You are on page 1of 4
Taon 32 Big.21 ST PAULS MEDIA Dakilang Kapistahan ng Kristong Hari (8) — Puti Si Kristo: Hari ng Katotohanan a ebanghelyo ngayong iKapistahan ng Kristong Hari, dalawang may kapangyarihan ang magkaharap: si Pilato, ang kinatawan ng Imperyo ng Romano—tiwala sa sarili, nakaupo sa trono; at si Jesus— nakagapos, duguan, bugbog at pasd-pasé ang buong katawan, tadtad ng latay ng hagupit, at may koronang tinik. Sa biglang tingin, kaawa-awa ang kalagayan ni Jesus nang iharap siya sa gubernador. Pero sa katunayan, maringal at makahari ang disposisyon ni Jesus at sa halip na si Pilato ang nagpapasya ng kahihinatnan ng tagpuan, mistulang si Jesus pa humatol sa kanya. Ang pangungusap ni Jesus, “Ang sinumang katig sa katotohanan ay nakikinig sa akin’ ay paghatol kay Pilato—at sa ating lahat. Tila paiwas ang sagot niPilato: “At ano ba ang katotohanan?” Ang katotohénan ayon sa Panginoon ay ang ganap at Jubos na paninindigan para sa kalooban ng Ama. Hindi ipinagpipilitan ni Jesus sa atin ang katotohanan na kanyang pinaghaharian, sapagkat ang kaharian ng katotohanan ay maaari lamang mabuhay at manatill sa mga pusong ANG EBANGHELYO @ ANG PANGANGALAGA SA SANGNILIKHA Nawa ang ating Panginoong Jesukristo, Hari at pinagmulan ng sanlibutan, siyang patuloy na kumakandili at lumilikha sa sansinukob, ay iligtas ang ating mundo, ang tahanan ng sangkatauhan, para sa susunod na mga salinlahi! malayang tumatanggap nito.’Ang sinumang katig sa katotohananay nakikinig sa akin,'aniya. Hinahamon tayo ng kapistahang ito ni Kristong Hari na pagnilay-nilayan ang mga paninindigan natin sa buhay. Handa ba tayong sumunod sa Haring ito na nakagapos at nakatayo sa hatapan ni Pilato? Ang larawang ito ngnakagépos na Jesus ay nananatiliparinngayonsa ating panahon. Makikita natin ito samgasapilitang pagpapatahimik sa katotohanan, at sa mga panunuholsamga may nalalaman para itago ang katotohanan Maaaring patayin ang tao para patahimikin, ngunit mananatiling buhay ang katotohanan. Inaanyayahan tayo ni Kristo na ating Hari para sumaksi sa katotohanan, kahit na sa palagay natin ay wala tayong magagawa laban sa pagsugpo rng kasamaan at kesinungalingan. Hindi tayo maaaring mamuhay sa katotohanan kung hindi natin maipagtatanggol ang karapatén ng tao para mabuhay, lalo na ang buhay at magandang kinabukasan ng mga bata sa ating lipunan na sa tuwinaly nilalabag, gayundin ang buhay ng mga batang nasa sinapupunan pa ng kanilang mga ina. Hindi tayo maaaring 30AM © DBiostobo rreda de mites AMBUHAY SUNDAY © TY MARIA © 4 FOLLOW US ON TaceBooK ieee cons) Nobyembre 25, 2018 8 Pm mamuhay sa katotohanan kung pababayaan na lamang natin ang pagpaparami at pagpapakalat ng mga sandatang ginagamit ng tao laban sa kapwa tao; kung hindi tayo matutulungan, bagkus ay magsisiraan pa, hindi natin makakamit ang pagkakasundo at ang tunay na kapayapaan; kung hindi natin pahahalagahan at aalagaan ang magandang kalikasan na ipinagkatiwala sa atin ng Diyos, tayo rin ang magdurusa sa huli at pati na rin ang kinabukasan ng mga susunod pang mga generasyon. Kung hindi nakapupukaw sa ating konsensiya ang ating pagka-Kristiyano, kung hindi ito nakapagbibigaysaatin ngkalayaan para sumaksi at panindigan ang katotohanan, wala ring bisa saatin ang kaligtasang dulot ni Kristong Hari. Totoong