

Nararamdaman ko na nakatingin na silang lahat sa akin kahit sa likuran ko. Nag-


iinit na yung buong mukha ko. Ewan ko kung ano nang itsura ko. Sina Jim, Ed, at Yex
eh tumigil na sa pag-aayos ng gamit ko.

"What?!?" napatingin ako kay Jim nun. "Bull."

Hinampas siya ng malakas ni Seth sa balikat.

"You're Lola?" tinanong naman ako ni Ed.

For some reason, parang umurong yung dila ko. Hindi na ako makapagsalita nun. Wala
na akong magawa nun, kung hindi...

"Yeah. I am." tapos yumuko na lang ako.

Hindi na ako makatingin sa kanila nun. Alam naman na nila, there's no point in
hiding it.

May isang black girl na lumapit tapos sinabing...

"Well if that's the case Lola, or should I say Aly, your advices.. stinks!"
Tumayo naman nun si Seth tapos sumigaw..

"Hey watch it!" halata mong galit na siya nun.

"Yeah whatever Lola. I followed you're stinking advice, and my friends ended up
hating me."

Naiiyak na ako nun. Pakiramdam ko, nakatanim na ako sa spot na yun. Ni-hindi na ako
makagalaw para kunin yung mga gamit ko.

Nung nag-alisan na yung ibang tao doon na nakapaligid sa akin, yung apat na lang
ang natira sa tabi ko. Hindi rin ako makatingin sa kanila.

"Wait, let me get this straight..." sabi ni Yex for the first time simula nung
incident...

"You're the columnist?!?"


Create a free website with

***34***

Tinignan ko lang si Yex. Walang halong pagbibiro yung mukha niya nun.

"I can't believe this..." sabi niya na umiiling-iling pa,"You run that stupid
column?"

I didn't cry or anything, but I was hurt.

Hurt dahil sa sinabi nung babae kanina. Hurt dahil napahiya ako sa Student Body ng
Southwest High. But most of all, hurt dahil sinabihan na 'stupid column' yung
pinaghihirapan mong pag-isipan araw-araw para makatulong.

The worst thing, it came from the person who said he loves you....

---and vice versa.

"Drop it Yex." umakbay si Seth sa kanya. "I'll see you later Aly. 'Hope you're
okay."

Si Ed, lumapit sa akin para mag-sorry sa paghila niya sa bag ko. Ewan ko ba, hindi
ako galit kay Ed dahil sa nangyari. Kasi hindi naman niya sinasadya yun. It's not
like he did it on purpose. Hindi naman niya aakalain na mapupunit yung bag ko 'di
ba?

Si Jim ang huling umalis sa harapan ko. But he didn't say a thing. He just...
looked at me.

Same thing doon sa mga students na natira sa hallway. Nagbubulungan, then tumingin
sa akin. Ako naman dahil ayoko nang maging center of attention, kinuha ko na kaagad
yung gamit ko... at dumiretso ako sa restroom.

Whether you believe it or not, I stayed there the whole day.

***
"Seriously?""Yes." sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya.

"And you didn't say a thing?""Obviously, I didn't." diretso pa rin ako sa pagsulat.

"But why? I mean, that's so mean!""Jianna.." humarap na ako sa kanya, "I'd rather
not talk about it."

It's the next day after nung nakakahiyang pangyayari kahapon. Hindi naman nag-
improve yung mga nangyari sa akin. Lotsa' people hates me. Yung kumakausap lang sa
akin na parang walang nangyari, si Jianna at si Seth. Si Ed kasi parang nahihiya na
sa akin dahil parang siya ang may kasalanan ng lahat. Ako naman naaawa ako sa kanya
kasi nakokosensya siya. Kung tutuusin, wala lang naman sa akin yun. Hindi kasalanan
ni Ed, at lalung-lalo na hindi ko siya sinisisi.

Si Yex, kinakausap din naman ako. Although, not as cheeerful as he was before.
Medyo depressing nga eh. Jim's totally ignoring me. I don't care anyway. He always
does.

Nung nasa office ako ni Miss Wendy nun at nasa harap ko yung mga letters, hindi ko
alam kung sasagutin ko pa yung mga yun. Nawalan na ako ng gana. Kahit anong basa ko
nga doon sa iba, wala nang pumapasok sa utak ko. Siguro isa na rin yun sa reason
kung bakit ako nandito sa office ni Miss Wendy, para mag-resign.

Kung job man ang tawag dito.

Pero yun nga, ang tagal niyang dumating. The more time I sat there, the more I felt
sorry for myself. I mean, really. How can I be so stupid? Bakit ako nagbibigay ng
advices sa lovelife.. sa family... sa friends.. when those stuff didn't happen to
me?

No wonder they hate me.

Yumuko na lang ako dahil naiiyak ako. Parang walang-wala na akong status sa school.
I've never been so depressed in my whole life.

Narinig kong may pumasok, pero hindi ko inangat yung ulo ko. I doubt ako naman yung
kailangan nun.

Narinig ko na umupo doon sa harap na desk ko yung kung sino man yun. Hindi ko pa
rin tinignan, kasi naluluha na ako nun. Ayoko naman makita nila na umiiyak ako 'di
ba?

"Hey, I've been looking for ya'." narinig ko yung boses niya kaya alam ko na kung
sino, "I knew you'd be here."

Hindi ko pa rin inangat yung ulo ko. Ayoko siyang tignan. Ang sakit-sakit naman
kasi nung sinabi niya kahapon. Akala naman niya manhid ako para hindi masaktan
doon.

"I know I'm such a great big jerk, but I'm so sorry." humawak siya nun sa balikat
ko,"I'm sorry Aly."

Lalo na akong naiyak nun. Pero tahimik lang ako. Tumulo na nga yung luha ko doon sa
desk kung saan ako nakasandal. Siya naman, diretso pa rin sa pagsasalita.

"I didn't expect it would be you." sabi niya ng mahinahon, "Actually I did. But, it
was just a hunch. And I thought I was wrong, but I was right." then huminto siya,
"Err.. did you get it?"
Iyak pa rin ako ng iyak doon pero hindi ko pa rin siya tinitignan. I'll keep it
this way. Mas okay na yung ganito.

"And I swear to God I really don't think that it's stupid. I think it's the best
column in our newspaper." ewan ko ba, but I felt.. okay on that. "And I'm not
saying it just to suck up. It's the truth. I always say that the column's a piece
of junk, but deep inside I think it's genius." huminto siya saglit, "How many
people can give advices to a school with 3500 kids?"

Para akong sira, hindi pa rin ako tumitingin sa kanya. Siguro nga pulang-pula na
yung mata ko. At mukha na akong ewan kakaiyak.

"Are you listening to me? Anyway, I'm looking for ya for two different reasons. The
first one's for my apology, the next one's for this..."

Actually nung sinabi niya yun, hindi ko alam kung ano. So I have no choice but to
lift my head.. and look at what he's talking about.

After kong inangat yung ulo ko.. napaatras siya sa upuan niya. Sabi ko na nga ba
mukha na akong monster eh. Kaya tignan mo, natatakot na siya sa akin.

"Whoa.." sabi niya na parang nagulat, "What's with the waterworks?"

Natawa talaga ako dun.

"I'm kidding. I just want to see you smile." tapos may kinuha siya sa bulsa
niya,"Here. You might need it."

Binigay niya yung panyo sa akin. Which is odd, kasi sa America, bihira ka makakita
ng tao na nagdadala ng panyo. It's not their custom. And here I am, sitting here,
with a half american guy who carries a handkerchief with him around.

Hinayaan niya lang akong umiyak doon. So after ng ilang minutes, tumigil na rin
ako.

"T-tthanks." nanginginig na yung boses ko nun.

"You're always welcome." ngumiti naman siya, ""So, are you still gonna' do
that?"tinuro niya yung letter sa harap ko.

Umiling na lang ako.

"What will you do if, if the one who gives advices, ran out of advices?"

Hindi naman siya sumagot. Instead, hinarap niya sa akin yung papel na dapat
titignan ko kanina pa.

"What's that for?" tinuro ko yung papel na hawak nya.

Pinabasa niya naman sa akin. Medyo mahirap nga nung simula kasi naluluha pa ako ng
kaunti. But then, I did.

...You were chosen to compete in the annual Math Olympics at Southwest Florida
High. We expect you to---

Hindi ko na natapos basahin. Actually, parang alam ko na.

"Congratulations Math Wiz." sabi niya na todo-ngiti pa.


"What? I'm competing?""Yeah!" sabi niya tapos humawak siya sa pisngi ko, "I'll tell
you what, forget about the whole Advice Column thing, and start thinking about this
one. This is far better than that."

Yumuko naman ako.

"That's easy to say but hard to do since everyone hates me.""Everyone? Well, not
me." inangat niya yung ulo ko, "If they bother you, just tell me.""No one should
mess with my girl, or they'll mess with me."
Create a free website with

***35***

Mahirap na talaga kapag marami ang makapal ang mukha sa mundo. Tignan mo na nga
lang itong kaharap ko kanina, may pa "My girl" pang nalalaman!

Sobrang kapal talaga ng mukha! NAKU!!!

Feeling naman niya kasi siya si Macaulay Caulkin. Alam niyo yun, yung actor sa
movie na 'my girl?!?'

So anyway, dahil nga ang sama-sama ng pakiramdam ko nun, nakukuha ko pa rng magbiro
sa sarili ko. Syempre, hindi naman kailangan miserable na lang buhay ko di ba? Isa
pa, 10th grader pa lang ako. May dalawang taon pa akong mag-stay dito.

Si Yex dahil mabait naman siya sa akin, naging comfortable naman ako sa kanya.
Actually, madalas naman akong comfortable sa kanya, maliban na lang kung may
sinasabi siya sa akin na ka-abnormalan kagaya ng 'Te Amo' and 'Tequierro Muchisimo'
na nalaman ko na ang ibig sabihin 'I like you A lot'. Mahirap na mag-assume, so
naisip ko na siguro nga dahil kaibigan niya ako.

Or at least yun ang iniisip ko.

So anyway, sinamahan niya ako sa bahay namin. For the first time, pumunta siya sa
bahay namn at talagang mag-stay siya ng matagalan. Unlike dati dadaan lang para
sunduin ako o ihatid lang.

Ako na nga daw kasi yung 'Math Wiz' na tinatawag niya. Mah Wizard. Ewan ko ba kung
bakit nasali ako sa contest na yun, eh hindi naman ako magaling sa Math.

"Yes you are!" sabi niya sa akin tapos tinapik niya ng mahina yung noo ko, "You're
like the best mathematician for me." nakangiti pa siya nun, "Well, after Fibonacci.
He's my favorite mathematician."

Siguro nga nakatunganga na ako sa kanya nun. Malay ko kung sino yung tinutukoy
niya.

"Who's Fiboweechi?"

Napakunut-noo naman siya sa akin. Tapos umikot siya doon sa upuan sa desk ko.

"The mathematician who created the Fibonacci sequence." tumawa siya sa akin, "And
it's Fibonacci, not Foboweechi!"

Napailing na lang aok sa kanya.

"Ok, whatever. It doesn't ring a bell." sabi ko na lang at yumuko uli ako doon sa
algebra book ko.
Umikot na si Yex at nakialam na doon sa gamit ko sa table. Actually, sumama siya
dahil magrereview nga ako ng Math para sa competition. Siya naman, being a math-
hater sa tingin ko, gusto lang sumama dahil wala siyang gagawin.

Sabi ko nga 'di ba, si Yex hindi magaling sa Math. Kung hindi ko nga siguro
tinuruan yan sa Algebra 2 class namin, baka na-fail niya na. To think na, slopes
lang nun 'di pa niya alam.

Pero naisip ko rin, for a dude na walang masyadong alam sa slopes, may favorite
mathematician siya. I guess ako rin dapat magkaroon 'di ba?!?

I spent like two hours reviewing the whole concept of this and that sa math. Si
Yex, ayun, paiba-iba ng position. Kanina nasa upuan, mamaya nasa kama nakaupo..
then mamaya nasa carpet na. Ngayon naman, nasa carpet pa rin siya pero nakataas
yung isang paa niya sa upuan. Panay ang pindot niya doon sa remote.

"Hey, what are you doing?" pansin ko kasi hindi siya mapakali.

"Well, I can't get this thing work. I've been pressing channels, and it won't
change channels."

Lumapit naman ako sa kanya at nakita ko yung hawak niyang remote. Naupo ako nun sa
tabi niya at kinuha ko yung remote.

"Mr. Llexter Randall Hendrix..." tinaas ko yung remote, "This one say's D, which is
the TV.""I know, so it's the same one as the tv."

Kinuha ko naman yung isang remot na kulay puti na nakapatong sa tabi ng TV..

"This one says a different thing." nakatingin lang siya sa akin, "But I'm using a
satellite.. so use this one.." inangat ko yung puti, "So the receiver will
respond."

Namula siya nun. Nahiya yata sa akin eh.

"Give me that!" tapos inagaw niya ng pabiro yung isang remote.

Sus, paano naman kaya magrerespond yung TV kung maling remote yung gamit mo 'di ba?
Minsan itong tao na ito hindi mo alam kung maiinis ka ba o matatawa.

After that, nag-review na ako uli sa Math kahit tinatamad-tamad na ako. Kailangan
kasi, kung sino man naglagay ng pangalan ko doon sa contest na yun! Okay naman eh..
kahit na ganun lang ginawa ko, na mag-aral, at yung tao na supposed to be eh
katulong ko na hate ang Math eh nanood lang ng tv.. ayos lang naman...

He left around 11.

At night.

***

Yung status ko sa school eh, well, ganun pa rin. Pero kung tutuusin, kahit na
maraming galit sa akin sa school eh nasanay na rin ako. Hindi mo naman mapi-please
lahat ng tao para gustuhin ka. At least kahit konti, may nag-stick pa rin sa akin.

Si Yex, si Seth, si Jianna, si Zac, si Ed medyo lang. Well this isn't bad. Si Jim
kasi hanggang nagyon dedma pa rin ang effect.
Pumasok nun ang December. Marami ngang announcements na bago every morning. Sa
sobrang dami nga, lumalagpas pa ng oras ng homeroom. Well, isa lang naman sa
madalas i-announce eh...

'The School Paper will not have the Advice Column at the moment...' tapos narinig
ko pa yung iba na nag-react ng 'Who cares?!?' which hurts a lot, pero wala naman
akong magagawa. That's their opinion.

Isa rin sa announcement eh yung Yearbook. Sabi kung gusto daw bumili, pumunta lang
kay Miss Wendy at sabihin na oorder ka. It costs $55, or $61 kapag may name and
plastic na naka-engrave. Ang mahal, pero umorder pa rin ako. Alam mo na,
remembrance ng first year of studying ko sa Florida. Kahit na medyo.. down ako.

Panay announcements lang tungkol sa Semester Exams na darating, Yung Christmas


Vacation, yung post-school reward nila, at kung anu-ano pa. Pero ang pinaka-
napansin ko na nagkaroon ng maraming reaction eh...

'Our Prom has been moved in February. Please remember that only Juniors and Seniors
are eligible to attend the Prom. A student from Junior High, a freshman, or a
sophomore, are only eligible to go if invited by a Junior or a Senior. Please be
reminded that your date must be at least 13, and not over 21.'

Blah blah.. ang daming sinabi tungkol lang sa Prom. Hello? December pa lang ngayon.
Ang daming nagre-react eh samantalang sa February pa.

And I'm not interested at all. First, I'm a sophomore. Hindi naman ako pwedeng
pumunta. Second, I highly doubt na may mag-invite sa akin na Junior or Senior. Wala
naman akong ka-close. Maliban kay Zac syempre, pero si Jianna ang girlfriend niya.

Isa pa, marami akong pinoproblema. Hindi ko na isasama pa yang Prom na yan. My
social status na parang wala namang pagbabago, yung Math Wiz thingy, Semester
Exams...

mas mahala pa yung mga bagay na yun kaysa sa Prom.

Nung 5th period na, marami pa rin akong naririnig na usapan tungkol sa Prom. Yung
iba tungkol sa akin. YUng mga tao nga naman magbubulungan na nga lang din tungkol
sa iyo eh doon pa sa lugar na maririnig mo.

Gym class yung 5th period. And this time, magkasama na naman ang girls at
weightlifters. Ang odd nga, kasi ang tagal na rin di nagsasama ang girls and guys.

Pagpasok na pagpasok pa lang namin sa gym yung tipong naka dress up na kami ng blue
and black na PE outfit namin, nagtakbuhan yung mga lalaki doon sa storage room at
nanguha ng kanya-kanya nilang basketballs.

Syempre, panay dribble lang sila ng dribble at shoot ng shoot. Wala ngang naiwan sa
bleachers maliban sa aming mga babae. Si Sam, ayun, nagpaparinig. Galit pa rin sa
akin yan. Grabe nga yang babae na yan eh, ang tindi magalit.

