You are on page 1of 2

Faye Angela M.

Magsombol Professor Jeffrey Asunscion


HIST 1 S1 Batas Militar
Napakaraming dokumento, bidyo at iba’t-ibang materyales na ang nabasa, narinig at
napanuod ang nagmulat sa akin kung ano ang ganap na nangyari noong panahon ng Batas Militar
Sa paulit-ulit na pagsaksi ko sa mga bangungot ng rehimeng Marcos, paulit-ulit rin na galit, poot
at awa ang nararamdaman ko. Sa muli kong paggunita noong nakaraang Setyembre sa
pamamagitan ng panunuod ng isang dokumentasyong na pinamagatang “Batas Militar”, may
tatlong bagay akong nais bigyang pansin. Ito ang liwanag, ang pag-aagaw ng dilim at liwanag, at
ang dilim. Unang bagay ay ang liwanag, natamasa ni Marcos ang magandang edukasyon at
nakitaan na siya ng kahusayan at katalinuhan bata pa lamang. Namulat siya sa karunungan,
nakatapos ng Abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas at naging topnotcher sa bar exam. Mababatid
rito na may maliwanag na kinabukasan na masisilayan. Ikalawa ay ang dapitahapon na
nagsimula noong pinagtanggol niya ang sarili sa kasong ibinintang sa kanya, naging sundalo,
naging politiko at noong 1965 ay nanalo sa halalan bilang Presidente ng Pilipinas. Sa unang
termino ay nagpatayo siya ng tulay, paaralan, gusali at istruktura sa pamamagitan ng pag-utang
sa dayuhan. Nagsimula na sa panahong ito ang unti-unting paglamat ng korapsyon at pasismo sa
gobyerno. Ang huling dako ay ang dilim. Walang ibang naging bunga ang rehimeng Marcos
kundi ang pagbagsak ng ekonomiya, extra-judicial killings at opresyon. Tila, ang natanaw na
liwanag na napulot niya gamit ang edukasyon ay huwad lamang, Ang sinag na ito ay hindi pag-
asa kundi isang apoy na sumunog sa bawat pangarap at nag-iwan ng madilim na nakaraan. Tulad
sa kwento ng apoy at gamugamo mula sa nanay ni Jose Rizal, ang pag-abot ng gamugamo sa
liwanag ay pumatay sa kanya subalit sa kaso ni Marcos, ito ang ginamit niya upang pasuin ang
kalagayan ng Pilipinas gamit ang kanyang administrasyon Hanggang sa ngayon ay patuloy pa
ring pumapaltos ang apoy na ito at hindi natin maikakaila na mas pinaalab pa ito ng
kasalukuyang administrasyon. Ang naganap na lagim na ito ay isang serye ng transisyon mula sa
liwanag tungo sa dilim. Ang liwanag ay sumisimbolo sa magandang edukasyon na nakamit ni
Marcos sa isa sa pinakamagandang paaralan sa bansa, ang Unibersidad ng Pilipinas. Ginamit
niya ang karunungang ito upang makamit ang kapangyarihan na nagsadlak sa Pilipinas sa hirap
at opresyon. Nawa ay wala na sanang susunod nang susunod na iskolar ng bayan ang tumulad sa
kanya at manaig sa bawat Pilipino lalo na sa mga kabataan ang paglaban sa mga tulad niya.
NEVER AGAIN TO MARTIAL LAW!

You might also like