You are on page 1of 3

REPLEKTIBONG SANAYSAY

Walang isinilang sa mundo na hindi nagmula aa kanyang ama at

ina. Tayong lahat ay mayroong nanay at tatay. Base sa video na aking

napanood, pinapakita rito ang pag-aaruga ng isang ina sa kanyang

anak. Simulat sapol, tayo ay kumakapit sa ating ina. Sila ang siyang

nag-aalaga sa atin hanggang sa ating paglaki at hanggang sa

makamtan na natin ang ating mga mithiin, kahit na sila ay sobrang

nahihirapan na ay pahat kinaya at ginawa ang lahat para sa atin. Luha

at pawis man ay kakayanin ng ating ina para lamang tayo ay

mapasaya at mabigyan ng magandang buhay. Sa aking video na

napanoo, makikita natin ang kabutihang loob na ipinakita ng isang

babae dahil sa pag-angkin niya sa batang itinapon sa basurahan.

Kahit alam niyang mahirap ay ginawa niya paring tumayong nanay at

tatay sa batang si June, kahit na siya ay nag-aaral pa.

Alam kong hindi madali ang dinaanan niya sa kanyang buhay

sapagkat mag-isa lamang siyang nag-aalaga at nagpapaaral sa bata.

Ang mga bata ay dapat inaalagaan, minamahal, pinapaaral at hindi

basta-bastang itatapon saan man. Sa video, hindi tama ang ginawa

ng orihinal na magulang ng bata dahil ito'y malaking kasalanan sa

Dios. Ang pagtapon ng batang sanggol sa basurahan ay isang sala

na walang kapatawaran sa mata Panginoon. Salamat lamang sa

tumayong ina sa bata dahil tinanggap niya ito at inalagaan.

Lahat ng mabuting gawain na ating ginawa ay sa huli

masusuklian din ito nang mabuti na kung saan tayo ay liligaya sa

buhay at lahat ng gusto natin ay ating makamtan. Ang Panginoon


na ang siyang bahala sa lahat upang ikaw ay mapasaya at maging

matagumpay sa buhay. Ang pagkakaroon ng kabutihan at

magandang loob ay siyang tutulong sayo upang ikaw ay aangat at

maging masaya sa buhay.

POSISYONG PAPEL

Isa sa mga mainit na isyu sa ating bansa ngayon ay ang tinaawag na Death

Penalty. Kailangan nga bang ipatupad ito? Para sa akin, ako ay lubhang

hindi sang-ayon sa pagpapatupad nito. Tayong lahat ay may karapatang

mabuhay nang payapa at matagal. Hindi ang paggamit ng dahas ay

siyang laging solusyon sa mga problemang hinaharap ng tao at ng bansa

kundi mayroon paring mga bagay na mas importante kaysa dito.Lahat

tayo ay may pagkakataong mabago at magsimula ng panibagong buhay,

subalit hindi natin ito makakamtan kung ang Death Penalty ay ating

ipapatupad. Ayon sa paniniwala ni Chito pinuno ng CHR ay kung

ipapatupad ang parusang kamatayan ay wala na silang pangalawang

pagkakataon upang magsimula ulit, na kung saan taliwas ito sa parusang

Death Penalty. Sang-ayon ako sa sinabi ni Chito sapagkat tayong lahat

ay nagkakamali, hindi lamang isa, dalawa, kundi maraming beses tayong

nagkakasala sapagkat tayao ay tao lamang "nagkakasala”. Tayo ay


nararapat lamang bigyan ng pagkakataong magbago at hindi ang hatulan

agad ng kamatayan dahil sa salang nagawa.

Hindi naman ang kamatayan agad ang magiging solusyon sa mga

krimeng nagawa ng tao. Ayon kay Novaliches Bishop Emeritus Teodoro

Bacani, sa halip na buhayin ang Death Penalty ay hulihin ang kriminal at

mabilis na ipataw ang hustisya sa mga krimen upang masugpo ang

anumang kriminalidad. Hayaan na nating mabuhay pa ang tao at ang

Dios na ang bahalang humusga. Tanging ang Panginoon lamang ang may

kapangyarihan at may kakayahang magbigay at kumuha ng buhay.

Ang pagpatay ay salang walang kapatawaran sa ating Panginoon.

Utos niya ay “Huwag pumatay”, kaya nararapat na atin itong sundin

sapagkat ang Dios ang siyang pinakamakapangyarihan sa lahat. Siya ang

ating "Tagagawa, Tagabigay at Tagakuha." Sa halip na pairalin ang Death

Penalty ay mas importante parin ang pagpapatawad at pagmamahalan

ang pairalin natin. Sa pamamagitan nito magiging makabuluhan ang

pagtira natin dito sa mundo. Tanging ang mga bagay na ito ay siyang

kailangan upang magkaroon ng mapayapa at magandang buhay na kung

saan mailalayo tayo sa kasamaan at magkaroon ng buhay na walang

hanggan.

You might also like