hindi nagtayo si Kristo ng pulitikal o panlipunang sistema, pero tinatawag niya tayo, inaanyayahan niya tayo, na mamuhay sa katotohanan sa loob ng pulitikal at panlipunang sistema sa ating pamayanan. Kaya nga mauunawaan natin kung bakit nais ng Simbahan na masdan natin ang ating Haring si Jesukristo. Nais niya tayong paalalahanan na nararapat nating pagtibayinangating paninindigan ukolsakatotohanan.Magdusaman tayo dahil sa ating paninindigan, makaaasa tayong kasama natin at karamay ang ating Hari sa mga pagsisikap natin sa gitna ng mga kahinaan at kasawian. Matibay ang ating pananalig at tiwala na magtatagumpay tayo, dahil nagtagumpay si Kristo ang ating walang hanagang Hari. — Padre Timoteo M. Ofrasio, SJ TG Pambungad [Pag 5:12; 1:6] (Basthin kung walang pambungad na awit) Ang Korderong inialay ay marapat paghandugan ng kadakilaa’t dangal, pagkilala’t pagpupugay, siya’y Haring walang hanggan. Pagbati (Gawin dito ang tanda ng krus) P - Sumainyo ang Panginoon. B-Atsumaiyo rin. Paunang Salita (Maaaring basahin ito 0 isang ka- hhalintulad na pahayag) P - Sa pagtatapos ng kalen- daryo ng liturhiya ng Simba- han ipinagdiriwang natin ang Dakilang Kapistahan ni Kristong Hari—ang Alpha at ang Omega, ang simula at ang katapusan ng lahat. Bilang Panginoon ng kasaysayan makakapiling natin si Jesus sa katapusan ng ating paglalakbay dito se lupa. Bigyan niya nawa tayo ng lakas upang mapagharian niya ang ating mga kahinaan sa buhay. Pagsisisi P - Mga kapatid, aminin natin ang ating mga kasalanan upang tayo'y maging marapat sa pagdiriwang ng benal na paghahaing nagdudulot ng kapatawaran ng Maykapal (Tumahimit) P - Panginoon, kami’y nagkasala sa iyo. B - Panginoon, kaawaan mo kami. P - Kaya naman, Panginoon, ipakita mo na eng pag-ibig mong wagas. B - Kami ay lingapin at sa kahirapan ay iyong iligtas. P - Kaawaan tayo-ng makapangyarihang Diyos, patawarin tayo sa ating mga kasalanan, at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan B-Amen. Gloria Papuri sa Diyos sa kaitaasan at sa lupa’y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya. Pinupuri ka namin, dinarangal kanamin, sinasamba kanamin, inagbubunyi ka namin, pinasasalamatan ka namin dahil sa dakila mong angking kapurihan. Panginoong Diyos, Hari ng langit, Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, Panginoong Jesukristo, Bugtong na Anak, Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama. Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin. Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, tanggapin mo ang aming kahilingan. Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama, maawa ka sa amin. Sapagkat ikaw lamang ang banal, ikaw lamang ang Panginoon, ikaw lamang, O Jesukristo, ang Kataas-taasan, kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan ng Diyos Ama. Amen. Pambungad na Panalangin P - Manalangin tayo (Tumahimik) ‘Ama naming makapangyari- han, sa iyong Anak na pinakamamahal at Hari ng sanlibutan niloob mong pag-isahin ang tanan. Idulot mong ang tanang kinapal na pinalaya sa kaalipinan ay makapaglingkod sa lyong kadakilaan at makapagpuri sa iyo nang walang humpay sa pamamagitan ni Jesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. B-Amen. Unang Pagbasa [Dan 7:13-14) WUmupo) Ang taong nakasakay sa ulap ay tumutukoy