So pagpasok na pagpasok pa lang ni Coach, yung teacher ng weighlfters, eh napansin


namin na may dala-dala siyang stereo. Tinuro niya yung mga lalaki at sinabing...

"We won't be needing those basketballs, so put those back!" sabi niya ng sobrang
seryoso.

"What're we doing here coach?" tinanong naman ni Ed na nillaro yung bola sa likod
niya.
"We'll be dropping our whole sports ed til january. We'll be learning... classical
dances."

I swear nung sinabi niya yun, nagtingingan lahat ng lalaki sa kanya. Si Jim nga
nahulog pa yung bola na nilalaro niya.

Si Yex, mukhang stunned. Parang namutla na hindi mo maintindihan.

"Yey! That's so cool!" natuwa naman si Sam nun.

Lahat ng lalaki nagreklamo. Sabi nila bakit daw kailangan sa curriculum ang Dance,
eh samantalang PE daw yun. Mga ganun. Pero wala silang choice, so what happened eh,
naupo kaming mga babae, at kailangan daw ng partner.

It was a nightmare. Kasi lahat sila may partner na. AKo wala.

Then the next thing...

"Will you be my partner??" whoa, I only need one.


Create a free website with

***36***

Nagulat ako nung dalawa silang nasa harap ko na nag-ooffer ng kamay nila. Actually
kanina feeling ko kawawa naman ako dahil walang gustong maging partner ko. Pero
tignan mo nga naman, kung kailan meron na, saka ko pa kailangang mamili.

At doon pa sa dalawang taong mabait sa iyo.

So nakaupo lang ako doon at nakatingin ako sa kanila na mukhang timang. Sila rin
namang dalawa eh nagtinginan, pero parang wala lang sa kanila.

"Ooh, it's cool bro, I'll ask another girl.." sabi ni Yex nung nakatingin na sa
kanya si Seth.

Ito namang si Seth nung paalis na si Yex, humawak naman siya sa balikat niya.

"No bro, I'll ask another girl. You two can be partners."

Tingnan niyo nga naman itong dalawang ito, ang sama ng ugali! Parang kanina lang
natutuwa pa sana ako dahil dalawa gustong maging partner ko. Ngayon naman
pinagpasahan pa ako.

Parang hindi yata maganda ang sound nun.

"No bro.. it's fine with me.""I'm serious! It's not that hard to find a partner.."

Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa na pagpasahan daw ba ako. Panay ang sabi
nila na ayos lang...

"Fine I'll take her." nagtinginan na naman silang dalawa, "You will?"

Arrgggh! Ano ba naman itong dalawang ito? Parang mga baliw!

Hindi na ako nakatiis, tumayo na ako doon sa inuupuan ko sa bleachers at sumigaw


ako ng...

"Ed! You're my partner right?!?"

Si Ed eh nasa kabilang side ng gym at nagsisintas ng sapatos niya. Lumingon naman


siya nung tinawag ko at parang wala pa sa sarili nung sinabi niyang..

"Okay, whatever!" tapos nag-wave pa siya ng kamay niya patalikod.

Tumingin ako doon sa dalawa at ngumiti ako ng medyo nakakaloko sabay sabi kong...

"I already have a partner."

Nakakaloko naman kasi eh. Ang gulo nila parehas. Yan tuloy, wala sa kanilang dalawa
partner ko.

Anyway, Seth ended up with Sam since humawak si Sam sa kanya. Hindi ba nga ex siya
ni Seth? Hanggang ngayon parang hindi pa rin nag move on yung babaeng yun.

Si Yex naman at si Jim eh partner nila yung dalawang babae na alagad ni Sam. Hindi
na ako nag-bother na alamin pa yung pangalan nila since hindi ko naman sila ka-
close. As if may gustong makipag-close sa akin.

Nung sisimulan na namin yung Dance, sinabi sa amin na graded daw yun. Mag-practice
daw kami ng buong December, hanggang 13 yata, dahil 14 eh semester exams, at 15 eh
last day of school. Then pagbalik daw namin ng January, tatapusin yun sayaw, then
performance exam na.

I'm not really a good classical dancer, and I'm not that bad either. Yun bang,
typical lang. And it turned out, 30% yun ng grade namin.

WOW. Goodbye 'A' na ako. There's no way I could pull this off.

So ang ginawa, pinahilera kami. Alternate ang babae sa lalaki. Si Ed nasa kaliwa
ko, then sa kanan ko naman eh yung isang weighlifter na lagi na lang nadadapa sa
hindi mo malamang dahilan tapos kapag napahiya siya at nakita mo, lagi niyang
sasabihin eh, "Don't you dare look at me punk!" tapos aarte na parang susugurin ka.

Which is, I think, a rude way to say to anybody, pero natuto ako at tingin ko cute
naman yung line niya na yun. At isa ito sa mga araw na muntik na siyang nadapa.
Kaya ayun, napatingin siya sa akin at sinabi na naman niya yung exact same lines
niya. Nagulat nga ako kasi pati ba naman babae may balak pa siyang sugurin.

"Got any problems with my partner dude?!?" sabi ni Ed na natatawa with matching
exercise pa ng knuckles niya, "Maybe we can work things out. Where do you want, in
here or outside the gym?"

Namutla lang yung weighlifter kaya tumayo na siya uli ng diretso doon sa gilid ko.

Now, that's really cool! Okay din ito si Ed eh! Alam ko na womanizer yan, joker,
and minsan may pagkatopak, pero akalain mong gagawin niya yun?!?

"Okay Edrian, Rodolfo.." nag-nod yung coach namin doon sa katabi ko, Rodolfo pala
pangalan nun?? "We don't want any fights in here. Now, I won't be teaching you the
dance, another teacher will." sabi nung coach ng weightlifters.

May isa pa kasing Hispanic na babae na may edad na ang nakatayo doon sa gilid. Alam
na namin na siya yung magtuturo, kasi halata naman. Bukod sa nakatuck-in yung shirt
niya, naka-tights talaga siya. Alam mo yun, yung tipong nagmo-mold sa legs mo?!?
"I want you all to behave, and follow the instructions." then tumingin yung coach
doon sa babae, "If any of them is misbehaving, write them up. They'll do well in
the ISS room."tumingin siya kay Ed na natatawa na naman, "Have your eye on Mr.
Edrian here."

Umalis na yung coach at lumabas na ng gym. Ngayon siguro nasa 30 or more kami sa
loob ng gym na nag-partners. Yung babae na magtuturo eh nakatayo sa harapan at
halata mong binibilang kaming lahat.

"Okay, perfect." narinig kong sinabi niya matapos niyang bilangin kami lahat.

Inayos niya yung hilera namin. Akala ko nga magbabago yung position namin ni Ed. Sa
harapan pa rin kami natapat, kaibahan lang nasa left side na kami. Si Seth doon sa
dulo halata mong wala sa mood kasi naupo na siya doon sa sahig habang si Sam eh
parang undivided na undivided yung pakikinig.

Si Jim well.. he always looks the same. Parang annoyed parati. Nakita niya ako nung
tumingin ako sa kanya, kaya nagsalubong lang yung kilay niya, at tumingin na uli sa
harapan.

Naka-cross arms naman si Yex doon sa bandang likuran. Nilagay siya doon sa dahil
sobrang tangkad niya para mapunta sa harap. Seryosong-seryoso rin siyang makinig na
akala mo eh dancer talaga. Yung partner niya na girl, parang ang liit para maging
kapartner niya. Panay pa ang pindot niya sa braso ni Yex at narinig ko pang sinabi
niya... "Whoa its hard!". Tinignan lang siya ni Yex, pero walang sinabi.

Well, salsa pala yung pag-aaralan namin. I've heard of it, pero hindi ko pa
nasasayaw.

"Miss!" nagtaas ng kamay si Ed kaya tumingin ako sa kanya, "What's your name?!?"

"It's Miss Dixon."

"Ohh okay." seryoso pa siya nun, "Are you a professional dancer?"

"Yes." ang tipid sumagot nung teacher.

"Like in clubs?"

Nagpamewang yung teacher.

"You want detention?" nakataas pa yung kilay niya.

"Is it necessary?" tapos tinakpan niya yung bibig niya, "Imma' be quiet now. Carry
on!"

Natatawa ako kay Ed. Ang kulit kasi masyado eh. Hindi pa nga kami nagsisimula,
nagtaas na naman siya ng kamay niya kaya lahat eh nagtinginan na naman sa kanya.
Halata mong pinagtritripan lang niya yung teacher eh.

"I got a question and it's a good one!" nakakaloko pa yung ngiti niya, "Isn't salsa
some kind of sauce.. then now it's a dance?"

"The term 'salsa' refers to a sauce, and also a dance." nagsisimula nang mairita
yung teacher sa kanya, "Do you understand!"

Sumaludo pa si Ed nun tapos sinabi niyang.. "Yes Miss! Compren-DAY!"


Siguro ibig sabihin niya eh, 'comprende' which means, yeah, naintindihan ko.

Pinakita sa amin nung teacher kung paano yung basic step at kailangan lang naming
manood sa kanya. Nag step siya sa left, then left and right, tap sa right.. basta
panay paa.. may pause..

Sumasakit yung ulo ko. Ang daming steps. Tapos kailangan ba talaga na i-shake yung
booty mo ng ganun? Hindi ko yata kaya yun! Baka magmukha akong duck!

Sinabi niya hindi daw niya ineexpect na makuha namin sa unang try. Nakakadalawang
step pa lang kami, ubos na yung oras at kailangan na naming magpalit sa locker
room. Wala man lang kaming nagawa!

Si Ed nga hindi man lang nag pay attention. Kapag hindi nakatingin yung teacher,
iba na yung step niya.

Oh God, bakit ba ito ang napili kong partner?!?

Nung palabas na kami ng gym at papasok sa locker room, tinawag pa ako ni Seth at
sinabi niyang... 'My partner and I are the best dancers in there! Right partner?'
umakbay siya pero pabiro, 'We'll gonna' learn, SAL-SA!'

Pagkasabing-pagkasabi niya nung salsa, iba yung pronounciation niya. May accent
kasi eh.

So nung nakaalis na ako sa locker room at out of reach na ni Ed, kumain na ako sa
cafeteria nun. Si Jianna hinintay pa ako sa pintuan kasama ni Zac, katabi na kasi
namin yun sa cafeteria eh.

Panay ang irap sa akin nung mga babae doon. Kahit ngayon ang dami pa ring galit sa
akin. Sana nga wala na lang. Kasi kahit papaano, nakakapagod din.

Ano nga kaya yung pakiramdam ng peaceful yung buhay mo 'di ba???

"Aly!" narinig kong may sumigaw sa likuran ko kaya tumalikod ako.

"Yeah?!?" nakita ko si Yex na nasa likod ko at umupo doon sa tabi ko.

"Did you do our homework in Algebra?"

Tumango naman ako sa kanya. Nagawa ko na yun eh.

"I don't get it.." tinuro niya yung lesson na pinag-aaralan namin, "When dividing
you subtract the exponents. If you're multiplying, you're subtracting it
too?""Nope, you add it.""But I thought you add it when you're adding it..""No. You
can only add it if they have the same base. Otherwise, theyll be different
terms!""Oooh.. i get it. Thanks." tumayo na siya nun tapos humawak siya sa ulo ko,
"Thanks! You're a savior!"

Pagkatapos nun, binuhat na niya uli yung libro niya saka yung notebook paper niya
na pinagsulatan niya at bumalik na siya sa table niya.

Sakto naman bumalik na si Jianna nun at si Zac dala yung lunch nila. Nasalubing pa
nila si Yex nun nung dumaan.

"What was that?!?" tinuro niya yung likod niya sa side ni Yex. "What did he
do?""Oh, he just asked me a question about Algebra.""Algebra.." binuksan niya yung
ketchup niya, "Why would he ask you a stupid algebra question?""Coz we have a
homework and he said he doesn't understand it."
Na-choke siya nung sinabi ko yun kaya napahawak ako sa kamay niya. Namumula na yung
mukha niya.

"I'm fine." tapos tumingin siya sa akin, "What did you say?""I said we have a
homework and he doesn't understand it." binuksan ko yung libro ko, "I don't know,
he doesn't understand Algebra. He always asks me for help. Like.. every single
day."

Tawa ng tawa si Zac nun. Ako naman tumingin ako sa kanya dahil hawak na niya yung
tiyan niya.

"He did that? Smooth!""Aly.." humawak naman si Jianna sa kamay ko, "Do you hear
what you're saying?""Why, what's wrong?"

Seryoso na si Jianna nun pero halata mong pinipigilan niya yung tawa niya.

"I know Yex can be stupid sometimes because he doesn't care about being in trouble
and all, but you know he's smart. He's a sophomore, but he's taking honors classes.
His G.P.A's 4.3... that high huh?!?" sabi niya kaya nalito lang ako, "Well, highest
G.P.A's 4.0 if you got straight A's. But if you're into honors classes and you got
straight A's, you can exceed that. Which means, you're oh-so-smart."

Parang gustong sumakit uli ng ulo ko sa sinasabi niya.

"What're you trying to tell me?""I'm trying to tell you that, Yex is only a
sophomore and he already got a 4.3 G.P.A. He's taking Algebra 2 at school, and did
he mention he's taking AP Calculus? Well, at home anyway. If you're taking Calculus
in the computer, it's like learning how to be a doctor by yourself." grabe naman
ang OA naman nun, "But there's the word.. AP.. advance placement which has college
credit." sabi ni Jianna na parang ako yung hiningal, "So I'm saying, you're
teaching Yex the basics of Algebra, when he's taking College-based Calculus by
himself? Odd.""Yeah. That's really a smooth move of him. " nakangiti pa rin si Zac
nun habang kumakain ng fries.

Napatingin ako sa table ni Yex. Nakangiti pa siya nung nakita ko. You mean, he's
smart in Math pero nagpapaturo siya sa akin? Baka naman nakalimutan niya???

"Besides, that's really impossible that he didn't know..""He's the Math Quiz Bee
Champion last year.." I'll kill that dude!!!
Create a free website with

***37***
Well, patay nga siguro si Yex sa akin. Pero kung iisipin mo yung ginawa niya, ang
sweet din naman. I mean, how many guys would pretend na hindi sila marunong sa
isang class para magpaturo sa iyo? Take a survey.. baka ilan lang ang mag-response.
Which actually means, that's really cool of him.

Kahit na cool move pa yun or something, hindi pa rin excuse yun para gawin niya
yun. Kabaliwan lang yun no! Isa pa, maganda yung situation ngayon since after
lunch, Algebra 2 na namin. Kaya nga nung nag-bell na para pumunta na kami sa 6th
period class namin, isa ako sa mga naunang lumabas ng cafeteria at dumeretso na ako
sa klase ko. Sadly, hindi ko na kailangan dumaan sa office para mag-check ng Advice
Column Mails dahil I highly doubt na after nung High School drama na yun eh may
magsulat pa sa akin. I cared about the Advice Column that much, kaya nasaktan ako
nung nangyari yun. Pero syempre, kailangan mo pa rin mag move on. Hindi naman pwede
na sa susunod pang dalawang taon na ilalagi ko dito eh magpapakalungkot na lang ako
'di ba???
So anyway, back to my latest issue. Pumasok si Yex sa classroom. Late na naman siya
kaya sinulatan na naman yata siya ng referral eh. Wala naman siyang pakialam kasi
nakangiti pa.

Nakita niya ako sa bandang likuran kung saan ako lagi nauupo. Doon siya padiretso
sa upuan ko. Tinignan ko yung worksheet ko na iniba ko yung sagot nung nasa
cafeteria ako at may remaining time pa.

"Aly did you figure it out?" umupo na naman siya doon sa desk sa tabi ko dala-dala
naman yung Math worksheet niya.

Sinubukan kong gawing inosente yung mukha ko at sinabi ko namang...

"Yeah I did. It's easy, but I have to admit it's a little bit confusing. I think I
did good anyway."tama yan Aly, work it out!!!

Pinagtabi niya yung worksheet namin para ikumapara yung mga sagot namin. Sa totoo
lang, tama naman yung mga sagot ko. Kaya lang hindi nakalagay doon sa mathematical
form na sinabi sa amin ng teacher. So kahit tama yung sagot ko, mamaliin pa rin yun
dahil hindi ganun yung instructions. Yun nga lang, sinadya ko yung mali.

May problem sa worksheet namin na i-simplify yung term na x^2/x^3. Kailangan,


walang negative exponents. Pero ang ginawa ko, iniwan ko siya as X, raised sa
negative one.

"I thought we're not supposed to leave a nagative exponent?" seryoso naman siyang
nagtanong nung nakita niya yung sagot ko.

"I don't know how to do it." sagot ko naman, "It's the same thing anyway. If you
plug that thing in the calculator, you'll still get the same answer.""But we're
doing things by hand." ini-insist naman niya yung method na sinabi sa amin, "You
really don't get it?""Yeah." ang bilis ng pagsagot ko sa kanya.

