You are on page 1of 2

Faye Angela M.

Magsombol Professor Jeffrey Asunscion


HIST 1 S1 Children of the River
Ang pelikulang ito ay pinagbibidahan ng tatlong batang aktor na sina Noel Comia, Jr.,
Ricky Oriarte at Dave Justin Francis at ang aktres na si Junyka Santarin. Nakapokus ang pelikula
sa payak buhay ng apat na batang ito na nakatira sa isang rural na bayan kasama ang kanilang
mga pamilya. Mahihinuha na ito ay isang rural na lugar sapagkat pinakita rito ang isang uri ng
tradisyonal na panggagamot. Ito ay pagpapagaling ng isang indibidwal sa pamamagitan ng
pagpapalit ng pangalan nito. Ang mga ganitong uri ng paniniwala ay sa mga probinsya lamang
makikita. Sa bawat umaga, ang apat na bida ay makikitang nag-aabang ng tawag mula sa mga
ama nilang sundalo na nakadestino sa bakbakan sa Marawi. Ang unang parte ng pelikula ay puno
lamang ng magagaan na pangyayari kung saan pinakita ang normal na buhay ng mga kabataan.
Biglang nagbago ang takbo ng kanilang buhay nang isang araw ay nahuli sa nakasanayang oras
ang tawag ng kanilang mga tatay. Mula sa senaryong ito ay nagkaroon ng tensyon ang pelikula at
nabalot ng katanungan ang mga susunod na pangyayari. Masasabi kong hindi ito ang
pinakamagandang Cinemalaya na aking napanuod, pero ang isyung inilahad nito sa mga
manunuod, ang buhay matapos ang krisis sa Marawi, ay tunay na napapanahon at importanteng
usapin sa lipunan. Maraming namatay at kalunos-lunos ang sinapit ng mga bahay, gusali at
mosque sa Marawi. Naglaan ng malaking pondo ang pamahalaan upang makabangon sa
trahedyang ito. Ang tindi ng mga naapektuhan sa krisis na ito ay hindi lamang nagtapos sa mga
mamamayang nakatira sa Marawi. Ito ay nagbunga rin ng malaking dagok sa pamilya ng mga
sundalong nagbuwis ng buhay upang matuldukan ang limang buwan na bakbakan. Marami ang
sundalong pinadala noon sa Marawi upang mapalakas ang pwersa ng sandatahang lakas. Tunay
na ang buhay nila ay hindi isang biro at ang hirap na dinadanas ng pamilya ng mga ito ay hindi
matatawaran. Ang bilang ng mga namatay at naapektuhan ng krisis na ito ay nabawasan sana
kung mas handa lamang tayo sa mga ganitong uri ng panganib. Malaking leksyon ang iniwan sa
atin ng labanang ito sa Marawi ngunit ang mahalaga ay kung paano tayo matututo at paano natin
gagamitin ang leksyon ito sa mga susunod na pagsubok na maaaring kaharapin ng Pilipinas.
Dalawang taon na ang nakalipas subalit tila hindi pa tapos ang rehabilitasyon at hindi pa rin
tuluyang nakakabalik sa dating buhay nila ang mga taga-Marawi. Hindi man bumalik sa dati,
tulad ng bago mangyari ang krisis, ang Marawi, nawa’y makamtan na ang ganap na pagbangon
ng mga naapektuhan at ang kapayaan, hindi lamang sa Mindanao, kundi sa buong bansa.

You might also like