kay Jesukristo na darating upang pamahalaan ang lahat sa langit at lupa. Ito ang nababanaag sa propesiya ni Daniel. Pagbasa mula sa aklat ni propeta Daniel SAMANTALANG ako'y nama- mahinga sa gabi, patuloy ang aking pangitain. Ang nakita ko naman ay isang tila taong nakasakay se ulap. Bumaba ito at lumapit sa nabubuhay magpakailanman. Binigyan siya ng kapamahalaan, ng karangalan, at ng kaharian Siya ay paglilingkuran ng lahat ng tao, bansa, at wika. Ang pamamahala niya ay di matatapos at hindi babawiin, at hindi mawawasak ang kanyang kaharian. — Ang Salita ng Diyos. B - Salamat sa Diyos. Salmong Tugunan (Sim 92) T-Panginoo'y naghari na! Ang damit n’ya’y maharlika. E.C. Marfori DFH G OD ges = Pangi-no- o'y nag-ha-ri nat Gm ‘Ang de-mit n'ya’y ma - har-li-ka. 1. Panginoo'y naghahari, na ang suot sa katawan/ ay damit na maharlika at batbat ng kalakasan. (T), 2. Ang sandigan ng daigdig, matatag ang pinatungan/ kahit ano ang gawin pa’y hindi ito magagalaw./ Ang trono mo ay matatag simula pa noong una./ Bago pa ang ano pa man, likas ika"y naroon na. (T) 3. Walang hanggan, Panginoon, ang lahat ng tuntunin mo,/ sadyang banal at matatag ang sambahang iyong templo. (T) Tkalawang Pagbasa (Pag 1:5-8) Dahil sa kanyang muling pagkabuhay, itinatampok si Kristo bilang Haring mga hari. Bilang Hari, isasaayos niya ang lahat ng bagay. Pagbasa mula sa aklat ng Pahayag Sumainyo ang pagpapala at kapayapaan mula kay Jesukristo, ang tapat na saksi, ang unang nabuhay sa mga patay, at Hari ng mga hari sa lupa. Iniibig niya tayo, at sa kanyang pagkamatay ay pinalaya niya tayo mula sa ating mga kasalanan. Ginawa niya tayong isang liping maharlika upang maglingkod sa Diyos at kanyang Ama bilang mga saserdote. Kay Jesukristo ang kapurihan at kapangyarihan magpakailanman! Amen Pakatandaan ninyo, darating siyang nasa mga alapaap, makikita ng lahat, pati ng umulos sa kanyang tagiliran; dahil sa kanya, jiyak ang lahat ng lipi sa lupa. Magkakagayon nga. Amen. “Ako ang Alpha at ang Omega,” wika ng Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat, Diyos sa kasalukuyan, sa nakaraan, at siyang darating. — Ang Salita ng Diyos. B- Salamat sa Diyos. Aleluya [Me 11:9, 10] (Twmayo) B-Aleluya! Aleluya! Pagpalain dumarating sa ngalan ng Poon natin, paghahari’y kanyang angkin. Aleluya! Aleluya! Mabuting Balita (in 18:33b-37) P - Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan B- Papuri sa iyo, Panginoon. NOONG panahong iyon, itina- nong ni Pilato kay Jesus, “Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?” Sumagot si Jesus, “lyan ba'y galing sa inyong sariling isipan, ‘© may nagsabi sa inyo?” "Ako ba’y Judio?” tanong ni Pilato. “Ang mga kababayan mo at ang mga punong saserdote ang nagdala sa iyo rito. Ano ba ang ginawa mo?” Sumagot si Jesus, “Ang kaharian ko'y hindi sa sanlibutang ito. Kung sa sanlibutang ito ang aking kaharian, ipinakipaglaban sana ako ng aking mga tauhan at hindi naipagkanulo sa mga Judio. Ngunit hindi sa sanlibutang ito ang aking kaharian!” “Kung gayon, isa kang hari?” sabi ni Pilato. Sumaget si Jesus, “Kayo na ang nagsasabing ako'y hari Ito ang dahilan kung bakit ako ipinanganak at naparito sa sanlibutan: upang magsalita tungkol sa katotohanan. Nakikinig sa aking tinig ang sinumang nasa katotohanan.” — Ang Mabuting Balita ng Panginoon. B - Pinupuri ka namin, Panginoong Jesukristo. Homiliya (Umupo) Pagpapahayag ng Pananampalataya (Tamayo) B - Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit atlupa. Sumasampalataya ako kay Jesukristo, lisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat. Nagkatawang-tao siya lalang ng Espiritu Santo, anganak ni Santa Mariang rhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao. Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit. Naluluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Doon magmumulang paririto at huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao. Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga banal, sa kapatawaranng mga kasalanan, sa pagkabuhay na muli ng nangamatay na tao at sa buhay na walang hanggan. Amen. Panalangin ng Bayan P - Manalangin tayo upang ang paghahari ng Diyos ay maging ganap, at matupad ang kanyang kalooban dito sa lupa para nang $a langit. Buong tiwala nating sabihin: T- Panginoon, Dakilang Hari, dinggin ko kami. L - Para sa Santo Papa, mga obispo, mga pari, at mga diyakono: lumago nawa sila sa katapatan kay Kristong Hari upang paglingkuran nila at gabayan ang kawang ipizagkatiwala sa kanila ng Diyos. Manalangin tayo: (T) L - Para sa mga pinuno ng pamahalaan sa buong mundo: itaguyod nawa nila ang katerungan, kapayapaan, at kaunlaran sa kani-kanilang mga bayan at maipagtanggol nila ang mga mahihina at mga walang tinig sa lipunan. Manalangin teyo: (T) L - Para sa mga hukom, mga pulis, at iba pang alagad ng batas: maging patas, makatao, at mabuti nawa ang pagpapa- tupad nila sa batas at ma- unawaan nila na may panana- gutan din sila kay Kristong Hari. Manalangin tayo: (T) L - Para se mga humahamak sa kapayapaan, sa mga nagha- hasik ng pagkakahati-hati, at sa mga gumagamit ng dahas at panunupil upang matupad ang kanilang makasariling nais: magbagong-loob nawa sila at tahakin ang daan ng kapay- apaan at pagkakaisa. Manalan- gin tayo: (T) L - Para sa lahat ng mga may karamdaman at mga naging biktima ng sakuna: magtiwala nawa sila kay Kristong Haring magdudulot sa kanila ng panibagong lakas at pag-asa Manalangin tayo: (T) P - Diyos Ama sa langit, itulot meng kami‘y.maging mga tapat na alagad ni Kristong aming Tagapagligtas at Hari. Sa gitnang mga hirap sa buhay, maging lakas.nawa namin siya na naghahari ng kasama mo ngayon at magpakailanman. B-Amen. Paghahain ng Alay (Tiinayo) P - Manalangin kayo... B- Tanggapin nawa ng Pangi- noon itong paghahain saiyong mga kamay sa kapurihan niya at karangalan, sa ating kapaki- nabangan at sa buong Samba- yanan niyang banal. Panalangin ukol sa Mga Alay P - Ama naming Lumikha, sa paghahain namin ng mga alay sa ikapagkakasundo ng sangkatau- han iniluluhog naming ang iyong Anak nawa'y magbigay ng mga kaloob na pagkakaisa at kapayapaan sa pamamagitan niya kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. B-Amen. Prepasyo (Kristong Hari) P - Sumainyo ang Panginoon B- At sumaiyo rin. P - Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa. B-Itinaas nanamin sa Panginoon. P - Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos. B-Marapatnasiyaay pasalamatan. P - Ama naming makapangya- rihan, tunay ngang marapat na ikaw ay aming pasalematan. Hinirang mong tagapaghain ng tanan ang iyong Anak na