Hinila niya yung upuan niya para nakadikit nasa upuan ko. Nilagay niya yung
worksheets namin parehas sa harapan namin at isang blank na notebook paper.

"Here, let me help 'ya," nagulat ako doon sa sinabi niya.

I've never heard him say those words. At least, not in Algebra. Kasi nga 'di ba,
siya lagi ang humihingi ng tulong, at ako ung tutulong. Baliktad naman kami ngayon.

"You're right over here. The answer's x raised to the negative 1. But, if you want
the exponent to be positive, just flip it. It will be, 1/x. It's the first power so
we don't have to put that in there. Just leave it as it is."

Ganun din ang ginawa niya sa ibang problems sa worksheet. Ineexplain niya sa akin
kung paano gawin kahit alam ko naman na. I thought it would be boring, but then,
hindi naman.

It turned out, it's cool listening to him talk, even though you're heard those
terms like a million times already your whole high school life.

"Get it?" tinanong naman niya ako nung tapos na siya, "You know you're great in
Math. But you have to work more on your fractions. Because when you get to higher
Math levels, you'll need it.""But if you get into higher Math levels like
CALCULUS.." talagang inemphasize ko yun, "You don't have to solve it by hand right?
I mean, you do, but usually they let you use a calculator and plug the thing
in.""Yeah. Actually I have a TI-83. It would be great if I have a TI-84, but mine's
not bad."huminto siya saglit, "Fractions are really important. Sometimes they won't
let you use your calculator and they'll give you exercises that would test if you
know how to do it by hand."tumingin siya sa ceiling nun, "Let's say, logarithms. In
a TI-83, you can't change the base. It's always 10. So you're forced to do it by
hand. And also, even as simple terms as asymptotes. You can't just sit all day and
figure out how to do it in the calculator. We're smarter than them. You just have
to know how to do it. If those people who devised those calculators know how to do
it, then so do we. Stuff like Zoh Cah Toah. You know what I mean?"

I swear nung sinabi niya yun, nakatingin lang ako sa kanya. Siguro nanlalaki na
yung mata ko, nakanganga ako.. ewan ko. Basta wala akong naintindihan sa sinabi
niya.

Not to brag or anything, but I'm good in Math. Some people may say I'm really
really good. Pero kapag total lost ako sa mga Math terms and stuff, then the person
I'm talking to would have to be a genius in the subject.

And right now, that would be Yex.

Nag-snap siya sa harapan ko.

"Are you okay?" sabi niya nung medyo natauhan na ako, "You look kinda'... gagged."

Whatever that means...

I can't help it.. I have to ask him!!!

"How did you know all those stuff?" finally, natanong ko na rin siya!

Parang nagulat siya sa akin at medyo napaatras yata. Siguro na-realized din niya
yung mga sinabi niya.

"Know what stuff?""Those logarithms.. and bases.. and asymp-totle... and zoh cah
toodle.. whatever.." hindi ko kasi matandaan lahat. "Coz you know, I'm lost."
humarap ako sa kanya, "Are you some kind of a 'math genius' ""No." iniwas niya yung
tingin niya, "But I like Math, I can tell you that.""I like Math too. But it
doesn't mean I know those kinda' stuff.""You'll know it when you take Trig."

This time gusto ko na tumayo sa upuan ko pero hindi ko lang talaga magawa dahil
nandun yung teacher namin.

"You've taken trig already???""Err.. not really." sabi niya ng mahina, "I have this
book when I was in 7th grade---"

Hindi ko na tinapos yung sasabihin niya. What the heck.. TRIG?? 7th grade? Ilang
taon siya nun.. 11? 12? 13???

Eh baka nga pinag-aaralan ko pa lang ang long division nun eh!!!

"Yex, how did you know all these stuff?" grabe talagang seryoso na ako nun at
kailangan ko malaman yung sagot sa kanya.

"Because I like Math?!?""Try again." sabi ko at nakasimangot na ako.

"Because I read a lot?"

Tinaas ko yung kilay ko.

"Nope. Try again."


Halata niyang seryoso na talaga ako. Humarap siya sa akin tapos nilapag niya yung
kamay niya sa desk.

"Fine. Because I've taken lotsa' Math already. And I can't lie to you, I'm taking
AP Calculus. I've self-studied Trig, read books in Finance and Statistics, I did a
little on College Algebra.. you know those kinda' crap.." sabi niya kaya wala na
akong masabi. "I know those stuff okay? Coz maybe.. just maybe someday I can use
those to become a Commercial model..."

Yung huling sinabi niya eh napatingin talaga ako sa kanya ng de-oras.

"Just kidding." nakatawa pa siya nun.

"So why did you hide it from me?!? That you know all those stuff and you were just
pretending that you didn't know?!?"

Tumayo naman siya sa pagkakaupo niya tapos tumingin siya sa akin pababa kaya ako eh
tumingala naman.

"While you talk, you share. I listen, because I care."

Pagkatapos niyang sinabi yun eh nag-kiss siya sa ulo ko.

"Think about it."

Nagtinginan pa nga yung iba naming classmates eh.. tapos humarap siya doon sa
teacher namin.

"I need to go to the bathroom." then lumapit siya para pirmahan nung teacher yung
hallway pass niya.

Ako naman, hindi na ako nagsalita. Nakaupo na lang ako doon. Lagi na lang naiiba
yung plano ko.. naman!

"What the hell was that?!?" tanong nung isang classmate nami na Senior.

Actually, I'm not sure about it myself either.

Hindi na bumalik si Yex nun sa Algebra Class namin. Nagpakita na lang siya eh sa
Spanish na. Parang wala ngang nangyari eh, kasi friendly pa rin siya sa akin. Panay
nga ang joke eh.

Wala naman kaming ginawa sa Spanish maliban sa manood ng video at sagutin yung mga
tanong. After nun, nag-alarm na para sa afternoon announcements.

Binanggit doon eh yung Math Quiz Bee na kasali ako. Nainis nga lang ako kasi ayan
na naman. Kung hindi lang naman ako nominated doon, hindi ko naman talaga balak
sumali.

Nagsiuwian naman na oras na nag-bell na. Si Yex nun naiwan sa loob ng clasroom ako
at ako eh dumiretso na ako sa locker ko. Yung iba umalis na kasi mabilis umaalis
yung mga bus eh. Naiwan nga ako kaya nag-stay na lang ako. Tatawagan ko na lang
siguro si Mama para sunduin ako.

Nung nakaupo ako doon sa bench, narinig ko na may sumigaw..

"Then why're you here?""Why do I have to explain everything to you? You're not my
boyfriend anymore Seth! You're my ex! And you may well stick it in your mind!""I
can't! Ria I can't! I can't even stick it in here!" tinuro niya yung dibdib niya.
"I'm not here to argue with you Seth! I'm transferring here! And I it would do me
good if we're not treating each other this way!""Well fine!"

Huminto sila parehas nung nakita nila ako na nakatayo ako doon. Nahiya nga ako eh.
Hindi ko naman sinasadya yun.

"I'm sorry!" sabi ko tapos paalis na ako.

"Aly!" sumigaw si Ria nun kaya bumalik pa ako, "It's ok."

Yung itsura nun ni Seth eh parang troubled pa rin. Sana nga dumiretso na lang ako
ng alis kasi ayoko naman makaistorbo sa kanila.

"I have to go..." sabi ko na lang kaya tinuro ko yung dadaanan ko.

Dumiretso naman ako doon sa hallway. Kaya lang naglalakad nun si Yex at si Jim.
Nakita nga nila ako eh na ang bilis-bilis ng paglakad ko kaya nagulat na lang ako
nung hawakan ako ni Yex sa braso ko para pigilan ako...

"Not so fast Missy.." napatingin ako sa kanya, "What's wrong?""Nothing. I just need
to go home."

Tumingin sila doon sa pintuan kung saan ako galing. Eksakto namang papasok na si
Seth nun na parang galit na galit.

"Bro what's wrong?" sabi ni Jim na walang alam.

Binangga lang ni Seth si Jim tapos huminto siya sa harap ni Yex.

"Why's it always what you want? What about what I want?!?" tinulak niya si Yex,
"It's always about you YEX!!!"

After niyang sinabi yun, umalis na siya. Tumakbo naman si Jim kasunod niya.

"What's up with him?!?" sabi ni Yex na parang nagulat din katulad ko...

"I don't know.." sabi ni Ria na parang naiiyak na, "I wanted to punch him! I wanted
to hurt him Yex!" sabi ni Ria.

Ako naman nakatayo lang ako doon.

"But you know what, it's really hard to do it.""Especially when you love the person
you wanted to hurt!"
Create a free website with

***38***

Nakatayo lang ako nung sinabi ni Ria yun. Sa aming tatlo na nakatayo doon, parang
ako lang yung gulat na gulat sa sinabi niya. Si Yex kasi biglang lumapit na lang
kay Ria at yumakap sa kanya. Pero hindi yung yakap na nakaramdam ako ng selos or
anything.. more like, comforting her kasi umiyak na siya nun.

Since hindi ko naman alam yung mga nangyayari, nakatayo lang ako doon at pinanood
ko sila. Alangan namang uamlis na lang ako bigla doon. Masyado naman yatang rude
yun di ba? Nung nahimasmasan na si Ria, humarap sa akin si Yex tapos sinabi
niyang...

"Lost?!?" ngumiti siya sa akin na para bang okay lang yan,"I'll tell you why."
Niyaya niya ako doon sa bench at si Ria eh naupo ng ilang upuan sa amin kasi gusto
niya yata mapag-isa habang kinukuwento ni Yex kung ano ba yung nakita ko. Nung
nagsasalita na sya doon, narinig ko yung kwento ng bagay na hindi ko pa narinig
before.

"Remember I told you that Ria and Seth were going out before and they broke up?"
nakaharap siya nun at yung itsura niya eh curious sa sagot ko.

"Yeah. I remember that. At the party?""Yes, that's the day." tumango siya sa akin,
"They used to go out. But not anymore." humawak siya sa likod ng ulo niya na parang
hindi alam yung gagawin, "Oh well.. how am I gonna' put this?" nag-isip naman siya,
"Okay, long story. Short, Seth's one of my closest friends and Ria's kinda' like a
sister to me. So I brought Seth before and they met each other. They had chemistry
so they decided to go out. Things didn't get any better, they broke up because of
me."

Hindi talaga ako nag-blink nun sa sinabi niya. Naghiwalay silang dalawa dahil kay
Yex???

"Because of you? Why?" tinuro ko siya sabay tingin kay Ria.

"That's the point! Ria broke up with Seth because Seth's being stupid on thinking
that we're kinda' together behind his back because we're close and all..""But you
two aren't..." napahinto ako, "Right?"

Tumingin sa akin si Yex na para bang sinasabi na ano bang klaseng tanong yan!??

"NO! OF COURSE NOT!" sabi niya kaya muntik na akong mahulog sa bench, "Trust me, I
only see her as a sister." ngumiti siya sa akin, "And besides, you know who I
like." then iniwas niya saglit yung tingin niya, "But anyway, back to the story.
Ria, still loves Seth. Seth on the other hand.. moved on." tinapik niya ako sa
balikat ko sabay hawak sa pisngi ko, "Ya! Right here!"parang sinasabi niya na ikaw
yun!

I felt bad. I mean, Ria's just there and Yex is talking about the guy she loves and
the girl that's supposed to be... 'his new prospect'.

"I don't understand him! I thought we're okay with each other after we broke up..
and now he's acting all stupid!""He's always stupid Ria.. don't mind him."
pinapatawa lang ni Yex si Ria kasi umiiyak pa rin siya eh.. "The thing is, Ria's
the victim here. She's suffering.. not Seth! Did you see how he treated her?"

Nung sinabi ni Yex yun, bigla-bigla na lang akong tumayo kaya napatingin sa akin si
Yex sa gulat. Parang may nag-click sa utak ko na hindi ko maintindihan kung ano.

"Yex.. I think I have to do something..." sabi ko naman sa kanya ng mabilis, "I'll


talk to ya'll later!"

SUmisigaw pa nun si Yex sa akin. Si Ria napatigil sa pag-iyak. SIguro iniisip nila
na para akong baliw dahil bigla na lang akong tumakbo. My gosh.. it feels like I
have to do this. Now or never. Well.. it wouldn't hurt to try.

Tumakbo ako doon sa hallway. Wala nang tao. Then dumire-diretso ako tapos lumabas
ako doon sa courtyard sa tapat ng auditorium. And BINGO! Nandun nakaupo si Seth na
parang galit na galit yung expression ng mukha at si Jim eh nakatayo lang doon sa
gilid.

"SETH!!!" sumigaw ako kaya sabay silang tumingin sa akin. "Seth... I need to talk
to you... NOW!!!"

Parehas silang walang sinabi sa simula, then wala na akong magwa.. nadire-diretso
na yung pagkakasabi ko. Then after that... nanahimik pa rin sila. Grabe nga parang
gusto kong kilabutan kasi hangin lang naririnig mo.

"Do you think that's gonna' work?!?" sabi ni Seth nung natapos ako.

Si Jim, wala lang. Lagi naman ako ini-snob nun eh.

"Wow.. you're great Aly."

"Well... sabi ko naman ng nahihiya pa.. I KNOW!!" sabay tawa sila parehas.

I know it will work. I wish... I hope...

***

Isang masamang panaginip nga siguro yung sumunod na araw. Dumating kasi ako sa
school at sinalubong ako ni Jianna... ang saya-saya pa niya tapos nung nakita niya
ako parang nadismaya sa suot ko...

"Why are you wearing that?" hinawakan niya yung blouse ko.

Napatingin ako sa blouse ko.

"What's wrong with it?""Come on! Didn't you know?""Know what?!?" kasi hindi ko
naman talaga alam, "Oh My God... do we have some kind of a special day today.. just
like twin day?""Geez!" tinakpan niya ng kamay niya yung bibig niya, "You're
supposed to wear your robes.. and somewhere inside the auditorium!""WHY?!?" sabi
kasi ng sabi ng impormasyon, di ko naman alam!

"It's your competition today! Math Quiz Bee?"

I swear, pagkabanggit na pagkabanggit niya ng 'Math', parang drum na yung dibdib ko


sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Ano pa nga bang magagawa ko? Ayun tumakbo na
lang ko doon sa Math lab para isuot yung robe ko.. then sa auditorium kung saan
ino-orient yung mga contestants. Late nga ako, kaya nagtinginan sila sa akin.

Rinig na rinig mo doon pa lang sa backstage eh nagsisipasukan na yung mga students


ng Southwest High. Ayoko ng ganun, paano lalo akong nape-pressure.

Nagsimula yung contest, I'll tell you that. Kailangan namang magsimula di ba? My
hands are sweating.. super lamig na sa sobrang kaba.. at nanginginig. Elimination
kasi nun.. at mag-buzzer ka kung alam mo yung sagot. Sinimulan nila sa easy
stuff...

like...

If 2x+3=5, what is x?

So yun nga.. nasagot ko ng 1. Madali lang naman. Then reserved na ako. May
pumalakpak para sa akin, pero walang sumisigaw di gaya nung iba. Then yung iba
namang contestant, inalis na sa stage kahit isang tanong pa lang.. dahil alis na
sila.

Actually, nakakahiya kapag naalis ka sa unang tanong. Kaya kahit na gustung-gusto


ko na matapos yung contest na yun, okay na rin na sinagot ko dahil ayoko namang
mapahiya sa school.
Then nung second round na, kalaban ko eh isang lalaki na nakita ko na dati na may
hawak-hawak na malaking libro ng statistics. Pero ang tanong sa amin eh.. well..
equation.

"What is the equation for the point-slope form?" tanong nung teacher na host nung
contest.

Hindi ko naman gusto na pumindot, pero accidentally, napindot ko pa rin. Binigyan


ako ng 10 seconds.. pero shocks... hindi ko talaga maisip. Napag-aralan ko na ito
ah!

"Y minus Y sub 1 equals slope times the quantity X minus X sub 1." binulong ko lang
yun,"Yun nga ba yun? Hindi ko na maalala."

"Correct! Try to speak louder Ms. Hernandez."

I didn't even answer. Pero yung bulong ko, narinig nila.

Men, totally walang nag-cheer para sa akin. Ang sama tuloy ng pakiramdam ko.
PInaupo ako doon sa gilid uli, dahil aabangan ko yung susunod ko na makakalaban.
Then narinig ko na lang na may sumigaw sa gilid...

"Aly!" tapos doon sa may pinapasukan mo sa may gilid na pintuan eh nakatayo si


Seth, Ed, Jim, at si Yex... and lahat sila.. naka thumbs up sa akin!

Napangiti naman ako nun. At least kahit papaano may sumusuporta pa pala sa akin!

Nanahimik nga lahat kasi bigla na lang tumakbo si Ed sa gitna ng stage, kumamay sa
akin, pero dumiretso sa host. Bawal kasi yun, yung bigla-bigla nal ang tatakbo sa
gitna lalo na kung may competition. Pero si Ed yan, ano ba namang pakialam niyan
'di ba?

