You are on page 1of 2

"GUSTO KONG"

by: Rosie :)

Gusto kong balikan, sa pamamagitan ng aking sulat

Mga panahon na kung saan, paano at kailan nagsimula ang lahat

Ngunit, balewala naman ang kailan, saan at paano

Basta't ang mahalaga nagkatagpo tayo

Gusto kong simulan, sa skwelahan

Naalala ko kung paano tayo nagkatitigan

Nagsimula ang spark na nagniningningan

Mga mata'y tila sa tuwa'y nagsasayawan

Doon, nagsimula na tayo'y unang nagkakilala

Tayo'y musmos, at studyante sa elementarya

Nakakatuwa, tayo'y mga bata pa ngunit nagkainlaban na

Sabi nila, puppy love raw ang aking nadama

Oras, araw at buwan ang lumipas

Officialy naging tayo sa wakas

At doon mo sa akin ipinamalas

Kung paano ka nagmahal ng totoo at wagas

Ngayon, gusto kong batiin ka

Happy 2 years and 5 months sating dalawa

Siguro sa ngayon, gusto kong sabihin na

Ang Puppy Love ko noon, True Love ko na ngayon


To: Mac :)

You might also like