Panginoon ng sanlibutan. Pinadaloy mo sa kanya ang langis ng kasiyahan tanda ng paghirang mong pangmagpakailanman. Sa paghahaing ginampanan niya sa krus siya ang dalisay na tagapag- buklod, siya ang gumanap sa aming pagkatubos, siya ang sumakop sa sansinukob, Ang kanyang paghaharing lagi sa lahat ay siyang lubusang naglalahad ng iyong kadaki- laang matapat upang buhay mo'y sa lahat maigawad. Sa paghahari niya, latiat ay hina- hatian sa iyong kegandahang- loob at kabanalan, sa iyong dangal at kapayapaan Kaya kaisa ng mga anghel na nagsisiawit ng papuri sa iyo nang walang humpay sa kalangitan kami'y nagbubunyi sa iyong kadakildan: B - Santo, Santo, Santo Panginoong Diyos ng mga hukbo. Napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan mo! Panginoon! Osanasa kaitaasan! CLumubod) Pagbubunyi (Tumayo) B - Si Kristo'y namatay! Si Kristo'y nabuhay! Si Kristo’y babalik sa wakas ng panahon! Eel ai Stitt AMBUHAY MISSION APPEAL Beamission partner for Sambuhay! a ‘Sambuhay Missalatte and Sambuhay TV are pieased to offer you a chance tore its hundreds of thousands readers and viewers. We share our*sacted space” for: ‘Vocetion promotions = Invitations from Catholic communities and other groups = Announcements forspacal programs and activities ~ Lecel end international pilgrimages = Other church and faith-based matters tou] Sambuhay Sundoy sale {English or Filipina) Sanday {Hiligeynon) Sembubay First Friday Sambuby Sunday Maso (English ot Fini) _ Sommbuiay TY Gs B95970% to Ot oc: 310) 6957328;7772004 gD facedook.com/senibehayr! “ge Fambuhsy:missalette@giasl.com © putushingestpauls ph Ama Namin B-Ama namin. P - Hinihili 0 ang kaharian han at ang kapurihan magpakailanman! Amen. Pagbati ng Kapayapaan Paanyaya sa Pakikinabang (Lumahod) P--Ito ang Kordero ng Diyos. Ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan. Mapalad ang mga inaanyayahan se kanyang piging. B - Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo ngunit sa isang salitamo lamang ay gagaling na ako. Antipona sa Komtunyon (Slm 29:10-11) Maghahari kailanman ang Panginoon sa tanan. Pagpa- pala’y ibibigay ng Poon sa kanyang bayan upang tana’y matiwasay. Panalangin Pagkapakinabang (Tumayo) P-Manalangin tayo. (Tumahimi&) Ama naming mapagmahal, kaming pinapakinabang mo sa pagkaing nagbibigay-buhay ay nagsusumamong kaisa niyang makapamuhay sa kaharian sa Luar 1 SUNDAY 1 SUNDAY 1 FRIDAY 8 SUNDAYS (months) 1 EPISODE P 4,000 P 1,500 P 2,000 P 25,000 P 5,000 LP abookicon sara © ireretigont consent sb langit magpakailanman pakun- dangan sa karangalang sundin ang mga kautusan ng Haring si Kristo sa sanlibutan sa pamamagitan niya kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan B- Amen. Cte a) P - Sumainyo ang Panginoon. B-Atsumaiyo rin. Pagbabasbas P = Magsiyuko kayo habang iginagawad ang pagbabasbas. (Tumahimit) Ama naming mapagpala, lingapin mo at dalisayin ang iyong mga anak, ttaguyod mong lagi ang iyong sambayanan upang makasepit sila sa iyong inilaang buhay sa pamamagitan ni Jesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawelang hanggan. B-Amen. P - Sumainyo ang pagpapala ng dakilang Diyos, Ama at Anak (+) at Espiritu Santo. B- Amen. Pangwakas P - Taglayin ninyo sa inyong pag-alis ang kapayapaan ni Kristo B- Salamat sa Diyos.

You might also like