Actually natuwa ako nun. Kasi alam ko na yung gagawin nila. Remember I talked to
Seth? I told him the truth. That Ria loves him. And I don't care kung mali yung
ginawa. At alam niyo ba kung anong sinabi ko sa kanya?!?

"The girl has suffered enough.. and you very well know that if you don't love
her.. you must learn how to move on with your life young man!" then dinugtong ko
nun... "But if you love her.. make her feel special."

Yung yung time na sumagot siya ng.. 'Do you think that's gonna' work?' kaya ayun...
saka ko nalaman na...

Seth LOVES Ria. Easy as that. I think the planned this. Yung whole thing about
doing something for Ria sa gitna ng competition.

Ain't that sweet of Seth???

Pinapababa si Ed nun sa stage, kaya lang dinala na nila yung gitara na galing sa
Music Room. As in, acoustic guitar. Umakyat silang apat, then nagsimulang maggitara
si Jim.

Akalain mo yun marunong siya?!?

Kaya ayun, wala na silang magawa kung hindi itigil muna yung contest, at magkaroon
ng intermission number.

Pero yun nga, hindi ko alam kung ano yung kanta. Di ko mawari. After that, kumanta
si ED.

HOLY CRAP. SI ED KUMAKANTA???

"There's a star in the sky tonight


and it trembles like my heart
And in this world, we're all alone tonight,
so close and yet so far." tapos sinabi niya ng natatawa, "People, I'm paid to do
this!"

Nagtawanan sila nun.

Nakita ko bumaba ng stage si Seth. Tapos nagpunta siya sa direksiyon ni Ria na


nakaupo sa bandang gilid sa harapan.

"My heart would never lie


I can feel you want me too" si Seth na yun, 'I can feel you want me too' si Ed yung
second voice, "And if that star should fall,then baby, here's what we should do"

Yumuko lang si Ria nung niyaya siya ni Seth sa gitna. Pero pansin ko na naiiyak na
naman siya. I guess, it's not because she's sad.. but she's happy. Nag-cheer pa nga
yung audience nung umakbay si Seth sa kanya.

Then, duet na yung dalawa. Si Ed saka si Seth.

'Wish, take me by the hand and wish


Hold your breath and we may find
it might come true on this starry, starry night'

OH MY GOD. Parang alam ko yung kanta. Ano na nga ba???

Then si Jim kumanta.

'Wish, look into my eyes and wish


Reach out for that dream it's there
for me and you and we might fall in love again.'

Hindi mo marinig yung boses niya, kasi nga mahina yata yung mic na napunta sa
kanya.

Ako naman, naeenjoy ko na yung pagkanta nila habang nakaupo ako. Nawala na nga yung
kaba ko siguro eh. Nakakrelax din pala! Grabe... within a day.. naisip na ni Seth
yun???

"Mayroong" narinig ko na yung boses at kilala ko na, 'Mayroong' si Jim yung second
voice this time, "kaba sa 'king dibdib,
ito nga kaya'y pag-ibig?
Huwag mo nang labanan pa,
Tunay mong damdamin"

Tagalog? Are you kidding me!? Pero slang din ah! Kaya lang mas maayos yata mag
pronounce ngayon??

Huminto siya sa harap ko nun. Humawak pa sa kamay ko.

"'Di na maitatagong
Ikaw ay mahal ko rin (ikaw ay mahal ko rin)
Kung panaginip man, sana ay huwag nang magising"
Ngayon parang alam ko na yung pakiramdam ni Ria. Parang nahihiya na naiiyak na
hindi ko maintindihan. Then, sabay-sabay silang apat na kinanta yung last part ng
kanta.

Well, actually, yung english part lang. Then yung tagalog si Yex na. ANg weird...

'Wish...Sana bawat bukas ay


lagi kong kasama ang pag-ibig mo--Dito sa puso ko
Wish...Sana bawat sandali
ay maging walang hanggan
Mahal kita hanggang kailanpaman'

Nung natapos yung kanta nila.. may nag-cheer sa auditorium, yun iba na-shock, yung
iba wala lang pakialam kasi hindi nila naintindihan yung ibang sinasabi ng kanta.

And I know the song... 'WISH'.

Lumuhod nun si Yex sa harapan ko hawak yung microphone. Tapos nakangiti siya sa
akin.

"It took me a month to learn the song. And it's easy enough coz it has english
parts. So when Seth told me he's gonna' do it with me, I felt relieved." sabi niya
ng nakangiti.. "I WISH you'll win." yumakap siya sa akin, "You'll always do good...
GOOD LUCK..""My Angel." after nun, pumunta na sila backstage.
Create a free website with

***39***

Okay, na-shock ako. Kasi na-recognize ko yung sinabi niya bago siya bumalik ng
backstage. 'My Angel?' I mean, grabe namang coincidence kung ganun di ba?? But it's
Seth who sent it to me. Di ba??

Gusto ko sana habulin siya sa likod, kaya lang unladylike naman yun so nag-stay na
lang ako sa upuan ko. Pagkatapos na lang ng contest saka ko siya tatanungin. Lagi
na lang niya akong pinag-iisip! Hindi ko nga lang makuhang magalit sa kanya since,
you know...

---kumanta siya. Sa harap ng maraming tao. Ng Tagalog. Para sa akin.

Which was... sweet.

So I had to deal with this whole contest thing. Actually, nakaabot na ako doon sa
semi finals. Kapag nasagot ko yun, kasama na ako sa Final Round. Gusto ko na nga i-
screw, para tapos na. Kahit na magpatalo na ba ako in purpose. At least hindi na
nakakahiya dahil hindi naman ako natanggal ng first round.

Kaya nung nakatayo na ako sa gitna at ang tanong eh tungkol sa finance eh pumindot
na naman ako. This time, in purpose na. Pero alam ko yung sagot. Well.. not really.
Sort of.

Ang tanong eh, 'What is the value of annuity in 25 years, with payments $100
quarterly and 6.75% rate compounded quarterly?'

I was given a minute, a regular calculator, a pen, and a piece of paper. It's not
like I can solve that thing at the top of my head in a snap. Considering yung
formula nun eh something with an i. At hindi siya i, as in imaginary number.. kung
hindi.. interest rate over compound period.

I have to admit, it was hard!!!


Kaya ayun, tumayo lang ako doon. Sinubukan ko naman i-solve eh. Pero kung gusto ko
na rin naman nang magpatalo, why bother right???

I tried solving it... medyo nag-iikot na yung impormasyon sa utak ko. Actually, two
things: First, Yex cheering me I can do it.. and second... the student body yelling
'BOO' while I was doing the problem.

I stopped. Just like that. Nakayuko ako nun sa ginagawa kong work. Pero binaba ko
na yung pen ko. I'm not a person na madali na lang umiyak sa harap ng maraming tao.
But I did. Kasi hindi ko na kaya. They hate me. Kasi nga ako yung Advice Columnist
before. And probably... will forever be.

"I'm withdrawing from the contest..." tumingin ako sa kanila, tapos pinunasan ko
yung luha ko, "I'm done here."

Siguro nga nagulat sila sa akin kasi bumaba na lang ako sa stage ng ganun-ganun na
lang. Alam ko galit sila sa akin. Matagal ko nang alam yun. Pero sana naman, hindi
na nila ipamukha sa akin 'di ba?

Most of them went silent. Yung iba sumigaw pa ng 'Who cares!?' kaya lalo akong
naiyak.

Ang nakakainis lang, sarado yung pintuan sa gilid. Kaya ayun, wala kong choice kung
hindi dumeretso doon sa exit sa pinakalikod. Which also means, kailangan kong
dumaan sa gitna nilang lahat.

Yung mga teachers nag-order ng silence, pero students yung mga yun. Hindi mo rin
macocontrol. To think na... 3500 sila.

Patakbo na ako nun sa pintuan sa likod, nung marinig kong may nag-grab ng
microphone at sumigaw...

"EVERYBODY SHUT UP!!!" and everybody went still... "I've had enough high school
drama than I can afford! What's wrong with you all?!?" I can tell he's really mad,
"You all have no right treating her like that! Coz you know what? Among all of us,
she was the only one who had the guts to be the advice columnist! And I swear all
of you have no clue how hard would that be! She gave you advices that might help
you all.. but it doesn't mean you have to follow it. What does that tell us???"
tumingin siya sa likuran niya na parang asar na asar na, "I don't care if I got
suspension or what.. but you all are so STUPID!" kahit naiiyak ako nun, napahinto
ako sa narinig ko, "Yes, you heard it right. Stupid. You run your own life! Advices
sometimes work, and sometimes don't. So don't blame her.. for your mistakes and
problems.. that has nothing to do with her.. but YOURSELVES!!!" tumingin siya doon
sa host na teacher.. then sa papel ko na sinosolve ko kanina, "By the way, her
answer right here's $31,223.23. Bet you it's right."

Tumakbo siya nun kung saan ako nakatayo. Yumuko na lang ako. Ewan ko, parang ang
daming nangyari.

"You all right? Let's get outta' here."

Hinila ako ni Yex palabas ng auditorium. Actually, I was glad he did that. Ayoko na
rin kasi doon sa loob. Hindi ko na nga alam kung kaya ko pa nga pumasok sa school
eh. OA na kung OA, pero yun ang pakiramda ko.

Pero this time, hindi na ako naiiyak sa nangyari. Humarap ako sa kanya tapos
ngumiti na lang ako.
"You're awesome." sabi ko ng mahina.

Tumingin pa siya sa akin. Magkasalubong pa yung kilay niya at parang occupied pa


yung isip niya.

"I just don't---" tumingin siya sa akin, "What?!?" pero parang na-realize din niya,
"Oh.. thanks."

Akala ko kung saan kami pupunta, pero saglit lang din eh nakatayo na kami sa
students parking lot. Tapos pinagbuksan niya ako ng pintuan, pero hindi yung front
seat.. sa likod talaga ng kotse niya.

Nagulat nga ako eh, pero sumakay na lang din ako. Siya naman syempre, sa driver's
seat.

Ini-adjust pa niya yung rearview mirror niya kaya nakita ko siya na nakatingin sa
akin.

"You're in for a treat. Where do you want to go Ma'am?" tapos ngumiti siya sa akin
kaya parang nag-skip na naman yung puso ko.

"What is this?" kasi nagtataka na talaga ako, "What are you doing?""I'm just being
fair, and you know I keep every word I'm saying..." hindi ko pa alam yung sinasabi
niya... "I'll be your slave for a month."

Nakatingin lang ako sa kanya na para siyang alien. Slave for what?

"Don't you look at me like that? You know what I'm talking about!"

Napataas yung kilay ko. I'm lost.

"You know... first date.. first bet... first decent conversation??? And worst... my
first realization?"

Wala na akong pakialam, pero napanganga yata talaga ako sa kanya.

"I'm sorry.. come again?!?"

Tinapik niya ng malakas yung steering wheel. Tapos sabi niya ng malakas eh...

"ALY! I've been courting you for quite some time now!" pero hindi siya galit,
malakas lang talaga pagkakasabi niya.

Napasandal ako doon sa kinauupuan ko.

"Nanliligaw ka ba? Kailan pa?"

Wala na nga ako sa sarili ko nun. Kasi kinakausap ko na siya ng tagalog.

"Bakit hindi ko yata alam? Wala naman ako naalala na nagtanong ka 'di ba? Saka...
teka... ako nililigawan mo?" tinuro ko pa yung sarili ko.

Hindi niya ako naintindihan. Kasi yung tingin na yun alam ko na eh. Tagalog ba
naman.. ano namang malay niya doon 'di ba?

"Alam mo Yex.. ayoko ng ganyang biro ah! Kanina lang sa loob kung anu-ano na
nangyari! Huwag mo na sanang dagdagan pa! Nakakainis ka naman eh! Palibahasa kasi
may gusto ako sa 'yo kaya sinasamantala mo! Teka.. alam mo ba yun? Hindi 'di ba?
Hindi mo naman ako naiintindihan! Pero wala naman sanang---"
Oh my God. He leaned from the front to the back... tapos hinawakan niya ako sa
batok ko..

---and he kissed me. Sa lips.

Whoa.. I didn't expect that one.

" 'Had to do that. I was so lost on what you're saying. Whatever that was.." then
from the rearview mirror, he smiled at me.

"And yes.. I LOVE YOU!!!" can I have a baseball bat please???


Create a free website with

***40***

I have to admit... I was shocked. But I kinda' like it. Hindi naman sa nag-iinarte
or something, but I imagined my first kiss to be somewhere romantic. Yun bang,
tamang time, tamang place, tama lahat. Even the guy.

I'm not saying Yex isn't the right guy. Syempre si Yex yan. So I'm pretty much
lucky that he's my first kiss. Half of me says na gusto ko naman na siya yun, pero
yung other half parang hindi muna kasi naman.. hahalikan ka yung hindi ka pa ready
'di ba? What if I slobbered? E di nakakahiya? Saka.. maganda na yung ready ka..
para at least alam ko naman kahit papaano. Not that I would do practice kiss
somebody, well maybe with a stuff toy or something even though it's kinda' nasty.
Hindi yung pabigla-bigla. Idagdag mo pa na kapag ready ka, alam mo yung sasabihin
mo. Hindi gaya nung nangyari sa amin.. I was.. well.. speechless. Siya naman wala
ring sinabi eh.

Kaya nung natapos yun at nag-register na naman sa utak ko yung nangyari, anong
ginawa ko?? Well, I pulled the roots of his hair! Serves him right!

"OUCH!" sabi niya pero natawa din siya sa ginawa ko,"You're so violent young lady!"

Dinaan ko na lang din sa tawa. Sa katunayan, iniisip ko na weird yung magiging


pakiramdam mo kapag may hinalikan ka. Yes, I did feel weird. I'm saying, ineexpect
ko na weird, na nakakdiri. But honestly, it's weird.. in a different light.

Ini-start na niya yung kotse niya nun at habang tumatawa siya eh umatras na siya
doon sa pagkakapark niya. Hinawakan niya yung ulo niya nun..

"That really hurts..." tapos tumingin siya uli sa akin, "Da--" tinignan ko siya ng
masama dahil sa sasabihin niya, "I meant 'darn', there's a bald patch right here!"
tapos tinuro niya yung part ng ulo niya na sinabunutan ko.

Tinignan ko, wala naman! Napaka-OA naman nitong taong ito.

Just as when we were about to get out of school, may grupo naman na tumatakbo
galing doon sa sa auditorium. Hindi na namin kinailangang manghula dahil kitang-
kita mo na kung sino. Si Ed, Jim, Seth.. and beside him.. si Ria.

Hinarang pa nga nila yung sasakyan ni Yex nung paalis na kami. Pero alam mo naman
na hindi naman sila sasagasaan ni Yex eh.
"Where do you think you two are going?" tanong ni Ed na naka-lean pa sa kotse.

Binaba ni Yex yung bintana niya tapos nilabas niya yung ulo niya para kay Ed. Tapos
bigla na lang niya sinabi eh...

"Camp. Who's coming?""I'm in!" tumingin si Ed doon sa apat pa...

After that.. we're all in our way. Actually, di kami kasya sa sasakyan. Si Seth at
si Ria eh sumakay sa truck ni Seth. Pero yung dalawang mokong, si Ed saka si Jim,
sumakay sa likod ng sasakyan ni Yex. Kaya yun, ako lang yung babae sa sasakyan. I
don't mind anyway. As far as I know, they're harmless.

Isa pa... b-bakit n-naman a-ako k-kakabahan dddi baaa?? Pupunta lang naman kami sa
Lake Placid. Sus! Napakalapit nun. Baka 3 oras lang yun, or less. Hindi ba? Kahit
naman hindi ka nagpaalam sa magulang mo na doon ka pala mag-spend ng weekend kasama
yung mga kaibigan mo ng walang damit...

---wala talagang reason para kabahan.

Lahat kami walang damit. Ewan ko kung anong pumasok sa utak nung mga yun. Pero
syempre, laging positive yang mga yan. Lalong-lalo na si Ed! Yun pa! Ang taas-taas
lagi ng energy niyan! Hinigop na niya yata pati nuclear energy ng mundo!

"Don't worry Aly, you only have to stay there for tonight. We always do this kinda'
stuff. Like decide today, we don't care for tomorrow. You can buy clothes there. If
that's bothering you."wow, ang bait naman ni Jim sa 'kin ngayon.

"That's true.." tinapik ako ni Ed sa balikat ko kaya tumingin ako sa likod, "They
sell stuff there. And it's cheap since they know students go there. And the camp
itself's free, well I think it's free, I ain't sure...as long as you take care of
the place you'll sleep at." si Yex naman tinignan niya, "So we'll gonna' stop
somewhere just so the girls could shop for their stuff? Seriously Yex, I'm not
walking at the mall carrying bags full of tampons!"

Between Ed and Yex, na sinabunutan ko kanina, si Ed talaga napa-eeew ako. ANg kulit
talaga ng tao na yun! Hinampas ko siya ng malakas sa braso niya!

