Kom

You might also like

You are on page 1of 1

Mary Nathalie Boco Aubrey Sanchez

Aliyah Kaye Manansala Trishia Anne Torres


Kyle Alexis Rigodon Alecxandrea Tuazon

Barayti ng Wika Sa Pilipinas


Ang Pilipinas ay pulo-pulo o isang kapuluan na naghahati sa mga indibidwal kaya naman sinasabing sa
buong daigdig, isa ang ating bansa sa may pinakamaraming wika. Ang pagkakahati ng mga indibidwal o
mga Pilipino ay ang nagiging dahilan sa pagkakaiba-iba ng bawat isang indibidwal. Maaaring magkaiba-
iba ang indibidwal sa edad, lugar na tinitirhan, antas ng edukasyon at sa iba pang aspeto, ang pagkakaiba-
iba naman ang nagiging dahilan sa pagkakaroon ng barayti ng wika. Ang barayti ng wika ay ang iba’t-
ibang uri ng wika na makikita natin sa kahit saan mang lugar sa ating mundo. Ito ay may iba’t-ibang uri
tulad na lamang ng dayalek, sosyolek, idyolek at marami pang iba ngunit ang bibigyang diin natin dito ay
ang morpolohikal, ponolohikal, at heograpikal na barayti ng wika na kung saan may mga mahahalagang
gampanin sa pagtalakay natin sa pagkakaroon ng pagkakaiba-iba ng salita na ginagamit sa iba’t-ibang
parte ng ating bansa.

You might also like