You are on page 1of 2

Posisyong Papel Ukol sa Pag-iimplementa ng K-12 Kurikulum

Magpahanggang ngayon marami pa rin ang mga isyu tungkol sa pag-


iimplementa sa K-12 Kurikulum. Marami pa rin ang mga hindi nakaiintindi kung
ano ito at paano ito tumatakbo. Pero ano ba ang pananaw ng isang estudyante na
naapektuhan nito?

Bilang isang Senior High na estudyante, umaayon ako sa pagpatutupad ng


Enhanced Basic Education Act of 2013 na layuning baguhin ang sistema ng
edukasyon sa ating bansa sapagkat ang Pilipinas na lamang sa Asya ang mayroong
sampung taon ng basic education. Ipinatupad ito ng Kagawaran nng Edukasyon
noong 2012 sa administrasyon ni Pangulong Benigno S. Aquino III
(http://k12kurikulum.blogspot.com/2014/09).

Sa pagpatutupad nito, mas magiging handa ang kabataan sa pagtatrabaho at


pagkuha ng propesyon. Maaari na ring ituring na may mataas na pinag-aralan ang
sino mang nagtapos ng K-12 kahit pa sa ibayong-dagat. Ayon nga sa blogspot.com,
maaari ng kumuha ng Certificate of Competency Level 1 kung nakumpleto mo ang
requirements ng TESDA kahit na Junior ka palang at pagnagpatuloy sa Senior High,
ay may mas magandang oportunidad na makakuha ng trabaho lalo na sa mga kapos
sa panustos sa kolehiyo.

Ganoon paman, marami rin ang kumokontra nito. Nakikita pa rin nila ang K-
12 bilang aksaya sa oras at sapat na daw ang sampung taon na batayan sa edukasyin.
Ayon kay ANAKBAYAN UP LOS BANOS (2012), na nakakukuha pa rin ng
mataas na marka ang mga bansa na may 10 taon na batayang edukasyon, ang K-12
din daw ay disenyo upang mapagsilbihan ang mga dayuhang mamumuhunan sa
bansa at hinihikayat nito ang mga kabataan na mangibang bansa imbis na
maglingkod sa sariling bayan. Ayon din ditto na kulang ang DepEd sa preparasyon
sa pagpatutupad nito.

Pero para sa akin, mabuti parin ang pag-iimplementa nito sa kabila ng mga
batikos at aligasyon. Sinasaad sa Republic Act no. 10533 Section 2. Declaration of
Policy --- The State shall establish, maintain and support a complete, adequate and
intergrated system of education relevant to the needs of the people, the country and
society-at-large. Ditto makikita natin na sino man ang magtatapos ng K-12
Kurikulum ay mas skilled at armado sa pakikibaka sa global competencies. Nagiging
reponsabling mamamayan din ito.
Sa pangwakas, tulad nga ng nabasa ko sa D’Star (2015), gawin sana ng mga
concerned na mga sektor ang kanilang parte para maging mabisa ang pag-
iimplementa ny K-12. At ngayon nga na napatupad ito, masasabi ko na maayos ang
naging takbo nito at tinatamasa ko ang magagandang dulot nito. Kaya samahan mo
ako, wag nang mag-atubili, supurtahan natin ito.

You might also like