"What?!?" natawa naman si Jim nun pagkatapos kong hampasin si Ed, "It's true! You
know my girlfriend from Sarasota, she wanted me to go to the mall and she made me
carry about 30 bags of women stuff... It was..." parang kinilabutan pa siya,
"Freaky. It's like my grandmother putting baby powder all over my body."

Sabi ni Yex, siya daw magbabayad kung ano man daw yung kailangan ko. Wala talaga
akong pera nun. Saka sabi niya, siya naman daw may kasalanan dahil niyaya niya ako
ng ganun-ganon na lang. Tinawagan niya na rin yung Dad ko. And he's mad all right.
Pero wala na siyang magagawa kasi nakarating na kami sa Lake Placid. Kakain na nga
lang kami sa Wendy's eh. Sabi niya kapag nakabalik na daw kami, sasabunin niya kami
lahat. Lahat kami. Including Ed, Jim, Seth, Ria, Yex.. at pati ako na hinila lang
naman doon.

Then I told him na wala naman kaming gagawing masama, na masaya yung maranasan ko
yun para masanay ako dito sa America.. then he's like..

"Okay sure.. basta mag-ingat lang! Wala kang allowance for a whole month!"

Si Yex din, wala rin naman yang pera. Meron siya about $119.00. Siguro daw kasya
naman na yun. Galing pa daw yun sa allowance niya. Hindi kasi siya nagwo-work dahil
may pasok nga, so madalas wala ring pera yan si Yex kundi mag-rely sa parents niya.
We got to LPCC, yung camp 'daw', kaya na-amaze naman ang LOLA niyo.

When you think of.. 'camp', ano bang pumapasok sa utak mo? Kasi ako... puno, tents,
apoy, maybe fishing, lamok, lake dahil doon ka maliligo, uhmm... well, those stuff.
Pero nung nakarating kami sa camp na sinasabi nila.. whoa.. it's like a completely
different world.

Kasi ang camp pala sa mga taong ito means...

1. Oh, dorm-like rooms. Yung tipong pang-college ba. Take note, it's
airconditioned.
2. Bathrooms. With matching hot water and cold water, or warm... whichever you
want.
3. Game room, kaya parang lumipad yung ulo ko nung may game room pa pala para i-
entertain ang sarili mo.
4. Court, kung gusto mo mag-basketball. Or maybe volleyball.
5. Oh don't forget the playground. May lines pa para sa ibang sport na pwede mong
gawin, pero di ko alam kung para saan.
6. Auditorium, in case may program or something.
7. Cafeteria, kung saan kakain. Parang school na nga eh!
8. Cottages, kasi may lake sa bandang dulo.
9. Parang boardwalk na lalakaran mo dun sa lake, kaya makakapunta ka kahit nasa
gitna ka na ng tubig.

Pero pinaka the best sa lahat na talagang hindi ko na paniniwalaang camp yun eh...

10. Guide. Like a tour guide of some sort.

Trust me. They call this camp.

Okay, bago pa gumulo yung utak ko, dumating din si Seth at si Ria. Hindi pa ako
pumili ng kwarto sa itaas dahil gusto ko kasama si Ria pumili. Sa baba kasi yung
rooms ng guys, so hindi namin sila makakasama pag gabi. Ayoko rin naman, baka mag
naghihilik pa sa mga yun. Sinabi nung babae sa amin na taga-LPCC, separated daw
talaga.

Nung nandun na kami, tama nga sila. Hindi nga namin pinoproblema yung damit. Ewan
ko rin kung bakit. Naupo kami doon sa benches sa malapit sa puno at medyo madilim
na nun. Seth and Ria are back together. Sabi nga sa inyo, hindi uso ang ligawan
dito. Pero okay lang naman sa akin. Hello? They love each other. Kahit manligaw pa
si Seth sa kanya, Ria would still say yes to him anyway. Why bother???

Si Ed at si Yex, parang mga siraulo. Nakakita ng football doon sa damuhan, at ayun,


nauwi sa wrestling. Naglalaro silang dalawa doon eh. Si Jim lang ang naiwan sa tabi
ko, kasi ayaw daw niya makipaglaro. Mangangamoy damo daw siya. Ang kulit din no?

"You know I hated you right?" nagulat ako nung sinabi ni Jim yun kasi tumingi ako
sa kanya bigla-bigla, pero hindi siya nakatingin sa akin.

Kay Ed at Yex pa rin siya nakatingin.

"Yeah I did. But not anymore." sabi niya. This time, tumingin na siya sa akin.

I didn't feel bad or anything. Instead, naging interested ako sa sinabi niya.

"Because of the columnist thing?"

"No. Not that." ngumiti siya, "People are stupid. How can you hate a person who
tries to help you by giving advices?" yumuko siya ng kaunti, "It's a different
reason."

"Care to share?" lumapit ako sa kanya.

Sa apat kasi, si Jim lang talaga ang pinaka-distant sa akin. I mean, eversince.
Siya yung bihira ko makausap kahit ginagawa niya. Siya rin yung madalas ini-snob
ako. Noon nga iniisip ko na baka yun lang ang effect niya sa tao. Pero ngayon na
nalaman ko na "hate" niya ako before, well, yun siguro yung reason.

"You might think I'm so shallow, but, it's because of my friends, Yex and Seth."
tumingin siya saglit sa akin tapos hinawakan niya yung batok niya, "Those two.."
tinuro niya yung dalawa,"They had huge fights before. And it was bad, they were
treating each other like mortal enemies. And it's always has to do with a girl."

"Really? I didn't know that."

Ngumiti siya pero yung ngiti na, parang inaalala lang niya yung nangyari.

"The first one was Heather. Seth was the first one to ever ask Heather out. But
since Yex's Seth's friend, everytime Heather's around, Yex is around. They got
close. And then, Seth found out that Heather only tried to hook up with him, just
so she could be with Yex most of the time."

Tumingin ako sa side ni Seth nun, na nakaakbay na kay Ria ngayon.

"That's... harsh." sabi ko naman. Kasi yun naman ang totoo.

"Yeah. So what Seth did was punch Yex... and they had this war thing going on.
Remember when Heather was here, she didn't even talk to Seth. She's still.. guilty.
That girl's vicious!"

Tumawa ako.

"No, it's the truth. She left Seth for Yex. 'Left Yex for the quarterback of the
school's she's going to. What's his name? Kyle. I think." then nag-isip na naman
siya, "Well, actually she didn't leave Yex. Yex dumped her. I don't know why Yex
did, but I'm still glad he did." tapos tinignan niya si Ed na naman at si Yex na
naglalaro na naman ng boxing at parang mga siraulo, "Anyway, the next girl that
they had a huge fight for was Ria. But Ria's a different story. Yex only see her as
a sister. And Ria loves Seth eversince. It was Seth's fault. He thought that Yex
was trying to steal Ria away from him just like what he did on Heather. It was so
bad. You know that story."

I know what he's trying to tell me. Pero bakit ba lagi na lang nagkakataon na
nagkakaaway sila dahil sa babae? And I still don't get why he hated me. Ang haba ng
story.

"Then you came along. And when I saw things between Yex and Seth, I thought we have
to go to those things again. Remember at twin day? You and Yex were partners for
the string thing? And you two didn't get it? Then I said sarcastically, 'what does
that tell us'? Don't you get it? You two can't work that out because you have to
work like you two are siblings. But Yex doesn't feel that way about you, and
neither do you."

Nag turn red na ako nun. Grabe, na-obserbahan niya na kami sa simpleng string ng
Twin Day?

Ano ba ito si Jim.. genius?


"I got scared. So I treated you like that. I want you away from those two. Or one
of them anyway. Lame huh???"

"NO!" ang lakas ng pagkakasabi ko nun kaya yung nagboboxing na dalawa eh huminto,
pati yung lovebirds sa gilid eh tumingin na sa amin, "I love how you see things
Jim. But you know, you need to be open to others. Especially girls..."

and I meant that in a different way.

Yung mga nanonood sa amin, nag carry on na sa ginagawa nila.

Natawa siya nun! Tumawa si Jim sa sinabi ko!

"Don't get me wrong. I'm not behind about girls. Among all of us, I'm way ahead!"
pinalapit niya ako, "I'm not a virgin anymore. Unlike those 3." tinuro niya yung
tatlo.

Na-shock ako. Mas na-shock pa kaysa sa pag-kiss sa akin ni Yex.

"WHAT?? SERIOUSLY??"

"Yes. Sshh.." sabi niya sa akin.

I can't believe this. OH MY GOD. Hindi ko kayang isipin na..

virgin pa si Ed???

"You're a cool gal Aly. I should've known that earlier.." then konting katahimikan
lang kami, "So I wanna' know for sure if you told Yex about the letters that you
got.."

"What letters??"

"His letters."

Then yun nga, naalala ko na. Yung "My Angel" letters.

"Those are from Yex? Right?"

"He wrote it."

"So he sent it to me?"

"He didn't." sabi naman ni Jim na nakakaloko na. "He didn't send it to ya'.."

WHAT??? Ang gulo naman.

Tapos may humawak sa balikat ko. Si Seth.

"We did."

Nanlaki nga siguro yung mata ko nun. Si Yex busy pa rin sa pakikipag.. what the
heck are they doing? Karate???

Anyway...

"Yex wrote it, but you guys sent it." gusto ko lang i-straight yun.
"Yes. We knew that you're the columnist. Actually, I did. Not Jim." tinignan ni
Seth si Yex, "So Yex here have no clue that we sent his letters to ya'.."

Si Yex naman parang wala sa sarili kaya sinabi niya eh...

"I didn't know what?!?""SALSA!! Geez Yex! You don't know how to dance Salsa!"
singit naman ni Ria

I almost fell on my chair. They're driving me insane!! Ang kulit nila!

WHY ME???
Create a free website with

***41***
Grabe, parang daming impormasyon ang inabsorb ng utak ko. Mula kay Jim, kay Seth,
at pati na rin kay Yex.. ewan ko kung paaano ko itatake lahat.

Camp's not that bad. Kasi di ba nga libre na tapos maganda pa yung mga facilities.
Umakyat na kami sa taas nun, kasi balak na nga namin matulog. Okay na sana eh, kaya
lang di rin naman kami makaligo. Why? Eh kasi ano namang isusuot namin.. the same
underwear and clothes?

Ang daya nga, hindi man lang kami nakabili ng damit. Kaya ayun.. basta! Yung mga
lalaki rin naman. Pero actually kapag inamoy mo naman yung guys.. whoa.. parang
ayaw mo nang umalis.

Quiet na nga lang ako. Isipin pa nila inaamoy-amoy ko pa sila.

Oh well, hindi ako makatulog. Paano ba naman si Ria walang katigil-tigil sa


pagsasalita. Pany ang kwento na si Seth eh ganito, si Seth eh ganyan. I know Seth's
really nice and all.. and romatic and everything.. pero kailangan pa ba niya yun
ulit-ulitin sa akin?

Siguro nga ganyan lang talaga kapag in-love masyado.. o kapag na-excite ka lang
dahil nga ang tagal niyong di nagkasama. Si Ria naman yan, pagbigyan na. Kasi
siguro kapag ganyan ako kasaya, baka ako naman magdadaldal ng ganyan at mapagod
siya makinig sa akin.

"--which was so romantic!" sabi niya na nakatodo ngiti pa matapos niyang i-kuwento
na sinandal daw ni Seth yung ulo niya sa balikat niya, "And of course, my heart was
beating so fast! Touch me right here!"

Then yun, pinahawak pa niya yung left part ng chest niya para malaman ko na mabilis
nga yung tibok ng puso niya. Ang hirap talaga kapag makulit din yung kasama mo sa
room mo.

Ria's cool. Pero na-bother ako nung sinabi niya na...

"So did he ask you yet?" kalmado na siya ngayon kasi medyo seryoso na.

"WHO asked me WHAT?" kasi malay ko naman kung ano yung sinasabi niya.

"YEX! Did he ask you to the prom yet?""Err no. We're sophomores.. we can't go to
the Prom." kasi exclusive for juniors and seniors yun, unless may nagyaya sa iyo na
junior or senior.
Pero yun nga sa case namin, pare-parehas kaming sophomores so walang makakapunta.

"I know! But they're in student council so they have to be there. Student Council
members are the one's in charge for prom. Prom Committee's in charge for the money
and such." then tumingin siya uli sa akin, "Besides, I think they'll gonna' play
there."

Nasa student council sila? I mean.. seriously? Even Ed?

Ang sama ko talaga. Lagi ko na lang dina-down si Ed. Masyado kasing clown sa
paningin ko eh! I bet na-vote lang sila sa student council dahil marami silang
techniques.

"No. He didn't ask me. And I don't think i'm going anyway." sabi ko naman tapos
kinuha ko yung unan, "Don't you think it's too early for them to ask somebody to
Prom? It's just December.. Prom's in February.""They have to ask somebody earlier.
Because by the time it's January... or February.. as the guys would say, 'all the
good ones were already taken.'"

Matutulog na nga sana kami nun nung marinig naming may bumabato doon sa bintana
namin sa may balcony. Pagkatingi namin, yung dalawa. Si Seth saka si Yex. Buti nga
hindi sila hinuli nung police na babae na nagbabantay sa camp.

"What?!?" sabi ni Ria ng medyo pabulong.

Then may tinaas si Yex na kung ano na nakabilog na di mo maintindihan.

"Here.. take it!" tapos binato niya ng malakas para umabot sa taas.

Sinalo ko naman. Saka ko lang nalaman na t-shirt pala yun. Seth did the same.

"Don't worry.. those are newly dry-cleaned shirts. In case you two got cold.
Laters!"

Si Yex bago pa pumasok doon sa pintuan sa baba papunta yata ng room nila eh nagsabi
pa ng..

"Aly, don't think about me too much okay? I might not be able to sleep.." then nag-
peace sign sa akin, "Just kidding."

Ang hirap talaga kapag may kasama kang guys sa camp tapos ang kakapal pa talaga ng
mga mukha!!!

Anyway, natulog na kami nun. Hindi ko naman siguro kailangang i-elaborate pa kung
paano ako natulog. Wala nga kaming maayos na unan eh! Pero malambot naman yung
hinigaan namin so it wasn't that bad. Hindi naman siguro ako nag-drool doon sa
shirt ni Yex.

Si Ria nga natawa ako, nanaginip pa eh. Paano bigla ba naman nagsalita. Akala ko
ako yung kinakausap eh. Pero sosyal yung panaginip niya, English pati dialogues eh.
Sumigaw ba naman ng.. 'Look at you? You look like a lame person, a dorky blonde, a
geeky olympian, and a preppy weirdo. Who's your Daddy now?'

Err.. ano daw? May kaaway ba ito o ano? Tapos may Daddy sa dulo? I know Ria's half
filipino just like Yex, pero American na rin yan. Minsan nagnonosebleed pa rin ako
sa terms na ginagamit nila eh. Oh well, nananaginip naman siya eh.. better yet
hayaan na lang.
When we got up the next day, ang sakit ng leeg ko. Paano, nangawit yata eh. Tapos
si Ria nagising din, ang gulu-gulo ng buhok. Nagfreak-out pa nga siya nung nakita
niya ako eh.

"AAAAHHHHHHHH!!!" kaya ako naman eh napatalon ng de-oras.

"What happened?" tinanong ko naman siya kaagad.

"Why's your hair like that? It looks..""I know. It's early morning..." umiiling-
iling pa ako nun.

"No. It looks... good. I don't think you need to comb it at all."

Nyak.. may ganun?? Actually, nag-sleepover na rin ako sa bahay ng mga naging
kaibigan ko. At yun nga, sinasabihan nila ako na yung buhok ko nga daw eh maayos pa
rin kahit magising ako sa umaga. I mean, magulo man, suklayin mo eh walang knots.

Nag-ayos lang kami saglit. Pero ayun, suot pa rin namin yung malalaking t-shirt.

Nauna kaming bumaba. Nandun na yung mga babae na nagbabantay sa camp. Nag good
morning lang sila sa amin. Sinabi namin kung pwede ba namin gisingin yung guys..
since bawal nga na pumunta ang mga babae.. parang okay lang naman sa kanila since..
babantayan naman nila kami.

Saka hello? It's early morning. As if naman may gagawin kaming kababalaghan sa
kwarto nung mga lalaki na yun.

Ang dami kasing rooms sa baba so hinanap pa namin yung room nila. Yun pala yung
dulo yung tinulugan nila. Pinakinggan nga muna namin bago namin binuksan, pero
sobrang tahimik sa loob. Pagbukas namin, ayun.. tulog pa silang apat!!!

Dalawang double-deck na bed yung nandun. Sa baba na bed eh si Jim at si Seth. Pero
nakita namin naka blanket sila. Saan nila nakuha yun? Bakit kami wala???

Tinignan ko si Jim matulog. He looks.. well.. he looks so CUTE. Ang sarap nga
kunan ng picture eh. Pero alam mo yun, masyadong seryoso sa buhay yan si Jim so
better leave him alone or else...

Si Ria, naupo doon sa bed ni Seth. Nasa taas kasi ng bed ni Seth, si Yex na
nakatakip yung braso sa mata niya. Pero siya, walang blanket. Suot pa rin niya yung
black pants niya. But this time.. he's not wearing a shirt.

Ed's view was completely revolting. Bukod sa yung paa niya eh naka-baba na doon sa
gilid malapit na sa bed ni Jim... he's snoring. YEAH!!! He snores!

Nung ginigising na ni Ria si Seth.. parang nagalit eh..

"Oh what?!? Arrgghhh!" umikot.. "I'm trying to sleep!""It's 9 o'clock!"

Nung narinig niya yung boses ni Ria, parang alarm clock eh, bigla ba namang
nagising tapos naupo at hinila yung blanket.

"Ria.. gerroofff!!!" sabi niya na parang naiirita pa! "What are you two doing in
our room?""They said we can wake you up guys."

Ako naman pangiti-ngiti lang. Nagising na si Yex at naupo siya kaagad. Nasisilaw pa
nga yata sa araw kasi tinakpan niya uli yung mata niya. Kaya lang dahil naupo
siya... full view na. Full view na.. kita ko na walang shirt siya. Kanina kasi
braso lang niya nakikita ko.
"What time is it?" tapos sinusuot na niya yung shirt niya, "I'm still sleepy."

Si Jim nagising na. Yung mukha parang hindi natulog eh. Si Ed.. well... nevermind.
Parang mantika kung matulog. Hindi man lang nagising.

Nag-aaway pa rin si Ria saka si Seth. Actually hindi away. Pinapaalis lang ni Seth
si Ria. Then I found out why...

"Ria.. I told you to--- gerrooff!"

"He's wearing boxers.." sabi ni Jim tapos tumayo na rin.

"Yeah. You want his pants? It's right over...." tapos binato niya kay Ria, "Here."

Inagaw naman ni Seth. Ayun, lumabas na kami para daw makapagbihis sila or
something.

Saglit lang, lumabas na sila. Si Ed nun, ang gulo na nga ng buhok, yung mata pa eh
halatang bagong gising. Pero parang wala naman siyang pakialam kasi tawa lang siya
ng tawa eh.

Kumain kami sa cafeteria nun sa camp. Masarap nga yung pagkain kasi bacon and eggs
eh. Pero may ibang choices din naman.

Katabi ko si Yex nun. I mean, I was actually aware that my heart was beating so
fast that time. Kaya nga pati conversation nila eh hindi ko na rin masyadong
maintindihan. Siguro nga by that time.. I'm starting to see... Yex.

Kumakain siya ng pizza nun. Tapos nakikipagtalo siya kay Jim about something.

"It freed the slaves! That's why they did that Proclamation. They wanted an end for
slavery!"sabi ni Jim na for the first time narinig ko na nagsalita about school
stuff.

"No.." sabi ni Yex tapos hinila niya yung sleeves ng shirt niya kasi naka long
sleeves na siya ngayon, "It was a tactic. The Proclamation states that it will free
the slaves of those states who were in rebel against the government. Something like
that." kumagat siya sa pizza niya,"The Confederacy were the ones who were in Rebel
in the govenment, in short the South."

"Just get to the point Yex!" sabi ni Jim.

"What I'm saying is that, Lincoln did that in order for the states in South to join
the Union again. Since they're pro-slavery. He just didn't want the Union to
collapse in his term. What will the Confederacy do? Of course they're gonna' join
the Union so they could keep their slaves. What about the States at the North?
Well, they're not in rebel with the government.. in short, nobody would be freed.
What's the point???""Yex, you think way too much. The Civil War's way over." sabi
naman ni Seth sa kanya na ngayon eh sinusubuan pa si Ria.

"It's true though."

Nakatingin lang ako sa kanya nung sinasabi niya yun. He's so... smart. Kahit na
itago pa niya yun, lumalabas in a natural way.

Then, napansin ko rin yung buhok sa bandang likod ng ulo niya. Yun pala yung
madalas magulo. Kasi right-left ang direction. Pero nagmukhang style tuloy..so it
looks cute.
Ang gusto ko naman sa pagdadamit niya eh, hindi siya mahilig sa trend. Let's say a
guy na sumusunod sa trend eh yung guy na maraming punk stuff sa pants. Siya? Plain
black. With 6 pockets or so. So it's not like he's a prep or what.

Yex is really good at hiding things. Like when he got problems, he'll try his best
to keep it to himself and try to solve it himself. When he's sad, he'll try to
smile no matter what. Even if he actually knows a lot about something, he'll listen
on what you have to say. BUt there's one thing that he's not good at hiding: When
he loves somebody, you'll feel it.

"Are you all right?" sabi niya sa akin na mukhang concerned na yung mukha niya.

"Uhmm.. yeah. Sure.""You look... dazed."

Binato siya ni Ed ng mushroom galing sa pizza niya.

"And you actually like that she's staring at you?""SHUT UP!" sabi naman ni Yex
tapos binato yung mushroom pabalik.

Then nahiya na ako nun. Kasi alam na pala nila na nakatingin ako sa kanya. Anak ng
tinapay naman! Para kasi akong sira eh!

"Are you two going together for Prom?" sabi ni Ria tapos tumingin sa akin ng may
ibig sabihin.

Dinala lang niya yun sa conversation kasi alam niya na hindi pa nga aok niyaya ni
Yex. I wish she didn't.. kasi basta.. uncomfortable naman masyado.

"Who says I'm gonna' ask her to Prom?" kinakain na niya yung pepperoni sa pizza
niya.

Ouch. Ang sakit nun sobra. Para akong sinaksak dito. Harap-harapan pa talaga eh no?

Ako naman, sinubukan ko na lang mag-smile, tapos yumuko ako ng kaunti. Kasi baka
mamaya maluha pa ko niyan... naku..

"I'm not going to Prom anyway.""See? Why would I ask somebody who's not going?"
sabi ni Yex tapos nilagay niya yung kamay niya sa balikat ko. "Don't get me wrong,
I'm not going to the Prom either."

"What?!? Why bro?"

"Are you kidding me? I'm not going to spend my Prom at some lame place dancing with
lame girls..""Hey don't say that!""I'm just saying I'm not going to spend my Prom
over there..." then umakbay siya sa akin..."Of course I won't coz...""The two of us
will have our own Prom."
Create a free website with

***42***
After nung camp at nakauwi kami, my Dad was mad. Pero yun nga, he didn't beat me or
anything. He talked to each and every one of us. So yun nakaupo kami lahat sa
living room, tapos halos lahat kami eh nakayuko maliban siguro kay Yex na parang
relax na relax lang. Si Ed kasi hindi naman sincere yun. Nakayuko lang siya kasi
natatwa siya tapos panay ang sabi niya na, "Yeah Yex, don't do that!" o kaya naman,
"You hear that Yex??? It's dangerous!" Panay ang agree niya lang kay Papa kaya
ayun... napansin din naman.

Yex was kind enough to say...


"It was my fault. And I'm not trying to save them or anything, but it was my fault.
I was the one who decided to go to Lake Placid in the first place."Sabi ni Papa,
tatawagan daw niya yung parents namin para doon. After nun, nagsiuwian na kasi
kailangan naman na namin maligo no. It wasn't that bad after all. Konting sermon
lang pala at icu-cut lang yung allowance ko ng isang buwan uli.. hindi naman
masama.

Nung sumunod na linggo at last week na ng pagpasok namin bago ang christmas break,
parang ayaw ko nang bumaba nun sa bus nung nakarating kami. First of, quite a show
yung nangyari nung contest. Parang hanggang ngayon nga eh wala pa akong mukhang
maihaharap sa kanila. Kaya lang dahil nakaupo lang ako doon sa upuan ko sa bus,
kinausap ako nung bus driver. Sinabi niya na kailangan ko daw bumaba dahil aalis na
siya at may susunduin pang ibang mga bata sa ibang route.

Kaya ayun, napilitan tuloy ako bumaba ng bus.

Nahihiya pa ako nun kaya parang ayaw humakbang ng paa ko mula doon sa bus stop ng
school. Pero kailangan kong lumakad eh. Nag chin up na lang ako at sinubukan kong
isipin na wala lang ang lahat. Pagkababa ko kasi, may grupo ng mga babae na nakaupo
doon sa may courtyard at madadaanan ko sila. Binilisan ko na lang yung paglakad
ko.. kaya lang...

"Psst! Hey!" dire-diretso lang ako nun kaya lang, "YOU!!"

Napalingon na ako this time kaya nakita ko na nakatingin sila lahat sa akin at
tinuro ko yung sarili ko sabay sabi niyang...

"Yeah.. you. Come here."

Lumapit tuloy ako pero mabagal yung paglalakad ko. Kinakabahan na ako nun. Tiyak
naman alam na nung mga taga-school yung nangyari nung nakaraang linggo. Syempre,
napanood nila yun malamang.

Nakalapit naman din ako kaagad.

"Can I help you with something?" nakakatakot naman yung mga itsura nila.

"You're Alyanna right? The columnist?"

Tingnan mo nga naman, naalala pa nila yun. Parang gusto ko nang manliit sa
kinatatayuan ko.

"Err.. yeah. I used to be."

"What happened?" sabi niya na parang interesado, "I just wanted to tell you that I
wrote to you before, and I just happened to follow your advice. I'm Tameeka by the
way, and you rock!!!"

Nagulat ako nung sinabi niya yun. Nakipag-kamay pa siya sa akin. In no time,
nagpapakilala na sila at nakikipagkamay na ako sa kanilang lahat. Yung iba nagthank
you pa sa akin sa advice daw na binigay ko sa kanila na hindi ko naman matandaan
kung ano.

Nung nag-bell na at pupunta na ako nun sa hallway at didiretso na ako sa homeroom


ko, I started to realize.. not bad Aly! Kahit pala may nagalit sa akin sa mga
advices na binigay ko na hindi nag-work, meron din naman akong natulungan! And that
actually did help me to be happy at least.
For some reason, everybody's saying sorry to me. Sorry daw dahil hindi daw maganda
yung treatment nila sa akin. Yung iba naman sinasabi na 'Thanks' at yung iba naman
eh 'Good Luck.' I don't know why suddenly, everybody wanted to talk to me.

That's the time I went so Seth, kasi siya lang yung nakatayo sa hallway na kahit
papaano eh madalas ko nakakausap.

"What's up celeb?" ganyan yung pagbati niya sa akin ang aga-aga.

"Knock it off." sumimangot naman ako, "So why's everybody..." tumingin ako sa likod
ko...

"Treating you the way they do right now?""Yeah. Something like that.""Because.."
umakbay siya sa akin pero yun nga, friendly thing lang, "You deserve it. Come on
Aly! Do you actually think they wouldn't realize that you only hope for the best
and not for the worst?" humarap ako sa kanya, "Actually, I also think that you're a
great columnist. After that little advice you gave me before."

Nanlaki siguro yung mata ko nun. Anong sinasabi nitong tao na ito???

"What are you talking about?!?" hinabol ko si Seth kasi nagsimula na siyang lumakad
palayo sa akin eh.

"I wrote to you before. For advice." nakangiti siya ng nakakaloko.

"You did? When? I can't remember!!""Of course you won't. I wrote anonymously...
LOLA!!!" hindi ko pa rin siya tinigilan kaya finally, huminto rin siya, "I wrote to
you when I was really really confused. I didn't want it to be obvious or anything,
so I wrote something like... 'Happiness or Betrayal?' or something around those
lines."

Nung sinabi niya yun, parang nag-click sa utak ko.

"So you're that dude! Of course I won't forget that! Hello? you're the only one who
sent me one weird.. note." tapos napakunut-noo ako, "So what does that mean? I
answered you generally.""Generally, but it did work." sumandal siya doon sa locker,
"I was so confused. I still love Ria that time. I realized that I like you, but I
don't love you.. it felt like I'm being unfair. Everybody knows that I'm after you
since I invited you at the Homecoming dance. But I was thinking... if I wanted to
be happy, I would go after Ria. But I don't want to hurt you. So I thought if I did
go after you and continued what I already started, it feels like i'm betraying you
since I don't love you. I like you. A lot. But not as much as how I love Ria." nag-
sigh siya,"You know what I'm saying? It's a matter of choice. Will I choose to be
happy or betray somebody?"

Natuwa naman ako doon sa sinabi niya. Ang honest naman niya masyado. Sa sobrang
bait ang sarap sapukin! Parang di mo makuhang magalit.

"Hey.. you could've totally told me that! I would totally understand!""Yeah but...
I didn't know. So, I talked to my mom about it which I rarely do. She's the one who
told me to ask the columnist herself.. and that's you.""What?!?" na-shock na naman
ako, "Your mom told you to ask for my advice. She knows that there's an advice
column at school?""She does." nakangiti siya sa akin, "Ms. Wendy, the one in-charge
for the Lions Today, is my mother. She told me about you."

Napasandal ako doon sa locker. Si Ms. Wendy?!? Yung nag-assign sa akin na ako na
lang daw maging columnist? Yung dinadalahan ko ng letters na ipapublish? Yung
sinabihan ko na ayoko nang maging columnist dahil sa mga nangyari?
And now madidiskubre ko na siya yung Mommy ni Seth? WOW. QUITE. A. SHOCK.

Bakit hindi ko alam yun???

"Don't be mad at her okay? She's not allowed to tell anybody about who's the
columnist or what. Even to her son. But she made an exception since I was really
down and she said she doesn't know how teenagers' mind works. So.. there. I found
out that you're Lola.""OH MY GOD. Ms. Wendy's your Mom?? How come I didn't know?
Why didn't you tell me?""Did you ask? Well, my mom and I don't talk at school. We
just think that at school, it'll be better if she treats me how she treats other
students too. She gave me a detention before. At school, we're student-teacher in
relation." tinapik niya ako sa balikat ko, "But anyway, she helped me a lot. If I
didn't know that you were the columnist, I wouldn't do those things that I did.
Like send you Yex's letters. He still doesn't know, so don't tell him.""You're
crazy. You shouldn't have done that. But you know.. why did he do it like that?""Do
it like what?""Like anonymously. In his letters, it seems like he's talking in
riddles.""Ohhh..." sabi ni Seth na parang alam na niya kung ano, "Maybe because he
really plans to give it to you. Like on your locker or something. And he probably
wanted you not to know it's him.""Really? Oh well.. he's doing a great job then
because I had no idea since you and Jim told me it was him."

Nag-alarm na yung tardy bell at saka lang namin napansin na kami na lang dalawa
yung nasa hallway. Late na nga kami parehas kaya nag-bye kami at tumakbo na kami sa
kanya-kanya naming homeroom. I got my first referral. Not that I care anyway.

My last week before christmas vacation was awesome. Everybody told me how sorry
they was.. mga ganung bagay. Tapos nakatanggap pa ako ng maraming pre-christmas
stuff like cards.. and flowers.. and everything. Ngayon ko lang yata nafi-feel ang
spirit ng Southwest Florida High.

Last days ng school ang semester exams namin. So yun, kinailangan uli naming mag-
practice ng Salsa sa gym. Si Ed nga ang partner ko, pero lagi naman niyang niloloko
yung sayaw. Ang taas pa man din ng percentage Dance sa grade namin sa Gym class.

Si Sam, ayaw pang magpahalata na nagpapakabait siya sa akin. Kasi sabi lang niya...

"Nice scranchy loser!" pero at least, may compliment na siya sa akin.

Hindi na siya masyadong galit sa akin. Si Ria na ang pinupuntirya niya kasi si Ria
ang girlfriend ni Seth.

Hindi pa rin kami makapag-practice ng maayos. Then nung naupo na ako sa pagod ko
kakasaway kay Ed, bigla na lang lumapit si Yex.

"Move." sabi lang niya tapos si Ed eh sumaludo at umalis na. "What's up partner?"

Natawa ako dun. Baka nga mas mahirapan pa ako na maging partner si Yex kasi hindi
naman siya marunong mag-salsa. Pero kahit papaano, nakakatuwa na siya yung partner
ko.

Tumayo lang kaming dalawa doon. Dapat kasi magpa-practice yung mag-partner ng
moves. Eh tamad kaming dalawa, kaya wala lang, naupo lang kami sa bleachers at nag-
usap. And the first thing that popped into my head was...

"Who won the 1928 election?""Huh?" tumingin siya sa akin na para akong alien na
naman, "Are you asking me history?""Yeah. Who won?""As far as I know, that was
before the Great Depression. It was between Hoover, and Smith. Hoover appealed to
the public more than Smith did, so he won." tumingin siya sa akin, "Why?"
Nakatingin lang ako sa kanya. Tinititigan ko lang siya. Saan ko kinuha yung tanong?
Narinig ko lang na sinasabi nung history teacher ng mga 11th graders. Ni-hindi ko
nga alam kung tungkol ba sa Depression yun o kung sino ang magkalaban o kung sino
ang nanalo. Pero nung tinanong ko, and he knew... it's just..

"You're astounding Yex. How do you know those stuff?""I don't know either. It's
American History. Ask me any question about the Philippine History, I wouldn't know
the answer." ngumiti siya sa akin, "I'm like you. You know a lot of stuff that I
don't, and I know some stuff that you don't." umikot siya sa pagkakaupo niya,
"Anyway, I really need to talk to you.. about something..."

Nakatingin ako doon sa mga nagsa-salsa at natawa pa ako nung natisod si Jim. Pero
nakikinig naman ako kay Yex nun. Yun nga lang, parang half lang yung attention ko.

"What is it then?""Do I act like I'm a jerk?" sabi niya kaya lumingon ako sa kanya.

"Sometimes. But you can totally pull it off.""Do I act like I'm a nerd?""Well if
you are then you're the coolest one I've known." natawa siya sa sinabi ko.

"Do you feel comfortable with me then?""YES. I don't feel awkward around you Yex."
tinaasan ko siya ng kilay ko.

"Am I doing things the right way?"

Huminto ako. Hindi ko kasi alam sasabihin ko eh.

"What do you mean the right way?"

Nakatingin lang siya sa akin. Seryosong-seryoso na naman siya.

"Do you think I'm actually learning? Do you feel like I'm actually seeing? Can you
actually tell I'm really listening?" tapos umiling-iling siya, "I'll be your slave
for a month. Maybe not just when we're together... probably forever."

Umatras ako nun. What is this boy's malfunction?!??

"What are you---" hindi ko matuloy yung gusto ko itanong, "Are you trying to ask
me---""--if you can be my girlfriend? YEAH!!!"

Sinigaw niya yung last one. Nagtinginan tuloy yung mga nagpa-practice sa akin.

"How can I be? And how can you be my boyfriend? I so totally hate you. You stuck-
up, condescending, smug PERSON!!" nilakasan ko yung boses ko, "I hate you for
those! But mostly I hate you because no matter what I do..."

Huminto ako nun. Ngumiti ako sa kanya.

"I just can't HATE you! No matter how stuck up, and smug.. or condescending.. or
jerk you are!" then yumakap ako sa kanya.

Nagulat siya nung niyakap ko siya. Nung una wala pa siyang reaction eh, pero
yumakap na rin siya.

"Whoa. You're confusing me..." hinigpitan niya yung yakap niya, "Are
we---""Yeah..." sabi ko ng mahina.

Dahil ang tagal naming magkayakap doon at parang ayaw na naming umalis...

"Let me clear this... you're my girlfriend?" nakayakap pa rin siya nun.


Nakialam naman si Ed nun. Bigla na lang kasi nakatayo pala sa likod namn.

"You two are hugging each other for like a minute or two now and you still don't
get the hug? Yes you two are together." sumimangot si Ed nun. "Now stop the
hugging.." pinaghiwalay niya kaming dalawa.

"Get a room love birds!" ayun.. hinabol ni Yex hanggang sa field!!!


Create a free website with

***43***
That day, hinabol ni Yex si Ed hanggang sa football field. Ayun, nag-wrestling
sila. Alam naman ng teachers namin na biruan lang yun, pero pinaghiwalay pa rin
sila. Tapos nun, tawa ng tawa yung dalawa na parang mga siraulo.

Our semester exams went.. okay. Sana ipinasa ko! Christmas vacation na kasi eh.
Then yung salsa thingy, pinaaga yung performance test namin. Dahil si Yex na nga
yung partner ko at hindi naman kami nagpa-practice na dalawa, we ended up with a
big grade of B+. Kasi naman hindi naman ako magaling mag-salsa, at si Yex naman eh
hindi talaga marunong mag-salsa. At least pasado pa rin naman. Si Seth nga nun
partner niya yung isang girl na hindi ko kilala, naka-A sila kaya inasar niya kami
ni Yex.

"HA! For the first time I got a better grade than Yex!" sabi ni Seth na may halong
pang-aasar pa.

"And you're actually happy about that?" sagot naman ni Yex habang inaayos niya yung
rubber shoes niya, "You looked like a fag when you were dancing."

Bigla ba namang nilagay ni Seth yung braso niya sa leeg ni Yex kaya parang sinakal
niya ng pabiro. Asaran kasi nila, kapag ang lalaki daw eh magaling sa salsa, parang
bakla daw ba. Since si Yex eh parang masyadong "masculine" para sumayaw ng ganun,
talagang hindi siya marunong. At hindi siya nag-iinarte, hindi talaga siya marunong
mag-salsa. And I can tell he really did try para nga makakuha kami ng mataas na
grade dahil nahihiya na siya siguro sa akin at madadamay ako, pero okay lang naman.
Hindi naman kami bumagsak eh. Mataas pa nga ang B+.

Our first day.. "officially" together wasn't that bad. Medyo maikli nga lang, kasi
nga 5th period ko siya.. sinagot kumbaga. At least Filipino style pa rin yung
nangyari. He asked me, and I said yes. Nanligaw din naman siya, or so he said.
Hindi nga lang siya nagtanong, siguro yun nga ang isa sa Filipino tradition na
hindi niya natutunan.

Uwian na namin nun, last day ng school, at nagpunta ako ng parking lot. Sa
katunayan, sasakay dapat ako ng bus nun kaya lang sinabi niya na ihahatid niya ako.
Nagpunta siya sa track field at sinabi niya sa akin na hintayin ko na lang siya sa
parking lot at susunod na lang siya. So pagdating ko doon, sumandal na lang ako sa
kotse niya at nalimutan ko namang kunin yung susi sa kanya.

I was really shocked when I was there. Siguro, mga three pairs ng couples ang
naghahalikan. Yung isa sa neck na, yung isa kung saan-saan humahawak, at yung isa
naman eh.. well.. naghahalikan. Torrid ones actually.

Hindi ko na lang tinignan. Medyo kinilabutan ako doon. Ewan ko ba. Hindi lang
siguro ako sanay na nakakakita ng ganun. Isa pa, hindi ako madalas pumupunta sa
parking lot kapag uwian kaya hindi ko alam na may ganun pala dito. Siguro after 5
minutes or so, nag-drive na yung dalawang couples paalis. Yung isa naman, humalik
lang uli doon sa guy, pero yung babae eh naiwan sa parking lot.
And to my surprise, it's SAM. Lumapit pa siya sa akin.

"Oh hi Aly!" nakangiti pa siya sa akin na para bang close kaming dalawa, "What're
you doing here?""Waiting for Yex." maikli lang yung sagot ko sa kanya.

Hindi ko alam na siya pala yung nakikipaghalikan ng torrid sa parking lot.

"So it's true then?" nakataas pa yung kilay niya at nagcross-arms pa siya sa akin.

"What's true?""That you two are finally together."

Kung tutuusin, parang napaka-uncomfortable naman na sumagot kay Sam. Pero syempre,
sige na nga.

"Yeah... just today.""Lame." sabi niya pagkasabi ko pa lang nung 'today.' "You two
have been hanging around school for months now and you two just got together...
today?!?""What's wrong with that?""Nothing. It's just too slow." habang tumatagal
talaga eh nakakabwisit talaga magsalita itong babae na ito.

Hindi na lang ako nagsalita. Kasi kung papatulan ko lang si Sam, baka mag-sink na
naman ako sa level niya. Huwag na lang 'di ba? Kaya lang habang nagche-check siya
ng nails niya, bigla na naman siyang tumingin sa akin.

"A cheek kiss is for losers. A forehead kiss is the one you give to your
grandparents. A fruity kiss would be for middle schoolers. Freez Kissing's sweet.
French Kissing's hot." humawak siya sa isa kong balikat, "There are two many kisses
that you could try with your boyfriend. Well, I think you've done those right?"

Inalis ko yung kamay niya tapos umatras ako.

"We've only been together in a day." tapos napakunut-noo ako, "And why're you
telling me this?""Because I know you're weird, lame, dork, and a geek. You don't
know any of those stuffs so you need lessons from professionals like... well like
me." tinuro niya yung sarili niya, "Guys here expect their girlfriends to do things
as base 1, base 2, and base 3 as quick as that!"tapos nag-snap siya sa kamay
niya,"No slow chinese voodoos here okay?" gusto ko sana sabihin na hindi ako
chinese, pero hindi na lang, "Yex is WAAAY to hot in this school. Girls try to hit
on him, and I don't know how he ended up with you." tumingin siya sa akin up and
down, "But anyway, he's a guy. So if you want to learn those kinda' stuff, just
give me a call. I'll give you one of the guys that I know. You could party with us
and have fun with them experimenting. Here's my number.." tapos nilagay niya card
niya sa kamay ko, "Oh and by the way, tell Jim he's awesome in bed! Ciao!" tapos
nagflying kiss pa siya sa akin.

Naglakad na siya papaalis nun kung saan naka-park yung kotse ni Yex. Pakiramdam ko
eh umaakyat yung dugo ko sa ulo ko. Medyo pasexy yung lakad niya at medyo mabagal
kaya nakita ko naman na si Yex na naglalakad nun papunta sa akin. Narinig ko pa nga
siya nagsabi ng, "Sup Sam?" tapos nagdire-diretso na siya kung saan ako nakatayo.

Actually, napaisip rin ako doon sa sinabi ni Sam. Siguro nga tama rin siya, guys
here WANT their girlfriends to do... THIS and THAT. Baka si Yex ganun din di ba? I
mean, he's American. No doubt on that. Pero syempre.. ayoko. Ayoko gawin yun.

Nung nakalapit na si Yex sa akin, nakatingin na naman ako kay Sam nun na huminto
doon sa isang kotse at may nakatayong lalaki na hawak siya sa bottom niya and
they're actually.. what?? Grinding???

"Hey sorry I'm late.." sabi ni Yex nung nakalapit na siya sa akin, "Coach told me
all sorts of crap so I had to stay. I'll take you home now.." binuksan niya yung
pintuan ko pero nakatingin pa rin ako kay Sam. "Aly!"

Napalingon ako kay Yex nun.

"Yeah?""What're you looking at?" tapos tinignan niya yung tinitignan ko.

Ako naman, umiwas na ako kaya kunwari eh sasakay na ako ng sasakyan. Kaya lang,
nakita niya na si Sam nun saka yung isang dude na hindi ko kilala na naka-park din
yung kotse doon.

Napansin yata ni Yex na nakatingin ako doon. Kaya nung paalis ako, nilagay niya
yung isang kamay niya sa kaliwa ko sa may bubong ng kotse niya, at nilagay din niya
yung isa sa kanan ko. Para bang, kinulong niya ako.

That. Scared. Me.

"Uhmm.. I..hmm... need to go home."

Nilapit niya yung mukha niya sa akin. Gustung-gusto ko na umalis doon kaya
sinubukan kong mag-ducked, kaya lang, umupo rin si Yex kaya talaga sinasadya niya
na i-trap ako doon.

"Are you okay?"

Hindi ko siya tinitignan nun. Parang nailang ako and natakot at that moment.

"N-no." parang nanginig yung boses ko nun.

"Hey hey.." sabi niya tapos humawak siya sa pisngi ako, "Are you scared of me?"

Nakastraight na yung mukha ko nun kaya hindi naman ako makalingon o ano dahil nga
hinawakan niya ako.

"Err.. yeah." hindi na ako magsinungaling nun.

"WHY?!?" halata mong nagulat siya sa akin.

"Because you're trying to trap me here!""Oohh... that." inalis niya yung kamay niya
pero nakatayo pa rin siya sa harap ko, "Besides that?"

Napalunok ako nun. Ayoko namang maging sinungaling kasi nahahalata mo naman kapag
nagsisinungaling ako. Well, hindi lagi. Minsan lang.

"I-it's because.." napahinto ako saglit, "I saw people here kissing and grinding
and touching each other like crazy!" hindi ko na kaya kaya sasabihin ko na! "And
Sam talked to me. That you need to do this kiss for losers, and kiss for
grandparents, and what's hot and what's not.. stuff like that. And she told me guys
here want their girlfriends to do those. And she said that you're a guy, and it's
not impossible that you're like them either. You know? I'm---scared. I don't do
that. So if you expect me to, then we'll not work out."

Huminto lang siya sa akin nun. Tapos hindi ko inaasahan, sumandal siya doon sa
gilid ng kotse niya at, tumawa siya ng malakas. As in, tumawa siya ng tumawa na
namumula na talaga yung mukha niya at humawak na siya sa tiyan niya. Kung
kakausapin ko nga siguro siya, hindi na siya makapag-salita.

At some point parang nainsulto ako. Pero parang, hindi na ako kinabahan. Kasi di
ba, dinaan lang niya sa tawa?
"Are you trying to insult me? You're laughing at me!" kasi serious matter yun tapos
bigla na lang niya akong tatawanan???

Tawa pa rin siya ng tawa pero sinubukan niyang pigilan yung sarili niya para nga
makausap na ako. Kasi nagagalit na talaga ako. Pero yun, nagseryoso din naman siya.

"Whoooo..." sabi niya matapos siyang huminga ng malalim kakatawa niya, "Okay. I'm
not laughing AT you. I'm laughing WITH you.""But I'm not laughing at all.""I'm
saying, the thing you told me is so funny, it cracked me up. You don't actually
believe that do you?""I kinda' did.""Then don't." humawak siya sa balikat ko,
"That's Sam!" seryosong-seryoso na siya, "And you're Aly. She does stupid stuff.
What is she? Woman of the world? She probably had sex with more guys than I could
count. Yes, she's popular because she does those stuff." tumingin siya sa gilid
niya, then binalik niya sa akin, "But I don't want you to. I--I mean.. I want you
to.. but on the right time.. right place.. right you know---" napansin ko na namula
siya, "But anyway, I don't expect you to do it like.. how she does it. That's why I
love you for that! You don't need to be like her because that wouldn't be... YOU."

Nung sinabi niya yun, hindi ako nakapagsalita. Na-froze siguro ako doon sa spot na
yun. How can I be so stupid? Actually, dati pa naman na akong stupid sabi nga ng
kapatid ko na si Inah.

"--and if you actually think I'm like those jackass guys, then you don't know me."

Yumuko na lang ako. Speechless ba kapag parang.. mali ka at tama siya. Parehas
lang kaming tumahimik nun. Bigla na lang siya tuloy yumakap sa akin.

"I hope you're not scared of me. I won't take advantage of you okay?" ang hinahon
na ng boses niya, "Come on, I'll take you home." tumingin siya sa akin.

Tumingala ako kasi nga ang tangkad niya. Then ngumiti ako.

"Thanks. And sorry." humawak ako sa pisngi niya kagaya ng ginawa niya, "Thanks for
the reassurance. Sorry for judging you.""Oh hell.." tumingin siya sa taas niya,
"You know I can't resist you."

Binuksan na niya yung pintuan ng kotse niya dahil nga paalis na kami. Kaya lang
nung pasakay na ako ng kotse, humawak siya sa braso ko.

"But I'll tell you, there's one kiss Sam doesn't know.."

Tinignan ko siya na para bang suspicious ako, pero pabiro lang.

"She probably knows French Kissing and stuff like that, but she doesn't know how to
Angel kiss..""HUH??"

After nun, hinila niya ako.. habang nakangiti siya then..

---he kissed me at the tip of my nose


Create a free website with

***44***
I should have known Yex is not that kind of guy. Dapat hindi na ako nagduda sa
kanya 'di ba? Maybe Sam's right at one point. Na yung ibang guys dito eh mahilig
mag-eksperimento with their girlfriends. Pero hindi naman lahat. Yung iba lang nga
'di ba?
Certainly not with Yex.

Nung nagsimula na yung Christmas vacation namin, mukhang okay naman na yung start.
19 days lang ang bakasyon namin. A little more than two weeks. So nung unang sabado
pa lang eh, nagyaya si Yex na pumunta daw kami kung saan. Hindi pa namin napag-
usapan kung saan nga exactly, basta ang alam ko eh pupunta siya sa bahay para
sunduin ako.

Ako naman eh maaga pa lang eh nagre-ready na ako. Kahit na ayaw ko si Ynah sa


kwarto ko eh hinila ko siya sa kwarto ko para makita naman niya kung anong damit
ang babagay sa akin. Ewan ko ba kung bakit sobrang conscious ko sa sarili ko nung
araw na iyon. Siguro dahil first "real" date, with a first "real" boyfriend.

Si Ynah eh nakahiga lang sa kama ko at parang wala naman siyang pakialam kung anong
isusuot ko nun.

"Bakit ba ang arte mo naman ngayon? Naka ilang dress ka na ah! Lahat naman
maganda."

Umikot naman ako at tumingin ako sa kanya.

"Eh kasi kailangan maayos yung damit eh.." sabi ko at nilagay ko uli sa closet yung
isa.

"Maayos naman lahat!" medyo naiirita na siya, "Saang date naman kayo pupunta ni
Kuya Yex ha???" kinuha niya yung unan, "Palibhasa yung boyfriend mo may kotse kaya
kung saan-saan nakakarating eh."

Nung sinabi niya yun, nanlaki siguro yung mata ko habang nakatingin ako sa salamin.
Paani niya nalaman yun? Ni-hindi ko pa nga sinasabi kay Gabby, o kaya kay Mama.. at
lalung-lalo na hindi pa kay Papa. Naku baka masermonan ako nun. Kailangan ko pa ng
buwelo.

"S-sino nagsabi sa iyo? S-si Yex?" nanginig pa yung boses ko.

Umupo naman si Ynah nun sa kama ko tapos tinakpan niya yung bibig niya at nakangiti
na siya ng nakakaloko.

"Oh my God!" gulat din siya, "Are you two together?"

"Ay bwisit! Huwag mo nga ako inii-english ha!" tinalikuran ko naman siya.

Oooppss.. di pala niya alam???

"Ate!" humawak siya sa braso ko, "Kayo na di ba? Kailan pa? Teka bakit di ko alam?
Kayo na di ba? Kayo na?"

Hindi ko siya pinapansin nun. Kunwari eh panay pa rin ang try ko doon sa mga dress
na nakalagay doon sa gilid.

"Ano ate kayo na di ba? Boyfriend mo na si Kuya Yex?"

"Ano ba ang kulit mo naman eh!"

"Sige ka kapag di ka umamin sasabihin ko kay Papa.." tapos lumapit siya doon sa
pintuan, "PA!!! PAPA!!!"

Tumakbo naman ako at tinakpan ko yung bibig niya.


"Ano ka ba Ynah! Nakakabwisit ka naman eh! Oo na! Oo na ok? Tumahimik ka lang! Kami
na! Oo na kami na!"

Habang tinatakpan ko yung bibig ni Ynah, pumasok naman si Mama. Narinig niya yata
na nagsisisigaw kami ni Ynah doon eh.

"Kayo na nino?" puzzled pa yung mukha ni Mama nun.

"Ano kasi Ma... kasi..." hindi ko alam kung magsisinungaling ba ako o ano, "Ano
po.."

"May boyfriend na siya!" mabilis naman yung pagkakasabi ni Ynah kaya inirapan ko.

"OH???" halata kong nagulat si Mama.

Tumingin siya sa akin nun. Tapos biglang lumapit humawak sa akin para uupo kami sa
kama.

"Sino anak?" nakangiti pa siya.

Geez. Nanay ko yan ah! Akala ko naman papagalitan ako or what! Yun pala mas
interesado pang malaman kaysa sa akin!

"Si Kuya Yex." sabi na naman ni Ynah.

"Si Yex?" tumingin si Mama sa kisame, "Sabagay, gwapo naman si Yex."

Tinignan ko ang Mama ko nun. Seryosong-seryoso pa nga ako eh.

"Hindi ka galit?""Galit? Bakit naman ako magagalit?" sagot naman ni Mama, "Wala
namang masama sa pagbo-boyfriend eh. Basta huwag lang nakakaapekto sa pag-aaral eh
ibang usapan na yun."

Nagbihis na ako nun. Si Mama pa nga ang nag-ayos ng buhok ko eh. Si Papa kasi, nag-
gardening sa labas ng bahay. Kaya nga nung narinig ko na may dumating na kotse,
alam ko na si Yex na yun.

Lumabas naman na ako kaagad. Nandun pa lang ako sa may pintuan namin nung makita ko
na lumingin si Papa at si Yex eh nilalaro pa yung susi sa daliri niya.

Bumaba na ako sa hagdan nun. Kaya lang pagtakbo ko eh...

"Oi oi oi teka.." sabi ni Papa kaya napahinto ako, "Saan kayo pupunta?""Diyan lang
po Papa.. sige po!" tapos hinila ko na si Yex para makaalis na kami.

Kaya lang, tumayo na si Papa at inalis yung gloves niya.

"Psst.. san mo na naman dadalhin yung anak ko?" tinuro niya si Yex gamit yung
malaking gunting na ginagamit sa garden na malay ko kung ano ang tawag. "Baka
mamaya malalaman ko na lang kung saan na naman kayo makakarating at mag-overnight
kayo kung saang lugar ha!"

Si Yex nun, tumingin lang sa akin. Malamang titingin lang siya, hindi naman niya
naiintindihan yung sinasabi ni Papa.

"Balik! Balik sa loob!""Pa!" ang killjoy talaga ng tatay ko. Nagbihis pa ako't
lahat-lahat tapos hindi naman siya papayag??? "Pero Pa naka-ready na ako!""Hindi!
Sinabi ko hindi ka aalis! Pumasok ka sa loob at ikaw umuwi ka na sa inyo!""Papa
naman..""Pasok!" tinuro niya yung pintuan namin.
Mukhang wala na akong magagawa nun. Papunta na sana ako doon sa pintuan kaya lang
si Yex eh humawak sa kamay ko. Nakalimutan ko na nakatayo lang pala siya doon dahil
nga Tagalog yung pinag-uusapan namin.

Pero sa tono siguro ng pagkakasabi ni Papa at sa pagkakasagot ko, parang


naintindihan niya rin kung anong nangyayari.

"I'm just.. inviting to her to the movies.. sir." naks, parang militar ah! May Sir
pa?

"I told her no. She needs to stay at home and do the laundry."

Laundry? Eh kahit bukas ko pa gawin yun eh.

"I'll do it tomorrow!""NOW!" sabi ni Papa na parang galit na talaga. "Pumasok ka sa


loob."

Papasok na naman ako kaya lang humawak na naman si Yex sa kamay ko kaya hindi ako
makaalis.

"I'm not gonna' do anything to her, Sir, I swear to God."

Mukhang magtatalo-talo lang kaming lahat doon, kaya nga laking pasasalamat ko nung
lumabas ng bahay si Mama. Napansin niya siguro na hindi pa rin kami nakakaalis.

"Papa.. pagbigyan mo na yang si Aly. Nagpaalam sa akin yan kagabi pa, kaya lang
nalimutan kong banggitin sa iyo. Eh pumayag na ako, kaya sige na ngayon lang
pagbigyan mo na."tumingin siya sa amin ni Yex, "Ok you two can go now. Just drive
safely.""Oh, thanks, Mom. I will." teka ano bang sinabi niya Ma'am.. or Mom??

Magrereklamo pa sana si Papa kaya lang nag-kiss na lang ako sa pisngi niya at
tumakbo na ako sa kotse ni Yex. Natawa pa nga siya kasi muntik na akong nadapa. Nag
thumbs up na lang ako kay Mama.

Gosh, I owe her one!

Pagkasakay na pagkasakay ni Yex at nilagay niya na yung susi, tumingin siya sa


akin:

"What's up with your Dad?" sasagot na sana ako kaya lang humawak siya sa buhok ko,
"By the way, you look really pretty."

***

Nung nagda-drive na kami, ineexpect ko na hihinto kami sa Movie Theater doon


malapit sa kanila. Kaya lang nagtaka ako nung ini-stop niya yung kotse niya, sa
tapat ng bahay nila.

Nakaupo lang ako doon sa loob ng kotse at nakatingin pa rin ako doon sa mobile
house nila. Nagulat na lang ako nung binuksan niya yung pintuan ng kotse, at
pinapababa na niya ako.

"We're here!" sabi niya at nakatodo ngiti pa siya.

"I thought we're going to see a movie???""We are!"

May susi siya ng bahay nila. Siguro walang tao kasi hindi naman siya kumatok eh.
Pumasok kami sa loob. At yun nga, iba yung ambience ng bahay nila kapag walang tao.
Last time na nagpunta ako dito, may party eh. Ngayon naman, sobrang tahimik.

"Where are your parents?" tinanong ko naman dahil napakatahimik sa loob.

"They went to Sebring. They'll be back tomorrow with Kevin.""Then why didn't you
come with them then?""To do a family wreath design the apple, and candles, and
ribbon thingy?" umiling siya, "I don't think so. I'd rather stay here..." umakbay
siya, "With you.""Whatever!" pinoke ko siya sa braso niya.

"Ouch! There's a bruise right there!" tinuro niya yung pinoke ko.

"There is not!" wala naman talaga. Pero namumula.

Nakita ko na sobrang daming movies na nakalagay doon sa may home theater system
nila. Pumunta siya doon sa fridge at nanguha yata ng kakainin namin. Tapos pagbalik
niya, nilagay niya sa table yung dalawang coke at malalaking bags ng Lays.

"So what do ya wanna' watch Angel?"

Itatanong ko sana kung bakit Angel ang tawag niya, kaya lang naalala ko na sinabi
ni Seth na huwag ko daw sasabihin na nasa akin na yung letters niya.

"Uhmm.. what do you have?""We got new movies. We got 90's. There are good ones
there." tapos may hinila siya na isa,"You wanna' watch The Transporter 2?"

Hindi ko naman siya pinansin. Tapos hinila ko yung dalawang movies na nakahiwalay
doon sa pile nila. Then yun nga, pinagpilian ko.

"I wanna' see this."

Tinignan niya yung hawak ko. Tapos humwak siya sa ulo niya, at sinandal yung ulo
niya doon sa arm rest ng couch nila.

"Oh God kill me!""What's wrong with it?""It's a chick flick. You know, the story of
a girl wanting to go the Halloween homecoming dance and she dropped her phone and
all... Why do you want to see that?" tinuro niya yung hawak ko.

A chick-what? Mukhang maganda naman yung A Cinderella Story ah. Isa pa hindi ko pa
napapanood yun.

Kinuha ko yung isa.

"How about this?""Mean girls? I don't think so."

Tinaasan ko siya ng kilay ko.

"You're asking me what I want and now you kept telling me no. What's the matter
with you?"sabi ko sa kanya ng pabiro.

"O-k! If you wanna' see that.. then we'll go with that!" kinuha niya yung movie,
"Guys don't like those kinda' movies. But you're a girl, and I'm a guy, so it's my
job to... just follow what you want.""Does your Mom likes teenager movies?""My mom?
Heck no. She hates it." nilagay na niya sa DVD player nila yung dvd, "She said
there's too much crap in teenage movies.""Hold on.." nag-isip naman ako, "I doubt
it that your dad likes A Cinderella story. I don't think Kevin's interested on
those kinda' stuff when he's into doing the 'wreath' designing." tinignan ko siya
ng nakakaloko, "That leaves...""Hey hey hey.." umupo siya nun sa carpet, "Are you
calling me gay?""I didn't say that!""I don't own those okay? That's Ria's! Remember
at the party? She brought that and she watched it." tapos yumuko siya, "And she
forced me to watch it. So...""I know!" natawa naman ako, "Why're so
defensive?""It's just that..." tumingin siya sa akin ng magkasalubong yung kilay,
"That's nasty! I mean, gays are. No offense."

Nanood kami ng movie kahit ayaw niya yun. Ayun, nakiupo lang sa tabi ko. Alam na
daw niya yung mangyayari kaya medyo boring sa kanya. Sabi ko nga huwag niyang i
kuwento eh, pero ang daldal! Nangangalahati pa lang yung movie, alam ko na yung
ending.

Gusto niya daw kasi, tapos na kaagad yung movie para makapanood kami ng Pirates of
the Caribbean 2: The Dead Man's Chest. Syempre dahil nandun ang pinakamamahal ko na
si Orlando Bloom, payag naman ako.

"He's my husband." sabi ko nung pinakita si Orlando sa movie.

Tumingin siya sa akin na parang kakaiba.

"All right then.." sabi niya tapos lumabas si Keira Knightley, "And she's my
wife.""I heard she's annorexic." sabi ko sa kanya dahil yun yung rumor kay Keira.

"I heard he doesn't take a bath."

Tinignan ko siya ng masama. Hello? Si Orlando Bloom yan???

"And when did you hear that?""Lately.""Come on! You just made that up! You sound
like you're jealous.""Yeah I am!" sabi niya kaya tumingin ako.

Na-shock ako eh. Grabe naman. Crush ko lang naman si Orlando Bloom.

"He's hot, he's sexy, he's richer, he's famous, he's a good actor.. he's basically
what you want in a guy.." humawak ako sa braso niya, "But he's not
Yex.""Sheesssshhh!" sabi niya na parang nang-aasar, "I'm going to sleep!"

Habang nanonood kami doon at hindi namin maintindihan dahil daldalan lang kami ng
daldalan, bigla ba namang tumunog yung phone niya. Tinignan lang niya kung sino
yung tumatawag kaya lang binalik niya sa pocket niya yung phone niya.

Nung tinanong ko kung bakit ayaw niyang sagutin, sabi niya hindi naman daw mahalaga
yung tumatawag kaya wala daw siyang pakialam.

Nanood kami ng horror. Yung The Ring na American version. Ayos lang. Natakot din
ako, pero hindi ako masyadong natakot kasi mas natakot ako doon sa Japanese
version. Natakot lang ako kasi nagpunta siya sa bathroom nila, pagbalik niya eh
hinila niya yung paa ko doon sa ilalim ng couch nila. I punched him. Sa arm lang
naman.

Nung tinamad na kami manood eh naupo na lang kami sa couch. Ako eh nahiga sa
kabila, siya naman eh nasa carpet.

"I want to read." ayoko pa kasing umuwi sa amin kasi boring doon eh. "Do you have a
women's magazine?""I think my mom does. But why do you want to read those anyway?"
tumayo siya, "I'm going to get something reasonable to read."

Pumasok siya doon sa kwarto niya at may kinuha yata. Tapos pagbalik niya, may
hawak-hawak siya na makapal na libro. Nakalagay.. ENCYCLOPEDIA.

"Are you serious?" tinalikuran ko siya, "That stuff's boring!!!""I'm going to read
for you. This is educational!!!" eh ayaw kong makinig dahil boring nga,"Nelson
Mandela is the first African American..""Yexxxxxxxxx!""All right. I'll look for
something interesting in this encyclopedia.." tapos narinig ko siya na nag flip ng
pages, "10 signs you'll get if a guy likes you."

Nung marinig ko yun, nag-turn ako sa kanya at ngumiti ako. Sa likod nung
encyclopedia niya, may magazine pala.

"Here. Read that crap.""It's not crap!" tapos binasa ko yung nakalagay doon,
"Number 10, he says hi to you.""That's bull. I always say hi to girls at school but
it doesn't mean I like all of them.""9, He kept looking at you.""True. Of course if
a dude likes a girl, he likes to see her right?""8, he laughs at your jokes. Even
if it's lame." tumingin ako sa kanya nito kasi tumawa siya.

"Well.. I laugh at you because you really are funny. Not because you cracked up
some lame joke.""7, he calls you for something as unimportant as 'did you do your
homework?' even though he saw you turned it in already.""It's so not true. You
don't even have a phone!""But some dude from another planet told me he didn't know
MATH!!!""Well that's a different story.""6, He's always trying to make up an excuse
to be with you.""I don't know about that with other dudes, but it's somewhat true
to me. I don't TRY to make up excuses, I MAKE sure there's an excuse." nung sinabi
niya yun, akala ko nagbibiro siya, pero seryoso yung mukha niya.

"5, He likes to pay for your food. Even if it only costs a dollar.""Next time, I'll
let you pay for ours." binatukan ko nga nung sinabi niya yun!

"4, He tries to please your parents.""Not true." sabi niya ng mabilis, "I always
aggravate your parents remember?""I know, that's why my Dad's mad!" then tinignan
ko uli yung nakasulat, "3rd, he'll ask your friends about you.. then deny it when
you found out about it.""I don't know about that. Have you caught me doing it?""Why
have you done it?""Tons. Of. Times." nakakaloko yung ngiti niya. Well, sabi niya
ginawa niya.. pero hindi naman niya dineny.

"2nd... he'll hug you for no reason at all."

Nagkamot siya ng ulo niya nun. Kaya yun natawa ako. Then huminto na ako... kasi
nabasa ko na yung yung number 1.

"Why're you laughing? What's number 1?" tapos inagaw niya sa akin yung magazine.

1. No matter how many times he tells you that he hates the kind of movies that you
like, how girly you are when it comes to stuff as lip gloss and mirrors, how he
couldn't understand why you love shopping so much, and how many times he tells you
how emotional you are... he'll stick to you.... no matter what.

"HA! I guess that answers it!" inasar ko pa siya lalo.

"Go to sleep! That articles not even real. You see? It didn't match me. Not with
you anyway."

I felt bad when he said that. Grabe, what does that mean? That he doesn't like me
at all??? Oo nga naman tama siya, hindi nag-match sa kanya yung iba. Yung iba lang
na numbers.

Nung nanahimik ako, napansin niya yata.

"Of course if I had that perfect, then it'll show that I like you." sabi niya ng
mahina, "But I don't L-I-K-E you..""It's the other 4 letter word."
Create a free website with
<PIXTEL_MMI_EBOOK_2005>1###########################################################
</PIXTEL_MMI_EBOOK_2005>

You might also like